You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Sur
SANTA DISTRICT
NAGPANAOAN COMMUNITY SCHOOL
Nagpanaoan, Santa, Ilocos Sur

DEMONSTRATION LESSON PLAN in


FILIPINO V
I. Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamain.
Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng radio, broadcast/teleradyo, debate ng isang forum
Pamantayan sa Pagkatuto: Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang
balita (F5WG-Iva13.1)

II. Iba’t-ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsasalaysay


A. Sanggunian: Curriculum Guide
Alab Filipino 5, dd. 172-173
Hiyas sa Wika 5, dd. 15-18

B. Kagamitan: PowerPoint presentation, cut-out, concept map, manila paper, pentel pen, video clip
C. Value: Pagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mula sa radio at telebisyon
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral
Magbalik-aral tungkol sa dalawang bahagi ng pangungusap.
Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap?
Ano ang pagkakaiba ng simuno sa panaguri?
Magkaroon ng pagsasanay tungkol sa bahagi ng pangungusap.
Panuto: Bilugan ang simuno at salungguhitan ang panaguri sa bawat pangungusap.
1. Si Mark ang pinakamatalino sa aming klase.
2. Maliwanag ang buwan.
3. Ang magkapatid na Jane at Joshua ay palaging nananalo sa patimpalak.
4. Payat na bata si Romeo.
5. Malamig ang tubig sa ilog.

B. Pagganyak
Alamin sa mga mag-aaral ang mahilig sa pakikinig ng balita mula sa radio o panunuod ng balita mula
sa telebisyon.
Pag-usapan ang pinakaminit na balitang pinag-uusapan sa radio o telebisyon. Gayundin ang
naidudulot ng pakikinig o panunuod ng balita sa radio at telebisyon.
Ano ang mabuting naidududlot ng pakikinig ng balita mula sa radio o panunuod ng balita sa radio?
Iprisinta sa mga mag-aaral ang isang balita. Basahin ito ng malakas

Sa isang pagtitipon ay ipinakilala na naging Kinatawang Arzadon si Dominador Cariaga kay Magsaysay.
O, kumusta?‖ ang bati ni Magsaysay, Napansin niyang si Cariaga ay walang kaliwang bisig at wala ring mga paa. Nadama
niya ang mahirap na kalagayan ng abang si Cariaga. Noon din ay nagkaroon siya ng malaking pagnanasang matulungan ito.“Pag
ako‘y nahalal, G. Cariaga, ika‘y tutulungan ko upang magkaroon ka ng trabaho.” Si Cariaga‘y nagalak sa kanyang narinig.
Nang mag-eleksiyon, si Magsaysay ang siyang nagtagumpay. Sa mga nagdiwang sa kanyang pagwawagi ay isa na si
Dominador Cariaga. Nang si Cariaga ay nagtungo sa Malacaῆang, siya ay binigyan ng isang sulat ng Pangulo para sa mga
Tagapangasiwa ng Pangasiwaan ng Kagalingang Panlipunan o Social Welfare Administration (SWA). Ang pangulo‘y nagsadya roon
upang tiyakin kung siya ay natanggap na sa SWA.

Pag-usapan and laman ng balita. Gamiting gabay ang sumusunod na tanong:


1. Paano nakilala ni Cariaga si Ramon Magsaysay?
2. Ano ang ipinangako agad ni Ramon Magsaysay kay Cariaga sa una pa lamang nilang pagkikta?
3. Paano ipinakita ng Pangulo ang kanyang pagmamalasakit sa kagalingan ni Cariaga?
C. Paglalahad
Iprisinta sa mga mag-aaral ang sumusunod na pangungusap.
a. Sa isang pagtitipon ay ipinakilala si Dominador Cariaga kay Ramon Magsaysay.
b. O, Kamusta ka na kaibigan?
c. Mabuhay! Panalo si Panguong Magsaysay.
d. Pumunta ka sa aking opisina kaibigan upang mapag-usapan natin ang iyong nais.

D. Pagtatalakay
Pag-usapan ang bawat pangungusap.
Palalimin ang talakayan tungkol sa apat na uri ng pangungusap.
Magsagawa ng pangkatang gawain. Hikayatin ang bawat grupo na sumulat ng pangungusap
tungkol sa isang balita. (Pakikinig sa balita)

Group 1: Pasalaysay Group 3: Pautos


Paglilinis
sa Manila
Bay
Group 2: Patanong Group 4: Padamdam

E. Paglalahat
Gamit ang concept map ay tukuyin ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.
pangungusa
Uri ng
p

Ano ang apat na uri ng pangungusap?

F. Paglalapat
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nakasulat sa cut-out.

Kailangang hulihin ang mga taong magtatapon ng basura sa Manila bay.

Ang pangulo ay nagdadalamhati sa sinapit na pambobomba sa Sulu.

Sumasang-ayon ka ba sa pagpapababa sa edad ng mga kabataang maaaring makulong dahil sangkot sa krimen?

Hala! nakakatakot ang salpukan ng mga pulis at ISIS.

Ipinagdiriwang ang Kanawidan Ylocos Festival mula January 29 hanggang February 17 taon-taon.
IV. Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap. Isulat ang pasalaysay patanong, pautos o padamdam.
1. Nagsisisigaw ang mga tao dahil sa kaguluhan sa Sulu.
2. Bakit hindi matigil-tigil ang patayan sa Mindanao?
3. Hoy! Huwag kang magtapon ng basura sa dalampasigan.
4. Huwag kang sumama sa mga nagbabalak magprotesta sa EDSA.
5. Mariing ipinagbabawal ng pamahalaan ang paggamit at pagbebenta ng droga.

V. Takdang Aralin
Makinig ng balita mula sa radio o manuod mula sa telebisyon para malaman ang kasalukuyang balita tungkol
sa bansa. Pagkatapos ay sumulat ng tig -isang uri ng pangungusap tungkol dito.

Inihanda ni:

RHANDY V. BUENECILLE
Teacher I

Noted:

BEATRIZ A. BILLONES
Teacher II/Teacher-in-Charge

You might also like