You are on page 1of 23

8/17/2021 M1-Panimula: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRMORRONDOZ

M1-Panimula
 Panimula
 

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang mga panimulang kaalaman sa pag-unawa sa sining at panitikan.
Iisa-isahin ang mga simulain at kahalagahan nito sa mga babasahin at makabagong panitikang
popular. Bibigyang-kahulugan sa mga aralin ang sining at mga pamamaraan sa pag-unawa rito.

Ang sining bilang kakayahan at kasanayan ay nagagamit sa maraming paraan ng sining ng


komunikasyon. Nakapaloob din dito ang iba’t ibang saklaw ng pagkamalikhain. Kabilang rin sa
modyul na ito ang malalim na pagkilala sa panitikan bilang paraan ng pagpapahayag ng damdamin
ng tao. Gayundin ang mga sandigan o teoryang isinaalang-alang sa paglikha nito.  

Ang modyul na ito ay tatalakay sa kahulugan at kahalagahan ng sining sa Panitikan. Iisa-isahin rin
ang mga anyo at uri ng Panitikan, gayundin ang mga teorya sa pag-unawa rito. 

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-panimula?module_item_id=773674 1/1
8/17/2021 M1-Aralin 1 – Sining: Kahulugan at mga Pangunahing Paksa sa Pag-unawa: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-R…

M1-Aralin 1 – Sining: Kahulugan at mga


Pangunahing Paksa sa Pag-unawa
Aralin 1 – Sining: Kahulugan at mga Pangunahing Paksa sa
Pag-unawa

Kahulugan ng Sining

Ang Sining ay nangangahulugang kakayahan o kasanayan.

Nagagamit ang salitang ito sa maraming paraan gaya ng sining ng pakikipagtalastasan, sining ng
pagbigkas, sining ng pagtula, sining ng pag-awit, sining ng pagtatalumpati, sining ng pagbasa, sining
ng pagsulat, sining pantanghalan, at iba pa.

Nakapaloob din dito ang iba’t ibang saklaw at lawak ng pagkamalikhaing naglalayong matuklasan
ang kagandahan sa tulong ng paggamit ng iba’t ibang uri ng pandama.

Naipapahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng imahinasyon. Tulad ng mga makata, manunulat,


kompositor, pintor, at iskultor, nababalutan ng imahinasyon ang kanilang mga likhang-sining na gamit
na puhunan ang kanilang talino, damdamin, kakayahan, at karanasan.

Ang anomang gawaing pansining o likhang-sining ay kinapapalooban ng pagtatangka, pagbabalak,


paghahanda, pagsasakatuparan, at paggamit ng imahinasyon.

Ayon sa mga modernista, ang sining ay dapat na maging matapat na kinatawan o representasyon ng
daigdig. Ito’y hindi dapat na maging larawan lamang ng katotohanan kundi maging ang kahulugan ng
nakakubling kahiwagaan nito.

Pangunahing Pangangailangan sa Sining

Paano naisasagawa ang pagsasanay sa kasanayan sa pagkilala ng isang sining? Ang lahat ng
bagay sa ating buhay ay may hugis o anyo kaya naman nakakahon sa isipan natin ang kahulugan
ng kariktan, sa kung ano ba ang maganda at hindi.

Kabilang ang anyo sa pag-unawa ng sining. Ang anyo ay anomang may angking hugis katulad ng
mukha. Ang kakayahang umunawa ng hugis ay isa sa mga gawaing unang nililinang ng isang tao.
Ito ang isa sa pinakamadadaling sanaying kakayahan. Maaari itong ilarawan sa kaisipan at sa
aktuwal. Narito ang gabay sa higit na pag-unawa rito. 
https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-1-sining-kahulugan-at-mga-pangunahing-paksa-sa-pag-unawa?module_item_id=773681 1/6
8/17/2021 M1-Aralin 1 – Sining: Kahulugan at mga Pangunahing Paksa sa Pag-unawa: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-R…

http://www.thedrawingwebsite.com/2015/02/18/practicing-your-draw-fu-forms-forms-are-like-
sentences/

Isa pang pangunahing pangangailangan ng sining ay ang perspektibo. Ito ay ang pagbuo ng
kaalaman o hugis batay sa iyong pananaw. Ang perspektibo ay pag-unawa sa mga bagay mula sa
https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-1-sining-kahulugan-at-mga-pangunahing-paksa-sa-pag-unawa?module_item_id=773681 2/6
8/17/2021 M1-Aralin 1 – Sining: Kahulugan at mga Pangunahing Paksa sa Pag-unawa: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-R…

mata ng tumitingin, maaaring malapit o malayo, malaki o maliit, ayon sa kinalalagyan ng susuri nito.
Upang higit na maunawaan ang pangangailangang ito ng sining, narito ang isang video.

Eye Level - An Essential Perspective Tip for Artists

Maraming pagtatalo sa pagiging pangunahing paksa sa sining ng anatomiya dahil hindi ito
pangangailangan sa pagguhit o pagdrowing. Bagamat naging argumento rito ang pagkakaroon ng
https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-1-sining-kahulugan-at-mga-pangunahing-paksa-sa-pag-unawa?module_item_id=773681 3/6
8/17/2021 M1-Aralin 1 – Sining: Kahulugan at mga Pangunahing Paksa sa Pag-unawa: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-R…

kaalaman sa buhay na nilikha upang mapag-ugnay at maunawaan kung paanong naigagalaw ang
mga bahagi ng katawan. Mahirap ang anatomiya, hindi lamang dahil sa teknikal na komposisyon
nito, kung di maging sa malawak na kaalamang nakapaloob dito. Sa pagguhit, mahalagang
nauunawaan ang proporsyon at relasyon ng mga elemento nito. Isang mahalagang sanggunian ng
likhang sining ang akda ni Proko https://conceptartempire.com/proko-human-anatomy-course-
review/.

Ang komposisyon ay maituturing na mahirap dahil magsisimula sa kawalan hanggang sa makabuo


ng isang kabuuan. Ang mga piraso ay pagsasama-samahin upang makabuo ng komposisyon. Ang

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-1-sining-kahulugan-at-mga-pangunahing-paksa-sa-pag-unawa?module_item_id=773681 4/6
8/17/2021 M1-Aralin 1 – Sining: Kahulugan at mga Pangunahing Paksa sa Pag-unawa: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-R…

kabuuang “layout” ay napakahalaga. Isinasaalang-alang ng mga manlilikha ang mga bagay na tulad
ng “the rule of the thirds” https://emptyeasel.com/2009/02/03/the-rule-of-thirds-why-it-works-and-how-
to-use-it-in-your-art/ at “golden ratio” https://emptyeasel.com/2009/01/20/a-guide-to-the-golden-ratio-
aka-golden-section-or-golden-mean-for-artists/. Ang pagpili ng komposisyon ay batay sa hugis,
anggulo, prespektibo, at atensyon sa mga kasamang bagay. Narito ang ilang bagay o mga tip sa
komposisyon https://emptyeasel.com/2006/12/08/9-steps-to-creating-better-compositions/.

Ang halaga at pag-iilaw ay isa rin sa mga pangunahing pangangailangan ng sining. Ang paksa ay
dapat na detalyado dahil sakop nito ang lahat gayundin ang kaalaman sa hugis na di matatawaran
ang halaga sa pag-aaral ng halaga. Sa pag-aaral ng halaga ay kabilang ang pag-iilaw at anino.
Gayunpaman, may teknikal na aspeto na bibigyang-pansin. Kasama sa pagkilala sa liwanag o dilim
ng isang sining ang kahulugan nito. Maaari itong matutunan dito.
https://design.tutsplus.com/articles/improve-your-artwork-by-learning-to-see-light-and-shadow--cms-
20282.

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-1-sining-kahulugan-at-mga-pangunahing-paksa-sa-pag-unawa?module_item_id=773681 5/6
8/17/2021 M1-Aralin 1 – Sining: Kahulugan at mga Pangunahing Paksa sa Pag-unawa: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-R…

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-1-sining-kahulugan-at-mga-pangunahing-paksa-sa-pag-unawa?module_item_id=773681 6/6
8/17/2021 M1-Aralin 2: Panitikan: Kahulugan, Anyo, at Mga Uri Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRMORRONDOZ

M1-Aralin 2: Panitikan: Kahulugan,


Anyo, at Mga Uri Nito
Aralin 2: Panitikan: Kahulugan, Anyo, at Mga Uri Nito

Ang salitang Panitikan ay nagmula sa mga salitang Pang (unlapi) + titik (salitang-ugat) + an (hulapi).
Ito ay galing sa salitang Latin na littera na nangangahulugang titik. Kaya naman ang isinatitik na
pahayag ay tinatawag na Panitikan o Literatura.

Ang panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin, at diwa ng tao


tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig.

Ito ay bungang isip na isinatitik. Ang panitikan ay matibay at panghabambuhay na pagpapahayag ng


mahalagang karanasan ng tao sa mga salitang mahusay na pinili at iniayos. Mahalagang sangkap
nito ang pag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa, mga aral na huhubog sa mabubuting
pagpapahalaga ng isang tao.

Ang panitikan ay isang anyo ng pagpapahayag ng tao, binubuo ng maayos at masining na


pagtitipon-tipon ng mga salita, sa tula o sa tuluyan man na ginagamitan ng imahinasyon.

Ito ay isang matibay at panghabampanahong pagpapahayag ng mahalagang karanasan ng tao sa


mga salitang mahusay na pinili at isinaayos.

Ang panitikan ay maaaring pasalin-dila (nagpasalin-saling kuwento mula sa isang panahon patungo
sa ibang panahon), pasulat (pagsasatitik nito sa aklat, magasin, o anomang babasahin) o
pasalintroniko (pagsasatitik ng akda sa web gamit ang kagamitang elektroniko.)

Kahalagahan ng Panitikan

1. Matuklasan ang sariling kalinangang maipagmamalaki.

2. Mapahalagahan ang wika, sining, halagang pantao, at iba pa.

3. Maihambing ang panitikan sa mga kilalang akdang nanuluktok sa buong daigdig, nang sa gayon,
mapalakas ng mga makata at manunulat ang mga kahinaang taglay ng ating panitikan. Sa

pamamagitan nito’y mabilis na mapauunlad ng ating panitikang may sariling tatak ng

kasiningan, kagandahan, at kadakilaan.

Anyo ng Panitikan

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-2-panitikan-kahulugan-anyo-at-mga-uri-nito?module_item_id=773685 1/4
8/17/2021 M1-Aralin 2: Panitikan: Kahulugan, Anyo, at Mga Uri Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRMORRONDOZ

Tuluyan o prosa – Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng


pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag, o sinusulat
nang tuluyan. 
Patula o panulaan – Ito ay sinusulat nang pataludtod o pasaknong sa pamamagitan ng salitang
binibilang ang pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma. 

Ang bawat anyo ng panitikan ay may mga uri. 

1. Mga akdang tuluyan

A. Alamat – Ito ay isang uri ng tuluyang tumutukoy sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Minsan sa mga pinagmulan ng mga panawag, lugar, hayop o mga halaman. Tinatalakay dito
ang kakumbakitan ng mga bagay-bagay.

B. Anekdota – Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang
sikat, o kilalang mga tao.

C. Nobela – Tinatawag din itong kathambuhay. Ito ay isang mahabang kuwentong piksyong hinahati
sa iba’t ibang kabanata.

D. Pabula – Akdang ang mga tauhan ay mga hayop.

E. Parabula – Ito ay maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.

F. Maikling Kuwento – Hinggil ito sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikang
natatapos basahin sa isang upuan lamang.

G. Dula – Salaysay na hinahati sa pamamagitan ng mga yugto at kadalasang isinalaysay sa mga


teatro.

H. Sanaysay – Ito ay isang komposisyong kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-


akda.

I. Talambuhay – Isinalaysay nito ang kasaysayan ng buhay ng isang tao na batay sa mga tunay na
impormasyon.

J. Talumpati – Paglalahad ito ng mga kaisipan o opinyon ng isang tao hinggil sa isang
napapanahong paksang may layuning humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.

K. Balita – Ito ay nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang
bansa.

L. Kwentong Bayan – Ito ay isang uri ng salaysay na likhang-isip na mga tauhang kumakatawan sa
mga uri ng mamamayan. Kadalasa’y tumatalakay din sa mga suliraning panlipunan.

2. Mga akdang patula

A. Tulang Pasalaysay – Ito ay tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo o


pangyayari sa buhay, ang kagitingan, at kabayanihan ng tauhan.

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-2-panitikan-kahulugan-anyo-at-mga-uri-nito?module_item_id=773685 2/4
8/17/2021 M1-Aralin 2: Panitikan: Kahulugan, Anyo, at Mga Uri Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRMORRONDOZ

  1) Awit – Ito ay tulang nagsasalaysay ng mga buhay ng mga mahal na tao tulad ng hari, reyna,
prinsipe, duke, at iba pa. Ang tagpuan ay mga kaharian at binabasa nang paawit ngunit may himig
na mabagal o tinatawag na andante. Mayroon itong lalabindalawahing (12) pantig sa bawat taludtod.
Pinapaksa nito ang makatotohanang kuwento ng mga tauhan at pakikipagsapalaran. Sinisimulan
ang ganitong uri ng tula sa paghahandog. Sikat na halimbawa nito ay ang Florante at Laura ni
Francisco Balagtas.

  2) Korido – Tulad ng awit, ang mga tauhan nito ay mga mahal na tao at naganap sa mga kaharian.
Gayunpaman, ito ay mayroon lamang wawaluhing (8) pantig sa bawat taludtod. Naging tanyag sa uri
nito ang Ibong Adarna.

  3) Epiko – Isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway na kadalasang hindi kapani-paniwala dahil sa mga tagpuang kababalaghan at di-
makatotohanan.

B. Tulang Pandamdamin o Liriko

  1) Dalit – Ito ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat. Karaniwang para sa
Diyos ito sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.

  2) Oda – Nagpapahayag ito ng paghanga o isang papuri sa isang bagay. Ang tulang Oda ay walang
tiyak na bilang sa pantig at walang tiyak na bilang ng taludtod.

  3) Soneto – Nagtataglay ito ng labing-apat (14) na taludtod at naghahatid ng aral sa mga


mambabasa.

  4) Elehiya – Ang tulang ito ay patungkol sa pagdadalamhati sa isang namatay o naglalarawan sa


pagbubulay-bulay sa kamatayan. Malungkot ang tema nito sapagkat naglalaman ito ng pag-aalala o
pagpupuri sa namatay.

  5) Kantahin – Ito ay musikang magandang pakinggan at binubuo ng mga payak na salita at sukat.

C. Tulang Pandulaan o Pantanghalan

  1) Tibag – Ito ay dulang nagtatanghal sa paghahanap ni Santa Elena sa mahal na krus na


kinamatayan ni Hesus. Tinitibag ang bahagi ng bundok upang hanapin ito. Ipinakikita rin ang
pagtatagumpay ni Emperador Constantino sa kaniyang mga kalaban at ang pagkakatuklas ni Santa
Elena sa krus. Sumisimbolo ito sa pagtatagumpay ng mga pinunong Kristiyano laban sa mga hindi
binyagan at ang pagkakasauli sa mahal na Santa Krus sa bundok ng Kalbaryo. Ito ay isang
pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal, at
Bicol.

  2) Senakulo – Patungkol sa buhay, pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng


Panginoong Hesukristo ang dulang ito. Isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong
Kristiyano.

  3) Moro-moro – Ito ay isang uri ng “komedya” na nagpapakita ng makasaysayang labanang

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-2-panitikan-kahulugan-anyo-at-mga-uri-nito?module_item_id=773685 3/4
8/17/2021 M1-Aralin 2: Panitikan: Kahulugan, Anyo, at Mga Uri Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRMORRONDOZ

nagsimula pa noong ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at
Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Kastila laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog
ng Pilipinas. Tinawag itong moro-moro sapagkat sa bandang huli’y ipakikitang sa kunwang labanan
ay ang Kristiyano ang magwawagi laban sa Muslim.

  4) Panunuluyan – Ito ay isang tradisyonal na dula tuwing bisperas ng Pasko hinggil sa


 paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at pagsisilang kay
Hesus sa isang sabsaban. Ang mga bahay na dadalawin ay naghahandog ng mga pagkain, kakanin,
at iba pa sa mga taong nanonood. Magwawakas ito sa isang malaking belen sa harap o altar ng
Simbahan at doon isisilang ang sanggol na si Hesus. Pagkatapos nito ay isinusunod ang espesyal
na misa ng Pasko.

  5) Salubong – Pagtatanghal ito ng pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong Hesus at ni


Birheng Maria.

  6) Sarswela – Isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong (3) yugto,
at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam,
at iba pa.

  7) Karagatan – Nanggaling ang dulang ito sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa


karagatan at nangakong pakakasalan ang binatang makakakuha nito.

  8) Duplo - Isa itong larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa
patay. Isinasagawa ito sa ika-9 na araw ng pagkamatay. Pagalingan rin ito sa pagbigkas at
pagdedebate ngunit sa parang patula na may tugmaan. Gumagamit ng mga biro, kasabihan,
salawikain, at taludtod galing sa Banal na Kasulatan. Ginagampanan ito ng mga bilyaka at bilyako na
tinatawag na mga duplero.

  9) Dalit – Ito ay ang pag-aalay ng bulaklak kasabay ng pag-awit bilang handog sa Birheng Maria.

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-2-panitikan-kahulugan-anyo-at-mga-uri-nito?module_item_id=773685 4/4
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan:


Teorya at mga Halimbawa Nito
Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito

Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan

“Naniniwala kaming malaki ang naiambag ng ngayon ay LWF sa pagpapasigla at pagpapataas ng uri
ng panunuring pampanitikan tungo sa lalo pang pagpapataas ng uri ng panitikang Filipino.”

- Ponciano B.P. Pineda

Ang panunuri o kritisismo ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang nilikhang
sining. Ito ay kaisipang hindi tapos. (Ramos at Mendiola, 1994)

Sa ilang kritiko, tinuturing ito bilang isang agham ng teksto.

Ito ay iniuugnay sa isang gawain ng mga kritikong may pinaghahanguang iba’t ibang teorya.
Ginagawa itong esensyal na gawain sa pagsasanay na ginugugulan ng maraming oras at panahon
sa pagsusulat ng mapanuring pagpapahayag.

1. Maituturing na isang pagpapahayag ang panunuring sa palagay ng nakararaming kritiko ay hindi


maaaring pasukin ng sino-sino lamang nang walang sapat na paghahanda at walang kakayahan.

2. Ang panunuring pampanitikan ay hindi lamang nagsusuri o nagbibigay-kahulugan sa mga


nagaganap sa daigdig, kung hindi ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao – ang kanyang
anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita, at maging ng kaniyang pakikipag-ugnayan sa kanyang
kapwa at sa lipunan.

Katangian ng Isang Mahusay na Kritiko sa Panitikan

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kaniyang pagmamalasakit. Ang mga
sumusunod ay ang mga katangiang dapat taglayin ng isang kritiko:

1. Ang kritiko ay matapat sa sarili at itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 1/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

isang sining. 

2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat,
mambabasa, o ideolohiya.

3. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.

4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritikong patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika,
kasaysayan, sikolohiya, atbp.

5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sa
sinusunod na alituntunin at batas.

6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na
kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit.

Paano magsuri ng isang Panitikan?

1. Paksa – Ito ang pinag-uusapan sa kabuuan ng babasahin o palabas.


2. Tauhan – Sila ang mga nagsisiganap at nagbibigay-buhay sa panitikan. Maaaring makilala bilang pangunahin o bida o kaya nama’y
mga katulong na tauhan. Ang ganda at bisa ng isang akda ay nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay-buhay sa mga karakter na
nalilikha ng manunulat. Samantala, ang kanilang pagganap sa panoorin tulad ng dula at pelikula ay binibigyang-pansin sa iba’t ibang
pamamaraan:

A. Subdued (internal) – Kadalasang tahimik lang ang tauhan, maaaring malungkot o nag-aalala. Pigil ang damdamin at di inilalabas

ang anomang masidhing emosyon.

B. Hysterical (external) – Kadalasang sumisigaw, nagwawala o kung di ma’y tumatalon at may labis na paggalaw ang tauhang
gumaganap. Masidhing emosyon ang ipinakikita sa ganitong uri ng pagganap habang nagagalit, natutuwa, o nasasabik.

C. Building up – Sa ganitong uri ng pagganap ay unti-unting ipinakikita ang pagtaas ng emosyon.

D. Descending – Kabaligtaran ito ng building up, dito’y pababa ang emosyon ng gumaganap. Mula sa mataas na emosyon ay unti-
unting bumababa ang damdamin sa pag-arte, mainit hanggang sa maging malamig ang emosyon.

3. Tagpuan – Tumutukoy ito sa kinaroroonan ng eksena o kuwento. Kabilang rin ang pagtukoy sa panahon nito.

A. Paggamit ng lokasyon sa eksena – saan naroroon, paggamit sa lugar upang mapaigting ang kuwento o eksena

B. Pagtukoy sa panahon – oras o araw o kaya nama’y kapanahunan nito tulad ng mga period movies

4. Dayalogo – Ito ay ang salitaan o pagpapalitan ng usapan sa pagitan ng mga tauhan. Maaaring ito ay monologo. Mahalaga ang
papel nito sa isang salaysay tulad ng nobela, maikling kuwento, at iba pa sapagkat ito ang magpapakilala sa tauhang di nakikita dahil
binabasa lamang, kinaroroonan nito, o sitwasyong kinasasadlakan. Kinakailangang maglarawan ito ng mga sumusunod:

A. Katauhan ng gumaganap – ipinakikilala kung sino siya- mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, uri ng trabaho, edad, ugali,

paraan ng pananamit at pagkilos, at iba pa

B. Lugar na pinangyayarihan o panahong kinabibilangan – tinutukoy kung nasaan ang mga tauhan at kung anong oras o araw na

5. Teknikal na aspeto – Pagsipat ito sa aspeto ng sining ng pagkakalikha ng panulat o panoorin.

A. Panoorin - Kabilang sa binibigyang-puna rito ang pag-iilaw, cinematography, paglalapat ng musika, at sound effects, o

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 2/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…
pangkalahatang pagkakagawa ng produksyon

B. Babasahin – Paggamit ng talinghaga o idyomatikong pahayag sa mga dayalogo o paglalarawan, paggamit ng estilo tulad ng

flashback o kronolohikal na pagsasalaysay

6. Bisang Pampanitikan

A. Bisang pangkaisipan – tungkol ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa o
pinanood

B. Bisang pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos basahin ang akda

C. Bisang pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob

sa akda matapos itong mabasa

Upang mas higit na malinang ang kakayahang magsuri, panoorin ang ilang bahagi ng pelikulang “Etiquette for Mistresses” ni Chito
Roño. Matapos nito’y basahin ang pagsusuri sa paksa ng pelikula.

https://youtu.be/_g3Qs2fqSQM

Halimbawa ng Panunuring Pampanitikan (hango sa Instagram post)

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 3/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 4/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

Mga Teoryang Pampanitikan

Ito ay sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral nito. 

1. Bayograpikal

Matutuklasan dito ang impluwensyang makatutulong sa sining ng manunulat – mga pilosopiyang

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 5/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

kaakbay ng kanyang panahon, ang mga aklat o mga akdang kanyang binasa, ang iba pang taong
nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang magsulat.

- Ramos at Mendiola, 1994

2. Historikal

Saklaw nito ang historikal na pagsusuri ng teksto na nakabatay sa impluwensyang nagpapalutang sa


isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong politikal na makapaloob sa akda, ang
tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa akda. Mahalagang matuklasan nito ang pwersang
pangkapaligiran at panlipunan na may malaking impluwensya sa buhay ng manunulat.

Mga halimbawa na maaaring gamitan nito:

Genoveva Edroza- Matute- Kuwento ni Mabuti

Alfredo S Enriquez – Bahay sa Dilim

Lav Indico Diaz – Ang Pinagdaanang Buhay ni Nano, ni Pong, ni Nanay Belen, ni Tatay Merto, ni
https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 6/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

Rica, at ni Sergeant John Shaw ng Olongapo

3. Klasismo

Umusbong at lumaganap ang teoryang ito sa Grecia bago pa man isinilang si Kristo. Pinaniniwalaan
ng teoryang klasismo na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung kaya’t ibig nitong
makalaya sa kinabibilangang daigdig. Pinaniniwalaan nitong ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay,
ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain.

Maihahanay sa akdang klasiko ang “Florante at Laura” ni Balagtas dahil sa taglay nitong katangian,
gayundin ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio.

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 7/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

4. Humanismo

Ang pokus sa teoryang ito ay ang tao, at ang taong nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng kultura
ay maituturing na sibilisado. Ang humuhubog at lumilinang sa tao ay tinatawag namang humanismo.

Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang
maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.
Gaya ng isinaad ni Protagoras (Villafuerte, 1988)

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 8/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

5. Romantisismo

Dalawa ang uri nito: romantisismong tradisyunal at romantisismong rebolusyunaryo. Ang una’y
dumarakila sa halagang pantao samantalang ang huli’y lumulutang ang pagkamakasariling karakter
ng isang tauhan.

Inspirasyon nito ang nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan.

Litaw na litaw ang pagkaromantiko ni Jose Corazon de Jesus sa kanyang tulang “Pag-ibig”:

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 9/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

6. Realismo

Ipinaglalaban ng realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinomang tao, anomang bagay at
lipunan ay dapat na maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.

Halimbawa nito ang mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Jose Rizal, at “Banaag
at Sikat” ni Lope K. Santos, “Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan. Ang mga ito ang
nagpagising sa ating kamalayan upang masaksihan at madama ang tunay na katotohanang
matapang na inilalantad ng ating panitikan.

7. Pormalistiko

Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Tunguhin ng teoryang itong
matukoy ang (1) nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian, at (3) paraan ng pagkakasulat ng akda.

8. Siko-Analitiko

Sa teoryang ito, may malaking impluwensya ang pahayag ni Freud na tanging ang ekonomiya
lamang ang motibo ng lipunan. May kinalaman ito sa paniniwalang naghahanapbuhay tayo para

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 10/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

lamang lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon lamang ng maturidad bunga ng kamalayan sa
kahirapan.

Dalawang takot ang nadarama ng isang batang lalaki habang siya”y lumalaki: (1) pagpapatuli at (2)
pag-agaw ng ama sa atensyong ibinibigay sa kanya ng kanyang ina. Sa sitwasyong ito, malinaw na
mababakas ang “oedipus complex” o ang pakikipag-agawan ng bata sa kanyang ama sa atensyon,
pagmamahal o pangangalaga ng kanyang ina.

Sekswalidad ang pinakaubod ng “oedipus complex”. Dahil dito, ipinangangalandakan sa teorya ni


Freud ang panitikan bilang kabiguan ng kamalayan at di-kamalayan.

9. Eksistensyalismo

Sa teoryang ito, kalayaan at awtentiko ang mga tanging nais kilalanin. Sa pananaw na ito, kitang-kita
ng tao ang proseso ng pagiging (being) at hindi pagkakaroon ng tamang sistema na paniniwala ang
pinahahalagahan ng tao upang mabuhay. Sa buhay ng makata o manunulat nakatuon ang teoryang
ito.

10. Istrukturalismo

Simulain ng teoryang ito na ang wika ay hindi tamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan kung
hindi humuhubog din sa kalayaang panlipunan. Dahil dito, napakahalaga ng diskurso sa paghubog
ng kamalayang panlipunan. Hindi pinahahalagahan nito ang kritisimong kumikilala sa tao kaya’t
pinapalagay na ang teoryang ito ay di-makatao.

11. Feminismo

Pinaniniwalaan nitong lalaki ang mga manunulat ng panitikan kaya ito umiral. Na ang mga babae ay
mahina, marupok, mangmang, sunod-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan, at masama.
Kitang-kita sa mga akda ng mga lalaking manunulat ang paglaganap ng opresyon ng kababaihan.

Pinaniniwalaan nitong ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ng


kalalakihan.

Kilalang feminista sina: Genoveva Edroza-Matute, Lualhati Bautista, Ruth Elynia Mabanglo, Lilia
Quindoza Santiago, Joi Barrios, atbp.

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 11/12
8/17/2021 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-RRM…

https://ceu.instructure.com/courses/12934/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=773687 12/12

You might also like