You are on page 1of 4

Asignatura Arts Baitang 4

W7 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN 3D at Iskultura
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Nakapaglalala ng banig gamit ang sariling disenyo batay sa istilo ng ibang
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
pangkat etniko.
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Paglalala ng Banig
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Tanong:
▪ Saang lugar tanyag ang banig na yari sa buri? Banig na yari sa bamban? Banig na yari sa dahon ng
pandan?

Nakakatuwa na tayo ay marunong maglala ng banig gamit ang disenyong batay sa ginawa ng ibang tao
o batay sa disenyo ng mga pamayanang kultural ng iba’t ibang rehiyon. Subali’t mas nakalulugod kung tayo
mismo ang gumagawa ng sarili nating disenyo dahil maipapakita natin ang ating pagkamalikhain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Salaysay: “Libangan ni Lolo”

Paggawa ng sombrerong yari o mula sa dahon ng


niyog sa bayan ng Bukidnon.
Isang lolo mula sa Malaybalay, Bukidnon ang
matiyagang gumagawa ng sombrerong yari sa dahon ng
niyog. Naging aliwan na niya ito mula noong bata pa siya.
Sang-ayon sa kanya, “kinakailangang tipunin muna ang
lahat ng materyales na gagamitin bago magsimula sa
gawaing ito, tulad ng dahon ng niyog, kutsilyo, gunting,
lastiko (rubber band) o kaya ay interior ng sasakyan. Ang
dami ng dahon na gagamitin ay depende sa sukat ng ulo.
Nagdudulot ng ginhawa kapag suot ito dahil sa taglay na
lamig na dulot nito.” Naging mapamaraan at masinop siya
sa gawaing ito. Dahil sa simpleng istilo ng sombrero, marami
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+sumbrero ang nahikayat na magpagawa at bumili nito kung kaya’t
+yari+sa+dahon+ng+niyog
naging hanapbuhay na ng pamilya nila ito.

Sagutin ang mga tanong:

▪ Anong sariling disenyo ang ipinakita ni lolo sa Malaybalay, Bukidnon?


▪ Paano niya ginamit ang kanyang pagkamalikhain at pagiging mapamaraan?
▪ Anong istilo ang ginamit niya?
▪ Paano niya ito nagawa ng maganda at maayos?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Ating Balikan…

Natatandaan mo ba ang mga disenyo ng iba’t ibang rehiyon? Alin sa mga ito ang nagustuhan
mo?
Ang paglalala ng banig ay katulad din ng ibang sining na napagaganda sa pamamagitan ng
pag-iiba-iba ng disenyo nito. Karaniwang gawa sa dahon ng buri ang banig ng mga taga Samal at Sulu.
Madalas na tinitina ang piraso ng buri at pinagtatagpi - tagpi upang makabuo ng makulay na disenyo.
Piliin din natin ang mga materyales na makikita at mayaman sa ating pamayanan. Kailangan
lamang ang ibayong tiyaga para makabuo ng isang magandang disenyo.
Napagaganda ang isang likhang-sining sa pamamagitan ng paglalagay ng sariling disenyo na
hindi nalalayo sa mga nilikha ng ating mga ninuno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Paggawa ng Picture Frame na yari sa banig.
Panuto: Gumawa ng picture frame ng naaayon sa iyong kagustuhan, gumamit ng hinabing banig
bilang pandekorasyon. Ipakita ang pagiging malikhain sa pagbuo nito.

https://www.google.com/search?q=picture+frame+na+yari+sa+banig

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Tanong Ko, Sagot Mo!
▪ Paano mo nalagyan ng magandang disenyo ang ginawa mong picture frame?
▪ Naisagawa mo ba ito ayon sa disenyong nais mo?
▪ Bakit ito ang napili mong disenyo?

Paalala : Lahat ng kasagutan ng bata ay isusulat ng magulang o kasama sa bahay sa kwaderno,


pagkatapos lagyan ng SOP.
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Panuto: Basahin ang bawat tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

2. Bakit kailangan nating


1. Ano ang magandang
ipagmalaki ang iba’t ibang uri
naidudulot ng paglalala sa
ng disenyo ng banig na
kabuhayan ng mga tao sa
natutunan natin sa mga lugar
ating bansa?
sa Pilipinas?

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 10 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Suriin ang iyong likhang - sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik sa ibaba.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang hanay ng napiling sagot sa bawat sukatan.

Mga Sukatan Oo Hindi Di-Tiyak


1.Naipakita ko ba ang kakayahan sa paglalala ng banig?
2.Nauunawaan ko ba ang mga paraan sa paggawa ng
banig?
3.Nasiyahan ba ako habang gumagawa?
4. Natapos ko ba ang aking gawain sa itinakdang oras?
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 10 minuto)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Sa iyong kwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Paano mo mapapahalagahan ang ginawa mong banig na may sariling disenyo?

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Marilou Gerero- Vispo et.al, Musika at Sining 4:, Kagamitan ng Mag-aaral at Panubay
ng Guro, Binagong Edisyon 2019, (Victoriuos Publication Inc.). 332-335: 263-266.

Images
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+sumbrero+yari+sa+dahon+ng+niyog
https://www.google.com/search?q=picture+frame+na+yari+sa+banig
https://www.carousell.ph/p/5%E2%80%9Dx7%E2%80%9D-banig-style-picture-frame-
1063046869/

Inihanda ni: DELMA C. DINGLASAN Sinuri nina: MARIA DONNAH F. MERCADO


DR. BENJAMIN M. PLATA JR.
CYRUS T. FESTIJO
ELEANOR E. CASILISILIHAN
LEONILO B. AMORA

You might also like