You are on page 1of 2

Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Epekto ng Social media sa mga mag-aaral

Nilimitahang Paksa:

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang maganda at mabuting epekto ng social media sa mga mag-aaral sa
ibat’ibang aspeto. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mga mag-aaral sa piling paaralan.

Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Hindi sinasaklaw ng pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral sa labas ng nasabing paaralan. Hindi rin
sakop ng pag-aaral na ito ang iba pang uri ng networking sites na matatagpuan sa internet.

Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Ang paggamit ng e-book (electronic book) ng mga batang mag-aaral.

Nilimitahang Paksa:

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang paraan ng paggamit ng e-book ng mga batang mag-aaral at kung
gaano ito kabisa sa kanilang pag-aaral. Saklaw din nito ang uri e-book (electronic book) na tanging
pinapayagang ipagamit sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mga mag-aaral sa
piling paaralan.
Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Hindi sinasaklaw ng pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral sa labas ng nasabing paaralan. Hindi rin
sakop ng pag-aaral na ito ang iba pang anyo ng makabagong teknolohiya.

Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Ang pagsusuot ng uniporme sa paaralan ng mga mag-aaral

Nilimitahang Paksa:

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang tamang pagsusuot ng uniporme sa paaralan upang makatulong sa
paghubog ng isang responsableng mag-aaral. Saklaw nito ang uri ng uniporme ng paaralan para sa
kanilang mga estudyante. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mga mag-aaral sa piling paaralan.
Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Hindi sinasaklaw ng pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral sa labas ng nasabing paaralan. Hindi rin
sakop ng pag-aaral na ito ang iba pang tuntunin ukol sa uniporme ng mga mag-aaral ng nasabing
paaralan.

You might also like