You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI - Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna St., La Paz, Iloilo City

Ikaapat na Markahan
(ARALING ASYANO)
SY 2018-2019
Pangalan:____________________________________________________________________ Iskor: ___________
Grade & Section: ______________________________________________________________ Petsa: ___________
Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. BILUGAN ang TITIK ng pinakatamang sagot.
1. Napabilis ang produksiyon sa Europe dahil sa paggamit ng makinarya. Ano ang epekto nito sa Asya?
a. Ginamit ng mga kanluranin ang likas na yaman ng asya
b. Maraming produktong kanluranin ang ipinadala sa Asya
c. Maraming Asyano ang nagkaroon ng trabaho
d. Natutuwa ang mga Asyano
2. Baki t tinanggap ng mga Hapones ang mga kanluranin?
a. Para magamit ang impluwensiya ng kanluranin sa pagpapaunlad ng kanilang bansa
b. Gustong ipakita ng Japan na mababait sila
c. Tuwang-tuwa ang mga Hapones sa mga kanluranin
d. Tinalo sila ng mga kanluranin kaya nila tinanggap
3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa
sa Silangan at Timog-Silangang ASya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo?
a. Nagpatayo ng mga simbahan upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo
b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa
c. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
d. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano

4. Si Gandhi ay Ama ng Kalayaan ng India. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Padaigidig naging Malaya ang India noong
1947, ngunit naging dahilan naman ito ng
a. Paghati sa dalawang pangkat , ang pangkat ng Hindu at Muslim
b. Pagpatay kay Gandhi
c. Malawakang pagpatay sa mga Indian
d. Pagkakaisa ng mga Muslim
5. Nadama ng maraming bansa sa Timog-Silangang ang pagnanais na lumaya. Alin sa sumusunod ang isa sa mga pamamaraang
ginamit sa Timog-Silangang Asya kagaya ng Pilipinas, Indonesia, Myanmar, at iba pa upang lumaya?
a. Pagsunod at paghintay
b. Pakikipagtulungan at pagpapakabuti
c. Pagtutol at pakikipagtulungan
d. Pananahimik at pagwawalang bahala
6. Mahigpit na pinagtatalunan ng bansang China at Pilipinas ang mga isla ng Spratley na tinatawag din ng mga Pilipino na
Kalyaan Islands. Noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, ang mga teritoryo ng mga bansang Asyano ay sinakop ng
mga Kanluranin. Ano ang nararapat gawin upang maiwasan na mauwi sa pananakop ng China ang sigalot sa Spratly Islands?
a. Idulog ang usapin sa pandaigdigang husgado upang ma resolba nang mapayapa ang nabanggit na krisis.
b. Palakasin ang puwersang pandigma ng pilipinas upang maging handa sa posibleng digmaan.
c. Humingi ng tulong sa mga malalakas na bansa upang matapatan ang malakas na puwersa ng China
d. Makipagkasundo sa pinuno ng pamahalaang Tsino upang paghatian ang mga isla sa Spratly

7. Ang mga sumusunod ay pangyayaring naganap at naging papel ng nasyonalismo upang makalaya ang bansang Vietnam.
Iayos ang mga pangyayari ayon sa historikal na kaganapan ng bansa.

I. Vietnam War na sinalihan ng bansang Amerika.


II. Pagkakahati ng Vietnam sa dalawa dahil sa magkatunggaling ideolohiya
III. Pag-isa ng Vietnam sa pamumuno ni Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh mula sa kilusang Viet Minh sosyalismo
IV. Pag-iwan sa Timog Vietnam ng Amerika at pagpapasailalim sa grupong may ideolohiyang komunismo.

a. I,II,III,IV b. III,IV,II,I c. II,I,IV,III d. IV,III,II,I

DepEd SCHOOLS DIVISION OF ILOILO, Luna St., La Paz, Iloilo City 5000 | Tel./Fax No. (033) 320-1402 | ICT-Unit Direct Line: (033) 320-0710
Trunk Lines: (033) 320-0707| 320-0728 | 320-0719 | Website: http://www.depediloilo.ph | e-mail: iloilo@deped.gov.ph
8. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, lumakas sa bansang India ang kilusang Nasyonalismo laban sa mga Ingles.
Ipinapakita ng mga Indian ang kanilang pagmamahal sa bayan MALIBAN sa:
a. Pagkakaisa ng mga Hindu at Muslim
b. Nagkaroon ng malawakang demonstrasyon, boycott at hindi pagsunod sa mga kautusang Ingles
c. Nabigyan sila ng autonomiya ng mga Ingles
d. Binoykot ang mga produktong Ingles

9. Ang Sistemang Mandato na itinatag ng mga kanluraning bansa sa Kanlurang Asya ay naging dahilan ng pagpapalabas ng
Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles na kung saan nakasaad na
a. Ang Palestina ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging kanilang tahanan (homeland)
b. Ang pagahahati ng Palestina sa Israel at Jordan
c. Malaya ang mga Ingles na sakupin ang lahat ng mga bansa sa Kanlurang Asya
d. Pagkakaisa ng mga Jew at Muslim

10. Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Noong Pebrero 1986, naganap ang People Power Revolution sa EDSA.
Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang damdaming makabayan upang magkaroon ng kapayapaan at maibalik ang
demokrasya laban sa rehiming Marcos?
a. Gumamit ng dahas sa pagpapaalis sa dating Pangulong Marcos
b. Nagtipontipon at nagkaisa ang mga Pilipino sa isang layunin mapaalis ang dating Pangulong Marcos
c. Nagwelga at nagprotesta sila sa pamahalaang Marcos
d. Humingi ng tulong sa ibang bansa upang mapaalis ang dating Pangulong Marcos

11. Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn Saud, sinakop ang Riyadh noong
1902 at ginawang lider ang sarili noong 1932. Inihayag ang kanyang sarili bilang hari ng Saudi Arabia. May mga
patakaran siyang sinusunod maliban sa:
a. Walang demokrasya at hindi tinanggap ang absolutong monarkiya
b. Kontrolado ang pamahalaan ng isang Pamilya ng mga Saud
c. Nagkaroon ng elekyon at partidong political
d. Sa pamamagitan ng langis, lakas sandatahan at ugnayang internasyonal, nagagawa ng mga taga-Saudi Arabia
ang pakikipagpowerplay sa politika.

12. Ang Security Council Resolustion 1325 ay humuhikayat sa mga kababaihan na makilahok sa negosasyon at talakayan tungkol sa
sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine. Ano ang naging bunga nito?
a. Naipamulat ang epekto ng sigalot
b. Nagkaroon ng kamalayan sa iba’t-ibang programang inilunsad
c. Pagkaroon ng pantay-pantay na karapatan
d. Nakapagkilos laban sa kani-kanilang bansa
13. Noong 1986 , nagtagumpay ang mga pari at madre sa Pilipinas na bigkisin ang sambayanang Pilipino upang maipakilala sa
buong daigdig ang isang mapayapang rebolusyon. Sa iyong palagay, ano ang gampanin ng relihiyong Kristiyanismo sa
naganap na EDSA People Power Revolution noong 1986?
a. Napagbuklod ang mga tao tungo sa pagbabagong pampolitika.
b. Napalakas ang pamilyang Pilipino.
c. Napasuko ang mga sundalo gamit ang bulaklak at rosaryo.
d. Napatatag ang pananampalataya sa Panginoon.
14. Nananatiling matatag ang Buddhism, Shintoism, Confucianism, at Taoism bilang relihiyon sa Silangang Asya at Islam at
Kristiyanismo naman sa Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon. Ang mga sumusunod ay mga
bahaging ginagampanan ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano MALIBAN sa isa: _______________.
a. Nagiging daan ang relihiyon tungo sa industriyalisasyon ng mga bansa sa Asya.
b. Nagiging sanhi ang relihiyon ng pagbubuklod tungo sa pagbabagong pampolitika.
c. Nagiging ugat ang relihiyon ng hindi pagkakaunawaan sa ilang bansa sa Asya.
d. Napatatag ng mga relihiyon ang pamilyang Asyano.
15. Simula noong Hulyo 1997 lumikha ng labis na pangamba sa buong daigdig ang krisis pinansiyal na naranasan sa Asya.
Batay sa artikulong sinulat ni Martin Khor, director ng Third World Network na “ The Economic Crisis in East Asia: Cause,
Effects, and lessons”, ang mga sumusunod ay sanhi ng krisis MALIBAN sa isa
a. Hindi pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga sektor ng negosyante.
b. Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed echange rate sa halaga ng dolyar.
c. Maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko at ng iba pang institusyong pinansiyal.
d. Pagpataw ng mataas na buwis sa mga bilihin.
16. Ang mga OFW ay itinuturing na pangunahing dahilan ng unti-unting pagbangon ng ekonokiya ng Pilipinas. Kamakailan lang
ay patuloy ang pagbalik sa bansa ng mga OF bunsod ng mga hindi magandang karanasan na kanilang natamo tulad ng pag-
aabuso, pagmamaltrato, at iba pa. kung ikaw ang secretary ng DF ano ang iyong imumungkahing mabisanggawin ng
pamahalaan ukol ditto?
a. Himukin ang mga karatig bansa na magpairal ng economic embargo.
DepEd SCHOOLS DIVISION OF ILOILO, Luna St., La Paz, Iloilo City 5000 | Tel./Fax No. (033) 320-1402 | ICT-Unit Direct Line: (033) 320-0710
Trunk Lines: (033) 320-0707| 320-0728 | 320-0719 | Website: http://www.depediloilo.ph | e-mail: iloilo@deped.gov.ph
b. Himukin ang mga OFW na bumalik samga bansang pinagtatrabahuhan.
c. Maglungsad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga nagbalik na OFW.
d. Wakasan ng Pilipinas ang ugnayan sa mga nasabing bansa.
17. Ang Asya ay minsang pinaghahatian ng mga mananakop na Kanluraning bansa. Gumamit ang mga Asyano ng
mapayapa at marahas na pamamaraan upang makamit nilang muli ang kalayaan. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na
paraan ng pananakop ang nagsasaad ng hindi tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarhang
bansa?

a. Kolonyalismo
b. Imperyalismo
c. Nasyonalismo
d. Neo – Kolonyalismo
18. Ang pagkakaloob ng tulong pinansyal at military ay ilan lamang sa anyo ng neo-kolonyalismo na hatid ng mga kanluranin sa
bansa sa Asya. Ano ang mabisang gawin ng mga Asyano upang mapangalagaan ang kanilang sariling kapakanan?
a. Putulin ang ugnayan sa mga bansang ito at simulant ang pagsasarili sa aspetong pinansiyal, militar at kultural
b. Pumili ng mga bansang nakapagbibigay ng higit na kapakinabangan sa aspetong pinansiyal, militar at kultural
c. Pag-aralan at suriin ang epekto ng mga umiiral na kasunduan lalo na ang may kaugnayan sa aspetong pinansiyal, militar
at kultural
d. Lumahok sa iba pang samahang panrehiyon at pandaigdig para sa higit na tulong pinansiyal, militar at cultural
19. Kung ang inyong bansa ay kumaharap sa krisis ng pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang isang
kinatawan ng iyong bansa, alin sa mga sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong gagawing resolusyon?
a. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman
b. Papaya sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo
c. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman ang mangyari
d. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upag magkaroon ng kalayaan

20. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa mga kasunduan ano ang dapat na isasaisip sa
pagsulong nito?
a. Isusulong ang interes n gating bansa at babantayan an gating karapatan
b. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad an gating ekonomiya
c. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayapaan
d. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan an gating kapaligiran

21.Ano ang kaugnayan ng relihiyong Islam sa tagumpay ng mga Muslim sa Silangan at Timog Silangang Asya?
a. Matindi ang kanilang pananampalataya sa kanilang diyos.
b. Naniniwala sila na si Allah ang tanging diyos na nakapagligtas sa kanila
c. Naniniwala sila sa pagkakabuklod buklod at pagsamba sa kanilang diyos
d. Paniniwala, pananalig at matagumpay na pakikipaglaban ang susi ng tagumpay.
22. Naniniwala ang mga Tsino na masisira ng impluwensiya ng mga dayuhan sa kanilang bansa, kaya ipinatupad nila ang
__________.
a. Buddhism b. Isolationism c. Individualism d. Idealism
23. Kung ikaw ang tatanungin ng iyong guro, paano mo maipaliwanag ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng kolonyalismo?
a. Ang kolonyalismo ay nagdulot ng maraming pagbabago sa lahat ng larangan ng pamumuhay sa timog-Siilangang Asya
sa ilalim ng kolonyalismo
b. Dahil sa kolonyalismo naging maunlad ang pamumuhay ng mga Asyano sa Timog-silangang Asya patunay ng mga
pagbabagong naganap
c. Maraming pagbabagong dala ang kolonyalismo sa Timog-Silangang asta ngunit nanatiili ang kanilang kultura at relihiyon
d. Maraming pagbabagong dala ang klonyalismo sa Timog-Silangang Asya ngunit nanatiili ang kanilang kultura at relihiyon
24. May mga Kanluraning bansa ang nanakop sa Malaysia. Ano ang pangunahing layunin ng pananakop ng mg bansang ito?
a. Impluwensiyahan ang kultura ng Malaysia
b. Pahirapan ang mga katutubo
c. Pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan
d. Palaganapin ang Kristiyanismo sa mga daungan

25. Sa pagpasok ng ika-18 siglo, mayroon pang mga bansang Kanluranin tulad ng United States of America na nagsimula na ring
manakop ng mga lupain sa Asya. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan sa pagpapatuloy ng pananakop sa Asya?
a. Pagbabago sa ekonomiya
b. Industriya sa Europe at United States
c. Pagbabago sa teknolohiya
d. Pagbabago sa kabuhayan

DepEd SCHOOLS DIVISION OF ILOILO, Luna St., La Paz, Iloilo City 5000 | Tel./Fax No. (033) 320-1402 | ICT-Unit Direct Line: (033) 320-0710
Trunk Lines: (033) 320-0707| 320-0728 | 320-0719 | Website: http://www.depediloilo.ph | e-mail: iloilo@deped.gov.ph
26. Kung ang Silangang Asya, ay hindi gaanong naapektuhan, noong unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Kanluranin iba naman ang naging kapalaran ng mga bansa sa Timog-Silanganag Asya noong panahong iyon. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nasabing karanasan?
a. Hinayaan ang katutubong Asyano na mamuhay ayon sa kanilang kinagisnang kaugalian
b. Kinokontrol ng mga espanyol ang kalakal at maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na sila makatanim ng kanilang
makakain
c. Paglilipat ng mga katutubo na naninirahansa malayong lugar upang matiyak ang kanilang kapanyarian sa kolonya
d. Pinag-aaway-away ng mananakop ang ga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar

27. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng pagkakatulad ng karanasan ng Silangan at Timog – Silangang Asya sa kamay
ng mga kanluranin?
a. Hinayaan silang ipagpatuloy ang kanilang nakagisnang pagpapahalaga at paniniwala
b. Kinontrol ng mga kanluranin ang pamamahala, ekonomiya at pangangalakal ng Silangan at Timog-Silangang Asya
c. Parehong silang bibigyang laya sa pamamalakad at pagtataguyod ng kailang kultura
d. Parehog umunlad ang kanilang kabuhayan sa ilalim ng pamamahala ng mga kanluranin

28. Magkakatulad ba ang pamamaraang ginamit ng mga Kanluranin sa pananakop ng Silangan at Timog – Silangang Asya?
a. Hindi, dahil iba ang karanasan ng Silangang Asya sa Timog Silangang Asya
b. Hindi, dahil mas umunlad ang Silangang Asya sa Timog – Silangang Asya
c. Oo, dahil kinamkam ng mga kanluranin ang kanilang kabuhayan at kinontrol ang kanilang kalakalan
d. Oo, dahil pareho silang inabuso ngunit umunlad ang kanilang kabuhayan

29. Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng
diwang makabansa. Sa anong pamamaraan ipinakita ng mga Asyano ang nasabing diwang makabansa?
a. Ang bawat Asyano ay nagkakaisa at nagtulong-tulungan sa pagtanggol ng kanilang karapatan
b. Nakihalubilo ang mga Asyano sa mga Kanluranin at niyakap ang kanilang kultura
c. Tuluyang nasakop ng relihiyon ang pag-iisip at damdamin ng mga Asyano kaya’t madali silang napasunod ng mga
Espanyol
d. Tuluyang niyakap ng mga Asyano ang impluwensya ng mga kanluranin para sa kapayapaan
30. Sino ang humalili kay Sun Yat Sen nang siya ay namatay?
a. Mao Zedong
b. Menchu
c. Chiang Kai-shek
d. Lao Tzu

31. Ano ang prinsipyo ng Komunismo?


a. Ang mamamayan ang pumipili ng kinatawan sa pamahalaan
b. Ang estado ang siyang hahawak sa lahat ng pag-aari ng bansa
c. Hawak ng mamamayan ang kapangyarihan sa pamahalaan
d. Ang namumuno ay kinatawan ng Diyos
32. Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko. Paano mo ilarawan ang nasabing pahayag?
a. Ang kapangyarihang mamuno sa bansa ay nagmumula sa iilang tao lamang
b. Ang kapangyarihang mamamahala sa bansa ay nagmumula sa mga pinunong mayayaman
c. Ang kapangyarihang mamamahala ay nagmumula sa iisang tao
d. Ang ganap na kapangyarihan ay nasa sambayanan at nagmula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.

33. Pakistan ay may malakas na kilusan ng kababaihan na makatulong upang ipagtanggol ang proseso ng demokrasya sa bansa.
Sa panahon ng pamumuno ni zulfiqer Ali Dhutte, nagkaroon ng mga pagbabago sa pagtingin ng mga kababaihan. Ito ay ang
a. Pagbihgay ng edukasyon sa mga kababaihan
b. pagsugpo ng mga karahasan at pagmamalupit sa mga kababaihan
c. pantay na karapatan at paglalaan ng sampung posisyon para sa kababaihan sa National Assembly at Asembleyang
Panlalawigan
d. paghahalal sa mga kababaihan sa kongreso at Senado at iba pang posisyon sa pamahalaan.

34. Noong 1970,, ang Makakaliwang Mahila Parishad ay itinatag. Ito ay ang pinakamalaking samahan ng kababaihan sa
Bangladesh. Maraming polisiya sa pamahalaan ang ipinatupad nito, isa rito at yang
a. Malayang pakikilahok ng mga kababaihan sa politika
b. Pagbabawal sa pagbibigay ng dote at ratipikasyon ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW)
c. Pagkakaroon ng edukasyon at trabaho ng mga kababaihan upang makatulong sa kanilang Pamilya at lipunan
d. Pakikilahok sa kilos protesta na may kaugnayan sa karapatan ng mga kababaihan upang maiwasan ang karahasan at
krimen laban sa kanila
DepEd SCHOOLS DIVISION OF ILOILO, Luna St., La Paz, Iloilo City 5000 | Tel./Fax No. (033) 320-1402 | ICT-Unit Direct Line: (033) 320-0710
Trunk Lines: (033) 320-0707| 320-0728 | 320-0719 | Website: http://www.depediloilo.ph | e-mail: iloilo@deped.gov.ph
35. Maalala na noong 1991 ay ginawaran ng Nobel Peace Prize si Aung San Suu Kyi para sa kanyang desisyon sa pagbago sa
bansand Myanmar sa mapayapang pamamaraan subalit pinili niyang manatili sa kanyang pamamahay at hayaan ang kaniyang
pamilya na tumanggap ng gantimpala para sa kanya. Saan nag-ugat ang disisyon ni Aung San Suu Kyi na ipagliban ang pagdalo
sa seremonya?

a. Hindi mahalaga para sa kanya ang anumang pagkilala at sapat na ang makita ang bansang malaya
b. Napasailalim siya sa house arrest at sa pag-alis ng bansa, maaaring hindi na siya makabalik
c. Hindi niya maaaring ipagliban ang trabaho sapagkat umaasa sa kanya nag buong bansa
d. Masyadong mahal ang pamasahe papunta ng pagdiriwang

36. Hindi kasapi ng United Nations ang bansang Taiwan at isa sa mga dahilan ay ang pagkilala dito ng China bilang kanilang
probinsiya. Saan nag-ugat ang hindi nila pagkakaunawaan?
a. Disisyon ng mga mamamayan ng Taiwan na bumuo ng sariling bansa sapagkat hindi sila kabilang sa mainland patunay ang
dagat sa pagitan nila
b. Nag-away noon ang pinuno ng China at Taiwan
c. Tinalo ng Communist Party ni Mao Zedong ang Nationalist Party ni Chiang Kai-shek kung kaya umatras sila at bumuo ng
pamahalaan sa Taiwan
d. Naging abala ang pinuno ng China noong Digmaang Sibil kung kaya ay napabayaan niya ang pamamahala sa Taiwan at
ikinagalit ito ng mga Taiwanese

37, . Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang dinastiya sa larangan ng pamamahala. Alin sa sumusunod na
sistemang political ito nahahawig?

a. Demokrasya
b. Monarkiya ( Kostitusyonal)
c. Monarkiya ( Walang Takda)
d. One Party Government

38.Anong anyo ng pamahlaan ang nagtataglay at kinikilala ang karapatang pantao at katarungang Panlipunan?

a. Demokrasya
b. Monarkiya
c. Militar
d. One Party Government

39. Sa Pamahalaang Monarkiya, ang pinuno ay kinikilala na nagtataglay ng divine right o mula sa pamuuno ng Diyos. Alin sa mga
sumusunod na bansa umiiral ang paniniwalang ito?
a. China
b. Japan
c. Korea
d. Vietnam

40. 1. Para sa aytem na ito, ano ang pagkakatulad ng nagawa ng kababaihan na nasa larawan?

Megawati Sukarnoputri Corazon C. Aquino Aung San Suu Kyi Chandrika Kumaratunga

a. Nagtaguyod ng demokrasya sa kanilang bansa


b. Nakibaka para sa karapatan ng mga babae sa kanilang bansa
c. Nanungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng kanilang bansa
d. Nagpairal ng bagong uring pamahalaan sa kanilang bansa

41. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?

a. Pinalalaki nito ang opurtunidad ng mga tao na mangibang bansa.


b. Ito ay nagsisilbing instrument sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa
c. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na mapagkukunan ng buwis
b. Pinagaganda ang imahen ng bansa kapag ito ay may matas na bahagdan ng edukadong mamamayan

DepEd SCHOOLS DIVISION OF ILOILO, Luna St., La Paz, Iloilo City 5000 | Tel./Fax No. (033) 320-1402 | ICT-Unit Direct Line: (033) 320-0710
Trunk Lines: (033) 320-0707| 320-0728 | 320-0719 | Website: http://www.depediloilo.ph | e-mail: iloilo@deped.gov.ph
42. Ayon sa mga datos, ang per capita GDP ng bansang Pilipinas ay 724.7 noong 1960 at naging 1167.39 noong taong 2000.
Samantala, ang per capita GDP ng bansang South Korea ay 1324.88 noong 1960 at naging 13062.2 noong taong 2000. Ano ang
ipinapatunayan ng mga ibinigay na datos tungkol sa dalawang bansang nabanggit?
a. Ang mga bansa sa Silangang Asya ay may mababa na per capita GDP.
b. Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay may matataas na per capita GDP.
c. Ang mga bansa sa Silangang Asya ay may mataas ng per capita GDP.
d. Ang pagkakroon ng mataas na per capita GDP ay indikasyon ng pag-unlad ng bansa.
43. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga Asyanong nagtatagumpay sa iba’t ibang
larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa pananaw ng mga
bansa sa daigdig?
a. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa kanilang sariling hangarin
b. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse
c. Maraming atletang Asyano ang hinangad na makuha ng ibang mga bansa
d. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano
44. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na manood ng pagtatanghal ng Liss Saigon na gaganapin sa CCP. Gumanap bilang Kim,
ang pangunahing tauhan sa nasabing pagtatanghal, si Lea Salonga. Sa anong larangan siya nakilala?
a. Arkitektura b. musika c. palakasan d. politika

45. Isa sa mga mahalagang naiambag ng kulturang Asyano ay ang relihiyon. Bakit mahalaga ang rehiyon sa aspekto ng
pamumuhay sa mga Asyano?
a. Hinimok nito ang bawat isa sa pagkakaisa at kapatiran upang sambahin si Allah
b. Hinubog nito ang pagpapahalaga at paniniwala ng mga Asyano tungo sa pagkamit ng mapayapang pamumuhay
c. Ito ang nagbigay daan tungo sa pagpapaligsahan ng uri ng pamumuhay
d. Naging gabay ito upang makamit nila ang rurok ng tagumpay
46. Tumutukoy sa patakarang mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng bansang sinakop.
a. Imperyalismo b. kolonyalismo c. komunismo d. merkantilismo

47. Sa pakipaglaban sa mga Ingles, anong paraanang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Gandhi?
a. Passive Resistance c. Active Resistance
b. Armadong pakipaglaban d. Pagtatag ng Bagong Hukbo
48. Nadama ng maraming bansa saTimog-Silangang Asya ang pagnanais na lumaya. Alin sa mga sumusunod ang
pamamaraan ang ginamit saTimog-Silangang Asya kagaya ng Pilipinas, Indosnesia, Myanmar, at iba pa upang
lumaya?
a. Pagsunod at paghintay c. pakikipagtulungan at pagpapakabuti
b.Pananahimik at pagwawalang bahala d. pagtutol at pakikipagtulungan
49. . Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang dinastiya sa larangan ng pamamahala. Alin sa sumusunod na sistemang
political ito nahahawig?
a.Demokrasya
b.Monarkiya ( Kostitusyonal)
c.Monarkiya ( Walang Takda)
d. One Party Government

50. Sina Gloria M. Arroyo, Ma. Lourdes Sereno, Lydia De Vega Mercado, Lea Salonga at iba pa ay pawing mga Pilipinong tumanyag
sa loob at labas ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan ng katanyagang tinamo ng mga
nabanggit na kababaihan.
a. Pinatunayang kayang higitan ng mga babae ang mga lalaki.
b. higit ang talino at kasanayang taglay ng mga babae
c. Mas may pagpapahalaga at tiwala ang lipunan sa mga babae
d. May taglay na karapatan at kalayaan ang mga babae

DepEd SCHOOLS DIVISION OF ILOILO, Luna St., La Paz, Iloilo City 5000 | Tel./Fax No. (033) 320-1402 | ICT-Unit Direct Line: (033) 320-0710
Trunk Lines: (033) 320-0707| 320-0728 | 320-0719 | Website: http://www.depediloilo.ph | e-mail: iloilo@deped.gov.ph
Prepared by:

ANDIE P. PADERNILLA Iloilo National High School

Note: Must have bear the signature of the people who prepared it. No signature of the person involve means he/she is absent. This
also must be accompanied with a Table of Specifications (TOS). The total number of item is 75. All must be of multiple choices.

DepEd SCHOOLS DIVISION OF ILOILO, Luna St., La Paz, Iloilo City 5000 | Tel./Fax No. (033) 320-1402 | ICT-Unit Direct Line: (033) 320-0710
Trunk Lines: (033) 320-0707| 320-0728 | 320-0719 | Website: http://www.depediloilo.ph | e-mail: iloilo@deped.gov.ph

You might also like