You are on page 1of 11

Isinulat ni: Mark-Francis G.

Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

Title Card Aralin 2: Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano


(Kanlurang Asya)

Guide Card
Code: AP7KSA-IIe-1.6
AP7KSA-IIf-1.7

Layunin:

 Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng tradisyon, pilosopiya at


relihiyon.
 Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa pamumuhay ng sinaunang
panahon sa Kanlurang Asya.
 Nailalarawan ang mahahalagang ambag ng mga sibilisasyon at imperyo
sa Fertile Crescent.

Matapos ang Strategic Intervention Material (SIM) na ito, inaasahan


ang mga mag-aaral na matutunan ang konsepto ng tradisyon, pilosopiya,
relihiyon at maging ang pamumuhay ng mga Asyano sa sinaunang panahon sa
Kanlurang Asya.

1
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

Tinatayang sa Kanlurang Asya umusbong ang pinaka-unang pamayanan


sa daigdig. Naging patunay rito ang Sumer na tinaguriang pinakamatandang
kabihasnan sa daigdig. Sa malaking bahagi ng Fertile Crescent, matatagpuan
ang Mesopotamia na nagsilbing lundayan ng kabihasnan sapagkat nagtataglay
ito ng matabang lupa mula sa biyaya ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates.
Nagkaroon ng sunod-sunod na pag-usbong ng kabihasnan sa palibot ng
Mesopotamia, kabilang na rito ang Akkadia, Babylonia, Assyria at Neo-Babylonia
o mas kilala sa tawag na Chaldea. Gayundin ang iba pang pangkat ng tao sa
labas ng Mesopotamia na bahagi pa rin ng Fertile Crescent, ang mga ito ay ang
Lydia, Hittites, Phoenicia, Persia at Hebreo. Ang bawat isang kabihasnan ay may
kanya-kanyang paraan ng pamamahala at ambag na nagsilbing pamana sa
kasalukuyang panahon.

Content Card

Makikita sa sinaunang pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang rehiyon ng


Asya ang kanilang tradisyon, pilosopiya at relihiyon. Ayon sa Encarta,
Tradisyon ang tawag sa mga nakagawiang kaugalian ng pangkat ng tao sa
isang pamayanan na naisasalin sa mga susunod na henerasyon. Ang
Pilosopiya ay binubuo ng mga paniniwala, prinsipyo at layunin ng tao na
naipapakita sa kanyang kaasalan sa lipunan. Relihiyon ay isang kalipunan ng
mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na
nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.
(halaw mula sa aklat ng Araling Asyano pahina 87)

Matutunghayan sa ibaba ang talahanayan na naglalaman ng


mahahalagang ambag ng mga imperyo sa kanlurang Asya.

2
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

Imperyo Pag-unlad/Ambag

 Tinaguriang pinakaunang imperyo sa daigdig.


Akkadia Nagpaunlad ng sistema ng pagsulat.

 Si Hammurabi ang kanilang pinuno ay naging tanyag


Babylonia sa kodigo ng batas na may pangunahing konsepto ng
“Mata sa mata, ngipin sa ngipin”. Naging pamantayan
ito ng pamumuhay ng mga sinaunang lipunang
babylonia.
 Naging mahusay na mananakop ang Assyrian,
Assyria tinaguriang “scourge of the ancient world” o salot sa
sinaunang mundo dahil sa paggamit ng dahas sa
pananakop at pagpapahirap sa iba, gayunpaman sila
ang kauna-unahang bumuo ng silid-aklatan.
 Ito ang tinaguriang Neo-Babylonia o Bagong
Chaldea Babylonia. Naging tanyag si Nebuchadnezzar sa
kanyang “Hanging Garden of Babylon” na kanyang
inalay sa kanyang asawa na si Amytis.
 Nakatuklas ng paggamit ng perang barya upang
Lydia maging madali ang pakikipagkalakalan.

 Paggawa ng naglalakihang sasakyang pandagat dahil


Phoenicia sa dami ng puno ng cedar sa paligid at pagiging
malapit sa dagat. (Lebanon)
 Unang gumamit ng Alpabeto, na naging batayan ng
kasalukuyang Alpabeto.

Hebreo  Paniniwala sa iisang diyos o Monotheismo.

Hittite  Nakatuklas ng pagmimina ng bakal.

 Nagpatupad ng sistema ng satrapy, kung saan ang


Persia bawat sakop na teritoryo ay pamumunuan ng isang
opisyal na magiging tagamasid ng punong heneral
mula sa sentralisadong pamamahala.

3
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

Halaw sa aklat na Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pp (137-139)

Ang Fertile Crescent ay isang arko ng matabang lupa dahil sa mga ilog
Tigris at Euphrates na kung saan sa gitna ng dalawang ilog ay matatagpuan ang
Mesopotamia (ngayon ay bansang Iraq) na naging lundayan ng sinaunang
sibilisasyon ng Sumer, Akkadia, Babylonia, Assyria at Chaldea. Samantala may
iba pang Sibilisasyon at Imperyo na umusbong sa labas ng Mesopotamia na
bahagi pa rin ng Fertile Crescent gaya ng Lydia(Turkey), Phoenicia(Lebanon),
Hebreo(Israel), Hittite(Turkey), Persia(Iran). Makikita na malaki ang naging
bahagi ng kapaligiran ng Fertile Crescent sa pagtustos o pagbibigay ng
pangunahing pangangailangan ng mga sinaunang tao para makabuo ng isang
Kabihasnan na kinalaunan ay naging Imperyo.

Ano nga ba ang isang Imperyo?

Sinasabi na ang Akkadia ang kauna-unahang naging isang imperyo.


Ngunit, ano nga ba ang imperyo? Katulad na lamang ng laro sa online game na
may salitang “Empire” sa pangalan. Ang imperyo ay pangingibabaw ng
makapangyarihang estado sa maliliit at mahihinang estado sa aspetong politikal,
kultural at pang-ekonomiya. Samakatuwid, kung ang isang kaharian ay
nagsimulang magpalawak ng teritoryo sa pamamagitan ng pagsakop sa ibang
estado, ito ay mas mainam na tawagin na “imperyo”.

Activity Card

Gawain 1:

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay Tradisyon, Pilosopiya o


Relihiyon. Isulat ang (TR) kung TRADISYON, (PL) kung PILOSOPIYA at (RL)
naman kung RELIHIYON.

Pahayag Sagot

1. Nagsisimba kami tuwing araw ng linggo.


2. Nakagawian na naming maghanda ng masarap na pagkain tuwing pista.
3. Ako ay naniniwala sa prinsipyong nagpapaliwanag sa katotohanan at
kabutihan.
4. Gumagamit ako ng “po” at “opo” tuwing nakikipag-usap sa nakakatanda.
5. Kaming mga muslim ay yumuyukod sa aming pananampalataya kay Allah.

4
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

Gawain 2: Panuto: Gamit ang darts arrow, tukuyin ang mga imperyo kung
saang bansa ito matatagpuan. Ilapat sa angkop na numero na nasa “Map Dart
Board”. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot na imperyo gamit ang numero
na nasa mapa.

Dart sa Mapa

5
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano anong mga imperyo ang nasa Mesopotamia o Iraq?

_________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

2. Ano anong mga imperyo ang nasa labas ng Mesopotamia?

_________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Gawain 3: Panuto: Tukuyin ang mga ambag at pag-unlad ng mga imperyo sa


Kanlurang Asya gamit ang Billiard tables, i-shoot sa wastong butas ang mga
bola kung anong mga ambag at pag-unlad ng bawat imperyo. Itala sa sagutang
papel ang iyong sagot batay sa numero na nakatala sa billiard ball.

Ambag-Bilyard

6
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

Pamprosesong tanong:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Alin sa mga sumusunod na ambag ang hanggang sa kasalukuyan ay


patuloy pa rin nating nagagamit?
___________________________________________________________
_______________________________________________________.

2. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ambag


sa sangkatauhan? Bakit?
___________________________________________________________
_______________________________________________________.

3. Bilang isang mag-aaral, Paano mo mapapaunlad ang mga ambag ng


sinaunang kabihasnan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________________________________________.

Assessment Card

7
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing patunay ng karangyaan ng pamumuhay sa


ilalim ng imperyong Chaldean?
A. Pagpapatayo ng aklatan
B. Pagtitipon ng mga batas
C. Pagpapagawa ng Hanging Garden
D. Pagpapalaganap ng relihiyong monoteismo
2. Ano ang ibig sabihin ng katagang "Mata sa mata, ngipin sa ngipin" na naglalarawan
sa umiiral na batas sa Imperyong Babylonian?
A. Ang parusa ay dapat na katumbas ng krimeng ginawa.
B. Ang parusang ipapataw ay katulad ng ginawang pagkakasala.
C. Nakadepende sa antas ng lipunan ang ibibigay na parusa sa nagkasala.
D. Pagbulag sa mata at pagbunot ng mga ngipin ang karaniwang parusa sa mga
nagkasala
3. Ilang grupo ng mga Asyano ang nagkakaroon ng hidwaan dahil sa relihiyon tulad ng
sigalot sa Kanlurang Asya sa pagitan ng mga hudyo at mga karatig-bansa nitong
mga Muslim. Ano ang pinakamakatwirang paraan upang maiwasan ito?
A. Magtalaga ng iisang relihiyon para sa lahat
B. Igalang ang pananampalataya ng bawat tao
C. Gumawa ng pag-aaral kung sino talaga ang totoong Diyos
D. Ipagbawal ang pakikipag-ugnayan ng mga taong magkakaiba ng relihiyon
4. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Phoenician sa daigdig?
A. Alpabeto B. Aklatan C. Bakal D. Monoteismo
5. Kilala ang mga Hebrew dahil sa pagkakaroon nila ng relihiyon na maituturing na
monoteismo. Ano ang ibig sabihin ng "monoteismo"?
A. Pagsamba sa iisang diyos
B. Pagsamba sa dalawang diyos
C. Pagsamba sa maraming diyos
D. Pagsamba sa mga diyos na nakatira sa kalikasan

Enrichment Card
Tandaan Mo!

8
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

 Sa malaking bahagi ng Fertile Crescent, matatagpuan ang


Mesopotamia na nagsilbing lundayan ng kabihasnan sapagkat
nagtataglay ito ng matabang lupa mula sa biyaya ng Ilog Tigris at Ilog
Euphrates.
 Tradisyon ang tawag sa mga nakagawiang kaugalian ng pangkat ng tao
sa isang pamayanan na naisasalin sa mga susunod na henerasyon.
 Pilosopiya ay binubuo ng mga paniniwala, prinsipyo at layunin ng tao
na naipapakita sa kanyang kaasalan sa lipunan.
 Relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga
sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng
sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.
 Samantala may iba pang Sibilisasyon at Imperyo na umubong sa labas
ng Mesopotamia na bahagi pa rin ng Fertile Crescent gaya ng
Lydia(Turkey), Phoenicia(Lebanon), Hebreo(Israel), Hittite(Turkey),
Persia (Iran).
 Ang imperyo ay pangingibabaw ng makapangyarihang estado sa maliliit
at mahihinang estado sa aspektong politikal, kultural at pang-ekonomiya.

Isapuso Mo!

Ang bawat kabihasnan sa


Kanlurang Asya ay nagtala ng
mahahalagang ambag na naging
kaagapay sa pamumuhay ng mga
Asyano sa hanggang kasalukuyan
tungo sa hinaharap.

Flex Ko Lang!!!

9
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

Panuto: Ipagmalaki ang mga ambag ng kabihasnan noong sinaunang panahon


sa Kanlurang Asya. Sumulat ng isang positibong ambag na hanggang sa
kasalukuyan ay ginagamit pa rin ng wasto sa inyong tahanan, paaralan, o
pamayanan.

Halimbawa:

Flex ko lang yung garden ni mama


na katulad ng Hanging Garden na ipinatayo
ni Nebuchadnezzar.

1._____________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________

10
Isinulat ni: Mark-Francis G. Señido
Email address: markfrancis.sedo@deped.gov.ph
Walang bahagi ng kagamitang panturo na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda.

Reference Card

Mga batayang aklat


Blando, R., Espiritu A., Sebastian A., et. al (2014) Asya: Pagkakaiba sa Gitna ng Pagkakaibaiba pp.137-139
Jose R., Mateo G., et. al (2009) Asya Pag-usbong ng kabihasnan pp. 156-160
De Jesus E., Golveque E., et. al (2015) Araling Asyano pp. 87

Larawan mula sa websites


https://www.shorthistory.org/ancient-civilizations/mesopotamia/the-term-mesopotamia-and-geographical-
position/www.telegraph.co.uk
https://brewminate.com/the-materiality-of-writing-in-the-world-of-cuneiform-culture/
https://www.123rf.com/photo_71509494_stock-vector-law-firm-lawyer-or-law-office-symbol-scales-of-justice-
framed-by-heraldic-laurel-wreath-lawyer-card-.html
https://www.123rf.com/photo_90150933_stock-vector-war-chariot-sign-.html
https://stock.adobe.com/ph/images/green-leaf-eco-sign-icon-symbol-vector-illustration/167132770
https://lunaticg.blogspot.com/2008/10/worlds-first-coin-lydian-lion.html
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7G6N4d3G6A0K9_alphabet-phoenician-alphabet/
https://www.etsy.com/nz/listing/624413309/
http://clipart-library.com/clipart/1579445.htm
https://www.conceptdraw.com/How-To-Guide/symbol-for-pool-table-for-floor-plans
https://webstockreview.net/explore/bicep-clipart-triceps/
https://eu.suzohapp.com/en/products/darts/40-2080-5

11

You might also like