You are on page 1of 256

Filipino

sa Piling Larang
Isports

Kagamitan ng Mag-aaral

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan,
kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at
ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

i
Filipino sa Piling Larang - Isports
Patnubay ng Guro
Unang Limbag 2016

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Eduaksyon at Filipinas Copyright
Licensing Authority (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit ditto. Hindi
inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral


Corazon L. Santos Santos, PhD
Ma. Althea T. Enriquez, PhD

Tagasuri ng Sining ng Pagtuturo: John Roger M. Maghuyop, MA


Tagasuri ng Wika: Jayson De Guzman Petras, MA
Pabalat: Teresa Bernadette L. Santos

Tagapamahala ng Pagbuo ng Kagamitan ng Mag-aaral


Bureau of Curriculum Development
Bureau of Learning Resources

Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR)


Office Address: Ground Floor Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634 – 1072; 634 – 1054; 631 – 4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

ii
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1: INTRODUKSIYON SA WIKA AT PANANALIKSIK


1.MGA VARAYTI NG WIKA .......................................................................................................... 3
2.KAHULUGAN AT KABULUHAN NG PANANALIKSIK ........................................................................ 25
3.MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT ..................................................................................... 31

KABANATA 2: ANG KAWIKAAN SA ISPORTS AT PAGSULAT TUNGKOL DITO


4.LENGGUWAHENG PINOY SA BILYAR ......................................................................................... 38
5.ANG VARAYTI NG FILIPINO SA MGA BALITANG ISPORTS SA DIYARYO .............................................. 41

KABANATA 3: MGA PAGBABALITA SA ISPORTS


7. PAGBABALITA SA BASKETBOL
7A. ‘TEAM WORK’, SA PAGKAPANALO NG FEU KONTRA ATENEO .................................................... 54
7B. PUSO AT DI PURO TALENT GILAS PILIPINAS, DESIDIDONG MA-QUALIFYSA 2016 OLYMPICS ................ 55
7C. PAMPANGA FOTON, PANALO KONTRA MIGHTY BULSU, MANILA NU-MFT ................................. 57
7D. NU, PANALO KONTRA UP................................................................................................... 58
7E. KRUSYAL NA GAME 5! ........................................................................................................ 59
7F. IKATLONG ALAS ................................................................................................................. 61
7G. BUBUWELTAHAN ............................................................................................................... 62
7H. UMAAYON SA ACES ANG KASAYSAYAN .................................................................................. 64
7I. SMBEER ITINAGAY ANG 3RD PLACE ....................................................................................... 65
7J. SEAG BASKETBALL PATULOY NA DOMINADO NG NATIONALS ..................................................... 67

8. PAGBABALITA SA BOKSING
8A. DONAIRE UMISKOR NG SPLIT DECISION WIN .......................................................................... 69
8B. WBO SUPER FLYWEIGHT CROWN, NAKUHA NI PALICTE ........................................................... 71
8C. WBO TITLE ITATAYA NI PACQUIAO LABAN KAY BRADLEY .......................................................... 72
8D. PEÑALOSA, NAITALA ANG IKATLONG PANALO SA US BOUTS ...................................................... 73
8E. PACQUIAO, UMAASANG MULI SIYANG KAKASAHAN NI MAYWEATHER ........................................ 74
8F. IBO TITLE, TARGET SUNGKITIN NG PINOY BOXER SA SOUTH AFRICA ........................................... 75
8G. TAONG 2011 NAGING MATAGUMPAY PARA SA MGA NATIONAL BOXERS ................................... 76
8H. WORLD TITLE BOUT, TARGET NI OLIVA ................................................................................. 77

iii
9. MGA PAGBABALITA SA IBA PANG MGA PALARO
9A. 2 GOLD SA ILOILO ARNISADOR ............................................................................................. 78
9B. 2 WUSHU FIGHTER, PASOK SA FINALS NG WORLD CHAMPIONSHIPS ........................................... 79
9C. 3 TOP JUNIOR TRIATHLETE NG CEBU, KUMINANG SA HONGKONG.............................................. 80
9D. MAGBAG HUMABOL SA JAPAN SWIMFEST ............................................................................. 81
9E. ZAMBO LIFTER, BUMAWI SA ANTIQUE PNG, KONG, MAY 8 GINTO............................................. 82
9F. 5 GOLD NILANGOY NI LACUNA ............................................................................................. 84
9G. AVESCO-PH TEAM,WAGI SA TAIWAN MEMORY CHAMPIONSHIP ............................................... 85
9H. AZKALS TINAMBAKAN NG LA GALAXY ................................................................................... 86
9I. CIGNAL, BINIGO NG PETRON ................................................................................................. 87
9J. LADY STAGS, NAKA 2-0 NA .................................................................................................. 89
9K. LADY BLAZERS UMUKIT NG KASAYSAYAN, KAMPEON SA NCAA SEASON 91 WOMEN'S VOLLEYBALL 90
9L. FRAYNA, SUMALO SA LIDERATO NG BATTLE OF GM'S ................................................................ 91
9M. PHI PADDLERS, WAGI SA 2 GINTO SA ASIAN CHAMPIONSHIPS .................................................. 92
9N. PADDLE UP PHILIPPINE DRAGON BOAT TOUR, SASAGWAN SA LINGGO ....................................... 93
9O. PINAY BMX RIDER, GINTO SA ASIAN BMX CHAMPIONSHIPS .................................................... 94
9P. PHILIPS GOLD, TINUNAW NG MERALCO ................................................................................. 96
9Q. PINOY WOODPUSHER, AABUTIN ANG MISYON SA SUBIC CHESSFEST ........................................... 97
9R. SALAMAT AT WONG, BIGO SA INDIVIDUAL TIME TRIALS ........................................................... 99
9S. PINOY CHESSERS SUMIKWAT NG PILAK AT 2 TANSO SA INDONESIA ............................................ 100
9T. UP, UST, AT NU WAGI SA UNA NILANG LARO ..................................................................... 102

10. IBA PANG PAGBABALITA SA ISPORTS


10A. NATIONAL SPORTS COUNCIL, TINALAKAY SA NATIONAL SPORTS STAKEHOLDERS FORUM .................. 103
10B. SOUTHEAST ASIAN GAMES YEARENDER: PILIPINAS ISINALBA NG BOXING,
ATHLETICS, BILLIARDS AT TAEKWONDO .............................................................................. 104
10C. UAAP 2ND SEMESTER EVENTS, SIMULA NA NGAYONG LINGGO................................................. 106
10D. PARKS, KAUNA-UNAHANG PINOY SA NBA .......................................................................... 107
10E. MGA HARI AT REYNA NG PSL BEACH VOLLEY, KOKORONAHAN NGAYON................................. 108
10F. 'PINAS, SASALI SA CHILDREN OF ASIA INTERNATIONAL SPORTS GAMES ..................................... 110
10G. ALBAY, OPISYAL NANG HOST SA 2016 PALARO..................................................................... 112
10H. KORONA O DINASTIYA? .................................................................................................... 114
10I. NASA MGA KAMAY NG IOC............................................................................................... 116
10J. 2016 RONDA PILIPINAS SISIKAD SA BUTUAN CITY ................................................................ 117
10K. DAVAO CITY, HUMAKOT NG GINTO SA BATANG PINOY DANCESPORTS ..................................... 119
10L. LE TOUR DE FILIPINAS, SA KATIMUGAN SA 2016.................................................................. 121
10M. NCAA CHESS TOURNEY, MAGBUBUKAS NGAYON ................................................................ 122

iv
KABANATA 4: MGA OPINYON / ANALISIS SA MGA KAGANAPAN SA ISPORTS
11. ADOPT A SPORTS, DAPAT NA BUHAYIN ............................................................................... 125
12. GO PHILIPPINES! ............................................................................................................ 127
13. KAWAWA ANG MGA SIKLISTA ........................................................................................... 128
14. NASAAN NA ANG PBL? ................................................................................................... 130
15. PACQUIAO-MAYWEATHER, UMAANGHANG ........................................................................ 132
16. OBER DA BAKOD NA ANG PSC .......................................................................................... 134
17. PBA RULES, REPASUHIN .................................................................................................. 136
18. PANIBAGONG UNOS SA SPORTS ........................................................................................ 138
19. SI PACQUIAO BA ANG BEST POUND FOR POUND BOXERSA KASAYSAYAN? ................................. 139
21. PANALANGIN PARA SA PH BASKETBALL .............................................................................. 143
23. QUOTE #56 .................................................................................................................. 145
24. ANGAT NA, NAG-ALALA PA! ............................................................................................. 146
25. ANG HALAGA NI CAGUIOA ............................................................................................... 148
26. MAHALAGANG LEKSYON .................................................................................................. 150
27. EXCITING ANG 89TH NCAA............................................................................................... 152
28. PONG, HINDI PAGONG.................................................................................................... 154
29. PAGHANDAAN ANG WILD CARD ....................................................................................... 156
30. DINASTIYA NG SAN BEDA ................................................................................................ 158
31. PAPASPAS ANG EXPRESS .................................................................................................. 160
32. MAHUHUSAY NA BAGUHAN ............................................................................................. 162
33. LEARNING EXPERIENCE.................................................................................................... 164
34. HINDI DAPAT MAGMADALI .............................................................................................. 166
35. RULES ARE RULES! ..................................................................................................... 168
36. BAKBAKAN, HINDI TAWANAN .......................................................................................... 170
37. MARVELOUS NGA BA? .................................................................................................... 172
38. PERA O BAYONG?........................................................................................................... 173
39. PINOY PRIDE ................................................................................................................. 174
40. PACQUIAO VS MAYWEATHER ........................................................................................... 175
41. ANG TUNAY NA CHAMPION .............................................................................................. 177
42. BAD SHOT ..................................................................................................................... 179
43. ANONG HEIGHT MO? ...................................................................................................... 181
44. ITULOY ANG LABAN ......................................................................................................... 183
45. TAO ANG NAGPANALO .................................................................................................... 185
46. MAS GUTOM ANG HAPEE TOOTHPASTE ............................................................................ 186
47. OLDER IS WISER............................................................................................................. 188
48. HULING HIRIT ................................................................................................................ 189
49. GREAT WALL ................................................................................................................. 190
50. AYAW KUNG AYAW ......................................................................................................... 191

v
KABANATA 5: MGA TAMPOK NA LATHALAIN SA ISPORTS
51. INTRODUKSIYON SA KILUSANG OLYMPIC MULA SA THE OLYMPIC MOVEMENT IN THE PHILIPPINES 194
52. KALIS: ANG P ILIPINONG S INING NG PAKIKIPAGLABAN NOONG DATING PANAHON................. 202
53. SIPA: ISANG SULYAPSA KULTURANG PILIPINO ...................................................................... 221
54. SUZUKI GIXXER:ANG MULING PAGDISKUBRE SA KASIYAHAN NG PAGMOMOTORSIKLO ............... 222
55. ADVENTURES WITH THE TRIATHLON KID............................................................................. 225
56. TOTAL BODY WORKOUT, I-ZUMBA MO! ............................................................................ 227
57. PARA SA ISANG MALAKAS NA KATAWAN ............................................................................ 232
58. PAMBAHAY NA LUNAS SA UBO AT SIPON ........................................................................... 234
59. TIPS SA EPEKTIBONG PAG-EEHERSISYO AT PAGWOWORK-OUT ............................................... 236
60. HALIMBAWA NI PACMAN ................................................................................................ 238

KABANATA 6: IBA PANG NATATANGING LATHALAIN ..................................................... 240


61. PARA SA BAYAN: MGA MANLALARO NA 'BUWIS BUHAY' PARA SA PAMBANSANG KOPONAN ......... 242
62. ALLAN CAIDIC: MGA MANLALARO NA 'BUWIS BUHAY' PARA SA PAMBANSANG KOPONAN ........... 243
63. TOP 10 STORY: SAYA'T LUNGKOT HATID NG 2015 SA PHILIPPINE SPORTS ............................... 244

MGA SANGGUNIAN ..................................................................................................... 249

vi
KABANATA 1
____________

Introduksiyon sa Wika at
Pananaliksik

1
Ang unang kabanata ay magsisilbing lunsaran ng mga
gawain sa pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang
kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa
pamamagitan ng mga babasahin mula kina Propesor Eugene
Evasco at Dr. Josephina Mangahis mabibigyang tuon ang
makrong kasanayan sa pagsulat at pananaliksik.

Sa artikulo ni Dr. Nilo Ocampo naipupwesto ang iba-


ibang paggamit at wikang nalilikha sa panlipunang konteksto.
Ang isports bilang isang speech community ay nagluluwal ng
mga maraming termino at paraan ng paggamit ng wika na wala
sa ibang speech community at kung gayon ay nakalilikha ng
varayti sa wika:

2
1.
Mga Varayti ng Wika
Nilo S. Ocampo

Sa pagbabasa ng mga aklat na tumatalakay sa isang wika, maaaring


magkaroon ng idea na tila ang lahat ng mga tagapagsalita ng wikang iyon ay
gumagamit sa wika sa unipormadong paraan.

Ngunit dapat tandaan na ang bawat wika ay magkakaroon ng mahigit


isang varayti, lalo na sa anyong pasalita. Ang pagkakaiba-iba ay
napakahalaga at kinikilalang bahagi ng pang-araw-araw na paggamit ng wika
sa iba’t ibang komunidad na rehiyonal at panlipunan. Ganito mangyari pa ang
binigyang-daan ng mga dalubhasa, halimbawa ni George Yule (2010) sa
kaniyang batayang aklat The Study of Language. Isinaalang-alang niya
matapos ang mga panimulang pagtalakay sa mga katangian ng wika, na may
dalawang uri ito ng baryasyon. Una, ang naimbestigahan sa pamamagitan ng
geographic linguistics, nagdidiin sa mga rehiyonal na varayti, at ang ikalawa,
ang mga sangkot na salik sa panlipunang baryasyon sa gamit ng wika.
Karamihan sa sumunod na pagtalakay ng paksang ito ay isinalin at/o hinalaw
sa naturang awtor.

Ang Istandard na Wika

Una, tukuyin natin ang partikular na varayti na karaniwang kahulugan


kapag ginagamit ang mga pangkahalatang terminong tulad ng English,
French, German, Chinese, Bahasa, Filipino at iba pa.

Kapag inilalarawan natin ang mga tunog, salita at pangungusap ng


Ingles at iba pang malaganap o pambansang wika, tumutuon tayo sa isang
varayti lamang, karaniwang tinatawag na Standard English o Istandard
Ganito/Ganoon. Ito ang varayting bumubuo sa batayan ng nakalimbag na
Ingles sa mga pahayag at aklat, sa mass media at ang itinuturo sa mga
eskwelahan. Ito ay varayting karaniwang itinuturo sa mga gustong matuto ng
Ingles o iba pang wika bilang pangalawang wika. Ito rin ang varayting
itinuturing ng ilang tao bilang uri ng “wastong” Ingles at kasi nga, kailangang
mapanatiling “dalisay” o “puro”. Isang malinaw na bersiyon ng punto de
bistang ito ang institusyonalisado sa France Academy laban sa mga salitang

3
nahiram sa ibang wika. Sa kabila ng mga desisyong ito, nagiging palasak rin
ang mga katawagang le whiskey at le weekend sa naiisip nating Standard
French.

Punto (Aksent) at Dayalek


Iniisip mo man o hindi na nagsasalita ka ng Standard English (o
anumang wika), siguradong magsasalita kang may punto o aksent. Hindi
totoong may punto ang ilang nagsasalita samantalang wala ang iba. Litaw o
madaling mapansin ang mga punto ng ilang nagsasalita pero hindi naman sa
iba, gayunman bawat gumagamit ng wika ay may punto. Sa gamit teknikal
nito, ang terminong punto ay nakalimita sa mga aspekto sa pagbigkas na
nagpapakilala sa indibidwal na tagapagsalita kung saan siya galing, rehiyonal
o panlipunan. Dapat ipagkaiba ito sa terminong dayalek na naglalarawan ng
mga sangkap ng grammar at bokabularyo, gayundin ng aspekto ng
pagbigkas. Halimbawa, tila pareho lang ang pangungusap na You don’t know
what you’re talking about sa punto man na American o Scottish. Kapuwa
gagamit ng anyong Standard English ang dalawang tagapagsalita, bagama’t
magkaiba sa pagbigkas. Gayunman, ang susunod na pangungusap—Ye
dinnae ken whit yer haverin’ aboot—ay parehong kahulugan sa nauna, pero
isinulat bilang aproksimasyon ng kung paano magsasalita ang taong may
isang dayalek ng Scottish English.Siyempre, may mga pagkakaiba sa bigkas
(hal. whit, aboot) pero may mga halimbawa rin ng magkaibang bokabularyo
(ken, haverin) at isang kaibang anyong gramatikal (dinnae).

Samantalang madaling makilala ang mga pagkakaiba sa bokabularyo,


mas hindi naitatala ang mga baryasyong dayalekta sa kahulugan ng mga
konstruksiyong gramatikal. Halimbawa, ang isang palitan ng dalawang ispiker
ng British English (B at C) at isang ispiker, mula sa Ireland (A) na naganap sa
Donegal, Ireland:

A. How long are youse here?


B. Till after Easter.
(Mukhang nalilito si Ispiker A)
C. We came on Dunaday.
D. Ah, Youse’re here a while then.
Malinaw na ang konstruksiyong How long are youse here sa dayalek ni
ispiker A, ay ginagamit na may kahulugang malapit sa estrukturang How long
haveyou been here, gamit sa ibang dayalek, kaysa sa interpretasyong
panghinaharap na ginawa ni ispiker B.

4
Sa kabila ng paminsang-minsang kalituhang ganito, may isang
pangkalahalatang impresyon ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga ispiker
ng iba’t ibang dayalek, o varayti ng Ingles. Ang importanteng puntong dapat
tandaan ay mula sa punto de bistang lingguwistik, walang varayting ‘mas
mabuti’ kaysa sa isa pa. Simpleng magkaiba lang sila. Mula sa puntong de
bistang panlipunan, mangyari pa, ang ilang varayti ay nagiging mas
prestihiyoso. Sa katunayan, ang varayting nadevelop bilang Wikang Istandard
ay karaniwang dayalek na prestihiyoso sa panlipunan, orihinal na konektado
sa isang sentrong politikal o kultural (hal. London para sa British English, at
Paris para sa French). Pero palaging may ibang varayti ng isang wika na
sinasalita sa ibang mga rehiyon.

Mga Dayalek na Rehiyonal

Malawak ang pagkilala sa pagkakaroon ng mga iba’t ibang dayalek na


rehiyonal at madalas na pinanggagalingan ng ilang katatawanan sa mga
naninirahan sa ibang rehiyon. Kaya, sa United States, isang taga-Brooklyn
ang magbibiro tungkol sa depinisyon ng taga-South ng sex na sex is fo’ less
than tin, sa pinakamagaling na gaya nito sa punto ng South. Ang taga-South
naman, bilang ganti, ay magtataka kung ano ang tree guy sa Brooklyn,
yayamang naringgan nila ang mga ispiker sa Brooklyn ng doze tree guys. Sa
Pilipinas, makikita ito sa mga patutsada kung ang tumatawag ba ay si Jiji o si
Jeyjey o sa paghaharap ba ng ebidensya sa impeachment trial ni Pangulong
Estrada, ExhibitKiKiKi (tripul K) ang ilalabas. Malinaw na may kakabit na
istiryotayp na bigkas ang ilang dayalek na rehiyonal.

Hindi gaanong kainteresado gayunman ang mga sangkot sa


seryosong pagsisiyasat ng mga dayalek na rehiyonal sa mga gayong
istiryotayp, at nag-ukol ng masinsing saliksik sa identipikasyon ng mga
konsistent na katangian ng pananalitang natatagpuan sa isang survey na ito
ng mga dayalek at tumatrabaho sa loob ng napakaispisifik na pamantayan sa
pagtukoy ng mga katanggap-tanggap na mga informant. Kasi nga,
importanteng malaman kung ang taong kinukunan mo ng pananalita sa teyp
rekording ay tunay na tipikal na kinatawan ng dayalek ng rehiyon. Mas
madalas mangyari tuloy na ang mga nakukuhang informant ng surveyng
dayalek ay karaniwang nakahimpil, matatanda, rural, at lalaki. Napili ang mga
ganitong ispiker dahil pinaniniwalaang mas kaunti ang mga impluwensiya sa
kanila na galing sa labas. Isang di-kanais-nais na resulta ng paggamit sa
ganitong kraytirya ay ang pagkalarawan ng dayalek na mas totoo sa isang

5
panahong bago pa ang imbestigasyon, dati pa at hindi ang pangkasalukuyan
o sa oras ng pagsisiyasat. Gayunman, sa mga ganitong paraan nakuha ang
detalyadong impormasyon na nabuo bilang Lingguwistik na Atlas ng bansa—
bansa (hal. England) o mga rehiyon (hal. ang lugar na New England ng U.S.)

Isogloss at Dayalek na Hanggahan


Tingnan natin ang ilang halimbawa ng rehiyonal na baryasyon sa isang
survey, yaong nagresulta sa Linguistic Atlas of the Upper Midwest of the
United States. Isa sa mga layunin ng ganoong survey ay tumukoy sa mga
makabuluhang pagkakaiba sa pananalita ng mga naninirahan sa iba’t ibang
lugar at gawan ng tsart kung saan ang mga hanggahan, sa puntong dayalek,
sa pagitan ng mga lugar na ito. Kung natuklasan halimbawa, ang karamihan
ng mgainformant sa isang lugar ay nag-uuwi ng kanilang groseri sa isang
paper bag samantalang ang nakararami naman sa ibang lugar ay
nagsasabing paper sack, karaniwang posibleng gumuhit ng isang linya sa
mapa na maghihiwalay sa dalawang lugar, gaya ng naipapakita sa kalakip na
ilustrasyon. Tawag dito sa linyang ito ay isogloss at kumakatawan sa pagitan
ng mga lugar tungkol sa isang partikular na lingguwistik na aytem. Kung isang
parehong distribusyon ang natuklasan para sa dalawa pang aytem, gaya ng
preferens ng pail sa hilaga at bucket naman sa timog, isa pang isogloss na
puwedeng mag-overlap ang maiguguhit. Kapag natipon na ganito ang ilang
bilang ng isogloss, makakadrowing ng mas makapal na linyang tumutukoy sa
isang dayalek na hanggahan.

6
Gamit itong impormasyon ng dayalek na hanggahan, makikita nating
may isang lugar ng dayalek na panghilaga na kasama ang Minnesota, North
Dakota, kalakhan ng South Dakota at Northern Iowa. Ang natitira sa Iowa at
Nebraska ay nagapapakita ng mga katangian ng dayalek na Midland. Ilang
mga kapansin-pansing pagkakaiba sa bigkas at bokabularyo ang nakalista
dito:
(taught) (roof) (creek) (grave)

Northern: [C] [U] [i] [s]


Midland: [a] [u] [i] [z]
Northern: paper bag pail kerosene slippery get sick
Midland: paper sack bucket coal oil slick take sick

Kaya, kung bininigkas ng isang ispiker ng American English, ang


salitang greasybilang [grizi] at nag-uuwi ng groseri sa isang paper sack, hindi
siya maituturing na lumaki at nanirahan nang matagal sa Minnesota. Dapat
pansinin na ang mga anyong karakteristik na nakalista dito ay hindi ginagamit
ng lahat ng nakatira sa rehiyon. Ginagamit ang mga ito ng mga malaking
porsiyento ng mga taong nakapanayam para sa survey ng dayalek.

Ang Katuluyang Kontinuum na Dayalektal

Isa pang pag-iingat ang kailangan. Matulungin ang pagdodrowing ng


mga isogloss at dayalek na hanggahan sa pagtukoy ng malawakang
pananaw ng mg dayalek na rehiyonal, pero napagtatakpan nito ang
katunayang naghahalo-halo rin ang iba’t ibang varayti sa mga lugar
dayalektal. Habang naiisip ito, puwede nating tanawin ang isang rehiyonal
na baryasyon na nakalugar sa isang katunayan o kontinuum, at hindi iyong
may kapansin-pansing patlang sa pagitan ng mga rehiyon. Isang
napakaparehong tipo ng kontinuum ang magaganap sa magkakatabing
wikang magkakaugnay sa mga hanggahang politikal. Sa paglalakbay mula
sa Holland tungong Germany, makakakita ka muna ng mga konsentrasyon
ng mga ispiker ng Dutch, pagkatapos ay mga lugar kung saan naghahalo
ang mga dayalek ng Dutch at German, hanggang sa mapunta sa mga lugar
na mas maraming ispiker ng German.

7
Isang kaparehong sitwasyon ang naidokumento sa tinatawag na
kontinuum ng dayalek sa Scandinavian, na humahanga sa mga itinuturing na
magkaibang wika, kaugnay ng iba’t ibang bansa. Sa pananaw na ito,
maituturing ang mga ispiker ng Norwegian at Swedish na gumagamit ng
ibang rehiyonal na dayalek ng iisang wika. Isang kampante sa pagsasalita sa
kapuwa Swedish at Norwegian ay puwedeng tawaging bidialectal
(‘nagsasalita ng dalawang dayalek’). Gayunman, dahil nag-uusap tayo
tungkol sa karaniwang itinuturing na dalawang wika, ang ispiker na iyon ay
mas tatawaging bilingual (‘nagsasalita ng dalawang wika’).

Bilingguwalismo

Sa maraming bansa, hindi lang simpleng dalawang dayalek ang


rehiyonal na baryasyon, subalit isang bagay ng dalawang magkakaiba at
magkalayong wika. Ang Canada, halimbawa, ay bansang opisyal na
bilingguwal, opisyal na wika kapuwa ang French at English. Hindi nagkaroon
ng pagkilala sa istatus panlingguwistik ng mga tagapagsalita ng French,
kalakhan ng Quebec, nang walang malaking sigalot pampolitika. Sa kalakhan
ng kasaysayan nito, sa esensiya, nagsasasalita sa Inglesang Canada, na
may maynoriting nagsasalita ng French. Sa gayong sitwasyon, sa puntong
indibidwal, mas nagiging katangian ng maynoriti ang bilingguwalismo. Sa
anyong ito ng bilingguwalismo, lumalaki ang isang miyembro ng maynoriti sa
isang komunidad na lingguwistik, pangunahing nagsasalita sa isang wika
tulad ng Gaelic (gaya sa kaso sa maraming taon sa Scotland) pero natututo
ng isa pang wikang tulad ng Ingles, para makabahagi sa mas malaki, mas
dominanteng komunidad na lingguwistik.

Ang indibidwal na bilingguwalismo, gayunman, ay simpleng resulta


lang ng pagkakaroon ng dalawang magulang na magkaiba ang wika. Kung
sabay na nakukuha ng isang bata ang French na wika ng kaniyang ina at ang
Ingles na sinasalita ng kaniyang ama, baka hindi man mapansin ang
distinksyon sa pagitan ng dalawang wika. Mayroon lang na dalawang paraan
ng pagsasalita iyon sa taong kinakausap. Gayunman, dito rin sa tipong ito ng
bilingguwalismo, lumilitaw ang isang wika bilang mas dominant, ang isa
naman, napangingibabawan.

8
Pagpaplanong Pangwika
Siguro, dahil karaniwang natatagpuan ang bilingguwalismo sa Europe
at North America sa mga pangkat ng maynoriti, inaakala ang isang bansang
tulad ng Unites States of America na isang magkakaparehong komunidad ng
pananalita kung saan nagsasalita ng Ingles ang lahat at gamit ng lahat ng
estasyon sa radio at TV at pahayag ang Standard English. Maling pananaw
ito. Hindi nito isinasaalang-alang ang pagkakaroon ng malalaking komunidad
na hindi Ingles ang pangunahing wika. Halimbawa, ang majoriti sa
populasyon ng San Antonio, Texas ay mas makikinig sa brodkast sa radio sa
Espanyol kaysa Ingles. Malaki ang implikasyon ng katunayang ito sa punto
ng organisasyon ng mga kinatawang lokal sa pamahalaan at sa sistemang
pang-edukasyon. Dapat basa Espanyol o Ingles ang pagtuturo sa
elementarya?

Ikonsider ang kaparehong tanong sa konteksto ng Guatemala


na,bukod sa Espanyol mayroong 26 na wikang Mayan na sinasalita. Kung sa
ganitong sitwasyon, pinili ang Espanyol bilang wika ng edukasyon, hindi ba
agrabyado sa pangunang edukasyon sa lipunan ang mga ispiker ng Mayan?
Kailangang sagutin ang mga katanungang ganito batay sa ilang uri ng
pagpaplanong pangwika. Kailangang aktibo ang pamahalaan, ang mga
pangkat panlegal at pang-edukasyon sa pagpaplano kung anong varayti ng
mga wikang sinasalita sa bansa ang gagamitin sa larangang opisyal. Sa
Israel, sa kabila ng katunayang hindi Hebrew ang pinakagamit na wika sa
populasyon, ito ang pinili bilang opisyal na wikang pampamahalaan. Sa India,
pinili ang Hindi, pero sa maraming rehiyong hindi nagsasalita ng Hindi, may
mga kaguluhan laban sa desisyong iyon.

Mas malinaw na makikita ang proseso ng pagpaplanong pangwika


kapag yugto-yugto itong naipatupad sa lakad ng mga taon. Isang magandang
halimbawa ang dulot ng pagpili ng Swahili bilang pambansang wika ng
Tanzania sa East Africa. Marami pang mga wikang tribu at naroroon pa ang
kolonyal na impluwensya sa wikang Ingles, pero dahan-dahan nang naipasok
ang Swahili bilang opisyal na wika sa larangang pang-edukasyon, legal at
pamahalaan. Ang proseso ng ‘pagpili’ (pagtukoy ng opisyal na wika) ay
sinundan ng ‘kodipikasyon’ kung saan ginagamit ang batayang gramar,
diksiyonaryo at mga modelong sulatin para itanghal ang varayting Istandard.
Sunod ang proseso ng ‘elaborasyon’, ang varayting Istandard na nililinang
para gamitin sa lahat ng aspekto ng buhay panlipunan, kasama na sa

9
pagpapalitaw ng katipunan ng mga akdang pampanitikang nakasulat sa
Istandard. Ang proseso ng ‘implementasyon’ ay katungkulan dapat ng
pamahalaan sa pagtutulak nito sa gamit ng Istandard, at ‘pagkatanggap’ ang
huling yugto kung saan ang mayorya ng populasyon ay gumagamit na ng
Istandard at iniisip ito bilang pambansang wika, gumaganap ng bahagi hindi
lang sa panlipunan, kundi sa pagkakakilanlang pambansa.

Mga Pidgin at Creole


Sa ibang lugar, ang napiling Istandard ay puwedeng orihinal na walang
mga katutubong ispiker. Halimbawa, sa New Guinea, karamihan sa ugnayang
opisyal ay ginagawa sa Tok Pisin, isang wikang inilalarawan minsan na
Pidgin Melanesian. Ang Pidgin ay isang varayti ng isang wika (hal. English)
na napaunlad sa mga kadahilanang praktikal, tulad ng pangangalakal, sa
mga pangkat ang mga taong hindi alam ang wika ng iba pa. Dahil dito, wala
itong katutubong ispiker. Sinasabing nanggaling ang salitang Pidgin sa isang
bersiyon ng Pidgin Chinese ng salitang Ingles na ‘business’. Mayroon pang
ilang Pidgin English na ginagamit hanggang ngayon. Natatangi sila sa isang
kawalan ng anuman komplikadong morpolohiyang gramatikal at limitadong
bokabularyo. Mas madalas palitan ng mga functional morphemes ang lugar
ng mga inflectional morphemes na natatagpuan sa pinanggalingan wika.
Halimbawa, sa halip na palitan ang anyong you sa your, tulad ng pariralang
Ingles na your book, ginagamit ng mga Pidgin na batay sa Ingles ang anyong
tulad ng bilong, at pinapalitan ang pagkakasunod ng mga salita para
makalikha ng mga pariralang tulad ng buk bilong yu.

Puwedeng mga parirala mula sa ibang wika ang pinanggalingan ng


maraming salita sa Pidgin, tulad ng isang salitang gamit para sa ‘ruin,
destroy’ na bagarimap (hango sa pariralang Ingles na bugger him up), o para
sa ‘lift’ na haisimap (mula sa ‘hoist him up’), o para sa ‘us’ na yumi (mula sa
‘you’ dagdag ang ‘me’). Ginagamit na malikhain ang mga panghihiram para
maging iba ang kahulugan tulad ng salitang ars na ginagamit para sa ‘cause’
o ‘source’, gayundin na ‘bottom’, at nanggaling sa salitang Ingles na arse.

10
Puwedeng ibang-iba ang sintaks ng Pidgin sa mga wikang hiniraman
at hinanguan nito, tulad ng sumusunod na halimbawa ng Tok Pisin:

bimeby hed bilongyu i-arraít gain

(by and by) (head) (belong you) (he-alright) (again)

‘Your head will soon get well again.’

Tinatantiyang may mga 6 hanggang 12 milyong katao pa ang


nagsasalita ng wikang Pidgin at mula 10 hanggang 17 milyon ang gumagamit
ng mga nanggaling sa Pidgin na Creole. Kapag nadevelop ang Pidgin lagpas
sa tungkulin nito bilang wika ng pangangalakal at naging unang wika ng isang
pamayanang panlipunan, inilalarawan ito bilang Creole. Mas tama nang
sabihing ngayon halimbawa, na isa nang Creole ang Tok Pisin. Hindi tulad ng
Pidgin, maraming katutubong ispiker ang mga wikang Creole. Madalas silang
nalinang at naitatag na sa mga dating alipin na populasyon sa mga dating
estadong kolonyal. Kaya, may mga Creole na French na sinasalita sa Haiti at
Louisiana, at Creole na Ingles sa Jamaica at Sierra Leone.

Wika, Lipunan at Kultura

Natukoy sa itaas na sa pamamaraan ng iyong pananalita, may


napapansing bakas kung saan ka namalagi sa iyong mga unang taon sa
buhay, kung isasaalang-alang ang puntong rehiyonal o dayalekta.
Gayunman, puwedeng may iba pang katangian ang iyong pananalita na hindi
kaugnay sa baryasyong rehiyonal. Ang dalawang taong lumalaki sa parehong
lugar na heograpiko sa parehong panahon ay puwedeng magkaibang
magsalita bunga ng ilang panlipunang salik. Mahalagang hindi maisantabi
ang panlipunang aspekto ng wika dahil, sa maraming paraan, ang pananalita
ay isang uri ng panlipunang identidad at ginagamit, malày o hindi malày, para
tukuyin ang pagkabilang sa iba’t ibang panlipunang pangkat o iba’t ibang
komunidad ng pananalita.

Mga Panlipunang Dayalek

Sa mga makabagong pag-aaral ng baryasyon ng wika, nagbubusisi


nang husto sa pagdodokumento, karaniwan sa pamamagitan ng
palatanungan o questionnaires, sa ilang mga detalye ng panlipunang

11
katangian ng mga ispiker. Dahil sa ganitong pagpansin sa mga detalye,
nakakagawa tayo ng pag-aaral sa mga panlipunang dayalek, na mga varayti
ng wikang ginagamit ng mga pangkat na tinutukoy ayon sa uri, edukasyon,
trabaho, edad, kasarian, at iba pang panlipunang sukatan.

Edukasyon, Okupasyon, at Uring Panlipunan

Importanteng malaman, halimbawa, kung magkakapareho ang


kasanayang edukasyonal ng isang pangkat ng mga ispiker. Sa ilang survey
ng dayalek, natuklasan na doon sa mga umaalis sa sistemang pang-
edukasyon sa murang edad, mas may pagkiling ang mga ito na gumamit ng
mga anyong hindi ganoong gamitin sa pananalita ng mga tumutuloy sa
kolehiyo. Mas komon halimbawa ang pananalitang Them boys throwed
somethin’ sa unang pangkat kaysa doon sa huli. Ang taong mas matagal na
nag-aaral papuntang kolehiyo o unibersidad ay mukhang may bigkas na
pananalitang mas nakuha sa matagal na pakikipag-ugnayan sa wikang
nakasulat. Makikita ang matingkad na anyo ng ganitong impluwensiya sa
angal na “parang librong magsalita (talks like a book)” ang ilang propesor.

Kaugnay sa edukasyon ang mga pagkakaiba sa okupasyon at


panlipunang uri na may ilang epekto sa pananalita ng mga indibidwal. Bawat
okupasyon ay may sangkap na jargon na hindi basta maiintindihan noong
mga hindi ganoon ang okupasyon. Isang matingkad na halimbawa ng
pananalitang naitatakda ng okupasyon ang tawag ng weyter na “Bucket of
mud, draw one, hold the cow” sa isang karinderya— isang baryasyon ng
order ng kostumer na “a chocolate ice cream and coffee without cream.”

Isang tanyag na pag-aaral ang nag-ugnay ng mga elemento ng lugar


ng okupasyon o istatus na sosyo-ekonomiko sa pagtingin sa mga pagkakaiba
ng bigkas ng mga salespeople sa tatlong department store sa New York City,
Saks (mataas na istatus), Macy’s (panggitna) at Klein (mababa). Talagang
may nakikitang pagkakaibang masusukat. Sa British English, kung saan mas
litaw ang pagkakaibang panlipunang uri ng mga pananalita kaysa United
States, ang gamit ng [n] taliwas sa [k] para sa tunog—ing sa hulihan ng mga
salitang tulad ng walking at going ay nakitang mas komon sa mga ispiker na
manggagawa, sa iba’t ibangvarayting rehiyonal, kaysa sa mga ispiker ng
panggitnang uri.

12
Edad at Kasarian

Maski na sa loob mismo ng mga pangkat ng parehong uring


panlipunan, may mga pagkakaiba pang natatagpuan na nag-uugnay sa mga
salik tulad ng edad o kasarian ng mga ispiker.

Maraming mas batang ispiker na naninirahan sa isang partikular na


rehiyon ang madalas tumitingin sa resulta ng isang survey ng dayalek ng
kanilang lugar (sa mga mas matatandang informantkaramihan) at
nagsasabing ginagamit nga ng kanilang mga lolo’t lola ang mga salitang iyon,
pero sila hindi. Pinakapansin-pansin ang baryasyon ayon sa edad ng mga
lolo o lola at apo. Samantalang gamit pa ng lolo ang icebox o wireless,
malilito naman siya sa pananalita ng kanilang apong tinedyer na gustong
mag-pig-out sa kung ano man ang nasa fridge habang nakikinig sa kaniyang
boombox.

Maraming saliksik ang paksain ng ganitong pagkakaiba ayon sa


kasarian ng mga tagapagsalita. Isang pangkalahatang konklusyon mula sa
mga survey ng dayalek na mas gumagamit ang mga babaeng tagapagsalita
ng mga presihiyoso na anyo kaysa sa mga lalaking tagapagsalita na pareho
ang katayuang panlipunan. Ibig sabihin, mas matatagpuan ang mga anyong
tulad ng I done it at he ain’t sa mga pananalita ng mga lalaki, at I did it at he
isn’t naman para sa mga babae. Sa ilang mga kultura, mas markado ang
pagkakaiba sa pananalitang lalaki at babae. Iba’t ibang bigkas ng ilang mga
salita ng lalaki at babae ang naidokumento sa ilang wika ng mga Katutubong
Amerikano tulad ng Gros Ventre at Koasati. Noong unang naengkuwentro ng
mga Europeo ang iba’t ibang bokabularyo ng pananalitang lalaki at babae sa
mga Carib, nag-ulat sila na magkaiba ang pananalita ng lalaki sa babae. Sa
katunayan, ang natuklasan nila ay isang malalang bersiyon ng baryasyon
ayon sa kasarian ng ispiker.

Etnikong Kaligiran

Puwede namang magkaroon ng mga pagkakaiba ng pananalita sa


loob ng isang lipunan dahil sa magkaibang etnikong kaligiran. May kapansin-
pansing katangian, halimbawa, ang pananalita ng mga bagong migrante at ng
kanilang mga anak. Sa ilang lugar, kung saan may malakas na katapatan sa
wika ng orihinal na wika ng pangkat. Ilang malalaking bahagi ang nadadala
sa bagong wika. Puwedeng banggitin ang wika ng mga itim na Amerikano,
tinawag na Black English. Kapag medyo napahiwalay ang isang grupo saloob

13
ng isang lipunan, gaya ng historikal na diskriminasyon sa mga Amerikanong
itim, nagiging mas markado ang mga pagkakaiba sa panlipunang dayalek.
Nagiging problema dahil dito, mula sapunto de bistang panlipunan, na ang
resultang varayti ay nagkakaroon ng istigma na “masamang salita/bad
speech.” Isang halimbawa ang madalas na pagkawala ng copula (mga anyo
ng verb ‘to be’) sa Black English, gaya ng pahayag na they mine o You crazy.
Sa Standard English dapat ginagamit ang verb form na are sa mga ganitong
ekspresyon. Gayunman, hindi gumagamit ng copula sa mga gayong
estruktura ang maraming dayalek ng English at malaking bilang ng mga wika
(hal. Arabik, Russian) ang may parehong estruktura na walang copula. Sa
puntong ito samakatwid, hindi puwedeng “masama” ang Black English, dahil
“masama” din kung gayon ang Russian o Arabik. Bilang isang dayalek,
simpleng may katangian lang ito sa konsistent na iba sa Standard.

Isa pang aspekto ng Black English na pinuna, minsan ng mga


edukador, ang gamit ng konstruksiyong double negative tulad ng He don’t
know nothing o I ain’t afraid of no ghosts. Ilohikal daw ang ganoong
estruktura. Kung ganoon nga, ilohikal din ang French dahil karaniwang
gumagamit ito ng dalawang-bahaging anyong negative, tulad ng il NE sait
RIEN (he doesn’t know anything) at ang Old English na may double negative
din sa Ie NAHT singan NE cuoe (‘I didn’t know how to sing’). Sa katunayan,
malayo sa pagiging ilohikal, mahusay na paraan sa pagdidiin ng diwang
negative ng mensahe ang estrukturang ito. Sa kabuuan, isa itong katangian
ng dayalek, natatagpuan sa isang dayalek na panlipunan ng Ingles, minsan
natatagpuan rin sa iba pang dayalek, pero hindi sa Wikang Istandard.

Idyolek

Siyempre, magkakasama ang lahat nga mga aspekto ng pagkakaiba


sa dayalek na rehiyonal at panlipunan sa mga anyo nito sa pananalita ng
bawat indibidwal. Ginagamit ang term na idyolek na personal ng bawat ispiker
na indibidwal ng isang wika. May iba pang salik, tulad ng kuwaliti ng boses at
katayuang pisikal, na nakapag-aambag sa mga katangiang nagpapakilala sa
pananalita ng isang indibidwal, pero marami sa mga panlipunang salik na
nailarawan na ang nagdedetermina ng idyolek ng bawat tao. Mula sa
pananaw ng panlipunang pag-aaral ng wika, tunay ngang kung ano ang salita
mo, iyon ikaw.

14
Register
Lahat ng mga panlipunang salik na isinaalang-alang nating hanggang
dito ay kaugnay sa baryasyon ayon sa gumagamit ng wika. Isa pang
pinanggalingan ng baryasyon ng pananalita ng indibidwal ay depende sa mga
sitwasyon ng paggamit. Hindi lang kaso itongkung sino tayo kundi kung
anong mga sitwasyon ang kinapapalooban natin. Tradisyonal na nilalapitan
ang tipong ito ng baryasyon sa konsepto ng register, natutukoy din na estilo o
stylistic variation. Batayang nosyon na sa anumang pagkakataon, di-
maiiwasang kakabit ang wika sa konteksto ng sitwasyon at ang iba’t ibang
sitwasyon ay nangangailangan ng iba’t ibang pagharap. Napakasensitibo ng
wika sa konteksto ng sitwasyon nito kaya nakahahalaw tayo mula sa mga
napakasimpleng halimbawa. Sa sumusunod, siguradong maraming
mambabasa ang makakakilala ng bawat sitwasyon:

1. I’m going to give you a prescription for the pain.

2. Cream together butter, sugar and beaten yolks until smooth.

3. New Tubifast. The tubular dressing retention bandage. No sticking. No


tying. No pinning.

4. Beauty of Velvet at truly Budget Prices. In 16 colors. Send now for full
details. And actual fabric samples.

Mahihinuhang doktor-sa-pasyente ang usapan sa (1); mula naman sa


resipi ang (2); at galing sa magazine advertizing ang (3) at (4). Ibig sabihin,
kaya natin nakilala ang mga pahayag at nailalagay sa konteksto, ay may
partikular na gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon, nakikita sa aktuwal na
bokabularyo (‘prescription’ na gamit ng doktor o maiikli at maulit na
pangungusap sa kaso ng advertising ).

Tenor
May mga antas ng estilo ng pananalita, mula sa napakapormal
hanggang sa napakaimpormal. Patungo sa interbiyu para sa trabaho,
sasabihin ng Amerikano marahil sa isang sekretarya ang Excuse me, is the
manager in his office? I have an appointment. Kataliwas naman kung
kaibigan ang kausap tungkol sa isa pang kaibigan, puwedeng hindi ganito

15
kapormal ang mensaheng lalabas: Hey, is that lazy dog still in bed? I gotta
see him about something.

Mas pormal na nakatala ang ganitong tipo ng baryasyon sa ilang mga


wika. Sa Japanese halimbawa, may iba’t ibang tawag na ginagamit sa taong
kinakausap, depende sa kung gaanong paggalang o pagyuko ang nais
gawin. May dalawang pronouns ang French (tu at vous), katumbas ng Ingles
na you, ang una reserbado sa mga malalapit na kaibigan at pamilya. May
similar na pagtukoy na nakikita sa mga anyong you sa German (du at Sie) at
sa Spanish (tu at usted).

Bagama’t wala nang ganoong distinksyon sa pronoun ang English,


mayroon pang mga tiyak na pagpipilian depende sa angkop na katayuan ng
taong kinakausap. May iba’t ibang pangalan o ‘titulo’ na ginagamit ng iba’t
ibang tao, sa iba’t ibang panahon, para makuha ang ating atensiyon. Para
maipaliwanag ang aspekto na itong tinatawag minsan na lipat-estilo (style-
shifting), depende sa katungkulan, isipin ang sarili sa bawat isa sa mga
panlipunang ‘katungkulang’ naipapakita sa listahan sa ibabang kaliwa, at
isaalang-alang kung anong anyo (o mga anyo) ng pagkausap ang
pinakagamitin mo sa taong ang iba’t ibang ‘pangalan’ ay nakalista sa kanan
(dating pangulo ng US na si Ronald Reagan—puwedeng subukin sa iba pang
sikat na tao):

1. sastreng tumatawag para sabihing tapos na Ron


ang kanyang amerikana
2. mabuting kaibigan ng ilang taon Mr. Reagan
3. kaniyang batang apo Ronald
4. kaniyang drill sergeant sa army Gramps
5. kaniyang dating guro sa elementarya Reagan
6. detektib sa tindahan na inakalang shoplifter siya Ronnie,baby
7. dati niyang Hollywood agent Hey, you

Pansinin din ang kung paano kausapin ng isang tao (si A) ang isa pa
(si B) tungkol sa pagbukas sa pintuan.

1. Maaari kayang buksan mo ang pintuan?


2. Puwede kayang buksan ninyo ang pinto?
3. Maaaring buksan ninyo ang pinto, di ba?
4. Puwedeng buksan mo ang pinto, di ba?

16
5. Pakibuksan nga po ang pinto.
6. Pakibuksan nga ang pinto.
7. Buksan ang pinto.
8. Ang pinto!
9. Ba’t di mo buksan ang pinto?
10. Di mo ba bubuksan ang pinto?

Iisa lang ang gustong matupad ni A kay B pero malinaw na iba’t ibang
pamamaraan. Kaugnay ang mga ito sa mga panlipunang relasyon nina A at
B. Mas magalang ang ibang halimbawa samantalang halata naman sa ilan
kung sino ang mga makapangyarihan o sino ang inaasahang obligadong
sumunod. Inilalarawan ng ilang iskolar ito bilang tenor o tono at kasama rito
ang pagkamagalang, antas ng pormalidad at relatibong katayuang
panlipunan ng mga kalahok.

Nadadala sa wikang nakasulat ang pagkakaiba sa estilo, magandang


halimbawa ang mga sulat sa mga kompanya (hal. I am writing to inform
you...) versus sa mga sulat sa kaibigan (Just wanted to let you know...)
pangkalahatang pattern, gayunman, na mas magiging pormal sa estilo ang
nakasulat na anyo ng mensahe kaysa sa katumbas na pagbigkas. Kung
nakakita ka sa MRT na kumakain, umiinom at may radyo, puwede mong
sabihing bawal ang mga ito at maghintay siyang bumaba sa sasakyan. O
kaya naman, puwede mong ituro sa kaniya ang mas pormal na wika ng
nakalimbag na paalala na ganito ang laman:

The city has recently passed an ordinance that expressly


prohibits the following while aboard public conveyances. Eating
or Drinking. The Playing of Electronic Devices.

Ang mga salitang expressly prohibit at electronic devices, hindi basta


nagagamit ito sa wikang sinasalita dahil may pagkapormal.

Larang/Field

Pinag-aaralan din ang register ayon sa larang/field o sa aktibidad at sa


bokabularyong sangkot. May mga espesyalisadong bokabularyong lumilitaw
para sa mga larangan o propesyon, tulad ng software, disk-drive, data-
storage para sa computing o shaft drive, rising rate monoshock rear
suspension, air-adjustable front forks tungkol sa mga motorsiklo. Madalas

17
tinatawag itong teknikal na bokabularyo, pero medyo nakaliligaw ito dahil
naituturing na makabagong agham at teknolohiya lamang halos ang
nangangailangan ng gayong bokabularyo. May register na relihiyoso na
maaasahan nating hindi na maeengkuwentro kung saan pa, tulad ng Ye shall
be blessed by Him in time of tribulation. Sa isang pang register,
makakaengkuwentro tayo ng mga pangungusap na The plaintiff is ready to
take the witness stand o Your honor; please, I would like to make a
manifestation.Register itong propesyon ng batas, na tiyak hindi naman
makikialam sa mga pahayag na The morphology of this dialect contains
inflectional suffixes ng register ng lingguwistiks. Mayroon din ang
paggagantsilyo o sa high fashion/haute couture: boned strapless bodices,
black crepe dress with satin godet inset, draped decolette backs. Dahil
mukhang esklusibo ang bokabularyo sa bawat larangan, mukhang mas
angkop na tawagin ang mga itong bokabularyong-espesipiko-sa-larang (field-
specific).

Paraan (Mode)
Bukod sa mga konsiderasyon ng katayuang panlipunan at
larangan, sensitibo rin ang wika sa mga pamamaraang gamit sa
komunikasyon. Kamangha-mangha kung paano ito sa iba’t ibang kultura at
panahong pangkasaysayan, mula sa mga bloke ng bato at dahon ng papyrus
hanggang sa mga signal na usok o bayo sa tambol. Pangunahing distinksiyon
sa pagitan ng mga daluyan ng komunikasyong ito kung kagyat ang kontak ng
mga kalahok o nagpapahintulot pa ng palugit sa mga ito. Pangunahing
katangian ng distinksiyong ito sa kultura ng Europe (at sa atin na rin) ang
pananalita at pagsulat.

Sa kabila ng katunayang kahit ang mga pinakaaral sa atin ay mas


gumugugol ng kanilang oras sa midyum ng pananalita, ang midyum na
nakasulat pa rin ang mukhang nagkokondisyon sa pananaw natin sa wika.
Malaki kasi ang pagkakaiba kung paano nakakamit ang kontrol ng dalawang
paraan. Nalilinang na sa pinakamusmos na edad ang kakayahan nating
magsalita na bahagyang mulat lang sa mga prosesong sangkot at walang
litaw na pagtuturo. Ang pagsusulat, sa kabilang banda, ay bihirang nakakamit
kung hindi sa litaw na pagtuturo at bilang pokus ng matamang atensiyon.
Kaya nga pangunahing komponent ito ng panimulang kurikulum sa eskuwela
at nagkakamit ng papuri o pagtuligsa depende sa relatibong tagumpay o
pagkabigo sa paraang ito. Mas madaling husgahan ang paraang nakasulat
dahil sa relatibong pagkapermanente nito kaiba sa kalikasang transitori ng

18
pananalita. Dahil nariyan lang ang pananalita, saklaw ang lahat, parang hindi
na ito napapansin. Sapagkat parang palaging nakikipagbuno sa paraang
nakasulat ng wika, itinuturing naman itong kongkreto bagama’t isa-isang
bahagi lang ng kabuuang kakayahang lingguwistik.

Katangian ng mga Pananalitang Espontanyo

Bihira tayong maging maláy sa kung paano tayo magsalita kaya


interesting na busisiin ang halimbawa ng espontanyong usapan sapagkat sa
ganitong paraan, lumilitaw nang husto at napapatingkad ang mga katangian.
Sa wikang Ingles muna
ang ating halimbawa (tingnan din natin sa ating kultura pagkatapos
bilanggawain sa klase):

A. What about erm Stephen do you s

B. He comes to Aikido with me now (A: o yea) I try er encourage him to


do it (.) I’ve tried the painting a bit on ‘em all (A: yea) painting I’ve tried
you know (A: yea) tried to find there’s anything that’s been passed on
(.) Sally’s quite good (.) for her age like you know (A: mm) (.) erm she
seems to be able to put things in the right place (.) which is something
(.) which is the main thing really..er (.) I try and get them to do the
things you know but (.) you know they sort of go their own way (.) you
know

Makikita natin ang mga katangian ng tuloy-tuloy, di-pinag-isipang


pananalita sa (1) mga patlang at/o pampunong bigkas na nailalagay dito sa
mga panandang tulad ng (.) o ers/ems, yea, mm sa pagitan ng mga
pangungusap o sa loob mismo; (2) mga marker ng pagkaunawaan o
simpatya sa nag-uusap tulad ng you know, sort of; (3) mga pag-uulit tulad ng
I’ve tried, painting, anything; at (4) mga pagtatangka sa pagbabago ng
pangungusap. Mukhang lumalabas na pabara-bara ang paraang pananalita,
subalit hindi tamang konklusyon ito sapagkat sinusuri dito ang isinulat na
pananalita na lumabas na parang walang kaayusan. Sa katunayan, hindi
napansin ng mga kalahok ang mga patlang at pag-aalinlangang ito at
nakikitang lohikal sa sangkap ng paraang iyon. Nabibigyang-diin lang ang
kaibhan ng dalawang paraan na kapuwa may sariling sistema at lohika.

19
Nagsimula ang mga katangiang ito ng pananalita dahil sa dinamiko at
interaktibong aspekto ng paraang ito. Lalo na sa harapang sitwasyon na
impormal, kapuwa biglaan at mapagtulungang pakikiugnay ito ng mga
kalahok. Kasabay ang proseso ng pagpaplano at pagbubuo ng sasabihin sa
aksiyon mismo ng pagsasalita, at gayundin ang proseso ng interpretasyon,
sapagkat hindi na mababawi ang produkto.

Samantalang relatibo ang transitori at di-permanente ang pananalita,


relatibong nakahimpil at permanente naman and produkto ng pagsusulat.
Puwede ritong mapaghiwalay ang mga kalahok sa oras at sa lugar.
Puwedeng mahaba ang proseso ng pagbubuo, yugto-yugto at maraming
rebisyon habang lumilitaw ang tapos na produkto. At dahil relatibong nakatigil
ang produkto, puwede ring mahaba, matagal-tagal, mababalam-balam ang
interpretasyon, ilang beses binabasa-basa.Ang nakasulat ay nakasulat na,
kaiba sa pananalita na may dagdag na konteksto o asal-paralingguwistik ang
kahulugan ng isang binigkas.

Magkahalong Paraan

Sa mga dahilang ito natutukoy na magkaibang-magkaiba ang


dalawang paraankung malapit na pinaghahambing. Magiging mali,
gayunman, kung pagpipilitang may absolutong pagkahati sa lahat ng
nakasulat sa unang banda, at sa lahat ng pananalita sa kabila. Mayroon
namang mga kasong nasa gitna o pagitan tulad ng inihandang lektyur o
madramang dayalog, naisulat na bago pero babasahing malakas; o sa kabila
naman, ng panayam o talakayang inirekord na itatranskrayb para ilimbag. Sa
katunayan, unti-unti nang pinalalabo ng elektronik midya ang kaibhan sa
pagitan ng dalawa. Inilulugar ng mga telephone-answering machines,
halimbawa, ang ispiker sa kakatwang posisyon na bumubuo ng produktong
bigkas para sa ipinagpalibang kontak sa isang makikinig na wala pa kung
kaya ipagsasaalang-alang ang mga kahingian ng paraang karaniwang
naeengkuwentro doon sa isa pa.

Kung gayon, ang pag-unlad at pagpapalawak ng mga alternatibong


paraan ng komunikasyon sa loob ng isangkomunidad ng pananalita ay
magkakaroon ng alingawngaw sa anumang paraang ginagamit na at
mangyari pa, sa kabuuan ng kultura mismo (re: kasalukuyang text
messaging). Puwersang malakas ang paglitaw at malawakang paggamit ng
isang paraan ng nakasulat para sa estandardisasyon ng mga anyong

20
lingguwistik sa paraang pananalita. Sa kasaysayan ng Ingles, halimbawa,
ang pagkuha sa dayalek ng timog-silangang Midlands bilang norm para sa
mga nakasulat na dokumento ay nakatulong nang malaki para maadap ito
bilang istandard na dayalek ng ‘edukadong’ pananalita. Nagkakaroon lalo ng
prestihiyo ito habang nakikita sa paraang nakasulat at nagtatamasa ng mga
pakinabang. Samakatwid, sa loob ng isang komunidad ng pananalita, hindi
naman ganap na magkahiwalay ang isa sa isa.

Bilang suma, nagkakaroon ng pagkakaiba at sa gamit ng wika


depende sa sitwasyon kung saan may kaakibat na tenor, larangan at paraan,
lahat ng ito bumubuo sa nosyon ng register.

Diglossia

Sa pagtalakay sa mga naunang bahagi, mawawari nating mukhang


napakahirap na panlipunang pagkilos ang pagsasabi ng tamang bagay sa
tamang tao sa tamang panahon. Sa ilang bagay, mukha nga. Isa itong
kasanayang dapat kamtin ng mga gumagamit ng wika lagpas sa iba pang
kasanayang lingguwistik na bigkas at gramar. Sa ilang lipunan, gayunman,
mas naging hayag na ang gagamiting angkop na anyong lingguwistik dahil sa
diglossia. Ginagamit ang salitang ito para ilarawan ang isang sitwasyong may
dalawang napakaibang varayti ng wika sa loob ng isang komunidad ng
pagsasalita, bawat isa may malinaw na katungkulang panlipunan. Normal na
mayroong varayting ‘Mataas’ para sa mga bagay na seryoso at pormal, at
varayting ‘Mababa’ para sa usap-usap o gamit impormal.

Isang anyo ng diglossiaang umiiral sa karamihan sa mga bansang


nagsasalita ng Arabik kung saan may mataas, o klasikal na varayting gamit
sa mga lektyur, talumpating relihiyoso at pormal na talumpating politikal,
samantalang ang mababang varayti ay may lokal na dayalek na kolokyal na
Arabik. Sa Griyego, mayroon ding varayting mataas at mababa (o demotik).
Sa ilang sitwasyon, tila hiwalay na wika na ang mataas na varayti. Sa
mahabang panahon ng kasaysayan ng Kanlurang Europa, isang sitwasyong
diglossic ang umiral kung saan Latin ang mataas na varayti samantalang
mabababa ang mga lokal na wika tulad ng French at Ingles. Sa Paraguay,
Espanyol ang mataas samantalang Guarani (isang wika ng katutubo) ang
mababa.

21
Wika at Kultura

Marami sa mga salik na nagpapalitaw sa mga baryasyong lingguwistik


ay minsan natatalakay base sa mga pagkakaibang kultural. Hindi kakatwang
makatuklas na tinutukoy ang mga katangiang lingguwistik bilang aspekto ng
‘kultura ng uring manggagawa’ o ‘Black culture’, halimbawa. Sa maraming
bagay, naimpluwensyahan ang pananaw na ito ng mga trabaho ng mg
antropologo na medyo tinatrato ang wika bilang isang elemento sa hanay ng
tulad ng paniniwala na ‘kaalamang nakamit sa lipunan.’ Dahil sa proseso at
paglilipat ng kultura kung saan nakukuha ang wika, mukhang matino nga
namang bigyang-diin na kakabit ang baryasyong lingguwistiksa pag-iral ng
iba’t ibang kultura. Sa pag-aaral ng mga kulturang daigdig, kitang-kita naman
na hindi lang iba-iba ang wika ng iba’t ibang tribu, kundi iba-iba ang
pananaw—pangmundong nasasalamin sa kanilang wika. Ibig sabihin, hindi
lamang walang katumbas sa kultura ng mga Aztec ng katulad niSanta Claus,
wala rin silang salita para rito. Sa puntong sinasalamin ng wika ang kultura,
napakaimportanteng obserbasyon ito at hindi dapat balewalain ang pag-iral
ng ibang pananaw-sa-mundo kung pinag-aaralan ang ibang wika o varayti.
Isang maimpluwensyang teorya sa koneksiyon ng wika at pananaw-sa-
mundo ang mas nagtatakda sa bagay na ito.

Determinismong Lingguwistik

Kung talagang magkaibang-magkaiba ang dalawang wika sa


paglalarawan kung ano ang daigdig, siguro, habang natututuhan mo ang isa
sa mga wikang iyon, maitatakda ng paraan kung paano naorganisa ang iyong
wika kung paano mo titingnan ang pagkakaorganisa ng daigdig. Ibig sabihin,
mayroon ka nang nakahandang sistema ng pagkakategorya kung ano ang
nakikita mo, at kung gayon, mahihila kang tingnan ang daigdig doon lamang
sa mga kategoryang iyon. Mayroon ka samakatwid na teorya ng wika na
tinatawag na Determinismong Lingguwistik na nanghahawak sa
pinakamasidhing bersiyon nito na “itinatakda ng wika ang pag-iisip.” Sa
madaling sabi, makapag-iisip ka lamang samga kategoryang
pinapapahintulutan sa iyo ng iyong wika.

Isang madalas banggitin na halimbawa ng pananaw na ito ang


maramingsalitang ginagamit ng mga Eskimo na tinatawag sa Ingles na snow.
Kapag isang ispiker ng Ingles ang titingin sa tanawing winter, makakakita siya
ng iisang entiting tinatawag na snow. Ang Eskimong tumitingin sa parehong

22
tanawin ay makakakitang iba’t ibang entiti, at ganoon ang ginagawa niya, sabi
na nga, dahil pinapahintulutan ng kaniyang wika na magkategorya sa nakikita
na iba na ispiker ng Ingles. Babalik tayo sa halimbawang ito.

Ang Haypotesis na Sapir-Whorf

Ang pangkahalatang ideyang isinasaalang-alang natin ay bahagi ng


nakilala nang haypotesis na Sapir-Whorf. Argumento nina Edward Sapir at
Benjamin Whorf noong mga 1930, na sa mga wika ng mga katutubong
Amerikano, naiba ang pagtingin nila sa daigdig kaysa doon sa mga
nagsasalita ng mga wikang Europeo. Tingnan natin ang isang halimbawa ng
pangangatwirang ito. Inihayag ni Whorf na iba ang pagtingin ng mga
katutubong Hopi ng Arizona kaysa sa mga ibang tribu (hal. tribung
nagsasalita ng Ingles) dahil pinangunahan sila ng kanilang wika. Sa gramar
ng Hopi, may distinksyon sa pagitan ng ‘gumagalaw/animate’ at ‘di-
gumagalaw/inanimate,’ at kasama sa set ng mga bagay na ‘gumagalaw’ ang
mga ulap at bato. Konklusyon ni Whorf na naniniwala ang mga Hopi na mga
bagay na gumagalaw ang mga ulap at bato at ang wika nila ang nagsasabing
ganoon na nga. Wala sa Ingles ng ganitong pagmamarka sa gramar nito sa
mga ulap at bato, kaya hindi nakikita ng mga ispiker ng Ingles na pareho ang
daigdig tulad ng mga Hopi. Sa salita ni Whorf, “(b)inubusbos natin ang
kalikasan sa mga pamantayang inihatag ng ating mga katutubong wika.”

Maraming mga argumentong iniharap laban sa pananaw na ito. Narito


ang isang galing kay Sampson (1980). Wariin ang isang tribung may
pagmamarkang gramatiko sa kanilang wika sa pagkakaiba ng kasarian, kaya
may espesyal na marka sa mga terminong gamit para sa mga babae.
Ngayon, matatagpuan ding ginagamit ang mga ‘espesyal na markang’ ito
para sa bato at pinto. Magagawa nating konklusyon kung gayon na
naniniwala ang tribung ito na pambabae ang mga bato at pinto tulad ng
kadalagahan at kababaihan. Tila hindi naman kaiba sa iyo ang tribung ito.
Ginagamit nila ang mga terminong la femme(woman), la pierre (stone) at la
porte (door). Tribu itong naninirahan sa France. Sa palagay ba ninyo,
naniniwala ang mga French na kaparehong ‘pambabae’ rin ang mga bato at
pinto tulad ng women?

Problema sa mga konklusyong ito, may kalituhan sa pagitan ng mga


kategoryang lingguwistik (‘gumagalaw’, ‘pambabae’) at kategoryang
biyolohiko (‘buhay’, ‘babae’). Siyempre, madalas may katumbas sa mga wika
sa pagitan ng mga kategoryang ito, pero puwede namang wala. At saka, hindi

23
ka naman pinupwersa ng mga kategoryang lingguwistik na balewalain ang
kategoryang biyolohiko. Mayroon ngang partikular na kategoryang
lingguwistik ang mga Hopi para sa ‘bato’, hindi naman ibig sabihin nito na
iniisip na ng mga Hopi na nakapatay sila ng isang buhay na nilalang kapag
nasagasaan nila ito ng kanilang sasakyan.

Balik tayo sa mga Eskimo at snow, napagtanto natin na wala ngang


maraming iisang salita ang Ingles para sa iba’t ibang uri ng snow. Gayunman,
nakalilikha ang ispiker ng Ingles ng mga katawagan, pagmamanipula ng
kanilang wika, para tumukoy ng wet snow, powder snow, spring snow at iba
pa. Kaibang-kaiba nga marahil ang pagtingin sa snow ng karaniwang ispiker
ng Ingles kaysa sa karaniwang ispiker ng Eskimo. Repleksiyon iyon ng
kanilang magkaibang karanasan ng magkaibang kapaligirang kultural.
Sinasalamin ng kanilang natutuhang wika ang magkaibang kultura. Maaaring
bahagyang totoo na itinatakda ng wika ang pag-iisip sa isang paraang
napakalimitado, pero hindi nito maipaliwanag ang katunayang hindi
nagmamana ang mga gumagamit ng wika ng isang nariyan nang patern na
magagamit. Minamana nila ang kakayahang magmanipula at lumikha sa
isang wika, para maipaliwananag ang kanilang mga persepsiyon.

Kung ganap ngang naitatakda ng wika ang pag-iisip at persepsiyon,


imposible kung gayon ang konsepto ng pagbabagong pangwika. Kung
walang salita ang mga Hopi sa bagay na tinatawag nating bus, mabibigo ba
siyang makita ang bagay na iyon? Hindi ba niya kayang maisip iyon? Ang
gagawin ng Hopi kapag nakatagpo siya ng isang bagong bagay ay palitan
ang kanyang wika para maiangkop ang pangangailangang tukuyin ang
bagong bagay. Minamanipula ng tao ang wika, hindi kabaligtaran.

Sanggunian
Fergusson, Charles. 1959. Diglossia Word. 15:325-340.

Fishman, Joshua, et al., eds. 1986. The Fergussion Impact. Berlin: Mouton De Gruyter.

Gregory, Michael and S. Carroll. 1978. Language and Situation: Language Varieties ang
Their Social Contexts. London: Routledge and Kegan Paul.

Sapir, Edward. 1921. Language: An Introduction to the Study of Speech. New York: Harcourt,
Brace and Co.

Wardhaugh, Ronald. 1986. An Introduction to Sociolinguistics. Oxford: Basil Blackwell.

Yule, George. 2010. The Study of Language. 4th ed. Cambridge: Cambridge University
Press.

24
2.
Kahulugan at Kabuluhan
ng Pananaliksik
Eugene Evasco et.al.

Totoo bang may aswang? Mapipigilan pa ba ng tao ang patuloy na


pagkasira ng kalikasan? Bakit nalululong sa online games ang maraming
kabataan ngayon? Kung ihihiwalay ng MILF ang ilang bayan sa Mindanao,
ano ang mangyayari sa mga Kristiyanong populasyon nito? Hanggang kailan
tatagal ang global na krisis pinansiyal? Nakaaapekto ba ang pornograpiya sa
pagtaas ng insidente ng pre-marital sex sa kabataan? Gaano kahalaga sa
taumbayan ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao? Paano naging siyudad ang
Cagayan de Oro? Bakit mahalaga ang epikong Lam-ang sa mga taga-Ilokos?
Ilan lamang ito sa sanlibo’t sanlaksang katanungang maaaring mag-udyok sa
sinuman na magsagawa ng pananaliksik. Ano nga ba ang pananaliksik?
Gaano ito kahalaga? Maaari bang nasagot ang mga tanong sa itaas kahit
hindi nagsasagawa nito? Sa bahaging ito, ipaliliwanag ang kahulugan ng
pananaliksik.

Kahulugan ng Pananaliksik

Sa pinakapayak na kahulugan, ang saliksik, pananaliksik, o


pagsasaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular
na katanungan ng tao tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran (Neuman
1997). Anu-ano ba ang maaaring paksain? Samu’t sari, gaya ng ilang
halimbawa sa itaas. Kung gaano karami ang tao sa mundo, gayundin karami
ang paksang maaaring gawaan ng pagsisiyasat. Anumang bagay na
mahalaga sa isang indibidwal o grupo, mula sa pinakaabstrakto, gaya ng mga
paniniwala at kamalayan hanggang sa pinakakongkretong gaya ng epekto ng
bacteria sa kalusugan ng tao; mula sa pinakapersonal at pribado gaya ng
pagkatao o seksuwalidad ng mga Pilipino hanggang sa pinakapolitikal at
publiko, gaya ng impluwensiya ng Estados Unidos sa ugnayan ng mga bansa
sa Timog Silangang Asya — ay posibleng saliksikin. Samakatwid,
napakasaklaw ng mga pagpipiliang paksa.

25
Gaano man kasaklaw ang pagpipiliang paksa, nakadepende pa rin ang
pagpili sa kabuluhan at katuturan nito sa mananaliksik at sa lipunang
kanyang kinapapalooban. Kung kaya’t masasabing lahat ng pananaliksik ay
may pagkasubhetibo sa gitna ng pagiging obhetibo nito. Subhetibo dahil nga
sa pagpili pa lang ng paksa, sariling interes na ang isinasaalang-alang. Kung
ano ang may saysay o katuturan sa isang tao, iyon ang sasaliksikin niya.
Mahigpit itong nakabatay sa isang punto-de-bista o pananaw. Sa kabila ng
pagiging subhetibo, hindi nangangahulugang pawang personal na opinyon o
haka-haka lamang ang mga kaalamang nakukuha mula rito. Sistematikong
ipinoproseso ang pagbuo ng kaalaman. Sistematiko sapagkat gumagamit ito
ng mga siyentipikong metodo o pamamaraan. Siyentipiko ang metodo
sapagkat nagbibigay-daan ito sa mga datos na kapani-paniwala dahil may
matibay at tiyak na saligan. Halimbawa, hindi basta-basta maaaring sabihing
ang insidente ng pre-marital sex sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Baguio
ay bunsod ng malamig na klima rito. Ang tunay na mananaliksik ay
dumadaan sa mga itinakdang hakbang o yugto ng pagsisiyasat. Kung kaya,
tinatawag na “siyentipiko o pantas na kaalaman” ang ibinubunga ng nasabing
proseso. At dito nakabatay ang pagiging obhetibo nito.

Sa pangkahalatan, narito ang mga batayang hakbang sa pananalisik:

1. Pagpili ng paksa
2. Pagbuo ng hinuha o haypotesis
3. Pagdidisenyo ng pananaliksik
4. Pangangalap ng mga datos
5. Pagsusuri ng mga datos na nakalap alinsunod sa
konseptuwal/teoretikal na balangkas.
6. Pagbabahagi ng pananaliksik

Sa pagpili ng paksa, pangunahing isinasaalang-alang ang hilig o


interes ng mananaliksik. Subalit minsan, maaari pa rin siyang malimitahan ng
aksesibilidad ng mga gagamiting sanggunian, o dili kaya’y ng panahong
gugugulin dito. Sa ganang ito, kailangang linawin ang hangganan ng paksa.
Upang lalong matiyak ang paksa, kailangang magbasa muna ng mga
kaugnay na literatura. Ito rin ang magpapahintulot sa mananaliksik na
matukoy ang paglulugaran ng kanyang saliksik sa konstekto ng mga nagawa
nang pag-aaral hinggil sa o kaugnay ng paksa. At mula rito, makalilikha ng
hinuha o haypotesisna kung tawagin sa panlipunang pananaliksik ay “tesis na
pangungusap”. Bilang pangunahing ideyang nakapaloob sa paksa, ito ang

26
gumigiya sa pagsisiyasat. Mula pa rin sa pagbabasa ng literatura maaaring
idesenyo ang pananaliksik. Sa ganang ito, gagamit ng konseptuwal o
teoretikal na balangkas na siya ring gagabay sa pangangalap at pagsusuri ng
mga datos. Sa huli, susuriin ang mga datos batay sa ginawang disenyo;
ipaliliwanag ang mga datos upang mapatunayan o mapabulaanan ang
haypotesis. Sa puntong ito, hindi gaanong estrikto ang pamamaraan. Maaari
ring magsagawa ng kaukulang pagbabago sa napiling teoretikal o
konseptuwal na balangkas alinsunod sa mga datos na nakalap. Subalit hindi
rito natatapos ang lahat. Karaniwang ibinabahagi ang pananaliksik sa iba o
sa tinatawag na siyentipikong komunidad o dili kaya’y sa pangkalahatang
publiko. Maaaring ipresenta ito sa isang sampaksaan, forum, kumperensiya,
o seminar. Mas mabuti kung ito’y mailalathala upang higit na maipaalam sa
mas maraming tao. Ang pagbabahaging ito ang nagpapaunlad o ibayong
naglilinang sa mga kaalaman.

Kabuluhan ng Pananaliksik

Ang mananaliksik mismo ang nagtatakda ng kabuluhan ng


pananaliksik depende sa kanyang motibo o layunin. Ilan sa mga ito ay ang
mga sumusunod:

 Maglarawan ng isang penomenon. Kung nais maging pamilyar


sa mga batayang kaalaman ukol sa isang paksa at makabuo ng isang
pangkalahatang larawan o konteksto sa nangyayari, tinatangkang
sagutin ng mananaliksik ang mga batayang tanong na “ano”, “saan” o
“sino”. Halimbawa, ano ang global warming? Saan o kailan ito
nararamdaman? Sinu-sino ang kagyat na naaapektuhan ng ganitong
penomenong pangkalikasan? Kadalasan, ang higit na espesipikong
layunin ng mananaliksik sa ganang ito ay makapagtala ng mga
impormasyon o makabuo ng ekstensibong dokumentasyon tungkol sa
isang paksa na magsisilbing lundayan ng mga susunod pang pag-
aaral at interpretasyon.

 Magpaliwanag ng sanhi o dahilan ng mga pangyayari.


Sagot ito sa tanong na “bakit”. Bakit, halimbawa, nalululong ang mga
kabataan sa online games? Ginagalugad ang lahat ng posibilidad para
maipaliwanag ang mga dahilan sa nasabing penomeno. Maaaring
magsagawa ng sarbey upang mataya ang saklaw ng paglalaro nito. At

27
mula rito ay magsagawa ng malalimang pakikipanayam sa ilang piling
importante. Sa ganitong layunin ng pananaliksik, mahalagang tingnan
sa iba’t-ibang angguloang paksa upang maunawaan ang kabuuang
konteksto nito.

Bukod sa tanong na “bakit, maaari ring sinasagot ng layuning ito ng


pananaliksik ang tanong na “paano”. Proseso ang itinatampok dito.
Halimbawa, paano naging isang lungsod ang Quezon City?
Kakailanganing ugatin ng mananaliksik ang urbanisasyon nito,
gayundin ang mga salik na nagpahintulot nito.

 Magtasa o magsagawa ng ebalwasyon. Sa pagpapatayo ng


mga mall, halimbawa, hindi basta-basta pinahihintulutan ng gobyerno
ang mga may-ari nito hangga’t wala yaong tinatawag na environmental
impact assessment o EIA na aprubado ng Department of Environment
and Natural Resources (DENR). Kailangan muna nilang sumangguni
sa mga eksperto at magsagawa ng pag-aaral sa mga maaaring idulot
na problema ng nasabing proyekto sa kapaligiran o pamayanan.
Makapagpapasikip ba ito ng kalsada? Saan itatapon ang mga basura?
Puputol ba ng matatandang puno? Anumang proyektong malakihan na
mangangailangan ng malawakang pagbabago sa kapaligiran ng tao,
gaya ng dam, kondominyum, planta ng mga pabrika, (bukod sa mga
mall na naglipana ngayon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas), ay
minamarapat na magsagawa ng nasabing pananaliksik.

Sa kaso ng mga mambabatas o policy-maker, kailangan ding


manaliksik upang magtasa ng mga nais ipanukalang batas o dili kaya
nama’y yaong mga naipanukala na. Sinusuri kung mabisa o hindi ang
isang batas o ang implementasyon nito mismo. Bago magpanukala ng
bagong batas hinggil sa child trafficking, halimbawa, kailangan
munang repasuhin ang mga ulat hinggil dito. Nabawasan ba ang kaso
o lalong dumami? Paano ito masusugpo o dili kaya’y mababawasan
man lang?

Pero huwag isiping grupo o malalaking tao lamang ang naglalayong


gumawa ng ganitong pananaliksik. May isa nang estudyante ng B.A.
Araling Panlipunan sa UP, si Rachelle Joy Rodriguez (2004) na
pumaksa sa papel ng Revitalized General Education Program (RGEP)
sa pagtuturo at pagpapalaganap ng nasyonalismo. Tinasa niya kung

28
gaano kabisa ang bagong programa sa pagpapataas ng antas ng
kamalayang makabayan ng mga estudyante.

 Magtaya (predict) ng mangyayari. Ito ang gawain ng Social


Weather Station o Pulse Asia. Nagsasagawa sila ng sarbey upang
makapagbigay ng mga kabatirang maaaring ikonsidera ng mga tao sa
kanilang pagpapasaya sa panahon ng eleksyon. “Informed decision”
ang tawag sa gayong pagpapasya. Nakabatay ito sa palagay na
malaki ang impluwensiya ng mga datos sa pagkilos ng tao, o
maaaaring maimpluwensiya ng mga nakalap na kaalaman ang
desisyon ng mga tao. Sa ganang ito, matatantong ang pananaliksik ay
isa ring gawaing politikal.

Sa mga nasa larangan ng komersyo o negosyo, kailangang ding


mataya kung ano-ano ang mabentang produkto sa iba’t ibang okasyon.
Maaaring tingnan ang padron ng pagkilos o ugali ng mga konsyumer, pati na
ang kanilang mga pinahahalagahan sa mga panahong ito. Sa puntong ito,
makikitang malaki ang kaugnayan ng kultura sa ekonomiya.

Mga Gamit ng Pananaliksik

Maaaninag sa mga nabanggit na layunin na may iba’t iba ring


gumagamit ng pananaliksik. Pangunahin at pinakakaraniwan sa lahat ay ang
mga akademiko: estudyante at guro. Ginagawa ito ng mga estudyante upang
tugunan ang mga kahilingan ng isang asignatura. Isang mahigpit na
pangangailangan para makapagtapos sa isang kurso ay ang paggawa ng
tesis sa batsilyerato at masteradong antas, o di kaya nama’y disertasyon sa
doktorado. At kahit pa tapos na ang mga nasabing digri, patuloy pa rin ang
pagsasaliksik ng mga guro o propesor sa akademya bilang rekisito sa
pagtuturo at promosyon. Mayroon ngang diktum na “publish or perish”. Ibig
sabihin. Tungkulin ng isang akademiko na tumuklas ng mga bagong
kaalaman o lumikha ng mga bagong interpretasyon sa mga umiiral nang
ideya at kaisipan. Sa pamamagitan nito lamang mapatataas ang antas ng
kaalaman o pagkaunawa sa mga bagay-bagay. Hindi dapat makontento sa
pagtuturo lamang upang hindi mabansot ang pag-unlad bilang edukador.

Nananaliksik din ang mga lingkod-bayan o opisyal ng gobyerno, kahit


pa isang simpleng kawani ng pamahalaan, upang pag-aralan ang mga

29
pamamaraan kung paano magiging episyente at mahusay ang pagbibigay
nila ng mga serbisyong panlipunan. Halimbawa, ang isang opisyal ng
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay maaaring gumawa ng
pagsisiyasat kung paano masasawata ang mga katiwalian sa kalsada gaya
ng pagtanggap ng lagay mula sa mga lumalabag sa batas-trapiko. Sa
panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas, magugunitang pinangungunahan ng
mga opisyal ng gobyerno ang pagsasagawa ng mga etnograpikong
pananaliksik upang epektibong makontrol ang noo’y mga di-Kristiyanong
grupo.

Mayroon ding mga institusyong pribado o di-gobyerno, gaya ng


simbahan at mga tinatawag na non-governmental organizations (NGOs) o
people’s organizations (POs) na nagsasagawa ng pananaliksik. Batid nating
may mahabang kasaysayan ng pananaliksik ang simbahan sa
pagpapalaganap nila ng Kristiyanismo. Kasa-kasama ng mga paring
misyonero ang mga kronikler, o kung hindi man, sila mismo ang mga
kronikler na nakagawa ng tomo-tomong ulat tungkol sa mga Pilipino noong
ika-16 na siglo. Nananaliksik din ang mga grupong may isinusulong na
paniniwala. Anupa’t sa kanila nanggaling ang ideya ng participatory action
research o PAR na ang pangunahing tuon ay ang pagkakaroon ng
mahalagang papel ng buong komunidad bilang aktibong kalahok sa saliksik o
bilang mananaliksik mismo, hindi lamang bilang paksa o obheto ng
pagsisiyasat (Cabungcal-Cabiles et al. 1994).

At panghuli, gaya ng sinabi na sa itaas, ginagamit din ang pananaliksik


sa pagsusulong ng mga interes ng mga negosyante. Gumagawa ng feasibility
study upang matiyak kung kikita ang negosyo.

30
3.
Makrong Kasanayan
sa Pagsulat
Josefina C. Mangahis, et.al.. Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa


pag-aaral mo bilang isang estudyante, ang pagsulat ay hindi lamang
simpleng pagtataya ng ideya na inilalapat sa papel o minamakinilya sa
kompyuter. May prosesong nakalangkap sa akademikong pagsulat na iisa-
isahin sa bahaging ito, kasama ang pagtalakay ng uri, anyo sa layunin at
organisasyon ng teksto.

Ano nga ba ang pagsulat? Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga


ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang
pasulat, limbag at elektroniko (sa kompyuter). Binubuo ang pagsulat sa
dalawang yugto. Una na rito ang yugtong pangkognitibo, ibig sabihin, nasa
isip lahat natin ang ating mga isinusulat. Nagkakaroon ng artikulasyon ang
mga ideya, paniniwala at iba pa sa dahilang masusing dumaraan ito sa isipin
ng tao—napag-isipan, naisapuso o naunawaan bago naisulat. Ang ikalawang
yugto ay ang mismong proseso ng pagsulat. Nagkakaroon ng hulma at tiyak
na hugis ang mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao habang unti-unting
naisusulat ito sa papel. Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong
pangkognitibo sa pagsulat na mismo. Magkakambal ang dalawang yugtong
ito sa dahilang sabay na ginagamit ito sa pagsulat. Hindi makapagsusulat ang
isang estudyante ng isang sulating pananaliksik kung hindi muna niya pinag-
iisipan nang mabuti ang ideya at gagawin. Hindi niya marerebisa ang naisulat
kung hindi niya tuloy-tuloy na pinag-iisipan ang nabubuong hugis at hulma ng
naisulat na papel. Samakatwid, mula simula hanggang wakas magkasama
ang dalawa, halimbawa, sa pagsulat ng sanaysay at iba pang akademikong
papel.

May tatlong paraan at ayos ng pagsulat tulad ng: (1) pasulat o sulat-
kamay na kasama rito ang liham, tala ng leksyon sa klase, talaarawan at iba
pa; (2) limbag tulad ng nababasa sa jornal, magasin, aklat, ensayklopidya; at
(3) elektroniko na ginagamit sa pagsulat ng liham o kaya’y
magsulat/magmakinilya sa kompyuter ng mga artikulo, balita, dokumento,
pananaliksik na ginagawa at iba pa.

31
Iba’t ibang uri ng pagsulat
1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng
pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay at balangkas ng
paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging ginagamit
dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Karaniwang may
halimbawa nito ang akademikong pagsulat ng sanaysay,
pamanahunang papel, at tesis. Piling-pili ang mga salitang
ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal.

2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa


paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na
parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa. Ang ilang
halimbawa nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan, kwento at
iba pa.

3. Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at


akademikong pagsulat sa bansa lalo na sa hanay ng mga
kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng estilo,
nilalaman at pormat ng pagsulat. May iskolarling papel na
gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at iba pang
personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng
pormal at di-pormal na uri ng pagsulat.

Anyo ng pagsulat ayon sa layunin


1. Paglalahad. Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro
sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at
magkakaugnay na mga ideyaat pagbibigay ng mga halimbawa.

Halimbawa:
Pagluluto Ng Bola-Bola
Mga Sangkap:
 1 itlog ng manok o pato
 3 kutsarang mantika
 4 na kamatis na tinadtad
 2 butil na bawang
 1 sibuyas na tinadtad

32
 3 kutsarang harina
 1 tasang tinadtad o dinurog na anumang klase ng karne
o mga tirang ulam na manok o iba pang karne na maaaring
paghalu-haluin upang mahusto ang dami. Ang lahat ng
klase ng mga isdang natira ay maaari ring gawing bola-bola
o almondigas. Kahit iba’t iba ang pagkaluto ng mga ito,
kailangan ding pagsama-samahin at durugin upang mabuo.

Paraan ng Pagluluto:
Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo ang karneng dinurog.
Timplahan ng asin, budburan ng kaunting paminta at ihalo ang
harina. Gumawa ng katamtamang laki ng bola-bola at kapag
nabilog na ito ay iprito sa mahinang apoy hanggang sa
pumula ito. Ilagay sa mantika ang pinitpit na bawang at kapag
mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang sibuyas at kamatis.
Sabawan ng mga anim na kutsarang tubig ang kawali
hanggang sa maging parang sarsa ang sabaw. Ihalo ang mga
ginawang bola-bola at pabayaang kumulo. Pagkaraan ng
limang minuto, hanguin ang nilutong bola-bola at ihain ito ng
mainit.
—Mula sa Masarap na Lutuin Natin
nina Maria Salud Paz at Martha E. Jacobo

2. Pagsasalaysay. Nakapokus ito sa kronolohikal na pagkakasunod-


sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na naganap. Isa pa ring pokus
ang lohikal na ayos ng pangyayari sa naratibong malikhaing pagsulat.
Nakasalalay sa may-akda ng maikling kwento o nobela ang mahahalaga
at kapana-panabik na bahagi ng salaysay. Gumagamit ng iba’t ibang istilo
o istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng panitikang nasa
anyong tuluyan.

Halimbawa:

Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na


Italyano na nakasapit sa ating bansa noong 1696, ang mga
unang Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at mga
ilog ay sumasamba sa mga puno ng Balite. Siya ay naglibot
sa mga paligid sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinatawag na
Lawa ng Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga
naninirahan dito.

33
Nadama niya na lubha nilang pinga-iingatang huwag
masugatan o maputol ang anumang bahagi ng punungkahoy
na ito. Sila’y naniniwala na ang mga kaluluwa ng mga
nagsipanaw ay naninirahan sa mga ito lalo na ang sa Nuno.

—Halaw sa “Ang mga Alamat ng Bayan,”


Angono, Rizal: Art Capital ng Pilipinas
ni Ligaya G. Tiamson Rubin

3. Pangangatwiran. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o


argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa
manunulat.

Halimbawa:

Masyadong maikli ang panahon para sa preparasyon


ng mga guro. Kaya ba ng limang araw na pagsasanay na
ibigay ang karampatang kaalaman sa pagtuturo sa mga
klaseng remedial para sa buong taunang pampaaralan? Kahit
na sabihing may sapat na karanasan ang mga gurong
magtuturo ng tatlong nabanggit na asignatura, iba pa rin ang
katangian at oryentasyon ng klaseng remedial. Ang mga
estudyanteng nakapaloob dito ay malamang na mabagal
umintindi kaya kailangan maging mapanlikha sa paraan ng
pagtuturo at magkaroon ng maraming gawain. Hindi kasya
ang limang araw para makapagtaka ng pamantayan sa
pagtuturo ng tatlong asignatura.

Subalit ang kakulangan sa preparasyon ay isa lang sa


maraming usapin. Dapat ding suriin ang esensya ng Bridge
Program na ito. Paano maipapaliwanag ang sitwasyong
nakapasa sa Grade VI ang isang estudyante pero hindi pala
siya handa para maintindihan ang kurikulum sa haiskul? Hindi
ba’t ang pagtatapos sa elementarya ay sapat nang dahilan
para dumeretso sa susunod na antas? Kung mayroon mang
hindi handa sa haiskul, hindi ba’t bumagsak na sila’t
nakatakdang umulit ng Grade VI sa sususnod na taunang
pampaaralan?
Malinaw na ang mga estudyanteng mapapaloob sa
Bridge Program ay mapag-iiwanan ng mga dati nilang kaklase
sa Grade VI na pinalad makapasok sa haiskul. May epekto ito

34
sa personal na disposisyon ng mga estudyante, lalo na ang
pagsusuri ng kanilang kakayahan.

Para sa mga magulang ng mga estudyanteng kukuha


ng Bridge Program, ito ay dagdag bayarin dahil sa halip na
apat na taon lang nilang pag-aaralin ang kanilang anak,
magkakaroon ng dagdag na isang taon pa. Sa hirap ng buhay
ngayon, mahirap para sa mga magulang na magpaaral kahit
sa pampublikong paaralan dahil hindi naman sagot ng estado
ang baon ng mga estudyante at ang iba pang
pangangailangan sa eskwelahan.

Sa huling pagsusuri, hindi maiiwasang isipin ito ay


paraan ng DepEd para mabawasan ang pumapasok sa mga
pampublikong haiskul. Sa papaliit na badyet sa edukasyon,
nasa interes ng pamahalaang bawasan ang enrolment sa mga
pampublikong eskwelahan para mas makatipid.

—Halaw mula sa “High School Readiness Test:


Dagdag pasanin ng mga Estudyante, Guro at
Magulang,” Konteksto ni Danilo Araña Araw.

4. Paglalarawan. Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri,


kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang
bagay, tao, lugar at kapaligiran.

Halimbawa:

“Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y


mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng kawayan at ihawin sa
nagbabagang uling. Bilog na bilog ang kanyang katawan.
Wala na siyang leeg. Nakasaklay na ang kanyang balikat sa
magkabilang tainga. Makipot ang nagmamantika niyang labi
na ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang
ang kanyang tangkad. Kung makapaglakad siya’y parang
nakawalang bulog. Sumenyas siya. Pinapupunta kami sa loob
ng kanyang kural, este opisina.”

—Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhog sa Litsunan,”


Barriotic Punk, Mga Kwento sa Baryo at Kanto
ni Mes De Guzman.

35
.

KABANATA 2
____________

Ang Kawikaan sa Isports at


Pagsulat Tungkol Dito

36
Hinahalimbawa ng mga sumusunod na artikulo ang
paglalapat ng mga konsepto tungkol sa varayti ng wika.
Ipinapakita sa mga sulatin nina Dizon at Constantino ang mga
natatanging paggamit ng wika sa tiyak na isports. Ginagamit
naman ang mga ito bilang bahagi ng register na ginagamit sa
pagbabalita tungkol sa isports.

37
4.
Lengguwaheng Pinoy sa Bilyar
Pamela C. Constantino

Maliban sa basketbol, isa na siguro na pinkapopular na isports ngayon


sa bansa ang billiards o bilyar o 9-ball. Masasabi nating dinala ni Efren Bata
Reyes (ang mahikero) ang popularidad nito. Naitaas niya ang kalidad sa
istatus nito mula sa mga bilyaran sa kanto na pinupuntahan ng mga kanto
boy, mga walang trabaho, mga batugang ayaw magtrabaho, tungo sa
pagiging pambansang isports. Nagdala din ito ng prestihiyo sa atin sa labas
ng bansa dahil kinilala tayo sa larangang ito bilang bansa ng mahuhusay sa
bilyar.

Sa unang linggo ng Hunyo 2002, inabangan at sinundan ng mga


Filipino ang tournament ng 9-ball na kinabibilangan ng mga Filipinong
manlalaro (Bata Reyes, Bustamante, atbp.) at ng mga dayuhang manlalaro
(Deuel, Strickland, atbp.). Napanood ng mga Filipino ang galing ng kanilang
kapuwa Filipino sa larong ito. Narinig din nila ang husay ng mga isports
anawnser sa paggamit nila ng wika para sundan ang laro sa telebisyon.
Marahil, dahil sa kanila, at sa tulong na rin ng mga manlalaro ng isports na
ito, nakakabuo na ng jargon o mga salitang pambilyar o pambilyaran.

Narito ang ilang nakalap na mga salita, kataga, ekspresyon na


pambilyar mula sa pakikinig sa nakaraang tournament na gamit ng mga isports
anawnser sa telebisyon. Inuri ang mga ito sa tatlo: mga gamit pambilyar,
kilos/galaw na pambilyar, at mga ekspresyon at katawagan.

Mga Gamit Pambilyar


pato/pamato - cue ball
tako - stick
tisa - chalk
tiririt - bridge
bola (uno, dos, tres, atbp.)
corner pocket/side pocket
corner ball
rack
38
Kilos/Galaw sa Bilyar

Puwersahin pina (tira sa edge)


Pagulungin push/persh shot/safety shot
Ratsada
Durungin kalog
Tumbok/tinambok kita
Sargo/break takot
Scratch tumawid
Hatak clean up/walisin na
Pasok mintis
Sablay pocketing
Kapos ilalagay
Tira/tumira sa mesa
Tirang awtoridad

Mga Katawagan/Ekspresyon

Balikatan (torneo, laban ng Filipino vs. Dayuhan)


Ayaw magpaiwan
Heel-to-heel (tabla/magkalapit ang laban)
Lead
Tabla
Masdan ang tinutumbok
Latag na latag
Last 3 balls
Finish the game
Benta – giveaway na tira; tsansang manalo
Chance
Manipis na tira

39
Batak sa laban
Walang kaduda-duda
Wala sa rules
Walang kasayad-sayad
Race to 7/9/11/13
Nagbabadya
Nakakaporma
Malambot ang kamay
Tatakbo ang bola
Jump shot
Makapal ang tira
Match
Preliminaries
Lamang
Fall behind
Homestretch
Nabitin
Option
Pasok
Batak sa laban
Makeable
Save shot
Kombinasyon

Ilan lamang ito sa makukulay, buhay na buhay at Pinoy na Pinoy na


lengguwahe ng isports na bilyar. Isang popular na isports ito dahil halos
bawat distrito ay kakikitaan ng mga bilyaran. May dagdag pa ngayon ito na
mga KTV o karaoke bar at videoke bar. Hindi ito tulad ng larong tennis,
fencing, swimming, scuba diving, hang gliding, o mountain climbing na kaya
lang sustenahan ng mga nakaaangat sa lipunan. Ang larong ito ay tunay na
pangmasa at tiyak na tatangkilikin ng masang Filipino.

40
5.
Ang Varayti ng Filipino
sa mga Balitang Isports sa Diyaryo
Jocelyn Mariano

Introduksiyon

Ang isports ay unti-unti ng nagiging bahagi ng buhay ng mga Filipino.


Halos kahit saan ay may makikitang mga naglalaro ng basketbol. Maituturing
itong pinakamahalagang isports para sa mga Filipino dahil hindi Iamang mga
bata ang naglalaro nito. Bukod sa basketbol, marami na rin sa atin ang
nahihilig sa tennis at golf at siyempre pa, naririyan din ang sabong na unti-
unting nagiging isang popular.

Dahil patuloy tayo sa pagpapayaman ng wika, nagagamit ito sa


pagtalakay ng iba't ibang bagay lalung-lalo na ang isang bagay na nagiging
bahagi ng pang-araw-araw na buhay tulad ng isports. Marahil kung titingnan
ang pamamahayag sa larangan ng isports, makikitang may isang varayti ng
wika na masasabing "pang-isports" Iamang. Kung wika ay nagbabago,
gayundin ang mga varayti ng wika.

Layunin ng papel na ito na suriin ang nabubuong wika sa larangan ng


pamamahayag tungkol sa isports. Sa pamamagitan ng papel na ito
mailalarawan kung anong klaseng wika ang ginagamit sa larangang ito.
Nasesentro ang papel sa tatlong isports Iamang: basketbol, tennis, at
sabong.

Mga Bokabularyong Tumutukoy sa Manlalaro

Basketbol

May mga tawag din sa bawat manlalaro ng isang koponan. Ang isang
team o koponan ay binubuo ng isang center o sentro, dalawang guards o
guwardiya at dalawang forward na maaaring shooting forward o power
forward. Beterano ang tawag sa isang matagal ng player na matagal nang
naglalaro. Kung bago pa Iamang ang manlalaro, tinatawag itong rookie.

41
Mahalaga rin sa basketbol ang pagpili ng mga manlalaro. Para dito ay
may tinatawag na trade, swap, at drafting. Dahil dito, ang isang manlalaro ay
maaaring i-trade, ma-draft o magpa-draft. Kapag nagkakaroon ng lockout
walang nangyayari sa mga negosasyon. At dahil nga nagpipilian ang mga
kompanyang may ari ng koponan, may ranggo rin ang mga manlalaro sa
drafting:

 Sa Boston, umiskor ang 10th draft pick na si... (Pilipino Star


Ngayon, Pebrero 8)

 Gumawa ang 26-anyos na No.1 pick ng season na si Alvarado ng


third all-time high na 46 na puntos. (Kabayan, Pebrero 25)

 Inilabas kagabi ni Earl Sonny Alvarado ang tunay na kakayahan


bilang overall top pick ng nakaraang drafting. (Abante, Pebrero 25)

 ...pinulot ng Shell si Rhum player...habang ang ikalawa nitong pick


sa first round na si.... (Kabayan, Enero 17).

Karaniwang ang pangalan ng isang propesyonal na team sa Filipinas


ay ang produkto ng kompanyang may-ari dito. At dahil ang mga pangalang ito
ng team ay pangalan nga ng produkto, karaniwan na sa pagpapahayag ang
paggamit hindi lamang ng pangalan ng mga produktong ito kundi pati na rin
ang produkto mismo. Ang produkto halimbawa ng Alaska ay gatas kaya kung
minsan, ang tawag sa koponan ng Alaska ay tropang gatas.

Narito ang listahan ng mga basketball team at ang kanilang opisyal na


pangalan:

 Alaska Milk – Alaska, tropang gatas, Milkmen

 Blu Detergent — Blu, Detergent, Powder Detergents

 Chowking Fast Food — Chowking

 Dr. J/Ana Water Dispenser –Doctor J. Alcohol Experts, Dr.J/Ana,


Disinfectants

42
 Formula Shell –Zoommasters, Zoom Masters, Gas Kings

 Ginebra San Miguel –Barangay Ginebra, Gin Kings, Ginebra

 Mobiline Phone Pals –Phone Pals

 Pop Cola –Pop, tropang softdrinks, 800s

 Purefoods — Purefoods, Hotdogs


 Red Bull –Energy Kings

 San Miguel –San Miguel, SMB, SMBeer, Beermen

 Sta. Lucia Realty –Sta. Lucia, SLR, Realtors

 Tanduay Centennial Rhum —Tanduay Gold Rhum, Rhummakers,


Rhum Masters, Tanduay, tropang alak

Sabong

Sa sabong ay walang masasabing manlalaro dahil nga mga manok


ang naglalaban dito. Ang mga manlalarong matatawag para sa isports na ito
ay ang mga taong siyang humahawak sa manok.

Ang bawat laban ay tinatawag na sultada. Ayon sa Tagalog-English


Dictionary ni Leo James English, ang sultada ay isang "round of
cockfighting"mula sa salitang Kastila na soltada. Kung may palaro ay
sinasabing may pasabong. Sa mga diyaryo, mababasa rin ang pa-derbi na
binabaybay ding paderbi at ang naglalaro sa derby ay tinatawag na derbyist.
Ang tawag sa nagsasabong ay sabungero o cocker. Kadalasan, ang mga
nagsasabong ay nag-aalaga na rin ng sarili nilang panabong kaya sila ay
tinatawag na cocker/breeder o cocker-breeder.

Liyamado ang tawag sa paborito at ang kabaligtaran naman nito ay


dehado. Dehadista ang tawag sa mga taong may hawak ng manok na
dehado. Ang mga taong mahilig sa sabong ay tinatawag na apisyonado o
aficionado.

43
Mayroon ding tinatawag na handler at gaffer. Ang handler ayon sa
Webster’s dictionary ay "one that holds and incites a dog, gamecock, or other
sporty animal in a match or hunt."

Tennis

Ang isang manlalaro ng tennis ay tinatawag ding netter.

 RP netters nasapawan ang Chinese-Taipei, 3-2 (Abante, Pebrero


15)
 RFnetters nalo sa Chinese-Taipei 3 2 (Pilipino Star Ngayon, Pebrero
15)

Tulad sa basketbol, ang mga manlalaro ay may ranggo din. Kapag may
ranggo ang player, ito ay tinatawag na seeded player o kaya naman ay de-
ranggo. Kung walang ranggo ay unseeded o unranked ang tawag dito. Bukod sa
pagsasabi kung ang isang player ay seeded o hindi, binabanggit din kung
pang-ilan siya sa mga manlalaro sa daigdig:

 Samantala sa Rooterdam, Netherlands, tinanghal na second seed


na napatalsik si Thomas Enqvist ng Sweden mula sa ABN AMRO
World Tennis Tournament nang pabagsakin ito ni South African
Wayne Ferriera, 7-6 (9-7), 6-3. (Pilipino Star Ngayon, Pebrero 18)

 Si Agassi, seeded No. 5, ay tila wala sa loob ang paglalaro sa court


sa isang Grand Slam Tournament... (Kabayan, Enero 26)

 Tumalsik kahapon ang 11th seed nasi Dominique van Roost sa


Australian Open...(Kabayan, Enero 27)

Kapag malakas pumalo ang isang manlalaro, ito ay binabansagang


power hitter.

 Power hitter na si Tomas Enqvist ng Sweden upang maghari sa


Australian Open final(Piiipino Star Ngayon, Pebrero 1).

44
Paglalarawan ng Pagkapanalo: Basketbol

Ang pinakamahalaga para sa isang mambabasa marahil ay malaman


kung sino ang nanalong koponan. Upang manalo ang isang koponan sa
basketbol, kailangang gumawa ito ng maraming puntos. Hindi iisa lamang
paraan ng paglalarawan nito. Maaari ring umiskor ng puntos, humataw ng
puntos, humakot ng puntos o kaya naman ay kumana ng puntos. Posible ring
kumamada ng puntos, magtala ng puntos at maglista ng puntos. Ang
mahalaga ay may magawang puntos ang bawat isa kungkaya’t maaari ring
mag-ambag o pumoste ng puntos. Ang puntos ay maaari ring tabuin.

Kapag nanalo ang isang team, madaling sabihin na ito ay nanalo,


nagwagi o kaya naman ay tinalo nito ang isang team ngunit mas marami pang
ibang salitang magagamit upang gawing makulay ang pagbabalita tulad ng
mga sumusunod:

 pinaluhod ng Toronto ang Boston (Abante, Pebrero 7)


 namayani ang Orlando sa New York (Abante, Pebrero 7)
 hinampas ng Dallas ang Golden State Warriors (Abante, Pebrero 9)
 nanaig ang Sacramento sa Vancouver (Abante, Pebrero 9)
 lumusot ang Seattle SuperSonics sa Portiand Trail Blazers
(Abante, Pebrero 9)
 pinadapa ng New Jersey Nets ang Atlanta Hawks (Abante, Pebrero
9)
 Na-sweep ng Jazz ang Lakers sa apat na laro... (Pilipino Star
Ngayon, Pebrero 9)
 sinunog ng Miami Heat ang New York Knicks, 83-79
(Abante, Pebrero 9)

Masasabing makulay ang mga salitang ginamit ngunit may mas makulay
pa rito. Ginagamit din ang mga pangalan ng mga koponan sa pagbabalita
tungkol sa kanilang pagkapanalo o pagkatalo. Sa pagbabalita, ginagamit ang
katangian ng mga produktong ito, lalung-lalo na bilang pamagat at sa
pamamagitan nito ay nakukuha ang interes ng mambabasa. Halimbawa, ang
gatas ay napapanis kaya mababasa natin ang ganito:

SLR pinanis ang Alaska (Abante, Pebrero 18).

45
Mula naman sa salitang hotdog ay kinuha ang hot at ganito naman ang
mababasa:Hotdogs umuusok! (Abante, Pebrero 11,1999).

Ang gin ay nakabote kaya mababasa ang ganito:Gins, binasag ng


Mobilines (Kabayan, Pebrero 25, 1999) at ang Voltz ay inihambing sa koryente
kung kaya't nabuo ito: Napundi ang Voltz sa Eagles (Kabayan, Pebrero
25,1999).

Narito ang iba pang paglalarawan. Ang hawk ay maaaring mandagit


kaya mababasa ang ganito:

Bulls dinagit ng Hawks (Pilipino Star Ngayon, Pebrero 11,1999). Ngunit


kung ang kalaban naman ng Hawks ay ang Nets ay ito naman ang mababasa:
Hawks lusot sa Nets (Pilipino Star Ngayon, Pebrero 8,1999) dahil sa ang
lambat ay may butas na maaaring lusutan. Narito pa ang ibang makulay na
pagbabalita ng panalo:

 naging matapang ang timplang Alcohol Experts... (Abante, Enero


19)
 Lilipad pa ba ang Davao Eagles? (Abante, Pebrero 7)
 Lakers pinasabog ang Rockets (Abante, Pebrero 7)
 Hinampas ng Dallas ang Golden State Warriors (Abante, Pebrero
9)
 Sinunog ng Miami Heat ang NewYork Knicks, 83-79
(Abante,Pebrero 9)
 Spreewell, N.Y. sunog sa Heats (Kabayan, Pebrero 9)

Sabong
Sa paglalarawan ng pagkapanalo o pagkatalo, hindi gaanong makulay
ang paglalarawan ng pagkapanalo o pagkatalo sa sabong tulad ng mga
sumusunod na halimbawa:

 Samantala, nagkamit ng apat na puntos ang BJ San Roque ni Joey de


los Santos kamakalawa upang makaiskor ng pitong puntos at
tanghaling solong kampeo ng First UCAP International 8-Cock Derby
sa Cuneta Astrodome. (Kabayan, Enero 17)

 Nagpakita ng kagilagilalas na porma, nakabubulag ng bilis at malakas


na pananalasa, magkakasunod na pinabagsak ng BJ San Roque ang
46
Southern Empire, Frigerd 1 April 12-14 Astrodome….sa four-cock
finals. (Kabayan, Enero 17)

Tennis
Tulad din sa basketbol, sa tennis man ay binabanggit na sa titulo pa
lamang kung sino ang nanalo. Ngunit kung ihahambing sa basketbol, ang
pagpapahayag sa tennis ay hindi masyadong makulay. Narito ang ilang
halimbawa:

Paglalarawan ng Pagkatalo

Basketbol

Hindi parating nananalo ang isang team. Sa pagbabalita, kung minsan


ay mas epektibong bigyang-diin ang pagkatalo ng isang koponan.

 Bulls, bagsak sa Pacers (Kabayan, Pebrero 3)


 Bulls, taob sa Jazz (Pilipino Star Ngayon, Pebrero 7)
 Patriots, tuhog sa 'SJ' Knights (Kabayan, Pebrero 8)
 Tanduay, basagkontra Mobiline (Kabayan, Pebrero 8)
 Nueva Ecija bugbog sa San Juan Knights (Pilipino Star Ngayon, Pebrero
8)

Sabong

Kung ihahambing sa basketbol at tennis, ang pagbabalita tungkol sa


sabong ay hindi gaanong detalyado. Isa ito sa dahilan kung bakit kakaunti
ang makukuhang halimbawa tungkol sa pagsasagupaan ng mga manok at
kung sino ang nanalo o natalo dito. Narito ang isang halimbawa:

Si Henry Tan, isa sa mga prominenteng derbyist, ay nakatikim ng


tatlong sunod na kabiguan, subalit rumesbak sa pamamagitan ng kanyang
lahok na high chaparral, kung saan ang panagupa ni Patrick Antonio na
'Sagupaan' ang isa sa naging biktima. (Abante, Pebrero 6)

47
Tennis

Sa paglalarawan ng pagkapanalo o pagkatalo, karaniwang ginagamit


ang mga salitang tulad ng pinatalsik, sinibak o hindi pinaporma. Binabanggit din
ang pangalan ng manlalaro, kung saang bansa ito nanggaling at kung ano ang
iskor nang magkatalo ang dalawang panig.

 Makaraang mapatalsik sa fourth round ng Australian Open sanhi ng


73 double faults, nakuhang iangat ni Kournikova ang kanyang
reputasyon nang magtala ng malalaking puntos. (Pilipino Star
Ngayon, Pebrero 4)

 Umiskor ang Philippine Columbian Association (PCA) trainer-


ballboy na si Michael Tenorio ng 6-4, 6-7, 6-3 upset na panalo
kontra sa top seed na si... (Pilipino Star Ngayon, Pebrero 8)

Iba Pang Mga Obserbasyon

Paggamit ng mga Salita

May ilang mga salita na ginamit hindi lamang para sa iisang isports.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Hataw

Basketbol:
 Hahataw kaagad ang balik-PBA na Tanduay Gold Rhum sa
unang asignatura... (Balita, Pebrero 1)

Sabong:
 Summertimederby hahataw sa Mar. 15. (Abante, Pebrero 9)

Magtala

Basketbol:
 Hiniyang lahat ni Bryan Gahol, nagtala ng kabuuang 18
puntos, ang mga gumuwardiya... (Kabayan, Enero 22)

48
Tennis:
 Mahigit sa apat na minutong nagpalitan ng turnovers ang
magkabilang panig bago naitala ng Tanduay ang...
(Kabayan, Enero 22)

Sabong:
 Nakapagtala ng dalawang panalo ang kilalang dehadista na si
Raymund Velayo (Kabayan, Enero 27)

Walis o Sweep

Basketbol:
 Tanduay, binigo ang. Dr. J walisin ang tide series (Balita,
Enero 17)

 Pinigil ng Tanduayangpagwalis ng Doctor J sa kanilang


best-of-five...(Balita, Enero 17)

Sabong:
 Winalis ng entry na King Jerome, binuo ng mga bigating
tinale ni Engineer Nestor Mercado... (Abante, Pebrero 12,
1999)

Depende sa isports, maaaring maiba ang kahulugan ng isang salita. Isang


magandang halimbawa para dito ang salitang serbisyo. Para sa tennis, ito ay
ang pagpalo sa bola upang simulan ang laro.

Palo

Sabong:
 3rd UCAP 6-cocker papalo (Abante, Enero 25)

Tennis:
 nagpakita ng mga kakaibang tira, nanalo ng puntos sa
backhand na hindi napalo ni Rubin. (Kabayan, Enero 25)

49
Mga Salitang Hiram sa Ingles

Maraming panghihiram sa Ingles para sa isports lalo na ng mga


terminong teknikal na tumutukoy sa laro. Karaniwan nang makikita ang mga
salitang may gitling lalo na kung hiniram na salita ay isang verb tulad ng mga
sumusunod:

 Si Rittner na nagbalik din mula sa injury layoff, ay nakapag-convert


ng apat na match point..(Pilipino Star Ngayon, Pebrero 18)

 Ang Philippines at Taiwan ang nag-split sa opening singles noong


nakaraang Biyernes nang maligtasan ni Lin... (Pilipino Star,Pebrero
15,1999)

 Nauna rito, na-default si No. 2 seed na si Agassi sa kanyang


second round...(Balita, Pebrero 16)

 Ang pa-draft ng San Miguel Beer na si...

Ngunit may mga salitang mula sa Ingles ang masasabing naging bahagi
na ng ating wika at pati na ang pagbabaybay ng mga ito ay hindi na tulad sa
Ingles. Narito ang ilang halimbawa:

 Ang Pirates na minasaker ang kanilang naunang bisitang Nueva


Ecija patriots sa isang 115-88 panalo...
 Dr. J inapset angTanduay para pagharian ang PBL Centennial Cup
(Balita, Enero 22)

 I-prineserba ng dalawang freethrows ni Miller ang panalo ng


Indiana may 8.6 segundo (Pilipino Star Ngayon, Pebrero 16)

 Umiskor naman si... ng... puntos... Target ni Blu na tuluyan nang


angkinin ang ikatlong karangalan makaraang takasan...
(Balita,Enero 14,1999)

Mapapansin na hindi lamang ang ispeling ng mga salitang ito ang


nabago. Nilapian na rin sila tulad ng paglalapi natin sa ating mga verb.

50
Konklusyon
Sumulat si Suzanne Roumaine ng isang artikulo na may pamagat na
"On the Creation and Expansion of Registers: Sports Reporting in Tok Psin."
Dito tinalakay niya ang pagbabalita ng isports sa diyaryong Wantok Papua
New Guinea. Sinabi niya dito na napapalawak ang bokabularyo ng Tok Psin
sa pamamagitan ng paghiram sa Ingles.

"Many languages have borrowed the vocabulary of reports such as


cricket and baseball which have their origin in English-speaking
countries...”1Ang larong basketbol at tennis ay mula sa mga bansang ang
salita ay Ingles. Aking napansin na napakaraming salitang Ingles ang
ginagamit sa pagbabalita tungkol sa isports. Ang mga nagsusulat tungkol sa
isports ay hinihiram ng buung-buo ang mga salita at hindi na pinapalitan ang
ortograpiya nito. Ngunit tulad ng ipinakita ko na sa itaas, may mga salita ring
tuluyan nang naging bahagi ng ating wika.

Sa katanungan naman tungkol sa epekto ng pagsasalin sa nabubuong


varayting ito ng wika, walang duda na nakukuha ang karamihan sa mga
salitang ginagamitpara sa varayting ito ng wika sa pamamagitan ng
pagsasalin o panghihiram ngunit higit sa panghihiram ng mga salita lamang,
ang ating hiniram ay ang "kumbensiyon" sa pagbabalita tungkol sa isports.
Gayunpaman, tulad nang naipakita ko na, sa pamamagitan ng lexikon at
istruktura, nagkakaroon pa rin ng mga pagkakaiba ang varayting ito ayon sa
uri ng isports.

1
Suzanne Romaine:”On the Creation and Expansion of Registers:Sports Reporting in Tok Psin”, in
Douglas Biber and Edward Finegan: Sociolinguistic Perspectives on Register. Oxford: Oxford University
Press, 1994), p.59-81.

51
KABANATA 3
____________

Mga Pagbabalita sa Isports

52
Ang mga sumusunod ay kalipunan ng mga artikulong
nagpapakita ng karaniwang pagbabalita sa isports. Kakikitaan
ito ng iba’t ibang anyo ng pagsusulat mula sa simpleng
paglalahad hanggang sa mas malamang pagbabalita na may
kasamang pagsasalaysay sa mga naging mahalagang
pangyayaring naganap sa loob ng isang laban. Makikita rin ang
karaniwang nagiging tampok na istorya sa isports. Nangunguna
na rito ang mga balita tungkol sa basketbol, propesyonal o
amateurman, samantalang kasunod naman ang boksing.

Karaniwang nasa anyo ng paglalahad ang mga balita


tungkol sa naganap na mga laro sa isports at pangunahin nitong
layunin ang magbigay-alam sa mambabasa. Kahit gaano kaikli
o kahaba ang artikulo, pare-parehong makikita ang
mahahalagang detalye sa pagbabalita nito. Nakasaad dito ang
lugar, petsa, mga naglabang manlalaro o koponan, angnanalo
at ang naging iskor o resulta ng laban. Sa mga mas
mahahabang pagbabalita, nagkakaroon minsan ng
pagsasalaysay sa mga mahahalagang pangyayari sa loob ng
laro. Dahil sa mga ganitong pagsasalaysay, naitatampok ang
mga indibidwal na manlalaro, mga naging aksyon o mga
desisyon na nakaambag o naka-impluwensya sakinalabasan ng
laban sa huli.

Hindi lang pawang mga laro ang naibabalita tungkol sa


isports. Nagbabalita rin ng mga kaganapan sa mundo ng palaro
gaya ng pagbubukas at pagsasara ng bagong seasono torneo,
pagbabago sa loob ng mga koponan o mga anunsiyo tungkol sa
mga inaabangang laban.

53
7.
Pagbabalita sa Basketbol
7a. ‘Team Work’, sa Pagkapanalo ng FEU
Kontra Ateneo
Marivic Awitan

Isang buzzer-beater follow-up ni Mac Belo matapos magmintis ang


kakamping si Mike Tolomia ang siyang nagbigay ng panalo at unang upuan
sa Finals para sa Far Eastern University, 76-74, kontra Ateneo noong Sabado
ng hapon sa UAAP Season 78 Men's Basketball Tournamentsa Araneta
Coliseum.

Ngunit para mismo kay Belo, sa kanilang coach na si Nash Racela at


sa buong koponan ng Tamaraws, kabuuang team effort o teamwork ang
naghatid sa kanila sa ikalawang sunod na finals appearance.

"Yung ginawa ni Mike (Tolomia) na pagsi-set sa kanyang mga


teammate, unselfish facilitator siya kanina, 'yung follow up ni Mac at kahit
yung contribution hindi lamang ni Pogoy (Roger) pati nung mga likes nina
Dennison (Ron) at Tamsi (Alfrancis), 'yung pagbantay na ginawa nila kay
Kiefer, that wastotal team effort," pahayag ni Racela.

Bukod sa pagtutulungan, naging susi din ng kanilang tagumpay na


makausad ng kampeonato ang kanilang depensa.

Katunayan, ayon kay Belo, mas nag focus sila sa depensa at hindi
alintana na bumaba man ang kanilang produksiyon bilang mga key player
dahil meron naman aniyang nag-i-step-up para ito punuan.

"It doesn't matter naman kasi sabi nga ni coachmas mag focus kami sa
defense. Nag-contribute naman bawat isa na nanggagaling din sa aming
depensa," ani Belo.

At kung magpapatuloy ang ganitong laro ng Tamaraws, naniniwala


silang kahit sino ang makasagupa sa Finals ay kakayanin nilang harapin.
"Kahit sino, kung tulung-tulong kami at lahat dumidipensa, kaya
namin," ayon naman kay Pogoy.

54
7b. Puso at Di Puro Talent
Gilas Pilipinas, Desididong
Ma-qualifysa 2016 Olympics
Marivic Awitan

Aambisyunin ng Gilas Pilipinas na "abutin ang araw at buwan" na


katumbas ng hangad nilang ma-qualify sa 2016 Olympic Qualifying
Tournament kaya inaasahang pipiliin na ang pinakamahuhusay na manlalaro
ng basketball para maging kinatawan ng Pilipinas.

Labimpitong manlalaro ang pinili upang mabuo sa pool at pipiliin ang


final 12 na isasabak sa huling qualifying tournament.

Nangunguna sa listahan ang reigning back-to-back MVP na si


Junemar Fajardo, LA Tenorio, Greg Slaughter, Marcio Lassiter, Japeth
Aguilar, Jeff Chan, Ryan Reyes, Paul Lee, Terrence Romeo, Marc Pingris,
Calvin Abueva, Jayson Castro, Gabe Norwood, Matt Rosser, Ranidel de
Ocampo at Troy Rosario.

Nitong nakalipas na Lunes ay nagsimula ng mag-ensayo ang pool sa


ilalim na pamumuno ni national coach Tab Baldwin kung saan si De Ocampo
ang hindi nakadalo dahil nagpagaling pa sa kanyang tinamong injury.

"Ito na ang pinakamalakas at competitive na koponan na nabuo para


sa national national squad," pahayag ni Tenorio.

"Mas malalaki kami ngayon," wika naman ni Pingris. "At saka may mga
kasama na kaming mga bata like Terrence (Romeo)."

Ngunit batid ni Pingris na hindi sapat ang talentong taglay ng team


upang maisakatuparan ang kanilang misyon.

"Mas magiging magaan ng konti ang trabaho ni Coach Tab pero


depende pa rin sa aming ipapakita at kung paano namin maibibigay 'yung
100% namin," dagdag pa ni Pingris."Hindi lang puro talent. Kailangan din
naming ibigay yung 100% na puso sa aming gagawin."

55
Ilan sa mga makakatunggali ng Gilas ang mga itinuturing na world's
best teams gaya ng France, Serbia at Greece.

Gayunman, naniniwala ang mga manlalaro na ito na ang


pinakamagandang pagkakataon upang makipagsapalaran para sa
pagkakataong makasabak sa Olympics lalo pa't posible nilang makabalikat sa
kampanya ang naturalized Filipino na si Andray Blatche at Los Angeles
Lakers guard Jordan Clarkson.

"It's not over so as of now, we still have a big chance to compete


because it hasn't started yet and I think this is our best chance to compete
against the world because coach Tab knows what he's doing and his vast
international experience is a big factor," ani Tenorio.

56
7c. Pampanga Foton, Panalo Kontra Mighty
Bulsu, Manila NU-MFT
Marivic Awitan

Tinalo ng Pampanga Foton ang Malolos Mighty Bulsu at Manila NU-


MFT para maangkin ang solong pamumuno sa Filsports Basketball
Association sa Malolos Sports and Convention Center.

Humugot ng lakas ang Tornadoes mula kay Jerick Nakpil na umiskor


ng 23-puntos para mapataob ang Mighty Bulsu, 100-92, bago sumandal kay
Marvin Moraga na nagsalansan ng 19-puntos para magapi ang Mica-backed
Bulldogs,74-70, at umangat sa barahang 4-0, panalo-talo.

Nakabawi naman ang Malolos sa kabiguang nalasap sa kamay ng


Pampanga Foton sa pamamagitan ng 100-96 panalo kontra Marikina Wangs.

Nagtala si Ernest Reyes ng 34-puntos at 11 rebound para pamunuan


ang panalo.

Sa isa pang laro, nagposte si Francis Abarcar ng game-best 24-puntos


para pangunahan ang Quezon City UP Maroons sa 81-71, panalo laban sa
Nic Belasco-led Pateros Austen Morris Associates.

57
7d. NU, Panalo Kontra UP
Marivic Awitan

Pinalakas ng defending champion National University (NU) ang tsansa


nilang umusad sa Final Four Round makaraang talunin ang University of the
Philippines (UP), 75-69, kahapon sa second round ng UAAP Season 78
Men's Basketball Tournamentsa Araneta Coliseum.

Nagposte ng double 26-puntos at 10 rebounds si Gelo Alolino at 15-


puntos at 17 rebounds naman si Alfred Aroga na mga namuno sa nasabing
panalo ng Bulldogs na nag-angat sa kanila sa barahang 6-7, panalo-talo.

Magkagayunman, hindi na hawak ng Bulldogs ang kanilang kapalaran


dahil nakasalalay ito sa resulta ng huli nilang laban at nalalabing tatlong laro
ng La Salle.

Kailangan ng Bulldogs na maipanalo ang huling laban nila kontra


league leader Far Eastern University (FEU) sa Nobyembre 14 at umasang
hindi makaabot ng walong panalo ang sinusundang Green Archers na may
laban din kahapon kontra Ateneo Blue Eagles.

Sakaling magwagi ang Bulldogs sa FEU at magtabla sila ng La Salle


sa pagtatapos ng eliminations, kailangan pa nilang magharap sa isang playoff
match kung sino ang kukuha ng huli at pang-apat na slot sa Final Four at
makakasama ng mga nauna ng semifinalist FEU, UST at Ateneo.

Nanguna naman sa Fighting Maroons na tuluyan ng namaalam sa


tsansa nilang umabot sa semis kina Jet Manuel at Diego Dario na kapwa
umiskor ng tig-13 puntos at tig-3 rebounds.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Maroons sa barahang 3-9, panalo-


talo.

58
7e. Krusyal na Game 5!
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) |
UpdatedJanuary 13, 2016- 12:00am

MANILA, Philippine — Matapos ang kanilang kabiguan sa Game


Three noong nakaraang Sabado ay nagkaroon ng masinsinang pag-uusap
ang mga Beermen.

At nagkaisa sila kung ano ang dapat gawin para talunin ang Elasto
Painters sa Game Four na nagresulta sa kanilang 105-92 panalo noong Lunes
para itabla sa 2-2 ang kanilang best-of-seven semifinals series sa 2016 PBA
Philippine Cup.

“Blessing in disguise iyong nangyari sa Game Three kasi lahat nagsalita.


Everyone gave their opinion,” sabi ni coach Leo Austria. “More importantly
nandoon 'yung desire ng players na manalo. Nagkaroon sila ng sense of
urgency.”

Hangad agawin ang 3-2 bentahe sa kanilang serye, lalabanan ng


nagdedepensang San Miguel ang Rain or Shine sa krusyal na Game Five
ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang kinuha ng Beermen ang Game One, 109-105, bago angkinin
ng Elasto Painters ang Game Two (105-97) at Game Three (111-106).

Sa pagresbak ng San Miguel sa Game Four ay humakot si back-to-back


PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng 33 points kasunod ang 20 ni
Marcio Lassiter, 19 ni Arwind Santos, 13 ni Chris Ross at 12 ni Alex
Cabagnot.

"The thing that's missing from us before is hindi mo alam kung sinong
player ang magpe-perform. Slowly we're gaining some familiarity sa game and
familiarity to each players," wika pa ni Austria.

Nakaapekto naman para sa Rain or Shine ay ang hindi paglalaro ng mga


may injury na sina 6-foot-8 Raymond Almazan (sprained right ankle) at
sophomore guardJericho Cruz (hyperextended left leg).

59
Inireklamo rin ni Elasto Painters' mentor Yeng Guiao ang nangyaring
officiating.

“We can't play physical but they can play physical on us,” reklamo ni
Guiao. “We really did not have a chance in this ballgame lalo na kung ganun
tawagan and it's getting worse.”

Natawagan si combo guard Paul Lee ng kanyang ikaanim at huling foul sa


dulo ng third period kung saan nagtayo ang Beermen ng 20-point lead patungo
sa kanilang panalo.

“I was hoping it will get better but apparently it did not,” sabi ni Guiao.

Samantala, kasalukuyan pang naglalaban ang Alaska Aces at Globalport


Batang Pier 5 ng kanilang best-of-seven semis duel habang sinusulat ito.

60
7f. Ikatlong Alas
Marivic Awitan
Laro Ngayon
Quezon Convention Center-Lucena City
7 p.m. – San Miguel vs Alaska (Game 3)

Alaska, ikakasa ang ikatlong sunod na panalo.

Sa kabila ng taglay na kalamangan sa best-of-7 finals series nila ng San


Miguel Beer, alanganin pa rin sa kanilang tsansa ang Alaska na makamit ang
inaasam na titulo ng 2016 PBA Philippine Cup.

Ngayong gabi, ganap 7:00 sa Game Four ng serye na idaraos sa Quezon


Convention Center sa Lucena City, tatangkain ng Aces na maiposte ang bentaheng
3-0 sa muli nilang pagtutuos ng Beermen sa kabila ng kumakalat na balitang
maglalaro ang pambato nitong sentro—ang reigning MVP na si Junemar Fajardo.

Hindi nakapaglaro si Fajardo sa unang dalawang laban ng finals series dahil


sa natamong injury sa tuhod nuong nakaraang semifinals series nila ng Rain or
Shine.

“Try ko sa Sunday lumaro. Pero depende, titignan ko kung anong


improvement,” pahayag ni Fajardo sa panayam ng Spin.ph

Ngunit nauna nang sinabi ni Beermen coach Leo Austria na handa silang
isakripisyo ang kampeonato huwag lamang malagay sa alanganin si Fajardo na
itinuturing niyang “future of the PBA” at “future of Philippine Basketball”.

Sa kampo ng Aces, nakahanda lamang sila anuman ang mangyari sa kanila


ng San Miguel Beer.

Hindi nagbabago ang kanilang paniniwala na hindi naman pinasubalian ng


Beermen sa unang dalawang laro, na nariyan o wala si Fajardo ay mahirap na
kalaban ang defending champion.

“Malayo pa e. Hindi pa rin namin ma-sense. Kasi ang hirap kalaban ng San
Miguel. Kahit wala si Junemar, sobrang hirap pa rin kami. Kaya kailangan talaga
namin silang paghandaan," pahayag ng Game Two hero na si Vic Manuel.

Kaya naman, lumaro man si Fajardo o hindi, sisikapin ng Aces na manalo at


lumapit sa asam nilang unang All-Filipino Conference crown.

“Maka-isa man lang kami, kasi tatlong beses na kaming nagtuos sa finals,
pangatlo ngayon. Nakadalawa na sila, kaya dapat maipanalo namin ngayon ito,”
dagdag pa ni Manuel.

61
7g. Bubuweltahan
Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon


Araneta Coliseum
2 p.m. UE vs. Adamson
4 p.m. FEU vs. UST

FEU Tamaraws vs. UST Tigers.


Habang nagkakagulo ang mga koponang nasa ibaba sakanilang
tsansa na umusad sa Final Four Round, magpapakatatag naman sa kanilang
kinalalagyang 1-2 spot ng team standings ang Far Eastern University (FEU)
at ang University of Santo Tomas (UST) sa kanilang muling pagtutuos
ngayong hapon sa pagpapatuloy ng Second Round ng UAAP Season 78
men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Nakakasiguro na ng twice-to-beat advantage, patitibayin ng Tamaraws


ang kapit nito sa top spot habang maniniguro naman ang Tigers sa kanilang
pagkapit sa ikalawang puwesto sa paghahangad nito ng ika-10 panalo sa
pagtutuos nila ng una sa tampok na laro ngayong ikaapat ng hapon.

Mauuna rito, magtutuos naman sa pambungad na laro ang


naghahabol pa rin sa huling Final Four ang University of the East (UE) at ang
out of contention ng Adamson sa ikalawa ng hapon.

Tatangkain ng Tamaraws na bumawi sa nag-iisang pagkatalo na


nagmantsa sa kanilang imahe na idinulot ng Tigers ng una silang magharap
noong nakaraang Setyembre 9 sa iskor na 72-71.

“Definitely that would be our main goal, to get back at UST, sila na
lang yung hindi namin tinatalo and that will be a big morale booster for the
team going into the Final Four,” pahayag ni FEU coach Nash Racela.

Dumanas naman ng dalawang sunod na kabiguan na nagbaba sa


kanila sa barahang 9-3, panalo-talo, pinakahuli sa kamay ng University of the
East noong nakaraang Miyerkules sa Araneta Coliseum sa iskor na 77-91,

62
magtatangka namang makabangon at makabalik sa kanilang winning track
ang Tigers.

“Wala, ang pangit talaga ng laro namin, so we should regroup


ourselves and bounce back against FEU next game,” ayon naman kay UST
coach Bong de la Cruz.

Sa nasabing pagkabigo, second half na naramdaman ang laro ng


kanilang team skipper na si Kevin Ferrer habang nangapa hanggang
matapos ang laban ang mga beteranong kakamping sina Ed Daquioag at
Louie Vigil.

“Hopefully mag-step-up silang dalawa dahil talagang kailangan yun


next game,” ani De la Cruz na batid ang kinalalagyan nila ngayong
alanganing sitwasyon dahil dumikit na sa kanila ang dati'y malayo pa ang
hinahabol na Ateneo de Manila Blue Eagles na ngayo'y naiiwan na lamang
nila ng halos isa't kalahating laro sa taglay nitong barahang 8-4.

Posible pang maagaw ng Blue Eagles kapag nagkataon ang second


spot sa Tigers na gaya ng No.1 slot ay may bentaheng twice-to-beat papasok
ng Final Four round kung maipapanalo ng una ang huling dalawang laro nito
sa eliminations at mabibigo naman ang huli sa kanilang last two games.

Samantala sa unang laro, nabuhayan ng pag-asa kasunod ng huling


panalo sa UST, sisikapin ng Red Warriors na maduplika ang naunang first
round win kontra Falcons upang patuloy na buhayin ang pag-asang umabot
ng susunod na round.

Sakaling manalo, tatabla ang UE sa defending champion National


University (NU) sa ikalimang puwesto sa kartadang 5-7, panalo-talo.

Gayunman, kailangan nilang umasa na matalo ang De La Salle (5-6) sa


huling tatlong laro nito para makasingit sa No.4 spot at mawalis naman ang
natitira nilang dalawang laban upang makahirit ng playoff.

63
7h. Umaayon sa Aces ang Kasaysayan
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedJanuary 21, 2016 - 12:00 am

MANILA, Philippines—Sa istatistiko, ang 37 sa 43 koponang kumuha ng


2-0 bentahe ay nagtuloy-tuloy sa pag-angkin sa serye.

At pumapanig sa Alaska ang kasaysayan sa kanilang best-of-seven


championship series ng nagdedepensang San Miguel para sa 2016 PBA
Philippine Cup.

“We’ll not take the fight away from them when we still haven’t got the
needed fourth win,” sabi ni coach Alex Compton matapos iskoran ng kanyang
Aces ang Beermen sa Game One (100-91) at Game Two (83-80) para kunin ang
malaking 2-0 kalamangan sa kanilang titular showdown.

Noong nakaraang PhilippineCup Finalsay kinuha ng Alaska ang Game


One bago nagtuloy sa Game Seven ang serye na pinagwagian ng San Miguel.

Ang malaking dahilan ng dalawang sunod na ratsada ng Aces ay ang


hindi paglalaro ni back-to-backMost Valuable Player June Mar Fajardo para sa
Beermen.

Kung hindi makakalaro ang 6-foot-10 na si Fajardo sa Game Three bukas


sa Quezon Convention Center sa Lucena ay maaaring mahirapan na ang San
Miguel na makabangon mula sa pagkakabaon mula sa Alaska.

Sinabi ni coach Leo Austria na maaari nilang isakripisyo ang


pagdedepensa sa korona huwag lang ang basketball career ni Fajardo,
posibleng makamit ang kanyang pangatlong sunod na PBA MVP crown.

“I have told June Mar we could sacrifice this championship but not his
career,” ani Austria sa Cebuano superstar.

Nagkaroon si Fajardo ng hyperextended left kneesa Game Sixng


semifinals series ng Beermen at Rain or Shine Elasto Painters.
“Perhaps, we need a little more adjustment. And we have to keep
believing that we can win withoutJune Mar,” wika ni Austria na ginagamit sina 6’8
Yancy De Ocampo at power forwardGabby Espinas para gawin ang naiwang
trabaho ni Fajardo sa shaded lane laban sa Aces.

64
7i. SMBeer Itinagay ang 3rd place
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedFebruary 25, 2010 - 12:00 am

MANILA, Philippines – Patuloy ang mga Beermen sa pagkakaroon ng


pinakamaraming third place trophy.

Kinolekta ng San Miguel ang kanilang pang 15th second runner-up trophy
matapos talunin ang Barangay Ginebra, 95-88, sa 2009-2010 PBA Philippine
Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Ito ang pang limang third place trophy ng Beermen sa isang All-Filipino
Conferenceat ika-15th sa kabuuan sa itaas ng Alaska Aces (12). Tanduay Rhum
Masters (9), Swift Mighty Meaties (8) at Gin Kings (7).

Matapos kunin ang 47-43 Iamang sa halftime, pinalaki ng San Miguel ang
kanilang bentahe sa 12 puntos, 61-49, sa 7:28 ng third period galing sa
fastbreaklayup ni Jonas Villanueva.

Ngunit hindi rito natapos ang laro.

Sa likod ng inspiradong paglalaro nina Johnny Abarrientos, Marc Caguioa,


Ronald Tubid at Rich Alvarez, isang 21-8 atake ang ginawa ng Ginebra upang
agawin ang 70-69 sa pagpinid nito.

Binuksan naman nina Dorian Peña, Denok Miranda at Olsen Racela ang
fourth quarterbuhat sa isang 11-0 bomba para muling ibigay sa Beermen ang
Iamang sa 80-72 sa 8:09 nito.

Muling nakalapit ang Gin Kings, winalis ng Alaska Aces, 4-0, sa kanilang
best-of-seven semifinals series, sa 86-91 agwat buhat sa splitni Willie Wilson sa
1:18 ng labanan.

Tuluyan nang sinelyuhan ng San Miguel, tinalo ng Purefoods, 4-2, sa


kanilang semifinals showdown, ang kanilang tagumpay nang isalpak ni two-
timePBA Most Valuable Player Danny lldefonso ang isang jump shot sa huling
37.1 segundo para sa kanilang 95-88 bentahe sa Ginebra.

65
Pinangunahan ni Dondon Hontiveros ang Beermen mula sa kanyang 18
puntos kasunod ang 15 ni lldefonso at tig-10 nina Peña at Danny Seigle.

Trinangkahan naman ni Tubid ang Gin Kings sa likod ng kanyang game-


high 22 produksyon sa itaas ng 13 ni JC Intal at 10 ni Alvarez.

San Miguel 95 – Hontiveros 18, lldefonso 15, Seigle 10, Pena 10,
Villanueva 9, Cortez 9, Washington 8, Racela 8, Miranda 6, Holper 2, Custodio
0.
Ginebra 88 – Tubid 22, Intal 13, Alvarez 10, Caguioa 9, Mamaril 8,
Villanueva 8, Helterbrand 7, Baguio 4, White 3, Wilson 2, Abarrientos 2,
Salvacion 0.

Quarterscores: 24-31, 47-43, 69-70, 95-88.

66
7j. SEAG Basketball Patuloy na
Dominado ng Nationals
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedDecember 27, 2011 – 12:00am

MANILA, Philippines – Habang patuloy ang dominasyon ng Philippine


Men's National Teamsabasketball tournamentng Southeast Asian Games,
nananatili pa ring sabik sa kauna-unahang gintong medalya ang women's
squad.

Inangkin ng Sinag Pilipinas ni head coach Norman Black ang gintong


medalya sa men's basketball tournament ng 26th Southeast Asian Games sa
Jakarta, Indonesia matapos talunin ang Thailand, 85-57 sa kanilang gold-
medal match.

Ito ang unang coaching stintni Black, may 10 kampeonato sa Philippine


Basketball Association (PBA) at apat na sunod na titulo para sa Ateneo De
Manila University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

“This means a lot to us, not just for me but the whole team,” wika ni Black,
idinagdag ang SEA Games gold medal sa kanyang makulay na coaching career
tampok ang isang PBA Grand Slam sa San Miguel Beermen at four-peat sa
Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Sa nasabing panalo sa Thailand, kumolekta si seven-foot Greg Slaughter


ng Ateneo ng 16 points kasunod ang 15 ni Ray Ray Parks, Jr. ng National
University, 12 ni RR Garcia ng FEU at 10 ni Kiefer Ravena ng Ateneo.

Sinimulan ng Sinag Pilipinas ang pagdedepensa sa korona mula sa 127-


68 paglampaso sa Cambodia bago isinunod ang Vietnam at Thailand upang
walisin ang kompetisyon sa Group A.

“What's amazing about this team is it's a young team. It shows we have a
bright future,” wika ni Blacks.

Nagdodomina ang mga Pinoy sa SEA Games men's basketball


tournament sapul pa noong 1991 Manila SEA Games.

67
“I think one of the good things we learned in our stint in the SEA Games
was that we were able to become unselfish. The players were sharing the
basketball and were having fun while winning games,” ani Black, naging
mentor ng 1994 Philippine squad sa Hiroshima Asian Games.

Sa women's division nakawala naman sa mga kamay ng Perlas Pilipinas


ni mentor Haydee Ong ang pagkakataong maangkin ang kauna-unahang gintong
medalya ng bansa sa women's basketball nang maitalo sa Thailand, 73-75, sa
finals.

Nakuntento na lamang sa silver medal ang Perlas Pilipinas ni coach


Haydee Ong kasunod ang Malaysia na kumuha ng bronze medal.

68
8.
Pagbabalita sa Boksing

8a. Donaire Umiskor ng Split Decision Win


Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedFebruary 6, 2012- 12:00 am

MANILA, Philippines – Hinayaan ni Nonito 'The Filipino Flash' Donaire, Jr.


na ang kanyang mga kamao ang magsalita sa ibabaw ng boxing ring.

Bagamat nasaktan ang kanyang kaliwang kamay, nagawa pa rin ni


Donaire na talunin si Wilfredo Vazquez, Jr. via split decision upang angkinin ang
bakanteng World Boxing Organization (WBO) Super Bantamweight Crown
kahapon sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Nagkampeon na si Donaire sa Flyweight Divisonng International Boxing


Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) at sa World Boxing
Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) Bantamweight Class.

Kinontrol ng 29-anyos na si Donaire ang laban mula sa opening bell


hanggang sa makorner niya ang 27-anyos na si Vazquez sa third round.

"Vazquez was tougher than I expected," ani Donaire. "I couldn't find my
rhythm, and I hurt my hand somewhere between the second and fourth rounds. I
could only move it a little bit."

Mula sa isangleft uppercut at hard left, napabagsak ni Donaire si


Vazquez sa ninth round.

Ayon sa tubong Talibon, Bohol, hindi na niya naituloy ang pagrapido kay
Vazquez, dating may hawak ng WBO super bantamweight belt.

“When I knocked him down in the ninth round, that was the end of the
hand,” ani Donaire. “I was in agony.”

69
Nakahugot si Donaire ng 117-110 points mula kina judges Levi Martinez
at Don Trella, habang nagbigay si Ruben Garcia ng 115-112 para kay Vazquez,
ang anak ni dating three-division titlist Wilfredo Vazquez Sr.

“He's real quick,” ani Vazquez kay Donaire. “He caught me with some
good punches. He surprised me by hitting me when I was off balance. I thought I
did pretty well. I was patient, but he is a great fighter.”

Itinaas ni Donaire ang kanyang win-loss-drawring record sa 28-1-0


kasama ang 18 KOs, samantalang may 21-2-1 (18 KOs) card ngayon si Vazquez,
naagaw ang dating suot na WBO Super Bantamweight Title matapos ang isang
12th-round TKO loss kay Mexican Jorge Arce noong Mayo 7, 2011.

Ito ang unang pagkakataon na lumaban si Donaire sa Super


Bantamweight Division.

At tila komportable na siya na manatili sa naturang 122-pound limit.

“I’m definitely staying at 122 for awhile,” ani Donaire. “There are things
(trainer) Robert (Garcia) asked me to do that I couldn’t do so well, so we will go
back to the drawing board.”

70
8b. WBO Super Flyweight Crown,
Nakuha ni Palicte
Ni PNA (Balita) ǀ 2015, November 17.

Nasungkit ni flashyAston "Mighty" Palicte ang bakanteng trono ng WBO


Oriental super flyweight na titulo sa unanimous decision na laban, subalit ang
stablemate niyang si Adores "Ironman" Cabalquinto ay nakaranas ng unang talo
nitong Biyernes ng gabi sa Philippine Navy gym sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Si Palicte ng MP Davao Stable sa ilalim ni 8-division world champion Manny


Pacquiao's assistant trainer na si Nonoy Neri, ay nagpakita ng sobrang taas laban
kay Vergilio Silvano ng Omega Gym mula Cebu sa kanilang 12-round title fight.

Sinamantala ang kanyang taas na halos five feet, ipinakita ni Palicte ang
mabilis niyang galaw upang mapigil ang pag-atake ni Silvano.

Binigyan ng iskor ni Judge Salvador Lopez ang laban na 118-108


samantalang sina Gil Co at Jerrold Tomeldan ay kapwa nagbigay ng 116-110 pabor
kay Palicte, na umangat sa kanyang record na 20-panalo na may 17 knockout at
may isang talo.

Si Palicte, na No. 2 super flyweight, na iginawad ng Games and Amusements


Board, ay nakaranas din ng una niyang pagkatalo sa nabanggit ding lugar nang siya
ay magretiro sa huling segundo ng 4th round kontra Romnick Magos para sa
bakanteng WBO Youth Flyweight Title noong Disyembre 1, 2012.

Si Cabalquinto, ang kasalukuyang WBC Asian Boxing Council and Philippine


Junior Super Lightweight-title-holder, ay nakaranas din ng kabiguan mula sa mga
kamay ni No. 2 ranked Al Rivera, ng Brusmick Boxing Stable, sa Santa Rosa,
Laguna sa 3rd round knockout.

Ito ang unang pagkatalo ni Cabalquinto makaraan ang 21 straight wins, na may
14 na knockout at walang tabla.

Sa simula ng laban, nagpakita ng puwersa si Cabalquinto.

Subalit si Rivera, na nagkaroon ng sugat bunga ng accidental head butt, ay


bumuwelta ng lakas upang gapiin si Cabalquinto sa loob ng 30 segundo sa 3rd
round.

Binilangan ni referee Virgilio Garcia si Cabalquinto, na agad na binigyan ng


oxygen ng mga ring physician.

Umangat ang record ni Rivera sa 14 panalo kontra dalawang talo at may


naitalang 12 knockout.

71
8c. WBO Title Itataya ni Pacquiao
Laban kay Bradley
Ni Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedFebruary 25, 2012 - 12:00 am.

MANILA, Philippines – Maliban sa kanyang suot na world welterweight crown,


itataya rin ni Manny Pacquiao ang kanyang 16-fight winning streak sa
pakikipagsagupa kay Timothy Bradley, Jr. sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las
Vegas, Nevada.

Sa pagtatapos ng kanilang two-city, coast-to-coast promotional tour


kahapon sa
Chelsea Piers sa New York City, inamin ni Pacquiao na si Bradley na ang
isa sa pinakamabigat niyang makakabangga.

“I consider this fight one of my toughest. Timothy Bradley is undefeated,


strong and he can punch,” wika ni Pacquiao, huling natalo noong Marso 2005
kung saan siya binigo ni Mexican Erik Morales via unanimous decision sa
kanilang unang paghaharap.
At matapos nito ay dalawang sunod na beses niyang tinalo si Morales.

Inaasahan ni Pacquiao na magiging maaksyon ang kanilang suntukan ng


world light welterweight king na si Bradley.

“Bradley's body is bigger than mine. I think we can make a good fight.
That's why I picked him as an opponent,” wika ng 33-anyos na si Pacquiao sa 28-
anyos na si Bradley. “I'm pretty sure we will make a good fight.”

Itataya ni Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization


(WBO) welterweight belt laban kay Bradley, ang kasalukuyan namang WBO light
welterweight titlist.

Nakita si Bradley sa undercardng ikatlong laban nina Pacquiao at Juan


Manuel Marquez noong Nobyembre 12 kung saan niya tinalo si Joel Casamayor
via eight-round TKO.

“A lot of Mexican fighters have lost to this guy, and they're looking for
someone that's friendly and someone that's humble and someone that's hungry
and someone that's with them as well, and that's me,” ani Bradley.

72
8d. Peñalosa, Naitala ang Ikatlong Panalo
sa US bouts
Dennis Principe

Naitala ni Filipino boxing prospect Dodie Boy Penalosa Jr. ang ikatlong
panalo sa tatlong buwan na niyang pagkampanya sa Estados Unidos.

Pinabagsak ng 24-anyos na si Penalosa si Indiana native DeWayne


Wisdom sa pamamagitan ng body shot sa fourth round tungo sa isang six-
round unanimous decision win na ginanap sa Masonic Temple sa Norfolk,
Virginia.

“Malaki ng four pounds 'yung kalaban kasi ang sabi sa amin 125lbs.
ang timbang na paglalabanan namin. Pero ok na din kasi at least may mga
laban na kami,” ani father-trainer Dodie Boy, Sr.

Lahat ng tatlong judges ay nagbigay ng pare-parehong 60-52 score.

Bago pinulbos si Wisdom ay naglista si Peñalosa ng four-round


decision win kontra Stephon Mclntyre ng Georgia noong September 26 sa
Virginia at dinomina naman ng Cebuano boxer si Greg Coverson, Jr., ng
Detroit sa kanilang six-round bout dalawang linggo na ang nakakaraan sa
Wichita, Kansas.

“Next fight namin baka next month na pero eight rounds na ang sabi
ng manager namin,” ani Penalosa, Sr.

Si Penalosa, Jr., kasama ang nakababatang kapatid na si Dave ay


kapipirma pa lang ng managerial deal kay American manager Cameron
Dunkin na hawak din si multi-division world champion Nonito Donaire, Jr.''

Samantala dahil sa huling panalo ay naitaas na ni Peñalosa ang


kaniyang unblemished record sa 16-0, 12 by knockouts. (Dennis Principe).

73
8e. Pacquiao, Umaasang Muli Siyang
Kakasahan ni Mayweather
Gilbert Espena
Hindi naniniwala si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na nagretiro na
si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., na tumalo sa kanya sa
puntos at naniniwala siya na magkakaroon sila ng rematch sa 2016.

Iginiit ni Pacquiao na gustong malagpasan ni Mayweather ang perpektong


rekord na 49 panalo ni dating undisputed heavyweight champion Rocky Marciano
na napantayan niya nang talunin si Andre Berto ng Haiti nitong Setyembre at
kakasa ito sa kanya sa kapwa nila pinal na laban bago magsipagretiro.

Tinalo ni Mayweather nitong Mayo sa Las Vegas, Nevada si Pacquiao sa


puntos pero naging agresibo sa laban ang Pinoy boxer na napinsala ang
kanang balikat sa 4th round.

“It's possible — very much,” sabi ni CNN World Sport sa Abu Dhabi
nang tanungin sa posibilidad ng rematch nila ni Mayweather. “I would love to
have a rematch if he wants it.”

Wala ring bilib si Pacquiao na nagretiro na talaga si Mayweather lalo


kung limpak-limpak na dolyar ang kikitain nito sa kanilang rematch.

“Of course we hear from him many times that he has retired. It's not
new for him,”Pacquiao said.

Kaugnay nito, binanatan ni Mayweather ang dati niyang boksingero na


si WBA Junior Welterweight Champion Adrien Broner.

“I just want to stand behind him, support him, and help get him to the
next level.” But you saying, ‘F*** The Money Team?’ Well, what he don't
know, The Money Team is making 8 figures a year,” sabi ni Mayweather sa
Fighthype.com.

“He just lost to Shawn Porter. He lose to Shawn Porter, then you fight
for a world title right after that, for a vacant title; you and your opponent
coming off losses,”dagdag ni Mayweather. “Instead of saying, ‘F*** The
Money Team,’ he needs to be thanking The Money Team because at the end
of the day, Al Haymon is a part of The Money Team.

He needs to be thanking The Money Team. Everything is under the


same umbrella when it’s all said and done.”

74
8f. IBO Title, Target Sungkitin ng Pinoy
Boxer sa South Africa
Gilbert Espena

Tatangkain ni WBC International flyweight champion Renz Rosia na


hablutin ang titulo ni IBO 112 pounds champion Moruti Mthalane sa
Nobyembre 28 sa East London, South Africa.

Unang pagkakataon ito ni Rosia na sumabak sa kampeonatong


pandaigdig pero ikalawang laban na sa South Africa matapos matalo sa
kontrobersiyal na 12-round majority decision kay Makazole Tete noong
nakaraang Abril 24 para sa bakanteng IBO Inter-Continental flyweight title sa
Orient Theatre sa Eastern Cape.

Nahablot ni Rosia ang WBC regional title nang talunin sa 10th round
TKO ang dating kampeon na kababayang si Renan Trongco noong
nakaraang Agosto 22 sa Paranaque City kaya pumasok siya sa WBC
rankings bilang No. 13 contender ng kampeong si Roman Gonzalez ng
Nicaragua.

Beterano naman si Mthalane na dati ring IBF flyweight title at huling


natalo sa Pilipino ring si Nonito Donaire Jr. sa 6th round TKO noong 2008 sa
Las Vegas, Nevada para sa IBF at IBO flyweight belts.

Muntik mawala kay Mthalane ang IBO crown sa laban sa Pilipino ring
si Jether Oliva na natalo lamang sa 12-round split decision noong 2014 sa
sagupaang ginanap sa Durban, South Africa.

May kartada si Mthalane na 31-2-0 win-loss-draw na may 20 panalo sa


knockout samantalang ang bagitong si Rosia aymay rekord na 12-3-0 win-
loss-draw na may 6 pagwawagi sa knockout.

75
8g. Taong 2011 Naging Matagumpay
Para sa mga National Boxers
Russell Cadayona

MANILA, Philippines – Isang tiket sa 2012 Olympic games sa London at


apat na gintong medalya mula sa 26 Southeast Asian Games sa Indonesia.
Ito ang naging achievement ng Amateur Boxing Association of the
Philippines (ABAP) para sa taong 2011.
Nakamit ni light flyweight Mark Anthony Barriga ang isang puwesto para
sa 2011 Olympic Games sa London matapos umabante sa finals ang tumalo sa
kanya sa quarterfinals na si Zhou Shiming, isang two-time World Boxing
Championship gold medalist, ng China sa nakaraang 2011 World Championships
sa Baku, Azerbaijian. Awtomatikong mabibigyan ng tiket 2012 Games ang mga
boksingerong natalo sa quarterfinals kung pumasok naman sa finals ang mga
nagwagi sa kanila.
Si Harry Tañamor, isa ring light flyweight kagaya ni Barriga, ang tanging
boxer na nakalahok sa 2008 Beijing Olympics matapos sumuntok ng silver medal
sa 2007 World Championships sa Chicago kung saan siya tinalo ni Zou sa gold
medal round.
Kumpiyansa naman si ABAP President Ricky Vargas na madaragdagan
pa ang mga Filipino boxersna lalaban sa 2012 London Olympics sa kanilang
paglahok sa dalawang nakatakdang Olympic Qualifying tournaments.
“We have not stopped dreaming and we look forward to the new
challenge,” sabi ni Vargas.
Sinulatan na ng ABAP ang Philippine Olympic Committee para iendorso si
2010 Asian Gamesgold medalist Rey Saludar bilang wild card sa London
Games.
Sa 2011 SEA Games sa Indonesia, kaagad naming naisabak ang 17-
anyos na si Barriaga ng Panabo City, Davao del Norte sa first round sa light
flyweight division matapos matalo kay Indonesian pride Denisius Hitarihun.
Natakpan naman ito ng mga gintong medalya nina lightweight Charly
Suarez, light welterweight Dennis Galvan, pinweight Josie Gabuco at light
flyweight Alice Kate Aaparri sa nasabing biennial event.
Si bantamweight Nesthy Petecio ang nag-uwi ng pilak, habang si
Saludarang kumuha ng tansong medalya.

76
8h. World Title Bout, Target ni Oliva
Hinalaw January 31, 2016, mula sa balita.net.ph:
http://balita.net.ph/2014/10/07/world-title-bout-target-ni-oliva/

Tiyak na muling mabibigyan ng pagkakataon sa world title bout si two-time


challenger Jether Oliva matapos talunin sa 10-round unanimous decision si
dating Indonesian super flyweight titlist Jemmy Gobel para matamo ang
bakanteng WBF Asia Pacific flyweight belt kamakalawa ng gabi sa Glan,
Sarangani Province.

Nakatala pa rin si Oliva bilang No. 11 contender kay WBA light flyweight
champion Alberto Roussel ng Peru subalit inaasahang muli siyang
mapapansin ng WBC, IBF at WBO para ipasok sa world flyweight rankings ng
mga ito.

Sa Taal, Batangas naman, noong Oktubre 4, napanatili ni WBO Oriental


super flyweight champion Warlito Parrenas ang kanyang korona sa 12-round
unanimous decision victory laban kay Indonesian flyweight titlist Espinos
Sabu na may lahi ring Pinoy.
“All three judges scored the fight for Parrenas with Lagumbay and Elmer
Lopez having the lanky 31-year old Parrenas who fights out of Japan where
he also uses the ring name Wars Katsumata a comfortable winner 119-110
while the third judge Dan Nietes had Parrenas ahead 118-110,” ayon sa ulat
ng Philboxing.com. “With the win Parrenas improves to 20-6 with 17
knockouts while Sabu suffered only the second defeat of his career to wind
up with a record of 11-2-1 with 5 knockouts."

Sa La Trinidad, Benguet naman, tinalo ng Pilipinong si Argie Toquero si


Japanese Takaya Kakutani para matamo ang bakanteng WBC Youth super
featherweight title kaya inaasahang papasok siya satop 50 world rankings ng
naturang samahan sa unang pagkakataon.

77
9.
Mga Pagbabalita sa iba pang mga Palaro
9a. 2 Gold sa Iloilo Arnisador
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedMay 28, 2012 - 12:00 am

DUMAGUETE CITY, Philippines – Sinikwat nina Glory Joy Bartonico at Warlie


Gumban ng lloilo ang mga gintong medalya sa arnis competition ng 2012 POC-PSC
National Games sa Cosca Gym kahapon dito.

Nagreyna si Bartonico, isang incoming Education-Math sophomore sa Western


Visayas College of Science and Technology, sa women's individual single weapon anyo.

“Hindi ko talaga ine-expect na ako ang mananalo kasi isang araw ko lang pinag-
aralan 'yung routine ko eh,” ani Bartonico na tumalo kina Reignerose Esguerra ng Pasig
at Claire Danga-as ng Baguio City para sa gold medal.

Kinuha rin ni Bartonico ang bronze medal sa women's double weapon sa ilalim
nina Nina Allona Gae Tabor ng Cagayan de Oro at Dang-as.

Naghari naman si Gumban sa men's individual double weapon para sa ikalawang


ginto ng lloilo.

Suot naman ang kanyang Igorot costume, ibinulsa ni Elmer Batani, isang
education student sa University of Baguio, ang ginto sa men's single weapon anyo
event.

Sa triathlon event sa Sipalay City, inangkin nina national team members Marion
Kim Mangrobang at Nikko Brian Huelgas ang gold medal sa women's at men's division.

Itinala ng 21-anyos na tubong Sta. Rosa, Laguna na si Mangrobang ang bilis na


2:26:43 para kunin ang gold medal sa women's triathlon event na may 1.5-kilometer
swimming, 40km biking at 10km running.

Tinalo ni Mangrobang, nagreyna sa Mekong Duathlon at sumegunda sa Mekong


Triathlon sa Thailand noong 2009, sina Mirasol Abad ng Davao (2:36:17) at Alexandra
Ganzon ng lloilo (2:44:36).

Nagtala naman ang 21-anyos na si Huelgas ng tiyempong 2:03:46 para talunin


sina Jonard Saim ng General Santos City (2:17:34) at John Chicano ng Olongapo
(2:29:26).

Sa junior category, nagposte si Allen Santiago ng Manila ng oras na 1:08:15 sa


750m swim, 20km bike at 5km run event para kunin ang gold medal.

Sa billiards event sa Convention Center, yumukod si Denise Mendoza kay Flor


Andal, 3-7, habang binalingan naman ni Cheska Centeno si Anne Del Mar, 7-3, sa
women's 9-ball.

78
9b. 2 Wushu Fighter, Pasok sa Finals ng
World Championships
Angie Oredo

Dalawang Pilipinong Sanda fighter sa katauhan nina Divine Wally ng


Baguio City at Hergie Bacyadan mula Kalinga Apayao ang magtatangkang
makapag-uwi ng gintong medalya matapos tumuntong sa kampeonato ng
ginaganap na kada dalawang taong 13th World Wushu Championships sa
Jakarta, Indonesia.

Ang 19-anyos na si Wally, na produkto ng 2012 Philippine National


Games, ay tinalo ang Korean na si Bokyeong Byeon sa 52-kg semifinal upang
masiguro ang kanyang silya sa kampeonato.

Ang 21-anyos na si Bacyadan, na nakasiguro ng kanyang pinakaunang


podium finish sa isang internasyonal na torneo sa kanyang kauna-unahang
pagsabak sa labas ng bansa bagaman huli nang natututo sa sports, ay tinalo ang
Egyptian na si Walaa Mossa sa round of four ng 65kg.

Si Wally, na 2013 SEA Games at Asian Junior Championships silver


medalist ay nalampasan na ang dating mataas na naiuwing tansong medalya ni
Evita Zamora ng Davao City's Evita Zamora sa nakalipas na isinagawang torneo,
ay sasagupain ang Vietnamese na si Luan Thi Hoang para sa ginto.

Makakasagupa naman ni Bacyadan ang beterano na Iranian na si


Sharbano Manyouran Semiromi para sa ginto.

Ang kasalukuyan namang nagtatanggol na kampeon sa 52kg ay ang


Vietnamese at sa 65kg ang Iranian.

Habang isinusulat ito ay sasagupa din sa semifinals ang iba pang


miyembro ng suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na Team
Philippines na sina Francisco Solis at Arnel Mandal. Makakasagupa ni Solis ang
isang Chinese habang si Mandalwill ay makakatapat ang isang Turkish sa 60kg
at 52kg division.

Matatandaan na si Benjie Rivera, na isa nang coach, ay nagawang


makapagbigay ng gintong medalya sa 52kg na kanyang ikalawa noong 2013
edisyon ng World Championships. Isang Iranian naman ang kasalukuyang
kampeon sa 60kg class.

79
9c. 3 Top Junior Triathlete ng Cebu,
Kuminang sa HongKong
Ni PNA (Balita) ǀ 2015, November 02. Hinalaw January 29, 2016, mula sa
balita.net.ph: http://balita.net.ph/2015/11/02/3-top-junior-triathlete-ng-cebu-
kuminang-sa-hong-kong/

Ang tatlong top junior women triathlete ng Cebu City na sina Aaliyah
Ricci Mataragnon, Issa Priagula at Catherine Angeli Yu- ay nagpamalas ng
kagalingan at kuminang sa 2015 Hong Kong ASTC Sprint Triathlon Asian
Cup matapos makasungkit ng silver medal noong Sabado sa Lantau Island,
Hong Kong.

Si Mataragnon na nag-aaral sa Sacred School-Hijas de Jesus ay


kagagaling lamang sa viral infection subalit nakuha nito ang pangalawang
puwesto sa Youth Female 2000 Division sa loob lamang ng 49 minuto at 43
segundo sa sprint distance race.

Ang 14-anyos ng Jumpo Plastic Linoleum ay lumitaw sa tubig


makalipas ang 7:46, at nakumpleto ang bike segment sa loob ng 20:59 at
nakumpleto ang kumpetisyon sa loob ng 13:54.

Nagkaroon ng mechanical problem si Mataragnon sa pagsimula ng


karera makaraang magkamali ito sa tiyempo at mahulog subalit itinuloy pa rin
ito at nakipag-unahan.

Nagawa pa rln ni Mataragnon na masungkit ang ikalawang puwesto


subalit agad na rumesponde ang mga medic sa finish line.

Samantala, si Priagula ay nakapagtala sa Women's Junior Division (16


to 19-anyos) sa oras na 1:05:18.

Nag-stand-out ang triathlete ng Maria Montessori International School


makaraang makumpleto nito ang swim part sa loob ng 8:51, nakumpleto ang
bike segment sa loob ng 34:40 at natapos sa final run sa loob ng 14:46,

Si Yu naman ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu ay nakakuha


rin ng silver medal sa youth female 2003, makaraang marating nito ang finish
line sa loob ng 49:13.

80
9d. Magbag Humabol sa Japan Swimfest
Chris Co (Pilipino Star Ngayon)
Updated January 8, 2016 - 12:00 am

MANILA, Philippines - Umakyat sa siyam na swimmers ang ipadadala ng


Philippine Swimming League (PSL) sa Japan para sa 2016 Tokyo Invitational Swimming
Championship na idaraos mula Pebrero 4 hanggang 10.

Ito ay matapos madagdag si University Athletic Association of the Philippines


(UAAP) Season 78 gold medalist Drew Benett Magbag ng University of the Philippines
Integrated School sa Pambansang koponang sasabak sa naturang torneo.

Noong nakaraang taon, umani si Magbag ng apat na ginto tampok ang dalawang
bagong rekord sa Indian Ocean All-Star Challenge sa Perth, Australia noong Abril.
Nakasiguro rin ito ng dalawang pilak sa Japan Invitational Swimming Championship
noong Nobyembre.

Kabilang si Magbag sa mga kandidato para sa Male PSL Swimmer of the Year.
Makakasama ni Magbag sa Japan sina Swimmer of the Year candidates Sean
Terence Zamora at Jux Keaton Solita ng University of Santo Tomas, Marc Bryan Dula
ng Weissenheimer Academy at Lans Rawlin Donato ng UP.

Bukod tanging si Female PSL Swimmer of the Year candidate Micaela Jasmine
Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parafiaque ang nag-iisang isasabak ng
Pilipinas sa girls' category.

Ang 9-anyos na si Mojdeh ay nakapag-uwi ng limang ginto at isang pilak sa 2015


Japan Invitational Swimming Championship.

Kasama rin sa delegasyon si Singapore Invitational Swimming Meet medalist


Joey del Rosario ng De La Salle Santiago Zobel School gayundin sina Lowenstein Julian
Lazaro at John Leo Paul Salibio.

Lalahukan ang torneo ng matitikas na tankers mula sa Japan, China, United


States, Great Britain, Netherlands at Germany.

“It’s a tough competition. A lot of good swimmers from different countries are
expected to participate this time. But we’re glad that we got invited by the organizers.
They saw the potential of our swimmers during last November’s competition in Tokyo,”
pahayag ni PSL President Susan Papa na siyang mangunguna sa delegasyon kasama
sina Secretary General Maria Susan Benasa, coaches Alex Papa at Marlon Dula.

81
9e. Zambo Lifter, Bumawi sa Antique PNG,
Kong, may 8 Ginto
Angie Oredo

Hindi pinanghinaan ng loob at konsentrasyon ang weightlifter na si Ma.


Nika Francisco matapos na mabokya sa kanyang kampanya noong
nakaraang taon tungo sa paghugot ng tatlong ginto sa ginaganap na 2015
Philippine National Games (PNG) weightlifting competition sa Evelio B. Javier
Freedom Park, San Jose Antique.

Bagsak sa lahat ng kanyang pagbuhat noong 2014, bumalik si Francisco


taglay ang matinding determinasyon upang sungkitin ang pagkakataon na
makamit ang kanyang ambisyon na maging miyembro ng pambansang
koponan mula sa awtomatiko nitong pagkuwalipika sa gaganaping National
Finals sa 2016.

“Isang good lift lang iyan noong 2014 sa 30kg sa snatch and then bad lift
na lahat sa jerk,” sabi lamang ni Philippine Weightlifting Association (PWA)
vice-president at tournament director Elbert Atilano Sr. “Pero ngayon ay good
lift na lahat at improving pa sa lahat ng attempt,” sabi pa nito.

Isinagawa ng PWA na isang 5-in-1 National Championships ang


torneo kung saan itinala ng 17-anyos mula Guiwan, Zamboanga City na si
Francisco na sumali sa Women's 46-Kilogram Division na makabuhat sa 50kg
sa snatch at 60kg sa clean and jerk para sa kabuuang 110kg at tanghaling
kampeon sa Open, Collegiate at Youth Division.

“Nagsikap po ako sa training kaya nagawa kong manalo ngayon,” sabi


ni Francisco, na first year student mula sa Zamboanga Institute of Aviation
and Technology sa kursong Aircraft Maintenance na malaki ipinagbago
matapos mabokya noong nakaraang taon at hindi makagawa ng anumang
record sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC)
at may basbas ng Philippine Olympic Committee (POC) at ngayon ay
suportado ni Antique Governor Rhodora J. Cadiao.

Natapos na rin ang Women's 44-kg Category kung saan si Ericka De


Hitta ng Angono, Rizal na gold medalist sa 32kg noong 2014 ay bumuhat ng
40kg sa snatch at 48kg sa clean and jerk para sa 70kg total tungo sa mga
ginto sa youth at secondary divisions.

82
“Nasa 75 gold medalsat stake this year at expected namin na may
matutuklasan kami matapos ang kompetisyon,” sabi pa ni Atilano Sr.

Samantala, apat na gintong medalya ang muling iniuwi ni Michael


Ichiro Kong ng Cebu City sa ikalawang araw ng swimming competition upang
itala ang bagong rekord sa Philippine National Games sa pagtatala ng
perpektong 8-of-8 sa sinalihang event at paghablot ng kabuuang walong
gintong medalya.

Tinabunan nito ang pitong gintong iniuwi ni Olympian Jessie Khing


Lacuna na nakamit nito noong 2012 PNG at si Christian Paul Anor mula sa
Pagadian City na sinundan ang pagsisid sa pitong gintong medalya sa
isinagawa naman na 2015 PNG Mindanao Qualifying Leg sa Pagadian City.

Nagwagi pa si Kong sa 200m freestyle (2:20.49s), 100m backstroke


(1:11.32s), 100m individual medley bago itinulak ang kinaaaniban na Cebu
City sa ginto sa 200m freestyle relay (1:52.75s).

Iniuwi rin ng Cebu City ang 11 ginto mula sa nakatayang 13


pinaglabanan sa ikalawang araw ng torneo.

Kabilang sa nagwagi si Trina Caneda na mayroon kabuuang apat na


ginto sa pagdagdag sa girls 200m freestyle (2:41.46s). Wagi si Jaymark
Buslon sa boys 50m fly (29.20s), Bethmay Arellano sa girls 50m fly (33.48s),
Nil Ernrico Miacarsos sa boys 200m breast (2:52.19s), Shane Allyene Pareja
sa 200m breast (2:50.15s) at si Romilyn Nina Ignacio sa girls 100m back
(1:23.66s) at 400m IM (6:32.47s).

Tanging nakawala sa Cebu City ang girls 200m free na napunta sa


host Antique nina Jaymee Bungcasan, Pearl Frances Perlas, Arriane Kae
Tubeza at Rikka Michel Duarte na may 2:12.41 oras at ang boys 1,500m
freestyle na napagwagian ni Julian Ordanel sa oras na 21:04.20 segundo.

Napunta naman ang ginto sa men's chess blitz sa Cebu City matapos
magwagi si Jeffu Dorog sa apat na puntos. Kasunod si Henry Michael Infante
ng Lapu-Lapu City at ikatlo si Glexan Derotas ng Cebu.

83
9f. 5 Gold Nilangoy ni Lacuna
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedJune 1, 2012 - 12:00 am

DUMAGUETE CITY, Philippines – Limang gintong medalya ang inangkin ni


national swimmer Jessie Khing Lacuna sa swimming pool competition ng 2012 POC-
PSC National Games kahapon dito sa Lorenzo Teves Aquatics Center.

Dinomina ng 18-anyos na si Lacuna ang labanan sa men's 100-meter freestyle,


400m freestyle, 1,500m freestyle, 100m butterfly at 200m individual medley.

Anim na gold medal sana ang nakamit ni Lacuna, lalahok sa 2012 Olympic
Games sa London sa Hulyo, kundi lamang siya na-disqualified sa 400m IM wala sa
breaststroke position ang kanyang katawan matapos ang 50m,

Kumuha rin ng ginto sina nine-time Southeast Asian Games judo gold medalist
John Baylon at Olympian archer Jennifer Chan sa kani-kanilang events.

Binalibag ng 47-anyos na si Baylon, naghari sa judo event ng SEA Games


Simula noong 1991 hanggang 2009, si CJ San Pedro ng La Salle sa halos 10 segundo
ng kanilang laro para sikwatin ang ginto sa Negros Oriental State University.

Pumana naman ang 47-anyos na si Chan ng 696 points sa women's compound


open qualification round para sa gold medal sa City High School.

Nagsulong ng ginto sa kani-kanilang events sa chess sina Darwin Laylo


(men’s open), Jedara Docena (women’s open), Allanney Docena (girl’s kiddies) at
Jean Karen Enriquez (girl’s youth).

84
9g. Avesco-PH Team,Wagi sa
Taiwan Memory Championship
Angie Oredo

Nagwagi ng dalawang gintong medalya si Jamyla Lambunao sa juniors


division habang ang Filipino Grandmaster of Memory Mark Anthony Castaneda ay
nagkasya lamang sa dalawang pilak sa Taiwan Memory Championships na
isinagawa noong weekend sa Taiwan.

Si Castaneda ay second overall sa Names and Faces at Spoken Numbers


Category at tumapos na ikatlo sa Historic Dates upang kasama si Lambunao na
pamunuan ang delegasyon ng bansa na ipinadala naman sa dalawang araw, 10-
kategorya na mind sport event ng Avesco Marketing Corporation.

Ang 15-anyos na si Lambunao, na siyang may hawak ng dalawang world


record sa Kids Division, ay patuloy naman na nagpapakita ng husay sa 13-17 age
category matapos dominahin ang Random Words at Spoken Numbers bago
tumapos na ikalawa sa Names & Faces at Speed Numbers.

"This is a very tough tournament because it brought together top memory


athletes from Germany, Sweden, Mongolia, China, India, USA, Korea, Japan and, of
course, the host country Taiwan," sabi ni PHI delegation head and coach Anne
Bernadette Bonita.

"With new generation of strong memory athletes, I can see a brighter hope
for the Philippines in the upcoming International Memory Sports Competitions," ang
sabi pa ni Bonita.

Kumulekta din sa Kids Division si Jan Jelo Juanir nang apat na ginto,
dalawang pilak at isang tanso upang tumapos na second overall.

Ang iba pang miyembro ng Avesco-Philippine Team na sumabak ay sina Joel


Micus Lolong, Dorothy Elenzano, Nico Angelo Esperanza, Richard Stephen Sarcos,
Philip John Benitez at Axelyancy Tabernilla.

Ang Avesco-Philippine Team ay inorganisa ng Philippine Mind Sports


Association at suportado din ni Marikina City Mayor Del de Guzman, Cong. Miro
Quimbo, Cong. Marcy Teodoro at District 2 Councilor's.

85
9h. Azkals Tinambakan ng LA Galaxy
Ni Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon)
Updated December 4, 2011 - 12:00 am
Hinalaw January 29, 2016, mula sa www.philstar.com:
http://www.philstar.com/palaro/754590/azkals-tinambakan-ng-la-galaxy

MANILA, Philippines – Kagaya nang dapat asahan, magaang tinalo ng


Los Angeles Galaxy, kampeon sa nakaraang Major League Soccer Cup, ang
Philippine Azkals, 6-1, sa kanilang friendly match kagabi sa Rizal Memorial
Football Stadium sa Malate, Manila.

Umiskor ng dalawang goals sina Beckham at Mike Magee sa 20th at 38th


minute para sa 2-0 lamang ng Galaxy bago ang koneksyon ni Phil
Younghusband sa 41st minute para sa 2-1 agwat ng Galaxy bago ang
halftime.

Binuksan ni Robbie Keane ang second half galing sa kanyang goal


kasunod ang iskor ni Adam Chrisman upang ilayo ang Galaxy sa 4-1.

Itinapat naman ng Azkals sina Phil at James Younghusband, Rob Gier,


Anton del Rosario, Manny Ott, Angel Guirado, Chieffy Caligdong, Chris
Greatwich, Ed Sacapano, Jason Sabio at Ray Jonsson.

Bago labanan ang Azkals, nanggaling ang Galaxy sa Indonesia kung


saan nila tinalo ang koponan nito, 1-0.

Matapos ang friendly match sa Azkals, nakatakdang magtungo ang LA


Galaxy sa Melbourne, Australia.

Makakatapat nila ang Melborune Victory sa Disyembre 6 na idaraos sa


Etihad Stadium para sa pagtatapos ng kanilang three-nation, Asia-Pacific Tour.

86
9i. Cignal, Binigo ng Petron
Hinalaw January 29, 2016, mula sa balita.net.ph:
http://balita.net.ph/2015/10/29/cignal-binigo-ng-petron

Mga laro ngayon


San Juan Arena
4:15 pm — Foton vs Cignal
6:15 pm — RC Cola-Air
Force vs Petron

Ipagpapatuloy ng defending champion Petron Blaze Spikers ang


pagsagupa ngayon sa nangangapang RG Cola-Air Force sa ikalawang round
ng 2015 Philippine Superliga (PSL) women's volleyball tournament sa The
Arena sa San Juan.

Mauuna munang maglalaban ang bumabangon na Foton Tornadoes at


pilit na babalikwas sa nalasap na pagkatalo ng Cignal HD Spikers ganap na
4:15 ng hapon bago ang sagupaan ng Petron at RC Cola dakong 6:15 ng
gabi sa prestihiyosong torneo na suportado ng Asics at Milo, Senoh, Mueller
at Mikasa bilang mga technical partner.

Sariwa pa ang Petron sa paghihiganti sa nalasap nitong unang


kabiguan kontra Cignal matapos itakas ang klasikong limang set na panalo,
25-16, 14-25, 25-17, 22-25 at 15-13 sa huli nitong laro upang manatili sa
labanan para sa titulo ng import-reinforce na torneo.

Bagaman isa sa pingkamalakas ang komposisyon, matatandaang


agad nakalasap ng kabiguan ang Blaze Spikers sa unang round matapos
mabigo kontra Cignal noong Oktubre 10 at Philips Gold noong Oktubre 17.

Minantsahan ng Petron ang dating tanging malinis na kartada ng


Cignal sa tulong ni Brazilian reinforcement Rupia Inck na inilabas ang
kanyang pinakamagandang laro sa huling yugto ng deciding set habang
tumulong si playmaker Erica Adachi sa pagkontrol sa Blaze Spikers na
matakasan ang emosyonal at puno ng aksiyon na laban.

Nagtala si Inck ng kabuuang 21 hits at apat na block para sa 21 puntos


habang si Adachi ay nagrehistro ng 38 mula sa kabuuang 40 excellent sets
ng koponan. Nag-ambag din si Dindin Manabat ng 18 puntos mula sa 16 kills

87
at 3 blocks para sa Petron na nangako na hindi isusuko ang korona na hindi
lumalaban.
"It was a morale boosting and a very important win for us," sabi ni
Petron coach George Pascua, matapos itala ang panalo sa matinding
bakbakan na inabot ng isang oras at 57 minuto. "This victory will serve as our
gauge entering the second round."

Dahil sa panalo ay umangat ang Petron sa solong ikatlong puwesto sa


4-2 win-loss kartada habang nanatili sa tuktok ang Cignal na may 5-1 rekord
kasunod ang Philips Gold na may 4-1 kartada.

Gayunman, inaasahang magpupunyagi ang patuloy na lumulubog na


RC Cola-Air Force na matapos itala ang unang limang set nitong panalo
kontra Meralco ay apat na sunod itong nakalasap ng kabiguan matapos
mangapa sa laro bunga ng pagkakakumpleto lamang nito sa siyam na buwan
na basic military training.

Tanging inaasahan lamang ng Raiders ang mga imports na sina Lynda


Morales at Sara McClinton.

Inaasahan din na magpapainit sa mga labanan ang kumpletong


implementasyon ng video challenge system — na state-of-the art volleyball
technology na pinapayagan ang mga kalahok na koponan na ireklamo at
panoorin ang iniisip nitong kuwestiyonableng tawag sa tulong ng 16 high-
definition camera na makikita sa giant projector.

Ang aparato, na mula sa Italy na Data Volley, ay dinala na sa bansa at


isinalang sa dry-run noong Martes. Isinagawa din ang technical meeting at
briefing sa mga coach at mga team managers noong Martes para giyahan sa
pagpapatupad ngayon ng makabagong teknolohiya.

“We're all excited to use this latest volleyball technology,” sabi ni


Philippine Super Liga president Ramon “Tats” Suzara, na nagsilbi bilang
control committee chief ng ilang world tournament kung saan ginagamit ang
video challenge system. “We will be the first club league in Asia to use
thiskind of cutting-edge technology. This is our contribution to uplift the state
of volleyball in the country.”

88
9j. Lady Stags, Naka 2-0 Na
Marivic Awitan

Winalis ng last year's losing finalist sa women's division San Sebastian


College ang nakatunggaling San Beda College, 25-15, 25-16, 25-19, kahapon upang
makamit ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay at makopo ang maagang
pamumuno sa kabubukas pa lamang na NCAA Season 91 Volleyball Tournament sa
The Arena sa San Juan.
Gaya ng kanilang naunang panalo kontra sa University of Perpetual Help
noong opening day, muling nanguna para sa Lady Stags si reigning MVP Gretchel
Soltones na nagtala ng 16-puntos, 15 dito ay pawang hits habang nag-ambag
naman ang mga kakamping sina Jolina Labiano at Joyce Sta. Rita ng tig-8 puntos.
Dominado ng Lady Stags ang kabuuan ng laro base na rin sa naitala nilang
statistics kung saan pinulbos nila sa hits ang Red Lionesses, 39-18, gayundin sa
blocks, 6-0 at maging sa aces, 7-3 sa pangunguna ng Sta. Rita na nagtala ng 3
blocks at 2 aces, ayon sa pagkakasunod.
Hindi rin nila pinaporma ang San Beda sa kanilang floor defense sa
pangunguna ni Alyssa Eroa na nagtala ng 8 digs na sinundan ni Soltones na
mayroong 5.
Pinangunahan naman ang San Beda, na bumagsak sa ikalawang sunod na
pagkabigo, nina Nieza Viray at Iris Domingo na kapwa may tig-5 puntos.
Nauna rito, hindi naman nakaporma ang San Sebastian Stags sa San Beda
Red Lions na nakabalikwas mula sa unang kabiguang nalasap sa kamay ng Atlas,
25-17, 25-23, 25-22.
Dahil sa kabiguan ng Stags ay bigo ang San Sebastian na makumpleto ang
sweep kontra San Beda kasunod ng naunang panalo ng Staglets sa unang laro sa
juniors division kontra Red Cubs, 25-20, 25-17,25-15.
Samantala sa isa pang women's match, kapwa nagtala ng tig-17 puntos sina
Rosalie Pepito at Maria Shola Alvarez upang pangunahan ang Jose Rizal University
sa pagtala ng una nilang panalo kontra Emilio Aguinaldo College, 27-25, 11-25,25-
15, 25-18.

Dahil sa panalo, nakabasag sa win column ang Lady Bombers matapos


mabigo sa unang laban nito sa kamay ng St. Banilde noong opening day.

89
9k. Lady Blazers Umukit ng Kasaysayan,
Kampeon sa NCAA Season 91
Women's Volleyball
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) | UpdatedJanuary 29, 2016 - 12:00 am

Nagdiwang ang koponan ng Lady Blazers matapos talunin ang Lady Stags para
sa korona ngNCAA Season 91 Women's Volleybal lkahapon.
MANILA, Philippines – Naitakas ng College of Saint Benilde ang pahirapang 25-
22, 25-23, 22-25, 25-22 panalo laban sa San Sebastian College upang matamis na
angkinin ang kanilang unang titulo kagabi sa NCAA Season 91 women's volleyball
tournament sa The Arena sa San Juan City.
Muling nangibabaw sina open hitter Janine Navarro at middle blockers Ranya
Musa at reigning Best Blocker Jeanette Panaga para tulungan ang Lady Blazers na
mailagay sa kasaysayan ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Pumalo ng 18 puntos si Navarro habang nagdagdag naman si Musa ng 17
kasama ang apat na blocks. Naramdaman rin ang puwersa ni Panaga na bumanat ng 16
puntos tampok ang pitong blocks.
“Masarap ang feeling dahil ito na yung pinakahihintay namin. Lahat ng paghihirap
namin nasuklian. Yun ang testament ng team namin, hindi kami sumuko kahit gaano
kahirap. Lahat ibinigay nila para makuha namin ito,” pahayag ni St. Benilde Head
Coach Michael Carino.
Tinapos ng Lady Blazers ang serye tangan ang 3-1 rekord.
Nauna nang nagwagi ang St. Benilde sa Game 1 (24-26, 25-21, 25-19, 25-13) at
Game 2 (25-23, 21-25, 25-22, 25-16) habang nanaig naman ang San Sebastian sa Game
3 (25-22, 25-19, 26-28, 25-23).
Nakapagtala ang Lady Blazers ng 47 kabuuang atake at 13 blocks habang
nakapagbigay ng 19 excellent sets si Team Captain Djanel Welch Cheng na
engradeng tinapos ang kanyang collegiate career tangan ang makislap na medalya
sa kanyang dibdib.
“Same lang ang ginawa namin sa Game 1 and Game 2. Mas nag-enjoy lang
kami sa Game 4. Kailangan pag naglalaro ka buong-buo ang puso mo, yun ang
importante,” sambit ni Cheng.
Nasungkit ni Panaga ang Finals Most Valuable Player (MVP) award habang
kinilala si Cariño bilang Coach of the Year.
Bumandera si back-to-back season MVP Grethcel Soltones na bumira ng 19
puntos para sa San Sebastian samantalang nagdagdag ng pinagsamang 19 puntos
sina Denise Lim at Nikka Dalisay.

90
9l. Frayna, sumalo sa liderato
ng Battle of GM's
Angie Oredo

Dinomina ng isang babae sa katauhan ni Women International Master


Janelle Mae Frayna ang torneo na para sa kalalakihan sa pagsalo nito sa
liderato sa ginaganap na open division ng 2015 Battle of the Grandmasters-
National Chess Championships sa Philippine Sports Commission (PSC) Athletes
Dining Hall sa Vito Cruz, Manila.

Ito ay matapos makisalo ang 4th seed na si Frayna (2204), na siyang


natatanging babaeng kalahok sa open division, sa apat kataong liderato sa
pagtatala ng kabuuang apat na puntos kasama sina 19th seed NM Jerad Docena
(2270), 12th seed IM Haridas Pascua at ang 6th seed na si GM Richard Bitoon.

Nasa ikalimang puwesto naman si GM Rogelio Jr Antonio Jr. (2478) na


may 3-puntos habang magkakasalo sa tig-2 puntos sina FM Mari Joseph
Turqueza (2313), GM Darwin Layo (2484), IM Paulo Bersamina (2361) GM
Eugene Torre, (2462), NM Roel Abelgas (2353) at si GM John Paul Gomez
(2512).

Itinala ni Frayna, na ginagamit ang torneo upang makuha ang kanyang


ikatlo at pinakahuling WGM Norm, ang pinakamalaking upset sa torneo matapos
nitong biguin sa ikatlong round an nagtatanggol na kampeon na si Torre.

Una nang nakipaghati ng puntos si Frayna kay IM Paolo Bersamina at sa


kasalo sa liderato na si Docena bago nito itinala ang pinakauna nitong panalo
kontra sa Asia's First Grandmaster at Chess Olympiad record holder na si Torre.

Binigo naman ni Pascua si GM Antonio sa ikatlong round matapos na


makipaghatian ng puntos kina FM Turqueza at GM Gomez.

Ang 17-anyos na si Docena, na Board 2 player ng De La Salle University


(DLSU) sa UAAP, ay tinalo si National Master Roel Abelgas bago nakipaghatian
ng puntos kay Frayna sa ikalawang round at kay GM Laylo.

Tinalo naman ni Bitoon ang 2014 runner-up na si GM John Paul Gomez


bago nagpahinga sa ikalawang round. Binigo nito si IM Paolo Bersamina sa
ikatlong round upang makuha ang solidong apat na puntos.

91
9m. PHI Paddlers, wagi sa 2 Ginto
sa Asian Championships
Angie Oredo

Tinalo ng Pilipinas ang pinakamagagaling na paddlers sa rehiyon


matapos itong magwagi ng dalawang gintong medalya sa ginanap na Asian
Dragonboat Championships sa Palembang, Indonesia.

Ang pambansang koponan sa ilalim ng Philippine Canoe Kayak


Federation (PCKF) ay nagwagi sa men’s 500m at 200m event para sa maliliit
na bangka upang talunin nito ang pinakamahuhusay na national teams mula
Indonesia, Thailand, Chinese Taipeh, Japan, India, Hongkong, at Iran.

Nakabawi sa kanilang magandang pagpapakita ang mga Pilipinong


paddlers matapos na mabigong makapag-uwi ng medalya noong nakaraang
28th Singapore SEA Games.

“Masayang-masaya kami dahil nakabawi kami mula sa SEA Games,”


sabi ni PCKF National Head Coach Leonora Escollante para sa koponan na
babalik mula Indonesia upang magbigay mismo ng courtesy call sa Philippine
Sports Commission.

Naorasan ang Pilipinas sa 200 meters sa kabuuang 55.520 segundo


na point 320 milliseconds na mabilis kontra sa ikalawa at pumangatlo na
Indonesia at Japan.

Agad namang umarangkada ang Pilipinas sa 500m upang tawirin ang


finish line dalawa-minuto at 24.441 segudo namas mabilis 1.26 segundo sa
World Cup Champion Chinese Taipeh at mas malayo sa pumangatlo naman
na Indonesia.

92
9n. Paddle Up Philippine Dragon Boat
Tour, Sasagwan sa Linggo
Angie Oredo

Matinding labanan sa pagsagwan ang mapapanood sa pagsambulat


ng Paddles Up Philippine Dragon Boat Tour ngayong Linggo sa Manila Bay
kung saan 20 club mula sa Manila hanggang sa pinakamalayong Cebu at
Iloilo ang mag-aagawan sa titulo sa tatlong kategorya.

Sinabi ni Len Escollante, national team head coach ng Philippine


Canoe-Kayak Federation, na isasagawa ang mga karera sa men’s 20-seater,
women’s 10-seater, at ang mixed under-40 10-seater.

Matapos ang karera sa Linggo, sunod na isasagawa ang labanan sa


Sampaloc Lake sa San Pablo, Laguna sa Enero, sa Taal Lake sa Batangas
sa Marso, sa Subic sa Abril na magtatapos sa isang national finals na
gagawin naman sa Manila Bay sa Hunyo.

Umaasa si Escollante na malaki ang maitutulong ng karera para sa


paghahanda ng mga miyembro ng pambansang koponan kung saan huling
nagawa na mag-uwi ng dalawang gintong medalya sa nakaraang Asian
Championships sa Palembang, Indonesia.

Matatandaang nagwagi ang Philippine team sa dalawang event


lamang na sinalihan na small boat 10-seater sa 500 meters at 200 meters na
kategorya sa pagbigo sa kalabang Indonesia, Japan, Iran, India, Thailand at
Taipei.

93
9o. Pinay BMX Rider,
ginto sa Asian BMX Championships
Angie Oredo

Tumatag ang pag-asa ng natatanging babaeng BMX rider ng Pilipinas


na si Sienna Fines na makatuntong sa 2016 Rio De Janiero Olympics
matapos nitong iuwi ang gintong medalya sa ginanap na 2015 Women
Juniors Asian BMX Championships – Continental Championships sa Nakhon
Ratchatisima, Myanmar.

Tinalo ng 17-anyos na si Fines, na mula sa Sta. Maria, Ilocos Sur at


lumaki sa Sacramento, California ang walong iba pa sa tatlong round na
labanan upang iuwi ang gintong medalya sa Junior Women’s Division
kasama na ang pinaglalabanan na importanteng Union Cycliste International
(UCI) na 60 puntos.

Pumangalawa kay Fines na nagbabalik mula sa injury ang Thailand


national na si Chutikarn Kitwanichsatien na iniuwi ang 50 puntos habang
ikatlo si Khiwg Zin Moe ng host Myanmar na may 40 puntos.

Ikaapat si Yan Wang ng China na may nakuhang 30 puntos, ikalima


hanggang ikapito ang mula Indonesia na sina Crismonita Dwiputri (25), Cupi
Nopianti (20) at Regina Patricia Panie (15). Ikawalo si Chanyuan Lyu ng
China (10) at ikasiyam si Tifania Adien Almira Azaria na walang nakuhang
puntos.

Kinukumpirma naman ng PhilCycling kung ang panalo ni Fines ay


awtomatikong makapagbibigay 94itto ng silya sa nakatakdang pagsali at
opisyal na pagdagdag sa BMX bilang regular na sports sa Olimpiada.

Bunga ng kanyang panalo ay umangat sa ika-35 puwesto mula sa


dating kinauupuan na 36 silya si Fines na may natipon nang 100 puntos.

Nangunguna sa rankingsang 17-anyos na si Axelle Etienne ng France


na may 795 puntos kasunod si Ruby Huisman ng Netherlands (525) at
Yaroslava Bondarenko ng Russia na may 525 puntos.

94
Nasa pangkalahatang ika-20 puwesto naman mula sa dating 21 silya
ang Pilipinas sa Nations Ranking na may 100 puntos. Kinakailangan ng
Pilipinas na makuha ang unang puwesto sa Asya upang masiguro nito na
makakapagsali ng isang riders sa Olimpiada.
Kasalukuyang hawak ng Thailand ang unang puwesto sa Nations
Ranking kung saan ang tinalo ni Fines na si Chutikarn Kitwanichsatien ay
may kabuuang 105 na puntos.

“I want to be a top Elite Woman when the time comes. And now that
I’m of age, I’m going to turn so I can get the experience I need to help me
become so. My ultimate goal is to represent my country—the Philippines—in
the Olympics,” sabi lamang ni Fines, na kabilang sa dati nitong grupo na Bay
Area BMXers.

95
9p. Philips Gold, tinunaw ng Meralco
Angie Oredo

Mga Laro sa Martes sa San Juan Arena

4:00 pm Foton vs Meralco


6:00 pm RC Cola vs Philips Gold

Siniguro ng Philips Gold Lady Slammers ang isang silya sa semifinals


matapos nitong tuluyang patalsikin ang Meralco Power Spikers sa loob ng tatlong
set, 25-12, 26-24 at 25-19 sa ginanap na Spike On Tour ng 2015 Philippine Super
Liga Grand Prix dito sa Malolos Convention Center.

Agad nag-init ang Lady Slammers sa pangunguna ng mga import na sina


Alexis Olgard na mula sa University of Southern California Trojans at Bojona
Todorovic mula sa UCLA upang dominahin ang unang set sa pagnanais na rin ni
Philips Gold coach Francis Vicente na makuha ang laban sa loob lamang ng tatlong
direstong set.

Ito ay dahil kinakailangan ng Philips Gold na makuha ang nakatayang buong


puntos sa pagwawagi sa straight sets upang mapatatag nito ang pagbabatayan
sakaling magkaroon ng posibleng pagtatabla sa pagdedetermina kung sino ang
ookupa sa una hanggang ikaapat na puwesto matapos ang eliminasyon.

Ang panalo ay nag-angat din sa Lady Slammers sa kabuuang 5-2 panalo-


talong kartada para sa ikatlong puwesto sa likod lamang ng nangunguna na
nagtatanggol na kampeon na Petron Blaze Spikers na may 6-2 panalo-talong karta
at kapantay na Cignal HD Spikers na mayroon din 5-2 karta.

Nagpilit naman ang Meralco na maitala ang unang panalo matapos


makipaglaban sa ikalawang set kung saan itinala pa nito ang 24-22 abante bago na
lamang nanghina sa pagbibigay ng apat na sunod na puntos sa Philips Gold na
inagaw ang panalo sa iskor na 26-24.

Tuluyan naman na pinamunuan ni Olgard ang Lady Slammers sa ikatlong set


kung saan itinala nito ang kabuuang 10 attacks, limang block at ang krusyal na
service ace na nagbigay sa koponan ng 23-13 abante tungo na sa pag-uwi sa
importanteng panalo.

Nalasap naman ng Meralco Power Spikers ang ikapitong sunod nitong


kabiguan sa torneo.

96
9q. Pinoy Woodpusher, aabutin ang
misyon sa Subic Chessfest
Angie Oredo

Nakatuon sa pagkumpleto sa kani-kanilang misyon upang maging


Grandmaster sina Haridas Pascua at Paolo Bersamina habang kasaysayan naman
bilang pinakaunang Women Grandmaster ng bansa kay Janelle May Frayna sa
pagsagupa nito sa kambal na internasyonal na torneo sa Subic Peninsula Hotel,
SBMA complex Olongapo City.

Hangad ni Pascua na maabot ang kailangang ELO rating na 2500 upang


pormal na makamit ang kanyang titulo bilang isang Grandmaster habang hangad
naman ni Bersamina na masungkit ang kailangan nitong dalawang norm upang
mapabilang sa listahan ng mga GM sa bansa.

Nakatutok naman sa kasaysayan ang 19-anyos na si Frayna na


kinakailangan na lamang ang ikatlo at huling norm upang maging pinakaunang
babaeng grandmaster ng bansa.

Gayunman, lubhang matinik ang daan para sa tatlong Pilipinong woodpusher


na kinakailangang lampasan ang anim na Russian Grandmaster sa kambal na
torneo na nagsimula Lunes ng hapon.

Unang paglalabanan ang Philippine International Chess Championship


(Open and Challenger Divisions) simula Nobyembre 9 at matatapos sa Nobyembre
14 na agad na susundan ng Philippine Sports Commission-Puregold Chess
Challenge (Open and Challenger Divisions) sa Nobyembre 16 hanggang 21.

Ang dalawang torneo ay kapwa isasagawa sa Subic Peninsula Hotel sa loob


mismo ng SBMA complex sa Olongapo City kung saan ang mga dayo ay umabot sa
19 na binubuo ng anim na Russian, dalawang Chinese, lima mula sa India, dalawa
sa Ukraine at tig-iisa sa Armenia, Vietnam, Denmark at Indonesia.

Ang Russians ay pinamumunuan ng top seed GM Vladimir Belous (Elo 2573)


kasama sina Mikhail Mozharov, Smirnov Pavel, Shomoev Anton, Boris Savchenko at
Anton Demchenko.

Ang India ay bitbit ni sixth seed IM Sunilduth Lyna Narayanan habang ang
China ay aasa kina GM Lu Shanglei at IM Lin Chen. Ang Ukraine ay may aasa kina
GM Alexander Zubov at GM Syvuk Vitali.

97
Ang nakaraang kampeon na si Levan Pantsulaia mula Georgia at
pumangalawa dito na si GM Ivan Popov ng Russia ay hindi nakasali sa torneo.

Ang mga dayo ay masasabak naman kontra sa pinakamagagaling na chess


player sa bansa sa pangunguna ng bagong tanghal na national champion GM
Richard Bitoon, Asia’s first GM Eugene Torre at GM Oliver Barbosa.

Ang women’s side ay pamumunuan ni 2015 national women’s champion WIM


Jan Jodilyn Fronda, WIM Janelle Mae Frayna at WIM Cathering Perena-Secopito.

98
9r. Salamat at Wong,
Bigo sa Individual Time Trials
Angie Oredo

Bigo ang dalawa sa tatlong Filipina riders na sina Marella Vania Salamat sa
women’s elite at Irish Wong sa juniors sa pagsabak sa ginanap na Individual Time
Trials (ITT) ng 2016 Rio Olympic qualifying event na Asian Cycling Championships
sa Oshima, Japan.

Tumapos lamang na pang-siyam ang 22-anyos na si Salamat sa kanyang


naitalang tiyempo na 3:57.12, may 3 minuto at 57 segundo ang layo sa nagwaging si
Mayuko Hagiwara ng Japan sa oras na 32:25.17, para makuha ang nakatayang 16
na Olympic qualifying points at ang awtomatikong Olympic berth sa Rio de Janeiro
games.

Pumangalawa naman si Ju Mi Lee ng Korea na napag-iwanan lamang ng


+0.21 segundo at nakakuha ng 11 Olympic qualifying points at ikatlo ang 21-anyos
na si Yao Pang ng Hong Kong na may layong +1:40.06 kay Hagiwara at nagkamit ng
6 Olympic qualifying points.

Nagtapos namang ikawalo ang 17-anyos na si Wong sa juniors division sa


kanyang oras na 21 minuto at 2.88 segundo, halos tatlong minuto ang layo sa
nagwaging si Ting Chang ng Chinese Taipei na nagtala ng oras na 17:15.3.

Huling pagkakataon na ito upang magkamit ng Olympic qualifying points nina


Salamat at kapwa elite team member na si Avegail Rombaon ngayong araw sa
pagsabak nila sa massed start road race.

99
9s. Pinoy Chessers sumikwat
ng pilak at 2 tanso sa Indonesia
Chris Co (Pilipino Star Ngayon)
UpdatedJanuary 2, 2016 - 12:00 am

MANILA, Philippines – Umani ng isang pilak at dalawang tansong medalya


ang Pilipinas sa 2015 Asean Chess Championship na ginanap sa Sekolah Catur
Utut Adianto sa Jakarta, Indonesia.

Nasiguro ni Woman International Master (WIM) Janelle Mae Frayna ang pilak
na medalya sa women’s division kung saan nakalikom ito ng walong puntos mula sa
limang panalo at anim na draw habang nagkasya sa tanso si Woman FIDE Master
(WFM) Shania Mae Mendoza na may 7.5 puntos buhat sa limang panalo at limang
draw.

Nagwagi si Frayna laban kina WFM Nur Abidah Shanti ng Indonesia sa first
round, Amanda Suci Fitriyani ng Indonesia sa third round, WFM Ardhiani Anastasia
Citra Dewi ng Indonesia sa sixth round, WFM Nur Najiha Azman Hisham ng
Malaysia sa eighth round at WFM Dita Karenza ng Indonesia sa ninth round.

Naipuwersa ni Frayna ang mga draw kontra kina Woman Grandmaster


Nguyen Thi Mai Hung ng Vietnam (second round), Nur Nabila Azman Hisham ng
Malaysia (fourth round), WIM Bernadette Galas ng Pilipinas (fifth round), WIM Hoang
Thi Nhu ng Vietnam (seventh round), Mendoza (10th round) at WIM Chelsie Monica
Ignesia Sihite ng Indonesia (11th round).

Nasungkit ni Nguyen Thi Mai ang kampeonato tangan ang siyam na puntos
galing sa pitong panalo at apat na draw.

Sa isa pang tanso ng Pilipinas ay nakuha ni IM Jan Emmanuel Garcia sa


men’s division.

Sa katunayan, kasosyo ni Garcia sa unahan sina Vietnamese FM Nguyen


Anh Khoi at GM Dao Thien Hai tangan ang pare-parehong pitong puntos.

Subalit nakuha ng dalawang Vietnam bets ang unang dalawang puwesto sa


bisa ng mas mataas na tiebreak points.

100
Naipanalo ni Garcia ang kanyang mga laro laban kina IM Nguyen Van Huy
ng Vietnam sa first round, IM Wynn Zam Htun ng Myanmar sa fourth round at
kababayang si GM Darwin Laylo sa eighth round habang naka-draw naman ito
kontra kina Nguyen Anh, Dao thien, IM Sean Winshand Cuhendi ng Indonesia, GM
Susanto Megaranto ng Indonesia, FM Yeoh Li Tian ng Malaysia, Yoseph Theolifus
Taher ng Indonesia, IM Ali Muhammad Lufti ng Indonesia at Pinoy IM Paulo
Bersamina.

Nasa ikaapat na puwesto si Bersamina hawak ang anim na puntos habang


ika-11 naman si Laylo na nakalikom lamang ng 4.5 puntos.

101
9t. UP, UST, at NU Wagi
sa Una Nilang Laro
Hinalaw January 31, 2016, mula sa balita.net.ph:
http://balita.net.ph/2016/01/31/up-ust-at-nu-wagi-sa-una-nilang-laro/

Naging sandigan ng University of the Philippines ang impresibong pitching na


ipinakita ni Cochise Bernabe para blangkahin ang Ateneo, 11-0, sa isang
“abbreviated match” sa pagsisimula ng UAAP Season 78 softball tournament sa
Rizal Memorial Baseball Stadium kahapon.

Nagawang ma-struck-out si Bernabe ang 6 na batters ng Lady Eagles upang


magapi ang mga ito sa loob lamang ng apat na innings.

Kasunod ng Lady Maroons, nagpamalas din ng kanyang husay sa paghagis


si pitcher Mary Ann Antolihao ng UST Tigresses nang talunin nila ang University of
the East, 4-0.

Sa tampok na laro, tinambakan naman ng National University ang De La


Salle, 10-2.

Samantala sa juniors baseball, tatangkain ng Ateneo na makopo ang titulo sa


pagtutuos nina ng De La Salle-Zobel ganap na 9:00 ngayong umaga.

Nauna nang ginapi ng Blue Eaglets ang Junior Archers, 13-8, noong
nakaraang Miyerkules upang makumpleto ang sweep ng elimination round.

102
10.
Iba pang Pagbabalita sa Isports

10a. National Sports Council, tinalakay sa


National Sports Stakeholders Forum
Angie Oredo
Pinatatag sa isinagawang dalawang araw na National Sports Stakeholders
Forum (NSSF) ang agarang pagbubuo at pagpapatupad ng National Sports Council
(NSC) na inaasahang tutugon sa pagpapalakas sa grassroots sports at pagsasama-
sama ng mga Local Government Unit (LGU) mula sa "highly urbanized cities"
hanggang sa pinakamaliit na barangay sa bansa sa Crown Regency Hotel.

Nagkakaisang sinuportahan ng dumalong 206 na LGU officials mula sa 17


rehiyon sa bansa ang "Manifesto of Support" na agad nabuo matapos ilatag mismo
nina PSC Chairman Richie Garcia kasama ang apat nitong Commissioner na sina
Salvador Andrada, Wigberto Clavecilla, Jose Luis Gomez at Gillian Akiko Guevarra.

Tinalakay ni Garcia ang pagsasakatuparan sa National Sports Council na


una nang isinabatas base sa Executive Order 64 na makapagbibigay karapatan sa
mga LGU hanggang sa mga nasasakupan nitong mga barangay upang magsagawa
at palakasin ang kani-kanilang programa sa sports.

Dinaluhan mismo ang aktibidad ni Pampanga Representative at House


Committee on Sports Vice-Chairman Joseller "Yeng" Guaio, Cebu City Mayor
Michael Rama, DILG Director Rene Burdeos at DepEd Atty. Gene Qarryl Santok.

Nagpartisipa din si dating PBA player at Valenzuela official Gerry Esplana,


dating PBA coach at Pasay City sports, administrator Cholo Martin at dating national
athlete Cecilia Atilano mula sa Zamboanga City.

Mayroon namang 14 ang dumalo sa NCR, CAR at ARMM habang 40 ang


walk-in para sa kabuuang 203 dumalo. Ang Region 1 (7), Region 2 (4), Region 3
(11), Region 4A at 4B (8), Region 5 (5), Region 6 (27), Region 7(29), Region 8 (18),
Region 9 (9), Region 10 (4), Region 11 (4), Region 12 (12) at Region 13 (11).

Isasagawa ngayong umaga ang role of the Department of Education (DepEd)


sa Development of Sports in the Philippines na ipaliliwanag ni Atty. Gene Darryl
Santok at ang papel ng Department of Interior and Local Government (DILG) in sa
Development of Sports in the Philippines ni Director Rene Bordeos.

Sunod na punto ay ang pagpapaliwanag sa papel na ginagampanan ng


Philippine Olympic Committee (POC) in the Development of Sports in the Philippines
ni POC First Vice-President Jose Romasanta.

103
10b. Southeast Asian Games Yearender:
Pilipinas Isinalba ng Boxing, Athletics,
Billiards at Taekwondo
Chris Co (Pilipino Star Ngayon)
Updated December 21, 2015–12:00 am

Ang nagkampeong Gilas Cadetsni coach Tab Baldwin sa nakaraang 28th


Southeast Asian Games sa Singapore kung saan nila nakasama si neutralized player
Marcus Douthit.

MANILA, Philippines — Matapos magkampeon noong 2005 edisyon ng Southeast Asian


Games na ginanap sa Manila, tila napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga karatig-bansa
nito sa rehiyon.

Patunay ang ikaanim na puwestong pagtatapos nito sa 2015 Southeast Asian


Games na ginanap sa Singapore kung saan nag-uwi ng 29 ginto, 36 pilak at 66 tanso
ang Pambansang koponan – malayo sa 112 gintong nakamit ng bansa may 10 taon na
ang nakalipas.

Salamat sa impresibong kampanya ng athletics at boxing na parehong nagbigay


ng limang gintong medalya habang nag-ambag ng tigatlong ginto ang taekwondo at
billiards na tunay na maaasahan sa mga international competitions.

Malaking sorpresa ang pagwalis ng triathlon sa dalawang gintong nakataya rito.

Ibinigay ng dating Philippine Swimming League standout na si Maria Claire


Adoma ang unang ginto ng Pilipinas sa naturang biennial meet nang pagreynahan ang
women’s triathlon event.

Nakapagbigay din ng dalawang ginto ang softball, habang tig-iisa naman ang
wushu, tennis, sailing, shooting, gymnastics, judo, rugby, cycling at ang basketball.
Bigong makakuha ng ginto ang swimming team na nagkasya lamang sa
dalawang pilak at 11 tanso mula sa 38 gintong nakataya gayundin ang bowling,
traditional boat race, fencing at archery na dati nang pinagkukunan ng ginto ng Pilipinas.

Itinanghal na overall champion ang Thailand tangan ang 95 ginto, 83 pilak at 69


tanso kasunod sa ikalawa ang Singapore (84-73-102), ikatlo ang Vietnam (75-53-60),
ikaapat ang Malaysia (62-58-66) at ikalima ang Indonesia (47-61-74).

104
Nasa ikapito ang Myanmar (12-26-31), ika-walo ang Cambodia (1-5-9), ika-siyam
ang Laos (0-4-25), ika-10 ang Brunei Darussalam (0-1-6) at ika-11 ang Timor-Leste (0-1-
1).

Ngunit nagkaroon pa rin ng engrandeng selebrasyon ang Pilipinas nang angkinin


nito ang gintong medalya sa men’s basketball na halos katumbas na ng pangkalahatang
kampeonato dahil na rin sa lubos na pagmamahal ng mga Pilipino sa larong ito.

Pinatumba ng Sinag Pilipinas ang Indonesia sa bias ng 72-64 panalo sa gold-


medal match para makapanatili ang koronang ilang dekada na ring hawak ng Pinoy
squad.

Umaasa ang mga atleta na mabigyan ang mga ito sapat ng suporta mula sa
gobyerno upang lubos na mapaghandaan ang malalaking torneong lalahukan ng bansa
sa mga susunod na taon particular na ang 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro,
Brazil at sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

105
10c. UAAP 2nd semester events,
simula na ngayong linggo
Marivic Awitan

Magsisimula na ngayong darating na linggo ang aksyon sa ikalawang


semestre ng UAAP Season 78 sa tatlong magkakaibang sports sa Rizal Memorial
Sports Complex sa lungsod ng Manila.

Mauunang magbukas ang softball na muling dinomina ng Adamson


University sa ikalimang sunod na taon noong 2015 sa pamamagitan ng isang triple
header sa Sabado sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Kasunod nito ang lawn tennis kung saan nagwagi ang National University
men's team sa ikatlong sunod na taon ay magbabalik sa bagong gawang Rizal
Memorial Tennis Center sa nasabing na araw.

Kinabukasan, araw ng Linggo ay sisimulan naman ng Ateneo ang


pagdidepensa sa kanilang titulo sa pagbubukas ng baseball tournament.

Hindi sasalang ang Lady Falcons sa opening day ng softball kung saan
magtutuos ang nakarang taong runner-up University of the Philippines at ang Ateneo
Lady Eagles ganap na 9:00 ng umaga na susundan ng salpukan ng University of the
East at University of Santo Tomas ganap na 11:00 ng umaga, bago ang huling laro
sa pagitan ng De La Salle at NU Lady Bulldogs ganap na 1:00 ng hapon.

Naghahangad para sa kanilang 6-peat at ika-63 sunod na panalo,


makakasagupa ng Adamson University Lady Falcons ang Tigresses sa Lunes ng
umaga.

May hawak ng record na 33 straight wins, ang ikalawang pinakamahabang


winning streak sa UAAP sasagupain ng NU ang Ateneo sa pagbubukas ng tennis
competition sa Courts 1, 2 at 3 ganap na 11:00 ng umaga kasunod ng laban ng Red
Warriors at Fighting Maroons ganap na8:00 ng umaga habang magtutuos naman
ang UST at De La Salle sa huling laban ganap na 2:00 ng hapon.

Sa women's division magtutuos ang Tigresses at Lady Eagles sa Courts 4, 5


at 6, sa unang laban ganap na 8:00 ng umaga. Kasunod ang tapatan ng Lady
Archers at Lady Maroons ganap na 12:00 ng tanghali.

Maghaharap naman ang Ateneo at Adamson sa tampok na laban ng baseball


tripleheader na kinabibilangan din ng tapatang UP-UST at De La Salle-NU na
sisimulan ng 7:00 ng umaga.

Ang finals ng lahat ng tatlong sports ay ipapalabas sa ABS-CBN


Sports+Action.

106
10d. Parks, kauna-unahang Pinoy sa NBA
Marivic Awitan

Kapag pinal na makapasok, ang Fil-Am na si Bobby Ray Parks ang kauna-
unahang Pinoy na makalalaro sa National Basketball Association (NBA) D-League.

Si Parks, anak ni dating PBA 7-time Best Import na si Bobbdy Parks ay napili
sa katatapos na 201S Rookie Draft ng koponan ng Texas Legends.

Ang batang si Parks ay ginawaran ng UAAP Most Valuable Player (MVP) ng


dalawang beses. Nabigo itong makuha sa nakaraang 2015 NBA Rookie Draft noong
Hunyo ngunit nagkaroon naman ito ng tsansa na makapaglaro sa koponan ng
Mavericks sa nakalipas na NBA Summer League.

“He's a quiet player but he gets the job done,” ang pahayag ni Coach Nick
Van Exel ng Legends —ang developmental team ng Dallas Mavericks, matapos
nilang kunin ang 22-anyos na si Parks sa 25th overall bilang una nilang pick.

Anak ng yumaong si Parks sa Filipina na si MariferBarbosa, umaasa si Parks


na maipakikita niya ang magandang performance sa D-League para sa tsansang
maging kauna-unahang Pinoy na makapaglaro sa NBA.

"I love Bobby Ray Parks," pahayag ni Van Exel, isang dating NBA All-Star, sa
video ng post-draft party ng kanilang koponan. “He's the guy who can shoot the ball
well. He can attack the basket, he's a great defender, he plays the passing lanes.”

Magsisimula ang kampanya ng Legends sa NBA D-League sa Nobyembre 13


kontra Austin Spurs.

Si Parks ang ikalawang Pinoy na na-draft sa NBA D-League matapos


makuha noon ng Santa Cruz Warriors ang kasalukuyang Ginebra player na si Japeth
Aguilar sa seventh round noong 2012.

Ang 6-foot-4 Parks ay nagtala ng average na 3.0 points at 1.7 rebounds sa


loob ng 10.5 minuto sa nakaraang NBA Summer League.

“He has got a lot of upside and could really develop into an effective player for
us,” pahayag naman ni Legends president Malcolm Farmer.

107
10e. Mga Hari at Reyna ng PSL Beach
Volley, Kokoronahan Ngayon
Hinalaw January 31, 2016, mula sa balita.net.ph:
http://balita.net.ph/2015/08/08/mga-hari-at-reyna-ng-psl-beach-volley-
kokoranahan-ngayon/

Masasaksihan na ngayong hapon ang pagkokorona sa tatanghaling Kings at


Queen of Beach Volley sa pagsasagupa ng apat na pinakamagagaling na koponan
sa matira-matibay na kampeonato ng PLDT Home Ultera-Philippine Superliga Beach
Volleyball Challenge Cup 2015 powered by Smart Live More sa Sands by the Bay ng
SM Mall of Asia.

Pag-iinitin muna ang labanan para sa ikapitong puwesto sa women's division


ganap na alas-10 ng umaga ang torneo sa pagitan ng Amy's at Philips Gold bago
sundang ganap na alas-11 ng umaga kontra Meralco at Petron B para sa 5th place
sa women's. Ikatlong laro sa ganap na 1:00 ng hapon ang Center Stage kontra
Cignal-A sa 3rd place ng men's competition.

Inaasahan na agad mag-aapoy ang buhanginan sa pagsasalpukan ng


Giligan's at Foton Tornadoes sa ganap na 3:30 ng hapon sa ultimong labanan na
magdedetermina kung sino ang kokoronahang unang kampeon sa torneo sa
kababaihan.

Tampok sa kampeonato ang pares nina Danica Gendrauli at None Diaz ng


Giligan's na inaasahang gagawin ang lahat kontra sa tambalan nina Fiola Ceballos
at Patty Orendain hindi lamang upang makabawi sa masaklap nitong kabiguan
dalawang taon na ang nakalipas kundi upang hablutin ang korona ng prestihiyosong
torneo na inorganisa ng Sports Core katulong ang Accel bilang official outfitter,
Sands by the Bay na venue partner, Senoh na technical sponsor at Maynilad bilang
official water provider.

Nakatuon din naman ang pareha nina Jade Becaldo at Hachaliah Gilbuena
ng SM by the Bay-A na bubuhayin muli ang pagiging matinding magkaribal kontra
kina Tippy Tipgos at Marjun Alingasa ng Champion Infinity-B sa kanilang
paghaharap para sa titulo ng men's division sa ganap na 5:30 ng hapon.

Si Becaldo ay dalawang beses tinanghal na beach volleyball champion mula


University of the Visayas habang ang kakampi nito na si Gilbuena ay beterano ng
komersiyal na liga at kapwa kagagaling lamang sa paglahok sa ginanap na
Continental Qualifying para sa rehiyon ng Asia sa gaganaping 2016 Rio De Janiero
Olympics sa Brazil.

Dati ring miyembro ng national beach volley squad si Tipgos na mula sa


University of San Jose-Recoletos bago ito nagpasiya na makipagpareha kay Marjun
Alingasa na dalawang sunod na taon na tinanghal bilang NCAA Beach Volley
Champion.

108
Gayunman, nakatuon ang atensiyon sa pagitan ng Gilligan's at Foton
Tornadoes na tampok ang matinding labanan sa pagitan ng pinakamagaling na
beach volleyball player mula Cebu kontra sa karibal nito mula sa Iloilo.

Si Gendrauli ay unang dinomina ang Cebu Schools Athletic Foundation, Inc.


bitbit ang Southwestern University habang si Ceballos mula Central Philippines
University ay iniuwi ang korona sa isang beach volley tournament sa Boracay noong
2012 at 2013.

"Additional motivation din yun on my part," sabi ni Gendrauli, na isa sa


miyembro ng Mane ‘N Tail sa PSL All-Filipino Conference. "That's why we're training
hard to be super competitive on Saturday."

Aminado naman si Ceballos na mas may bentahe sina Gendrauli at Diaz sa


kanllang matira-matibay na labanan.

"Ang laki ng improvement nya," sabi ng Tourism senior na si Ceballos na


nakipagpareha kay Jovelyn Gonzaga na nagpalasap ng kabiguan kay Gendrauli at
kaparehang si Raphril Aguilar. "Kung hindi ka man nya talunin sa lakas ng palo,
tatalunin ka naman nya sa utak at diskarte."

Nakita mismo ni Ceballos ang laro ng makakalabang Giligan's patuntong sa


finals kung saan lumutang ang maturidad, liderato at ismarteng pagdedesisyon
partikular sa krusyal na yugto ng laban kontra sa semis kontra Cignal HD Spikers B
nina Jeushl Wensh Tiu at April Ross Hingpit sa paggamit ng malalim na
kombinasyon at short-ball place shots.

Gayunman, handa si Ceballos na inihayag na kung sino ang may puso,


pagnanais at matinding uhaw sa korona ang tiyak na tatanghaling kampeon.
"Tingnan na lang po natin," sabi ni Ceballos. "Basta handa kami sa kung ano man
ang ibibigay nila."

Una naman na tumapos sa ika-9th place sa women's division ang Petron


Sprint 4T nina Alexa Micek at Fille Cayetano habang 10th place ang Accel Quantum
(Team B) nina Aurora Tripoli at Rochet Dela Paz. Ika-11 ang BENECO nina Cindy
Benitez at Florence Madulid habang ika-12 at ika-13 ang Accel Quantum (Team A)
nina Evangeline Pastor at Kim Ygay at ang Cignal HD Spikers (Team A) nina
Charleen Cruz at Michelle Laborte.

Tumapos sa kalalakihan sa 5th place ang Cignal HD Spikers (Team B) nina


Jay dela Cruz at Emmanuel Luces kung saan ika-6th place ang Champion Infinity
(Team A) nina Angelo Espiritu at Nestor Molate. Nasa 7th place UPHSD Altas -
Molino (Team A) nina Fernando Alboro at Ronel del Mundo habang 8th place ang
IEM Volley Masters ni Michael Ian Conde at Karl dela Calzada. Ika-9th at 10th ang
UPHSD Altas - Molino (Team B) nina Emmanuel Gamat at Paolo Alofia at ang SM
by the Bay (Team B) nina Tim Young at Daniel Young.

109
10f. 'Pinas, sasali sa Children of
Asia International Sports Games
Angie Oredo

Makikiisa sa kauna-unahang pagkakataon ang Pilipinas bilang pinakabagong


miyembro sa Children of Asia International Sports Games na gaganapin sa darating
na Hulyo 5-17, 2016 sa Yakutsk at Nizhny Bestyakh na lugar sa Sakha Republic
(Yakutia) ng Russian Federation.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) Director at Grassroots


Development Chairman Romeo Magat kasama ang kapwa director na si Celia Kiram
na pormal na inimbitahan ang Pilipinas upang lumahok sa kada apat na taong torneo
na katulad mismo sa isinasagawa sa bansa na Philippine National Youth Games –
Batang Pinoy

"It will be like the Olympics of Batang Pinoy dahil 15-years old and below din
ang mga kasali," sabi ni Magat, na siya nang secretary-general ng Philippine Lawn
Tennis Association (PHILTA). "Lahat ng mga kasali sa Children of Asia ay ang mga
bata na sinasanay mismo para makaabot sa regular na Olympics," sabi pa ni Magat.

Kinumpirma naman ni Kiram, pangulo ng Pencak Silat, ang pagpapadala ng


delegasyon sa torneo na bubuuin ng mga pinakamagagaling na batang atleta na
makukuha sa isinasagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) na qualifying at
national championships ng Batang Pinoy.

"Confirmed na tayo na sasali sa imbitasyon mismo ng presidente ng torneo


dahil isa lamang tayo sa mga tanging bansa sa Asia na hindi pa nakasasali sa
nakaraan nilang mga staging," sabi ni Kiram. "Siguro, maliit munang delegasyon
dahil hindi pa natin sigurado ang mga mapipiling best athlete sa Batang Pinoy," sabi
pa nito.

Sorpresang nagtungo sa bansa at tumuloy sa Cebu City ang presidente ng


Children of Asia Games International Committee na si Dmitry Glushko at secretary
general na si Sergie Khatylykov noong Martes ng gabi upang personal nitong
maobserbahan at makita ang pagsasagawa Batang Pinoy Finals.

Ang Children of Asia ay suportado naman ng Olympic Committee of Russia


president Aleksandr Zhukoy, Minister for Education and Science of the Russian
Federation Dmitry Livanov, Sakha Republic (Vakutia), Russian Federation President
Egor A. Borisov, Minister for Sports of the Russian Federation Vitaliy Mutko at
Olympic Council of Asia President Shiek Ahmad Al-Fahad Al-Sabah.

110
Kabuuang 22 sports ang paglalabanan sa torneo na girls at boys Basketball,
Boxing, Volleyball, Judo, Kurash, Track and Field / Athletics, Mas Wrestling, Table
Tennis, Shooting, Powerlifting (paralympic program), Swimming, Sambo, Sports
Wrestling (Freestyle Wrestling), Archery, Trap, Shooting at Taekwondo (WTF).

Kasama din ang Football (boys only), Khapsagai (boys only), Rhythmic
Gymnastics (girls only), Chess, Draughts at ang tradisyonal na sports na Yakut
National Jumps o mas popular sa bansa bilang Kandirit opagtalon ng sunod-sunod
na 11 beses sa kaliwang paa lamang.

Hangad naman ng 6th Children of Asia International Sports Games na


maipalaganap ang ideya ng Olympic movement, ang development ng mga kabataan
at youth sports at mapalakas pa ang international sports cooperation sa lahat ng
mga bansa sa Asya at Russian Federation.

"The main objectives of the Games are strengthening of friendship between


children of the countries of the Asian Continent and regions of the Russian
Federation, mastering of sports skills, identification of the best athletes for the
national Olympic team reserves of the countries of the Asian Continent and the
Russian Federation, development and promotion of sports for physically challenged
children at development and promotion of traditional sports of the peoples of the
Asian continent," sabi pa ni Magat.

111
10g. Albay, opisyal nang host
sa 2016 Palaro
Angie Oredo

Opisyal nang isasagawa ang ika-59 edisyon ng taunang multi-sports


event para sa mga Pilipinong estudyanteng atleta na 2016 Palarong
Pambansa sa Albay.

Ito ang inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner


Atty. Jose Luis "Jolly" Gomez matapos ang naganap na botohan bilang
proseso ng bidding na dinaluhan ng mga representante ng Department of
Education (Deped), Department of Interior and Local Government (DILG) at
Philippine Sports Commission (PSC).

“It was won by Albay with a slimmest margin of one vote,” sabi ni
Gomez, na inirepresenta ang PSC sa binuo na bagong management
committee ng Palarong Pambansa na nagbotohan kasama ang 17 DepEd
regional director at representante ng DILG.

Ito ang ikaanim na pagkakataon na isasagawa ang taunang Palaro sa


rehiyon ng Bicol o Region 5 kung saan ay partikular na paggaganapan ang
lugar ng Guinobatan at katabi nitong Legaspi City.

Una nang isinagawa ang Palaro sa Legaspi City noong mag-host ito sa
ika-5 edisyon noong taong 1952. Matapos nito ay nag-host noong ika-21st
edisyon noong 1969 ang Pili, Camarines Sur na sinundan ng Naga City,
Camarines Sur noong ika-43 edisyon (1997), lka-46 edisyon noong 2002 at
ang ika-49 edisyon noong 2006.

Tinalo naman ng Albay sa pamamagitan ng krusyal na isang boto ang


matindi ang paghahangad na Tuguegarao City, Cagayan De Oro (Region 2).
Ang iba pang nagpahayag ng interes ay ang Lingayen, Pangasinan (R-l),
Naga City, Camarines Sur (R-5), San Fernando, Pampanga (R-3) at ang
Bocaue, Bulacan (R-3).

Asam ng Albay na makapagpatayo ng bagong pasilidad na kikilalanin


bilang Albay Sports Complex na itatayo mismo sa Guinobatan bilang
pangunahing lugar ng mga laro dahil ang Legaspi ang kinatatayuan ng

112
maalamat at tanging aktibo na bulkan sa bansa na posibleng muling maging
mapanganib sa badya nitong pagputok.

Isasagawa rin sa pinakaunang pagkakataon ang Palaro bilang isang


sports tourism event. Ibabahagi din sa iba't ibang sports venues sa probinsiya
ng Albay ang iba't ibang laro upang maipagmalaki ang lokal na turismo.

Kabuuang 20 sports ang pinaglalabanan sa Palarong Pambansa sa


elementarya at sekondarya maliban sa archery at boxing na hindi
pinaglalabanan sa elementary level.

Noong 2013 Palarong Pambansa sa Dumaguete City ay idinagdag ang


tatlong demonstration sports na futsal, wushu at billiards upang idagdag sa
archery, arnis, aquatics, athletics, badminton, baseball, billiards, boxing,
chess, football, futsal, gymnastics, sepak takraw, softball, table tennis,
taekwondo, lawn tennis, volleyball at wushu.

113
10h. Korona o Dinastiya?
Angie Oredo

Hindi na inaasahan ang magiging labanan at pagpapamalas ng mga taktika,


lakas at matinding depensiba sa sudden-death Game 3 ng 2015 Philippine Superliga
(PSL) Grand Prix women's volleyball tournament Sabado sa Cuneta Astrodome.

Isa ang umaasam sa pinaka-unang korona habang isa ang magtatangkang


itala ang dinastiya kung kaya tinitiyak na patibayan na lamang ng mga puso ang
inaasahang magbibitbit sa tatanghaling kampeon.

Naniniwala si Petron coach George Pascua na umaasa itong ilalabas ng


kanyang manlalaro ang "big fighting heart" sa kanilang pagsabak sa nagpapakatibay
na Foton sa pinaka-ultimong araw ng paghuhusga sa natatanging Inter-Club
Volleyball Tournament sa bansa.

Ang Blaze Spikers, na asam makumpleto ang bihirang three-peat, ay


mabagal nakapagsimula matapos mabigo sa Game 1, bago na lamang nakaganti sa
Game 2 upang itabla ang serye at itakda ang pinakaaasam na matira-matibay na
huling laro na kinukonsiderang iigting sa aksiyon hanggang sa huling sandali.

“It all boils down to who will have the desire and the fighting heart to win the
crown,” sabi ni Pascua, ang beteranong coach na giniyahan ang Petron sa
nakaraang korona sa Grand Prix at All-Filipino Conference pati na rin sa paglahok sa
AVC Asian Women's Club Championship sa Vietnam noong Setyembre.

"Game 3 is not just an ordinary game. This is where heroes are born. We
have to seize the opportunity and unleash all our weapons we have to make sure
that we will emerge as the last team standing. Nadito na kami, ilalabas na namin
lahat ng dapat ilabas," sabi nito.

Ito naman ang pinakaunang pagkakataon sa liga na magsasalpukan sa


Game 3.

Matatandaang dinomina ng Blaze Spikers ang kanilang mga laban para


maiuwi ang dalawang korona kung saan ang huli ay sa makasaysayang pagwawagi
sa pagwawalis nito sa double-round eliminations bago tinalo sa loob lamang ng
dalawang laro ang Shopinas.

"This is the most difficult conference for us," sabi ni Pascua. "That's why I told
the girls to give everything they can to win the crown. Wala ng bukas ito. Kung sino

114
ang mas may puso at mas may desire manalo, sya ang siguradong makakakuha ng
titulo."

Umaasa naman si Foton coach Villet Ponce-de Leon na kakampihan sila ng


suwerte at pagkakataon.

"Game 3 is an entirely different story," sabi nito. "Petron is a very seasoned


team. They are the favorites because they have the experience. We have to do
everything we can to overcome that disadvantage and essay a fitting ending to our
fairy-tale campaign."

115
10i. Nasa mga kamay ng IOC
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon)
UpdatedMarch 7, 2012 - 12:00 am

MANILA, Philippines – Ang International Olympic Committee (IOC) ang siyang pipili ng
isa mula sa apat na inirekomenda ng Philippine National Shooting Association (PNSA)
para sa isang wildcard slot sa 2012 Olympic Games sa London.

Ang mga pagpipilian ng IOC para sa wildcard entry ay sina Tac Padilla sa men's
25-meter rapid fire pistol, Paul Brian Rosario sa skeet,Hagen Topacio sa trap at Jayson
Valdez sa 10-m air rifle.

“We submitted all their names to the Philippine Olympic Committee and the
International Olympic Committee. Then it's up to the IOC to choose whether to give it to
the rifle, pistol or shotgun which has skeet and trap,” sabi kahapon ni PNSA president
Mikee Romero sa PSA sports forum sa U.N. Avenue, Manila.

Maaaring ihayag ng IOC ang kanilang napili sa pagitan nina Padilla, Rosario,
Topacio at Valdez sa susunod na buwan, ayon kay Romero, miyembro ng International
Shooting Sport Federation (ISSF).

Ang apat na shooters ay nakaputok ng Minimum Qualification Score (MQS) sa


kanilang mga event mula sa mga nilahukang international competitions simula noong
2010 Asian Games sa Guangzhou, China hanggang sa 2011 World Championships
sa Belgrade.

“They have to be ready because this is one chance in a lifetime,” ani Romero sa
apat na national shooters. “Hindi natin alam kung kanino maibibigay 'yung wildcard slot.”

Nakatakda ang 2012 London Olympics sa Hulyo 27 hanggang Agosto 12.

Si Eric Ang ang pinakahuling shooter na nabigyan ng wildcard entry sa


naturang quadrennial event. Ito ay noong 2008 sa Beijing, China.

Tanging si national boxer Mark Anthony Barriga pa lamang ang opisyal na


nasa listahan para sa 2012 London Olympics, habang may tig-dalawang mandatory
slots namang nakalaan para sa athletics at swimming.

Ilang qualifying tournaments din ang inaasahan ng bansa na pagkukunan ng


Olympic ticket. Ito ay sa boxing, rowing, wrestling, weighlifting, archery at judo.

Ang mga makakalaro sa 2012 Olympics ay mabibigyan din ng three-week,


pre-Olympic training sa London sa pamamagitan ng London Olympic Committee.

116
10j. 2016 Ronda Pilipinas sisikad
sa Butuan City
Marivic Awitan

Magbabalik sa susunod na taon ang Ronda Pilipinas, ang itinuturing na


pinakamalaking karera ng bisikleta sa buong bansa na tatampukan ng 3-yugtong
karera na sisimulan sa Butuan City sa Mindanao sa Pebrero 20-27 patungong
Butuan City hanggang sa Cagayan de Oro at Malaybalay, Bukidnon.

Nasa ika-anim na taon na sa 2016, ang karera na inihahatid ng LBC at


itinataguyod ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa
Radio-Tech 1 Corp., Maynilad at Standard Insurance, ang Ronda ay magdaraos ng
tatlong tig-limang yugtong karera na sisimulan sa Mindanao sa Pebrero, sa Visayas
sa Marso at sa Luzon sa Abril.

Sumusunod sa kasalukuyang trend sa international scene, ang Ronda


organizers ay nagdagdag ng mga pagbabago sa darating na karera na
kinabibilangan ng pagdaraos ng kumbinasyon ng road race, individual time trial at
criterium races kada leg.

“We need to adapt to the way races are done in the world stage as this
project is to groom champions for flag and country,” pahayag ni Ronda sports
development head Moe Chulani. “And also, we want each cities, towns and
provinces we visit will have a chance to see our riders and our race the whole day.”

Ayon pa kay Chulani, nananatili ding committed ang Ronda sa pagtulong sa


PhilCycling na pinangungunahan ni Congressman Abraham “Bambol” Tolentino sa
kanilang grassroots development program sa pamamagitan ng paghahanap ng mga
potensiyal na talent at pagsasanay sa mga ito para maging mga future national team
members.

Kaugnay ng adhikaing ito ay magkakaroon ang Ronda, na may milyong


papremyo para sa mga mananalo kada stage at leg ng karera ng hiwalay na overall
winners para sa mga siklistang tubong Mindanao, Visayas at Luzon.

“Aside from the open elite division, we still have the Under-23 category
because we believe that somewhere out there, there are gems in the rough waiting
to be discovered,” ayon pa kay Chulani.

Muli ding kukunin ng Ronda ang 3Q Sports na pinamumunuan nina Quin at


Jojo Baterna katulong si Rommel Bobiles, na siya ring nasa likod ng matagumpay na
pagdaraos ng nakaraang Giro de Pilipinas sa Subic noong Oktubre para
tumugaygay sa karera.

117
“On the side, we’re holding some mountain bike race as well as races for
executives. Also, we’ll be having a community ride for everyone to allow them to get
the feel of how it is riding with the Ronda caravan,”pahayag ni Bobiles.

“LBC Sports Devt Corp. feels everyone should have the chance to join Ronda
Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance
covered, not just the elite riders,” pagsang-ayon naman ni Chulani.

Sisimulan ang karera sa pamamagitan ng isang massed start race sa Butuan


City sa Pebrero 20 na susundan ng isang criterium sa naturang lungsod
kinabukasan at sa Cagayan de Oro sa Pebrero 23.

Kasunod nito ang ITT sa Dahilayan, Manolo Fortich sa Pebrero 25 bago ang
pagtatapos na isa ring criterium sa Malaybalay sa Pebrero 27.

Bubuuin naman ang Visayas leg na magsisimula sa Marso 11 sa Bago City,


Negros Occidental, na susundan ng criterium sa Iloilo City sa Marso 13, bago ang
road race mula Ilolilo hanggang Roxas City sa Marso 15, at isang criterium at ITT
para sa pang-apat at panglimang stages na kapwa gaganapin sa Roxas sa Marso
17.

Magtatapos naman ang karera sa pamamagitan ng Luzon stages na


kinabibilangan ng criterium sa Paseo sa Sta. Rosa, Laguna sa Abril 3, ITT mula
Talisay, Batangas hanggang Tagaytay sa Abril 4, criterium sa Antipolo City sa Abril l
6, road race mula Dagupan hanggang Baguio sa Abril 8 at ang pinakahuling stage
na isa ring criterium sa Baguio City sa Abril 9.

Lahat ng mga naghahangad at interesadong sumali sa karera ay maaaring


bisitahin ang Ronda official Facebook page na
https://www.facebook.com/girodepilipinas/?fref=ts at doon mag-download at mag-fill-
up ng registration form na maaari nilang ipadala sa Cycling Pilipinas (LBC SPORTS
DEVT. CORP.) c/o Ronda Pilipinas 2016 Secretariat na matatagpuan sa Blk. 11 Lot
2 Bagong Calzada, Grenville Subdivision, Brgy. Ususan, Taguig City.

118
10k. Davao City, humakot ng ginto sa
Batang Pinoy Dancesports
Angie Oredo

Anim na gintong medalya mula sa nakatayang siyam, ang hinakot ng


defending champion sa Dancesports na mula sa Davao City sa ikalawang araw na
kumpetisyon ng 2015 Philippine National Youth Games (PNYG)- Batang Pinoy
Mindanao Qualifiying Leg sa Gaisano Country Mall, South Cotabato.

Mayroon namang tatlong ginto ang iniuwi ng Koronadal, dalawa sa General


Santos, at isa sa Tacurong City sa torneo na para sa mga batang atleta na may
edad na 15-anyos pababa at nagsisilbing hagdan para makatuntong sa National
Finals na gaganapin sa Cebu City sa Disyembre at posibleng silya sa national
training pool.

Nagwagi para sa Davao City sina Irlich Christian Edullantes at Vanessa


Madelo sa Juvenile A. Latin at ang pares nina Irlich Christian Edullantes at Ritzcel
Anne Limsan sa Juniors-D Latin. Wagi din sina Dave Torres at Roshua Adela Daclan
sa Junior-A Standard at sa Junior-C Standard category.

Ang dalawa pang pares na nagwagi ay sina Raniel Rafols at Layla Ice
Cuasito sa Juvenile – A Standard at Kalie Clark Delute at Layla Ice Cuasito sa
Juvenile – C Standard.

Iniuwi naman para sa host Koronadal City ang ginto mula kina Ronie Trinidad
Jr at Arjannah Margarette Brua sa Juvenile-A Latin at sa Juvenile-C Latin habang
nagwagi sina Denmark Umipig at Jane Heart Cabahug sa Juvenile-D Standard
category.

Ang General Santos ay nagwagi sa tulong nina John Theo Puerto at Angela
Marie Tatala sa Junior-C Latin at mula sa pares nina John Theo Puerto at Ainhie
Love Pama sa Junior-D Standard.

Ang Tacurong City na nakapag-uwi ng ginto mula kina Kyle Ymalay at Dania
Nicole Casipit sa Juvenile-D Latin.

Samantala, nakisalo sa mga multi-medalist ang 15-anyos na si Joselito


Hapitan na tinuturuan ni dating Olympian at SEA Games record holder Henry Dagmil
matapos na magwagi sa 100m at 400m. Itinala ng 5’5 na si Hapitan mula sa South
Cotabato ang oras na 11.35 segundo sa 100m at 52.70s segundo sa 400m.

119
Hindi din nagpahuli ang 14-anyos at Grade 9 sa Don Pablo Lorenzo
Memorial High School na si Ashley Azusada na matapos magwagi sa long jump ay
isinunod ang gintong medalya sa kanyang paboritong event na 100m dash sa itinala
nitong 13.2 segundo. Nakatakda pa itong sumabak sa 200m.

Dalawang ginto din ang napanalunan ni Marizel Buer ng South Cotabato


matapos na unang magwagi sa Girls shotput ay idinagdag ang gintong medalya sa
girls javelin throw.

Ang 14-anyos at Grade 8 sa Southern Mindanao Academy na nasa ikalawa


nitong Batang Pinoy matapos umabot sa 2014 Finals ay itinala ang 9.71 sa shotput
bago isinumite ang 38.23 metro na layo sa paghagis sa spear para sa kanyang
ikalawang ginto.

May tsansa pa na makatatlo si Buer na tatlong beses na nakasali sa


Palarong Pambansa simula noong Grade 5 pa lamang kung saan nakapag-uwi ito
ng dalawang ginto noong ginanap sa Laguna sa shotput at javelin.

Ang iba pang mga nagwagi ng ginto ay sina Rani Dedios ng GenSan sa girls
100m hurdles (18.49s), Leoneilly Jhallyson ng Sarangani sa boys 110m hurdles
(16.90s), Jean Ann Galing ang Zamboanga City sa girls 400m (1:03.57s), Jeremiah
Cortez ng Tagum City sa boys long jump (5.71m), Ivory Agot ng Zamboanga Del Sur
sa girls high jump (1.36m), Anna Marie Depone ng DavNor sa girls 1,500 run
(5:19.79s), Lloyd Aumada ng Koronadal sa boys 1,500m(4:39.80s), Mary Angeles
Arano ng Koronadal sa girls 3,000m (11:46.86s).

Nanalo din sa girls triple jump si Hazel Arellano ng Tagum City (10.41m),
Francis Jonard Lorejo ng General Santos sa discuss throw (35.50m), Kenneth
Corpuz ng South Cotabato sa boys 400m low hurdles (1:00.26s) at si Remie Jane
Ealvo ng Koronadal sa girls 400m low (1:14.53s).

120
10l. Le Tour de Filipinas,
sa katimugan sa 2016
Marivic Awitan
Lalakbayin ng Le Tour de Filipinas (LTdF) ang Katimugan ng Luzon para sa
ikapito nitong edisyon na magsisimula sa Antipolo City at magtatapos sa Legaspi
City kung saan matutunghayan ang halos perpektong hugis kono ng Mayon
Volcano.
Ang apat na stage ng karera na magsisimula ng Pebrero 18, 2016 mula sa
bulubunduking bahagi ng Antipolo at babagtas sa mga matatarik na lugar ng Laguna
at Quezon bago humantong ng Lucena City para sa unang yugto nito.
Ayon kay Donna Lina ng organizer na Ube Media Inc., ang Stage Two ng
taunang karera na nakahanay sa Asia Tour calendar ng International Cycling Union
(UCI) ay maghahatid sa continental team-laden entourage patungong Daet,
Camarines Norte sa Pebrero 19.
Para naman sa Stage Three na magaganap ng Pebrero 20, magiging isa
itong mahabang paglalakbay mula sa Daet patungong Legaspi City kung saan
matutunghayan ng mga riders sa unang pagkakataon ang kaakit-akit ngunit
mapanganib na Bulkang Mayon sa pagtatapos ng karera sa kapitolyo ng Albay.
At sa huling bahagi ng karera, iikutin ng mga siklista ang paligid ng Mayon sa
Pebrero 21 kung saan daraanan nila ang geothermal power plants sa Tiwi sa isang
out-and-back course sa Legaspi City.
May labinlimang mga koponan na kinabibilangan ng hanggang 12 continental
team mula sa may limang mga kontinente sa buong mundo ang sasabak sa nag-
iisang UCI race sa bansa na kinapapalooban ng distansiyang tinatayang aabot sa
600 kilometro.
“It’s about time that we bring the LTdF down south, this time in the Southern
Tagalog and Bicol region to spur awareness on cycling not only as a competitive
sport, but more importantly as a form of physical fitness,” ani Lina.
Ang unang anim na edisyon ng LTdF ay idinaos sa Hilagang bahagi ng
Luzon kung saan naging hamon para sa mga kalahok ang pag-ahon sa mataas na
bahagi ng Cordillera.
Dalawang Filipino rider sa katauhan nina Baler Ravina (2012) at Mark Galedo
(2014) ang nagwagi na sa mga naunang edisyon ng LtDF kung saan kasama nilang
naging kampeon sina David McCann ng Ireland noong 2010 at mga Iranian na sina
Rahem Emami noong 2011. At dating Asia No. 1 rider na si Ghader Mizbani noong
2013 at ang Frenchman na si Thomas Lebas, na kumatawan sa Japan-based
Bridgestone Anchor Cycling Team, sa nakaraang 2015 edition.

121
10m. NCAA chess tourney,
magbubukas ngayon
Marivic Awitan

Magbubukas ngayong hapon ang NCAA Season 91 chess tournament sa


Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Ito ang unang hosting na gagampanan ng Emilio Aguinaldo College bilang


regular member ng liga.

Ganap na 1:30 ng hapon magsisimula ang tapatan ng sampung paaralang


kalahok sa liga kapwa sa seniors at juniors division.

Nakatakdang magtapat sa unang araw ang Arellano University at Jose Rizal


University gayundin ang Lyceum of the Philippines at University of Perpetual Help.

Magtutuos din sa opening day ang College of St.Benilde at ang Mapua


gayundin ang San Beda College at multi-titled San Sebastian College.

Sa isa pang pairing, maghaharap naman ang Letran at ang event host EAC.

Sisimulan ng Arellano University ang kanilang back-to-back campaign para


sa seniors division habang uumpisahan naman ng Letran ang kanilang title retention
bid sa juniors side.

122
KABANATA 4
____________

Mga Opinyon / Analisis sa mga


Kaganapan sa Isports

123
Katulad ng naunang kabanata, makikita sa mga
sumusunod ang paglalahad ng mga naging kaganapan sa isang
partikular na laro, liga o koponan. Ngunit di gaya ng mga nauna,
may elemento ng pangangatwiran sa mga artikulong ito.
Nakatuon ang mga ganitong su la t in sa pagsusuri at pagtatasa
sa mga pangyayari o usapin imbes na paghahatid lang ng
balita. Makikita sa ganitong klaseng mga su la t in ang
perspektiba ng manunulat tungkol sa paksa at may layuning
maipalitaw kundi man mahikayat ang mambabasa sa kanyang
tindig sa naturang usapin. Dahil dito, maaaring mas makulay
ang gamit ng mga salita at may pwersa o diin ang mga
pahayag sa artikulo.

Kadalasang may regular na kolumnista ang ganitong


mga su la t i n sa isang pahayagan o magasin. Dahil dito,
nakikilala ang manunulat sa kanyang estilo ng pagsulat,
kaalaman sa isang larangan ng isports o perspektiba at paraan
ng pag-iisip sa mga bagay-bagay tungkol dito. Sa kabanatang
ito, may apat na halimbawang kolum na makikita. Mababanaag
na mas maluwag sa gamit ng wika ang mga manunulat at
karaniwan ang pagkakaroon ng pagpapalit-wika sa panulat, isa
itong posibleng paraan upang mas maging malapit ang
manunulat sa mambabasa.

124
11.
Adopt a sports,dapat na buhayin
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedJuly 29, 2010 - 12:00am

Kauupo pa lamang ay budget agad ang inatupag ng bagong upong Philippine


Sports Commission (PSC) chairman na si Ritchie Garcia. Natural nga naman kasi
hindi tatakbo ang kanyang ahensya kung kulang sa budget.

Pero aminado rin naman si Garcia na pagkatapos ng pagbubunyag ni


Pangulong Aquino sa kanyang State of the Nation Address kamakalawa na halos
said na ang budget para ngayong taon tiyak na malabo nang maibigay lahat ang
hiling nila.

Gayunman, umaasa si Garcia na makakahanap sila ng paraan para


matugunan ang pangangailangan ng PSC.

Itinatakda ng batas na ang Philippine Amusements and Gaming Corporation


at iba pang government-owned-and-controlled corporations ang magbibigay ng
pondo sa PSC para sa National Sports Development Fund.

Sa parting ito iminumungkahi natin kay Garcia na buhayin ang adopt a sports
program para naman makatulong sa gastusin sa pag-eensayo ng mga atleta at sa
mga internasyunal na kompetisyon na sasalihan ng mga ito.

Napakalaking pera ang kailangan ng isang sport. Mula sa pagsasanay ng


mga atelta hanggang sa paghahanda sa isang kompetisyon, kung sakaling
mabubuhay ang adopt-a-sports program noon, siguradong kahit paano ay
makakatulong ito para mapanatili ang kalidad ng ating mga atleta

Maging si Peping Cojuangco, president ng POC, ay nagsabing maaaring


hingin ng POC at PSC ang suporta ng pribadong sektor upang maisulong ang mga
nakalinyang programa para sa national athletes.

125
Mahihirapan ang gobyerno na pondohan ang lahat ng pangangailangan ng
mahigit sa 40 na National Sports Association (NSA) kaya dapat na magtulungan ang
POC at PSC na makahanap ng dagdag na pondo.

*****

Nakakatuwa ang asawa ni Nonito Donaire Jr. na si Rachel. Maganda na


mabait pa. Suportado niya ang lahat ng balak ng kanyang asawa. Kabilang na rito
ang plano ni Donaire na mag-ampon ng mga amateur boxers para matulungan sa
pagsasanay.

Sabi ni Rachel, napakarami na nilang blessings na natanggap. Ang


pagtulong sa mga baguhang boksingero ay isang paraan upang maibalik sa
Panginoon ang lahat ng biyayang natanggap nila. Amen.

Isa sa mga pinagpaplanuhan ng tinaguriang ‘The Filipino Flash’ ay


ang ibahagi ang kaalaman sa boksing sa mga umuusbong na talento, lalo ang mga
miyembro ng national team na nagdadala ng bandera ng Pilipinas sa international
competitions tulad ng Southeast Asian Games at Asian Games.

Kamakailan ay nagdala na naman ng karangalan sa bansa si Donaire nang


matagumpay na maidepensa ang kanyang WBA super-flyweight crown sa
pamamagitan ng eight-round TKO kay Mexican challenger Hernan Marquez sa
Coliseo Ruben Rodrigues sa San Juan, Puerto Rico.

126
12.
Go Philippines!
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedNovember 11, 2011 - 12:00am

Kung tatanungin ang mga opisyal ng Philippines sports kung magiging


maganda ba ang kampanya ng bansa sa 26thSoutheast Asian Games sa Indonesia
kumpara sa mga nakaraang edisyon, siguradong matunog na “oo” ang makukuha
nating sagot.

Bakit?

Isa sa malaking dahilan ay ang tinatawag na “unified” Philippine team.

Noong 2009, ang Philippine Olympic Committee, na noon ay pinamumunuan


ni Jose “Peping” Cojuangco, at ang Philippine Sports Commission, na
pinangungunahan naman ni Harry Angping, ay hindi magkasundo.

Magkaiba ang kanilang pananaw sa preparasyon ng bansa para sa 2009


SEA Games sa Laos. Tumapos ang Pilipinas sa ikalimang puwesto sa nakuhang 38
gold medals.

Pero ngayon, ipinagyayabang ng POC at PSC na nagkakaisa sila para sa


kapakanan ng Philippine sports.

Pero kung ito man ay mangangahulugan ng mas magandang performance


ng ating mga atleta sa 2011 SEA Games sa Indonesia ay kailangan pang abangan
sa mga susunod na araw.

Isa lamang ang sigurado natin, magandang batayan ang taong ito lalo na’t
sinasabi nga ng dalawang sports organization na united sila para sa mga atleta.

*****

Isa pang dapat na abangan ng ating mga sports affisionados ay ang


pagbabalik sa sports ni Grand Master Wesley So makaraan ang anim na buwan na
pamamahinga sa kompetisyon. Babandera si So para sa Philippine chess team.

Malaki ang pag-asa ni So, tanging Filipino chess player na nasa FIDE
rankings, na makapag-uwi ng gold medal kasama sina GMs Joey Antonio, Oliver
Barbosa, Mark Paragua, John Paul Gomez at Darwin Laylo.

Sa akin lang ha, malaki ang pag-asa ng bansa sa gold medal. Sa hanay ng
mga bansa sa Southeast Asia na kalahok sa SEA Games, ang PIlipinas ang may
pinakamataas na FIDE ratings sa 33rd na puwesto.

Takot lang nila.

127
13.
Kawawa ang mga siklista
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedFebruary 3, 2011 - 12:00 am

Masalimuot ang pangyayari sa mga panahong ito sa Philippine Cyling o


PhilCycling. Tila wala ring masulingan ang ating mga siklista na kung tutuusin ay
damay lamang sa pag-aagawan sa kapangyarihan ng dalawang organisasyon na
parehong sinasabi na ‘mahal nila ang cycling.’

Ilang buwan nang naghahatakan sina Abraham Tolentino na rekognisado ng


International Cycling Union (ICU) at Dr. Philip Ella Juico na kinikilala ng Philippine
Olympic Committee (POC). Hanggang ngayon ay wala pang sagot kung sino sa
dalawa ang dapat na mamumuno sa PhilCycling Dahil nga sa kaguluhang ito,
ipinatigil ng Philippine Sports Commission (PSC) ang buwanang allowances ng
national training pool members habang hindi pa nareresolbahan ang gusot sa
liderato ng dalawang nagbabangayang grupo sa cycling.

Inilabas ng PSC board noong Enero 21 ang Resolution No. 0252011, na


pinipigil ng PSC ang monthly allowances ng national cyclists epektiboJanuary 31
hanggang sa ‘di nagkakaisa ang magkakaaway na pangkat nina Tolentino at Juico.

Sa pangyayaring ito, sino kaya ang tunay na apektado. Si Tolentino o si Juico


na kapwa isinisigaw na may malasakit sila sa sports at sa cycling, o ang mga siklista
na ang tanging hangad ay mabigyan ng karangalan ang bansa sa paraang alam nila.

Isa na sa siguradong apektado ay ang premyadong Filipina cyclist na si


Marites Bitbit na tumatanggap ng P10,000 monthly allowances sa PSC. Ayon kay
Bitbit, malaking kawalan sa kanila ang allowance na ibinibigay ng PSC lalo na sa
kanilang paghahanda sa mga internasyunal na kompetisyon.

Bukod sa pagtanggal ng allowance, ang hakbang ng PSC ay


nangangahulugan lamang ng pagpapadala na lang ng token delegation ng
PhilCycling sa Asian Cycling Championships sa Thailand sa Pebrero 7-19. Ibig
sabihin, naglahong parang bula ang pag-asa ng mga atleta na makasama sa
itinuturing na pinakamalaking kompetisyon ng cycling sa Asya.

Mas makakabuti na ituloy ang allowance ng mga siklista, pati na ang


programa ng cycling. Ang bangayan nina Juico at Tolentino ay nararapat na

128
resolbahin na hindi madadamay ang mga siklista. Nakikita kasi ng marami na
nagpapalitan ng maanghang na salita ang dalawang kampo, maging ang PSC ay
gayundin, pero sino ba ang lumalabas na kawawa dito--ang mga siklista.

Panawagan natin sa PSC, kanselahin muna ang resolusyon na nagtatanggal


ng allowance ng mga atleta at sumususpindi sa mga programa ng
cycling. Resolbahin ang sigalot sa liderato ng cycling sa maayos na
paraan. Madadaan naman lahat sa magandang usapan.

Isipin natin na ang mga sakripisyong ginagawa ng mga siklista sa tuwing sila
ay sasabak sa mga kompetisyon. Itabi muna natin ang pansariling interes. Ano ang
masasabi n’yo rito, Mr. Tolentino at Mr. Juico?

129
14.
Nasaan na ang PBL?
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedOctober 28, 2010 - 12:00 am

Sa mga datihan nang nanonood sa Philippine Basketball Association (PBA)


siguradong ang iba ay naninibago sa istilo ng laro ngayon.

Mabilis at brusko ang laban, hindi pupuwede ang mga lalamya at marereklamo.

Maging sa mga referee, hindi rin pupuwede ang balat-sibuyas at pasikal.

Ito ay dahil sa bagong officiating rules ng PBA. Kung papansinin natin, kakaiba
ang ipinatutupad na sistema ngayon ng bagong commissioner na si Chito Salud
kumpara sa mga nakaraang kalakaran sa liga. Pero kung tutuusin, ang sistemang ito ay
'recyled' dahil ginamit na ito noong ang tatay ni Chito ang PBA Commissioner-si Rudy
Salud.

Pero dahil nga sa nasanay ang mga player, coaches, team managers at maging
mga PBA fans ng ilang dekada na konting hawak ay lang ay sisipol na ang
referee,maituturing na isang "shock" sa kanila ang bagong kalakarang ito sa liga.

Makikita naman hindi ba?Ang mga player na walang lakas ng loob ay hindi
makasabay kapag nagbabakbakan na. Dito, makikita kung ano ang tunay na laro ng
isang player. Wala na kasi ang panahon na matapik mo lamang ang isang player ay
magtatarang na ito at sisigaw ng foul na aayunan naman ng referee.

Ngayon ay malayo ang referee at pinapabayaan ang mga player na gumalaw at


magsalpukan.

Maging ang mga referee ay patuloy pa rin ang pagsasanay sa bagong sistema.
Ang suggestion natin sa kanila, panoorin ang mga lumang tapes ng PBA, iyong mga
dekada 70s at 80s. Sa panahong ito kasi nagsisimula pa lamang na mag-eskperimento
ang mga manlalaro at nariyan ang lahat ng klase ng pambubrusko.
Sa ginagawa ni commissioner Chito, nagiging maganda ang flow ng laro.
Nagkakaroon ng tsansa ang lahat na sumikat at maipakita ang tunay na galing lalo na sa
opensa–ito naman talaga ang tunay na essence ng basketball.

Dahil rin dito, bumibilis at nagiging mas exciting ang games. Kaya naman
gumaganda na rin ang gate sales ng PBA. Maging sa TV ay bumabalik na rin ang mga
dating nanonood na noon ay nawalan ng gana dahil sa malamya at pagiging predictable

130
ng mga teams. Kaya sa sistema ngayon ng PBA, tutoong matira ang matibay sa mga
koponan.

*****

Sa mahigit na dalawarig dekada nating pagsusulat ng sports sa dyaryo, isang


bagay ang ikinahihinayang natin, ang pagkawala ng Philippine Basketball League (PBL).

Huli tayong nagkaroon ng balita sa liga ay noon pang Mayo, pagkatapos ay


nawala nang parang bula ang PBL. Nanghihinayang ako sa PBL dahil hindi na-
maintain angkinang at ang tunay na objective nito – ang maghulma ng mga amateur
player na maaaring magdala ng karangalan sa bansa sa basketball at ang magsanay ng
mga manlalaro para sa professional league.

Kung tutuusin, ang PBL ang "sana" ay ang developmental league ng


basketball. Kumbaga, ditokukuha ng mga players para umakyat sa PBA.

Pero dahil nga sa napakaraming rason, kasama na ang kawalan ng concern ng


mga pamunuan noon ng PBA, BAP, at mga collegiate leagues, nawala nang tuluyan ang
PBL. Kadalasan nga ay napapansin ko na tila hilaw ang ibang rookie players kapag
umakyat sa PBA. Wala ang tinatawag na competitiveness at "angas" na inaasahan
sana kung siya ay sumalang sa PBL.

Sana ay may makaisip na muling buhayin ang PBL – para na rin sa amateur
basketball.

131
15.
Pacquiao-Mayweather, umaanghang
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
Updated March 18, 2010 - 12:00 am

Tagumpay si Manny Pacquiao laban kay Joshua Clottey. Pero marami pa rin
ang hindi nasiyahan sa laban.

Tila nasanay na yata ang manonood na pinapabagsak ni Pacquiao sa maagang


round pa lamang ang kanyang kalaban.

Umabot kasi sa 12 round at sa unanimous decision ang laban noong Marso 14


sa Dallas Cowboys Stadium.

Kung may hindi nasiyahan, meron din namang natutuwa sa muling


pagkakapanalo ni Pacquiao. Katunayan, iba't ibang emosyon, analisa ay komento hindi
lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Pero sa ating pitak, nasisiyahan tayo sa muling pagbibigay karangalan ni


Pacquiao. Maaaring kakaiba ito sa mga panalo ni Pacquaio. Noon pa ay sinabi na natin
na malakas si Clottey. Magaling ang kanyang depensa at malakas ang panga.

Ang laban, kung tutuusin ay hindi isang kompetisyon, kung hindi isang event na
pinanood nang mahigit sa 50,000 katao. Ito ang isa pinakamalaking laban sa
kasaysayan ng boksing at napahanay sa boksing nina Julio Cesar Chavez at Pemell
Whitaker sa Alamodome noong 1993.

Ang mahalaga ngayon ay nanalo si Pacquiao, maaaring sa paraan na hindi


inaakala nang iba, pero na kay Pacquiao pa rin ang korona.

Sa laban ipinakita ni Pacquiao na siya ang “Pound for Pound King”.

*****
Ang inaabangang balita ngayon ay kung matutuloy na ang pinakaaabangang
laban sa dekada–ang labanang Manny Pacquaio at Floyd Mayweather, Jr. Nakalinya na
si Mayweather sa baraha ni Pacquiao.
Pagkatapos nga ng panalo kay Clottey, ipinagsigawan ni Pacquiao na gusto
niyang makaharap na si Mayweather.

Nakatakda sanang magharap si Pacquiao at Mayweather Jr. sa halip na si


Clottey, pero bumagsak ang negosasyon sa megafight dahil sa isyu ng blood testing. "I

132
want that fight, the world wants that fight, but it's up to him," wika ni Pacquiao. "I'm
ready to fight any time."

Nadiskaril arig laban nang igiit ng kampo ni Mayweather na sumailalim sa


Olympic-style drug testing na tinanggihan naman ni Pacquiao. Sabi noon ni Mayweather,
ang kapakanan ng sport ang iniisip niya, at dapat ay parehas na lumalaban ang lahat
pero ayaw umano ni Pacquiao. Kung gusto umano ni Pacman na labanan si
Mayweather, nasa tabi-tabi lang ang Amerikano.

Pero tila hindi ito agad mangyayari. Nakatakda kasing kalabanin ni Mayweather
si Shane Mosley sa Mayo 1, at kung magkakaharap nga si Pacquaio at Mayweather,
posibleng ito ay sa Nobyembre na.

*****
Gayunman, ngayon pa lamang ay pawang maaanghang na salita ang binitawan
ni Mayweather.

Sabi ni Mayweather, amateur at one-dimensional na fighter lamang si Pacquiao.


Marahil ang nakita lamang ni Mayweather ang gusto niyang makita.

Puno pa ng yabang na sinabi ni Mayweather ay ethnic minority lang umano si


Pacquiao at mula sa Pilipinas kaya medyo kakaiba ang dating. Magaling mang-insulto
talaga si Mayweather.

Hindi isang ethnic minority si Pacquiao, baka magprotesta ang kanyang mga
kababayan sa Gen. Santos. Isa pa, wala naman sa kung ano ang pinagmulan o anong
itsura ang sukatan sa galing sa boksing kung hindi ang tindi ng kamao sa ring.

Ang kamaong iyan ang inaasahang matitikman ni Mayweather kung sakaling


patulan ni Pacquiao ang kanyang mga hamon.

133
16.
Ober da Bakod na ang PSC
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedOctober 11, 2012 - 12:00 am

Tila ‘ober da bakod’ o wala na sa lugar ang ginagawa ng Philippine Sports


Commission na pakikialam sa mga National Sports Associations.

Kamakailan, kulang na lamang ay sabihin ni PSC Commissioner Richie


Garcia na may paboritismo sa Amateur Boxing Association of the Philippines
(ABAP), at walang kakayanan ang mga opisyal nito na mamili ng tamang atleta na
lalahok sa national team.

Sabi ni Garcia, “hindi na puwede yung basta kamag-anak o ka-probinsiya


lang.” Patungkol sa ginagawang seleksyon ng ABAP sa national pool. Kung
paninindigan ito ni Garcia para bang sinabi niya na pulpol ang mga napili ng ABAP
at hindi karapat-dapat ang mga ito.

Seryoso ang mga sinabing ito ni Garcia. Hindi lang natin alam kung mayroon
siyang paghuhugutan ng ebidensya sakaling maisipan ng ABAP na ‘gumanti’. Hindi
rin naman natin maialis na rumesbak ang ABAP dahil reputasyon ng NSA at ng
opisyales nito ang nakataya.

Siyempre agad namang sinabi ni Ricky Vargas ang presidente ng ABAP na


may mga kriterya ang ahensya na kanilang sinusunod at ito ang basehan nila sa
pagpili ng mga boksingero sa national team.

At sa pananaw ng marami ay hindi dapat na palagpasin ng ABAP ang mga


akusasyon ni Garcia na kung hihimayin ay isang insulto sa ABAP, at panunuya sa
pagkatao ni Vargas.

Nagtataka rin tayo kung saan nagmula ang mga sinabing ito ni Garcia. Sa
tingin ko ay patas naman ang seleksyon sa ABAP. Katunayan ay galing sa iba’t
ibang lugar ang mga boksingero na kasalukuyang nasa national pool, at hindi sa
iisang lugar lamang.
Alam din natin na humagilap ng mga boksingero ang ABAP sa iba’t ibang
sulok ng bansa kaya nga sila mayroong mga nakuhang fighters tulad nina Olympians

134
Mark Anthony Barriga, World Juniors champion Eumir Marcial at World Women’s
champion Josie Gabuco.

Alam kaya ni Garcia na mahigit isang dosenang national tournaments na ang


nagawa ng ABAP upang humanap ng pinakamahusay na atleta. Kasama sa mga pi-
nagdausan nila ay ang Bacolod, Ormoc, Davao del Norte, Cagayan de Oro, Cebu,
Tayabas, Mandaluyong, Puerto Princesa, Quezon City, Dumaguete, Tagbilaran,
Carmen at Bohol.

Sa pagkakaalam ko ay libu-libong mga boksingero na ang nakalahok sa mga


torneong ito ng ABAP.

Kaya nga’t nagtataka ako kung bakit sinasabi ni Garcia na talamak ang
paboritismo sa ABAP.

Mag-isip muna dapat bago magsalita.

Baka mag-boomerang yan sa PSC.

135
17.
PBA rules, repasuhin
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedApril 7, 2011 - 12:00 am
Hinalaw January 29, 2016, mula sa www.philstar.com:
http://www.philstar.com/palaro/673410/pba-rules-repasuhin/

Panahon na marahil upang pag-aralan at suriin ng Philippine Basketball


Association ang ilang probisyon sa kanilang rules and regulations.

Nakakadismaya sa mga fans ng PBA ang hindi pagkakapasok ng Phoenix


Fuel sa PBA. Nabulilyaso ang planong pagbebenta ng Barako Bull Energy Drink ng
prangkisa sa Phoenix Fuel para makalaro ang huli sa season-ending PBA
Governors’ Cup sa Hunyo. Nabigo ang Energy Boosters na makakuha ng 2/3 o
pitong boto mula sa siyam na koponan dahil sa pagtutol ng San Miguel Corporation.

Pinalitan ng SMC ang pangalang San Miguel Beer bilang Petron Blaze na
karibal ng Phoenix sa paggawa ng langis. Kasamang umayaw ng SMB (kinatawan ni
Eleazar Capacio) sa pag-reject sa pagpapapasok sa karibal na Phoenix ang
dalawang pag-aaring koponan pa ng SMC na Barangay Ginebra na ang
representante ay si Robert Non, at Derby Ace ni Rene Pardo at ang kaalyadong
Air21 ni Manny Mendoza. Pabor sa bentahan at pag-entra ng Davao-based oil
company ang Rain or Shine (League Vice Chair Mamerto Mondragon), Talk ‘N
Text (Patrick Gregorio), Alaska Milk (Joaquin Trillo), Powerade (Kenneth Duremdes)
at Meralco Bolts (Ramon Segismundo).

Batay sa regulasyon ng PBA, hindi maaaring pumasok ang isang kumpanya


katulad ng Phoenix Fuel kapag may isang kumpanya na nagbebenta rin ng gasolina
na kasali na sa liga.

Isa pang dapat na matyagan ng PBA ay ang pagmomonopoliya ng iilang


kompanya sa liga.

Parang hindi na ito “healthy.” Naririyan na ang posibilidad na maaari nang


“magbigayan” ang mga koponan na nangyayari naman sa “trade” ng players.

Tutal ay pinag-iisipan pa ni PBA czar Chito Salud kung paano pa


mapapalakas at mas magiging kompetitibo ang PBA, isama na niya sa kanyang
opsyon ang pagsasanksyon sa mga koponan na ang tila hindi naman nagbibigay ng
effort na palakasin ang kanilang team.

136
Noon ang concern ng mga koponan ay ang karangalan na magkampeon sa
liga, pero ngayon ay tila mas mahalaga ang exposure ng mga produkto nila.

Kung nais pa ni Salud at ng iba pang opisyal sa PBA na mapaganda ang


PBA, suriin nila muli ang mga regulasyon ng liga.

*****

Tila balangkas na ang trabaho ng bagong talagang executive director ng


Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Sonny Barrios. Bilin sa kanya ni
Manny V. Pangilinan, ang president ng SBP, na pagtuunan ng pansin ni Barrios ang
grassroots development.

Isang malaking responsibilidad ang pag-uugnay na muli ng basketball


program sa grassroots level. Ibig sabihin nito kinakailangan ni Barrios na bumaba sa
regions sa buong bansa upang ilatag ang programa ng SBP.

Maganda ang programang ito kung talagang pag-iibayuhin ni Barrios. Kahit


noon pa man kasi na nagsisimula pa lamang ako ay naririnig ko na pinagpaplanuhan
ang “grassroots program”, pero hanggang doon lamang sa plano.

Madalas, at ito ay totoo sa kahit na anong sports, nasa malayong probinsya


ang mga hinahanap nating talented na mga atleta. Mayroon silang raw talent na
kinakailangan na igiya upang mahulma para maging isang mahusay na atleta.

At ito ang kinakailangang gawin ni Barrios, madiskubre ang mga potensyal


na atletang iyan.

Good luck kay Sonny Barrios.

137
18.
Panibagong unos sa Sports
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedMarch 10, 2010 - 12:00 am

Kakaiba talaga ang mundo sa sports dito sa sports.

Wala na talagang tigil ang gulo sa mga National Sports Associations (NSAs).
Hindi pa natatapos ang isa ay eto na naman at sumaklob sa Philippine Olympic
Committee (POC) ang away sa Philippine Karatedo Foundation (PKF).

Pero sa pagkakataong ito, naalala ang isang quote ni Phaedrus sa diyalogo


ni Plato na “An alliance with a powerful person is never safe’’.

At ganito ang nangyayari kina Go Teng Kok, POC spokesman Joey


Romasanta at POC Peping Cojuangco.

Masama ang loob ni GTK dahil siya ngayon ang namumuno sa PKF, bukod
pa sa paghawak niya sa Philippine Amateur Track and Field Association.

Gustong buwagin ni Romasanta ang PKF at magbuo ng panibagong


asosasyon. Idi-disband ang national pool at ang mga karatera at suspendido rin ang
training at allowances ng mga ito. Si Romasanta ay deputy president ng PKF.

Natural na ayaw ito ni Go. Bukod sa isang malinaw na pang-aagaw sa


kapangyarihan ng isang nakaupong pangulo ng PKF bilang kapalit naman ng
suporta ni Go sa pagtakbo ni Cojuangco sa pagkapangulo noong eleksyon ng POC
noong 2008.

Pero ngayon ay tila nagdedelikado na si Go.

Ang balita kasi ay hindi na kailangan ni Cojuangco ang suporta ni Go Teng


Kok, dahil may sapat na bilang ang POC president para matiyak ang panalo sa 2012
election.

Ano kaya ang masasabi rito ni Go na kilala natin noon pa na outspoken at


talaga namang ipinaglalaban ang kanyang prinsipyo kahit ano pa ang mangyari.

138
19.
Si Pacquiao ba ang best pound for pound
boxer sa kasaysayan?
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedNovember 18, 2010 - 12:00 am

Maliban sa bilis at galaw ni Manny Pacquiao, na kay Antonio Margarito na


ang lahat ng pisikal na bentahe laban sa Filipino boxer. Pero nawalang lahat ito
ng saysay sa panalo ng People’s Champion noong Linggo.

Ang guaranteed purse ni Pacquiao ay napabalitang $15 million pero maaari


pa itong umangat sa $25 million depende sa pay-per-view buys at iba pang fight re-
venues.

*****
Walang duda na matapos na durugin si Antonio Margarito sa harap nang
mahigit sa 40,000 na boxing fans, sigurado tayong mananatili si Pacquiao bilang
pinakamahusay na pound for pound fighter in the world.

Pero si Pacquiao ba ang pinakamahusay na poundfor pound sa kasaysayan


ng boksing?

Iyan ang malaking katanungan sa lahat. Lalo na nga at napipinto ang


posibilidad na isabit na ng Filipino champion ang kanyang boxing gloves tanda ng
pagreretiro. Simula nang nilikha ang pound for pound title ng prestihiyosong Ring
Magazine, si Pacquiao ang iilan lamang sa mga boksingero na may hawak ng
titulong pound for pound nang matagal na panahon.

Nakuha ni Pacquiao ang titulo na best pound for pound fighter noong 2007.

Simula noon ay hindi na niya binitawan ito hanggang noong laban nila ni
Margarito sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Sa panalo ng tinaguriang “Mexicutioner” sa higanteng Mexican boxer sa


Junior Middleweight Division, si Pacquiao ang unang professional boxer sa
kasaysayan na nakuha ang kagila-gilalas na tagumpay na ito.

Walong dibisyon ang pinagdaanan ni Pacquiao na nagsimula ng kanyang


boxing career sa edad na 16 sa flyweight division nang siya ay manalo
sa kapwa Filipino boxer na si Edmund Ignacio noong 1995.

139
Nanatili si Pacquiao sa flyweight at dito ay nanalo siya ng mahigit sa 20 laban
bago umakyat sa bantamweight division kung saan hinawakan niya ang WBC
bantamweight at super bantamweight ng halos limang taon.

Noong 2004 umakyat ang Filipino boxing icon na si Pacquiao sa


featherweight division at pagkatapos ay tumaas pa ito sa lightweight, welterweight at
ang huli ay sa junior middleweight.

Kung sisipatin nating mabuti ang kasalukuyang pound for pound rankings na
nasa website ng Ring magazine, walang sinuman sa kasalukuyang mga boksingero
na nasa kasalukuyang top ten ranking ang maaaring makapagbigay ng hamon kay
Pacquiao sa titulo na best pound for pound king.

Sumunod kay Pacquiao si Floyd Mayweather at pangatlo si Juan Manuel


Marquez na tinalo ni Floyd Mayweather. Kinakailangan ni Marquez ng sunud-sunod
na panalo upang mapalitan sina Pacquiao at Mayweather sa top post.

Medyo nasa hulihan naman ang isa pang Filipino boxer na si Nonito Donaire
na naghahangad din na maging tulad ni Pacquiao. Kinakailangan niya ng mga
solidong panalo upang makunsidera man lamang sa top 10 ng standings.

Ilan pa sa mga tagumpay ni Pacquiao ay ang Boxing Writers Association of


America (BAWAA) Best Fighter Award, Hall of Fame recognition, Time Magazine’s
Most Influential Person Award at Forbes Richest Sportsmen List. Kaya nga walang
kaduda-duda na hawak pa rin ni Pacquiao ang best pound for pound top post sa
susunod pang buwan o hanggang sa siya ay makapagretiro,

Kaya nga’t kahit pa magpaalam na si Pacquaio sa ring, at hindi matuloy ang


inaasam sana na laban kay Mayweather, walang duda na kikilanin pa rin si Pacquiao
na isa sa alamat at pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan ng sport na ito.

140
20.
Suportahan ang Azkals
AMBETHABOL Ni Beth Repizo Merafea (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedDecember 16, 2010 - 12:00 am

Mula sa playing field, ang laban ng football ay napunta sa apat na haligi ng


Senado.

Kung dati ay mga korupsyon sa gobyerno ang hinihimay, ngayon ay ang


korupsyon naman sa hindi gaanong popular na sports, pero nagdala sa bansa sa
gitna ng internasyunal na limelight.

Tama lamang na magtanong si Sen. Juan Miguel Zubiri kung nasaan ang
Philippine Football Federation habang ang Azkals, ang Pambansang koponan sa
football, ay nakikipaglaban sa Vietnam.

At nasaan din ang PFF nang ang football team ay humihingi ng suporta
upang ang laban ay mapunta sa home team – sa Pilipinas.

Ang sagot – parehong wala. Walang suporta ang PFF sa Azkals na sa isang
pambihirang pagkakataon ay nakarating sa AFF Suzuki Cup. Hindi nga ba’t
pagdating ng mga ito sa bansa ay katakot-takot na reklamo ang ibinato sa napatalsik
na si Mari Martinez.

Hindi lamang pinagkaitan ng PFF nang pagkakataon ang Azkals na


magkaroon ng bentahe sa laban, tinanggalan nila ng karapatan ang mga Filipino na
mapananood at mag-cheer sa kanilang koponan.

*****
Nararapat na suportahan ang Azkals. Kahit pa sabihin na ang ilang manlalaro
dito ay may dugong dayuhan. Kung tutuusin mas Filipino pa nga ang mga ito
kaysa sa mga opisyal ng PFF na nagsasabing mahal nila ang football.

Akala ko ba ay may pagmamahal itong si Martinez sa Philippine football tulad


nang kanyang sinasabi.

Kung mayroon siyang pagmamahal at pagkalinga sa football sa bansa, dapat


ay ginawa niya ang lahat ng paraan upang mapanatili ang bentaheng ito sa Azkals.

141
Bukod dito, ang mga pangyayaring ito, ay isang paraan upang i-promote ang
football. Isang paraan upang makahanap ng mga atletang mahuhusay. Isang paraan
upang mapaigting ang football sa Filipino.

Nawalang parang bula ang lahat ng iyan dahil sa kapabayaan ni Martinez at


ng mga opisyal ng PFF.

Tama lamang na imbestigahan ang PFF kung ano ang ginagawa nito sa mga
pondo mula sa pamahalaan. Kahit pa sabihin na may autonomiya ang mga national
sports association, nararapat lamang na maging accountable at transparent ang mga
ito sa kanilang mga transakyon lalo na pagdating sa pondo.

Nararapat lamang na palitan si Martinez. Kung hindi niya kayang gawin ang
kanyang trabaho dapat lamang na ilagay kung sino ang makapag-deliver ng
matinong trabaho para sa PFF.

142
21.
Panalangin para sa PH basketball
Dalawa Singko Ni Chino Trinidad (Spin.Philippines)
| November 13, 2014 – 6:09 pm.

Wala akong pakialam kung muling itinanghal na national coach si Vincent


‘Chot’ Reyes. Pero kailangan linawin muna natin ang ilang bagay ukol sa posisyon
na ngayon ay bakante—depende kung sino ang paniniwalaan ninyo, ang pamunuan
ba ng PBA o ang mga tinaguriang ‘spin doctors’ng Samahang Basketbol ng
Pilipinas. Ang pagiging pinuno ngating Pambansang Koponan ay higit pa sa
kaalaman na taglay ng isang coach. Walang duda sa kakayanan ni Coach Chot. Sa
katunayan, baka siya na ang pinakamaraming nakalap na kaalaman sa larong
minamahal nating mga Pilipino. Sa kanyang taglay na resume dala ng kanyang
malalalim na pag-aaral ng laro mula kina Pat Riley, Phil Jacksonat ngayon ay Pete
Carrill na kinikilalang ama ng dribble-drive motion defense ay sobra na sa
qualification ang dating coach ng Gilas Pilipinas. Ngunit ang pagiging coach ay hindi
lamang basta-bastang pagtuturo. Dapat ay yun pagtuturo ng tamang paglalaro at
pag-uugali. Sa mga naniniwalang karapat-dapat gawing pinuno ang nagturo ng
katiwalian (ang pagbuslo sa goal ng Kazakhstan sa natapos na Asian Games) sa
ating Pambasang Koponan, ay isasama na lamang namin kayo sampu ng mga
naniniwalang ang tamang paglalaro ng basketball ay yun pagbuslo sa iyong goal.
Siya nawa!

143
22.
Panawagan sa Gilas:
Huwag na huwag kayong susuko!
Dalawa Singko Ni Chino Trinidad (Spin.Philippines)
| September 27, 2014, 09:03 am.

“Now, more than ever, Gilas Pilipinas needs to unite and put behind it
the chaotic events of the past two days,”saysSpin.ph columnist Chino
Trinidad, Jerome Ascano. Sa ngalan ng milyun-milyong Pilipinong patuloy na
nagmamahal at naniniwala sa ating Pambansang Koponan, ako po ay
nanawagan sa bawat miyembro ng Gilas Pilipinas — Huwag na huwag
kayong Susuko! Sa gitna ng lahat na nagaganap sa inyong paligid naniniwala
ang marami sa amin – Na Hindi Pa Huli Ang Lahat. Isantabi muna lahat ng
nagaganap at nasabi sa nakalipas na dalawang araw. Sa susunod na mga
oras ay ating ilagay ang Ating Buong Puso…Diwa… Isipan at Lakas sa
napakahalagang laban sa kontra sa South Korea. Kalimutan muna ninyo ang
inaasam na gintong medalya ng Asian Games. Ang mas mahalaga ay makita
ng bawat Pilipino na gaya sa mga nakalipas na unos na dumaan sa ating
Inang Bayan ay malalampasan din natin ito sa tulong ng Poong Maykapal.

144
23.
Quote #56
Dalawa Singko Ni Chino Trinidad (Spin.Philippines)
| August 26, 2013, 04:28 pm.

Throwback Si Belga: Dati pinagtatawanan lamang ang undersized but overweight


power forward ng Rain or Shine na si Beau Belga. Tawag nga sa kanya ay ‘Extra
Rice’, obviously referring to his extra poundage. Ang hindi alam ng marami ay may
determination ang tubong Sorsogon na maging elite player ng bansa. Toughness
ang dinadala niya sa equation. At ito ang nakita ng Gilas Pilipinas when he was
named as a late addition to our national squad that was then in the thick of
preparations for the tough Fiba-Asia world qualifiers. Alam na ng lahat na si Belga
ang last man to be cut by coach Chot Reyes na matagal na pinag-isipan kung sino
kina Japeth Aguilar, Junemar Fajardo at Beau ang ilalagay niya sa 12th man ng ating
official lineup. Hindi nagtampo at sa halip tinanggap ng malugod ni Belga na maging
‘13th man ng Gilas Pilipinas’at hindi niya iniwan ang pambansang koponan. Belga
played an integral part by pushing bigs Aguilar and Fajardo hard in practice during
the magical run of Gilas. During games, Belga served as a motivator to Fajardo and
Aguilar as he constantly reminded his fellow bigs to play it tough. Ang silver medal ni
team manager Butch Antonio na siyang ibinigay niya kay Beau noong awarding
ceremonies last August11 ay nagsilbing validation ng respeto na kanyang nakamit
dahil sa kanyang street tough ways. “Talagang mahal ko ‘yong basketball.Very
passionate ako pagdating sa basketball. Hindi ko papayagan na itong puwesto ko
ngayon may umagaw sa akin,” said Belga. “Talagang nagtatayo ako ng pondasypn.
Ang basketball sa akin talagang ito na ang buhay ko.”

145
24.
Angat na, nag-alala pa!
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedFebruary 20, 2010 - 12:00am

Noong Martes ng gabi ay hindi daw nakatulog nang maayos si Alaska Milk
coach Tim Cone sa kabila ng pangyayaring angat ang Aces kontra sa Barangay
Ginebra, 3-0 sa kanilang best-of-seven semifinals series sa KFC PBA Philippine
Cup.

Kung tutuusin ay dapat na medyo mahimbing ang tulog niya kumpara kay
Gin Kings coach Joseph Uichico. Kasi nga’y may apat na tsansa ang Aces na
makarating sa Finals pero ang Barangay Ginebra ay nahaharap na sa sudden-death
situation. Apat na beses nitong dapat na talunin ang Aces. One miss, you die ang
sitwasyon.

Pero hayun nga at alumpihit pa rin si Cone. Kinausap daw niya ang kanyang
maybahay na si Cristina at sinabing sa haba ng panahong inilagi niya bilang coach
sa PBA ay marami na siyang nasaksihang pangyayaring nakakagulat. Marami na
siyang nasaksihang comebacks.

Katunayan, ilang beses na ngang nabiktima ang Alaska Milk ng masasaklap


na pangyayaring ito. Dalawang beses nga silang nasilat ng Purefoods sa best-of-five
serye kung saan nagawa ng Aces na makapagposte ng 2-0 abante. Natalo sila sa
huling tatlong games at umuwing luhaan.

So, iyon ang bumabagabag kay Cone.

Paano kung maulit iyon?

Kasi nga naman, kumpara sa Purefoods, iba ang tradisyon ng Barangay


Ginebra. Hindi nga ba’t ang Gin Kings ang siyang tinaguriang “never-say-die” team
ng PBA?

E, galing nga ang Gin Kings sa 0-2 pagkakadapa kontra Talk N Text sa
nakaraang quarterfinal round pero nagawa ng tropa ni Uichico na magwagi sa huling
tatlong laro upang matsugi pa ang Tropang Texters.
So, hindi bago para sa Gin Kings ang malagay sa sudden-death situation.
Hindi lang naman noong nakaraang quarterfinals na nangyari ito sa Barangay

146
Ginebra. Kung mayroong koponang kayang makabalik sa napakalaking abante ng
kalaban nito, ito’y walang iba kundi ang Barangay Ginebra!

“Paano kung makaisa ang Barangay Ginebra?”

Iyon ang katanungang bumalibol sa isip ni Cone.

Nag-aalala siya na baka sa isang panalo ng Gin Kings ay magbago na ang


complexion ng serye. Kasi nga naman ay mabubuhayan ng pag-asa ang kanilang
kalaban. More importantly, mabubuhayan ng dugo ang mga fans ng Barangay
Ginebra na siyang “sixth man” ng team. Tiyak na mas maraming fans ang dadagsa
sa playing venue sa Game Five. Tiyak na mas mabigat ang pressure na
mararamdaman ng Aces. Baka maulit na naman ang pagkakasunud-sunod ng mga
kabiguan tulad ng nangyari sa dulo ng elimination round.

Aba’y nagmistulang chess player si Cone ng gabing iyon na ilang moves


ahead ang iniisip.

Kaya sa kanyang pag-iisip ay nasabi niyang kailangang tapusin na niya ang


serye at huwag nang papormahin pa ang Gin Kings.

Ganun nga ang nangyari. Winalis nila ang Barangay Ginebra kinabukasan.

Ang siste’y binigyan lang talaga ni Cone ng undue pressure ang kanyang
sarili gayung puwede naman siya ng mag-relax dahil milya na nga ang agwat nila sa
Gin Kings. Patunay lang ito na napaka-intense ni Cone bilangcoach!

147
25.
Ang halaga ni Caguioa
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedApril 29,2013 - 12:00am

Ito’y usapang biruan lang buhat sa ilang kaibigan ko na lubhang nasiyahan


sa panalong naitala ng Barangay Ginebra San Miguel kontra Talk N Text sa Game
One ng kanilang PBA Commisisoner’s Cup best-of-five se-mifinals series noong
Biyernes sa Araneta Coliseum.

Sabi kasi ng isa kong pilyang kaibigan na maka-Ginebra naman ay “Mabuti


pang wala si Mark Caguioa, e. Nananalo ang team ko at nakakarating sa semis!”

Kasi nga naman ay nangyari din ito noong nakaraang season kung saan
nawala nga si Caguioa matapos na magkadiperensya sa mata at umabot naman sa
semifinals ang Ginebra. So, kahit paano’y nabubuhat ng ibang Gin Kings ang
kanilang koponan. Lumalabas ang husay ng ibang players sa pagkawala ni Caguioa.

Pero teka, teka, teka.

Sagot naman ng isa pang kaibigan ko, “Umabot nga sa semis ang Ginebra
noong wala si Caguioa pero hindi sila nakarating sa Finals. Kaya kailangan pa rin
nila si Caguioa.”

Well, ganoon nga ang nangyari. Kasi nga’y mahirap naman na pumasok sa
mas malaki’t matinding giyera ang isang team nang wala ang kanilang number one
player.

Kahit paano’y mararamdaman nila ang bigat ng pagkawalang iyon.

Kaya nga maganda ang nangyaring tinalo ng Gin Kings ang Tropang Texters
sa Game One. Ibig sabihin, the best na pwedeng gawin ng Tropang Texters ay ang
maitabla ang serye, 1-all kung sila ay nagwagi kagabi.

At kung nangyari to, aba’y magkakaroon ng mahabang panahon si Caguioa


na gumaling buhat sa kanyang injury at makabalik sa Game Three na itinakda sa
Mayo 8.

148
E paano pa kung nagwagi ang Gin Kings sa Game Two at nakapagtala ng 2-
0 kalamangan kontra Talk N Text? E di puwedeng ipahinga pa rin si Caguioa sa
Game Three.

Ang tanong lang kasi diyan ay ito: Kung sakaling makarating ang Gin Kings
sa Finals nang wala si Caguioa, puwede pa rin bang maging contender ang
manlalarong tinaguriang “The Spark” para sa Most Valuable Player award?

Kasi nga, kahit paano’y gusto rin ni Caguioa na magsabay ang MVP at
kampeonato para sa kanya. Noon kasing nakaraang season ay naging MVP si
Caguioa kahit na hindi nakarating sa Finals ng alinman sa tatlong conferences ang
Gin Kings.

Sa totoo lang, first time ito sa history ng PBA. First time na ang MVP ay
nanggaling sa team na hindi naging finalist sa isang season.

So, parang may kulang.

At iyon ang gustong punan ni Caguioa ngayon. Iyon ang ipinangako niya sa
mga fans ng Ginebra matapos na makamtan niya ang MVP award.

So, sa palagay ko at ng mga kaibigan ko, kung makakarating ang Gin Kings
sa Finals, pipilitin na ni Caguioa na maglaro kahit na ano pa ang nararamdaman
niya. Sa totoo lang, baka nga kagabi lang ay puwede na siyang maglaro, e. Hindi
lang siya pinupuwersa ni Coach Alfrancis Chua.

Kumbaga’y tinitiyaga ng mga kakampi niya ang sitwasyong wala siya upang
sa kanyang pagbabalik ay 100 percent healthy na siya at mas malaki ang ma-
itutulong niya.

Definitely, kailangan pa rin ng Barangay Ginebra San Miguel ang presence ni


Caguioa sa hardcourt.

149
26.
Mahalagang leksyon
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedAugust 14, 2010 - 12:00am

Malaki ang epekto ng 64-63 panalong itinala ng Adamson Falcons kontra sa


Far Eastern University Tamaraws noong Huwebes sa 73rd University Athletic
Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament.

Kasi, sigurado na ngayong magkakaroon ng Final Four phase ang torneo


kung saan sa pagtatapos ng double round eliminations ay maghaharap ang No.1 at
No. 4 at magtutunggali ang No. 2 at No. 3. May twice-to-beat advantage ang No. 1 at
No. 2.

Kasi nga, kung nagpatuloy sa pananalasa ang FEU Tamaraws at


nakakumpleto sila ng 14-0 sweep ng elims diretso na sila sa championship round.
Magkakaroon ng stepladder na proseso na katatampukan ng No. 2, No. 3 at No. 4
upang madetermina kung sino ang makakatagpo ng Tamaraws sa best-of-three
Finals.

Nagbida para sa Falcons si Eric Camson na nag-follow up sa mintis ni Alex


Nuyles sa huling dalawang segundo ng laro upang maitala ng Adamson ang ikaanim
na panalo sa walong games.

Statement win din iyon para sa Falcons. Sabi nga ni Coach Leovino Austria,
bago daw nagsimula ang laro’y marami ang tumutuligsa sa kanila bilang isang
koponang kumukulapso sa dulo.

“This proves that we can be steady in the endgame,” ani Austria na siyang
tanging coach na nakapaghatid sa Falcons sa Final Four.

Ngayon, dahil sa panalo kontra sa Tamaraws, hindi lang marahil Final Four
ang tinatarget ni Austria at ng Falcons. Nakatuon na marahil ang kanilang pansin sa
isang championship appearance na matagal-tagal na rin namang hindi nangyayari.

Pero alam ni Austria na ibayong trabaho ang kailangan nilang gawin. Kasi
nga, hindi lang naman ang Tamaraws ang siyang delikadong kalaban. Nagsisimula
pa lang ang second round at lahat ng teams, kasama na ang nangungulelat na

150
University of the Philippines Fighting Maroons ay may tsansa pa’ng makarating sa
Final Four.

Subalit hindi maitatatwang nagpapasalamat sa Adamson ang ilang teams sa


pagkakasilat nila sa Tamaraws. Kasi nga, medyo nabawasan ang pressure at dumali
kahit paano ang ruta.

Sa panig ng Tamaraws, bagamat nalulungkot silang hindi napanatiling


malinis ang kanilang record, marahil ay iniisip din nilang “blessing” ang pagkatalo
nila sa Falcons. At least, nangyari ito sa simula pa lang ng second round at may
anim na games pa’ng natitira kung saan puwedeng gumawa ng adjustments si
coach Glenn Capacio.

Ilang beses na rin namang muntik na masilat ang Tamaraws sa first


round. Nahirapan sila bago napayuko ang two-time defending champion Ateneo
Blue Eagles, 72-69 noong Hulyo 11. Pagkatapos ay dumaan pa sila sa overtime
bago tinalo ang host Dela Salle Green Archers, 84-80 noong Hulyo 29.

Kahit paano’y parang nabunutan din ng tinik ang Tamaraws. Mahirap din kasi
yung bukod sa pagtugis sa kampeonato ay may iba ka pang iniisip gaya ng pag-
papanatili ng isang winning streak.

Para na ring wake-up call sa Tamaraws ang nangyari.

Oo’t malakas sila at pre-tournament favorites. Pero puwede silang masilat


kung magkukumpiyansa sila.

Iyon ang lesson na natutunan nila sa Falcons!

151
27.
Exciting ang 89th NCAA
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| Updated June 24, 2013 - 12:00 am
Hinalaw January 29, 2016, mula sa www.philstar.com:
http://www.philstar.com/psn-palaro/2013/06/24/957382/exciting-ang-89th-ncaa

Expected naman sa opening day ng 89th National Collegiate Athletic


Association (NCAA) noong Sabado na mamamayagpag ang San Beda Red Lions at
Letran Knights kontra sa kanilang mga katunggali.

Silang dalawa ang naglaban sa best-of-three Finals ng nakaraang season.


Kapwa maraming beteranong naiwan sa koponan kung kaya’t kahit na kapwa bago
ang kanilang coaches ay walang gaanong problema.

At hindi naman basta-basta ang kanilang coaches.

Ang Red Lions, na naghahangad ng ikaapat na sunod na titulo, ay


ginagabayan ngayon ni Boyet Fernandez na humalili kay Ronnie Magsanoc. Ang
Knights ay hawak ni Caloy Garcia na pumalit naman kay Louie Alas.

Katunggali ng San Beda ang host College of Saint Benilde na hawak ngayon
ni Gabby Velasco na pumalit kay Richard del Rosario. Maraming nawala sa poder ng
Blazers at kabilang doon si Dan Carlo Lastimosa na siyang leading scorer nila noong
nakaraang season.

Kalaban naman ng Letran ang San Sebastian Stags na apat na beses nilang
tinalo noong nakaraang season.

Biruin mong noong isang taon ay nandoon sina Calvin Abueva, Ian
Sangalang at Ronald Pascual pero hindi nakaporma ang Stags sa Knights. E wala
na ang tatlong ito sa kasalukuyang line-up ng San Sebastian na binubuo ng limang
beterano at sampung rookies.

Kaya nga sinabi ni Coach Topex Robinson na dehado sila ngayon. Si


Robinson ay nagbalik bilang coach ng SSC matapos na magbitiw sa kalagitnaan ng
nakaraang season at pansamantalang hinalinhan ni Allan Trinidad.
So, talagang llamado ang Red Lions at Knights noong Sabado.

At nagwagi nga ang dalawang koponang ito.

152
Pero hindi convincing ang naging panalo nila.

Naungusan ng Red Lions ang Blazers, 71-70 sa pamamagitan ng game-


winning lay-up ni Arthur dela Cruz sa alley-loop pass ni Rome dela Rosa sa huling
3.7 segundo.

Kinabahan ang Red Lions nang mapalis ng Blazers ang 15 puntos na abante
nila at lumamang pa 70-69 sa isang three-point shot ng rookie na si Fons Saavedra
sa huling 4.8 segundo.

Tinalo naman ng Letran ang San Sebastian, 74-69 matapos na tumukod ang
Stags sa dulo. Nakabalik kasi ang Stags sa 13 puntos na abante ng Knights at
nakatabla, 61-all sa huling pitong minuto ng laro.

Isa lang ang ibig sabihin ng mga resultang ito, e. Hindi nakaseseguro ang
Letran at San Beda na mauulit ang kanilang pagkikita sa Finals sa kasalukuyang
season.

Kasi, inaasahang gaganda pa ang takbo ng Saint Benilde at San Sebastian


sa pagpapatuloy ng kanilang mga laro. Kumbaga’y they can only get better.

May anim na iba pang koponan ang naghahangad na makarating din sa Final
Four at pumigil sa arangkada ng San Beda.

Mukhang very interesting ang 89thseason ng NCAA.

153
28.
Pong, Hindi Pagong
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedMay 31, 2010 - 12:00 am

Nakakantiyawan ng mga pilyo si Pong Escobal at inihahalintulad sa character


ng dating educational show na “Batibot” and kanyang career sa Philippine Basetball
Association.

Dahil sa bagal ng pag-usad ng kanyang professional career ay para daw


siyang si “Pong Pagong.”

Well, tila nga ganoon ang nangyayari kay Escobal.

Kasi nga’y ikalawang season na niya ito sa PBA pero hindi niya makuhang
magningning.

Subalit ito’y hindi dahil sa kawalan niya ng talent.

Mahusay na manlalaro si Escobal at lahat naman ng basketball fans ay


nakatunghay sa kanyang exploits noong naglalaro pa siya sa San Beda Red Lions
na nagkampeon sa senior division ng National Collegiate Athletic Assocation.

Ang problema nga lang ay napunta siya sa isang koponang “loaded with
talent’.

Isa siya sa apat na rookies na kinuha ng Talk N Text noong nakaraang


season– ang iba’y sina Jared Dilinger, Jason Castro at Rob Reyes. At sa apat na
baguhan, siya ang pinakahuling kinuha ng Tropang Texters sa draft.Point guard si
Escobal at siyempre, under study siya ni Jimmy Alapag. Eh, iyon din ang pusisyon ni
Castro na naglaro bilang import sa Singapore Slingers. So, bale third guard sa
rotation si Escobal.

Kaya naman sa kabuuan ng kanyang unang season sa PBA ay 11 games


lang ang nalaro ni Escobal. Paminsan-minsan lang siya nagamit ni Coach Vincent
“Chot” Reyes.

At halos ganoon pa rin ang naging trato sa kanya sa simula ng kanyang


ikalawang season sa PBA. Wala ring pagbabago. Para ngang nabawasan pa lalo
ang kanyang playing time.

154
Kaya nga hindi kataka-takang ipinamigay siya ng TalkN Text sa Sta. Lucia
Realty kasama nina Ali Peek at Nic Belasco kapalit nina Kelly Willliams, Ryan Reyes
at Charles Waters. At tila dito na magsisimulang bumangon ang career ni Escobal.

Kasi nga, tiyak na gagamitin siya nang husto ni SLR coach Teodorico
Fernandez III dahil sa kulang sa point guard ang Realtors. Hayun at laban sa San
Miguel Beer noong Sabado ay naging mahaba ang kanyang playing time. Gumawa
siya ng 14 puntos pero natalo ang Realtors, 91-84.

Okay na rin iyon dahil nasa “rebuilding stage” ang Sta. Lucia. Si Escobal ay
magsisilbing malaking bahagi ng stage na ito dahil bata pa siya.

Kasama niya sa backcourt ng Sta. Lucia ang mga rookes na sina Joshua
Urbiztondo at Chris Ross. So, ibig sabihin ay mas beterano siya sa mga ito.
Kumbaga sa “succession,” una si Escobal. Kaya tiyak na siya ang pupuntahan ni
Fernandez.

Ang maganda nito’y alam ng lahat na si Fernandez ay isang mahusay na


point guard noong active pa siyang manlalaro. Bilang isang coach, si Fernandez ay
umaasa nang husto sa point guard dahil alam niyang extension niya ito sa hardcourt.

So, kung magpapakita ng consistency at steadiness si Escobal ay tiyak na


patuloy siyang pagkakatiwalaan ni Fernandez.

Hindi man naging maganda ang umpisa ng kanyang PBA career, hindi ito
nangangahulugang walang mararating si Escobal.

Better late than never, hindi ba?

155
29.
Paghandaan Ang Wild Card
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedJune 8, 2010 - 12:00 am

Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.

Well, para sa Air21 Express, ang prusisyon ay tumuloy kay Leroy


Hickerson!

Sa wakas ay dumating si Hickerson at nakapaglaro para sa Expess


noong Biyernes upang tulungan ang kanyang koponan na maungusan ang
Coca-Cola Tigers,104-102. Bunga nito’y umakyat sa ikasiyam na puwesto
ang Express sa record na 3-11. Nalampasan na nila ang Barako Coffee na
bumagsak naman sa 2-12.

Sa mahabang panahon kasi sa torneo ay nangulelat ang Express at


maraming nangamba na baka sila ang unang koponang ma-tsugi sa
pagtatapos ng double round eliminations ng PBA Fiesta Conference.

Aba’y ang unang dalawang panalong naitala nila sa torneo ay kontra


sa iisang koponan – ang Barako Coffee. At hirap na hirap pa sila bago nila
naidispatsa ang kalabang ito na itinuturing na may pinakamahinang line-up.

Pero matapos ang panalo sa Tigers ay medyo naibsan ang pressure


sa balikat ng Express at ni Coach Joseller “Yeng” Guiao. Kasi, may one
gamelead sila sa Energy Coffee Masters. Para magtabla sila’y kailangang
magwagi ng isang laro ang Barako Coffee at matalo sila nang minsan sa mga
natitirang games.

So, ngayon ay nais na lang patatagin ng Express ang kanilang


kinalalagyan at paghandaan na lang nila ang dalawang knockout game sa
wild card phase. Hindi na rin kasi nila masusungkit ang isa sa tatlong
automatic quarterfinals berths dahil hindi na sila aabot sa walong panalo.

Tuloy ay maraming nanghihinayang sa “late arrival” ni Hickerson.

156
Kasi, siya naman talaga ang original choice ng Air21. Dumating na
siya sa bansa noon at nakasama pa nga ng Express sa ilang tune-up games.
Kaso mo’y umuwi muna siya saglit sa Estados Unidos at doon ay nasangkot
siya sa isang “vehicular accident” at nagtamo ng injury. Hindi tuloy siya
nakabalik kaagad sa Pilipinas para nakasama ng Express sa simula ng Fiesta
Conference.

Dahil dito’y kinuha ng Express si Keena Young na hinahalinhan ni


Jason Forte na pinalitan din ni Reggie Larry.

Ang akala ng karamihan ay okay si Larry na dati ring prospect ng


Purefoods Tender Juicy Giants (ngayo’y B-Meg DerbyAce) noong nakaraang
season. Nakipag-ensayo na si Larry sa Purefoods pero nagtamo din itong
injury at umuwi. Naging available ito at kinuha nga ng Express subalit hindi pa
rin nagbago ang kanilang kapalaran.

At ngayon nga’y nandito na si Hickerson.

Ang 28-taong gulang na si Hickerson ay produkto ng Cumberland


University sa Tennessee na naglaro sa Trans South Athletic Conference.

Huli siyang naglaro sa Atleticos de San German sa Puerto Rican


league kung saan nag-average siya ng 20.1 puntos, 6.6 rebounds, 3.3 assists
at1.1steals sa 23 games. Bago ito ay naglaro din siya sa Pioneros de
Quintana Roo-Cancun sa Mexico noong 2009 kung saan nag-average siya
ng 22.3 puntos, 5.3 rebounds, 3.4 assists at isang steal sa 52 games. Dito’y
pinarangalan din siyang All-Mexican LNBP Player of the Year ng
Latinbasket.com.

Well, huli man daw at magaling, sanay hindi huli ang lahat para sa
Express! Hehehe!

157
30.
Dinastiya ng San Beda
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedOctober 1, 2007 - 12:00am

Mukhang matagal-tagal pa’ng maghahari ang San Beda Red Lions sa


National Collegiate Athletic Association matapos na back-to-back championships
noong Miyerkules.

Impresibo ang naging panalo ng Red Lions kontra sa Letran Knights na


winalis nila, 2-0 sa best-of-three Finals ng 83rd NCAA men’s basketball tournament.
Noong nakaraang season ay dumaan sila sa butas ng karayom bago nadaig ang
Philippine Christian University, 2-1 sa Finals para wakasan ang taong paghihintay sa
susunod nilang kampeonato.

So parang nakumpleto na ni Lim ang cycle buhat sa winning player tungo sa


winning coach.

Kasi nga, bago nanalo sa PCU, huling nagkampeon ang San Beda noong
1978 kung kailan sina Frankie Lim pa ang mga manlalaro ng Red Lions Si Lim ang
siyang gumiya sa Red Lions sa taong ito matapos na halinhan si Koy Banal na
siyang winning coach noong nakaraang season.

Marami ang nagsasabing kaya naman nagkamepon ang San Beda ay dahil
sa 6’8 Nigerian center na si Samuel Ekwe sa siyang Rookie of the Year at Most
Valuable Player noong nakaraang taon.

Puwede sanang back-to-back MVP din si Ekwe pero hindi ito nangyari dahil
sa nasuspindi siya ng isang laro sa umpisa ng season. Pero hindi maitatatwa na
kung noong 50’s ay si Caloy Loyzaga ang “Big Difference” para sa San Beda, ang
titulong iyon ay hawak na ni Ekwe!

Pero siyempre, marami din ang nagsasabing magkaiba naman sina Loyzaga
at Ekwe. Pinoy si Loyzaga at Nigerian si Ekwe. Kumbaga’y import si Ekwe, e.

Hindi naman iyong bawal sa NCAA. Kasi nga, basta’t enrolled ang isang
foreigner sa isang eskwelahang miyembro ng NCAA ay puwede siyang maglaro.

158
Biruin mong dalawa ang magiging higante ng San Beda. Mahirap buwagin
ang gitna nila. Parang hindi nila mamimiss si Yousif Aljamal na nakatapos na ng
playing years nila sa NCAA at maglalaro na sa Talk N Text sa PBA.

Well, gaya nga ng nasabi natin, hindi naman bawal na maglaro ang mga
foreigners sa NCAA. Hindi lang naman sa basketball ito nangyayari kungdi sa mga
ibang events gaya ng football at table tennis kung saan mga Chinese, Thais at iba-
iba pang nationalities ang nakapaglalaro. Masyado nga lang natututukan ang
basketball kaya nagiging isyu ang paglalaro nina Ekwe at Udo.

Pero siyempre, mag-iisip na rin ang mga ibang teams na kalahok sa NCAA
kung paano nila mapapatunayan ang lakas ng San Beda. Natural na hahangarin din
nilang kumuha ng mga foreign studentsna puwedeng maglaro.

Kapag nangyari iyon, kawawa naman ang mga homegrown talents dahil sa
tiyak na supporting cast na lang ang kalalabasan nila.

So, walang nilalabag na rules ang San Beda sa paglalalaro ng foreigners.


Pero kapag sumunod ang ibang eskuwelahan at abusuhin ito, baka masira nang
tuluyan ang NCAA!

159
31.
Papaspas ang Express
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedOctober 8, 2007 - 12:00 am

Marahil ay dadaanin na lang talaga ng Air 21 sa santong paspasan ang laban


sa 2007-08 season ng PBA.

Ito’y bunga ng pangyayaring tanging si Homer Se ang legitimate center na


natira sa kanilang poder. Sabihin na nating na-retain pa rin sina Ryan Bernardo at
Mark Andaya, pero hindi naman dominante na big men ang mga ito.

Kumbaga si Se na lang ang lalaban nang husto sa pagkuha ng rebounds


dahil siya na ang beterano dito.

Malaking bagay sa Air 21 ang pagkawala ni Mark Clemence Telan na


ipinamigay nila sa Coca-Cola Tigers. Kasi nga’y halos double-double ang nito sa
scoring at sa rebounding.

May nagsasabing big men din naman sina JC Intal at Doug Kramer na
nasungkit ng Express sa first round ng Draft pero hindi sila kasingtangkad at kasing
laki ng katawan ng sentro ng ibang teams, puwede din sana nilang mapakinabangan
sa pagkuha ng rebounds ang isa pang first round pick na si Yousif Aljamal subalit
ipinabigay ng Express ang dating San Beda Red Lion sa Talk N Text Phone Pals.

Marahil ay mapipiltan na ngayon si Ranidel de Ocampo na maglaro sa loob


nang mas madalas kaysa sa tumira sa labas upang punan ang pagkukulang ng Air
21 sa rebounds. Kahit paano’y inaasahan ng lahat na mag-improve ang game ni De
Ocampo pagkatapos na maging bahagi ito ng National Team na naghanda para sa
2007 FIBA Asia Men’s championship bagamat hindi siya napasama sa official line-up
sa Tokushima, Japan.

Pero kahit na ganito ang pangyayari sa Air 21, marami pa rin ang
nagsasabing hindi sila pwedeng balewalain ng siyam na iba pang teams na kalahok
na torneo, kasi nga, sanay namang sumabak sa giyera ang Express kahit na
nakukulangan sila sa sandatang matindi. Iba rin ang pusong ipinapakita nila. At iba
rin ang nagiging pagiya sa kanila nila coach Dolreich “Bo” Perasol na siya pa ring

160
magiging head coach nila matapos na hindi na makuha ng Air 21 si Robert Jaworski,
Sr.

At saka kahit na medyo maliit ang mga players ng Air 21, aba’y high-leapers
at very athletic ang mga ito. Nandiyan pa naman ang mga tulad nina Arwind Santos
at Nino Canaleta na manipis ngunit matinding uniskor at kumuha ng bola.

Kahit na sinong ibang coaches ang tanungin mo, tiyak na sasabihin nilang
kinatatakutan pa rin nila ang Air 21 dahil sa napaka-unpredictable ng Express.

Kumbaga, tuwing papasok ng hard court ang Air 21, laban lang nang laban
ang Express na parang walang pressure. Yun ang maganda sa kanila e dahil palagi
silang underdog, buong-buo ang kanilang konsentrasyon. Kapag natalo sila, okay
lang. Kapag nakasilat naman sila, aba’y mas maraming umiyak!

161
32.
Mahuhusay na Baguhan
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| Updated October 11, 2008 - 12:00 am

Matitindi ang mga rookies sa 34th season ng Philippine Basketball


Association!

Hindi nga ba’t si Solomon Mercado ng Rain or Shine ang pinarangalang


kauna-unahang Player of the Week ng PBA Press Corps matapos na gumawa siya
ng 29 puntos upang igiya ang Elasto Painters sa 120-102 panalo kontra sa Air 21
Express noong Linggo. lyon ang pinakamalaking score ng isang rookie buhat noong
panahon ni Paul Asi Taulava.

At siyempre, dahil doon ay tiyak na pagtutuunan na siya ng depensa ng mga


susunod na makakalaban ng Elasto Painters.

Suwerte din ng Rain or Shine dahil nakuha nila si Mercado at Eddie Laure sa
Alaska Milk kapalit ni Joe Calvin De-Vance bago nagsimula ang KFC PBA Philippine
Cup. Si Mercado, na naglaro sa Harbour Centre sa PBL, ay fifth pick overall sa Draft.

Malamang na isa ulit rookie ang rnapili ng PBA Press Corps bilang Player of
the Week sa susunod na linggo at itoy si Jared Dillinger ng Talk N Texl. Aba'y
dalawang sunod na laro nang maganda ang ipinakikita ng bagong manlalarong ito
ng Tropang Texters.

Sa kanyang pro debut noong opening day, si Dillinger ay nagtala ng 15


punlos, anim na rebounds, tatlong assists, isang steal at isang blocked shot sa 34
minulo upang tulungan ang Tropang Texters na manaig kontra Coca-Cola Tigers,
98-97.

Noong Huwebes, si Dillinger ay gumawa ng 23 puntos atanim na rebounds


upang pangunahan ang Talk N Text sa come-from-behind, 112-101 panalo laban sa
Air 21 Express.

162
Si Dillinger, na second pick overall sa Draft, at may height 6'4 1/2 at timbang
na 199 lbs. Siya ay ipinanganak sa Rapid City, South Dakota noong Enero 6, 1984.
Ang kanyang inang si Gemma Bautista-Dillinger ay tubong San Carlos Cily,
Pangasinan. Naglaro siya sa Air Force Academy al University of Hawaii.

Isa siya sa apat na rookies ng Tropang Texters. Ang iba ay sina Jason
Castro, Rob Reyes at Pong Escobal.

Bagamat isang baguhan ay kitang-kita na si Dillinger ay isa sa pambato ng


Tropang Texters al napakalaki ng tiwala sa kanya ni Coach Chot Reyes.

Ngayong pumutok na sina Mercado at Dillinger natural na hinahangad ng


number one pick overall na si Gabe Norwood na patunayang kaya niyang higilan ang
nagawa ng dalawang rookies at karapat-dapat talaga siyang maging "valediclorian
ng Class of '08."

Ngayon pa lamang, inaasahang magiging maganda ang labanan para sa


Rookie of the Year award!

163
33.
Learning Experience
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| Updated August 23, 2008 - 12:00 am

Pinatikim lang ang Air 21 Express kung paano nga ba maglaro sa isang best-
of-seven serye para sa kampeonato sa Philippine Basketball Association.

So, kahit na nabigo ang Express na maibulsa ang kauna-unahang


kampeonato buhat nang maging miyembro ng PBA noong 2002, atleast nadagdagan
ang kanilang karanasan. Hindi na sila maituturing na “first timers.”

At marahil, hindi naman ito magiging first and last time na aabot sila sa
championship round.

Ang pagsegunda nila sa Barangay Ginebra ay magsisilbing isang


napakalaking hamon hindi lang kay Coach Dolreich “Bo”Perasol kundi sa buong
pamunuan ng Air 21 na magsumigasig pa sa mga susunod na torneo ng PBA sa
hangaring magkampeon na rin.

Sa tutoo lang, pakiramdam nga ng karamihan ay malaking achievement na


para saAir 21 yung nakarating ito sa Finals kung ikukunsiderang napakarami ng mga
players ang kanilang ipinamigay. Hindi nga ba’t galing sa kanila ang mga tulad nina
Renren Ritualo, Mark Cardona, Anthony Washington, Yancy de Ocampo, Mark
Pingris at Ronald Tubid na naging co-Best Player of the Finals kasama si Erik Menk?

Aba’y napakatindi namang pagbabalasa ang nagawa ng management ng Air


21! Ipinamigay nito ang mga star players at nakapagbuo pa rin ng isang competitive
team. Doon ka bibilib sa Air 21, hindi ba?

E, yung ibang mga teams nga kuha nang kuha ng mga star players sa
hangaring magkampeon pero hindi man lang umabot ng quarterfinals o semifinals.

Subalit heto ang isang team na pamigay ng pamigay ng players pero


nananatiling competitive. At nakarating pa ng Finalsng Fiesta Conference. Hindi nga
ba’t nasungkit pa ng Air 21 ang unang automatic semifinals berth matapos na
manguna sa elimination round.

164
So, kumbaga’y ipinakita nang Air 21 kung paano talaga mag-assemble ng
competititve team sa PBA.

Ngayong nakarating na sila sa Finals subalit natalo nga sa Barangay


Ginebra, hindi na sila memenusin pa ng ibang teams o ng ibang mga fans. Alam na
ng lahat ang kakayahan ng Express.

Heto pa ang siste, kapag tinignan mo ang prospects ng Air 21 sa Draft ng


susunod na apat na taon, makikitang sangkatutak ang first round picks ng Express.
Ito’y resulta ng mga trades na kinasangkutan nila matapos ipamigay ang mga
premyadong players.

Kumbaga’y solid na solid ang future ng Air 21 dahil siguradong makakakuha


sila ng mga outstanding amateurs sa mga susunod na taon.

Hindi nga malayong magkampeon ang Air 21 sa mga darating na


conferences!

165
34.
Hindi Dapat Magmadali
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| Updated March 30, 2009 - 12:00 am

Okay na rin ang pangyayaring walang naturalized player na nakasama ang


Smart-Gilas Philippine team sa trip nito sa Serbia kung saan magpapatuloy sa pag-
eensayo at makikipaglaro ito kontra sa top team ng division one at dalawang iba
pang koponan.

At least ay magkakaroon ng sapat na panahon para sa bonding ang mga


manlalaro sa ilalim ni Coach Rajko Toroman. Mahahasa sila nang husto dahil wala
silang aasahang foreigner sa kanilang mga laban. Sila-sila lang ang
makikipagduwelo sa tiyak na mas malalaking makakatunggali.

Mas maganda iyon, hindi ba? Kasi'y lalabas ang tunay nilang galing.

Okay lang kung sakaling matalo sila sa mga Serbians. Kahit paano'y
expected iyon. Ngayon pa lang naman nagkakasama ang mga miyembro ng RP
Team. Mga collegiate standouts ang mga ito at hindi narnan mga pros.

Kumbaga'y experience lang naman ang habol nila doon. Kasi nga, ang tunay
nilang punlirya ay ang rnakabalik sa Olympic Games sa 2012 na gaganapin sa
London.

lyon din sana ang layunin ng all-pro team na iginiya ni Coach Vincent "Chot"
Reyes dalawang laon na ang nakalilipas. Mahabang panahon ang ginugol ni Reyes
at ng PBA sa paghahanda para sana makapaglaro sa Beijing Olympics noong
nakaraang taon.

Nag-training ang team sa Estados Unidos at sa Europe. Naglaro din ito sa


Jones Cup. Pero nang lumahok na ito sa FIBA Asia men's championship na siyang
qualitying tournament para sa Beijing Olympics ay nadiskaril ito.

Natural na marami ang nanghinayang sa nangyari sa RP team na iyon.

Kaya naman iba ang approach ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ngayon.


Isang all-amateur team ang sinasanay ng isang foreign coach para matupad ang
ambisyong rnakabalik sa Olympics.

166
Mahaba ang prosesong ito. Biruin mong 2009 pa lang ngayon at sa 2012 pa
ang target.

Okay lang ito.

Kasi nga'y ginagawa ito ng mga ibang bansa na kung tutuusin ay mas
malalakas kaysa sa atin at mas malawak ang base na pagkukunan ng mga
manlalaro.

Long overdue na ang ganitong klaseng programa.

At siyempre pa, kasama sa programa ang pagkuha ng isang naturalized


player.

Dumating sa bansa noong nakaraang linggo si Chris Taft na dating manlalaro


ng Golden State Warriors. Ito ang unang prospect ng SBP para sa naturalization.
Kasi nga, payag naman ang FIBA, na siyang governing body ng basketball sa
mundo na maglagay ng isang naturalized player sa line-up.

Pero hindi pumasa si Taft sa pagsusuri ni Toroman at pinauwi na lang ito.

Hindi naman nagmamadali ang SBP, e.

Marami pa'ng iba'ng puwedeng kilatisin at gawing naturalized player.

Baka kapag nagmadali sa pagkuha ng foreigner na idadagdag sa team ay


magkamali pa at imbes na makatulong ito'y maging pabigat.

Nais lang ng SBP na makasegurong hindi ito matatanso!

Sa ngayon, mga locals muna ang siyang sasanayin nang husto.

167
35.
RULES ARE RULES!
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedJanuary 23, 2010 - 12:00 am

Wala naman palang protesta!

Ito ang nilinaw ni Robert Non, representative to the PBA Board of Governors
ng San Miguel hinggil sa controversial na out-of-town game sa pagitan ng Beermen
at Talk N Text noong Sabado sa Zamboanga City.

Point of clarification lang at paglilinaw ng rules ng liga ang hiningi ni Non sa


mga kasama niya sa PBA Board at pati na rin kay Commissioner Renauld “Sonny”
Barrios.

Noon kasing Sabado ay na-delay ng isang oras ang laro ng Beermen at


Tropang Texters. Imbes na alas-singko ay alas-sais ito nagsimula. Ito’y bunga ng
pangyayaring mali ang kulay ng unipormeng nadala ng Talk N Text. Asul at hindi puti
ang unipormeng nabitbit nila sa kabila ng pangyayaring malinaw sa schedule na light
colored dapat ang kanilang isuot.

Binigyan ng isang oras na grace period ni Barrios ang Tropang Texters


upang maisuot ang tamang uniporme. Dumating naman ang uniporme buhat sa
Maynila bagamat nagkaroon din ng delay sa eroplano.

May teknikalidad dito, e.

Paano kung sa kabila ng pagbibigay ng isang oras na grace period ni Barrios


ay hindi pa rin nakarating ang uniporme? Ano ang kahihinatnan ng laro?

Sa kasaysayan ng PBA, hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ang


ganito.

Noong 1977, sa ikatlong season ng PBA, na-forfeit ang game ng Presto


kontra sa Emtex Brazil sa Invitationals. ito’y nang sumipot sa game ang Presto na
mali ang suot na uniporme. Binigyan ni Leopoldo Prieto, na noo’y commissioner ng
liga, ng 15-minute grace period ang Presto upang i-produce ang tamang uniporme.

168
Nang hindi dumating ang uniporme ay itinuloy pa rin anggame subalit bago
nag-umpisa ito’y panalo na ang Emtex Brazil on grounds of forfeiture.Actually,
dumating ang tamang uniporme bago nagsimula ang second half at nagpalit na ang
mga manlalaro ng Presto. Nagwagi ang Emtex Brazil kung kaya’t hindi na rin
lumabas na won by forfeiture. Kung ang Presto ang nanalo, hindi mai-credit sa kanila
ang panalo at sa Emtex Brazil ito ibibigay.

In effect, walang kontrobersyang nangyari.

Pero sa Zamboanga City ay nagwagi ang Talk N Text nang makabuslo ng


lay-up si Jimmy Alapag sa huling segundo. At dumating naman ang uniporme bago
natapos ang one-hour grace period.

So, medyo may gray area. Pero walang protesta.

Paglilinaw lang sa rules ng liga ang pakay ng San Miguel.

Kasi nga, ang PBA ang pinakasikat na liga sa bansa. Kung ‘yung mga inter-
barangay, inter-company at iba pa’ng maliliit na torneo ay may rules hinggil sa hindi
pagsusuot ng tamang uniporme at sa kaakibat na forfeiture bunga nito, aba’y dapat
na mas malinaw ang rule na ito sa PBA.

169
36.
Bakbakan, Hindi Tawanan
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedFebruary 26, 2012 - 12:00am

Hindi ako masyadong natuwa nang makita ko si Manny Pacquiao na


nakikipagtawanan kay Timothy Bradley ng sila ay pinagharap sa itaas ng stage sa
New York City sa kanilang press tour para sa nalalapit nilang laban.

Ang sana’y inaasahan ng tao ng sila ay magharap ay magsusukatan ang


dalawang boxers, magtitigan na halos magkadikit ang mga ilong at ipakita sa mundo
na kayang-kaya nila ang isa’t isa sa kanilang laban sa June 9.

Sa halip, nagtawanan sila matapos ang titigan. Tila mga batang naglalaro sa
itaas ng stage. Humiram pa si Pacquiao ng camera sa isang photographer na nasa
harap nila at nagsimulang kunan ng pictures ang Amerikanong si Bradley.

Nag-pose naman ng nagpa-cute si Bradley sa harap ng camera at habang


pinapakita ni Pacquiao ang mga kuha niya, sila ay nagtawanan. Masyadong mabait
sa isa’t isa ang dalawa, masyadong friendly, masyadong panatag.

Noong huling gawin ito ni Pacquiao sa kanyang kalaban, hindi maganda ang
naging resulta sa loob ng ring. Ganito rin si Pacquiao kay Joshua Clottey at ganito
rin siya laban kay Shane Mosley.

Alam natin ang kinalabasan. Parehong tumakbo at umiwas sa laban sina


Clottey at Mosley, at parang ang hangad lamang ay tapusin ang laban ng nakatayo
upang makapunta sa bangko kinabukasan para ideposito ang kinitang pera.

Sa laban kay Mosley, ilang beses nakita ang dalawang boxers na


nagtatapikan ng gloves matapos ang low blow, headbutt o anumang dahilan. May
instance pa na nagyakapan sila. Hindi ito masyadong nagustuhan ng mga fans.
Nagbayad ang tao para makapanood ng laban sa loob ng ring. Hindi natuwa
ang ilang fans sa loob ng arena ng mapansin nilang sobra na yata ang tapikang
ginagawa ng mga boxers.

Pero nagsabi naman si Bradley na hindi ito ang mangyayari sa kanilang


darating na laban. Sana ay totohanin niya ito dahil tiyak na makakadinig sila sa mga
fans kung uulitin nila sa loob ng ring ang ginawa nila sa New York.

“Don’t mistake my kindness for my weakness,” wika ni Bradley.

170
Sa madali, parang assurance na din ito mula sa undefeated na Amerikano na
mabait lamang siya sa labas ng ring. Ngunit pagtunog ng opening bell, magiging
isang mabangis na hayop.

“I touch gloves in the center of the ring when the fight begins, I don’t touch
gloves during the bout,” sabi ni Bradley.

“I’m here to win, not coming here for a paycheck. I’m going to hurt him, I have
to hurt him, I gotta hurt him. Absolutely, I have to hurt this guy, and get respect from
Pacquiao early. At the end of the night, I feel like I am going to be victorious.”

Ayan at narinig natin na ang intension ni Bradley ay saktan si Pacquiao. Kung


magawa niya ito, tiyak na makakapanood tayo ng magandang laban. Ito ang
aasahan ko pagdating sa laban.

Alam niyo naman si Pacquiao. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan.

171
37.
Marvelous nga ba?
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedJune 8, 2014 - 12:00am

Muling sasampa ng ring ngayong araw na ito si Marvin Sonsona, ang batang
Pinoy boxer na minsan ay naging world champion.
“Marvelous” ang palayaw ni Marvin. Kung seseryosohin lang niya ng husto
ang boxing, bagay na bagay itong itawag sa kanya.
Marami kasi ang nagduda sa kanya dahil sa mga pangyayari nung mga
nakaraan na taon.
Naging WBO super-flyweight champion si Marvin nung 2009 nang talunin
niya si Jose Lopez ng Puerto Rico sa Ontario, Canada.
Sumikat at napag-usapan si Marvin. Maganda ang ipinakita. Nagkaroon siya
ng pera. Kaya lang, mukhang maagang pumasok sa ulo ang kasikatan.
Ibang lifestyle ang pinasok ni Marvin. Dahil bata, halos 20 anyos pa lang,
mahilig sa party. Nakalimutan yata na world champion siya.
Kaya sa sunod niyang laban kay Alejandro Lopez ng Mexico, mahigit
dalawang buwan lang ang nakalipas matapos siyang mag-champion, hindi niya
nakuha ang timbang.
Sa draw natapos ang laban. Tanggal ang titulo sa kanya.
Nasundan ito ng laban niya kay Wilfredo Vasquez Jr. sa Puerto Rico. Olats si
Marvin. Knocked out siya sa fourth round. Tapos ang maliligayang araw.
Ayaw na daw niyang mag-boxing. Halos mag-give up na ang kanyang mga
promoters.
Pero isang araw ay nagising si Marvin sa katotohanan. Bumalik sa training at
muling nag-pursigi. At maaga itong nagbunga ng tatlong dikit na panalo.
Sa Macau, nito lang Pebrero, bumalik ang dating laro niya. Pinatulog niya si
Akifumi Shimoda ng Japan sa loob lang ng three rounds.
Masaya na naman si Marvin.
Ngayong tanghali gaganapin ang rematch nila ni Vasquez sa New York para
sa vacant na NABF featherweight title. Marami ang umaasa kay Marvin. Undercard
siya ni Miguel Cotto at Sergio Martinez.
Sana ay magpakita siya ng maganda.
At matawag muling Marvelous.

172
38.
Pera o bayong?
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedNovember 11, 2015 - 12:00 am

Bilib talaga ako sa diskarte ni Bob Arum, ang promoter ni Manny Pacquiao.
Genius.
Matagal na rin niyang kausap si Amir Khan na pwedeng sunod na makalaban
ni Pacquiao. Ayon sa plano, sa April 9 ito sa MGM Grand sa Las Vegas.
Kahit alam ni Uncle Bob na si Amir ang pinakamagandang laban kay
Pacquiao, exciting at tatauhin, ay hindi niya ito pinapahalata.
Pakipot si Uncle Bob.
Hinintay niya munang lumaban ang mga sarili niyang mga bata sa Top Rank
Promotions na sila Terence Crawford at Timothy Bradley.
Pwede rin kasi labanan ni Pacquiao si Crawford o Bradley.
Kaya ayaw agad ikasa ni Uncle Bob ang laban kay Amir na hindi taga Top
Rank.
At nangyari na ang gustong mangyari ni Uncle Bob. Naging impresibo ang
mga huling panalo ni Crawford at Bradley.
Pintumba ni Crawford, na undefeated sa 28 laban, si Dierry Jean ng Canada.
Knockout naman si Brandon Rios kay Bradley.
Natural, ang sunod na diga ni Uncle Bob ay pwedeng-pwede si Crawford o
Bradley bilang sunod na kalaban ni Pacquiao.
Kulang na lang na sabihin niya kay Amir na “Kapag hindi ka pumayag sa
offer ko sa iyo ay ikaw ang mawawalan.”
Kaya kung ako si Amir, huwag na siya humingi ng pagkalaki-laking premyo
kay Uncle Bob dahil tiyak na tatawad ito.
Kung ako si Amir, papayag na ako sa fair price.
Pera na baka maging bayong pa.

173
39.
Pinoy Pride
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedFebruary 16, 2014 - 12:00 am

Maraming pinahanga si Michael Christian Martinez sa kanyang performance


sa Sochi Winter Olympics.
Isa na tayo rito.
Sa totoo lang, nakakatindig balahibo ang ginawa ng ating pambato sa figure
skating at pati na ang mga experts sa sport na ito ay kanyang pinahanga.
Unang-una, marami ang nagtaka kung paano nagawa ng Pilipinas, isang
bansa na ni sa panaginip ay hindi naman nakakaranas ng snow, ay nakapagsanay
ng isang atleta tulad ni Michael.
Hindi siguro nila alam na sa mga SM Malls katulad ng Mall of Asia, Southmall
at Mega Mall, ay may mga ice rinks tayo kung saan pwede ka mag-skating sa yelo.
Parami nang parami ang nagkakahilig dito at isa ngang magandang
halimbawa si Michael.
Nagpursigi ng husto ang bata na dating hikain. Sa udyok ng kanyang mga
magulang at sa tulong na rin ng mga iba, umabot si Michael sa Olympics.
Nung makalawang gabi, nag-compete siya sa figure skating short program at
maganda ang kanyang ipinakita. Ni minsan hindi siya nalaglag. Dramatic ang
kanyang performance.
Umabot siya sa finals kung saan 24 skaters lang ang nakasali. Pero rito ay
nakaharap na niya ang mga siga sa larangan ng figure skating.
Sumablay ng kaunti si Michael sa finals at tumapos sa 19th place.
Malaking tagumpay na rin ito para sa kanya at sa Pilipinas na ang isang
baguhang katulad niya ay nakapagpakita ng kanyang taglay na galing.
Isipin mo na lang, sa 30 kalahok ay pang 19th siya. Marami siyang tinalo na
skaters mula sa mga bansang may snow. Pinasikat niya ang ating bansa sa Sochi
sa Russia.
Napanganga ang iba sa kanyang kagalingan.
Gaya ng sabi ko, isa na tayo rito.

174
40.
Pacquiao vs Mayweather
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedFebruary 01, 2012 - 12:00 am

Binyagan natin ang kolum na ito sa pagtalakay sa pinakamainit na isyu


ngayon sa sports at ito ay tungkol kay Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Ito
ang laban na pinakaaabangan ng buong mundo. Ito rin ang laban na makapagpatunay
kung sino talaga ang pinakamagaling na boksingero sa mundo ngayon.
Subalit bakit nga ba hindi matuluy-luloy ang laban na ito?

May mga nagsasabi na umiiwas si Mayweather sa laban na ito dahil tila hindi
pa siya handa na itaya ang kanyang record na 42-0 at marahil ay dama niya sa
kanyang kalooban na si Pacquiao lang ang tanging boksingero na may lakas at
kakayahan na tumalo sa kanya.

May mga nagsasabi rin na si Pacquiao ang umiiwas sa laban na ito ngayon
dahil kung hindi siya papalarin ay malaki ang ibababa ng kanyang popularidad at
market value matapos siyang dumaan sa butas ng karayom kay Juan Manuel
Marquez noong nakaraang Nobyembre. Ngunit sa aking pagkakila kay Pacquiao ay
walang siyang inuurungang laban. Ang aking paniwala ay gusto nilang dalawa ang
laban sa dahilan na dito ay kikita sila pareho ng hindi bababa sa $50 million. Money
talks,ika nga.

Marahil ang tunay na problema sa likod ng laban na ito ay sa gawi ng kanilang


mga promoters. Sa panig ni Pacquiao ay nariyan si Top Rank boss Bob Arum at sa
panig naman ni Mayweather ay ang Golden Boy Promotions ni Oscar dela Hoya.
Bagamat di tunay na hawak ng GBP ang promotional rights kay Mayweather ay may
kamay ito sa pag-promote ng mga huling laban ng undefeated na Amerikano. At alam
nating lahat na may matinding alitan ang Top Rank at Golden Boy na humantong na
sa demandahan matapos ang bigong pagsubok ng Golden Boy na agawin si Pacquiao
mula sa Top Rank ilang taon na ang nakalipas.

Sa nakaraang dalawang taon ay umabot na sa mataas-taas na level ng


negosasyon para sa laban na ito. Subalit sa tuwing lumalapit sila sa katuparan ay may
mga isyu ito pumapatay sa negosasyon. Nariyan ang demand ni Mayweather noon
para sa Olympic-style at random blood-testing. Pumayag na si Pacquiao dito. Subalit
ngayon naman eto ang isyu sa hatian ng kikitain. Gusto ni Maywealher na mas
rnalaki ang porsiyento niya sa kita. Na tila hindi rin narnan papayagan ni Pacquiao.
Hating kapatid or fifty-fifty ang hatag ni Pacquiao. Ayaw ni Mayweather.

175
Marami rin ang nag-aakusa kay Arum. Bilang tunay na dahilan kung bakit
hindi matuluy-tuloy ang laban na ito. Kung totoo ito. Marahil ay sa dahilan na pino-
protektahan ni Arum ang interest ni Pacquiao. Subalit ilang beses nang sinabi ni
Arum na hindi niya iniiwas si Pacquiao kay Mayweather. Ang kanyang punto nga lang
ay kung itululoy ang laban ay gawin nila ito sa huling mga araw ng Mayo or sa June
9, ang araw na naitakda na niya sa pagbabalik ni Pacquiao sa ring. Hindi gusto ni
Arum na gawin ang laban sa May 5 sa MGM Grand na may kapasidad lamang na
16,000 na upuan. Gusto niya ay maganap ito sa itatayong open-air arenasa Las
Vegas na kung saan mahigit sa 45,000 na fans ang maaaring makadalo. Masyadong
malaking pera, sa tono ng $30 million, ang mawawala kung sa MGM gaganapin at
napakalakirig laban na ito. Magandang punto ito mula kay Arum.

Ngunit sa kaduluhan. Tila may punto rin ang mga nagsasabi na si Arum ang
dahilan kung bakit hindi matuloy ang laban. Pero hindi ito dahil sa kagustuhan ni Arum
na dating promoter ni Mayweather magmula 1996 hanggang 2006. Naging maasim
ang paghihiwalayan nilang dalawa matapos akusahan ni Mayweather ang 80-year-old
na si Arum ng exploitation. Nagbitaw si Mayweather ng maanghang na salita na
hinding-hindi na siya muling makikipag-business kay Arum. At tila pinaninindigan niya
ito hanggang ngayon.

Kaya posibleng ginagawa lahat ni Mayweather ang tangkang huwag matuloy


ang laban bunga ng galit niya kay Arum. Ang tanong ngayon ay matuloy kaya ang
laban na ito kung wala si Arum sa tabi ni Pacquiao? Pumayag kaya si Mayweather sa
gustong 50-50 na hatian ni Pacquiao kung alam niyang hindi sangkot si Arum sa
negosasyon? Madaling sabi gumaan kaya ang loob ni Maywealher kung si Pacquiao
lamang, at wala nang iba, ang kausap nila? May nagsabi na puwede ito mangyari
kung para sa laban lamang na ito ay bigyan ni Pacquiao si Arum ng "set-aside fee"
bilang isang promoter. Para lamang masigurong matuloy na ang laban.

Kaya kayang harapin ni Pacquiao si Arum patungkol dito? At kung ang sagot
ay oo, pumayag naman kaya si Uncle Bob?

176
41.
Ang tunay na champion
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedMarch 28, 2012 - 12:00 am

Naganap ang 12thGabriel "Flash" Elorde Boxing Awards nung Linggo ng gabi
sa Dusit Hotel sa Makati. At sa pambihirang pagkakataon ay nagsama-sama sa
stage ang mga Pinoy boxing champions past, present and future.

Pinangunahan ni Manny Pacquiao ang mga taong pinarangalan ng mga


myembro ng pamilya ni Elorde, isa sa pinakamahusay na boksingero di lamang sa
Pilipinas kundi sa buong mundo. Isa siyang tunay na kampeon.

Tinanggap ni Pacquiao ang "Man for Others" award. Sa kanyang speech,


hinikayat ang mga kapwa niya boksingero na magpatuloy sa pagpupursigi na
maging kampeon.

"Ang sabi sa Bibliya, the greatest glory is not in never failing but how you rise
up if you fail," sabi niya. In short, sinabi niya na ang pagkatalo ay hindi sapat na
dahilan para mawalan ka ng pag-asa sa buhay.

Sinamahan si Pacquiao sa stage nina Rolando Navarette, “Pretty Boy”


Lucas, Donnie Nietes, Sonny Boy Jaro, Denver Cuello, AJ Banal, Milan Melindo,
Marvin Sonsona, Boom Boom Bautista, Dennis Laurente at Johnriel Casimero.

Malakas ang palakpakan para kay Casimero na napalaban ng husto sa


Argentina nung Feb. 3, di lamang sa kanyang opponent na si Luiz Lazarte kundi pati
na din sa mga mababangis na fans ng nasabing bansa.

Kabilang din sa major awardees sina Nonito Donaire Jr., Brian Viloria at Ana
Julaton na nagpadala na lang ng message of thanks dahil silang tatlo ay
kasalukuyang nasa United Stales.

Pero para sa akin, ang tunay na bida dito ay si Z Gorres, ang dating OPBF
super-flyweight champion na halos bawian ng buhay sa kanyang laban kay Luis
Mendez sa Las Vegas nung November2009.
Nasungkit ni Gorres ang panalo kahit na siya ay tumumba sa huling minuto
ng laban. Bago siya nakalabas ng ring, si Gorres ay nag-collapse at walang malay
na isinugod sa ospital. Pamamaga sa kaliwang bahagi ng utak ang dahilan.

177
Halos bawian siya ng buhay. Pero dahil sa tibay ng loob at sa mga dasal ng
lahatdahan-dahan siyang bumangon hanggang siya ay makabalik sa Pilipinas ilang
buwan matapos ang bout.

Mula noon ay naglagi na siya sa Cebu kasama ang kanyang nagmamahal na


pamilya at bihira na siyang humarap sa publiko. Patuloy ang kanyang recovery.

Nung Linggo, naroon si Gorres. Nang tawagin ang kanyang pangalan siya ay
tumayo at lumakad patungo sa stage na halos akay lang ng kanyang kasama.

Nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha. Itinaas niya ang kanyang kamay.
Isang masigabong palakpakan ang bumati sa kanya. Napatingin na lang si Pacquiao
kay Gorres.

Gaya ng sabi ni Pacquiaosa kanyang speech, ang pinaka-importante sa


buhay ng isang tao ay kung paano ka babangon mula sa isang pagkatalo at
matinding pagsubok.

Yan si Z Gorres, ang tunay nachampion. Habang mabagal niyang inakyat


ang stage nung Linggo sigurado nakangiti sa kanya si Flash Elorde mula sa itaas

“That's my boy!” wika siguro ni Flash.

178
42.
Bad shot
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedJuly 18, 2012 - 12:00 am

Di na yata matapus-tapos ang problema sa bilyar sa ating bansa.

Sayang dahil mahal na mahal pa naman ng mga Pinoy ang sport na ito kung
saan sumikat sa buong mundo sina Amang Parica, Bata Reyes, Django Bustamante,
Alex Pagulayan, Ronnie Alcano, Lee Van Corteza al Dennis Orcollo.

Kahit sa mga babae, hindi din naman magpapaiwan sina Rubilen Amit al Iris
Ranola.

Pero wala naman sa mga players natin ang problema kundi sa mga opisyales
na nagpapatakbo ng Billiards Sports Confederation of the Philippines (BSCP).

Talagang hindi sila magkasundo.

Nung 2009 ay napalitan ang dating liderato sa BSCP na sila Ernie Fajardo at
Yen Makabenta at naihalal sila ni Bong llagan bilang pangulo at ni Putch Puyat bilang
chairman.

Akala ng lahat ay ayos na ang butu-buto.

Pero wala din pala dahil di nagtagal ay naglitawan ang mga hinaing ng ibang
mga players laban kay llagan na hindi na rin makapaniwala kung bakit siya
nababatikos.

Tila ang kasalanan ng iba ay naibabaling kay Ilagan. At nung July 9 ay


naganap ang isang eleksiyon kung saan nanalo si Puyat bilang bagong presidente ng
BSCP

Nangako si Puyat na aayusin ang mga gusot sa BSCP.

Kaya lang mukhang kailangan niyang maghintay dahil umalma si llagan na


illegal daw ang pagkakahalal kay Puyat bilang presidente.

“Ako pa din ang president,” wika ni llagan.

179
Madaming isyu ang ibinabato laban kay llagan pero may mga isyu din siyang
ibinabato kay Puyat. Kaya asahan natin ang palitan ng mga maaanghang na salita sa
darating na mga araw.

Hindi mo na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Dating magkakampi,


ngayon magkaaway na.

Okay lang sana kung ang away nila ay sa kanila na lang. Pero ang masarna
dito ay ang mga players ang naapektuhan dahil may mga sasanib kay Puyat at may
mga kakampi kay llagan.

Nakakahiya na naman ang Pilipinas sa larangan ng bilyar kung titingnan tayo


ng World Pool-Billiards Association o WPA.

Marahil ay nagtataka sila bakit maya’t maya ay may sumisingaw na baho at


gulo mula sa ating bansa.

Kaya nga siguro dahan-dahan na din bumababa ang mgaranking ng mga


Pinoy na manlalaro natin.

Huwag na tayong magtaka.

180
43.
Anong height mo?
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedJanuary 30, 2013 - 12:00 am

Kung pataasan lang ng import ang labanan eh champion na ang Rain or


Shine sa darating na PBA Commissioner's Cup.

Dahil sa sukatan pa lang ay wala nang tatalo kay Bruno Sundov na may taas
na 7'3 at konting tingkayad lang ay baka abot na nito ang ring.

Dapat siguro ay ibalik na ang Vulca Seal "Tapal King" award para kay
Sundov, na tubong Croatia ay may malalim-lalim din na experience sa NBA.

Na-draft siya ng Dallas Mavericks sa second round nung 1998. Kasabayan


niya sa taon na yun sila Dirk Nowitzki, Paul Pierce, Vince Carter. Antawn Johnson at
Mike Bibby.

Nakadalawang taon din siya sa Mavericks bago nagpalit ng uniporme para sa


Indiana Pacers (2000-2002), Boston Celtics (2003-2003), Cleveland Cavaliers
(2003-2004) at New York Knicks (2004-2005).

Nagtala siya ng average na 1.7 points at isang rebound kada laro sa kanyang
NBA career.

Pero iba ang NBA sa PBA at kung siya naman ay nasa kundisyon pa sa edad
na 32 ay tiyak na mas malaki ang mga numerong ipapakita niya dito sa atin.

Maganda rin naman ang batch ng imports para sa Commissioner's Cup at


lahat sila ay baguhan dito sa PBA. Ang biro ni Rain or Shine assistant coach Caloy
Garcia kahapon ay nagpasadya pa raw sila ng kama para kay Bruno na sa haba ba
naman ng katawan ay magmumukhang bon-bon bed ang king-size bed.
Isa pang naging problema ni Bruno sa kanyang pagdating dito ay ang aircon
dahil kahil saan na kuwarto nga naman siya pumasok ay halos kasing-taas niya ang
mga aircon.

181
“Palagi nga naman daw sa mukha niya nakatutok ang mga aircon,” ang sabi
ni Garcia.

Impresibo naman daw si Bruno sa mga practice sessions ng Rain or Shine


mula nang dumating siya sa ating bansa halos dalawang linggo na ang nakakalipas.

Pero ang sabi ni Garcia ay hindi pa ito ang tunay na sukatan para sa galing ni
Bruno. Hinihintay pa nilang rnakalaro ng tunay na laro si Bruno bago nila ito
husgahan.

Baka nga naman puroheight ang dala at wala naman palang ibubuga.

Pag nagkataon ay baka magkatotoo ang kasabihang "height is not might."

Wag naman sana.

182
44.
Ituloy ang laban
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedDecember 26, 2012 - 12:00 am

Kung ganung kapait ang pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel
Marquez ay ganoon namang katamis ang pagkapanalo ni Nonito Donaire kay Jorge
Arce.

Naghiwalay ng landas ang dalawa nating magiting na boksingero ay dahil sa


marami ang nalungkot sa pagkatalo ni Manny at mabilis naman itong hinimas ni
Nonito.

Pinatulog ni Nonito si Arce sa loob lamang ng tatlong rounds sa Houston,


Texas isang linggo ang makalipas matapos maubusan ng lakas si Manny sa Las
Vegas.

Pinalad din akong mapanood ang laban ni Nonito mula sa ringside ng Toyota
Center sa Houston.

Maganda ang pagkapanalo ni Nonito. Ito ang ikaapat na panalo niya sa taong
ito at dahil dito ay marahil na makamit niya ang "Fighter of the Year” award para sa
2012.

Hinog na hinog na si Nonito. Panahon na para sa kanyang kasikatan at


patuloy na tagumpay.

Sa katunayan ay umakyat siya ng husto sa pound-for-pound list ng


respetadong Ring Magazine, ang tinuturing na bibliya ng boksing. Nasa pang-anim
na siya sa listahan.

Si Manny naman, dahil sa kanyang pagkatalo kay Marquez, ay nalaglag sa


ika-pito. Pero hindi naman nangangahulugan na wala na siya sa grupo ng mga elite
fighters.

Ang maganda lang dito ay ngayon lang sa history ng ating bansa na may
dalawa tayong boksingero na nasa Top 10 ng pound-for-pound list. Ngayon lang.
At nariyan din naman si Brian Viloria o kaya ay si Donnie Nietes na pawang
mga world champions din. Nung araw, paisa-isa kung magkaraon tayo ng world
champion.

183
Pero ngayon, kaliwa't kanan ang world champions natin. Sana nga lang ay
makabawi si Pacquiao at muling makabangon sa kanyang huling pagkatalo.

Si Nonito naman ay nagsabing gusto muna niya magpahinga rnatapos ang


isang hectic na taon. At sa 2013 sabi din niya na gusto niya lumaban ng tatlo o apat
na beses.

Sana ay magpatuloy ang tagumpay ni Nonito sa loob ng ring. Pati na rin si


Viloria o Nietes at ng iba pa nating mga propesyonal na boxers.

At kay Manny, sana ay patuloy din siyang biyayaan ng Diyos ng lakas


katapangan kung mag-decide man siyang patuloy na lumaban.

Mabuhay ang boksingerong Pilipino.

184
45.
Tao ang nagpanalo
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedAugust 14, 2013 - 12:00 am

Walang katulad ang suportang ipinakita ng mga Pilipino sa ating Gilas team
na lumahok sa 27th FIBA-Asia Championship sa Mall of Asia Arena.
Sa loob ng 10 araw walang humpay silang nag-cheer para sa ating mga
players. Palaging puno ang venue. Siksikan ang tao. Hiyawan nang hiyawan.
At sa kahulian at sabay-sabay nilang pinagbunyi ang tagumpay ng Gilas
Piiipinas.
Tinalo ng Gilas ang South Korea sa semis bago ito natalo sa Iran sa finals.
Mas importante ang panalo sa semis dahil sinigurado nito ang ating pagdalo sa 2014
World Championship sa Spain.

Ibang klase ang nilaro ng ating mga players sa pangunguna ni Jason Castro
na nabilang sa Mythical Five ng FIBA-Asia.

Pero sa akin, hindi rin nila magagawa ang lahat kung hindi sa tulong ng
masa, ng miron, ng fans.

Kahit ang mga kalaban nating teams ay nagulat sa suporta ng tao sa ating
team. Sabi nga ng mga taga Kazakhstan ay hindi pa sila nakakita ng ganun klaseng
crowd support.

Dinaig pa ang Barangay Ginebra dahil kung may laro nga naman ang
Ginebra ay kahit papano may mga supporterspa din naman ang kabilang team.
Pero dito sa FIBA-Asia ay buong-buo ang suporta ng ating mga kababayan
sa ating team.
Walang kahati.
Hindi naman nagkulang sa pasasalamat ang ating mga players, coaches at
maging si Manny V. Pangilinan, ang pinuno ng Samahang Baskelbol ng Piiipinas, sa
mga fans.

Aminado silang lahat na utang nila ang panalo sa mga fans.

Sa akin, sila ang tunay na MVP.

185
46.
Mas Gutom Ang Hapee Toothpaste
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedMay 19, 2008 - 12:00 am

Sa pagkakaroon ng ibang coach, mababago ba ang kapalaran ng Hapee


Toothpaste na muling makakasagupa ng Harbour Centre sa Finals ng Philippine
Basketball League (PBL) Lipovitan Amino Sports Cup na magsisimula sa
Miyerkules?

Bago nagsimula ang kasalukuyang torneo ay kinuha ng Complete Protectors


bilang head coach si Louie Alas upang palitan si Jun Noel na nagbitiw sa kanyang
tungkulin.

Si Noel ay nabigo na maigiya sa kampeonato ang Hapee Toothpaste sa


nakaraang torneo at iyon ay isang napakalaking “letdown”. Biruin mong nagtala ng
12-0 record ang Complete Protectors matapos na walisin ang elims at ang semis.
Nagwagi pa sila sa Game One ng best-of-three Finals laban sa Harbour Centre pero
bigla silang tumiklop at natalo nang dalawang sunod sa Batang Pier upang
sumegunda lang sa torneo.

Natural na masakit iyon sa pamunuan ng Complete Protectors. Biruin mong


abot kamay na nila ang kampeonato ay nasilat pa sila sa halip ay nakamtan ng
Harbour Centre ang ikaapat sa sunod na titulo.

Ngayon ay hangad ng Batang Pier na maibulsa ang ika-limang sunod na


kampeonato at makagawa ng history sa PBL. Kasi nga’y wala pang team na
nakapag-uwi ng titulo nang limang sunod na torneo sa PBL.

Bahagyang paborito ang Harbour Centre sa Hapee Toothpaste dahil sa mas


matinding line-up. Winalis ng batang Pier ang San Mig Coffee sa best-of-five
semifinals, 3-0 at nakapagpahinga pa ng isang lingo. Sa kabilang dako ay umabot sa
apat na games ang serye sa pagitan ng Hapee Toothpaste at Burger King.

Pero okay lang iyon dahil sa Miyerkules pa naman ang Game One ng Finals.
May sapat na panahon pa si Alas na paghandaan ito. Ang medyo iindahin ng Hapee
Toothpaste ay kung hindi makapaglalaro ang prized rookie center nilang si Jervy

186
Cruz sa championship round. Hindi nga ito nakapaglaro sa huling tatlong games ng
semis dahil sa natamong injury.

Malaking bagay para sa Hapee Toothpaste si Cruz dahil ito ang reigning
Most Valuable Player ng UAAP. Kahit paanoý poproblemahin siya ni Harbour Centre
coach George Gallent.

Isa pa, iba ang championship experience ng Harbour Centre. Alam na nila
kung anong klaseng pressure ang kanilang susuungin sa Finals.

At base sa kanilang performance sa elims at semis, mukhang gutom pa ang


Batang Pier at hindi kailangang bugbugin sa motivation para tudlain ang ikalimang
sunod na titulo.

Pero syempre, mas gutom ang Hapee Toothpaste. Mas nagngingitngit na


makapaghiganti ang Complete Protectors.

At iyon ang kanilang plus factor papasok sa Finals.

187
47.
Older is Wiser
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedOctober 4, 2015- 12:00 am

Anuman ang kinalabasan ng huling laro natin kagabi ay higit akong


pinahanga at pinabilib ng Gilas Pilipinas.
Sana kayo rin.
Aaminin ko na isa ako sa mga hindi masyadong umasa na aabot sa finals
ang team na ito.
Sa lahat kasi ng lumahok sa FIBA Asia Championship sa Changsha, China,
ang Gilas ang pinakamatandang team na may average na edad na 31.
Si Asi Taulava ang pinakamatanda sa lahat sa 42. Si Dondon Hontiveros ang
sumunod sa 38. Puro 33 years old naman sina Marc Pingris, Sonny Thoss at
Ranidel de Ocampo.
Ang mga batang players sa ibang teams ay puwede nang anak ni Taulava.
Pero may kasabihan tayo na older is wiser.
Yun nga ang kinalabasan lalu na para kay Hontiveros na siyang pumukol ng
mga pamatay na tres laban sa Japan nung isang gabi.
Umabot tayo sa finals kalaban ang China, ang pinakabata at pinaka-
matangkad na team. Apat ang seven footers ng China.
Yan ang Great Wall of China.
Kagabi inilaro ang finals. Ang nagwagi ay diretso sa 2016 Rio Olympics. Ang
hindi naman nagwagi, may pag-asa pa rin makapunta sa Olympics.
Kaya lang, butas ng karayom na ang dadaanan nito sa World Olympic
Qualifier.
Sorry, wala akong bolang kristal para hulaan ang resulta ng finals. Hindi ko
naman kilala si Madam Auring.
Masarap sana tanungin si Madam Auring kung anu-ano ang makikita niya sa
kanyang mga makukulay na baraha.
Mahirap kalaban ang China.
Pero sa tapang at gilas ng ating mga players, lalu na nang pataubin natin ang
defending champion na Iran, ay nawala na lahat ng duda ko.
Manalo o matalo, elibs ako sa inyo.

188
48.
Huling Hirit
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedJanuary 6, 2016 - 12:00 am

May nagsulat kelan lang na ayon kay Manny Pacquiao ay hindi siya mag-
reretiro hanggang hindi niya nakakaharap si Floyd Mayweather Jr. sa isang rematch.
Kahapon, binalewala ni Pacquiao ang ulat.
“Wala akong sinasabing ganun,” sabi ni Pacquiao.
Iginiit din ni Pacquiao na ang parating niyang laban kay Timothy Bradley Jr.
sa April 9 sa Las Vegas ay ang huli na niyang laban sa loob ng ring.
“Pagkatapos ng laban ko sa April 9, magreretiro na ako sa boxing,” dagdag
ni Pacquiao.
Tatakbo kasi si Pacman bilang Senador sa May elections, eksakto isang
buwan matapos ang ikatlong laban niya kay Bradley.
Manalo o matalo sa laban, tuloy ang pagtakbo niya.
Kampante si Pacquiao na mananalo siya at magiging Senador. Sa mga
surveys, pasok siya sa Magic 12. Sa kanyang bilang, nasa pampito o pangwalo siya.
Sa tingin ni Pacquiao, oras na simulan niyang umikot sa bansa para
kumampanya ay tataas pa ang kanyang rating.
Pwede.
Mabalik tayo sa boxing, natural lang na hangarin ni Pacquiao na muling
makalaban si Mayweather. Bukod sa malaking pera ay tsansa rin na patunayan niya
ang kanyang sarili.
Sa tingin ng iba, kung hindi lang injured ang balikat ni Pacquiao ay mas
maganda ang laban niya kay Mayweather.
Kaya lang, hindi pwedeng sa kanya manggaling ang hamon ng rematch.
Unang-una, retired na si Mayweather.

Kailangan sa tao manggaling ang clamor at ang hiling na mag-rematch sila.


Tao ang manonood at magbabayad kaya sila ang dapat humingi ng rematch.
At kung maugong ang demand ay tsaka na mag-decide si Pacquiao at
Mayweather kung gusto nga nila maglaban pang muli.
Tao ang magsasabi kung dapat ito matuloy.
No demand, no rematch.

189
49.
Great Wall
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedOctober 7, 2015 - 12:00 am

Tama na sana ang rekado pero minadali ang luto.


Iyan ang basa ko sa nangyari sa Gilas Pilipinas sa nakalipas na FIBA Asia
Championship sa Changsha, China kung saan nag-runner up ang Pinas.
Bagama’t may ilang players na hindi nakasama, nabuo ni Coach Tab Baldwin
ang team na kinayang tumapat sa mga pinakamalakas na teams sa Asia.
Dinurog natin ang Hong Kong at Kuwait at tinalo ng dalawang beses ang
Japan.
Pinatumba rin natin ang Iran sa quarterfinals.
Kinapos nga lang laban sa China sa finals.
Apat ang seven-footers ng China pero nakuha pa nating lumamang sa
umpisa. Tumukod na lang sa kalagitnaan.
Niluto man ng mga referee o hindi, tanggapin natin ang pagkatalo.
Umabante ang China sa 2016 Rio Olympics.
Better luck next time sa Gilas.
Sayang talaga dahil sa tingin ko ay kinulang lang tayo sa oras na mag-
prepara para sa FIBA Asia.
Isipin mo naman, Sept. 8 na pormal na nabuo ang Gilas.
Naubos kasi ang oras kakaligaw ng SBP sa mga PBA players na ayaw o
hindi naman pala puwedeng maglaro para sa FIBA Asia meet.
Bagama’t umabot ng mahigit isang buwan ang training na kasabay na rin ng
tryouts ay kinulang talaga sa oras para ihanda ang team.
Ang China, anim na buwan namang nag-training.
Buong-buo ang team.

Kung saan-saan umabot ang China sa training kaya naman sa laro ay kitang-
kita ang kaibahan.
Masyado tayong umasa sa talento. Magagaling na players. Pero kulang
naman sa panahon na magkakasama sa loob ng court.
Ang China, magaling na at malaki, nag-prepara pa nang husto.
The Great Wall of China.

190
50.
Ayaw kung ayaw
PRESS ROW Ni Abac Cordero(Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedMarch 16, 2014 - 12:00 am

Huwag naman sumama ang loob natin kay Greg Slaughter at Marcio Lassiter
dahil sa kanilang pagtanggi na makabilang sa Gilas Pilipinas.
Lehitimo ang kanilang dahilan. Hindi makasarili.
Sino nga naman ang ayaw mapabilang sa sikat na Gilas Pilipinas na
naghahanda para sa World Championships sa Spain sa Agosto.
Kasunod naman nito sa Setyembre ang Asian Games sa Incheon, South
Korea.
Mabibigat na laban at pangarap lang ng sinumang player ang mapasali sa
Philippine team na lalahok dito. Ito nga ang Gilas.
Buo pa naman ang Gilas lineup na halos mag-champion sa nakalipas na
FIBA Asia Championship pero kamakailan ay nagdagdag si Coach Chot Reyes ng
apat pang candidates.
Ito’y sina Slaughter, Lassiter, Paul Lee at Jared Dillinger.
Ilang araw ang nakalipas, nag-announce si Slaughter ng Ginebra at Lassiter
ng San Miguel Beer na kanilang tinatanggihan ang offer.
Ayaw nilang makaapak ng paa ng iba at mas deserving pumunta sa Spain
ang mga players na naglaro at nagpakahirap sa FIBA Asia.
Isa lang naman ang hangarin ni Coach Chot at ito ay ang mapalakas pa ang
team.
Matapos ang kanilang announcement, umani ng batikos sila Slaughter at
Lassiter na tinalikuran daw nila ang responsibilidad nila para sa bayan.
May chika pa na nautusan daw sila na tanggihan ang offer dahil mas
kailangan sila ng teams nila sa PBA.
Agad namang umeksena ang isang kongresista na dapat daw tanggalan ng
GAB (Games and Amusements Board) ng lisensya ang dalawang players.
Inisip din niyang ipatawag ang dalawang players. Ewan ko kung para saan at
para ano.
Ke ano pa ang sabihin ng iba, karapatan nila Slaughter at Lassiter na mag-
decide kung gusto o ayaw nilang maglaro para sa Gilas.
Ganun din naman sa Amerika kung saan tumatanggi maglaro para sa US
ang pinakamagagaling na NBA players.
Ni minsan ay wala akong narinig na tanggalan sila ng lisensiya.
Walang pilitan.

191
KABANATA 5
____________

Mga Tampok na Lathalain sa


Isports

192
Bukod sa mga pagbabalita at pagbibigay-kuro tungkol sa
mga napapanahong kaganapan sa isports, may mga sulatin rin
na tumatalakay sa mga kaugnay na paksa na makaka-interes
sa mambabasa.

Iba’t iba ang kaanyuan, tono at antas ng pormalidad ng


mga sulating ito depende sa layunin at target na mambabasa.
Halimbawa, replektibo at impormal ang tono at anyo ng mga
salaysay tungkol sa karanasan sa pagsasagawa o paglahok sa
isang isports na makikita sa isang magasin. Sa kabilang banda
naman, mas pormal at akademiko ang naging pagtalakay sa
kasaysayan ng palakasan sa bansa na nailathala bilang
kabanata sa isang libro.

Sa bahaging ito, narito ang ilang halimbawa ng


mgasanaysay na maaaring makita bilang tampok na panulat sa
isang lathalaing pang-isports:

 Kasaysayan ng mga palaro

 Katutubong palaro o isports

 Paraan ng paglalaro

 Karanasang pang-isports

 Pangangalaga sa kalusugan

193
51.
Introduksiyon sa Kilusang Olympic
mula sa The Olympic Movement
in the Philippines
Celso Limjuco Dayrit

Ang Ebolusyon ng lsports

Hindi talaga natitiyak kung kailan at saan nagsimula ang mga paligsahan sa
isports. Iba-iba ang binibigay na impormasyon at ebidensiya ng mga historikal na
tala at ilang mga tuklas na arkeyolohikal. Ngunit, karamihan sa mga ito ay
kadalasang itinuturo ang ebolusyon ng isports at mga paligsahan dito na nagsimula
sa pagsasanay sa labanan at pagtatanggol ng sarili. Tinuturuan ang mga batang
lalaki na ihanda ang kanilang mga sarili sa pisikal at teknikal na aspeto ng
pakikipaglaban at pagtatanggol sa sarili.

Noong mga ikatlong milenyo B.C., ang mga gawaing pang-isports, gaya ng
pamamana o archery ay naging mga laro at nagsilbing libangan para sa mga
maharlika ng Ehipto. Ang mga larong ito ay lumipat sa Crete at pagkatapos, sa
Aegean Islands (Acosta 2002), na kung saan mula sa pagiging mga gawaing
panlibangan, naging relihisyong selebrasyon ang mga ito.

Pamamana o archery ng mga maharlika ng Ehipto noong ikatlong milenyo BC

Noong ika-14 na siglo B.C., naging engrandeng selebrasyon na ang mga


sinaunang sports festival na kung saan ang bawat manlalaro ay buong
pagpupursiging sinusubukan na malampasan ang kanyang kalaban. Nabuo ang mga
aktibidad na ito sa Mycenean Greece at sa Crete sa gitna ng ika-13 at ika-12ng siglo
B.C. Nagtanghai ng mga paligsahan sa pagtakbo, chariot racing, boksing at
pakikipagbuno.

194
Ang Sinaunang Olympic Games
Bagamat pinaniniwalaan na umiral bilang isang relihiyosong lugar ang
Sinaunang Olympia, ang mga unang naitalang laro ay nasa bandang 776 B.C.
(International Olympic Committee 1999). Naipakita ng mga paghuhukay ang edad ng
santuwaryo na nasa 1300 B.C. o maaaring mas matanda pa. Pinaniniwalaan na
noong mga araw na iyon, may bukal ng dalisay na tubig na umaagos mula sa
paanan ng burol ng Kronus. Maaaring ang pinakamatandang santuwaryo ay altar
para sa Inang Diyosa na si Rhea at maaaring ang pinakaunang torch run ay karera
ng mga binatilyong nag-uunahan para sindihan ang kanyang sagradong apoy.

Pinapalitan ni Zeus ang pinakaimportanteng diyos ng Olympia ng iba pang


mga diyos at diyosa. Ang malaking templo na nasa gitna ng santuwaryo, na itinayo
para sa kanya, ay nalalaman ng napakalaking estatwang may patong-patong na
ginto at garing.

Unti-unting isinama ang iba pang gawaing atletiko sa relihiyosong piyesta na


ito at regular na itinakdang ganapin ito kada apat na taon. Pagdating ng 600 B.C.,
kasama na sa mga palaro ang karera ng mga kabayo, pentathlon (long jump, javelin,
discus, foot race at pakikipagbuno), body contact sports, e.g. boksing, pakikipagbuno
at pankration. Tumatagal ng limang araw ang mga palaro.

Nakakaupo ng 40,000 na tao ang sinaunang Olympic stadium. Bilang


pinakatampok sa Greek religious festival, ang mga nasabing palaro ay nakakaakit ng
mga manonood at mga kalahok mula sa lahat ng Greek city-state at sa mga
Griyegong kolonya sa buong palibot ng Dagat Mediteranya. May maikling panahon
bago at pagkatapos ng bawat laro na ipinapatupad ang isang sagradong pagtigil ng
labanan. Tinatawag itong "Ekecheirea." Habang may ganito, ipinagbabawal ang
lahat ng mga alitang militar at mga paghahamon sa rehiyon na kung saan ginaganap
ang mga palaro. Kadalasang binibigyan ng ligtas na pagdaan sa lahat ng mga
apektadong city-state ang mga dadalo sa palaro.

Ang mga malayang Griyegong lalaki lamang, matanda at bata, ang maaaring
lumahok sa mga laro. Ipinagbabawal ang mga kababaihan, maliban sa Babaylan ni
Demeter, na clumalo bilang kalahok man o manonood dahil naniniwala ang ilan sa
mga Griyegong heneral na kayang lumikha ng mahika ang mga babae na ikahihina
ng kanilang mga sundalo. Ngunit may mga palaro rin para sa mga babae. Sangkot
sa lahat ng aspeto ng pagsasanay sa isports at military ang mga babae sa Sparta.

Ginagawaran ng koronang gawa sa dahon ng oliba ang mga nananalo sa


Olympic Games at nagiging bayani sila sa kanilang mga bayan. Maaaring ipalagay
na may bahagyang ambag ang pagkahilig ng mga Griyego sa paligsahan, sa

195
paggalang nila sa kaayusan at ganda ng katawan ng tao at sa pagbigay-diin nila sa
kanilang paraan ng pamumuhay, pagkakaisa ng kaisipan, katawan at kaluluwa sa
tagumpay ng sinaunang Olympic Games.

Noong paghahari ni Alexander the Great, pinababa ng sensaysyonalismo,


komersiyalisasyon at paghingi ng mga atleta ng palaki nang palaking mga premyo
ang kahalagahan at relihiyosong kabuluhan ng mga palaro. Itinigil ng
Kristiyanongemperador ha si Theodosious I ang Olympic Games noong 393 A.D.
Noong 426 A.D., ipinag-utos ni Theodosious II na wasakin ang mga gusali. lbinaon
naman ng mga lindol at isang malaking baha ang mga winasak. Natagpuan naman
ang mga gumuhong ito noong ika-19 na siglo, matapos mahukay ang 4.5 na metro
ng banlik.

Sa ngayon, ang mga lugar ng pagkaguho ng sinaunang Olympia ay ang


kinaroroonan ng International Olympic Academy (IOA). ltinatag at pinamamahalaan
ng Hellenic Olympic Committee ang IOA sa pakikipagtulungan at sa suporta ng
International Olympic Committee (IOC). Ang IOA ang siyang edukasyonal na sangay
ng IOC para sa pagpapalaganap ng Olimpikong edukasyon.

Baron Pierre de Coubertin

Ang ama ng modernong Olympic Games ay isang aristokratong Pranses na


nagngangalang Baron Pierre de Coubertin. Isang proyektong pang-edukasyon
ang pagbuhay-muli sa Olympic Games. Nagmula ito sa kampanya ni de Coubertin
na isama ang pisikal na aktibidad sa pang-edukasyong kurikulum ng kanyang
bansa. Naniniwala siya na ang pagkatalo ng Pransya noong Franco-Prussian War
ng 1871 ay tuwirang may kinalaman sa mahinang pisikal na kondisyon ng mga
Pranses. Naisip niya na ang nakabalangkas na programang pang-atletiko ng mga
Ingles na paaralan ng mga batang lalaki ay makakabuti kung isang primaryang
bahagi ng kurikulum ang isports habang gumagaling ang mga batang lalaki sa
atletiks.

Ang pagkaakit ni de Coubertin sa Griyegong pilosopiya at pamumuhay ang


nagbigay sa kanya ng ideya para sa isang internasyonal na sports event. Dala ng
mga tuklas arkeyolohikal sa mga lungsod ng Troy at Olympia, nagningas ang
panibagong pagkahumaling tungkol sa sinaunang Gresya sa buong Europa. Naging
uso ang mga Griyegong estatwa, arkitektura at sining samantalang ginawang core
na sabjek ang Griyego, pati na ang Latin, sa mga paaralan.

Ipinagsama ni de Coubertin ang ideya ng isang internasyonal na sports


festival sa konsepto ng isang Greek-style na Olympic Games. Umasa siya na
mabigyang-diin ang kalusugan, pagpapahalaga at atletikong talento ng kabataan,

196
ipagbunyi ang indibidwal na manlalaro at pagkaisahin ang mga komunidad at ang
mundo. Inilaan niya ang kanyang buong buhay para sa pangarap na ito.

Noong 1894, sa isang konggreso para pag-aralan ang mga prinsipyo ng


amateurism, mayroon siyang idinagdag sa adyenda: “On the possibility of restoring
the Olympic Games.”May isinama siyang makapagbagbag-damdaming seremonya
ng tula, musika at kanta. Matapos marinig ng mga delegado ang awit kay Apollo, na
natagpuan sa Delphi noong 1893, nagkaisang pinagpasyahan ng asembliya na ibalik
muli ang Olympic Games. Ginanap ang unang modernong Olympic Games sa
Athens noong 1896.

Ipinanganak si Pierre de Coubertin sa Paris noong 1863 at namatay siya sa


Geneva noong 1937. Ibinaon ang kanyang puso sa Olympia, Greece na kung saan
may maliit na monumentong itinayo upang gunitain ang kanyang dedikasyon sa
mithi at diwa ng Olympics.

Olympism

Pinasimulan ni Pierre de Coubertin ang modernong Olympism. Sa kanyang


pangunguna, ginanap ang International Athletic Congress of Paris noong Hunyo
1894. Sinulat niya:

“Olympism is not a system. It is a state of mind. It can


permeate a wide variety of modes of expression and no single
race or era can claim a monopoly of it.”

Isang pilosopiya ng buhay, ipinagbubunyi at ipinagsasama sa isang


balanseng kabuuan ang mga katangian ng katawan, katatagan at kaisipan. Sa
paghahalo ng isports sa kultura at edukasyon, hinahangad ng Olympism na lumikha
ng isang paraan ng pamumuhay na riakabatay sa ligayang makikita sa pagsisikap,
ang kahalagahang pang-edukasyon ng mabuting halimbawa at ang paggalang sa
universal fundamental ethical principles (IOC 1999).

Layunin ng Olympism na ilagay ang isports sa serbisyo ng maayos na pag-


unlad ng tao, na may pananaw na hikayatin ang pagtatatag ng isang mapayapang
lipunan na isinasaalang-alang ang pagpapanatili ng dignidad ng tao. Kung kaya't
lumalahok ang Olympic Movement para itaguyod ang kapayapaan.

197
The Olympic Movement
Sa pananaw ni de Coubertin, hindi lang hanggang simpleng athletic event
ang Olympic Games kundi dapat ay tampok ng isang malawakang panlipunang
pagkilos na sa pamamagitan ng isports at paglalaro, ay mapapahusay ang pag-
unlad ng tao at internasyonal na pagkakaunawaan.

Samakatwid, ang Olympic Movement ay bunga ng kooperasyon ng


International Olympic Committee (IOC), ng National Olympic Committees (NOCs),
ng International Sports Federations (ISFs), ng National Sports Associations (NSAs),
at lahat ng iba pang katulad na kasapian na nagnanais na palaganapin ang Olympic
Games at Olympic ideals.

Layunin ng Olympic Movement na umambag sa pagtataguyod ng mapayapa


at mas magandang mundo sa pamamagitan ng pagtuturo sa kabataan gamit ang
isports na nilalahukan ninuman na walang diskriminasyon at sa diwa ng Olympics,
na nangangailangan ng kapwa pagkakaunawaan, pagkakaibigan, pagkakaisa at
patas na laro.

Mga Layunin ng Olympic Movement

Noong 1894, sinulat ni Pierre de Coubertin:

"Why did I restore the Olympic Games? To enable and


strengthen sports, to ensure their independence and duration and
thus enable them better to fulfill the educational role incumbent upon
them in the modern world; for the glorification of the individual athlete
whose muscular activity is necessary for the maintenance of the
general spirit of competition."

Mula sa unang pahayag, lumago at nabuo ang mga Layunin ng Olympic


Movement. Ang mga pangunahing layunin nito ay:

1. Isulong ang paglinang ng pisikal at moral na mga katangian na siyang


mga basehanng isports.

2. Turuan ang mga kabataan sa pamamagitan ng isports na nasa diwa ng


mas mabuting pagkakaunawaan at pagkakaibigan, at dahil dito ay
makakatulong sapagbubuo ng mas mas maganda at mas mapayapang
mundo.

198
3. Ipalaganap ang Olympic Principle sa buong mundo at dahil dito ay
makakalikha ng international goodwill.

4. Ipagsama-sama ang mga manlalaro ng mundo sa quadrennial sports


festival, ang Olympic Games.

Ang Mga Simbolo ng Olympic Movement

Nakikilala ang Olympic Movement sa buong mundo dahil sa Olympic rings,


Olympic flag, Olympic torch, Olympic medals, Olympic motto at Olympic hymn.

Eksklusibong pag-aari ng IOC ang mga simbolong ito at hindi maaaring


gamitin ang mga ito na walang paunang nakasulat na awtorisasyon. Tungkulin ng
mga NOCs na siguraduhin ang pagpapasunod sa tuntuning ito sa loob ng kanilang
nasasakupan.

Siguro, ang pinakakilalang simbolo sa buong mundo ngayon ay ang Olympic


Rings.

Ang Olympic Rings

Nirerepresenta ng mga bilog na ito ang pagsasama-sama ng limang


kontinente at ang pagtatagpo ng mga manlalaro mula sa buong mundo sa Olympic
Games, na tinataglay ang mga m i t h i i n na itinakda ni Baron de Coubertin; ito ang
patas na kompetisyon at mabuting pagkakaibigan. Ang mga kulay ng Olympic Rings
ay bughaw, dilaw, itim, luntian at pula na nasa puting bakgrawnd. May kahit isa sa
mga kulay na ito na makikita sa watawat ng alinmang bansa. Hindi nirerepresenta ng
mga kulay ang mga kontinente.

Nilikha ni Pierre de Coubertin sa Paris ang Olympic Flag na nagdadala ng


simbolo ng Olympics (ang mga bilog). Una itong ipinakita sa Olympic Congress

199
noong 1904 at unang itinaas sa Olympic stadium sa Antwerp noong 1921 Olympic
Games.

Olympic Games 1921 sa Antwerp kung saan unang ipinakita ang simbolo ng Olympics

Nag-iiba ang disenyo ng Olympic Torch kada Olympic Games. Ang host na
NOC ang nagpapasya sa disenyo ng Torch para sa partikular na Olympic Games na
iyon. Taglay ng sulo ang "Olympic Flame" na kinaugaliang sinisindihan sa lugar ng
sinaunang Olympic Games sa Olympia, Greece at dinadala sa main stadium sa
panahon ng Olympic Games. Sinisimbolo nito ang pagsisimula ng Olympic Games
sa Gresya. Pinapanatiling nagliliyab ang apoy nito sa buong durasyon ng palaro.

200
Ang Olympic Torch

Sinasalamin ng Olympic Medals ang kahusayan at nakamtan ng mga


manlalaro.

Ang Olympic Motto sa wikang Latin ay:

Citius, Altius, Fortius

Sa Filipino, nangangahulugan itong “Mas Mabilis, Mas Mataas, Mas


Malakas.” Ideya ito ni Padre Henri Didon, isang Dominikanong guro at
kaibigan ni de Coubertin.

Ipinagtibay ng IOC ang Olympic Hymn noong 1958. Batay ito sa


cantata ni Costis Palamas. Sinulat ang musika nito ni Spirou Samara noong
1896.

201
52.
Kalis: Ang Pilipinong Sining ng
Pakikipaglaban Noong Dating Panahon
Lorenz Lasco
Saliksikan ng Kasaysayan -Bagong Kasaysayan (BAKAS)

Abstrak
Noon pa mang Dating Panahon (bago mag ika-16 na daantaon MK),
mayroon ng sariling sining ng pakikipaglaban ang Kapilipinuhan. 'Kalis' ang tawag
dito, at laganap ang paggamit nito sa mga kapuluan na naging Pilipinas. lba't ibang
uri ng patalim, pati pambambo, ang gamit sa kalis. Ang lahat ng mga ito ay makikita
sa pag-aaral ng mga Iumang talasalitaan ng mga prayleng Espanyol. Ang kalis ang
siyang pinanggalingan ng ngayon ay tinatawag na arnis, eskrima, o kali.

Mga susing termino: kalis, amis, eskrima, kali, talasalitaan, sandata

Kasalukuyang mga Katagang Gamit


Ang mga pinakakilala na tawag sa ngayon sasining ng pakikipaglaban na
nagmula sa Pilipinas ay 'arnis', 'eskrima', o'kali' (iisa lang ang mga ito). Sa ibang
bansa, na kung saan tanyag dinang sining na ito, ay 'FMA' (i.e., Filipino Martial
Arts) naman ang karaniwang ginagamit. Sa ibang rehiyon sa Pilipinas ay may sari-
sari ding mga katagang gamit — ‘baston’ at ‘kaliradman’ sa Ilonggo at Bisaya,
‘pagkalikali’sa Ibanag, at ‘kalirongan’ sa Pangasinense [Jocano, Jr. 1997]. Ilan lang
ang mga salitang ito sa dinami-dami ng mga ginagamit.

Para din sa marami, ang FMA ay kasingkahulugan ng arnis, kali, o eskrima.


At ang kasaysayan at estilong sining na ito ay matutunton na nagmula sa Luzon at
Kabisayaan. Dahil ang sining ng pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao ay ang
tinatawag na ‘silat’ (ibang estilo ito, kung ikukumpara sa arnis, kali, o eskrima), may
mga nagsasabi na sa FMA ay hindi kabilang ang silat.

202
Plate 1: Ang arnis ay gumagamit din ng iba't ibang patalim pambabo (Larawan: The Phil. Islands, John Foreman)

Ngunit isang bansa ang Pilipinas. Kaya mas marapat na ang bersyon ng silat
ng mga Moro ay ibilang sa isa sa mga estilo na napapaloob sa ‘FMA’ bilang
depinisyon ng FMA.

Samantala, anag mga poluar na katagang ‘arnis’ (mula sa arnès [Espanyol]),


o harness o armor sa Ingles) at ‘eskrima’ (mula sa esgrima [Espanyol], o fencingo
swordsmanship sa Ingles) ay hindi nag-uugat sa Pilipinas. Kaya naman siguradong
hindi matatagpuan sa mga lumang talasalitaan o dokumento ang ‘arnis’ o ‘eskrima’
bilang mga orihinal na katagang ginamit patungkol sa Pilipinong sining ng
pakikipaglaban.

Ang susing tanong kung gayon ay mayroon kayang iisang katag sa buong
kapuluan na ginagamit noong una, na katagang taal sa Pilipinas, na maaaring
makita sa mga nakasulat?

'Kalis' ang Katagang Hinahanap

Ang mga lumang vocabulario o talasalitaan na ginawa ng mga prayle na


Espanyol noong kolonyal na panahon ay mayamang batis ngpag-aaralng sining at
kalinangan ng mga unang Pilipino. Ang mga talasalitaan na ito ay ginawa dahil sa
patakaran noon ng Espanya na sa halip na turuan ang bawat Pilipino ng Espanyol,

203
ay mas madali daw marahil kung ang mga pari na lamang ang mag-aaral ng iba't
ibang wika ng kapuluan.
Napakaganda ng naging bunga ng patakarang ito, sa pananaw ng mga
Pilipino. Sa Timog Amerika ay iba ang naging palakad kolonyal ng Espanya -
malawakang tinuruan ng Espanyol ang mga 'katutubo'. Tuloy, para na ring binura
ang dating kultura ng mga bansang nasakop doon.

Ayon sa patakaran sa Pilipinas na dapat aralin ng mga prayle at


tagapamahala ang iba't ibang wika ng kapuluan, maraming talasalitaan na nabuo
ang mga prayle. At ito mismong mga talasalitaan na ito ang nasa gitna ng ginawang
pag-aaral para sa papel na ito.

Ang karamihan sa mga talasalitaang nabanggit ay matatagpuan sa Biblioteca


de Nacional Espana (ang pambansang aklatan ng Espanya) at sa mga unibersidad
sa Estados Unidos. Marami sa mga, talasalitaan ay maaaring i-download sa mga
bahay dagitab ng mga institusyon na nasabi. Ang kompletong listahan ng mga
talasalitaang ginamit ay makikita sa hulihan ng papel na ito.

Plate 2: Ang ‘kalis’ay tumutukoy sa, [a] sining ng pakikipaglaban gamit ang mga sandatang patalim o
pambambo, at [b] sa mga sandatang payalim na gamit dito.
(Larawan: sundang – Filhistory.com, at mga pambambo – Kriscutlery.com)

Ito ang konklusyon sa naging pag-aaral sa mga nasabing talasalitaan-


malinaw na 'kalis' anglaganap natawag noon sa Pilipinong sining ng pakikipaglaban.
At ang salitang kalis ay may iba pang kahulugan —pangunahin na ang pagtukoy sa
mga sandatang patalim. Sa ibang lugar sa kapuluan ay 'karis' ang ginagamit.

Sa Indonesia at Malaysia ay 'keris' ang tawag nilasa isa sa kanilang


pangunahing patalim (at sa tinatawag sa Pilipino na 'sandata' ay 'senjata' naman
ang tawag nila). Ang kaugnayan o maaring iisang pinanggalingan ng magkakahawig
na mga katagang ito ay dapat pang saliksiking mabuti.

204
Ang 'Kalis' o 'Karis' sa mga Lumang Talasalitaan

Ang isa sa pinakauna at pinakamayaman na talasalitaan na kinalap ay ang


Tagalog na vocabulario ni Pedro de San Buenavatura.Ito ay inilathala noong 1613,
noong panahon na halos wala pang impluwensya ang mga Espanyolsa kapuluan.
Dito ay makikita ang iba't ibang ibigsabihin ng 'kalis' - kayurin (raspar), kaliskisan
(escamar), paa (pata),kayasin (rayar), kris o sundang (espada), makipag-away
(renir), saksak/in (acuchillarse), at humawak o lumaban ng may sandata (esgrimir).
Kapuna-puna angmahigpit na kaugnayan ng halos lahat na mga kahulugan na kalis
– kung hindi man ito patalim mismo ay tumutukoy ito sa iba't ibang gamit ng patalim.

Plate 3: 'Kalis' (Tagalog Laguna), sa San Buenaventura, 1613. (Larawan: Filhistory.com)

Makikita din naang espada, reñir, acuchillarse, at esgrimir ang


magkakaugnay na salita dahil ang bigkas nila ay magkakatulad (i.e., 'pp'). Ang ibig
sabihin ng 'pp' ay penultimaperfecta (nasa ikalawa mula sa huling pantig
angaksento, hal. lugaw o bahay). At ang 'pc' ay penultima correpta (nasa huling
pantig ang diin; hal.sabaw o bilis).

At mas interesante pa rin ang pagpapakahulugan ng kalis bilang pandiwa na


ang ibig sabihin sa Espanyol ay esgrimir. Ayon sa mga Espanyol na talasalitaan:

“Esgrimir verb. Fence [Deporte (Sports)]; esgrimir la


espada. v. wield the sword. v.”

“Esgrima. s.f. 1. Art of fencing. noun; 2. Fencing, n.


[Deporte]; 3. Swordsmanship. n.”

205
“Esgrimidor. s.m., f.-ora. fencing master. n.”

'”Esgrimista. s.m., f. 1. fencer. n. 2. swordsman. n.”

Sa naturang talasalitaan ni San Buenaventura, ang esgrimir ay


pinakahulugan nawalang iba kung hindi 'kalis':

“Esgrimir: CALIS (pp) dos con palos o cañas [dalawa (na tao),
na may pambambo o pamalo (na naglalaban gamit nito)],
nagcacalis. 2. ac. esgrimir ansi, imp: magcalis camong dalua
[mag-kalis kayong dalawa], esgrimid, anot ycao, ay,
nagcacalis na nag isa? [ano't ikaw ay nagkakalis mag-isa?]
como estas esgrimiendo solo?"

Malinaw sa mga nasaitaas na ang kalis ay pangunahing tumutukoy sa


patalim at sa paggamit nito. Bukod dito, malinaw din na ang mismong akto o sining
ng pakikipaglaban ay tinatawag ding kalis. Makikita din na ang mga pambambo o
pamalo (i.e.,palos o cañas) ay ginagamit sa kalis. At dahil hindi hiram na salita ang
kalis, nangangahulugan lang na nadatnan ng mga Espanyol ang sining na ito.

Ang Tagalog na talasalitaan ni Domingo delos Santos ay unang inilathala


noong 1703, walong taon matapos siyang mamatay noong 1695. Ganoon din ang
sinasabi ng delos Santos ukol sa kalis (na 'pp' ang bigkas). Ang ibig daw sabihin ng
kalis ay kris o sundang (espada), o saksak/in (acuchillarse), o humawak o lumaban
ng may sandata (esgrimir). Patungkol naman sa esgrimir ay ito ang nakasaad sa
delos Santos:

“Esgrimir. CALIS. (pp) Con


Espadas,& c. Quita'y, magcalis
[Kita'ymagkalis]. 2. activ.
esgrimanos los dos.Nagcacalis
siyang magysa [mag-isa];olol
Plate 4: 'Kalis' (Tagalog Tayabas), sa delos Santos, 1703.
[ulol] yata.
(Larawan: Filhistory.com)
Ayon kay Jimmy F. Tiongson, isang dalubhasa sa wikang Tagalog at sa mga
lumang talasalitaan, maganda daw ihambing ang mga pakahulugan ng mga salita
ng San Buenaventura sa delos Santos, dahil ang una ay Tagalog Laguna at ang huli
naman ay Tagalog Tayabas. Base sa ginawang paghahambing sa itaas, makikita na
iisa nga ang sinasabi ng dalawang talasalitaan. Sana ay ang susunod na
magsasaliksik sa paksa na ito ay aralin din ang naisulat na kahulugan ng kalis sa iba
pang mga Tagalog na rehiyon.

206
Ang isa pang mahalagang lumang Tagalog na talasalitaan ay yaong inilathala
ni Juan Jose de Noceda at Pedro de Sanlucar noong 1754. Ang Noceda-Sanlucar
ay pagkakalap ng mga nauna na nailathala na talasalitaang Tagalog. Sa Noceda-
Sanlucar ay kapareho din ang matutunghayan patungkol sa kalis, patalim, at
esgrimir — “Esgrimir. CALIZ. pp. Panaga. pc. Pang-iua [pang-hiwa].pp.”

Sa llocano, sa talasalitaan na
ginawa ni Andres Carro noong
1849,matutunghayan ang
kaparehong diwa at kahulugan
Plate 5: Kalis’ (Tagalog), sa Noceda-Sanlucar, 1754.
ng kalis –“CALIS. P.P. Esgrima
(Larawan: Filhistory.com)

[labanan gamit ang


patalim]: ag-calis esgrimir
la espada riñendo; darse
de cuchilladas agca-calis.
Vide. Cabil. Tagbat.”

Plate 6: Kalis’(Ilokano), sa Carro, 1849. (Larawan: Filhistory.com)

Sa Kapampangan na talasalitaan ni Diego


Bergano (1732) ay pareho din tungkol sa kalis
ang masusumpungan –“CALIS. (a) Noun, a
sword, or dagger [sundang, o punyal]. Verb of
Mi, with company, micalis, to fence or fight
with another with swords, or dagger. Picalisan,
the motive, like, over a damsel, and that place,
and also one of the two combatants. Micalis,
to clash with sticks, swords, and all the rest
[maglabanan gamit ang mga pambambo,
sundang, at lahat ng iba pa (na sandata)].
Picalis, those made to clash or fence.” Ang
salin sa Ingles mula sa Kastila ay ginawa ng
Holy Angel University sa Pampanga, sa
muling paglalathala ng Bergaño kamakailan
Plate 7: ‘Kalis’ (Kapampangan), sa Bergaño,
lang. 1732. (Larawan: Filhistory.com)

Kapunapuna na kagaya sa San Buenaventura, binanggit din ni Bergano na


ginagamit din ang pambambo o pamalo bilang sandata sa larangan ng kalis.

207
Sa Bikol, ang pakahulugan ni Marcos de Lisboa (1754) ng kalis ay pareho din
– “CARIS. pp. Espada [sundang]. Nacaris, reñir con otro espada, o poner espada a
otro. Nagcacaris, reñir dos con espada [naglalabanan, dalawa, gamit ang sundang],
o que traen puesta, o ceñida la espada ..." Sa mga wikang Pilipino, ang ‘l’ at ‘r’ ay
maaring pagpalitin (halimbawa: Ranao at Lanao, Iranun at llanun, atbp.). Kaya
naman ang 'karis' ng Bikol ay sigurado rin na ito ang 'kalis' ng ibang lugar.

Plate 8: Karis’(Bikol), sa Lisboa, 1754. (Larawan: Filhistory.com)

Sa Waray kagaya ng inaasahan, ay gayun din ang naitala ni Matheo


Sanchez sa kanyang talasalitaan na unang inilathala noong 1711 – “CALIS, vel,
caris. uc. f. un. Espada, o Cris, o otra arma larga de filos [sundang, o kris, o iba pang
sandata na mahaba ang talim]. Nangaris. Acuchillarse, o esgrimir con el Cris
[lumaban gamit ang kris]. Pinangaris aquion han(?) herido con el cris. Pangarisun co
icao: magtaga caris; traer esta arma: carisan el que anda armado con el cris. Tag
caris el dueño de esta arma.”

Plate 9: ‘Kalis’(Waray), sa Sanchez, 1711. (Larawan: Filhistory.com)

Plate 10: ‘Kalis’at ‘baladao’[balaraw], sa Pigafetta, 1521. Ang tala sa kaliwa ay mula sa Italyano (Ambrosiana)
na manuskrito, na isinalin sa Ingles ni James Robertson, sa Blair & Robertson, Vol. 1 No. 33. Ang nasa kanan ay
ang Pranses na manuskrito, na tinatawag na Nancy-Libri-Philipps-Beinecke-Yale codex. (Larawan:
Filhistory.com)

208
Plate 11: ‘Sipol’at ‘sundang’, sa Pigafetta, 1521. Ambrosiana codex ang nasa kaliwa na isinalin sa Ingles ni James
Robertson. Ang nasa kanan ay ang Pranses na codex. (Larawan: Filhistory.com)

Plate 12: ‘Kales’(Cebuano) at esgrima (Espanyol), sa Encarnacion, 1852. (Larawan: Filhistory.com)

Sa Cebuano, maaring balikan ang 1521 dahil masipag ang tagatala ni


Fernando Magallanes na si Antonio Pigafetta. Matutunghayan na sa talasalitaan ni
Pigafetta, ang mga katagang 'calix' (kalis) at iba pa ay tumutukoy din sa mga
sandatang patalim.

Sa talasalitaang Cebuano ni Juan Felix dela Encarnacion (1852), makikita


ang relasyon ng kalis o kales sa sining ng pakikipaglaban (esgrima). Tingnan ang
Plate 12, para sa kaugnayan ng 'kales' (i.e., kris o sundang) at 'kampilang' (i.e.,
kampilan), sa sining ng pakikipaglaban ng mga unang Cebuano.

Plate 13: ‘Kalis’ (Hiligaynon-Kinaray-a) sa Mentrida, 1637. (Larawan: Filhistory.com)

Sa Hiligaynon at Kinaray-a ay pareho din ang makikita. Sa talasalitaan ni


Alonso de Mentrida (1637) ay ito ang sinasabi – “CALIS. p.a. Cris, espada:
naquigcalis, esgrimir [humawak o lumaban ng may sandata] o acuchillarse:
nangalis. naga calis. f. 2. Dar estocada.”

Sa mga wika na Moro ay ganoon din ang matutunghayan. Mula sa A


Maranao Dictionary (McKaughan & Macaraya. Univ. of Hawaii, 1967):

KALIS. Sword or fighting knife of Sulu

209
KARIS. Sword

Mula saTausug-English Dictionary (Hassan, Ashley & Ashley. SIL, 1994):

KALIS. A kris (the famous two-edged sword of Sulu)...double-


bladed sword

Mula sa English-Sulu-Malay Vocabulary (Cowie. 1893):

KALIS. Kris [tulid kung tuwid ang talim, at lanteh kung alon-
alon]

Mula sa Diccionario Moro-Maguindanao-Español (Juanmarti. 1892):

KRIS, puñal
SUNDANG. El cris
CALIS. El caris (arma)

Sa madaling salita, sa buong kapuluan ay tugma-tugma ang kahulugan ng


kalis o karis, at ang kalis o karis ay - [a] isa sa sandatang patalim ng Kapilipinuhan,
at/o [b] sining ng pakikipaglaban na gamit ang mga naturang patalim o pambambo.

Saan Naman Galing ang 'Kali'?


Sa mga lumang talasalitaan ay may makikita na salitang 'kali'. Ngunit ang
ibig sabihin ng kalidoon ay tungkol sa paghuhukay—

“Cavar [Espanyol]) CALI [Tagalog] (pp) haciendo hoyo


pahincar [?] postes, o sepultura ...” (San
Buenaventura1613:154).

“CALI [Kapampangan] (pp.)... to dig up to bring out


something...” (Bergaño 1732:110).

Kung magkagayon ay noong una ay hinditumutukoy ang ‘kali’ sa akto o


sining ng pakikipaglaban. Batay sa kasalukuyang kaalaman, ang ‘kali’ bilang
patungkol sa amis o eskrima ay unang lumabas sa aklat ni Yambao at Mirafuente
naMga Karunungan sa Larong Arnis (UP Press, 1957):

“Ang KALI, [ay] unang pangalan ng larong 'amis' nuong bago


dumating ang mga kastila dito sa atin. Ang KALIS, hango din
sa KALI, ay gulok ng binalila ang tabas at tanging gamit sa

210
KALI. Ito'y laging nakasakbat sa baywang ng mga lalaki nuon
kahit saan ang paroroonan.

“Kung ang ‘S’ ay ihulip sa ‘KALI’ upang maging ‘KALIS’ ang


kahulugan ay espada o tabak, itak, dili kaya't gulok na
mahabakaysa pangkaraniwang ginagamit natin sa panahong
ito. ‘Ang manggagawa ng KALIS ay espadero. Tomas Pinpin
sa kanyang aklat: Paaralan ng Wikang Kastila ..., Manila,
1610.’ ”
Ang sabi ni Yambao at Mirafuente ay ang salitang ‘kalis’ ay galing daw sa
katagang ‘kali’. Ngunit base sa pag-aaral na ginawa sa itaas, ang mas tamang isipin
ay ang kabaliktaran. Papaano naman kaya at kailan nawaglit ang ‘s’ sa ‘kalis’ upang
maging ‘kali’ ito? Mahirap masagot ang tanong na ito.

Ang isang maaaring paliwanag ay may kinalaman sa pagsusulat ng baybayin


at ang pagbigkas nito. Ang sumusunod na sipi ay mula sa bahay dagitab ni Paul
Morrow patungkol sa pagsulat ng baybayin:

Kung ano't ano pa man, tanyag na ang katagang kali, at tuloy-


tuloy pa rin ang pagiging popular nito bilang alternatibong kataga para
sa arnis o eskrima. Ang nararapat lang ay huwag haluan ang ‘kali’ ng
mga palabok na hindi naman masusuportahan ng mga patotoo o
dokumentasyon.

Final Consonants

The most confusing feature of the baybayin for non-native readers


was that there was no way to write a consonant without having a vowel
follow it. If a syllable or a word ended with a consonant, that consonant was
simply dropped. For example, the letters n and k in a word like bundok
(mountain) were omitted, so that it was spelled bu-do.

Ang Galaw ng ‘Kalis’ ay Hindi na Malalaman

Napakahabang panahon na ang lumipas. At ang dami na ring mga


impluwensiyang pumasok mula sa mga banyagang sining ng pakikipaglaban. At
dahil napaka-adaptive' ng amis o eskrima o kali ay malugod nitong tinanggap ang
mga magagandang punto ng mga banyagang sining. Dahil dito, halos imposible ng
matunton kung ano ang mga galaw at estilo ng kalis noong araw.

211
Paglalagom

Ang ‘kalis’ at ‘karis’, noon pa man ay tumutukoy sa, [a] sandatang patalim,
at/o [b] sining at akto ng pakikipaglaban gamit ang patalim o pambambo. Ang kalis o
karisbilang sining ay umiiral na bago pa man dumating ang mga banyaga. At ang
katagang kaliso karis bilang sandata man o sining ay ginamit sa buong kapuluan ng
Pilipinas. Ang laganap ng paggamit ng salitang kalis, (at karis at kris) ay isa sa mga
maraming patotoo namay iisang diwa na nananalaytay sa buong Kapilipinuhan.

Ilang mga Larawan ng mga Sandata


at ng mga Mandirigmang Pilipino

Plate 14: Ginto – History Wrought in Gold, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

212
Plate 15: A dagger handle from the Surigao Treasure. The swirling lines and the asymmetric form suggest raging
flames surrounding a bird's head with a disk at the tip of its long beak. In Indonesia, the garuda or sun-bird was
the god Vishnu's vehicle. In old Philippine languages, the sun was also called hari, or king. The symbolism here,
then, is that the Butuan kings were vehicles of the divine. (www.gintongpamana.com)

Plate 16: Ang gintong puluhan na ito, mula ika-13 hanggang ika-14 na daantaon MK, ay maaaring nagmula sa
Cebu ayon sa BSP.

213
Plate 17: Magellan vs. Lapulapu, Maktan, Cebu, 1521. Base sa mga saksi sa labanan, may sistema at estratihiya
na ginamit ang mga Pilipino laban sa mga bayaga. Isa pa ito ng patunay na may taal na sining ng pakikipaglaban
ang mga Pilipino kahit noong una pa. (Larawan: Filhistory.com)

Plate 18: Ang tradisyon at sining ng pakikipaglaban ng mga unang Pilipino ay makikita din sa mga salaysay ng mga
banyaga na tumira sa bansa (kaliwa – laban sa Kabisayaan mula kay Alcina, ika-17 na daantaon MK). Ang nasabing
tradisyon at sining ay makikita din sa arkeyolohiko (kanan – labi ng mandirigmang Negrense at mga sandata, mula
sa ika-16 na daantaon MK). (Larawan: Raiding, Trading, & Feasting, Laura Lee Junker.)

214
Plate 19: Ang sundang at iba pang patalim ay bahagi ng pangkaraniwan na bihis ng mga unang Pilipino.
Naobserbahan noon ng mga taga Europa na ang pang-arawaraw na patalim ng mga Pilipino ay laging matalas
(hindi kagaya ng kanilang ibang dress sword na mapurol at pang-porma lamang). (Larawan: Philippine Ancestral
Gold/Boxer Codex (1590)

Plate 20: Matapos 'mapuno ang salop' at magkaisa ang mga Pilipino, noong 1898 ay naging pangkaraniwan
ang eksenang ito sa buong bansa - "At 5:00 pm on 24 December 1898, 333 years of Spanish rule in Cebu came to
an end when the Spanish flag was lowered at Fort San Pedro. Montero turned over the government [to the
Filipinos]... It was an emotion-charged moment and, in a fit of despair, some Spaniards tore their own flag after
it was lowered. In the dusk, the ceremonies over, the Spaniards and their dependents moved out in a lonely
convoy of boats bound for Zamboanga, their way station for the final withdrawal to Spain." Ang sipi ay mula sa
The War Against the Americans ni Resil Mojanes. Noong labanan na iyon, isa lamang kada tatlo o apat na
Pilipinong mandirigma ang may baril. Ang mga walang baril ay tinaguriang mga sandatahanes o ta!ibones.Ang
pagtatagumpay laban sa Espanya kung gayon ay malaking utang din sa mga magigit'ng na sandatahanes
bilang mas mga nakakarami. (Larawan: malaki - Univ. of Michigan; maHit— PBS.org)

215
Plate 21: Ang mas mataas na kaiibre ng baril ay unang kinailangan ng pwersang Amerikano noong
Digmaang Pilipino-AmerikanodahiE sa hirap patumbahin ng mga Pitipmong mandingma. Doon sa labanan
sa Luzon at Kabisayaan (1899-1902, kaBwang larawan) unang inireklamo ang pagiging inutil ng .38 na
kalibre laban sa mga Pilipinong bolomen. At noong lumipatang labanan sa Sulu-Mindanao (1903-1913,
kanang farawan), laban sa mga krismen, ay lalo !angtumingkad ang nararapat na pagbabasura sa. 38.
Ang mga Pilipinong mandirigma sa buong kapuluan kung ganoon ang naging mistulang hilot na
nagpaanak sa naging pinakatanyag at pinakamabisang pistola sa buong mundo - ang M1911.45 ACP o
'kwarenta'y singko' (gitnang larawan, mula sa Wikipedia/ M62/ Guncrafter). (Iba pang mga larawan:
kaliwa – PhilippineAmericanWar. webs.com, at kanan – Morolandhistory.com)

216
Mga Talasalitaang Ginamit

BERGAÑO, Diego. Vocabulario de la Lengua Pampanga en Romance.1732.

BERGAÑO, Diego. Vocabulary of the Kapampangan Language in Spanish and


Dictionary of the Spanish Language in Kapampangan (translation done by Fr.
Venancio Q, Samson for the Juan D. Nepomuceno Centerfor Kapampangan
Studies and the National Commission for Culture and the Arts).Holy Angel
University Press.Pampanga. 2007.

CARRO, Andres. Vocabulario de la Lengua llocana. Manila. 1849.

COWIE, Wm. Clark. English-Sulu-Malay Vocabulary. London. 1893.

ENCARNACION, Juan Felix de la. Diccionario Bisaya – Español. Manila. 1851.

HASSAN, Irene U.; ASHLEY, Seymour A.;& ASHLEY, Mary L. Tausug-English


Dictionary.Summer Institute of Linguistics. Manila. 1994.

LISBOA, Marcos de Vocabulario de la Lengua Bicol. Pueblo deSampaloc. 1754.

McKAUGHAN, Howard P. & MACARAYA, Batua A.A Maranao Dictionary.Univ. of


Hawaii Press. 1967.

MENTRIDA, Alonso de.Diccionario de la Lengua Bisaya, Hiligueina y Haraya


[Hiligaynon at Kinaray-a].1637.

JUANMARTI, Jacinto. DiccionarioMoro-Maguindanao-Espanol. Manila. 1892.

NOCEDA, Juan de y SANLUCAR, Pedro de Vocabularto de la Lengua Tagala


[Tagalog], compuesto por varies religiosos doctory grave. Manila.
1754[Reimpresoen Manila. Imprentade Ramirez y Giraudier. I860]

PIGAFETTA, Antonio.Magellan's Voyage - A Narrative Account of the First


Circumnavigation. Yale University. 1969.

__________. [Magellan's Voyage...]Mulasa Ambrosiana [Italyano na] Codex, na


isinalin sa Ingles ni James Roberston,sa 'Blair & Robertson', Vol. 1 No. 33
[http://goo.gl/kahTK].

217
__________. [(Magellan's Voyage ...)Mula saNancy-Libri-Phillipps-Beinecke-Yale
[Pranses na]Codex [http://goo.gl/0A2Fz].

SAN BUENA VENTURA, Pedro de. Vocabulario de Lengua Tagala [Tagalog] - El


Romance Castellano Puesto Primero. Con licencia Impreso en la noble villa
de Pila [Laguna], Por Thomas Pinpin, y Domingo Loag. Tagalos. Ano de
1613.

SANCHEZ, Matheo. Vocabulario de la Lengua Bisaya [Waray].Manila. 1711.

SANTOS, Domingo de los.Vocabuiario de la Lengua Tagala [Tagalog] .... 1703.

Mga Pinagkukunan Sa Internet ng


Talasalitaang Pilipino

Biblioteca de Nacional Espana [http://www.bne.es/es/lnicio/index.html]

Online naSan Buenaventura, 1613 [http://sb.tagalogstudies.org/]

Mga Pilipinong dokumento at talasalitaan sa mga unibersidad sa Estados Unidos


[http://goo.gl/FYau]

Internet Archive[http://www.archive.org/]

Project Gutenberg [http://www.gutenberg.org/]

Google Books [http://books.google.com/]

218
Iba Pang Sanggunian
CATO, Robert. Moro Swords. Graham Brash. 1996.

CAPISTRANO-BAKER, Fiorina H. Philippine Ancestral Gold. Ayala Foundation, Inc.


at NUS Press. 2011.

GALANG, Reynaldo S. Warrior Arts of the Philippines.Arjee Enterprises,Inc. 2005.

DELA CRUZ, Fe M., et. al. Katalogo - Ginto: History Wrought in Gold.Bangko Sentral
ng Pilipinas.2004.

FULTON, Robert. The Legend of the Colt .45 Caliber Semi-Automatic Pistol and
the Moros.2007. [http://goo.gl/kFfhk]

GO, Kerwin. Eskrimadors- A Filipino Martial Arts Documentary [DVD, 61 min.].


Pointsource Films. 2009.

HURLEY, Vic. Jungle Patrol - The Story of the Philippine Constabulary.EP Dutton.
1938.

__________. Swish of the Kris – The Story of the Moros.EP Dutton. 1936.

JOCANO, Felipe, Jr. "Amis: A Question of Origins", RAPID Journal, Vol. 2 No.
4,1997.

__________. "Arnis and the Work of History: A Short Critical Overview", RAPID
Journal, Vol 9No. 2, 2004.

JUNKER, Laura Lee. Raiding, Trading, and Feasting – A Political Economy of the
Philippine Chiefdoms. Ateneo de Manila University Press. 2000.

KRIEGER, Herbert W. The collection of primitive weapons and armor of the


Philippine Islands in the United States National Museum, Bulletin 137.
Washington, USA. 1926.
MORROW, Paul.Sari-sari, etc... Filipino History, Language [kasama ang baybayin],
Pop Culture & other completely unrelated stuff
[http://www.mts.net/~pmorrow/]

NEPANGUE, Ned R. at MACACHOR, Celestino. Cebuano Eskrima-Beyond the


Myth.Xlibris Corp. 2007.

219
POSTMA, Antoon. Tagalog Vocabularios. Manuskrito na hindi nailathala, uia sa
Pila Historical Society. 2001.

QUIRINO, Carlos. Filipinos at War.Vera Reyes, Inc. 1981.

QUIRINO, Cecil. Crossing the Sulu Seas -A documentary exploring the various
aspects of Philippine and Indonesian martial arts and bladed weapons [DVD,
57 min.J- Cecil Quirino Kris Productions. 1996.

SALAZAR, Zeus A. Ang Piiipinong Banwa sa Mundong Melano-Polynesiano.


Palimbagan ng Lahi. 2006.

__________. iba't ibang personal na kumunikasyon, 2010 at 2011.

SCOTT, William Henry G. Barangay - Sixteenth-Century Philippine Culture and


Society. Ateneo de Manila University Press. 1994.

__________. Looking for the Prehispanic Filipino. New Day Publishers, 1992.

TIONGSON, Jaime F. Iba't ibang personal na kumunikasyon, 2010 at 2011.

TONSAY, Omar L Ang Kasaysayan ng Pakikidigmang Ampibyosa Pilipinas 300 BK -


1946. Disertasyon na pang-doktorado na hindi pa nailalathala. Unibersidad
ng Pilipinas Diliman. 1997.

VILLAN, Vicente C. Pintados - Mga Hukbong Bisaya sa Armadong Ekspedisyong


Espanyol sa Kaputuan ng Pilipinas, 1565-1898. Disertasyon na pang-
doktorado na hindi pa nailalathala, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. 2009.

VILLEGAS, Ramon N. Ginto- History Wrought in Gold.Bangko Sentral ng Pilipinas.


2004.

WILEY, Mark V. Arnis – Reflections on the Historyand Development of the Filipino


Martial Arts. Tuttle Publishing. 2001.

__________. Filipino Fighting Arts-Theory and Practice. Unique Publications. 2000.

__________. Filipino Martial Culture.Tuttle Publishing. 1997.

YAMBAO, Placido at MIRAFUENTE, Buenaventura. Mga Karunungan sa Larong


Arnis.UP Press. 1957.

220
53.
Sipa: Isang sulyap sa Kulturang Pilipino
Marichelle O. Balay (The Varsitarian) ǀ August 30, 2002

Isa sa pinakalumang laro ng Muslimlandia at kinikilalang pambansang


tradisyonal na laro ang sipa. Patuloy itong kinikilala hanggang ngayon. Lahat ng
klase ng tao ay maaring makapaglaro nito. Kinakailangan lamang ang malusog na
pisikal na pangangatawan at ang dalawang binti kung kaya’t karamihan sa mga
Pilipino ay nagustuhan ito. Naging bahagi na din ito ng makasaysayang kultura ng
mga Pilipino na siya din namang nakakuha ng atensyon ng mga turista.

Binubuo ng walong miyembro ang sipa. Yari sa rattan at halos kasing laki ng
bola ng baseball ang ginagamit sa larong ito. Mas maliit naman sa volleybal court
ang ginagamit sa sipa at mas mababa ang net dito. Pareho din ng sa volleyball ang
paraang ginagamit na scoring dito.

Kinikilalang pinakamatanda sa larong sipa si Jesus de Jesus noong dekada


70.

Madalas na nag-eensayo si de Jesus sa Rizal Park sa pagnanais niyang


lalong makilala ang larong ito. Dahil dito, naging tanyag na pambansang kampeon
ng sipa 1959-1962 si de Jesus.

Nang wala ng torneo ng sipa na itinatanghal, napilitan si de Jesus na tumigil


sa paglalaro.

Ayon kay de Jesus, hindi niya maintindihan kung bakit hindi tinatangkilik ng
mga Pilipino ang larong sipa habang lubos na hinahangaan ito ng mgq ibang tao sa
ibang bansa dahil sa kagandahan at kasimplehan nito.

Bukod sa natatangi ito, minimal din ang pagkakataon na masaktan sa larong


sipa.

Subok na ng panahon ang sipa, kung kaya’t walang dahilan upang hindi
ipagpatuloy ang pagtangkilik sa larong ito na tunay namang maipagmamalaki nating
mga Pilipino.

221
54.
Suzuki Gixxer:Ang Muling Pagdiskubre
sa Kasiyahan ng Pagmomotorsiklo
Ni Francis Gerard Yulo Tuvilla
Mula sa Motorcyle World Philippines,vol. 3, issue no. 10

Ako si Francis Gerard Yulo Tuvilla, 56 na taong gulang. Nagsimula akong


sumakay sa motorsiklo simula noong walong taong gulang ako. Matapos ang 40ng
taon ng pagmomotorsiklo, napilitan akong tumigil noong Enero 2007 dahil sa apat na
atake sa puso at 4 na cardiac arrest bago ang aking emergency heart bypass. Sa
kabutihan ng Panginoon, nakaraos ako nang walang mga pisikal na anomalya at
ang aking matinding pagkagusto sa mga motorsiklo ay nagpabalik sa akin dito
noong Agosto 2014.

Sumakay ako sa Suzuki Gixxer 150 sa aming Visayas-Mindanao Ride, 2nd


Stage na nag-umpisa noong Setyembre 22, 2015 at natapos noong Oktubre 1
matapos ang 10ng araw at 9 na gabi, 9 na Rehiyon, 20ng Lalawigan at 2,556.0 km.

Ako ang kauna-unahang bumili ng kalalabas pa lang na Suzuki Gixxer 150 sa


Negros Occidental nang dumating ito sa Bacolod Eversure Marketing, Inc. noong
Setyembre 8. Kinailangan ko ng simpleng motor na kayang humabilo sa karamihan
ng mga nagmo-motor sa Mindanao. Nang makita ko sa internet na dumating na ang
Suzuki Gixxer 150 sa Pilipinas, at matapos basahin ang mga test drive reviews sa
Gixxer, napagtanto kong ito ang bike na hinahanap ko.

Sinimulan ko ang aming Visayas-Mindanao ride mala sa aking bayan sa


Hinigaran, Negros Occidental patungong Bacolod City noong Setyembre 20.

Ika-1 at 2ng Araw– 450.5 km. (Bacolod City - Escalante City - RORO -Tabuelan,
Cebu -Cebu City - RORO - Hilongos, Leyte - San Ricardo, Timog Leyte - RORO -
Surigao City, Surigao del Norte - RORO - Siargao Island)

Umalis ako at ang aking riding buddy na si Reuben Ledesma sa Bacolod


noong Setyembre 22 sa ika-5:00 n.u. papuntang Escalante para mag-RORO
papuntang Tabuelan. Naging napakadali ang pag-angkas at pagbaba ng Gixxer sa
RORO dahil sa gaan at liksi nito.

Pagdating sa Surigao City, unang beses ko pinuno ang tanke ko simula nang
umalis ako sa Hinigaran at masaya ako dahil maganda ang ipinakitang pagkonsumo
ng Gixxer ng gasolina sa 48km/litro. Nakarating kami sa Siargao Island bandang

222
alas-4 n.h. at dumiretso rin kami agad sa San I sidr o sa bahay nina Charles at Alice
Karlsfield para sa bed and breakfast accommodation.

lka-3 at 4 na Araw– 385.2 km (Siargao Island)

Pumasyal at nagpaikot-ikot kami sa isla. Sinaksihan rin namin ang


pagbubukas ng International Surfing Competition.

Ika-5ng Araw– 199.8 km (Siargao - RORO - Surigao City - Tandag City, Surigao del
Sur)

Bumalik ako sa Surigao City, habang nanatili naman si Reuben sa Siargao,


para makipagkita sa isa ko pang riding buddy, si Jorge Ledesma, na dumating mula
Cebu City na kanyang bayan. Sinimulan na namin ang aming Mindanao ride.

Sa daan papuntang Surigao del Sur, naging maganda ang performans ng


long stroke engine ng Gixxer paakyat sa kabundukan ng Claver. Pagdating namin sa
Tandag, nakuha ko ang 1st Free 1000 km Service ko, kasama dito ang oil change
sa RHEAN Cycle Mart. Nagpalipas kami ng gabi sa Shacene Inn.

Ika-6 na Araw– 481.2 km (Tandag - Aliwagwag Falls, Cateel, Davao Oriental -


Compostela Valley (Comval) - Tagum, Davao del Norte - Davao City, Davao del Sur)

Mula sa Aliwagwag Falls, napagpasiyahan namin na huwag nang tumuloy sa


Mati City at dumiretso na lang sa Davao City via Comval. Sa kasamaang palad,
hindi aspaltado ang mga daanan paakyat ng kabundukan ng Comval at dahil alas-
3:00 na ng hapon, alam naming kailangan naming magmadali. Ipinakita ng malaking
41 mm front fork ng Gixxer na kaya nitong suungin ang bako-bakong daan gaya ng
isang street scrambler motorcycle. Dumating kami sa Davao City bandang alas-7:00
n.g. at nag-check in sa Viajeros Economy Inn.

Ika-7ng Araw– 365.6 km (Davao City - Digos City - GenSan City, Saranggani -
Koronadal City, South Cotabato)

Nananghalian kami sa Koronadal at dumiretso hanggang Lake Sebu.


Nagkaroon ako ng pagkakataon na masubok ang top speed ng Gixxer sa 30ng
kilometrong haba mula Koronadal hanggang Surallah. Nakapag-rehistro ito ng
119km/isang oras na mabilis para sa isang 155cc na bike. Sa Lake Sebu, pinayuhan
kami na huwag na muna tumuloy sa Isulan City, Sultan Kudarat dahil hapon na.
Kaya bumalik kami sa Koronadal at nagpalipas ng gabi sa Greenstate Suites.

223
Ika-8ng Araw– 368.9 km (Koronadal - Tacurong City, Sultan Kudarat - Pigkawayan,
North Cotabato - Matanog, Maguindanao - Picong, Lanao del Sur - Kolambugan
Port, Lanao del Norte - RORO - Ozamis City, Misamis Occidental)

Umalis kami sa Koronadal ng 5:00 n.u. dahil gusto naming makaalis mula sa
rehiyon ng ARMM (Maguindanao at Lanao del Sur) sa lalong madaling panahon.
Na-stranded kami sa Pikit, North Cotabato dahil piyesta pala nila at kailangan
naming sumunod sa parada. Perohindi nag-overheat ang makina ng Gixxer sa
mabagal at pahinto at pagalaw na trapik.Pagdating sa hangganan sa pagitan ng
Maguindanao at Lanao del Sur, nagpahinga kami sa tabi ng kalsada kung saan may
kainan. Nag-kape kami at sinubukan namin ang kanilangkanin na may manok na
nakabalot sa dahon ng saging. Nakipagkwentuhan kami sa mga residente doon at
nakipagkuhanan ng litrato bago kami umalis. Nag-late lunch kami sa Kapatagan,
Lanao del Norte at dumating sa Kolambugan Port bandang 4:00 n.h. para sa RORO
patungong Ozamis City. Pagkadating sa Ozamis City, nag-check in kami sa GV
Hotels.

Ika-9 na Araw– 134.1 km (Ozamis - Dapitan, Zamboanga del Norte - RORO -


Dumaguete City, Negros Oriental)

Nagsimula kami mula sa Ozamis ng 6:00 n.u. Tumigil kami para mag-almusal
sa Oroquieta City, Misamis Occidental. Nag-enjoy ako sa mga pabalikukong daan
papuntang Dapitan dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na masubok ang handling
ng Gixxer lalo na ang malalapad at makakapit nitong mga gulong. Dumating kami ng
9:00 n.u. sa Dapitan pero kinailangan naming hintayin ang pang-4:00 n.h. na RORO
papunta sa Cebu City na titigil sa Dumaguete dahil tutuloy si Jorge sa Cebu
samantalang papunta naman akong Dumaguete. Dumating ako sa Dumaguete ng
10:00 n.g. at nag-check in sa Gazebo Pensionne House.

Ika-10ng Araw –1.70.5 km (Dumaguete papuntang Hinigaran, Negros Occidental)

Umalis ako sa Dumaguete bandang 8:00 n.u. Pero noong malapit na ako sa
pagitan ng Negros Oriental at Negros Occidental, nagsimulang umulan nang
maiakas. Nagpasiya akong tumuloy kahit na ganon. Sinuot ko lang ang panangga ko
sa ulan.

224
55.
Adventures with the Triathlon Kid
Nikko Huelgas
(nasa Sports Digest, Dec 2015-Jan 2016)

Ang Aking World Cup Debut

Bago ako bumalik sa training camp sa Rio Maior, Portugal noong Setyembre,
pinayuhan ako ng aking national federation na bibigyan ako ng stint sa magiging una
kong International Triathlon Union World Cup. Ginanap ang hiding leg ng serye nito
sa Tongyeong, Timog Korea noong Oktubre 24 na kung saan maraming top guns
ang lumahok dahil ang pinaka-elite na mga triathlete ay uhaw sa mga puntos upang
makakuha ng puwang sa Rio Olympics sa susunod na taon.

Wala na sigurong mas higit pa na karangalan sa mabigyan lang ng pwesto sa


mahirap na paligsahang ito kahit na may clalawang buwan lang ako para
makapaghanda mula sa agarang pasabi nila. Ang magiging pinaka-layunin ko talaga
dito ay makakuha ng karanasan at magamit itong panukat sa kung ano ang
kinakailangan kong pagbutihin upang makaabot sa world class level.

Pagbalik sa Rio Maior, kinailangan naming doblehin ang pagsasanay sa


paglangoy dahil dito ako may kakulangan. Kadalasang dito nalalaman kung
makakatapos ka ng draft-legal race. Kapag masama ang langoy mo, maaaring
maging tapos na lahat para sa iyo sa karera dahil mag-isa kang magbibisikleta.
Tuloy ang pagdaan ng mga araw, ganon din ang pag-unlad ko. Sinigurado kong
idagdag ang mumunting mga bagay sa pagsasanay ko na nakakalimutan minsan ng
mga elite-level na atleta gaya ng tamang pagbawi at pag-uunat pagtapos ng bawat
pag-eensayo upang manatiling flexible at makaiwas sa mga pinsala.

11-Day Camp Bago ang World Cup

Dalawang linggo bago ang World Cup, lumipad na kami patungong Timog
Korea. Kasama ng aming Portuges na coach na si Sergio Santos, tumira kami sa
Korean Armed Forces/Athletic Corps sa Mungyeong City para mabilis na makaakma
sa temperatura at sa oras. Ang athletic corps ang Olympic training center ng mga
military national athlete ng Timog Korea. Maganda ang temperatura sa center dahil
naroon ito malapit sa mga bundok. Kaunti rin lang mga sasakyan doon kaya
napakaganda nito para sa pagbibisikleta. Nasa tabi lang ng mga dorm ang mga
pasilidad gaya ng gym, swimming pool at track oval. Dalawang oras lang ang layo
ng Mungyeong City sa kabisera at ito ang naging lugar para sa katatapos lang na
Conseil International du Sport Militaire World Military Games. Ang ilan sa mga
Triathlete na lumahok doon ay sasali r in sa World Cup. Sa camp, nagsanay kami
kasama ang mga high caliber na triathlete mula sa buong mundo, kasama dito ang

225
mga atleta mula sa Belgium, Pransya at ang buong pambansang koponan ng Brazil.
Isang karanasang aral sa buhay ang makapagsanay kasama nitong mga atleta at
malaman kung paano sila maghanda para sa isang karera. May kahirapan ang
camp na ito para sa amin dahil ang iskedyul namin dito ay kadalasang binubuo ng
tatlong sesyon kada araw sa 5:30 n.u., 9:00 n.u. at 3:30 n.h. Buti na lang, walang
pinsala o pagbanggang nangyari sa buong pananatili namin dito at ang
pinakamaganda, naging mabuting kaibigan namin ang ibang mga atleta.

Pagtungo sa Tongyeong World Cup

Sa katapusan ng 11-day camp, dumiretso kaming lahat sa Tongyeong City


via sa tatlong oras na biyahe sa bus sa umaga at nakaabot kami sa evening race
briefing dalawang araw bago ang paligsahan. Sa sumunod na umaga, nagkaroon
kami ng race course familiarization sa pamamagitan ng pagsuong sa bike at swim
route. Kadalasang doon namin pinaplano ang aming estratehiya oras na ma-
pamilyarisa kami sa mga ruta lalo na sa mga teknikal na parte sa bahagi ng pag-
bike.

Araw ng Karera

lka-11 n.u. ang men's gunstart na may hangin at tubig na temperaturang


nasa 21ng digri. Tamang-tama ang panahon para sa triathlon race para sa 75 na
elite na atleta. Mabagal ang naging umpisa ko sa paglangoy sa unang 400ng metro
na hindi ko inasahan. Malaki ang naging konsekwensiya nito sa akin at maaaring
nakaapekto sa buong karera. Isa pa, talagang napakabilis ng paglangoy ng ibang
mga atleta kaya halos mag-isa ko lang binisikleta ang 40ng kilometrong daan,
naabutan ko pa ang isang taga-Uzbekistan na naiwan rin nang lumaon. Sinubukan
kong makaabot sa huling pangkat na binubuo ng limang atleta na makakatulong sa
akin na makarating sa T2 na hindi ako mag-ooverlap at matatanggal sa karera. Sa
kasamaang palad, ang lead pack ay isang pangkat ng 40ng atleta na sagaran ang
pagkarera at hindi ako nakaabot sa pangkat na kailangan ko. Pagkaabot sa T2,
natanggal ako sa karera dahil nag-overlap ako sa unang takbo. Siguro kinulang ako
ng isang minuto at kalahati sa pagtapos sa karera. Talagang maraming naituro ang
karerang ito sa akin sa mga dapat pang pagbutihin at binigyan ako ng malaking
motibasyon para makapasok sa isa pa uling World Cup qualification. Talagang
malaking karangalan pa rin na irepresenta ang bansa at maka-kumpetensiya ang
pinakamagagaling sa mundo.

Pagkatapos ng karera, dumiretso kami pabalik sa Rio Maior para sa aming


winter camp at nagsanay sa mga kailangan pa naming paunlarin. Isaito lagi sa
pinakamainam na bagay na gustong-gusto ko sa triathlon. Mayroon laging
kailangang pagbutihin na mas nagbibigay ng motibasyon sa akin kaysa sa pananalo.
Tuloy lang ang pag-unlad at walang ibang pupuntahan kundi pataas!

Laban Pilipinas.

226
56.
Total Body Workout, I-Zumba Mo!
Ara Ramos

Marami ang taong sumusumpang ang Zumba ay nakababawas ng timbang,


totoo ba ito?

Oo lamang ang tanging sagot. Ang Zumba ay makatutulong na makabawas


ng timbang subalit ang mahalagang dapat na maunawaan, ang mga dance sessions
ay hindi isang magic para sa pagbabawas ng timbang, nangyari lamang naito ay
kasama sa package na hindi inaayawan ng tao; kaysa naman ang alilain mo ang
sarili sa treadmill. Sa Zumba ay nagkakaroon ka pa ng pagkakataong makasama ng
ilang oras ang mga kaibigan sa pagsasayaw at maging ang mga taong hindi mo
kilala habang may malakas na musika. Dahil nagiging masaya sa dance classes ang
mga tao, patuloy silang dumadalo rito, at ito ang dahilan kaya nagwo-work ang
Zumba. Ang teyorya ay kung anuman ang nakapagpapakilos sa tao ay maganda, at
ito ang dahilan kung bakit sila bumabalik dahil masaya sila habang nagsasayaw ng
Zumba.

Kung nais na gamitin ang Zumba para sa pagbabawas ng timbang, o kaya


naman ay sinusubukan na ito at hindi naman nakikita ang pagbabago sa timbangan.
maaaring may mga kadahilanan dito.

Ang mga problema sa Zumba sa pagbabawas ng


timbang

Hindi lahat ng classes nito ay ganoon ka-intense; maaaring ang nakukuhang


workout ay hindi tulad ng sa ibang Zumba-ers.

Maraming beses ko nang ginawa ang pagdalo sa Zumba class, hindi man
ako panatikong tagahanga nito, magandang paraan ito para mabago naman ang
pare-parehong ginagawa sa loob ng gym. Iba't ibang instructors ay may kani-
kaniyang class formats, kanta at mga sayaw, na humahantong sa iba't ibang klase
ng intensidad sa enerhiyang iyong ginagamit. Sa madaling salita, nakasali na ako sa
mga class na kung saan sa loob lamangng isa't kalahating oras ay sobra na ang
aking pagpapawis, at sadyang pump-up na ang aking heart rate. Sadyang
nararamdaman mo ang workout at ito ay masaya. Sa karamihan ng pagkakataon na
sinubukan ko ito, gayunman,natuklasan ko na sa ibang klase ng Zumba, sa loob ng

227
90 minutes, ang mga dance moves ay hindi halos nagpapakilos sa akin, hindi ako
nagpapawis at marami pa akong oxygen at literal na ako ay naghihikab.

Kung nais na magbawas ng timbang sa mga dance class, dapat ay alam mo


kung gaano mapaghamon ang ginagawa para sa sariling antas ng kalusugan. Kung
ang Zumba class na dinaluhan ay hind nagpapataas ng iyong heart rate at hindi
nararamdaman na hinahamon huwag umasa na bababa ang iyongtimbang dahil sa
naroon ka sa klase sa loob ng isa o dalawang oras. Magandang lugar ito ng
pagsisimula para sa mga bago pa lang nagwo-workout subalit maaaring
mangailangan nang mas intense na routine sa sandaling naging mas malusog ka na.

Ang Zumba ay hindi nagbu-burn ng 1000 calories sa


isang oras
Ang myth na ang Zumba ay kayang magsunog ng 1000 calories kada oras ay
hindi totoo at misleading hype na nakapanloloko para sa mga taong tunay na
sinusubukang makapagbawas ng timbang.

Walang strength training ang ibang Zumba class


Ang strength training ay mahalaga sa napakaraming dahilan; ang toned body
na nagsusunog ng maraming calories habang nakapahinga ay ang isa sa
mahalagang motibasyon. Pinipigilan din nito ang bone density loss, binabawasan
ang tsansa ng injury, pinapabuti ang posture, pinalulusog ang mga joints at ang
abilidad ng katawan ng tao para suportahan ang joints na iyon, ang ilan iamang sa
benepisyo nito. Kung nais na gamitin ito sa pagbabawas ng ekstrang timbang,
siguraduhing kasali ang strength training at makikitang mas mabilis ang pagbabawas
ng timbang.

Ano ang Zumba?


Ito ay Latin-inspired dance fitness class na karaniwang tumatagal sa pagitan
ng 60-90 minuto.

Karaniwang ang instructors ay nagsisimula ng maigsing warm up


(pagkatapos na tawagin ang lahat ng baguhan o ‘newbies’ sa class) at pagkatapos
ay diretso na sa bahaging pagsayaw kung saan inaasahan na magsusunog ng
calories ang inyong katawan habang sumasabay sa mga tugtog na magkahalong
salsa at hip hop music. Huwag masindak kung hindi marunong sumayaw dahil ang

228
karamihan ng Zumba dance classes ay nagaganap sa dilim, karaniwang may disco
ball spinning lights sa buong kuwarto.

Kung hindi ka komportable na sumasayaw sa harap ng mga taong hindi mo


naman kilala, maaari mong subukan ang Wii Zumba Fitness game sa loob ng iyong
tahanan.

Gayunman, nag-isip ka na ba kung ano ang maaaring mahika sa likod ng


ehersisyong ito na ngayon ay sikat na sikat sa fitness world? Sa puntong ito,
titingnan natin ang 10 benepisyo na maaaring makuha sa Zumba.

Ang 10 Benepisyo ng Zumba

1. Mapabuti ang Cardiovascular Health

Ang isa sa pinakamagandang benepisyo na may kaugnayan sa pagsasayaw


ng Zumba ay ang pagpapabuti ng iyong cardiovascular health. Ang iyong
cardiovascular system ay binubuo ng iyong puso, gayundin ang mga veins at
arteries na nagdadala ng dugo mula sa puso patungo sa ibang bahagi ng katawan
ng tao. Kapag ang sistema ay mahina, maaaring makaranas ng rnga sintomas tulad
ng panghihina, kakulangan sa paghinga, pagod, at kawalang kakayahan na gawin
ang mga pang-araw-araw na gawain. Karagdagan sa mga sintomas na ito, ang
mahinang cardiovascular system ay maaaring, sa ilang mga kaso ay magdulot ng
atake sa puso o kamatayan. Natuklasan sa mga pag-aaral na ang isa sa
pinakamabisang paraan sa pagpapabuti ng iyong cardiovascular system ay ang
paggawa ngmga pisikal na aktibidad na pumapagod sa iyong puso, tulad ng
paglalakad, paglangoy o pagsayaw ng Zumba.

2. Pagbabawas ng Timbang

Ang isa pang napakagandang benepisyo na may kaugnayan sa pagsasayaw


ng Zumba ay ang pagsusunog ng taba sa katawan at pagbabawas ng timbang. Ito
ang isa sa pinaka-karaniwang dahilan kung bakit pinipili ng mga tao na sumali sa
mga grupong nag-eehersisyo tulad ng Zumba. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang
Zumba ay isang uri ng cardiovascular exercise, at natuklasan sa pag-aaral na ang
pagsali sa mga cardiovascular exercise ay ang pinakamabisang paraan para
mabawasan ang timbang. Para sa pinakamagandang resulta, alamin kung ilang
calories ang iyong nasusunog habang nagwo-workout, at gamitin ito upang i-
maximize ang pagbabawas ng timbang. Para sa isang average person, ang
pagsasayaw ng Zumba sa loob ng isangoras ay magsusunog ng 600 hanggang
1,000 calories.

229
3. Nakakawala ng Pagod

Ang mga Zumba dance routines ay tungkol sa pagpapakawala ng iyong mga


inhibisyon at mawala ang sarili sa mga paggalaw. Ang ilang tao na dumadalo sa
Zumba classes ay sinasabing mas mabuti ito sa therapy. Hindi lamang
nagpapakawala ng mood altering endorphins ang mga energetic moves,
mararamdaman mong natutunaw ang iyong mga alalahanin habang iniindayog ka ng
musika at iyong paggalaw.

4. Bumubuti ang Mood/Positibong Imahe ng Sarili

Natuklasan sa mga pag-aaral ang lahat ng klase ng ehersisyo ay gumagawa


ng endorphins, na isang uri ng "feel good" hormone na pinakakawaian na sa
bloodstream pagkatapos mong mag-ehersisyo. Ang mga taong naghihirap sa
pakikipaglaban sa depresyon ay karaniwang ini-engganyo na makiisa sa pisikal na
aktibidad upang mabenepisyuhan ng mga hormones na ito. Nadiskubre ng mga pag-
aaral na sa mataas na bilang ng pinakakawalang endorphin ay kailangang makisali
ka sa cardiovascular exercise. Ang Zumba ay napakagandang kapalit – pinapabuti
nito ang pagtingin sa sarili, kumpiyansa sa sarili at imahe ng sarili.

5. Pinapabuti ang koordinasyon

Ang pagsasayaw ng Zumba ay napakagandang paraan din para mapabuti


ang iyong koordinasyon. Ang maayos na koordinasyon ay napakahalaga, lalo na sa
iyong pagtanda. Ang pagbagsak o pagkadapa ng mga matatanda ay isa "sa
nangungunang sanhi ng kanilang kamatayan. Kaya naman kung mapapabuti at
mapapanatili ang koordinasyon habang nagkaka-edad, mas malamang nahindi
mabiktima ng mga ganitong klaseng aksidente.”

6. Tones the Abdominals

Marami sa mga galaw sa pagsayaw ng Zumba ay nakatutulong sa


pagpapalakas ng core abdominal muscles – ang hanay ng muscles na nagbibigay sa
pelvis ng tibay at lakas Ang ibig sabihin nito, mas matibay na abdominals, mas
mababa ang panganib ng back pain.

7. Total Body Workout

Sa weight-lifting at resistance training, ikaw ay naka-pokus sa isang grupo ng


muscles sa bawat pagkakataon. Kahit na nag-cardio sa treadmill o kaya naman ay

230
exercise bike, pinagagana mo lamang dito ang ibabang bahagi ng iyong katawan.
Ang Zumba ay nagbibigay ng total body toning routine at kasama rito ang heart-
pumping aerobic workout. Ang regular na sesyon ng pagsasayaw ng Zumba ay may
abilidad na ihugis at palakasin ang mga bahagi ng katawan, tulad ng hips, arms,
heart at mind.

8. Nagbibigay ng Benepisyo ng Interval Training

Ang pagsasayaw ng Zumba ay nagbibigay ng benepisyo ng interval training


na isa sa pinakamabisang paraan ng pagsusunog ng calories. Isinasama ng Zumba
ang prinsipyo ng interval training sa bawat workout sa paggamit ng pagpapalit-palit
ng mabilis at mabagal na sequences upang maiba ang intensidad.

9. Ito ay Masaya at Nakapagpapasiglang Katawan

Ano ang pinaka-karaniwang dahilan sa pagtigil ng tao sa page-ehersisyo?


Kakulangan ng panahon at pagkabagot. Ang Zumba ay tinutugunan ang parehong
problema na ito sa pagbibigay ng Total Body Workout sa isang sesyon at ginagawa
nitong masaya ang bawat ehersisyo. Ang magic ng masayang Latin music ay
nagmo-motivate sa mga kasali na gawin ang mga galaw nang may mas intensidad
kaysa kapag sila ay gumagawa ng serye ng squats o set ng lat-pull down exercises.
Ang mood ay sadyang masaya sa Zumba exercise class. Ang oras ay madaling
nakakalimutan dahil ang mga dance routines ay masigla, masaya at hindi
nakababagot.

10. Masaya at Hindi Nakaka-Intimidate ang Kapaligiran

Mag-aral ng mga bagong dance steps na madaiing sundan, masaya at


kapana-panabik.

231
57.
Para sa Isang Malakas na Katawan
Weng Valdesancho

Ang immune system ay mistulang hukbo ng mga sundalo na sumasagupa sa


infectious organisms. Binubuo ito ng mga special cells, proteins, tissues at organs na
nangangalaga sa katawan laban sa germs at micro organism. Magmula sa ilalim ng
unan hanggang sa door handle ng opisina, milyun-milyong germs ang maaaring
pumasok sa katawan ng tao. Sa pamamagitan ng series of steps na tinatawag na
immune response, nilalabanan ng immune system ang mga organisms at
substances na naghahatid ng sakit sa katawan ng tao.

Ang balat ang nagsisilbing front line ng body's defense. Dito pa lang ay
pinipigil at pinapatay na ng ating balat ang germs sa pamamagitan ng sanitizing
secretions nito. Dahil dito, mahalagang maging malusog ang ating balat. Ugaliing
kumain nang regular ng mga pagkaing mayaman sa bitamina at mineral tulad ng
yoghurt, berries, kiwi, isda, kamote at green tea. Iwasan ang mga pagkaing matamis
at lahat ng uri ng junk foods. Ang mga gasgas at sugat sa balat ay nag-iimbita sa
pagpasok ng mga bacteria sa loob ng katawan.

Sa loob ng katawan ng tao, naroon ang spleen, white blood cells, antibodies
at lymph system na pumipigil sa mga bacteria at inilalayo ang katawan sa sakit.
Nililinis ng mga ito ang dugo at inaalis ang lason at toxins. Pinapalitan din ng
immune system ang napinsalang cells ng mga bago at malulusog na cells.
Pinapatay nito ang virus upang gumaling sa sakit ang isang tao. Mahalaga ang
papel na ginagampanan ng ating immune system kaya kailangang maging malakas
at malusog ito. At magkakaroon lamangtayo nito kung tama ang ating mga kinakain.
Ang mga pagkaing mayaman sa vitamins A,C,E, zinc, selenium, omega 3 fatty
acids at bioflavonoid ang kailangan para sa bang malusog na immune system.

Matatagpuan ang maraming Vitamin A sa kamote, keso, tuna, karot,


kalabasa, kale at apricot. Pinararami ng mga pagkaing ito ang T-cells na pumupuksa
sa germs. May taglay rin itong anti-oxidants upang makaiwas sa sakit sa puso at
kanser. Mayaman naman sa Vitamin C ang citrus fruits kagaya ng strawberry at
bayabas. Ang mga pagkaing itoay tumutulong sa pagpaparami ng antibodies at
hinaharangan nito ang mga bacteria at virus. Maibibigay naman ngspinach, broccoli,
wheat, pepper at collard greensang sapat na Vitamin E upang panatilihing malusog
ang cells ng immune system. Ang kailangang zinc, selenium, omega-3 fatty acids at
bioflavonoidaymaaaring makuha sa mga pagkaing rnula sa karne ng tupa, baka,
mani, tsokolate, salmon, bawang, mga pagkaing maasim, papaya at red peppers.

232
Napatunayan din sa ilang pag-aaral naang coconut oil ay mabisa rin para sa
immune system. Mayaman ito sa lauric acid na nagiging monolaurin sa loob ng
katawan ng tao. Ang monolaurin ang sangkap ng gatas ng ina na nagpapalakas sa
immune system ni baby.

Ang kabute o mushroom ay maganda rin para sa immune system.


Pinadadami nito ang cytokines o mga cells na mabisa laban sa impeksyon. May
taglay rin itong polysaccharides na nagpapalakas sa immune system. Ang uri ng
mushroom na mayroon nito ay ang shitake, maitake at reishi.

Kung mapapansin, ang poor nutrition ay katumbas ng mga infection sa


katawan, mabagal na paggaling sa karamdaman maliban pa sa madaling kapitan ng
sakit ang isang tao. Palakasin ang ating immune system sa pamamagitan ng mga
tamang pagkain. Umiwas sa sakit, at umiwas sa gastos dahil sa mataas na halaga
ng mga gamot.

233
58.
Pambahay na Lunas sa Ubo at Sipon
Nestor Cuartero

May sipon?

Baradong ilong? Nahihirapang huminga? Pangkaraniwan na ang ganitong


senaryo sa mga panahong ito. Mainit kasi sa maghapon sa gabi naman ay
lumalamig ang panahon. Dulot na raw ito ng climate change sa buong mundo.

Hindi dapat ipagwalang-bahala ang sipon o ubo, ayon kay Dr. Willie T. Ong,
cardiologist sa Manila Doctors Hospital at kolumnista. Maaari kasi itong lumala at
magdulot pa ng ibang sakit o komplikasyon. Narito ang ilang home remedies ni Dr.
Ong para gamutin o mapaikli ang ubo at sipon.

1. Uminom ng tubig o ibang mga fluids. Ang pag-inom ng 8-12 na baso ng tubig
araw-araw ay makakatulong. Ang tubig, juice, salabat, o maligamgam na
calamansi juice na may pulot o honey ay nakakatulong sa paglusaw ng bara
at upang maiwasan ang dehydration.Iwasan ang pag-inom ng alak, kape at
soft drinks, na nagpapalala ng dehydration.

2. Pag-inom ng Bitamina C. Ang Bitamina C ay maaaring makapagpapaikli ng


tagal ng sipon. Isang dosage 500mg ay sapat na at hindi gaanong
makakairita ng tiyan.

3. Ikonsidera ang mga gamot na pang sipon. Mga gamot na nabili sa botika ay
maaaring makahatid ng ginhawa ngunit hindi nito napipigilan o napapaikli ang
tagal ng sipon. Ikaw ang bahala kung iinumin mo ito o hindi, Isang paalala
lamang: 'Yung may mataas na alta presyon o may sakit sa puso ay mag-
ingat sa pag-inomnito.

4. Magpahinga. Sabihin sa inyong boss na ikaw ay may sakit. Kung maaari,


huwag gaanong magtrabaho para gumaling ang katawan. Ang pagpapahinga
ng katawan ay nakalalakas ng resistensiya.

5. Subuking kumain ng maanghang na sopas ng manok. Ang sopas na may


manok ay nakakatulong sa resistensiya at pinabibilis ang daloy ng mucus sa
ilong. Ilang eksperto ang nagsabi na ang bawang, sibuyas o sili ay
nakakalinis ng daluyan ng ilong.

234
6. Iwasan ang gatas. Ang mga produktong gawa sa gatas ay
nakapagpapalabas ng mas maraming plema sa ibang tao. Iwasan muna
angmga produktong ito pansamantala.

7. Magmumog ng tubig na may asin. Ang pagmumog ng tubig-alat na may


kalahating kutsaritang asin at maligamgam na tubig ay nakakapagbigay ng
pansamantalang kaginhawaansa maga at makating lalamunan.

8. Lumanghap ng steam o usok. Ang paglanghap ng usok, galing sa mainit na


tubig, mainit na sopas o nebulizer, ay nakakatulong sa tuyong ubo. Maaari ka
ringmaligo sa mainit na tubig at gumamit ng humidifier. Kailangan lang malusaw
ang plema.

9. Subukin ang zinc. Ang gamot na may zinc ay nakakabawas ng ubo at


sintomas ng sipon. Ang mga gamot sa ubo o kendi ay makakatulong sa tuyo,
makating ubo, ngunithindi ito puwede sa bata tatlong gulang pababa. Baka
sila ay mabilaukan.

10. Maging positibo sa pag-iisip. May mga aral na nagpapakita na ang


pagkakaroon ng positibong ugali ay nagpapabilis ng iyong paggaling. Ang
isip at katawan ay konektado. Isiping malusog ka at maaaring ikaw ay
malusog.

Huwag kaligtaan, magpakita sa doctor. Kapag ang iyong lagnat ay mas


mataas pa sa 38.5 C, pag ikaw ay nahihirapang huminga o umuubo ng mas marami
sa normal na plema, mas mabuting bisitahin na ang iyong paboritong doktor. Mag-
ingat.

235
59.
Tips sa Epektibong Pag-eehersisyo
at Pagwowork-out
Annie Duran

Mabibilang mo pa ba kung ilang beses mo nang tinangka na pagandahin ang


iyong kaanyuan, magbawas ng timbang at magkaroon ng katawang fit at sexy? At
sa huli'y sumuko ka sa iyong mga nasimulan? Ilang beses mo na bang sinimulang
magpunta sa isang gym at mag-umpisa sa pagwo-workout, ngunit tumigil lang
pagkalipas ng ilang araw. O maaari rin namang may ilang araw mo nang
naisasagawa ang pagwo-workout ngunit sa paglipas ng ilang araw, unti-unti
nababawasan ang oras na inilalaan mo sa iyong page-ehersisyo hanggang sa
tuluyang tumigil ka na rito. Hindi lamang ikaw ang nakakaranas ng ganito, marami
na ang dumaan sa ganyang sitwasyon na pagkawala ng sigla na naramdaman sa
umpisa ng workout program at ang paglalaho ng mgabagay nanag-uudyok sa isang
tao upang magpatuloy sa page-ehersisyo.

Bagama't batid natin na ang page-ehersisyo ayisa sa mahahalagang


sangkap ng isang malusog na pamumuhay, kadalasan ay hindi natin magawang
makapagsimula man lang o kung nakapagsimula na ay hindi natin magawa ito nang
tuluy-tuloy at palagian.

Narito ang ilang paraan upang matagumpay na makapagsimula ng isang


workout program at tulungan ang sarili upang maipagpatuloy ito:

1. Baguhin ang lifestyle.


Gawing balanse ang iyong diet. Uminom ng mga herbal tea na
nakapagpapalakas ng katawan at alagaang mabuti ang iyong kutis. llan lamang ito
sa mga gawain namaaaring mag-udyok sa iyo upang lalong pagandahin ang sarili, at
mula rito, maiisipan mong magsimula sa page-ehersisyo at workout program.

2. Pumili ng gym na malapit sa iyong bahay,


trabaho o paaralan.
Simulan ang pag-eehersisyo sa sariling bahay. Sumunod dito pumunta sa
isang gym at malalaman na madali na ang mga magiging susunod na workout.

236
3. Subukan ang ibang physical activities.
Iwasan ang mgaexercise program namabigat para sa iyo.Piliin lamang iyong
mgaprogramang malilibang kahabang ginagawa mo. Maaaring subukan ang ibang
activity tulad ng belly dancing, tango o swimming. Maaari ring isagawa ang yoga
sapagkat binabalanse nito ang ating emosyon at nervous system.

4. Isiping ito ay panghabang-panahon.


Igayak ang sarili sa isang panghabang-panahong activity na makatutulong sa
iyo upang maiwasan ang mga sakit tulad ng diabetes at sakit sa puso, pag-iwas sa
back pain at osteoporosis. Isiping ang ginagawa ngayon ay may mabuting idudulot
sa hinaharap.

5. Sa mga araw na tinatamad mag-ehersisyo, ano


ang dapat gawin?
Maaaring isagawa ang ilang basic exercises tulad ng abdominals kahit sa
loob lamang ng 15 minuto. Sa ganitong paraan, hindi tuluyang mawawala ang sigla
sa pag-eehersisyo. Maaaring lumipas ang katamaran at sa susunod na araw ay
muling sumigla sa pagsasagawa ng iyong workout program.

6. Iba pang paraan upang mahikayat na pumunta sa


gym:

 Isipin lagi kung gaano kagaan ang pakiramdam pagkagaling sa gym.


 Gawing sukatan nang nabawas na timbang ang isang pair of jeans upang
malaman agad ang resulta nang pinaghirapan.
 Maaaring magsama ng ilang kaibigan sa gym upang Ialong maging enjoyable
ang workout.
 Patugtugin ang paboritong music habang nagwo-workout.
 Maaari ring magkaroon sa bahay ng ilang kagamitan na may kinalaman sa
pagwo-workout tulad ng exercise dvds o pares ng hand and ankle weights.
Maaaring isagawa ang ilang workout anumang oras naisin sa bahay.

Huwag kalimutang batiin ang sarili sa mga pagbabagong nangyayari sa


katawan hatid ng pagwo-workout. l-treat ang sarili sa isang masarap na fragrant
massage upang ma-relax ang mga muscle at gumanda ang balat.

237
60.
Halimbawa ni Pacman
Ni Ramon Bernardo (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedMarch 15, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines – Samga madalas o sa sinumang mahilig mag-ehersisyo, isa


ring magandang halimbawang masusundan ang mga pamamaraang ginagawa ni
People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao para manatiling malakas at malusog.

Maling persepsyon kung aakalaing para lang sa mga boksingero ang


sinasabing mga routine exercise ni Pacman. Magagamit din ng sinumang
mapagmatyag sa kanilang kalusugan ang mga makilos niyang aktibidad.

Isa ring pagtataguyod sa pag-eehersisyo ang mga naglalabasang mga ulat


hinggil sa mga pamamaraan ni Pacman sa pagpapalakas ng katawan.

Matagal nang itinuturo ng mga health expert at ibang dalubhasa sa medisina


at siyensiya ang kahalagahan ng ehersisyo para manatiling malusog ang katawan.

Hindi lang sa katawan nagpapalusog ang ehersisyo. Maging sa isip din ng


tao. Nakakatulong din ito para maging alerto lagi at maaliwalas ang pag-iisip natin.

Pero, siyempre, sa mga baguhan o sa mga nangangarap maging boksingero,


isang modelo si Pacman na kanilang matutularan kung hindi man higitan para
magtagumpay din sila sa larangang ito.

Sa mga boksingero kasi, matindi o masidhing ehersisyo ang kailangan nilang


gawin para maligtasan ang 12 round ng “bugbugan” sa ring.

Meron nga sa kanila na tumatakbo pa nang paakyat sa bundok, nagbubuhat


ng troso o malalaking bato o bakal, o kaya ay nagpupunta sa mga lugar na higit na
magpapahirap sa kanilang katawan. At karaniwan na nga ang jogging sa araw-araw
nilang ehersisyo.
Sa mga naunang panayam kay Pacman, sinasabi niyang pinapalitan din niya
ang araw-araw niyang paraan sa ehersisyo. Bukod pa rito ang mga panahong
ginugugol niya sa gym.

Ayon pa kay Pacman sa isang panayam, tumatagal nang 45 minuto ang


kanyang pagtakbo (jogging), umaabot sa 2,000 ang bilang ng kanyang mga tina-
tawag na sit-up at 20 minuto naman sa jump rope.

238
Sumusuntok siya sa heavy bag nang apat o limang round habang 20 minuto
naman sa speed bag.

Ano pa ba ang ibang routine exercise niya? Bukod sa jogging, nariyan ang
push up, punch milt, speed ball, double endball, shadow boxing o pagpalo ng stick
sa kanyang tiyan.

Isa rin sa sinubukan ni Pacman ang tinatawag na plyometrics. May mga ilang
kumontra sa ginawa niyang ito pero sinasabing ipinagpatuloy pa rin niya ang
ganitong klase ng ehersisyo.

Sinasabing ang plyometrics ay isang klase ng ehersisyo na naglalayong


gawing mas mabilis at mas malakas ang bawat kilos at higit na mapabuti ang
nervous system ng isang atleta.

Ayon sa Wikipedia, ginagamit sa plyometrics ang malakas at mabanat na


kalamnan (muscles) ng katawan para makatalon nang mas mataas, makatakbo
nang mas mabilis, at makasuntok nang mas malakas at mas mabilis depende sa
layunin ng pagsasanay.

“Nararamdaman ko ang pagbabago sa aking sistema, nakita kong mas


lumaki ang ilang bahagi ng aking katawan at masaya ako,” sabi nga ni Pacman sa
isang hiwalay na panayam. “Ibibigay ng siyensiyang ito ang kinakailangan kong
sukat at lakas sa likod ng aking mga suntok.”

Kaya hindi katataka na naabot ni Pacman ang yugto na, sa kasaysayan ng


boksing, siya ang unang boksingerong nanalo ng pitong world title sa pitong iba’t
ibang weight division.

239
KABANATA 6
____________

Iba Pang Natatanging Lathalain

240
May mga artikulong pang-isports na maaaring sabihing
natatangi dahil hindi ito kasali sa karaniwang pagbabalita o
pagtatampok. Kadalasang batay ito sa interes ng manunulat at
maaaring nagmula ang inspirasyon ng pinapaksa sa isang
pangyayari o manlalaro. Dahil dito, nasa manunulat ang laya
ng pagpili ng kanyang paksa at kaparaanan sa paghahatid nito
sa mambabasa. Maaari itong itaon sa isang espesyal na
pangyayari o panahon gaya ng pagpasok ng bagong taon o
anibersaryo ng isang liga o asosasyon. Ito ang inilalarawan ng
mga halimbawang artikulo sa kabanatang ito.

241
61.
Para sa bayan: Mga manlalaro na 'buwis
buhay' para sa pambansang koponan
Ni Chino Trinidad| August 3, 2015, 01:57 pm
Hinalaw mula sa www.spin.ph

[Una sa tatlong bahaging serye]

Sayang at marami sa ating mga kasalukuyang mga basketbolista ay hindi


nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mga rnakapigil-hiningang galaw ng isang
Avelino "Samboy" Lim.

Binansagan siyang 'Skywalker' dahil talaga namang tila ba lumulutang at


nakapag-lalakad siya sa ere kada siya umaatake tungo sa basket.

Isa siyang pambihirang kumbinasyon ng "power and grace."

Ngunit ang tunay na namukod tangi sa kabuuan ni Samboy bilang isang


atleta ay kung paano nito ilang beses itinaya ang buhay para sa bayan.

Noong 1985 sa Girona, Spain ay itinala ng Pilipinas ang isa sa


pinakamalaking tagumpay in international play ng talunin natin ang Banco Di Roma,
na kalipunan ng mga national players ng Italya sa World Club Championship.

Lingid sa kaalaman ng marami kasama ng coaching staff sa pangunguna ni


Coach Ron Jacobs, ay inatake ng hika si Samboy sa larong iyon kontra sa mga
malalakas na players galing Italya.

Sa gitna ng kahirapang huminga ay nagtala pa si Samboy ng isang bultong


puntos at hinirang na most outstanding playerna hindi na niya nagawang tanggapin
dahil nasa dugout na siya at nilalapatan ng first aid dahil kinakapos na siyang
hininga.

Ito ang tumatak sa isipan at puso ng isang katatapak pa lamang sa kolehiyo


noong panahong iyon. Dito ko nakita at naunawaan kung paano yung sinasabing
paglalaro ng buong buhay para sa bansa.

Ang aking panalangin ay kahit man lang konti ay matutunan din ng mga
kasalukuyan al susunod na henerasyon ng niga basketbolista na ang paglalaro para
sa bayan ay hindi dapat tinatalikuran ng kahit sino man!

242
62.
Allan Caidic: Mga manlalaro na 'buwis
buhay' para sa pambansang koponan
Ni Chino Trinidad | August 6, 2015, 08:03 pm
Hinalaw mula sa www.spin.ph

[Pangalawa sa tatlong bahaging serye]

Balikan natin ang isang hindi dapat kinakalimutang araw noong Setyembre
ng taong 1990 sa Acropolis Gym sa Pasig para sa unang practice ng PBA Selection
na kakatawan sa Pilipinas sa Asian Games.

Punung-puno ang ang gym ng mga taga-suporta ng koponanang


pinamumunuan ni Coach Sonny Jaworski.

Ngunit nababalot din ng kalungkutan ang ensayo sapagkat alam ng rnga


napiling maging bahagi ng 1990 Asian Games squad na hindi nila makakasama ang
top scorer ng bayan noon - si Allan Caidic, na may fractured left hand matapos itong
ma-aksidente sa championship series noong All-Filipino Conference.

Eto ang hinding-hindi ko makakalimutan bilang isang nagsisimula pa lamang


na production assistant para sa Vintage Sports ni Ginoong Bobong Velez. Nandun
ako ng bigla na lang nagsigawan ang mga nanonood ng ensayo sa hapong iyon.

At paglingon ko sa isang bahagi ng gym ay nakita ko si Allan Cadic na may


makapal pa na benda sa kanyang shooting hand na halatang namamaga pa. Naka-
unipormeng pang-ensayo si Allan!

Dali-dali siyang humingi ng bola at nagsimula ng kanyang shooting drills,


gamit ang kanang kamay at inaaalalayan ng kanyang heavily taped left hand.

Makapanindig-balahibo ang eksenang iyon.

Ang nasa isip ko noon ay bakit kinakailangan pa ng isang Allan Cadic na


ilang beses ng nagsilbi bilang bahagi ng ating Pambansang Koponan na magpakita
sa ensayo, sumabay sa ensayo at itaya ang kanyang playing career para lamang sa
isang torneo gaya ng Asian Games?

Ang tadhana na ito ay nasagot matapos ang 25 taon.

243
63.
Top 10 Story: Saya't Lungkot Hatid ng 2015
sa Philippine Sports
Ni Chris Co (Pilipino Star Ngayon)
| UpdatedDecember 25, 2015 – 12:00am

Pacquiao-M’weather Fight of the Century

MANILA, Philippines – Sari-sari ang rnga balitang yumanig sa mundo ng palakasan


sa nakalipas na taon.

May rnagarbong selebrasyon dahil sa kanilang tinamong tagumpay ngunit


mayroon din namang hindi magandang kabanata na nagdulot ng kalungkutan.

Gayunpaman, hindi matitinag ang puso ng mga Pilipino dahil hindi ito basta-
basta sumusuko. Unti-unting babangon. Nakataas ang noo hanggang sa muling
makamit ang inaasam na tagumpay.

1. Nagunguna sa listahan ang tinaguriang Fight of the Century dahil matapos ang
ilang taong negosasyon at palitan ng maaanghang na salila ay natuloy din ang
bakbakan nina eight-division world boxing champion Manny Pacquiao at
undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Marami ang nag-abang sa engkuwentro nina Pacquiao al Mayweather


dahil inasahan ng rnga ito na magiging pukpukan ang laban mula umpisa
hanggang dulo ng kanilang sagupaan. Ilang kilalang personalidad pa ang
dumayo sa Las Vegas, Nevada noong Mayo2 kabilang na ang rnga hollywood
stars, pulitiko at ilang tanyag na sports personalities.

Subalit dismayado ang rnga nanood dahil sa umano'y malamyang laban,

Kalaunan ay inamin ni Pacquiao na mayroon itong iniindang injury sa


kanang balikat.

Sa huli napanatili ni Mayweather ang kanyang WBA (super), WBC at


WBO welterterweight titles sa bisa ng unanimous decision.

Pumabor ang mga hurado kay Mayweather sa iskor na 116-112, 116-112


at 118-110.

Umaasa ang marami na magkakaroon ng rematch ang Pacquiao-


Maywealher hanggang sa mga oras na ito, walang malinaw na negosasyong
gumugulong sa pagitan ng magkabilang panig.

244
SBP Nabigong Makuha ang Hosting ng 2019 FIBA World Cup

2. Umuwing luhaan ang Samahang Baskelbol ng Pilipinas noong Agosto matapos


mabigong makuha ang hosting rights ng FIBA World Cup na gaganapin sa 2019.

Nagwagi ang China laban sa Pilipinas sa iskor na 14-7 na-ibinigay ng


rnga miyembro ng makapangyarihang FIBA Central Board sa ginanap na
pagpupulong sa Tokyo. Japan

Naging tema ng presentasyon ng Pilipinas ang puso kung saan


ipinagmalaki nito ang lubos na pagmamahal ng mga Pilipino sa basketbol na
siyang bubuhay sa pagtataguyod ng bansa sa naturang world meet.

Ipinakita rin ang world-class Philippine Arena na pangunahin sanang


gagamiting venue kasama ang Mall of Asia Arena, Araneta Coliseum at ang
bubuuing arena sa Cebu City.

Subalit mas magarbo ang iprinisenta ng China na nagtataglay ng


malalaking pasilidad na ginamit noong 2008 Beijing Olympic Games, 2014
Nanjing Youth Olympics, 2010 Guangzhou Asian Games at ilang FIBA events.

Sa ngayon, nakasentro ang atensiyon ng SBP sa tangkang rnakuha ang


hosting rights sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa
Hulyo 4 hanggang 10.

Ayo Tinapos ang Pagkauhaw ng Letran sa Titulo

3. Nagliwanag ang kalangitan sa Intramuros matapos masungkit ng Colegio de San


Juan de Letran ang kampeonato sa NCAA Season 91 men's basketball.

Tinuldukan ng Letran ang limang taong paghahari ng San Beda College


sa bendisyon ng 2-1 panalo sa best-of-three championship series.
Wagi ang Knights sa Game 1 (94-90) ngunit naitabla ito ng Red Lions sa
Game 2 (68-61)

Naitakas ng Letran ang pahirapang 85-82 overtime win sa Game 3 para


matamis na angkinin ang kanilang ika-17 korona sa pinakamatandang liga sa
bansa.

UAAP Title Ibinalik Ng Tams Sa Morayta

4. Matagumpay ding naibalik ng Far Eastern University (FEU) sa kanilang teritoryo


ang korona nang pabagsakin nito ang University of Santo Tomas 2-1 sa UAAP
Season 78 men's basketball best-of-three championship showdown.

245
Nagtapos bilang runner-up noong nakaraang taon, siniguro ng Tamaraws
na hindi na huhulagpos sa kanilang kamay ang minimithing titulo nang itarak nito
ang 67-62 panalo sa kanilang do-or-die match.

Naipanalo ng FEU ang Game 1 sa iskor na 75-64 subalit isang malakas


na puwersa ang inilatag ng Growling Tigers sa Game 2 para itabla ang serye sa
bisa ng 62-56 desisyon.

Nanatili sa unahan ang FEU bilang winningest team sa liga hawak ang 20
korona kasunod sa ikalawang puwesto ang UST at University of Ihe East na may
parehong 18 titulo.

Nakabalik na si Donaire

5. Nagbalik ang ningning.sa mga mata ni Nonito Donaire Jr. nang muli nitong
mahablot ang World Boxing Organization junior featherweight title matapos
kubrahin ang unanimous decision win laban kay Cesar Juarez ng Mexico noong
Disyembre 12 sa Coliseo Roberto Clemente sa San Juan, Puerto Rico.

Nakuha ni Donaire ang 116-110, 116-110, 117-109 panalo upang


magarbong tapusin ang taong ito hawak ang makislap na WBO belt na
magugunitang naagaw sa kaniya ni Guillermo Rigohdeaux ng Cuba noong 2013.

Napaganda ng 33-anyos na si Donaire ang kaniyang rekord sa 36 panalo


tampok ang 23 knockouts, at tatlong talo.

Nadal Nangakong Babalik sa Pinas

6. Muling nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na masaksihan ang world-


class tennis sa pagdating ng mahuhusay na tennis players sa ginanap na 2015
International Premier Tennis League (IPTL) Manila Leg sa Mall ol Asia Arena sa
Pasay City.

Malinis ang naging rekord ng Manila Mavericks nang talunin nito ang
UAE Royals (29-18), Japan Warriors (25-21) at Indian Aces na pmamumunuan
ni Rafael Nadal (25-24).

Kabilang din sa mga dumating si reigning World No. 1 Serena Williams,


dating French Open champion Ana Ivanovic, Belinda Bencic, Mark Philippoussis
at Carlos Moya.

Tunay na nabighani si Nadal sa mainit na pagtanggap ng rnga Pilipino


kaya't nangako itong babalik sa Pilipinas upang bisitahin ang ilang kilalang tourist
spots

246
Beermen Hinirang na Kampeon sa PBA Governors' Cup

7. Bumalik ang bangis ng San Miguel Beer nang kubrahin nito ang kampeonato sa
Philippine Basketball Association (PBA) Governors' Cup sa pamamagitan ng
matarnis na pagwalis sa best-of-seven championship series laban sa Alaska
noong Hulyo.

Hindi pinaporma ng Beermen ang Aces nang kunin nito ang 108-78
panalo sa Game 1, 103-95 demolisyon sa Game 2, 96-89 desisyon sa Game 3 at
91-81 pananaig sa Game 4 para angkinin ang ika-21 kampeonato ng prangkisa
sa liga.

Umusad sa playoffs ang Beermen matapos pumangalawa sa eliminasyon


hawak ang 8-3 rekord.

Dumaan sa butas ng karayom ang Beermen bago makapasok sa semis.

Tangan ang twice-to-beat advantage, lumasap muna ng 99-106 kabiguan


ang SMB laban sa Meraico sa kanilang unang pagtatagpo. Subalit mas naging
agresibo ang Beermen sa do-or-die game nang ilista nila ang 102-86
kumbinsidong panalo.

Sa semifinals, pinatalsik ng Beermen ang Rain or Shine, 3-1, sa kanilang


best-of-five series.

Itinanghal na Best Player of the Conference at Finals Most Valuable


Player si June Mar Fajardo.

Nagwagi rin si Fajardo ng kanyang ikalawang Season MVP.

Narvasa Maraming Pagbabagong Gagawin sa PBA

8. Sa pagbubukas ng Season 41, nagkaroon ng pagbabago sa liderato ng


Philippine Basketball Association matapos italaga si Chito Narvasa bilang
bagong commissioner ng liga.

Si Narvasa, na dating nagsilbing commissioner sa NCAA noong 2007 at


UAAP noong 2008, ay napili base sa isinagawang botohan ng PBA Board.

Pinalitan ni Narvasa si Chito Salud na nagsilbi bilang kauna-unahang


CEO/President ng PBA. Ngunit kalaunan ay nagbitiw si Salud sa kaniyang
tungkulin kung saan tatapusin na lamang nito ang taong 2015 bago tuluyang
lumisan sa liga.

247
Pinas Isinalba ng Boxing, Athletics sa Singapore SEAG

9. Habang lumalaon, umaangat ang lebel ng kompetisyon sa Southeast Asian


Games ngunit hindi makasabay ang mga atletang Pinoy dahil na rin sa
kakulangan ng suporta at solidong programa mula sa mga namurnuno ng
palakasan sa bansa.

Sa nakalipas na 2015 edisyon ng biennial meet na ginanap sa Singapore,


tumapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas tangan ang 29 ginto, 36
pilak at 66 tanso kung saan nanguna ang athletics at boxing sa kampanya ng
bansa nang magbigay ito ng tig-limang gintong medalya.

Oo nga't umangat ng isang baitang ang Pilipinas sa medal tally kumpara


sa ikapitong puwestong pagtatapos ng Pambansang koponan noong 2013
Myanmar Games, malayo pa rin ito sa:112 gintong medalyang nakamit ng
Pilipinas nang tanghaling kampeon noong 2005 Manila SEA Games.

Matapos magkampeon noong 2005 edisyon ng Southeast Asian Games


na ginanap sa Manila, tila napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga karatig-bansa
nito sa rehiyon.

Patunay ang ikaanim na puwestong pagtatapos nito sa 2015 SEAG na


ginanap sa Singapore kung saan nag-uwi ng 29 ginto, 36 pilak at 66 tanso ang
pambansang koponan - malayo sa 112 gintong nakamit ng bansa may 10 taon
na ang nakalilipas.

Salamat sa impresibong kampanya ng athletics at boxing na parehong


nagbigay ng limang gintong medalya habang nag-ambag ng tig-tatlong ginto ang
taekwondo at billiards na tunay na maaasahan sa mga international
competitions.

Back-2-Back sa Ateneo sa UAAP Women's Volley

10. Matayog ang lipad ng Ateneo de Manila University matapos dagitin ang
ikalawang sunod na kampeonato sa UAAP women's volleyball tournament noong
Marso.
At naisakatuparan ito ng Lady Eagles sa bisa ng matamis na 16-0 sweep
kabilang ang kanilang dominasyon laban sa De La Salle University sa finals.

Pinanguhahan ni Alyssa Valdez ang ratsada ng Lady Eagles laban sa


Lady Spiker kung saan wagi ang Ateneo sa Game 1 sa iskor na 25-18, 25-19,
25-19 at sa Game 2; 25-22, 25-17, 25-23, upang mapanatili ang kanilang korona.

Pinangalanang Season Most Valuable Player si Valdez, ang kaniyang


ikalawang MVP trophy, kasama pa ang Best Scorer at Best Server awards
habang nasikwat ng katropa nitong si Amy Ahomiro ang Finals MVP.

248
MGA SANGGUNIAN
I. Naka-print na materyal at online journal

Balay, Marichelle. “Sipa: Isang Sulyap sa Kulturang Pilipino.” The Varsitarian


30 Agosto 2002.

Constantino, Pamela. “Lengguwaheng Pinoy sa Bilyar.” Salindaw: Varayti at


Baryasyon ng Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino,
Unibersidad ng Pilipinas, 2012. 203-205.

Cuartero, Nestor. “Pambahay na Lunas sa Ubo at Sipon.” Liwayway 11 Enero


2016: 11.

Dayrit, Celso. The Olympic movement in the Philippines. Manila: the


Philippine Olympic Movement, 2003.

Dizon, Romeo. “Fore! Isang Pagtalakay sa Wika ng Golf.” Salindaw: Varayti


at Baryasyon ng Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino,
Unibersidad ng Pilipinas, 2012. 200-202.

Duran, Annie. “Tips sa Epektibong Pag-eehersisyo at Pagwo-workout.”


Celebrity Food and Health Digest. 2014: 50-51.

Evasco, Eugene, et al. “Kahulugan at Kabuluhan ng Pananaliksik.” Saliksik:


Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan at Sining.
Quezon City: C&E Publishing, 2011.

Huelgas, Nikko. Salin ng “My World Cup Debut.” Sports Digest Dis. 2015 –
Ene. 2016: 56-57.

Lasco, Lorenz. “Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating


Panahon”. Dalumat Ejournal 2.2 (2011): 1-17.

Mangahis, Josefina, et al. “Makrong Kasanayan sa Pagsulat.” Komunikasyon


sa Akademikong Filipino. Quezon City: C&E Publishing, 2005.

Mariano, Jocelyn. “Ang Varayti ng Filipino sa mga Balitang Isports sa


Diyaryo.” Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino.
Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, Sistemang Unibersidad ng
Pilipinas, 2005. 118-125.

249
Ocampo, Nilo. “Mga Varayti ng Wika”. Salindaw: Varayti at Baryasyon ng
Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas,
2012. 18-38.

Ramos, Ara. “Total Body Workout, i-Zumba mo.” Celebrity Food and Health
Digest. 2014: 46-49.

Tuvilla, Francis Gerard. Salin ng “Suzuki Gixxer: The Pleasure of Riding


Rediscovered.” Motorcyle World Philippines. 2015: 28-31.

Valdesancho, Weng. “Para sa Isang Malakas na Katawan.” Celebrity Food


and Health Digest. 2014: 64-65.

II. Online archives ng mga balita:

Sports|Balita - Tagalog Newspaper Tabloid. Web.


<http://balita.net.ph/category/sports/>.

PSN Palaro Ngayon|philstar.com. Web. <http://www.philstar.com/pilipino-star-


ngayon/psn-palaro/archive>.

Meraña, Beth Repiza. Author Archive|philstar.com. Web.


<http://www.philstar.com/author/Maribeth%20Repizo-
Mera%C3%B1a/AMBETHABOL>.

Trinidad, Chino. Dalawa Singko|SPIN.PH. Web. <http://www.spin.ph/dalawa-


singko/archives>.

Zaldivar, AC. Author Archive|philstar.com. Web.


<http://www.philstar.com/author/AC%20Zaldivar/FREE%20THROWS>.

Cordero, Abac. Author Archive|philstar.com. Web.


<http://www.philstar.com/author/Abac%20Cordero/PRESS%20ROW>.

250

You might also like