You are on page 1of 2

Pangalan: Walter Torino Raval

Kurso/Taon/Seksyon: CSS 4A Bowlsly


Pagsasanay 2.1
Panuto: Ipaliwanag kung ano ang mga sumusunod:

1. Ponemang segmental
Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng
partikular na wika. Ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na "baha" at "bahay" ay bunga ng
pagkakaroon ng dagdag na ponemang /y/ sa salitang "bahay". Kung gayon, ang ponema[1] ay ang pundamental
at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang
isang ponema nito.

2. Impit
Ang impit na tunog o glotal ay itinuturing na isang ponemang katinig sa Filipino bagama’t hindi ito ipinakikita
sa ortograpiya ng ating wika.

3. Diptonggo
Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang
pantig. Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na
patinig, kaya’t hindi na maituturing na diptonggo. Ang “iw”, halimbawa, sa “aliw” ay diptonggo. Ngunit sa
“aliwan” ay hindi na ito maituturing na isang diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitan na sa dalawang patinig.
Ang magiging pagpapantig sa “aliwan” ay a-li-wan at hindi a-liw-an. Narito ang ilang halimbawa ng diptonggo
sa Pilipino:
aliw labi’y aruy eywan totoy aray sabaw nowt giliw puti’y kasuy eyto batsoy taray bataw helow sisiw kami’y
baduy reyna kahoy bahay kalabaw fown
Ang /iy/ sa kami’y, halimbawa, ayaw tanggapin ng iba bilang diptonggo sa katwirang dinaglat lamang daw ang
“ay” at ikinabit pagkatapos sa “kami”. Paano raw ang kudlit (‘)? Linawain nating hindi binibigkas ang kudlit, na
ang ating pinag-uusapan ay bigkas at hindi bantas. Pansinin na ang magiging transkripsiyon ng “kami’y” ay
/kamiy/. Dito ay litaw ang diptonggong /iy/. Kung may salita tayong maibibigay upang lumitaw ang /ew/at
/uw/, may pagdadaglat mang naganap o wala, tatanggapin nating diptonggo ang mga ito.

4. Klaster
Ang klaster o cluster sa Filipino ay tinatawag na kambal katinig. Ang kluster o kambal katinig ay binubuo ng
dalawa o higit pang makakatabing consonant o katinig na magkasama sa isang bigkas, kasama ang isang patinig
o higit pa.
Ang kambal katinig ay maaaring makita sa unahan, sa gitna, o sa hulihang pantig ng isang salita. Ang kambal
katinig o klaster ay dapat nababasa sa iisang pantig lamang ng isang salita.

Ilan sa mga halimbawa ng mga salitang nagtataglay ng klaster o kambal katinig ay ang sumusunod: gripo, prito,
tsaa, plato, braso, blusa, drama, dyip, klase, trumpo, tsinelas, globo, at tseke.
5. Allophone
Ang Allophones ay isang uri ng ponema na nagbabago sa tunog nito batay sa kung paano ang isang salita ay
nabaybay. Isipin ang letrang T at kung anong uri ng tunog ang ginagawa nito sa salitang "tar" kumpara sa "mga
bagay-bagay." Ito ay binibigkas na may mas malakas, pinutol na tunog sa unang halimbawa kaysa sa
pangalawa. Ang mga lingguwista ay gumagamit ng espesyal na bantas upang magtalaga ng mga phonemes.
Ang tunog ng isang L, halimbawa, ay nakasulat bilang "/ l /."

Ang pagpapalit ng isang allophone para sa isa pang allophone ng parehong ponema ay hindi humantong sa
isang iba't ibang mga salita, lamang ng isang iba't ibang mga pagbigkas ng parehong salita. Para sa
kadahilanang ito, ang mga allophones ay sinasabing hindi kapansin-pansin. Halimbawa, isaalang-alang ang
kamatis. Binibigkas ng ilang tao ang salitang ito "daliri-MAY-daliri," samantalang sinasabi ng iba na "daliri-
MAH-daliri." Ang kahulugan ng "kamatis" ay hindi nagbabago, hindi alintana kung binibigkas ito sa isang
mahirap na A o isang malambot na tono.

You might also like