You are on page 1of 17

1

5
EPP/TLE
HOME ECONOMICS
Quarter 2 – Module 1:
PAGBABAGONG PISIKAL sa SARILI
2

EPP/TLE- Grade 5
Quarter 2-Module 1: Pagbabagong Pisikal sa Sarili

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat
na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director:
Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional
Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module


Writer: Maria Corazon M. Baldon, T-III Albay Central School
Editor: Gina B. Baronia MT- I , Tamaoyan Elementary School
Illustrator:
Consultant: Raul B. Bendian, EPS EPP/TLE/TVL
Management Team:
Gilbert T. Sadsad, Regional Director
Jessie L. Amin, Assistant Regional Director
Francisco B. Bulalacao Jr., CLMD Chief, ROV
Christie L. Alvarez, Regional EPS EPP/TLE/TVL
Crestito M. Morcilla, Schools Division Superintendent
Fernando C. Macaraig Assistant Schools Division Superintendent
Imelda R. Caunca Division CID Chief
Raul B. Bendian, Division EPS EPP/TLE/TVL
3

Naipaliliwanag ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa sarili sa


panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

EPP5HE0a-1

Natutukoy ang mga pagbabagong pisikal sa sarili tulad ng pagkakaroon ng


tagiyawat, pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan at labis na
pagpapawis.

Natatalakay ang mga paraang dapat isagawa sa panahon ng pagbabagong


pisikal ( Paliligo at Paglilinis ng katawan)

EPP5HE0a-2

Naipakikita ang kamalayan sa pang-unawa sa pagbabago ng sarili at pag-


iwas sa panunukso.

Pagdadalaga

Pagbibinata
4

SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIAL IN EPP/ TLE 5


Pangkalahatang –idea (Overview):

Ang mga pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga at nagbibinata ay


napapaloob sa tinatawag natin “puberty stage”. Ito ay nagsisimula sa isang batang
may gulang na 10-16 na taong gulang. Ang “puberty stage” ay ang yugto sa buhay
ng isang tao na kung saan ang kanyang pangangatawan, emosyon at pag-iisip ay
lumalawak at umuunlad upang maging ganap na lalaki o babae.

Ang modyul na ito ay makakatulong upang matukoy ang mga


pagbabagong pisikal na nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata at ang mga paraang dapat isagawa sa panahon ng pagbabagong
pisikal tulad ng paglilinis sa sarili.

Sa modyul na ito, matuto ka ng mga dapat gawin upang maging malinis,


maayos at malusog ang sarili sa panahon ng pagdadalaga at nagbibinata.

Aralin 1: Mga Pagbabagong Pisikal sa Sarili

Layunin:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan sa iyo na:

 Natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga at


nagbibinata.
 Naipapaliwanag ang mga kadahilan ng mga pagbabagong nagaganap
sa sarili.
 Natutukoy ang mga hakbang na dapat gawin upang maging maayos,
at malinis ang pangangatawan
.
5

Paano ka matututo mula sa Modyul?

Alam ko excited ka na pag-uumpisa ng modyul na ito, andito ang


mga bagay na dapat tandaan upang maayos at wasto mo magagawa ang mga ito:

1. Basahin nang mabuti ang bawat panuto.

2. Gawin nang wasto at maayos ang bawat panuto.

3. Sagutin ang Pre-test bago magsimula sa aralin.

4. Makamit ang 75% na antas ng masteri sa pagsusulit

5. Gumawa nang masigasig at tapat.

6. Sagutin ang Post –test.

TALASALITAAN

Puberty stage. Ang yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata sa


gulang na 10-16

Adam’s apple o gulunggulungan. Matatagpuan sa bandang ibaba ng leeg


ng mga kalalakihan na nagiging sanhi ng pagbaba o paglaki ng kanilang
boses o sa lalagukan.

Buwanang-daloy/regla o “ Menstruation”. Nagmumula ang dugo sa matris

ng isang babae na may gulang mula siyam (9) hanggang labing –anim (16)

taong gulang.

PRE-TEST

Sa pagsisimula ng mga gawain; sagutin nang wasto at maayos ang PRE-


TEST na para sa iyo; para malaman at matiyak ang inyong kaalaman ukol sa paksa
o aralin.
Magsimula ka na! Bawat tanong ay may isang (1) wastong sagot.
6

PANUTO: Suriin at bilugan ang wastong titik ng tamang sagot.

1. Ano ang uri ng glandulang naghuhudyat ng mga pagbabagong nagaganap sa


isang nagdadalaga at nagbibinata na matatagpuan sa gitnang bahagi ng
utak?

a. secretory gland c. Tyhroid gland

b. Pituitary gland d. sweat gland

2. Alin ang mga pagbabagong nagaganap sa isang nagbibinata maliban sa isa?

a. paglaki ng kalamnan o muscles c. pagkakaroon ng regla

b. pagkitid ng balakang d. pagtubo ng bigote

3. Sa panahon ng pagdadalaga, alin ang pagbabagong naghuhudyat ng

pagiging ganap na dalaga?

a. Paglapad ng balakang c.pagkakaroon ng buwanang daloy

b. Pagkahugis ng dibdib d. pagtubo ng buhok sa kilikili

4. Kung nais mo mapanatiling malinis ang pangangatawan ano ang mga

dapat gawin maliban sa isa?

a. maligo araw-araw

b. panatilihin na malinis ang kuko at mga daliri

c. magsepilyo ng ngipin tatlong beses sa isang araw.

d. iwasan ang pagpapalit ng panloob na damit .

5. Sa pagbabagong pisikal ano ang kinakailangan unawain ng isang nagdadalaga

at nagbibinata?

a. unawain na ang lahat ng nararanasan ay normal

b. ikahiya ang mga pagbabagong nagaganap

c. ikatakot ang mga pagbabago sa sarili

d, maging mapanuri sa kapwa tao.

6. Sa pagbabagong pisikal , ano ang kinakailangan unawain ng isang nagdadalaga

at nagbibinata?
7

a. unawain na ang lahat ng nararanasan ay normal

b. ikahiya ang mga pagbabagong nagaganap

c. ikatakot ang mga pagbabago sa sarili

d, maging mapanuri sa kapwa tao.

7. Ano ang mga dapat gawin ukol sa pangkalinisan sa sarili maliban sa isa?
a. Maligo araw-araw
b. Magpalit ng malinis at maayos na damit
c. Manghiram sa kapatid ng sipilyong gagamitin.
d. Malinis ang mga kuko at nasuklay ang buhok.
8. Ano ang pagbabagong nagaganap sa mga kababaihan na naghuhudyat ng
kanilang pagiging dalaga?
a. Pagpapatuli
b. Pagkakaroon ng regla o buwanang daloy.
c. Pagtubo ng buhok sa dibdib
d. Pagkitid ng balakang
9. Sa mga pagbabagong pisikal ano ang nagaganap sa mga kalalakihan
maliban sa isa?
a. Pagkakaroon ng bigote
b. Pagkitid ng balakang
c. Pagkakaroon ng regla
d. Pagpapatuli
10. Upang maging malinis, maayos at matatag sa sarili; ano ang dapat gawin ng
isang nagdadalaga at nagbibinata?
a. Panatilihin ang sariling kalinisan
b. Pabayaan ang sarili
c. Iwasan na kumain ng masustansiyang pagkain
d. Hindi pagpapalit ng damit sa araw-araw.
8

Kumusta ang pagsasanay? Nasagot mo ba nang tama ang bawat aytem?

Kung tama ang lahat ng sagot mo, magaling! Marami ka nang nalalaman
tungkol sa paksang tatalakayinsa modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang
modyul na ito para mabalik-aralan ang mga bagay na nalalaman na.

Kung mababa ang iyong iskor, huwag mag-alala. Para sa iyo ang modyul na
ito! Tutulungan ka nitong maintindihan ang ilang mahahalangang kasipan na
magagamit mo sa araw-araw.

Learning Activities:

ARALIN 1: Mga Pagbabagong Pisikal

Ang panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay nagmumula sa gulang na 10-


16 taong gulang. Ang pagbabago sa katawan ay normal sa isang batang
nagdadalaga at nagbibinata sa panahon ng “puberty stage”. Ito ay ang yugto sa
buhay ng isang tao kung saan ang kaniyang pangangatawan, emosyon, at pag-iisip
ay lumalawak at umuunlad upang maging ganap na binata o babae. Ang mga
pagbabago ay dahilan ng tinatawag na “pituitary gland” kung saan ito ang
komokontrol sa paglaki ng katawan at pag-unlad ng pag-iisip ng isang batang
nagdadalaga at nagbibinata. Habang ikaw ay lumalaki, marami kang haraping
pagbabagong pisikal, emosyonal at mental. Sa mga kababaihan nagkakaroon sila
ng ng regla o buwanang daloy mula sa gulang na sampu (10) na siyang tanda ng
kaniyang paggiging ganap na dalaga. Ang Pagtutuli naman ay isinasagawa sa lalaki
sa gulang na 10 hanggang 14. Ito ay isang simpleng operasyon kung saan inaalis
ang sobrang balat na nakabalot sa tunod at maiwasan ang impeksyon.

Kinakailangang maging maluwag sa kalooban ang pagtanggap ng mga


pagbabagong nararanasan mo at sa mga pagkakaiba-iba ng bawat isa.
Makakatulong ito upang magkaroon kayo ng tiwala sa sarili at paniniwala sa inyong
kakayahan upamg harapin ang inyong mga tungkulin at pananagutan sa sarili, sa
kapwa, sa bayan at sa inyong kapaligiran.
9

Mga Pagbabago sa Isang Nagdadalaga


1. Pagsulong ng taas at bigat.
2. Pagbabago sa sukat ng katawan
3. Pag-unlad ng mga pangunahing bahagi ng katawan. Lumulusong at
nagkakahugis ang dibdib. Nagkakaroon ng buwanang da loy o menstruation.
4. Paglapad ng balakang, pagiging makinis ng kutis, pagtubo ng taghiyawat lalo na
kung malapit nang magkaroon ng buwanang daloy, at pagtubo ng buhok sa
iba’t ibang bahagi ng katawan.
5. Pag-iiba ng kilos tulad ng pagiging palaayos sa sarili, pagkahilig sa
pinakahuling moda ng damit at ayos ng buhok, at pagkakaroon ng interest
sa paglalagay ng pampaganda at palamuti sa katawan.
6. Pagkakaroon ng pagka gusto sa isang binata o paghanga sa mga artista.

Mga Pagbabago sa Isang Nagbibinata


1. Tumataas mula 7 hanggang 12 sentimetro. Mabilis ang pagtaas at pagbigat
ng timbang sa gulang na 14 hanggang 19 na taon.
2. Mabilis ang pag-unlad ng kalamnan na nagbibigay ng kakayahan sa
paggawa ng mabigat ng gawain.
3. Unti-unting lumalaki at nagbabagong ganap sa kasariang panlalaki.
4. Nagkakaroon ng taghiyawat, at tinutubuan ng buhok sa iba’t ibang bahagi
ng katawan tulad ng sa kilikili at sa binti. Makikita rin ang pagtubo ng begote.
5. Nagkakaroon ng adam’s apple, lumalaki ng bahagya ang dibdib, lumalapad
ang balikat, kumikitid ang balakang, at lumalaki ang boses.
6. Tumataas mula 7 hanggang 12 sentimetro. Mabilis ang pagtaas at pagbigat
ng timbang sa gulang na 14 hanggang 19 na taon.
7. Nahihilig na sa pinakahuling moda ng damit at uso ng damit.
8. Nagkakainteres at humahanga sa mga dalaga at pumilpili na ng mga
kaibigan at barkada.

Sa pagsulong ng taas at bigat madalas unang mapapansin sa mga


babae kaysa sa mga lalaki lalo na kung nagkakaroon na ng regla sa maagang
panahon. Ang mga lalai ay mabilis n atumatangkad matapos matuli. Sa
gulang na 14 hanggang 19 ay mabilis na hahahbol ng taas at timbang ang
mga lalaki sa mga kasinggulang na babae.
10

PANGANGALAGA SA SARILI

Ang wastong pangangalaga sa sarili ay mahalagang mapagtuunang mabuti ng


pansin. Dapat isakatuparan araw-araw ang wastong pag-uugaling pangkalusugan
para sa sariling anyo at relasyon sa ibang tao.

Hindi kailangang maganda o guwapo ang isang tao. Mahalaga sa bawat tao
ang pansariling kalinisan at kaayusan. Tungkulin ng bawat isa na pangalagaan ang
kaniyang pansariling kaayusan at kalinisan.

Wastong Paraan ng Pag-aayos at Paglilinis sa Sarili

1. Paliligo
Dapat ugaliiing maligo araw-araw para manatili tayong malinis. Gumamit ng
sabon sa buong katawan. Gumamit ng shampoo na akma sa klase ng buhok

2. Pagsisipilyo ng Ngipin
Ang pagsisilpilyo ng ngipin pagkatapos kumain ay makatutulong ng Malaki
upang maiwasang masira o mabulok ang ngipin. Gumamit ng totthpaste na may
fluoride na angkop para sa mga bata.
11

Wastong Pangangalaga ng Kuko

Mahalagang panatilihing malinis ang mga kuko sap aa at kamay. Iwasang


isubo ang mga daliri sa bibig lalo na kung marumi ang kuko. Gupitin ang kuko ng
pa at kamay isang beses sa loob ng isang linggo. Gumamit ng nail cutter.

Ating alamin ang mga epekto ng mga pagbabagong pisikal sa ating sarili sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

EPEKTO NG PAGBABAGO

A. Pisikal
1. Nananakit ang dibdib dahil sa paglaki ng dibdib (Babae)
2. Sumasakit ang ulo at minsan ay nahihilo
3. Sumasakit ang puson at balakang dahil sa malapit na pagreregla
4. Malimit na mauhaw, malakas kumain, at mahimbing matulog
5. Mabilis ang pagtangkad na maaaring maghatid ng mainam o di-mainam na
epekto. Ang iba ay napapanatiling matuwid ang tindig, ang ilan ay nakukuba o
nahuhukot.
6. Madaling pagpawisan
7. Nagiging mapili sa kasuotan at kadalasa’y sunod sa moda ang ayos ng buhok
8. Mabilis, maliksi, malakas, masigla, at aktibo.

B. Emosyonal o Damdamin
1. Nagiging palaayos sa katawan at pananamit
2. Nagkakaroon ng hinahangaan at ginagawang modelo sa pananamit at
pagkilos.
3. Nahihilig sa mga makabagong tugtugin sa radio. Alam ang mga makabagong
galaw sa sayaw.
4. Nagsisimulang humanga sa opposite sex.
5. Nagsisimulang bumuo ng grupo ng kaibigan o barkada.
6. Nagkakaroon ng interes sa pakikitungo sa iba.

Wastong Pag-uugali

Narito ang ilang wastong pag-uugali na dapat mong taglayin.

1. Batiin palagi ang iyong mga magulang, mga nakatatanda, mga guro, at iba pang
kakilala.
2. Laging tandaan ang mahahalagang araw ng mga mahal sa buhay tulad ng
kanilang kaarawan at anibersaryo ng kasal.
3. Banggitin ang mga salitang “Salamat”, “paki”, “Ipagpaumanhin”, “Sorry”, “po”, at
“opo” sa mga sitwasyong kailangan ito.
4. Bigyan ng pangunahing atensyon ang mga matatanda, kababaihan, may
kapansanan o mahihina sa pag-upo, pagpasok at paglabas sa pintuan, at pag-
akyat at pagbaba sa sasakyan.
12

5. Iwasan ang pagsigaw at paghalakhak sa publikong lugar. Iangkop ang kilos at


lakas ng boses.
6. Magpaalam nang maayos at maging matapat sa magulang kapag lumalabas ng
bahay Uuwi sa oras na ipinangako sa magulang.
7. Iwasan ang paglilihim sa mga magulang.
8. Maging mapagtimpi upang makaiwas sa anumang gulo.
9. Piliing mabuti ang magiging kaibigan.

10.Magsuot ng angkop at disenteng damit. Iangkop ang damit sa gulang, okasyon,


at panahon.

Subukin Natin: Ano ang Gagawin Mo?


PAGSASANAY 1
Panuto : Tukuyin ang maga sumusunod ayon sa Talaan.

Ano ang pagbabagong napansin mo sa inyong sarili sa panahon ng


Pagbibinata at Pagdadalaga? Itala ang inyong mga sagot sa loob ng kahon.

Pagbabagong Pisikal na Pagbabagong Pisikal na


Nagaganap sa Lalaki Nagaganap sa Babae
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

PAGSASANAY 2.
Panuto: Sagutin nang wasto at maayos ang mga sumusunod na tanong ayon sa
inyong kakayahan.

1. Anu- ano ang mga dapat gawin mo upang maging maayos ang sarili sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?

_____________________________________________________

________________________________________________

_________________________________________________
13

2. Bakit mahalagang tanggapin ng bukal sa kalooban ang mga


pagbabagong pisikal sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata?

_______________________________________________

_______________________________________________

PAGSASANAY 3
Panuto: Kung tamang pangangalaga sa katawan ang isinasaad ng pangungusap,
isulat sa patlang ang TP, kung hindi tama, isulat ang HP.

_______ 1. Paliligo araw-araw, may karamdaman man o wala, manatili lamang na


malinis at mabango.

_______ 2. Paggamit ng malinis, angkop at sariling hair brush at bimpo.

_______ 3. Pagtulog ng walong oras, pag-inom ng walong basong tubig, at pag-


eehersisyo araw-araw.

_______ 4. Pagpapahaba ng kuko at pag-aaply ng nail polish upang maitago ang


dumi sa kuko.

_______ 5. Manghiram ng mga personal na gamit tulad ng tuwalya at sipilyo.

POST TEST
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod . Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang uri ng glandulang naghuhudyat ng mga pagbabagong nagaganap sa


isang nagdadalaga at nagbibinata na matatagpuan sa gitnang bahagi ng
utak?

a. secretory gland c. Tyhroid gland

b. Pituitary gland d. sweat gland

2. Alin ang mga pagbabagong nagaganap sa isang nagbibinata maliban sa isa?

a. paglaki ng kalamnan o muscles c. pagkakaroon ng regla

b. pagkitid ng balakang d. pagtubo ng bigote


14

3. Sa panahon ng pagdadalaga, alin ang pagbabagong naghuhudyat ng

pagiging ganap na dalaga?

a. Paglapad ng balakang c.pagkakaroon ng buwanang daloy

b. Pagkahugis ng dibdib d. pagtubo ng buhok sa kilikili

4. Kung nais mo mapanatiling malinis ang pangangatawan ano ang mga

dapat gawin maliban sa isa?

a. maligo araw-araw

b. panatilihin na malinis ang kuko at mga daliri

c. magsepilyo ng ngipin tatlong beses sa isang araw.

d. iwasan ang pagpapalit ng panloob na damit .

5. Sa pagbabagong pisikal ano ang kinakailangan unawain ng isang nagdadalaga

at nagbibinata?

a. unawain na ang lahat ng nararanasan ay normal

b. ikahiya ang mga pagbabagong nagaganap

c. ikatakot ang mga pagbabago sa sarili

d, maging mapanuri sa kapwa tao.

6. Sa pagbabagong pisikal ano ang kinakailangan unawain ng isang


nagdadalaga at nagbibinata?

a. unawain na ang lahat ng nararanasan ay normal

b. ikahiya ang mga pagbabagong nagaganap

c. ikatakot ang mga pagbabago sa sarili

d, maging mapanuri sa kapwa tao.

7. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata , ano ang dapat gawin ukol sa


pangkalinisan sa sarili maliban sa isa?
a. Maligo araw-araw
b. Magpalit ng malinis at maayos na damit
c. Manghiram sa kapatid ng sipilyong gagamitin.
15

d. Malinis ang mga kuko at nasuklay ang buhok.


8. Ano ang pagbabagong nagaganap sa mga kababaihan na naghuhudyat ng
kanilang pagiging dalaga?
a. Pagpapatuli
b. Pagkakaroon ng regla o buwanang daloy.
c. Pagtubo ng buhok sa dibdib
d. Pagkitid ng balakang
9. Sa mga pagbabagong pisikal ano ang nagaganap sa mga kalalakihan maliban
sa isa?
a. Pagkakaroon ng bigote
b. Pagkitid ng balakang
c. Pagkakaroon ng regla
d. Pagpapatuli
10. Upang maging malinis, maayos at matatag sa sarili; ano ang dapat gawin ng
isang nagdadalaga at nagbibinata?
a. Panatilihin ang sariling kalinisan
b. Pabayaan ang sarili
c. Iwasan na kumain ng masustansiyang pagkain
d. Hindi pagpapalit ng damit sa araw-araw.

TANDAAN MO!

Ang wastong pangangalaga sa katawan ang daan tungo sa maayos at


mabikas na paggayak. Ang pagtataglay ng wastong pag-uugali kaninuman sa lahat
ng pagkakataon ay tanda ng pagiging mabuting bata, mabuting anak, mabuting
mag-aaral, at mabuting mamamayan. Kasabay ng pagbabagong pisikal, mahalaga
na maunawaan ang pagkakaiba ng bawat isa.

KARAGDAGANG KAALAMAN:
1. Gumawa ng isang talaan ng mga ginagawa mo sa araw-araw upang
maging maayos ang sarili sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

2. Panoorin ang slides ukol sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata


gamit ang website:https://www.youtube.com/watch?v=rpWLLTBfG9U
16

Mga Kasagutan
Pre- Test

1. B 6. A

2. C 7. C

3. C 8. B

4. D 9. C

5. A 10. A

Post Test

1. B 6. A
2. C 7. C
3. C 8. B
4. D 9. C
5. A 10. A

Gawin at Alamin

Self-Test 1

Pagbabagong nagaganap sa Nagbibinata

-paglaki ng kalamnan, paglabas ng adam’s apple, pagtubo ng buhok sa dibdib,

Pagtubo ng buhok sa kililiki at ibabaw ng ari , at pagpapatuli

Pagbabagong nagaganap sa Nagdadalaga

- Pagkakaroon ng buwanang regla o menstruation


- Paglapad ng balakang, pagkahugis ng dibdib, pagsulong ng taas at bigat
- Pagtubo ng buhok sa kilikili at ibabaw ng ari
17

Self-Test 2

1. Panatilihing malinis ang sarili; Magsuot ng maklinis na damit;

Kumain ng masustansiyang pagkain ; Matulog sa tamang oras

2. Tinatanggap na bukal sa kalooban dahil lahat ng tao ay dumaraan sa


panahon ng “puberty” stage o pagdadalaga/pagbibinata.

Self-Test 3

1. TP 2. TP 3. TP 4. HP 5. HP

References:

Barza, Maria A.etc, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V, Binagong


Edisyon 2010, Sta. Teresa Publications, Inc. Manila 2012

Ventura, Ana B. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V,


Adriana Publishing Co.,Inc.Cubao, Quezon City ,Manila 2006
Peralta, Gloria A.etc. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran V,
VICARISH Publilication and Trading, Inc. Sta.Ana, Manila 2016

You might also like