You are on page 1of 8

Maria Leny P.

Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

YUNIT I
PINAGMULAN NG LAHING FILIPINO

1. Ano ang pinagmulan ng salitang “barangay” na naging malaking bahagi ng


sinaunang kabihasnang Pilipino?

Sagot: balangay
pahina: 2

2. Ano-ano ang nakaapekto sa nabuong mayamang kabihasnan ng mga


sinaunang Filipino?

Sagot: 1. heograpikal na kinaroroonan


2. katangian ng Pilipinas
pahina: 2

3. Ito ay siang kapuluang nagtataglay ng iba’t-ibang anyong lupa at anyong


tubig?

Sagot: Pilipinas
pahina: 2

4. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga katangiang pisikal ng bansa?

Sagot: 1. kabundukan 4. kapatagan


2. lambak 5. ilog
3. baybayin 6. lawa
pahina: 2

ARALIN 1
LOKASYON NG PILIPINAS

5. Ano ang kailangang matutuhan upang matukoy ang tiyak na lokasyon


ng ating bansa?

Sagot: imahinasyong guhit


pahina: 3

6. Saan makikita ang imahinasyong guhit na kailangang matutuhan sa


pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng ating bansa?

Sagot: mapa at globo


pahina: 3

7. Ano-ano ang halimbawa ng mga imahinasyong guhit?

Sagot: 1. guhit latitud (latitude)


2. guhit longhitud (longitude)
pahina: 3

8. Paano matutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas?

Sagot: sa pamamagitan ng mga nakapaligid na kalupaan o


katubigan sa Pilipinas
pahina: 3
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

9. Ano-ano ang mga kasanayang makatutulong hindi lamang sa pagkilala


nang husto sa ating bansa kundi sa pang-araw-araw na pamumuhay?

Sagot: 1. pagbasa ng mapa at globo


2. pag-unawa sa iskala
pahina: 3

10. Saang kontinente kabilang ang Pilipinas?

Sagot: Asya
pahina: 5

11. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig?

Sagot: Asya
pahina: 5

12. Ano-ano ang limang rehiyon sa Asya?

Sagot: 1. Hilagang Asya


2. Silangang Asya
3. Timog Asya
4. Kanlurang Asya
5. Timog-Silangang Asya
pahina: 5

13. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang Pilipinas?

Sagot: Timog-Silangang Asya


pahina: 5

14. Ano-ano ang dalawang paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas?

Sagot: 1. tiyak na lokasyon


2. relatibong lokasyon
pahina: 5

15. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas sa


pamamagitan ng latitude at longitude?

Sagot: tiyak na lokasyon


pahina: 5

16. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas batay


sa mga anyong lupa at tubig na nakapaligid dito?

Sagot: relatibong lokasyon


pahina: 5

17. Ano ang tawag sa modelo o representasyon ng daigdig na ginagamit sa pag-


aaral ng heograpiya?

Sagot: globo
pahina: 5

18. Ano ang tawag sa pag-aaral ng pisikal na daigdig at atmospera nito pati na
ang mga tao rito at ang kanilang ugnayan sa kapaligiran?
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

Sagot: Heograpiya
pahina: 5

19. Ano ang tawag sa patayong imahinasyong guhit sag lobo na nakaguhit mula
hilaga patimog ng globo?

Sagot: meridian
pahina: 6

20. Ano ang tawag sa magkabilang dulo ng globo sa hilaga at timog?

Sagot: 1. Hilagang Polo (Noth Pole)


2. Timog Polo (South Pole)
pahina: 6

21. Ano ang dalawang espesyal na meridian?

Sagot: 1. Prime Meridian


2. International Date Line
pahina: 6

22. Ano ang tawag sa guhit na humahati sa globo sa silangang hating-globo at


kanlurang hating-globo?

Sagot: Prime Meridian


pahina: 6

23. Ano ang iba pang tawag sa Prime Meridian?

Sagot: Greenwich Meridian


pahina: 6

24. Bakit tinawag ding Greenwich Meridian ang Prime Meridian?

Sagot: dahil bumabagtas ito sa Greenwich, England


pahina: 6

25. Ano ang tawag sa imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang


araw?

Sagot: International Date Line


pahina: 6

26. Saan matatagpuan ang International Date Line?

Sagot: katapat ng Prime Meridian sa kabilang panig ng daigdig


pahina: 6

27. Batay sa IDL, aling bahagi ng mundo ang nauuna ng isang araw?

Sagot: bahagi ng mundo sa silangan ng IDL


pahina: 6

28. Ano ang tawag sa pahigang imahinasyong guhit sag lobo na nakaguhit paikot
mula sa silangan pakanluran ng globo?

Sagot: parallel
pahina: 6
Maria Leny P. Eugenio-Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

29. Ano-ano ang limang espesyal na parallel ng globo?

Sagot: 1. Ekwador
2. Tropiko ng Kanser
3. Tropiko ng Kaprikornyo
4. Kabilugang Arktiko
5. Kabilugang Antarktiko
pahina: 7

30. Ano ang tawag sa imahinasyong guhit na humahati sa daigdig sa hilagang


hating-globo at timog hating-globo?

Sagot: ekwador o equator


pahina: 6

31. Ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo, may pantay na layo mula sa
North Pole at South Pole?

Sagot: ekwador o equator


pahina: 6

32. Ano ang pinakamalaking bilog na likhang guhit na parallel?

Sagot: ekwador o equator


pahina: 6

33. Ano ang naging batayan na maging opisyal na Prime Meridian ang meridian na
bumabagtas sa Greenwich, England?

Sagot: pandaigdigang kasunduan noong 1884


pahina: 6

34. Ano ang pinakahilagang bahagi ng daigdig na tuwirang nasisinagan ng araw?

Sagot: Tropiko ng Kanser (Tropic of Cancer)


pahina: 7

35. Ito ang nagsisilbing hilagang hangganan ng tropics o ang rehiyong malapit sa
equator at may mainit na klima.

Sagot: Tropiko ng Kanser (Tropic of Cancer)


pahina: 7

36. Ano ang tawag sa rehiyong malapit sa equator at may mainit na klima?

Sagot: tropics
pahina: 7

37. Ano ang pinakatimog na bahagi ng mundo na tuwirang nasisinagan ng araw at


ang timog na hangganan ng tropics?

Sagot: Tropiko ng Kaprikornyo (Tropic of Capricorn)


pahina: 7

38. Ano ang pinakadulong bahagi ng daigdig sa timog na naaabot ng pahilis na


sinag ng araw?

Sagot: Kabilugang Antarktiko


pahina: 7
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

39. Ano-ano ang makatutulong sa pagtukoy sa lokasyon ng mga lugar sa daigdig?

Sagot: mapa at globo


pahina: 7

40. Ano ang ginagamit upang hatiin ang daigdig sa mga bahagi?

Sagot: imahinasyong guhit sa globo


pahina: 7

41. Ano ang tawag sa mala-parihabang espasyo sa ibabaw ng globo?

Sagot: Grid
pahina: 9

42. Saan ginagamit ang grid?

Sagot: sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng anumang lugar sa ibabaw


ng mundo
pahina: 9

43. Paano matutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar?

Sagot: sa pamamagitan ng longhitud at latitud


pahina: 9

44. Ang bawat isang guhit sa mapa ay may itinakdang ________.

Sagot: digri (degree)


pahina: 9

45. Ano ang ginagamit na yunit sa pagsukat ng longitude at latitude?

Sagot: 1. degree (°)


2. minute (‘)
pahina: 9

46. Ilang minutes mayroon ang bawat degree?

Sagot: 60 minutes
pahina: 9

47. Paano nasusukat ang longitude?

Sagot: sa pamamagitan ng:


1. pagtukoy ng anggulo sa pagitan ng alinamnag bahagi ng
meridian
2. Prime Meridian gamit ang sentro ng mundo nilang vertex
pahina: 9

48. Ano ang tawag sap unto kung saan nagtatagpo ang dalawang panig o linya ng
anggulo?

Sagot: vertex
pahina: 9

49. Paano nasusukat ang parallel?

Sagot: sa pamamagitan ng:


Maria Leny P. Eugenio - Coach Pilipinas BIlang Isang Bansa 5
===================================================================================
1. pagtukoy sa anggulo sa pagitan ng alinmang parallel
2. Equator gamit ang sentro ng daigdig bilang vertex
pahina: 9

50. Ano ang dalawang paraan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon?

Sagot: 1. insular
2. vicinal
pahina: 10

51. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa


Pilipinas?

Sagot: Insular
pahina: 10

52. Batay sa mga katubigang nakapalibot sa ating bansa, saan matatagpuan ang
Pilipinas?

Sagot: 1. timog ng Bashi Channel


2. kanluran ng Pacific Ocean
3. hilaga ng Celebes Sea
4. silangan ng West Philippine Sea
pahina: 10

53. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy ng lokasyon ng Pilipinas batay sa mga
kalupaang nakapalibot dito?

Sagot: Bisinal o (vicinal)


pahina: 10

54. Batay sa kalupaang nakapalibot sa ating bansa, saan matatgpuan ang


Pilipinas?

Sagot: 1. timog ng Taiwan


2. hilaga ng Malaysia at Indonesia
3. kanluran ng Guam
4. silangan ng Vietnam
pahina: 10

55. Ito ay isang instrumenting ginagamit sa pagtukoy ng direksiyon. Mayroon itong


magnetic na karayom na lagging nakaturo sa hilaga.

Sagot: compass
pahina: 10

56. Ano ang representasyon ng mga direksiyong makikita sa isang compass?

Sagot: compass rose


pahina: 10

Halimbawa ng compass rose


Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas BIlang Isang Bansa 5

57. Ano-ano ang mga kasanayang mahalaga sa pagbasa ng mapa?

Sagot: 1. pagtukoy ng direksiyon


2. pagbasa ng mga pananda
3. paggamit ng iskala
pahina: 10

58. Ano-ano ang mga pangunahing direksiyon?

Sagot: 1. hilaga (north)


2. silangan (east)
3. kanluran (west)
4. timog (south)
pahina: 10

59. Ano-ano ang mga pangalwang direksiyon?

Sagot: 1. hilagang-silangan
2. hilagang-kanluran
3. timog-silangan
4. timog-kanluran
pahina: 10

60. Sa compass rose, ano ang kumakatawan sa bawat direksiyon?

Sagot: mga titik


pahina: 10

61. Ano ang tawag sa mga tala ng simbolo at katumbas na impormasyon sa mapa?

Sagot: Pananda
pahina: 11

62. Ano-ano ang iba pang simbolong ginagamit upang kumatawan sa iba’t-ibang
bagay sa mapa?

Sagot: 1. titik
2. numero
3. guhit
pahina: 11

Ilan sa mga pangunahing simbolo na makikita sa mapa


Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

63. Ano ang tawag sa representasyon ng daigdig at mga bahagi nito?

Sagot: mapa
pahina: 11

64. Ano ang ginagamit upang matukoy ang katumbas na sukat at distansiya ng
mga lugar sa mapa sa aktuwal na daigdig?

Sagot: iskala
pahina: 11

65. Ano ang tawag sa bahagi ng mapa na nagpapakita ng ugnayan ng sukat ng


distansiya sa mapa at katumbas nitong sukat at distansiya sa daigdig?

Sagot: iskala
pahina: 11

66. Ano ang tatlong uri ng iskala?

Sagot: 1. Iskalang Grapik


2. Iskalang Verbal
3. Iskalang Fractional
pahina: 11

67. Ito ay grapikong sukatan na katulad sa ruler. Ang yunit na panukat sa mapa
ay may katumbas nay unit ng panukat sa aktuwal na daigdig.
Kilometro
Sagot: Iskalang Grapik 0 100 200 300 400
pahina: 11

68. Ito ay pasalitang pagpapaliwanag sa ugnayan ng yunit na panukat sa mapa at


yunit ng panukat sa aktuwal na daigdig.

Sagot: Iskalang Verbal Ang isang sentimetro katumbas ng 25 kilometro.


pahina: 11

69. Ito ay tumutukoy sa ratio o tumbasan. Nangangahulugan ang bawat yunit ng


panukat sa mapa ay may katumbas na bilang ng yunit sa ibabaw ng daigdig.

Sagot: Iskalang Fractional


pahina: 11

70. Paano maipakikita ang paggamit ng Iskalang Fractional?

Sagot: sa pamamagitan ng paggamit ng numerical ratio 1:25 000


pahina: 11

You might also like