You are on page 1of 2

Repleksyon 6

Pasulat na Wika

Ang pasalita at pasulat na wika ay mayroong magkakaibang diskarte para sa pagbibigay

mensahe at kahulugan.Ang pasalita na wika ay ang multimodal dito ay ang tono kung papaano

binigkas kung ito ba ay pataas o pababa. Ang pasulat na wika naman ay ang multimodal ay

komprehensyon sa teksto at pagbibigay kahulugan nito. Ang pasulat na wika ay isinasaalang-

alang na isang kinakailangang aspeto na kailangang pag-aralan. Ang cohesion, coherence, clause

relations, at text patterns ay bahagi ng pasulat na wika. Ang tinatawag na clause realtions sa

pasulat na wika ay kung papaano kukunin ang kabuuang teksto at papaano ilalahad ang

kahulugan ng konteksto na tumutulong para mapalutang ang kahulugan. Isa din sa paraan para

mapalutang ang kahulugan ay ang paggamit ng pattern para masuri ito.

Sa pasulat na wika ay karaniwang mas maraming oras ang manunulat upang pag-isipan

kung ano ang sasabihin at kung paano ito sasabihin, at kung paano ang pangungusap ay nabuo

nang maayos. Ang cohesion ay gabay ng coherence. Ang coherence ay tumutukoy sa daloy ng

iyong pagsusulat. Nauugnay ito sa kung gaano kahusay naayos ang iyong sanaysay at kung

gaano ang iyong lohikal ideya ay nagkakasunod. Nakakatulong ito na ikonekta ang mga ideya.

Nauugnay din ito sa kung paano nagkakaugnay ang mga pangungusap upang makabuo ng isang

talata at kung paano nagkakaugnay ang mga talata upang makabuo ng isang sanaysay at

konteksto para mapalutang ang kahulugan na gustong ipahiwatig nito. Sa pagsusuri ng pasulat na

wika ay mayroon din itong pattern at ito ang problem-solution pattern. Ang paghahanap o

pagtingin sa pattern na ginamit sa teksto o ay nasa interpretasyon ng mambabasa, na maaring


gumagamit ng mga clues at signal na ibinigay ng may-akda. Ang pag-aaral ng isang teksto ay

gumagamit ng mahigit pa sa isang paraan. Halimbawa ng pasulat na wika na pwedeng tingnan ay

news paper na walang utterance kundi isang statement na may nakapaloob na mensahe at dito

na papasok kung papaano kukunin ang kabuuang teksto at ilalahad at ipapalutang ang kahulugan

gamit ang mga pattern na pwedeng gamitin.

You might also like