You are on page 1of 2

OKTUBRE 21, 2020

ARALIN SA IKA-ANIM NA LINGGO:


PAGPAPALAWAK NG MGA PANGUNGUSAP
Ang panibagong aralin tungkol sa tamang paggamit ng mga salita sa isang
pangungusap. Ang paksa at pang-uri, panglahat na bahagi sa isang pangungusap na
maari pang mahati sa mga maliit na bahagi. Mas pinalawak at pinalalim lalo ang
pagtalakay, mga paningit o ingklitik, mga salitang nagdadagdag upang magkaroon
ng diin ang mensahe sa isang talata. May 16 ingklitik na nakapaloob dito, ang raw
o rin na maaring gamitin kapag ang pagtatapos ng salita ay patinig o malapatinig
samantalang ang daw o din ay inilalagay kapag ang salita ay nagtatapos sa katinig.
Ang pagpapalawak ng mga pangungusap ay may isa pang paraan, ito ay ang
mga panuring, nagbibigay pa lalo ng turing sa pangngalan o panghalip. Nahahati
ito sa dalawa, ang pang-uri bilang panuring na tumuturing sa mga pang-uring
ginamit sa panglalarawan sa pangngalan at ang pang-abay bilang panuring na
nagbibigay turing sa pang-abay na pamanahon (kailan), panlunan (saan) at
pamaraan (paano).
Ang mga pamuno sa pangngalan, ang ginagamit kung saan nagbibigay-diin
sa paksang nakapaloob na maaring makabuluhan sa tinatalakay. Nahahati naman sa
pitong paraan ang paggamit sa mga kaganapan ng pandiwa. Ang kaganapang
pandiwa, ito ay gumaganap sa kilos na sinasabi ng pandiwa at ito ay gumagamit ng
panandang ni at ng. Ang kaganapang layon na sumasaad sa mga bagay na
tinutukoy o pinahahayag ng pandiwa, ang panandang ng ay salitang halimbawa
nito. Sinasabi naman sa kaganapang taga-tanggap kung isno ang makikinabang sa
kilos na sinaad ng pandiwa, ang lugar o pook na pinagganapan ng kilos ay
nakapaloob naman sa kaganapang ganapan.
Sinasaad sa kaganapang kagamitan ang kung anong bagay ang ginamit
upang maisagawa ang ninanais na kilos. Ang kaganapang direksyonal ay
tumutukoy sa lugar o saan ang direksiyon ng kilos at ang kaganapang kilos ay ang
dahilan ng pagkaganap ng kilos ng pandiwa sa isang pangungusap. Ang tinatawag
na mga kaugnay na parirala ay ang mga salita o parirala na may dinudugtong at
may kaugnayan na isang pangungusap upang palawakin pa lalo ang kaisipan.
Isang pananaw ng tao o opinyon ay may malaking epekto sa pananaw rin ng
iba, kaya pinagaralan natin ang mga angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
sariling pananaw upang maging isang epektibong tagapag-hikayat sa
pagpapahayag at sa pangangatwiran. Lagi nating tandaan ang wastong pananalita
at tamang pagbuo ng mga pangungusap ay nakapaglalahad ng mas
makatotohanang saloobin. Maging malumanay at maayos na tagapagsalita,
makinig sa kapwa- tagapagsalita at huwag pilitin ang kausap na sang-ayunan ang
iyong sariling paniniwala dahil tayo ay may kanya-kanyang pananaw at karanasan
sa buhay.
Ngayong araw ay nagtala kami ng mga pangungusap batay sa ibinigay na
mga salitang ginagamit sa pagpapalawak ng mga salita upang mahasa at
mapatunayan na kami nga ba ay may natutunan sa kasalukayan naming topiko.
Masasabi kong may natutunan ako sapagkat nakasagot ako sa mga tanong at may
naitindihan ako. Ito ay aking nakamit sa pamamagitan ng pagtuturo ng aming guro
kahit di man nagkikita-kita.

You might also like