You are on page 1of 16

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kaugnayan ng Birtud at
Pagpapahalaga
Edukasyonsa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


ARALING PANLIPUNAN

Awtor : Vivian S. Garcia


Ko-Awtor - Editor : Rosalina C. Luperas
Ko-Awtor - Tagasuri : John L. Caballero Jr.
Ko-Awtor - Tagaguhit : Vivian S. Garcia
Ko-Awtor - Tagalapat : Nixon A. Ramirez
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Wilmalyn S. Ramirez

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
7

Edukasyon sa
Pagpapkatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kaugnayan ng Birtud at
Pagpapahalaga
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay iniakda upang matugunan ang iba’t ibang paraan ng
pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos
ang Kaugnayan ng birtud at pagpapahalaga na magagamit mo sa pagpapaunlad ng
iyong pagkatao.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga
( EsP7PB-IIIa-9.1)
2. Natutukoy:
a. ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at
b. ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito
(EsP7PB-IIIa-9.2)

1
Subukin

A. Panuto: Basahing Mabuti ang mga tanong o pangungusap sa bawat bilang.


Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang ___________ ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos.
a. habit o gawi
b. birtud
c. pagpapahalaga
d. pagpapakatao

2. Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan sa birtud maliban sa isa.


a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pagiisipat kilosng tao.
b. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir
c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
d. Ang birtud ay nararapat lamang para sa tao

3. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.


a. Pagpapahalaga
b. Birtud
c. Gawi o Habit
d. Pagpapakatao

4. Ang mga sumusunod ay katangian ng pagpapahalaga maliban sa isa:


a. Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.
b. Sumasaibayo(transcends) sa isa o maraming indibidwal
c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
d. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)

5. Sa paanong paraan nagkaugnay ang pagpapahalaga at birtud?


a. Ang birtud, ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang
isakatuparan ang pinahahalagahan
b. Magkauganay ang pagpapahalaga at birtud dahil pareho lamang Mabuti
ang ginagawa sa tao
c. Nagiging mahalaga ang bagay depende sa birtud na nagamit
d. Nagiging mahalaga ang buhay dahil sa birtud

B. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag
ay di wasto.

1. Ang birtud ay taglay na ng tao sa kanyang kapanganakan.


2. Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na
pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katwiran.
3. Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan
o kalidad sa buhay ng tao.
4. Kung ang pagpapahalaga ang layunin o tunguhin ng tao, ang kalayaan
ang daan upang makamit ito.
5. Ang Intelektwal na Birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga
gawi na nagpapabuti sa tao.

2
Aralin
Kaugnayan ng Birtud at
1 Pagpapahalaga
Sa bawat araw ng iyong buhay, iba’t ibang pagpili ang iyong ginagawa. Tulad
ng tanong sa iyong sarili na kung gagawin ko ba ang modyul ko ngayon o mamaya
na. Ano ang mangyayari kapag ginawa ko ito ngayon o ipagpabukas ko na lamang?
Sa iyong pagpili, mahalagang mahasa ang iyong kakayahan na maging maingat bago
isagawa ang anumang kilos. Kasama sa bawat araw na pagpapasya ang pamimili sa
pagitan ng tama o mali, mabuti o masama. Sasamahan ka ng modyul na ito upang
iyong maunawaan ang dahilan kung bakit kailangang piliin ang tama kaysa sa mali
at mabuti kaysa sa masama.

Balikan

Natutunan mo sa ikalawang markahan ang katangian mo bilang tao. Ikaw ay


natatanging nilalang na nilikha ng Diyos ayon sa kanyang wangis.

Panuto: Isaayos ang mga titik upang mabuo ang mga salitang maglalarawan sa
katangian ng tao na nagpaiba sa kanya sa ibang nilalang na may buhay.

ssokneya

Sakil an tasba ralmo


pisi

(Para sa illustrator)
Larawan ng isang
Larawan ng tao
tao

dgidniad Lokis- bolo

anlakaya

3
Tuklasin

Gawain 1:

Naranasan mo na bang magdalawang isip bago magpasya? Ano ang dahilan


ng iyong pagdadalawang isip? Anong pasya ang iyong nabuo at paano ka nakarating
sa pasyang ito? Basahin ang sitwasyon sa ibaba na maaaring iyong naranasan.

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga katanungan batay sa iyong
pagkaunawa.

Si Raven at Ang Kanyang Modyul

Katulad ng lahat ng mag-aaral sa panahon ng pandemya, si Raven ay sa nag


aaral sa paraang modyular. Bilang isang mag-aaral sa baitang 7, totoong nagkaroon
ng maraming adjustments sa kanyang pag-aaral. Ang schedule ng bawat asignatura
ay kanyang sinunod noong unang markahan. Masugid pa syang magtanong sa
kanyang mga magulang kung may hindi nauunawaan. Subalit dumating ang
ikalawang markahan at tila baga napagod na siya sa pagsasagot. Sa itinakdang
panahon para sa pagsasauli ng modyul ay hindi nya nagawang ibalik ito sapagkat
nawili siya sa paglalaro sa cellphone. Alam nyang magagalit ang kanyang ina sa oras
na malaman nito na hindi nya natapos ang modyul. Inisip niya kung haharapin na
lang ba niya ang kanyang ina at tanggapin ang galit nito o tumakas. Ang huli ang
kanyang pinili. Upang makaiwas, sinakyan niya ang kanyang bisikleta at binagtas
niya ang pa-zigzag na daan sa bahagi ng Bataan. Mula sa Morong ay nakarating siya
ng Binukawan at dahil sa pagod at gutom, papadilim na rin noon, napaupo siya at
napatanong sa sarili. Bakit ko nagawa ito. Paano pa ako makakabalik sa amin?
Napakalayo na ng aking narating. Siguradong nag-aalala na ang aking nanay. Saan
ako kakain, saan ako matutulog? Mga katanungang sumagi sa kanyang isipan na
nagpatulo ng kaniyang luha. Ibig man niyang baguhin ang kanyang pasya ay huli
na. Nagawa na niya ang kanyang nabuong pasya.

Mga Katanungan:

1. Ano ang mga pasyang pinamilian ni Raven? Bakit siya nagkaroon ng


ganitong suliranin?
2. Ano ang nagtulak sa kanya upang isagawa ang nabuong pasya?
3. Kung ikaw si Raven, gagawin mo rin ba ang pasyang kanyang ginawa? Ano
ang mga aternatibong pasya ang maaari mong gawin upang maiwasan ang
ganitong suliranin.

4
Suriin

Ang pagpapasya ay ang pagpili ng kilos o aksyon na gagawin ng tao o tugon


ayon sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit maaaring tama o mali ang maging pasya.
Paano naugnay ang birtud at pagpapahalaga dito. Bigyan muna natin ng kahulugan
ang birtud at pagpapahalaga.

Kahulugan at Uri ng Birtud

Nagmula ang birtud o virtue mula sa salitang latin na Virtus (vir). Ang
kahulugan nito ay pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas. Ito ay
nararapat lamang para sa tao. Mahalagang maunawaan na ang virtue ay laging
nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao. Ang mga birtud ay hindi taglay ng tao
mula sa kanyang kapanganakan. Maaari niya itong taglayin sa paglipas ng panahon
depende sa mga habit o gawi na kanyang malilinang. Ang habit o gawi ay bunga ng
paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos. Hindi lamang kinagawiang kilos ang
birtud kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katwiran.
Dalawang Uri ng Birtud
1. Intelektwal na birtud- may kinalaman sa isip ng tao na tinatawag ding gawi
ng kaalaman

Mga Uri ng Intelektwal na Birtud

a. Pag-unawa (understanding)
b. Agham (Science)
c. Karunungan (wisdom)
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
e. Sining (art)
2. Moral na Birtud-may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi na
nagpapabuti sa tao.
a. Katarungan (justice)- ang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay
sa tao ang nararapat lamang para sa kanya.
b. Pagtitimpi (temperance o moderation)- pagpipigil o pagkontrol sa sarili na
maiwasan ang tukso o masamang gawain.
c. Katatagan (fortitude)- ang birtud na ito ang nagpapatibay o nagpapatatag
sa tao na harapin ang anumang pagsubok.
d. Maingat na Paghuhusga (prudence)- itinuturing na ina ng mga birtud
sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang birtud ay dumadaan sa maingat na
paghuhusga.

Kahulugan at Uri ng Pagpapahalaga

Ang value o pagpapahalaga ay mula sa salitang latin na valore na


nangangahulugan ng pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan o
pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Ayon kay Max Scheler, (Dy M.,1994) ang
pagpapahalaga ay obheto ng ating intensyonal na damdamin. Sinasabi ni Scheler na

5
ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Narito
ang mga katangian ng pagpapahalaga:
a. Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.
b. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibidwal
c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
d. Lumilikha ng kung ano ang nararapat (ought -to-be) at kung ano ang dapat
gawin (ought-to-do)

Mga uri ng Pagpapahalaga


1. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)- Ito ang
pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang
mabuti at mahalaga.
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (cultural behaviors)- Maaari itong
pansariling pananaw ng tao o paniniwala ng isang pangkat kultural.

Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud

Ang mga pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay halaga sa ating tunay na


pagkatao. Bagamat magkaiba subalit magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud.
Dahil ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao,
kaya’t ito ang pinagsusumikapan ng tao na makamit ayon kay Ayn Rand.

Ang birtud, ayon pa rin kay Rand ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao
upang isakatuparan ang pinahahalagahan. Ito ang moral na gawi na nagreresulta
ng pagkakamit at pagpapanatili ng pagpapahalaga. Samakatuwid, kung ang
pagpapahalaga ang layunin o tunguhin ng tao…ang birtud ang daan upang makamit
ito. Ang ating mga pinagpapasyahang mabuting kilos kung paulit-ulit nating
isasagawa ay magiging gawi na kalauna’y magiging birtud. Mga birtud na magagamit
naman natin sa pagsasakatuparan ng ating pagpapahalaga. Nagsisimula ang lahat
sa tamang pagpili ng isasagawa o pagpapasya.

(Hango mula sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral ,


pahina 14)

Pagyamanin

Gawain 2

Panuto: Matapos mong mabasa ang texto sa Suriin, hanapin mo at pag-ugnayin ang
mga kaisipan sa kolum A at B, batay sa iyong natutunan. Isulat ang titik sa sagutang
papel.

6
A B

1. Ito ay bunga ng paulit-ulit na a. Birtud


pagsasagawa ng isang kilos b. Pagpapahalaga
c. Katangian ng pagpapahalaga
2. May kinalaman ito sa pag-uugali ng d. Habit o Gawi
tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao. e. Intelektwalna birtud
f. Moral na birtud
3. may kinalaman sa sa isip ng tao na
g. Ganap na Pagpapahalagang
tinatawag ding gawi ng kaalaman Moral (Absolute Moral Values)
4. Nangangahulugan ng pagiging tao, h. Pagpapahalagang Kultural na
pagiging matatag at pagiging malakas Panggawi (cultural behaviors)
i. pagpapasya
5. Ito ang obheto ng ating intensyonal
na damdamin
6. Nagbibigay ito ng kabuluhan o
kalidad sa buhay ng tao
7.Ito ang pangkalahatang katotohanan
(universal truth) na tinatanggap ng tao
bilang mabuti at mahalaga.
8. Ito ay maaring pansariling pananaw
ng tao o kolektibong paniniwala ng
isang pangkat kultural.

9. immutable o objective
10. nagbibigay direksyon sa buhay ng
tao

Isaisip

Gawain 3

Panuto: Lapatan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan na nais
ipahayag ng textong binasa. Piliin sa kahon ang angkop na salita.

Nagkakaugnay ang birtud at pagpapahalaga dahil: ang ________________________ay


ang mabuting _____________________ na ginagawa ng tao upang __________________
gawi moral kilos
birtud pagpapahalaga isakatuparan

8
ang pinahahalagahan. Ito ang _______________ na gawi na nagbubunga sa pagkamit
at pagpapanatili ng _____________________.

Isagawa

Panuto: Tukuyin kung anong birtud o pagpapahalaga ang inilalarawan sa bawat


sitwasyon.

1. Araw ng paggawa ng modyul ni Ben subalit


niyayaya siya ng kaniyang kaibigan na sumali
sa paglalaro ng mobile games. Natutukso siya
na maglaro na lang ngunit pinanaig niya ang
pagnanais na matapos ang modyul.

2. Dumaranas ng matinding pagsubok si Althea.


Sa kabila nito, hindi siya nawawalan ng pag-
asa.

3. Nagpost sa facebook ang kaibigan ni Ben na si


Vien ng kanyang sama ng loob sa isa sa mga
kaibigan nila. Pagkabasa niya nito ay kinausap
niya ito at pinayuhan sa maayos na paraan
upang mabigyan ng solusyon ang suliranin at
nang hindi na pinadadaan sa social media.

4. Nahihirapang magsagot ng modyul si Ben.


Marami siyang hindi nauunawaan kaya
nagtanong siya sa magulang at guro upang
maunawaan niya ang aralin.

5. Nagbigay ng instruction ang guro ni Kathryn sa


messenger tungkol sa gagawin sa modyul.
Alam niyang walang cellphone ang kaklase
niyang si Daniel na kapitbahay niya kaya
sinadya na niyang puntahan at ibinahagi ang
bilin ng kanilang guro.

9
Tayahin

A. Panuto: Basahing Mabuti ang mga tanong o pangungusap sa bawat bilang.


Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ang ___________ ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos.


a. habit o gawi
b. birtud
c. pagpapahalaga
d. pagpapakatao
2. Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan sa birtud maliban sa isa.
a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pagiisipat kilosng tao.
b. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir
c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
d. Ang birtud ay nararapat lamang para sa tao
3. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
a. Pagpapahalaga
b. Birtud
c. Gawi o Habit
d. Pagpapakatao
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng pagpapahalaga maliban sa isa:
a. Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.
b. Sumasaibayo(transcends) sa isa o maraming indibidwal
c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
d. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)
5. Sa paanong paraan nagkaugnay ang pagpapahalaga at birtud?
a. Ang birtud, ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan
ang pinahahalagahan
b. Magkauganay ang pagpapahalaga at birtud dahil pareho lamang Mabuti ang
ginagawa sa tao
c. Nagiging mahalaga ang bagay depende sa birtud na nagamit
d. Nagiging mahalaga ang buhay dahil sa birtud

B. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay
di wasto.
6. Ang birtud ay taglay na ng tao sa kanyang kapanganakan.
7. Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang
gawin ayon sa tamang katwiran.
8. Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o
kalidad sa buhay ng tao.
9. Kung ang pagpapahalaga ang layunin o tunguhin ng tao, ang kalayaan ang
daan upang makamit ito.
10. Ang Intelektwal na Birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi
na nagpapabuti sa tao.

10
Karagdagang Gawain

Panuto: Mula sa iyong karanasan, isalaysay ang sariling gawi na maaaring maging
daan upang taglayin mo ang mga moral na birtud (katatagan, pagtitimpi,
katarungan, maingat na pagapapasya)

Gawi Birtud na maaaring malinang

Hal. Araw-araw kong pinipiling Pagtitimpi


magsagot sa mga gawain sa aking
modyul kaysa maglaro

Ikaw naman.

1.

2.

3.

11
12
pagpapakatao-q3-q4.html
https://pdfslide.net/education/k-to-12-grade-7-learning-module-in-edukasyon-sa-
Sanggunian
Subukin
Pagyamanin Tayahin
1. A
2. C 1. d 1. a
3. A 2. f 2. c
4. D 3. e 3. a
5. A 4. a 4. d
6. M 5. b 5. a
7. T 6. b 6. M
8. T 7. g 7. T
9. T 8. h 8. T
10.M 9. c 9. T
10.c 10.M
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like