You are on page 1of 1

Monologo: DonyaVictorina

Hay naku! Ang dami naman ng mga tao! Napakagulo, ang iingay! O
kayong mga hampas lupang indio, hindi ba kayo magbibigay galang sa akin?
Ak oba ay hindi ninyo nakikilala? Ako si Donya Victorina de los Reyes de, de
Espadana. Tingnan ninyo ang kolerete sa aking mukha, ang kulay at kulot sa
aking buhok at aking mga magagara at mahahabang kasuotan na tila para
lamang sa isang mestiza. Kaya kayong mga indiyong sing-itim ng Aeta,
dapat igalang niyo ako!

Naaalala ko noong bata pa ako, marami ang nanligaw at namangha sa


aking kagandahan. Ngunit itinaboy ko sila! Kasi naman, bakit ako
magpapakasal, este, magpapasakal, sa isang indiyo? Hindi ito maaari! Maliit
pa ako’y alam kong magpapakasal lang ako sa isang Espanyol. At heto ang
“dreamboy” ko, si Don Tiburcio de Espadana. Oo, hindi nga siya ganun
kayaman, mas bata pa sa akin, at hindi pa nag-aral, ngunit isa pa rin siyang
Espanyol, no! Pinilit ko naman siyang magpanggap bilang doctor, eh!
Ngayon na ako’y asawa ng isang doctor, nakamit ko rin ang pinakamimithing
alta sociedad! Hindi lang ako maganda, sosyal pa!

At alam niyo ba, isang araw, napadaan kami sa tapat ng bahay ng


isang alperes at nagkataon naroon si Donya Consolacion. Aba’y bigla ba
naming sumimangot at dumura sa harap ko! Napakawalang modo! Que
horror! Que barbaridad! Akala naman niya kung sino siya para gawin iyon sa
harap ko! No se pueden! Ako, ako ang tunayna dugong Espanyol: si Dona
Karina Joya de Juan! Kaya ngayon, talagang hinamon ko siya kung sino
batalagaang mas magaling sa aming dalawa! Hindi naman siya isang
totoong Donya! Alam niyo ba, isa lamang siyang labandera na mahirap!
Sobrang saya ko talaga na kaya ko siyang ipahiya sa harap ng maraming
tao… Haha! Sayang nga may masabi pa sana ako sa kanya kung hindi lang
ako pinigilan ng akingasawa at ng kura.

Kayo kanino ba kayo kakampi, sa akin o kay Consolacion? Ano, sa


kanya kayo? Sige! Magsama na kayong lahat na mga panget at peke sa
impyerno! Kami lang ang mga mestisang sosyal ang may karapatan sa
langit.

You might also like