Professional Documents
Culture Documents
Kapasiyahan NG Kalupunan NG Mga Komisyoner Blg.14 26
Kapasiyahan NG Kalupunan NG Mga Komisyoner Blg.14 26
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
SAPAGKAT, ang CHED Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay nagtatanggal sa mga
sabjek na Filipino sa General Education Curriculum, at sa halip ay pinapalitan ito ng
Revised Core Courses na maaaring ituro sa Ingles o sa Filipino;
SAPAGKAT, bilang pagtupad sa tungkulin nito sa ilalim ng batas, ang KWF, matapos
magsagawa ng Pambansang Konsultasyon sa Antas Tersiyari ay lumiham sa CHED
noong 16 Enero 2014 hinggil sa pagbibigay ng priyoridad sa paggamit ng Filipino bilang
midyum ng pagtuturo sa GEC sa antas tersiyari, at pagtitiyak na hindi mababawasan
ang sahod o bababa ang ranggo ng mga guro sa Filipino na apektado sa pagpapatupad
ng K-12;
IPINAPASIYA pa, na tiyaking ang kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses,
bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay ituro
gamit ang Wikang Filipino;
IPINAPASIYA rin, na magsagawa ng mga retooling ng mga guro upang matiyak ang
kanilang kahandaan sa pagtuturo ng Core Courses at Edukasyong Elektib;
IPINAPASIYA sa wakas, na himukin ang mga guro sa Filipino, at ang lahat ng mga
naniniwala sa mahalagang papel ng Wikang Pambansa sa patuloy na pagbubuo at
pagpapaunlad ng bayan na tatagan ang tindig at patuloy na isulong ang Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon sa lahat ng antas.