You are on page 1of 2

3ARALIN 1: FILIPINO BILANG ARALIN

Nakasaad sa Artikulo XIV Seksiyon 6 na "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika Ito ay nagpapatunay na
kinakailangang payabungin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagtuturo ng
asignaturang Filipino gamit ang wikang Filipino, mapauunlad at mapayayabong natin ito
sa ating paggamit ng wikang Filipino napapalalim din ang ating wika at kultura Filipino
sa Kurikulum ng Elementarya.

 Kurikulum ang itinuturing na pinakapuso sa sistema ng edukasyon.


 Batayan ito sa pagpaplano ng anumang prosesong pang pagtuturo.
 Nakapaloob dito ang mga pamantayan Kasanayan at layuning dapat minuteman
ng mga mag aaral sa bawat aralin sa loob ng isang tukoy na takdang panahon.

Limang makrong kasanayan - Pagsasalita, pagbasa ,pagsulat ,pakikinig at


panonood Sinisimulan ang pagtuturo ng Filipino sa ikalawang markahan ng unang baitang
hanggang sa senior high school. Ang Kagawaran na Edukasyon ay may inilabas na bagong
kurikulum na may ibat ibang pamantayan sa programa (Core Learning area standards),
bawat yugto (Key stage Standards), at bawat baitang (Grade standards) na inaasahang
kayang pamalas sa bawat yugto at baitang ng isang mag-aaral na nag-aaral ng Filipino.
Itinuturo ang asignaturang Filipino sa loob ng 30 minuto mula ikalawang markahan
hanggang ikaapat na markahan ng unang baitang. Samantalang, 50 minuto naman itong
itinuturo sa ikalawa hanggang ikaanim na baitang.

Ang pagtuturo ng Filipino ay isang daan o tsanel na makatutulong upang mahasa ang
pag-iisip ng isang mag-aaral patungo sa pag-unlad ng iba't ibang kasanayan tulad ng
pagbasa, pagsulat, pakikinig, pagsasalita, at panonood. Kung kaya itinuturing na ang
paaralan ang maaasahang katuwang para mapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa
paggamit ng Filipino. Ang asignaturang ito ay tutulong din para madali nilang maunawaan
at maipaliwanag ang iba't ibang konseptong hinahangad na matutuhan sa pamantayang
pangnilalaman.

You might also like