Professional Documents
Culture Documents
Kasaysayan NG MiMaRoPa
Kasaysayan NG MiMaRoPa
Kasaysayan NG MiMaRoPa
Noong Mayo 17, 2001, sa bisa ng Execitve Order bilang 103, ang Rehiyon IV (dakong timog katagalugan)
ay hinati sa Rehiyon IV-A (CaLaBarZon) at Rehiyon IV-B(MiMaRoPa)
Nagbigay ng Utos Pampangasiwaan bilang 103 (EO103) si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong ika-
17 ng Mayo, 2001 na naghahati sa lalawigan ng dakong timog katagalugan na kasama sa Rehiyon IV
upang gawing dalawang rehiyon – rehiyon IV-A at IV-B – upang isulong ang kahusayan sa pamahalaan,
mapabilis ang panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad at mapabuti ang mga serbisyong pampubliko.
Ang Rehiyon IV-A na kilala bilang CALABARZON na tumatayo para sa lalawigan ng CAvite, LAguna,
BAtangas, Rizal at QueZON. Ang Rehiyon IV-B naman ay kilala bilang MIMAROPA, tumatayo para sa
mga lalawigan sa isla na kinabibilangan ng MIndoro (Oriental at Occidental), MArinduque, ROmblon at
PAlawan.
Kasaysayan ng Mindoro
Ang pangalang Mindoro ay nagmula sa salitang kastila na “Mina de Oro” o mina ng ginto. Tinawag din
itong “Mai” ng mga sinaunang mangangalakal na intsik. Ang kahalagahan ng Mindoro ay nagmula pa
nong bago dumating ang mga Kastila. Ang kanais-nais na kahalagahan nito ay dahil sa heograpikong
kinalalagyan, nagsilbi itong sentro ng kalakalan ng mga kalakal ng intsik. Mas maaga pa mula noong 872
A.D., ang Mindoro ay nakikipag kalakal sa mga Kanton dahil sa lapit nito sa isa’t-isa. Ang ulat noong 1225
A.D. ng mga intsik ang nagbigay ng unang dokomentadong katibayan ukol sa isla ng Mindoro. Sunod sa
umiiral na ruta ng mga sinaunang panahon, ang mga barko ay naglalayag mula sa hilaga haggang sa
kanlurang bahagi ng baybayin sa Mindoro, na kung saan mayroong maraming naninirahan sa sentro ng
bayan. Para sa mga produktong beeswax, perlas, bakya at talukab ng pagong, ipinapalit naman ng mga
intsik ang mga porselana, sutla at tsaa.
Noong ika labing apat na siglo, ang eperyo ng Madjapahit ang namamahala sa pagpapalawig mula sa
Borneo hanggang Mindoro. Noong Mayo 8, 1570, si kapitan Martin de Goite kasama ni Juan Salcedo ay
ginalugad ang kanlurang bahagi ng Mindoro. Noong 1591, ng hinati ng mga Kastilang “conquistadores”
ang Pilipinas sa labing-isang probinsya, ang Mindoro ay isinama sa pangkat ng Calilaya, Lubang,
Batangas, pulutong ng Calamianes at Marinduque. Itinatag sa Calavite ang ikatlong distritong
Eklesiastikong kapuluan ng Pilipinas ng mga rekolektong prayle noong ika 18 ng Hunyo, 1677. Ang
Mindoro ay naging bahagi ng probinsya ng Batangas ng ang huli ay ginawang hiwalay na probinsyang
tinawag na Bonbon. Sa simula ng ika-17 siglo, ang isla ay ihiniwalay mula sa Batangas at binuo na isang
“Corrigimento” kasama ng Puerto Galera bilang kabisera, at napa-ilalim sa nasasaklawan ng Marinduque.
Nang masakop ng mga Amerikano ang Mindoro noong 1889, nagtayo sila ng pamahalaang military sa isla
hanggang sa magumpisa ang pamahalaang sibil noong Hulyo 4, 1901. Nagkaroon din ng makasaysayang
bahagi ang probinsya noong ikalawang digmaang pandigdig. Ang nakakatindig balahibong kagitingan ng
mga bayaning lumaban kasama ng mga sundalong Amerikano laban sa pananakop ng mga Hapones.
Mula sa Leyte, isinagawa ng pwersa ni Douglas McArthur ang ikalawang paglapag “second landing” sa
timog na bahagi ng probinsya noong Desyembre 15, 1945 patungo sa pagpapalaya ng bansa mula sa
pananakop ng mga Hapones.
Noong ika-15 ng Nobyembre, 1950, ang Mindoro ay hinati sa dalawang probinsya: ang Oriental Mindoro
at Occidental Mindoro. Ang San Jose ay ginawang kabisera ng Occidental na sa kalaunan ay inilipat sa
Mamburao noong Enero 1, 1961, At Calapan naman ang kabisera ng Oriental na sa kasalukuyan ay isa ng
siyudad.
Kasaysayan ng Marinduque
Ayon sa alamat, ang Marinduque ay nabuo mula sa kinahinatnan ng isang trahedya ng pag-iibigan sa
pagitan ng dalawang tao: Mariin at Gatduke. Ang tatay ni Mariin ay isang pinuno, na ayaw pumayag sa
pagmamahalan ng dalawa at nag-utos na pugutan ng ulo si Gadduke. Subalit bago ito naganap, ang
magkasintahan ay naglayag sa dagat at nagpakalunod, ang mga diwata ay naawa sa kanila kaya nagiwan
ito ng isang tanda na hugis puso sa lugar, kung saan sila ay nalunod. At ang islang iyon ay tinawag na
Marinduque, ang magkasamang pangalan ng dalawang magkasintahan.
Noong panahon ng mga Kastila at unang pananakop ng mga Amerikano, ang Marinduque ay bahagi ng
probinsya ng Balayan (Batangas) noong ika-16 na siglo, ng Mindoro noong ika-17 na siglo, at nagkaroon
ng maikling panahon ng hiwalay na lalawigan noong 1901, ang dumating ang mga Amerikano.
Noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano, ang Marinduque ang unang isla na mayroong
kampo ng mga Amerikano, Ang Marinduque ang lugar na pinangyarihan ng “labanan sa Pulang-lupa”, na
kung saan ang 250 sundalong Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Maximo Abad, ay nagapi ang
maliit na bilang na 54 na mga sundalong Amerikano. Si koronel Abad ay sumuko noong 1901
Makalipas ang apat na buwan, ang probinsya ang naging bahagi ng lalawigan ng Tayabas (Quezon).
Noong ika-21 ng Febero, 1920, ang batas bilang 2280 na ipinasa ng batasang pambasa ng Pilipinas, ay
ibinalik ang pagsasarili ng lalawigan ng Marinduque.
At noong 1945, ang pinagsamang hukbong Amerikano at ng republika ng Pilipinas ay sumalakay sa mga
sundalong hapones at napalaya ang Marinduque noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Kasaysayan ng Romblon
Bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas, ang Romblon ay tirahan na ng mga Negritos mula sa Panay
at mga Mangyan mula naman sa Mindoro, at sa huli ng mga tao mula sa Malay. Pinaniniwalaang tirahan
na ang Romblon mula pa noong panahong Neolitiko dahil sa mga itim na batong adze na artipak na
natapuan dito kahit pa ang pagpapatunay dito ay di pa sigurado.
Noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano, ang Romblon, bilang bahagi ng Capiz ay
pinangasiwaan ni Heneral Mariano Riego de Dios, ang pinuno ng mga rebolusyonaryo ng Bisayas.
Sinakop ng mga Hapones ang Romblon noong 1942, hanggang sa ang probinsya ay napalaya
pagkatapos ng labanan sa dagat ng Sibuyan noong Oktobre 24, 1945.
Kasaysayan ng Palawan
Ang kasaysayan ng Palawan ay makikita 22,000 taon ng nakalilipas na napatunayan ng pagkatuklas ng
mga fossil ng mga Taong Tabon sa Quezon. Bagama't ang pinagmulan ng mga ito ay hindi pa
napapatunayan, pinaniniwalaan na nagmula sila sa Borneo.
Marami ring salin ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan na "Palawan". Pinaninindigan ng iba na
nanggaling ito sa salitang Intsik na "Pa-Lao-Yu" na nangangahulugang "Land of Beautiful Harbors". Ang
iba naman ay naniniwala nanggaling ito sa salitang Indiyano na "Palawans" na ibig sabihin ay "Territory".
Sinasabi rin ng iba na nanggaling ito sa pangalan ng halaman na "Palwa". Ngunit ang pinaka-popular na
paniniwala ay nanggaling ito sa salitang Kastila na "Paragua" dahil ang hugis daw Palawan ay kamukha ng
payong na nakasara.
Bago pa dumating ang mga Kastila, nagkaroon ng pamahalaan ang mga katutubo, alpabeto at sistema ng
palitan sa mga "sea-borne merchants". Nang dumating na ang mga Kastila, ang hilagang bahagi ay
natalaga bilang "Calamanes Group", ang timog naman ay nanatiling parte ng "Sultunate of Sulu" noong
ika-16 na siglo. Ang mga Kastila ay gumawa ng muog sa Taytay, na naiebedensyahan ng muog na tinawag
na "Fort Santa Isabel", na itinalaga sa kabisera ng Calamanes noong 1818. Subalit, ang mga Amerikano na
ang nagtatag ng lalawigang Paragua noong 1902, na ang Cuyo ang kaniyang kabisera. Sa huli noong 1905,
ginawang Palawan ang pangalan at ang kabisera ay nilipat sa Puerto Princesa sa kapangyarihan ng RA
1363.
Palawan, isang napakagandang lugar upang magbakasyon kasama mga pamilya o kaya naman ang mga
kaibigan. Maraming magagawa dito tulad ng scuba diving, pagtampisaw sa mga dalampasigan at ang
nasali sa "7 Wonders of the World" ang Underground River ng Puerto Princesa.