You are on page 1of 2

ALVIN:

Salamat ate at nakipag kita ka sa akin.

MINERVA:

ALVIN:
Huwag mong sabihin yan dahil galit na galit din ako kay
itay nang iwanan nya tayo. Pero sa paglipas ng panahon,
ay natutunan ko rin siyang patawarin. Ikaw? Bakit hindi
mo sya ma patawad?

MINERVA:

ALVIN:
Bakit? Ikaw lang ba ang nahihirapan? Gugumising noon
ako ng madaling araw para magtinda ng pandesal. At
pagkatapos kong magtinda ng pandesal, dyaryo naman ang
aking tinitinda. At para makatipid? Maglalakad ako sa
pag pasok ng school. At sa aking pag-uwi, tutulungan
kita sa paglalaba. Alam mo kung gaano kalayo ang pinag-
iibigan ko ng tubig. At pagdating ng gabi, magtitinda
ako ng balut. Kaya hindi lang ikaw ang naghirap! Dahil
mahabang panahon pinag tiniis ko!

MINERVA:

ALVIN:
Dahil hindi ako nagtanim ng galit sa kanya! Kaya sa
paglipas ng panahon, unti-unti kong nakalimutan ang
kanyang ginawa. At huwag mong sasabihing madali. Dahil
labing-limang taon na ang nakalipas.

MINERVA:

ALVIN:
Dahil matigas ang puso mo! Hindi ka marunong
magpatawad!! At ikaw mismo ang nagpapahirap dyan sa
sarili mo! Hinayaan mong mabilanggo ka sa iyong galit
at hinanakit! At tanging, pagpapatawad lang ang
magpapalaya sayo…
(Pause)
Alam mo te? Ang gaan ng pakiramdam ng pagiging malaya.
Ang sarap gumising sa umaga… na napatawad mo na ang
taong nagkasala sayo. Kaya palayain mo na yang sarili
mo. Patawarin mo na si itay…!

ALVIN:
Kasalanan mo ‘to te!!! Kasalanan mo ‘to!!!

MINERVA:

ALVIN:
Sinungaling!!! Alam ko! Natutuwa ka pa dahil wala na si
itay, di ba?...di ba!? ‘Yun naman ang gusto mong
mangyari eh! Ang mamatay si itay!!! Kaya sige!
Magdiwang ka! Dahil nakaganti ka na sa taong,
kinamumuhian mo!!!

MINERVA:

ALVIN:
Yun na nga eh! Dahil sa katigasan ng puso mo, wala na
rin si inay!! Dinamay mo pa sya sa galit mo kay itay.
Kaya, walang ibang dapat sisihin, kung hindi ikaw ate
Minerva!!! Ikaw ang pumatay sa kanila!!!

MINERVA:

ALVIN:
Huli na te. Huli na ang pagsisisi mo! Dahil hindi mo na
maibabalik pa ang buhay nila!

MINERVA:

ALVIN:
Wala ng saysay pa ang paghihingi mo ng tawad. Kaya,
kahit magsisigaw ka pa diyan..!..maglugpasay ka, hindi
ka na nila makikita’t maririnig!

You might also like