You are on page 1of 1

Buod ng Uhaw na Tigang na lupa

ni Liwayway Arceo

Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging
malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.

Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang
patak ng ulan kung tag-araw at kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang
tigang na uhaw na uhaw.

Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa
nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.

Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at
kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging
malungkot at tahimik.

Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang
araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na
karamdaman ng ama.

Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito.
Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay
“Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre
ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.

Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng
lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.

Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa
pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita
sa kanya.

Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang
magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.

Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan
sila ng ina.

Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na
maangkin ko na ang kaligayahan ko”.

Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.

Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang
dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

You might also like