You are on page 1of 9

FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)

MODYUL 1: UNIVERSITY OF MAKATI


BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT HIGHER SCHOOL NG UMAK

Oras ng Pagsisimula : ___________


Oras ng Pagtatapos : ___________

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. nabibigyang-kahulugan ang teknikal-bokasyonal na pagsulat;
2. nauunawaan ang mga simulain at batayang kaalaman sa pagsulat; at
3. nakalilikha ng isang graphic organizer (conceptual/mind map) tungkol sa mga ideya
sa pagsulat at teknikal-bokasyonal na sulatin.

PANIMULA
Isa sa mga pinakamahalagang nililinang na kasanayan sa akademiya ang pagsulat.
Sa pamamagitan ng makrong kasanayan gaya ng pagsulat, pagbasa, pakikinig at
pagsasalita, epektibong naipapahayag ng indibidwal ang kanyang kaisipan, saloobin,
naisin, at damdamin bilang mahalagang proseso sa pakikipagtalastasan. Dito nakasalalay
ang tagumpay ng anomang propesyon sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ano sa palagay mo mga dahilan bakit kinakailangan ang pagsulat sa larangang
iyong napili sa Senior High School.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari sa isang lipunan na hindi binibigyang-
kahalaga ang kasanayan sa pagsulat? Ano ang posibleng mangyari sa ugnayan ng mga
tao kung wala ang kasanayan sa pagsulat?

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


FSPL (TECH-VOC): PAGSULAT

PANGUNAHING NILALAMAN

Ano ang Pagsulat?

May isang kasabihan, “Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siyang
mag-isip”. Pinaniniwalaan mo ba ang pangungusap na ito? Pamilyar ba ito sa mga nakikita
mo sa mga isyung pangkasalukuyan? Gayunman, mahalaga ang kasanayang ito upang
maihatid ang mensahe ng isang awtor (opinyon man o mga kaalaman) sa mga mambabasa
sa tulong ng mga titik o simbolo at kalakip nito ang pagiging epektibo niya sa paghahatid
ng mensahe.
Sa madaling sabi, ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anomang
kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo at ilustrasyon ng isang tao sa layuning kanyang maipahayag ang mga
kaisipan. Ang pagiging epektibo nito ay nakasalalay sa paraan ng kanyang pagsulat,
wikang gagamitin, linaw ng mensahe, uri ng impormasyon at iba pang mga salik. Makikita
sa larawan ang ugnayan ng pisikal at mental na aktibidad.

Ehersisyo ng
pagsasatitik
ng mga ideya
Ginagawa Pisikal na Mental na
para sa iba’t Aktibidad Aktibidad
ibang layunin
Pattern o
paradigma ng
isang
organisasyon

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


FSPL (TECH-VOC): PAGSULAT

Marami pang mga malalawak at iba’t ibang kahulugan sa pagsulat. Ito ay isang
malawak na makrong kasanayan na nagpapamalas ng “pagkamalikhain” sa pagbuo ng
mga ideya at nagiging “kapaki-pakinabang” dahil sa pagbabahagi ng naisulat sa
kanyang sarili, propesyon o maging sa komunidad.

Gayundin, dapat malinang ang mga prinsipyo o pagpapahalaga habang siya ay


sumusulat. Ilan dito ay ang “hindi pangongopya”, paggalang sa ideya ng iba, pagiging
sensitibo , pagmamasid at ang pagkakaroon ng bukas na isipan (De Castro at Taruc, 2010).
Ang mga sumusunod ay ilan sa kanilang pagpapakahulugan tungkol sa pagsulat:

1. Ang pagsulat ay isang proseso at produkto.


2. Ang pagsulat ay pagbuo ng desisyon.
3. Ang pagsulat ay pagtuklas.
4. Ang pagsulat ay isang pagtugon.
5. Ang pagsulat ay mapanghamon.
6. Ang pagsulat ay pakikihalubilo.

Mula sa mga impormasyong ito, marami pang pagpapakahulugan ang mga


batikang manunulat tungkol sa pagsulat:

● Ayon kina Xin at Jing, ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng


wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
● Ayon kay Badayos, “Ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap
matamo”.
● Ayon kay Keller, ito ay “Isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan
ang pagsasagawa nito”.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


FSPL (TECH-VOC): PAGSULAT

● Ayon kina Peck at Buckingham, “Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang


natatamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa”.

Mayroong tinatawag na dimensyon ang kasanayan sa pagsulat. Ang oral na


dimensyon ay umiiral kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong
isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo, samantala, ang biswal na dimensyon ay
pagsasaalang-alang ng mga manunulat sa iba’t ibang salik sa pagsulat na kaiba sa
pagsasalita upang ito ay maging malinaw at epektibo. Gayunman, bukod sa dimensyon,
mayroon ring mga layunin sa pagsulat:

● Impormatibong Pagsulat- naghahangad na makapagbigay-impormasyon at


paliwanag
● Mapanghikayat na Pagsulat- naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala.
● Malikhaing Pagsulat- Pagpapahayag lamang ng kathang- isip, imahinasyon,
ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

Ang pagsulat rin ay nahahati sa personal at sosyal. Personal ang pagsulat kung
ito ay ekspresibo at ginagamit para sa layuning pagpapahayag ng iniisip o nadarama.

Halimbawa: Tula ng mga makata, mga personal na sanaysay, at iba pang uri ng
panitikan.

Samantala, ang pagsulat sa pananaw na sosyal ay transaksyonal at ginagamit


para sa layuning panlipunan o pakikipag-ugnay sa iba pang tao ng lipunan.

Halimbawa: Liham Pangangalakal

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


FSPL (TECH-VOC): PAGSULAT

TANDAAN!

Ang pagsulat ay mahalagang gawain sa pag-aaral. Lahat ng kurso o asignatura, lalo na


sa antas ng Senior High School at tersaryo ay nagtatakda ng gawaing pagsulat, maaaring
ito ay ang pagbuo ng ulat, pagsagot sa pagsusulit na pasanaysay, pamanahong papel, at
mga pananaliksik. Dahil dito, mahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang mga
pamamaraan sa mahusay na pagsulat. Ito ay dumadaan sa tatlong antas ayon kina
Pagkalinawan, et al. (2008):

Bago Sumulat (Prewriting)

1. pag-iisip at pagtiyak sa paksa

2. malayang pagtatala ng mga ideya patungkol sa paksa

3. paglilimita ng paksa at pagsulat nito sa isang pangungusap

4. pagpili at pagwawaksi ng mga detalye

5. pag-aayos ng mga ideya batay sa isang balangkas

Mga Estratehiya sa Pangangalap ng Datos

1. paglilista o listing

2. malayang talakayan o brainstorming

3. pagbasa

4. obserbasyon

5. paggawa ng balangkas

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


FSPL (TECH-VOC): PAGSULAT

6. talaarawan at dyornal

7. pakikipanayam

Aktwal na Bahagi ng Pagsulat

1. pagsulat ng burador

2. pagbibigay ng pidbak

3. pagrerebisa at muling pagsulat

4. pagwawasto o editing

5. pagsulat ng pinal na anyo

Paglalathala

Ito ay ang pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa.


Maaaring basahin nang malakas ang sulatin, idispley sa bulletin board, o kaya’y
maaaring ilathala sa pampaaralang pahayagan.

GAWAIN
Panuto: Basahin at unawain ang hinihingi sa bawat bilang.
1. Magtala ng tig-limang halimbawa para sa mga sumusunod na layunin ng pagsulat.
Ilagay sa loob ng talahanayan ang iyong sagot.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


FSPL (TECH-VOC): PAGSULAT

IMPORMATIBONG MAPANGHIKAYAT NA MALIKHAING PAGSULAT


PAGSULAT PAGSULAT

2. Gamit ang semantic web o isang graphic organizer, magbigay ng mga ideya tungkol sa
pagsulat. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga bilog.

PAGSULAT

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


FSPL (TECH-VOC): PAGSULAT

SARILING PAGTATASA/ KABATIRAN

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pangungusap.

1. “Ang pagsulat ay tao sa taong pakikipagtalastasan.”

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. “Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan.”

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

TAKDANG-ARALIN
1. Basahin ang susunod na aralin tungkol sa teknikal at bokasyonal na agsulat.
2. Humanap ng isang artikulo o isang babasahin na may kaugnayan sa iyong piniling
kurso sa kasalukuyan o may kaugnayan sa wika at kulturang Pilipino.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


FSPL (TECH-VOC): PAGSULAT

MGA BATAYAN/ SANGGUNIAN


https://www.slideshare.net/GinoongGood/batayang-kaalaman-sa-pagsulat?from_action=save

Constantino, P. at Zafra, G. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Rex Bookstore Publishing Inc.
Sampaloc, Lungsod ng Maynila.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT

You might also like