You are on page 1of 6

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

S.Y.2019-2020 FIL G12

I. PAGPIPILI. Intindihin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.
1.Sa panayam kay Janeth Napoles, siya ay naglulubid ng buhangin. Ang pariralang “naglulubid
ng buhangin “ ay nagsasaad ng anong antas ng wika?
A. Kolokyal B. Pampanitikan
C. Balbal D. Pambansa
2.Sa kaniyang debate, pinatunayan ni Ginoong Revera “ mismo ang tao ang gumagawa ng
kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikipag-usap. “ Anong teorya ng wika ang
kaniyang tinutukoy?
A. Teoryang Yo-he-ho B. Teoryang Pakikisalamuha
C. Teoryang ding-dong D. Teoryang Pooh-pooh
3. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na
mahusay ang modelo---ang mga guro”. Ito ay opinyon ni Ruth Elynia-Mabang;p noong Agosto
2015, Kongreso ng Pagpaplanong Pangwika. Ang pahayag ay kakikitaan ng halimbawa ng;
A. Heuristiko B. Impormatibo
C.Personal D. Interaksiyonal
4. Kamakailan ay inilabas ng Oxford English Dictionary (OED), ang pinakabagong edisyon ng
diksiyunaryo nito na naglalaman ng mga bagong salitang Ingles bukod pa sa mga dating
terminong pinalawak ang kahulugan ayon sa nagbabagong paggamit nito. Kabilang dito ang
apatnapung (40) salita mula sa Pilipinas na halaw sa “ Philippine English”. Ilan sa mga ito ay
ang presidentiable, gimmick, carnap at salvage, gayundin ang balikbayan, despedida, barkada,
kikay, halo-halo at KKB. Ayon sa mga ulat, ito na raw ang pinakamalaking bilang ng mga
salitang atin na sabayang kinikilala ng OED mula pa noong 1928 nang isama ng Oxford ang
abaca sa unang edisyon ng diksyunaryo nito. Ano naman ang halaga nito sa atin?
- Senator Pia Cayetano- Ang Pahayag ay isang halimbawa ng ;
A. Instrumental B. Heuristiko
C. Impormatibo D. Personal
5. Tumutukoy sa kakayahang ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t
ibang wika.
A. Monolinggwalismo B. Bilingguwalismo
C. Multilinggwalismo D. Wala sa pagpipilian
6. Tumutukoy sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang England,
Pransya , South Korea at Hapon kung saan iisang wika lamang ang ginagamit sa pagtututo sa
lahat ng asignatura.
A. Multilingguwalismo B. Monolingguwalismo
C. Bilingguwalismo D. Unang wika
7. Ito ay ginagamit sa partikular na pangkat ng mga tao mula sa partikular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon o bayan.
A. Sosyolek B. Idyolek
C. Dayalek D. Etnolek
8. Naaangkop dito ng isang nagsasalita ng isang uri ng wikang ginagamit niya sa isang
sitwasyon at sa kausap.
A. Pidgin B. Sosyolek
C. Register D. Etnolek
9. Ayon sa R.A. 7355, “ ang manlilikha ng bayan ay mga mamamayang nakabubuo ng
tradisyunal na sining na naiiba at maituturing na tunay na tatak Pilipino. Ang kakayahan ng tao
ay katangi-tangi at may mataas na antas ng teknikal at at artistikong kahusayang naipasa rin sa
kasalukuyang henerasyon ng mga mamamayan sa kanyang pamayanan nang may kaparehong
antas ng teknikal at artistikong kakayahan”. Ano ang maaaring konklusyon ng pahayag?
A. Tunay nang likas na may angking talino ang mga Pilipino
B. Isa sa mga ipinagmamalaki ng mga Pilipino ay ang pagiging talentado nito at kayang
makipagsabayan sa lahat ng bagay.
C. Ang mga larong naipanalo ng mga atletang Pinoy sa panahon ng Sea Games ay
salamin ng angking talento ng mga Pilipino.
D. Mapalad ang mga Pilipinong biniyayaan ng talento ng Diyos.
10. “Anak, paki-explain . Labyu!.” Ito ay isang halimbawa ng anong barayti ng wika?
A. Sosyolek B. Dayalek
C. Idyolek D. Register
11. Maririnig sa usapan nina Raul a.k.a. “Laura “ at ng mga kaibigan niya ang mga salitang
charoot, chaka at bigalou. Ang mga salitang ito ay halimbawa ng barayting;
A. Idyolek B. Sosyolek
C. Etnolek D. Dayalek
12. May usap-usapang yayanggali na sa puwesto ang nakaluklok na Department Head ng isang
opisina. Nakarating ito sa kinauukulan ay ito ay ikinagalit niya. Ikinasama niya ng loob ang
pagkalat ng impormasyong habang siya ay walang kaalam-alam. Sa halip na magmukmok
lamang ay pumunta siya sa opisina ng pangulo ng kompanya upang alamin ang katotohanan.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop na dapat niyang sabihin sa harap ng
kinauukulan?
A. Sir, totoo ho pang papatalsikin niyo ako sa aking puwesto?
B. Sir, kung mawalan ako ng trabaho, idadamay ko iyong mga kasama.
C. Alam ko na hindi ako perpektong tao, kung mayroon man akong nagawang
pagkakamali sa aking trabaho, hinihingi ko po ang inyong pasensya.
D. Wala sa nabanggit.
13. Ito ang panahon kung kailan piniling gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay,
tula, kuwento, liham at sa mga talumpati ng punumpuno ng damdaming makabayan.
A. Panahon ng Espanyol
B. Panahon ng Rebolusyunaryong Pilipino
C. Panahon ng katutubo
D. Panahon ng Amerikano
14. Ang pahayag na ” Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?” ay isang halimbawa ng
kakayahang _______.
A.istratedyik B. diskorsal
C.pragmatiko D. sosyoligguwistiko
15. Ito ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan
ng personal na pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang kultural na
kapaligiran.
A.Bibliograpiya B. Etnograpiya
C.Panlipunang Penomenon D. Heograpiya
16. Siya ang nagpakilala sa terminong kakayahang pangkomunikatibo o communicative
competence na itinuturing na “Higante” sa larangan nito.
A. Dell Hymes B. Noam Chomsky
C. Canale at Swain D. William Labov
17. Sa SWS Survey noong Disyembre 1995, ilang porsiyento ng nasa Luzon ang
nagsasabing mahalagang-mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino?
A.50% B. 71%
C.55% D. 73%
18. Bakit mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita sa kakayahang
komunikatibo? Dahil _____.
A.nililinaw nito ang relasyon ng nagsasalita
B.maiwasan ang hindi pagkakaunawaan
C.makatutulong upang magamit ang mga salita
D.mahuhulaan ang mensahe nito ng tagapakinig
19. Anong komponent ng kakayahang komunikatibo ang dapat gamitin sa pahayag
na “ Magandang araw po! Kumusta po kayo?”
A.Sosyolingguwistiko B. Pragmatiko
C.Diskorsal D. Istratedyik
20. Paano nakatutulong ang kakayahang istratedyik upang maunawaan ang ibig sabihin
ng tagapaghatid ng mensahe? Sa pamamagitan ng __________.
A.paggamit ng pluma para makasulat
B.paggamit ng ekspresyon ng mukha
C.paggamit ng kumpas ng kamay para matukoy ang isang lugar
D.paggamit ng sasakyan para marating ang lokasyon
21Ang aktuwal na pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita at
pasulat ay tinatawag na _________.
A.Talumapati B. Debate
C.Komunikasyon D. Cues
22. Ang pagsabi ng “Hinto” ng isang traffic enforcer sa isang motorista ay isang
halimbawa ng komunikasyong __________.
A.berbal B. kinesics
C.di-berbal D. pictics
23. Nagpakilala sa konsepto ng kakayahang lingguwistiko.
A.Dr. Fe Otanes B. Canale at Swain
C.Higgs at Clifford D. Noam Chomsky

24. “Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala akong kuwenta kung wala ang tamis mo”.
Halimbawa ng sitwasyong pangwika sa kulturang popular na ______.
A.fliptop B. hugot lines
C.pick-up lines D. facebook post
25. Itinuturing na pinakamakapangyarihang “media” sa kasalukuyan.
A.Telebisyon B. Radyo
C.Text Messaging D. Social Media
26. Anong wika ang nangunguna sa “boardroom” ng malalaking kompanya?
A.Filipino B. Ingles
C.Taglish D. Bisaya
27. Naniniwalang ang mahusay na klasrum pangwika ay yaong may aktibong
interaksyon ng guro sa kanyang mga mag-aaral at mag-aaral sa kanyang kapwa
mag-aaral.
A.Cantal-Paglinawan B. Constantino
C.Dr. Fe Otanes D. Dell Hymes
28. Binibigyang-pansin dito ang takbo ng usapan sa modelong SPEAKING.
A.Act Sequence B. Setting
C.Keys D. Norms
29. Dalawa sa inyong pangkat ang nagsasalita at nakaunawa ng Cebuano at Filipino
habang ang isa ay taal na Tagalog. Anong wika ang gagamitin ninyo sa talakayan?
A.Ingles B. Cebuano
C.Filipino D. Bisaya
30. Ang pamantayan sa pagtataya na tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mailagay
ang damdamin sa katauhan ng ibang tao ay tinatawag na _________.
A.pamamahala sa pag-uusap
B.pagkapukaw-damdamin
C.paglahok sa pag-uusap
D.pakikibagay
31. Ito ay tumutukoy sa batayang kakayahan at kaalaman ng tao sa wika.
A.performance B. communicative
C.communication D. competence
32. Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa ______________.
A. pag-alam sa wikang gagamitin sa pangungusap
B. pag-unawa at pagbigay ng ideya at opinyon
C. paggamit ng wika sa iba’t ibang teksto
D. pagbigay ng pangkalahatang ideya
33. Ang kumpas at galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag ng aralin ay
halimbawa ng komunikasyong _________.
A.di-berbal B.berbal
C.proxemics D.haptics
Para sa bilang 21-30 tukuyin ang isinasaad ng sumusunod na katanungan na may kaugnayan
sa pananaliksik.
34. Ito ang paghahanda bago ang aktuwal na pagsulat
A.pre-writing B.composing
C.rewriting D.draft
35. Nararapat matamo sa bahaging ito ang full circle effect ng sulatin.
A.introduksiyon B. katawan
C.konklusyon D. panimula
36. Sa yugto ng compossing, tumutukoy ang teknik na ito sa tuloy-tuloy na pagsusulat
ng mananaliksik sa lahat ng ideyang pumapasok sa kanyang isipan.
A.drafting B. free writing
C.pre-writing D. brainstorming

37. Ito ang karaniwang pagkakasulat ng pananaliksik kung ang inaasahang mambabasa
ay mga praktisyoner ng larangan.
A.Naglalatag ng resulta sa pamamagitan ng tsart at grap.
B.Natutukoy ang pakinabang o implikasyon ng kinasapitan ng pag-aaral.
C.Naibibigay ang mga depinisyon ng mga teknikal na termino.
D.Nakapaglalahad ng kahalagahan ng pag-aaral.
38. Mahalaga ang paggamit nito sa katawan ng sulatin upang ihudyat ang daloy o
pagbabago ng mga ideya sa isang sulatin.
A.pamagat B. heading
C.konklusyon D.numbering
39. Isinusulat ang pananliksik sa paraang seryoso, obhetibo, pormal, at may hiwalay na
tono o saloobin ng mananaliksik sa kaniyang paksa.
A.inaasahan ng mambabasa B. itinakda ng kumbensiyon
C.itinalaga ng guro D. pinili ng mag-aaral
40. Ito ang pinakamatandang nangungunang pamantayan ng dokumentasyon.
A.estilong MLA B. estilong APA
C.estilong CMS D. estilong LPA
41. Tumutukoy ito sa hakbang na kinapapalooban ng pagtatasa sa sulatin sa
pamamagitan ng pagtitiyak sa kaisahan ng mga ideya at pahayag, pagsasaayos ng
gramatika, pagkilala sa sinangguni, at pagsipat muli sa tono, at paraan ng pagsulat.
A.pre-writing B. composing
C.creating D. rewriting
42. Ang pinakapopular na estilo ng dokumentasyon sa larangan ng malayang sining at
humanidades.
A.estilong LPA B. estilong MLA
C.estilong APA D. estilong CMS
43. Ito ang pinakaginagamit na paraan ng dokumentasyon sa larangan ng agham
panlipunan.
A.estilong MLA B. estilong CMS
C.estilong APA D. estilong LPA

You might also like