You are on page 1of 29

KABANATA I

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Panimula

Sa panahon ng mga kastila, ang tula ang ginamit ng mga Pilipino upang

maipahayag nila ang kanilang damdamin.

Sa Panitikan kinakailangan nating pag-aralan kung ano ang mga umiiral na

tulang Tagalog sa panahon ng mga Kastila. Sa pamamagitan ng pangangalap ng

mga impormasyon ay malalaman natin kung ano ang mga karaniwang pinapaksa

ng mga unang tula at kung paano nagkakaiba sa istilo ang mga unang tulang

Tagalog sa makabagong tula.

Upang maging madali ang pagsasaliksik nagmungkahi ng mga hinuha na

nakabatay sa paksa at nakatuon lamang sa suliranin para ito ay maging tiyak at

mailahad ng maayos ang mga impormasyon sa pagsasaliksik na ito. Matutuklasan

natin ang kagandahan ng mga unang tulang tagalog sa panahon ng mga Kastila.

Madaragdagan pa ang ating kaalaman tungkol sa mga unang tulang Tagalog at

magbalik-tanaw tayo sa pagdating ng mga Kastila dito sa ating bansa.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral at pagsusumikapan na mabigyan

kasagutan ang tungkol sa paksang “ Mga Tulang Tagalog sa Panahon ng mga

Kastila: Isang Pagsusuri”.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na mabigyan ng kasagutan ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga umiiral sa tulang Tagalog ng panahon ng Kastila?

2. Ano ang karaniwang pinapaksa ng mga unang tulang Tagalog?

3. Paano nagkakaiba sa istilo ang mga unang Tagalog sa mga makabagong

tula?

MGA HINUHA

Sa pag-aaral na ito, inaasahan ng tagapagsaliksik sa inilahad na suliranin ang

mga sumusunod na kasagutan:

1. Ang mga unang tulang tagalog na umiral sa Panahon ng mga Kastila ay may

halong salitang kastila. Sa kagustuhan nila na maituro ang Wikang Kastila sa

mga Pilipino.
2. Ang karaniwang pinapaksa ng mga unang tulang tagalog ay tungkol sa

pananampalataya o sa Panginoon sapagkat ang kastila ang nagdala sa atin

ng Relehiyong Katoliko.

3. Nagkakaiba ang istilo sa paggamit ng mga salita ang unang tulang tagalog

sa mga makabagong tula.

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PANANALIKSIK

Ang pokus ng pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa paksang mga piling

unang tulang Tagalog sa panahon ng mga Kastila. Limitado lamang ang mga

impormasyon ilalahad dito para mapatunayan ng mananaliksik na ang mga

imporamasyon o datos na nakalap ay nakasentro lamang sa paksang inihanda.

Susuriin ang mga unang tulang tagalog kasama na ang tula ni Fernando

Bagongbanta “Salamat ng Walang Hangga” , tula ni Tomas Pinpin “O Ama con

Dios” at “Anong dico Toua” , Pedro Suarez Ossorio “Salamat ng Walang Hoyang” ,

Phelipe de Jesus “Ybong Camunti sa Pugad” ,


KATUTURAN NG MGA SALITA

Binigyan ng taga pagsaliksik ng depinisyon ang mga kaugnay na salita sa

pag-aaral na ito upang madaling maintindihan ang bawat salitang nakapaloob

dito.

Fernando Bagongbanta - sumulat ng tulang ladino na pinamagatang “Salamat na

Walang Hangga”.

Ladino - tula na magkahalo ang salitang Kastila at Tagalog.

Panitikan - ay nagmula sa salitang “titik” na ibig sabihin ay letra, “panitik” o

pantitik na nagkakaroon ng buhay bilang mga salitang magiging bahagi ng

sistemang makabuo sa iba’t-ibang anyo ng akda na naglalaman ng kaisipan,

damdamin, karanasan, hangarin at diwa.

Pedro Suarez Ossorio - isang manunulat na ladino,”Salamat ng Walang Hoyang”

ang pamagat ng kanyang sinulat.

Tayutay – ay isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o

damdamin.

Tula – ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng isang manunulat sa

pamamagitan ng salitang isinasaayos sa mga saknong at taludtod.


Tomas Pinpin – Unang Pilipinong Instik na manunulat at tinaguriang “Prinsipe ng

Manlilimbag sa Pilipino”, siya ang kauna-unahang sumulat ng aklat sa Tagalog.

KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Sa pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon upang

higit na mapaunlad at magamit ang mga nasaliksik na impormasyon.Mahalaga ang

pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

SA MGA GURO SA PANITIKAN

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay magiging karagdagang impormasyon sa

kanilang pagtuturo sa panitikan at makapagbibigay ng mga halimbawa batay sa

paksa nilang tatalakayin na may kaugnayan sa pag-aaral na ito.

SA MGA MAG-AARAL

Ito ay magsisilbing gabay at sanggunian upang mas lalong magkaroon ng

ideya sa mga tulang tagalog sa panahon ng mga kastila, maging isang

instrumento sa kanilang takdang aralin, proyekto at karagdagang kaalaman sa


kanilang pag-aaral.Matatanto nila ang kanilang lahi na pinagmulan at kung ano

ang mayroon sa panitikan.

SA MGA NAMUMUNO NG PAARALAN

Sa pag-aaral na ito magsisilbing batayan na kagamitang aklat na matitipon

at magiging bagong impormasyon sa kanilang silid-aklatan.Pahahalagahan at

iingatan nila ang aklat o akda.

SA MGA MAMBABASA

Sa pag-aaral na ito layunin ng mananaliksik na magkaroon ng bagong

kaalaman ang mambabasa sa inihandang pag-aaral na ito upang magkaroon sila

ng ideya.Sila ay malilinawan at maliliwanagan sa kanilang nabasang akda

SA MGA SUSUNOD NA MANANALIKSIK

Ito ay magsisilbing karagdagang impormasyon upang mapaunlad pa ang

kanilang pag-aaral pagsasagawa ng panibagong pag-aaral upang maging matibay

ang paglalahad ng paksa.


KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na pag-aaral na

magsisilbing karagdagang impormasyon na ikauunlad ng paksa at maging isang

makabuluhan ang bawat kaugnayan ng pananaliksik na ito upang maging matibay

at makatotohanan ang paglalahad na isasagawa ng mananaliksik.

Sa pag-aaral na ito ilalahad ang mga suliranin na kaugnay sa pag-aaral

upang maging batayan at limitado ang mga ilalahad na impormasyon o mga datos

na nakalap ng mananaliksik. Magsisilbi rin itong isang batayan na pagsusuri sa

pag-aaral na ito upang magkaroon ng bagong kaisipan.

Nakaangkop dito ang kaugnay na litetura, na magiging batayang legal sa

mga makatotohanang impormasyon at ang teoryang konseptwal.


ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA

Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri,paksa at istruktura

bago pa man dumating ang mga dayuhang Espanyol.Subalit nang dumating ang

mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at

karagdagan sa uri at paksa.Pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga

kastila sa ating bansa.Sa panahong ito ay piling-pili lamang ang nakasusulat

sapagkat wikang kastila lamang ang kanilang kinikilala sa larangan ng pagsulat.

ANG PAGSULAT NG TULA

Ayon kay Lydia Gonzales et’al ang tula ay isang pagbabagong-hugis ng

buhay, isang paglalarawan na likha ng guni-guni at ipinaparating sa damdamin ng

mambabasa o nakikinig sa mga salitang nag-aangkin ng wastong aliw-iw at higit

na mainam kung may sukat at tugma sa mga bawat taludtud.

Ayon naman kay Edgar Allan Poe ang tula ay nangangahulugang likha at ang

makata ay tinatawag na manlilikha. Kalikasan na buhay ang pinaghahanguan ng

paksa ng makata at sa pamamagitan ng larawang-diwa ay pinupukaw niya ang

ating damdamin.
Ayon kay Amado V. Hernandez ang tula ay hindi pulos na pangarap at

salamisim.di na pawang halimuyak,silahis,aliw-iw at taginting.Ang tula ay walang

di nagagawang paksain.

Ang paham na si Plato ay nagturing na ang tula ay lalong malapit sa

katotohanan kaysa istorya at ayon kay Alexander Pope ay higit na maringal ang

katotohanan kung nakadamit sa tula.

Ayon naman sa Wikipedia ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at

panitikan na kilala sa malayang paggamit ng ibat’ ibang anyo at

istilo.Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.

Ayon kay Webster ang tula ay anyo ng sining o panitikan na naglalayong

maipahayag ang damdamin sa malayang pasusulat at ito ay binubuo ng saknong

at taludtud.
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang tagapagsaliksik ay gumamit ng descriptive method sa pangangalap ng mga

impormasyon o mga datos. Ginamit ng mananaliksik ang silid-aklatan ng Polangui

Community College upang makakalap ng mga sanggunian na kaugnay sa pag-aaral

na ito. Pagbabasa, pagsusuri, pagtatala ng mga mahahalagang impormasyon sa

papel, pag-uuri sa mga nalikom na datos sa ibat’ ibang babasahin ang ginawa ng

tagapagsaliksik upang makahanap ng kasagutan sa suliranin. Kumunsulta ang

mananaliksik sa Webster at sa mga website sa kompyuter na nakatulong sa

pagbuo ng mga makatotohanang kasagutan sa ginawang pag-aaral.


PINAGKUNAN NG MGA DATOS

Ang pangunahing pinagkunan ng mga datos ng tagapagsaliksik ay mga aklat

sa panitikan. Matiyaga siyang nangalap ng mga impormasyon at nag-ipon ng mga

datos sa silid-aklatan ng Polangui Community College. Nagsangguni rin siya sa

ibat’ibang website ng kompyuter at sa mga babasahin para makapangalap na mga

karagdagang impormasyon. Kumuha ang tagapagsaliksik ng mga datos at

impormasyon sa mga nasabing sanggunian upang mabigyang kasagutan ang mga

kurong pinag-aaralan ng mananaliksik


Polangui Community College

Polangui,Albay

“Mga Unang Tulang Tagalog

Sa Panahon ng

Mga Kastila:

Isang pagsusuri”

Inihanda Bilang Hinihinging Katuparan sa:

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Panitikan

Major 109

Ni

Julie Ann C. Azagra

BSED-III FILIPINO

Inihanda para kay

Gng. Amelita P. Sadueste Ed.D

dalubguro
KABANATA IV

MGA UNANG TULANG TAGALOG SA PANAHON NG MGA

KASTILA

Ang suliraning ito ay kusang napili ng tagapagsaliksik nag awing paksa sa kanyang

pag-aaral upang malaman ang mga umiral na tulang Tagalog, ang kanilang paksa

at kung ano ang pagkakaiba ng mga unang tula sa makabagong tula.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ginawa ay iniuukol sa mga unang tulang Tagalog sa Panahon ng

mga Kastila. Ang kinalabasang ito ay totoong nilikom na maging batayan ng

pagkuha sa alinmang antas ng mga suliranin.

Ang alinmang suliranin ay mabibigyan ng kasagutan sa pamamagitan ng

pagbabasa ng iba’t-ibang sanggunian sa silid-aklatan. Upang mabigyan ng

kasagutan ang mga inilahad na suliranin at upang mapatunayan ang mga inilahad

na hinuha ng tagapagsaliksik.
ANG MGA UNANG TULANG TAGALOG NA UMIRAL SA

PANAHON NG MGA KASTILA

Ang mga namalasak na tula sa panahon ng mga Kastila ay ang mga tulang may

halong Kastila – Tagalog. Ang mga tawag sa mga manunulat na nakababatid ng

dalawang wika ay LADINO. Salamat na walang hanga ang akda ni Fernando

Bagongbanta ang unang nailimbag at ang tula ni Tomas Pinpin na O Ama con Dios

at Anong dico Toua. Kay Pedro Suarez Ossorio ay Salamat ng Walang Hoyang at

Ybong Camunti sa Pugad ni Phelipe de Jesus.

ANG MGA KARANIWANG PINAPAKSA NG MGA UNANG

TULANG TAGALOG

Mapapansin na ang karaniwang pinapaksa ng mga unang tulang tagalog

ay tungkol sa Panginoon. Upang maipalaganap at mapaunlad ng mga Kastila ang

pananampalatayang Katolika Apostolika Romano ay unti- unti nilang ipinakilala

ang tulang may halong Kastila.


ANG PAGKAKAIBA NG UNANG TULA SA MAKABAGONG

TULA

Ang mga sinaunang tula ay hindi gaanong mabulaklak ang mga salitang

ginamit ng mga may-akda. Hindi katulad ng mga makabagong tula. Ang

makabagong tula ay gumagamit ng mga tayutay,talinhaga at sagimsim na higit na

nakakapagpaganda ng tula. Ang mga tula sa kasalukuyan ay matatalinhaga at

iniaangkop sa kasalukuyang pagbabago at pag-unlad ng ating wika.


KABANATA V

BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

BUOD

Ang pag-aaral na ito ay gumawa ng pagsusuri sa mga unang tula na lumaganap sa

Panahon ng mga Kastila. Upang matugunan ang pag-aaral na ito nagkaroon ng

suliranin at hinuha.

Ang pag-aaral na ito ay layuning alamin ang mga pangunahing mga katanungan at

masuri ang mga kahalagahan sa pag-aaral na ito.

1. Ano ang mga umiral na tulang Tagalog sa Panahon ng mga Kastila?

2. Ano ang karaniwang pinapaksa ng mga unang tulang Tagalog?

3. Paano nagkakaiba ang unang Tula sa makabagong tula?

Sa pag-aaral na ito, inaasahan ng tagapagsaliksik sa inilahad na suliranin ang mga

sumusunod na kasagutan:

1. Ang mga umiral na tula sa Panahon ng mga Kastila ay may halong Kastila –

Tagalog.
2. Ang karaniwang pinapaksa ng mga unang tulang Tagalog ay tungkol sa

Panginoon o pananampalataya sapagkat ninanais ng mga Kastila na

mapaunlad at mapalaganap ang Katolika Apostolika Romano.

3. Nagkakaiba ang sinauna at makabagong tula sa mga salitang ginagamit ng

may-akda. Masining ang mga nilikhang tula ng mga makabagong manunulat

sapagkat sila ay gumagamit ng mga tayutay at matatalinhagang pananalita.

Ang ginamit ng tagapagsaliksik sa pag-aaral na ito ay ang paglalarawan o

descriptive, pagkalap at pagsuri sa mga nalikom na mga datos sa pamamagitan ng

pagbabasa at pananaliksik sa mga website at iba’t – ibang aklat na may kaugnayan

sa paksang tinatalakay na makatulong sa pagbuo ng makatotohanang kasagutan

sa mga suliraning hinahanapan ng kasagutan.

Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay isang pagsusuri sa mga unang tula sa

Panahon ng mga Kastila.


NATUKLASAN

Ayon sa natuklasan, ang pag-aaral na ito ay may kaakibat na kahalagahan. Ang

pag-aaral ng panitikan tulad ng mga unang tula ay isa itong uri ng mahalagang

panlunas na tumulong sa mga tao upang matugunan ang kanilang mga suliranin

at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan at kahalagahan nito. Nakatutulong

din ito upang mabigyan ng kalinawan kung ano ang naging kasaysayan ng ating

sinaunang tula. Ang sinaunang tula ay isang uri ng Panitikan na lumaganap noon

pa man at nanatili pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ito ay tumatalakay sa mga

pananampalataya ng mga sinaunang Pilipino. Makakatulong ito upang maikintal

sa mga isipan natin na ang mga Pilipino ay reliheyoso at naniniwala sa Poong

Maykapal na lumikha ng lahat. Nakatulong din ito sa pagpapanatili n gating

kultura at kasaysayan.
KONKLUSYON

Ang mga sumusunod na konklusyon ay batay sa mga natuklasan sa pag-aaral.

1. Ang mga sinaunang Pilipino ay palasamba at relihiyoso.

2. Ang tula ang nagiging daan upang maipabatid sa atin ang kasiningan at

kagandahan ng buhay.

3. Nakakatulong ito na makilala natin ang kamalayan na ating kinabibilangan

at ang kultura na bumabalot sa ating lahing pinagmulan.

4. Dahil dito ay mapag-uugnay-ugnay natin ang mga kinamulatang tradisyon

na hindi nalalayo sa ating katutubong lahi.

5. Ang kagandahan ng tula ay nasa puso ng mambabasa.


Apendiks
TALA NG SANGGUNIAN

Panitikang Filipino (Pandalubhasa)

Nina: Consolasion P. Sauco,Nenita P. Papa, Narcisa S. Sta. Ana

Panitikan ng Pilipinas (Bagong Edisyon) 1992

Nina: J. Villa Panganiban, C.T Panganiban, G.E Matute

Panitikang Pilipino ( Pangatlong Edisyon)

Nina: Lucila A. Salazar, Obdulia L. Atienza, Maria S. Ramos, Anita R.


Nazal

Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad Pangkolehiyo

Nina: Erlinda M. Santiago, Alicia H. Kahayon, Magdalena P. Limdico

Patnubayan sa Pag-aaral ng Panitikang Filipino

Nina: Zenaida Padilla Villanueva


TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT

Sertipikasyon

Pagkilala

Talaan ng Nilalaman

Kabanata I: Paglalahad ng Suliranin

Panimula

Paglalahad ng Suliranin

Mga Hinuha

Saklaw at Delimitasyon ng Pananaliksik

Kahalagahan ng Pag-aaral

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral

Mga kaugnay na pag-aaral

Balangkas Konseptwal

Panahon ng Pag-aaral

Kabanata III: Pamamaraan ng Pag-aaral


Paraan ng pananaliksik na ginamit

Kabanata IV: Mga Umiral na Tulang Tagalog sa Panahon ng Kastila

Kahalagahan ng pag-aaral

Kabanata V: Buod, Konklusyon, Rekomendasyon

Buod

Konklusyon

Rekomendasyon

Apendiks

Liham sa pagsusuri

Tala sanggunian

Pansariling Tala

Mga Unang Tula


PAGKILALA

Ang Edukasyon ay daan tungo sa magandang kinabukasan ng kahit na

sinuman sa atin. Ito ang nagiging sandata natin sa pagtahak ng tamang landas

sa buhay.

Sa lahat ng taong naging bahagi ng aking pag-aaral at pananaliksik na

ito, ay taos puso po akong nagpapasalamat at nagbibigay ng pagkilala sa mga

oras at impormasyon na ibinahagi po ninyo.

Amelita P. Sadueste Ed. D., sa kanyang walang sawang pagpapatnubay

at at matiyagang pagtuturo upang mabigyan ng kalutasan at

mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito.

Gng. Jose Segarra, ang guro sa Panitikan na nagbibigay at lubos na

nagpapalawak n gaming kaalaman sa panitikan.

Sa aking mga kaibigan na sina Merelyn, Roselle at Regina na

nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na tapusin ang pananaliksik na ito.

Sa aking pamilya na walang sawang sumusuporta sa lahat ng aking

ginagawa at patuloy na tumutulong pampinansyal.


Sa tagapangasiwa ng silid-aklatan na nagpapahiram ng aklat at iba

pang babasahin.

At higit sa lahat ang Panginoong Maykapal na siyang

lumikha.Maraming maraming salamat po. .


Republika ng Pilipinas

Polangui Community College

Polangui, Albay

SERTIPIKASYON

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng tagapagsaliksik na may pamagat na “ Mga

Unang Tulang Tagalog sa Panahon ng mga Kastila”. Inihanda at ipinasa ni Julie

Ann C. Azagra bilang isang bahagi ng pangangailangan sa asignaturang “

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Panitikan”,Major109 na matiyagang

sinuri at inerekomenda para sa kaukulang pagpapatibay.


Ybong camunti sa Pugad

Ni: Philipe de Jesus

Ybong camunti sa pugad

Sa inang inaalagad

Ay dili macalipad

Hangan sa di magcapacpac.

Loob ninyong masilacbo

Parang ningas alipato

Sa alapaap ang tongo

Ay bago hamac na abo.


Magandang Kahatulan

Ni: Pascual Poblete

Cung maguising can , t iyong mapagmasdan

Ang caayaayang bubukang liuayuay,

Taimtim sa loob na pasalamatan

Ang dios na Poong lumic-ha sa arao.

Cailan ma, t, saclao nang cay among angquin

Madlang cagalinga,i, pagsicapang gawin,

Di na cailangang iyong quilalanin

Cung sino ang taung iyong aampunin.

Bago ka pumula,t, mangahas mag saysay

Nang gawa ng ibang manga camalian,

Dibdib mo,i, tutupin at magnilaynilay

Baca higuit ka pa sa pinupuluan.


Cung di ca malayao,t, sadyang nangingilag

Sa madlang panganib nang pagcapahamac,

Cung mapacasama’t, maamis sa hirap

Cahiman humibic ay uala nang lunas.

Cung anong guinagawang manga pagmamahal

O paglabag caya sa iyong magulang

Ay siya rin naming iyong mahihintay

Sa manga anac mong pinakamamahal.

Ang catutubo mong taglay na panimdim

O concencia bagang caalacbay natin,

Sacsi,t, taga sumbong na di mapopouing

At sa sala,i, hucom na calaguimlaguim.

You might also like