You are on page 1of 5

September 23, 2021 E. S. P. 2 Activity No.

Kulayan ng PULA ang loob ng kahon kung wasto ang ipinahahayag ng


pangungusap.

1. Tumutulong ako sa paglilinis ng bahay.


2. Hinahayaan ko na sila na lang ang gumawa ng mga tungkulin
ko sa bahay.
3. Bumabangon ako nang maaga upang marami akong
magawa.
4. Ginagawa ko ang mga gawain na kaya kong gawin.
5. Nililinis ko ang aking sariling kuwarto.
6. Nagtutulog-tulugan ako kapag tinatawag ni Nanay.
7. Nagkukusa akong kunin ang mga sinampay kapag tuyo na.
8. Lagi akong handa sa mga utos ni Nanay at Tatay.
9. Pinababayaan ko ang bunso kong kapatid na gumawa ng
mga bagay na ako dapat ang gumagawa.
10. Tanghali na akong gumising samantalang lahat ay gising na.
September 23, 2021 E. S. P. 3 Activity No. 2

Kulayan ng ITIM ang loob ng kahon kung ang pangungusap ay


nagpapahaag ng paniniwala sa sariling kakayahan.

1. Sumasali ako sa mga patimpalak.


2. Tinanggihan ko ang alok ng aking guro na sumali sa
programa sa paaralan.
3. Basta’t nakarinig ako ng musika, ako’ napapasayaw.
4. Kumakanta ako sa harap ng bisita ni Nanay.
5. Nagtatago ako kapag pumipili ng tutula ang guro.
6. Nagpiprisinta ako kapag may mga palatuntunan sa paaralan.
7. Nag-aaral ako ng voice lesson tuwing summer..
8. Kabilang ako sa isang dance troupe.
9. Nagpipinta ako kapag wala akong takdang-aralin.
10. Hindi ako sumasali sa mga paligsahan sap ag-awit kahit
marunong akong kumanta.
11. Ayokong ibahagi ang aking talent sa pagsayaw.
12. Takot akong sumali sa kahit anong uri ng patimpalak.
13. Madalas akong sumali sa kahit anong paligsahan na
nagpapakita ng aking talent.
14. Nag-aaral ako ng iba’t ibang pamamaraan na magpapabuti pa
ng aking kakayahan.
15. Sinasabayan ko ng indak ang kahit anong musika na aking
nadidinig.
September 23, 2021 E. S. P. 4 Activity No. 2

Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hind
wasto.

____ 1. Hayaan ang mga batang lansangan na palaboy-laboy.


____ 2. Tulungan ang mga batang lansangan na magkaroon ng
disenteng pamumuhay.
____ 3. Magkaroon ng mga programang makatutulong sa mga
batang nasa lansangan.
____ 4. Huwag pansinin ang mga batang humihingi ng tulong.
____ 5. Magbigay ng pagkain, damit, at mga bagay na makatutulong
sa mga bata.
____ 6. Hayaan na lamang ang mga batang matulog kung saan-saan.
____ 7. Lumapit sa mga may katungkulan upang matulungan ang
mga bata.
____ 8. Makiisa sa mga programa ng pamahalaan ukol sa mga
makabubuti sa mga bata sa lansangan.
____ 9. Iwasan ang mga batang lansangan kapag lumalapit o
humihingi sa iyo ng tulong.
____ 10. Pagtawanan ang mga batang lansangan na marurumi ang
mga kasuotan.
September 23, 2021 E. S. P. 5 Activity No. 2

Paano mo maipapakita ang katatagan ng iyong loob sa sumusunod na


sitwasyon? Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Merong isang matandang pulubi na nanghihingi ng pagkain


sa labas ng iyong bakuran. Naalala mo ang iyong
napanood na nakatatakot na pelikula. Inutusan ka ng iyong
nanay na ibigay ang tinapay sa matandang pulubi dahil
may ginagawa pa siya sa kusina.

2. Aksidente mong nabasag ang salamin ng cell phone ng


iyong nanay. Nang nalaman niya ito ay nagalit siya at
tinanong kung sino ang may gawa.

3. Napansin mo na may dumi ang mukha ng kaibigan mo na


napapapansin din ng iba. Pinagtatawanan siya nang
palihim ng inyong mga kaklase at wala man lang
nagsasabi sa kanya na marumi ang kanyang mukha.
September 23, 2021 E. S. P. 6 Activity No. 2

A. Kulayan ng PULA ang loob ng kahon kung ang mga nilalahad ng


pangungusap ay umaayon sa iyong ginagawa.

1. Nagdedesisyon ako kahit hindi nag-iisip.


2. Nagdadasal ako kapag gumagawa ng desisyon.
3. Hindi ko kailangan ang sinuman sa paggawa ng desisyon.
4. Humihingi ako ng tulong sa aking mga magulang at kaibigan
sa paggawa ng desisyon.
5. Handa ako sa kahit anumang kahihinatnan ng nagawa kong
desisyon.
B. Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa ibaba.

1. Ano-ano ang mga batayan sa paggawa ng isang desisyon?

2. Bakit kailangan na maging maingat sa paggawa ng


desisyon?

3. Sumasangguni ka ba sa iyong mga magulang o kaibigan


sa paggawa ng desisyon? Bakit?

4. Ano ang iyong nadarama kapag nakagagawa ka ng


tamang desisyon?

5. Kung sakali na ang iyong desisyon ay hindi maayos, paano


mo ito inaayos?

You might also like