You are on page 1of 3

Nobena para sa mga Yumao

Pagsisisi

Lahat : O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa


Iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot kong
mawala sa akin ang kaharian ng langit at dahil sa takot ko sa hirap ng
impiyerno, ngunit lalo pa't ang kasalanan ay nakakasakit sa kalooban Mo,
Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararapat na ibigin nang
walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking
mga kasalanan, tutuparin ang parusang hatol at sa tulong ng Iyong
biyaya ay magbabagong buhay. Amen.
Namumuno : Ama namin sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin
ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit.
Lahat : Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin
Mo kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa mga
nagkakasala sa amin. Huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya
Mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Namumuno : Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong
anak na si Jesus.
Lahat : Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon
at kung kami’y mamamatay.
Namumuno : Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Diyos Espiritu Santo,
Lahat : Kapara noong unang-una, ngayon, magpasawalang-hanggan. Amen.

Unang Dekada:
Lahat : Panginoon, buksan Mo ang aming mga labi. Pagningasin Mo ang aming
mga puso at punawin sa mga ito ang anumang kasamaan. Liwanagin Mo
ang aming mga pag-iisip, upang mapagnilayan naming nang may pitagan
ang Iyong pagpapakasakit at kamatayan, at ang mga sakit na tiniis ng
Iyong kamahal-mahalang Ina. Dinggin Mo ang aming mga panalangin at
tanggapin Mo kami, Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Amen.
Mahabaging Hesus, tunghayan mo ng iyong mga maawaing mata ang
Iyong anak na si _____, na para sa kanya’y nagpakasakit Ka at namatay
sa krus.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa mga butil ng Santo Rosaryo sa bawat dekada, sabihin ang sumusunod:
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa dugong ipinawis Mo sa Halamanan ng
Getsemane,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa mga suntok na tinanggap Mo sa Iyong banal na
mukha,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa malulupit na hampas na Iyong tiniis,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumusok sa Iyong ulo,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa pagpasan Mo ng krus sa landas ng kapaitan,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa Iyong mukhang tigmak ng dugo na hinayaan
mong matatak sa belo ni Veronica,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa mga damit Mong duguan na buong kalupitan
nilang hinubad sa Iyong sugatang katawan,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa Iyong mga kamay at paang tinusok ng
matatalas na pako,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa Iyong banal na tagiliran na tinusok ng sibat at
mula doo’y umagos ang dugo at tubig,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.
Namumuno : Jesus ko, alang-alang sa Iyong pagkakapako at pagkamatay sa krus,
Lahat : Kaawaan mo ang kaluluwa ni _____.

Namumuno : Pagkalooban nawa ng walang hanggang kapahingahan ang kaluluwa ni


_____.
Lahat : At sikatan siya ng liwanag na walang hanggan.
Namumuno : Mapahinga nawa siya nang mapayapa,
Lahat : Amen.

Dasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ikalawang Dekada:
Lahat : Panginoon naming lubos na mapagmahal at maawain, buong
pagpapakumbabang dumudulog kami sa Iyo sa ngalan ni _____ na Iyong
tinawag na mula sa daigdig na ito. Huwag Mo siyang hayaang mapasa-
kamay ng kaaway at kailanma’y huwag Mo siyang limutin. Utusan mo
ang mga Banal na Anghel na dalhin siya sa paraisong kanyang dapat

Knights  of  Saint  Benedict  


catholicdeliverance.multiply.com  
Manila  986-­‐1831  /  Bulacan    0929-­‐3998884
hantungan, sapagkat siya’y lubos na nanalig at umasa Iyo. Nawa’y hindi
niya maranasan ang sakit ng impiyerno, kundi’y magkamit ng walang
hanggang kaligayahan sa pamamagitan ng aming Panginoong Jesus na
Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus…

Ikatlong Dekada:
Lahat : Maawa ka, Panginoon, sa kaluluwa ni _____, kung kanino’y iniaalay
naming itong pagbibigay-puri sa Iyo. Buong kapakumbabaang hinihiling
namin sa Iyo, kataas-taasang Diyos, na sa pamamagitan ng mga handog
na ito ay maging karapat-dapat siya sa walang hanggang kapahingahan,
sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari
kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan.
Amen.
Mahabaging Hesus…

Ikaapat na Dekada:
Lahat : Hinihiling namin, Panginoon, na ipagkaloob mo ang kalinisan at
kagalingan sa kaluluwa ni _____ na lumisan na sa mundong ito.
Ipinapanalangin namin ang kapatawaran ng kanyang mga kasalanan at
walang hanggang kapahinghan. Ito’y aming hiling sa pamamagitan ni
Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus…

Ikalimang Dekada:
Lahat : Panginoon, hanguin mo sa lahat ng kasalanan ang kaluluwa ni _____
nang sa pamamagitan ng Iyong tulong at awa ay mailigtas siya sa apoy
ng impiyerno at makabagi sa walang hanggang liwanag. Ipagkaloob Mo
po ito sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at
naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang
hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus…

Namumuno : Manalangin tayo.


Lahat : O Panginoon naming Maylikha at Manunubos ng lahat ng
nananampalataya, ipagkaloob Mo sa kaluluwa ni _____ ang kapatawaran
ng lahat niyang kasalanan. Aming idinadalangin na makamit niya ang
kapatawarang lubos niyang ninanais, sa pamamagitan ng Iyong Anak na
nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig
na walang hanggan. Amen.
Namumuno : Pagkalooban nawa ng walang hanggang kapahingahan ang kaluluwa ni
_____.
Lahat : At sikatan siya ng liwanag na walang hanggan.
Namumuno : Mapahinga nawa siya nang mapayapa,
Lahat : Amen.

Knights  of  Saint  Benedict  


catholicdeliverance.multiply.com  
Manila  986-­‐1831  /  Bulacan    0929-­‐3998884

You might also like