You are on page 1of 9

St.

Francis College
ALLEN, NORTHERN SAMAR

LEARNING MODULE SA FILIPINO 3 (12)

MODYUL BLG. 3
IBA’T IBANG ANYO NG SULATING AKADEMIKO

IKATLONG LINGGO
ANTAS: BAITANG 12
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t


ibang anyo ng sulating akademiko
 CS _ FA11/12EP-0a-c-39

I. KONSEPTO

Bakit mahalagang malaman ang kalikasan,layunin at paraan ng pagsulat ng ibat ibang anyo ng
sulating ginagamit sa pag aaral sa iba't ibang larang akademiko ?

At paano natin maisasagawa sa iba’t ibang akademikong sulatin?

PAGTATALAKAY

1
Sa mundong ating ginagalawan sa kasalukuyan ay may mga pangyayaring dapat pag – ukulan ng pansin lalo
na kong ito ay nagdudulot ng suliranin sa maraming tao. Ito ay maaring mga kakulangan sa isang bagay na
nangangailangan ng agarang pagtugon, paglulunsad ng pagbabago ukol sa naghaharing Sistema o patakaran,
maari din pagsasagawa ng isang programang upang higit na mapabuti ang kondisyon ng isang samahan o
Gawain, o kaya naman ay pagpapanukala ng solusyon para sa nararanasang suliranin.

Sa araling ito ay mararanasan mong maglahad ng isang panukala para sa paglulunsad ng isang
pagbabago o kaya naman ay para malutas ang isang suliranin. Matutuhan mo sa araling ito ay ang pagsulat o
paggawa ng panukalang proyekto.

Nakapagpapahayag gamit ang pyramid diagram

Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o pamayanan ang iyong mabalitaan o natatandaan na
nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming tao? Ibahagi o ipahayag mo ang ilang
mahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagkompleto sa pyramid Diagram sa
ibaba.

Pangalan/ pamagat

Ng proyekto

Nagpanukala o nanguna

Sa proyekto

Lugar kong saan isinagawa o ipinatupad

Petsa ng pagpapatupad

Tao/ mga nagpapatupad/ nagsasagawa ng proyekto

Pakinabang o magandang dulot ng proyekto

ANG PANUKALANG PROYEKTO

Ano ngaba ang panukalang proyekto? Marahil ay naranasan mo nang gumawa ng feasibility study
para sa programa o proyekto sa inyong club, student organization, o barangay council. Halos ganoon din ang

2
paggawa ng panukalang proyekto ngunit ito ay higit na sestimatiko at pinag aralan. Ayon kay Dr. Phil.Bartle
ng The Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga non-government
Organization (NGO) sa paglikhan ng mga pag aaral sa pangangalap ng ang panukala ay isang komunidad o
samahan. Kaya ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman
ng mga palno ng gawaing ihaharap sa mga tao o samahang pag ukulan nito na siyang tatanggap at
magpapatibay nito. Ayon naman kay Besin Nebiu, may akda ng Developing skills of NGO Project Prposal
Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong Deskripsiyon ng mga binihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto, kaya naman,


masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay,
una sa lahat ito ay kailangang maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangan maging tapat na
dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago, ayon kay
bartel (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa
pinag uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito
ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.

MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na A guide to proposal Planning and Writing. Sa
pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtataglay ng tatlong mahalagang bahagi at ito ay ang
sumusunod:

a. Pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto


b. Pagsulat ng katawan ng panukalang proyekto
c. Paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito.

A. Pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto


Bago lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay
ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag –uukulan ng iyong
project proposal. Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay upang
makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. O higit na magiging tiyak napapanahon, at akma
kung matutumbok moa ng tunay na pangangailang ng pag uukulan nito. Sa madaling salita,
pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.

Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid pamayanan o kompanya.


Maaring magsimula sa pagsagot asa sumusunod na mga tanong:
1. Ano – ano ang pangunahing suliranin na dapat laptan ng agarang solusyon?
2. Ano – ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahang ito na nais mong gawin ng
panukalang proyekto.
Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakalap ka ng mga ideyang
magagamit sap ag uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto. Ilang halimbawa nito ay ang
sumusunod:

Sa Barangay pagkakaisa, ang dalawang suliranin nararanasan ng mga mamamayan ay ang


sumusunod:

1. Paglaganap ng sakit na dengue


2. Kakulangan sa suplay ng tubig

3
Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang kailangan ng Barangay pagkakaisa upang malutas
ang kanilang mga suliranin

1. Paglaganap ng sakit na dengue


a. Pagtuturo sa mga mamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng kapaligiran upang
maiwasan ang paglalaganap ng dengue.
b. Pag sasagawa ng fumigation apat na beses sa isang taon.
2. Kakulangan sa suplay sa tubig
a. Pagtuturo sa mga mamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig
b. Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay.
PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO

Matapos na mailahad ang panimulang naglalahad ng suliranin ng gawaing panukalang proyekto ay isunod na
Gawain ang pinakakatawan ng sulating ito ito ay binubuo ng layunin, plano na dapat gawin at badyet.

1. Layunin – sa bahaging layunin makikita ang mga bagay na gusting makamit o ang pinaka – adhikain
ng panukala kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto at hindi batay sa kung paano
makakamit ang mga resultang ito. ayon kina Jeremy miner at Lynn Miner (2005) ang layunin ay
kailangang maging SIMPLE.
Specific - nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto.

Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matapos.

Measurable – may basehan o patunay na naisakatutparan ang nasabing proyekto.

Practical – ng sasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin

Logical – nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto

Evaluable – masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

2. Plano ng dapat gawin – matapos maitala ang mgalayunin ay maari na buoin ang talaan ng mga
Gawain o plan of action na naglalaman ng hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
Mahalagang maiplano itong mabuti para sa pagkasunod sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga
taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga Gawain. Ito rin ay dapat magin makatututhanan o
realistic kailangang ikonsidara rin ang budget sa pagsasagawa nito.
3. Badyet – isa sa pinakamahalang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na
paglalatag ng kakailanganing badyet para ditto. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang mapag aralan ito mabuti upang makatipid
sa mga gugulin.
Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa panukalang
proyekto ayon sa datods mula sa modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagat na
“paghahanda ng isang simpleng proyekto”.

a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng
pamahalaan o institusyon na mad aprobaat magsasagawa nito.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.
c. Isama sa inyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya sangay ng pamahalaan, o
maaring kompanya na magtataguyod ng mga nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng
pag aaral para sa itataguyod nilang proposal.

4
d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. iwasan ang mga bura o
erasure saoagkat ito ay nangangahulugan ng integridad at karapat – dapat na pagtititwala para sa iyo.
Narito ang halimbawa ng badyet na maaring gamitin sa pagpapagawa ng breakwater ng barangay Bacao.

Mga gastusin Halaga


1. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater
batay sa isinumite ng napiling contractor (
kasama na rito ang lahat ng materyales at Php 3,200.ooo.oo
sweldo ng mga trabahador)
1. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20, 000.00
pagbabasbas nito.
Kabuoang halaga Php 3,220.ooo.oo

B. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang nito

Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprobahan, kung malinaw na nakasaad dito kung
sino ang matutulungan ng proyekyo at kung paano ito makatutulong sa kanila. Maaaring ang
nmakinabang nito ay misinong lahat ng •marnamayan ng isang pamayanan, ang mga einpleyado
ng isang kompanya, o kayâ naman ay miyembro ng isang samahan. Mahalagang espesipiko sa
tiyak na grupo ng tao o saniahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Halimbawa ng
mga rnakikinabang ay ang mga batà, kababaihan, mga magsasaka, mahihirap na paniilya, mga
negosyante, at iba pa.
Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa
bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang
panukalang proyekto. Tunghayan ang halimbaw ang nakasulat sa kabilang pahina.
Balangkas ng panukalang proyekto
Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaring gamitin depende sa may akda
na naghahain nito. Sa ibang sanggunian, tulad ng halimbawa ng isinulat ni Besim Nebiu sa kanyang
akdang developing skills & NGOs Project proposal writing (2002), bahagi ng panukalang proyekto
ang abstrak o executive summary ng panukala lalo na kong medyo may kahabaan ang isinulat na
papel. Ito ay makatutlong sa mga abalang opisyal na kailangang magbasa ng maraming mga
panukala kung kaya kadalasan ang executive summary lamang ang kanilang inabasa.
Maari mong idagdag ang mga bahaging ito kung sa tingin mo ay kinakailangan itong gamitin.
Ngunit para sa higit na payak na balangkas para sa pagsulat ng panukalang proyekto ay maaring
gamitin ang sumusunod:
1. Pamagat ng panukalang proyekto – kadalasan ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan
bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala – naglalaman ito ng sumulat ng panukalang proyekto
3. Petsa – o araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinama rin sa bahaging ito ang tinatayang
panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto
4. Pagpapahayag ng suliranin – ditto nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa ang
panukala.
5. Layunin- naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit isagawa ang panukala.
6. Plano ng dapat gawin – ditto makikita ang talaan ng pagkasunod –sunod ng mga gawaing isasagawa
para sa pangsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ng bawat
isa.
7. Badyet – ang kakulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.
8. Paano – makikinabangan ng pamayanan/ samahan ang panukalang proyekto – kadalasan, ito rin ang
nagsisilbing kongklusyon ng panukala kong saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng
proyekto at benipisyong makukuha nila mula rito.

5
Bilang gabay sa pagsulat nito ay tunghayan ng kabuoan ng mga halimbawa ng bawat bahagi ng panukalang
inilahad sa nagdaang talakayan.

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGY BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324 purok 10, tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite

Ika – 11 ng Disyembre 2015

Haba ng panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati

I PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barabgay ng hg Bayan ng General Trias sa Cavite,
ito ay nanatiling pamayanan agricultural bagama’t unti – unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika
sa lugar nito

Isa sa mga suliraning naranasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ay ang malaking pagbaha sa
panahon ng tag ulan. Ito ang nang dudulot ng malaking problema sa mga mamayang tulad hg pagkasira
ng kanilang bahay. Gamitan at maging mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag –
apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.

Dahil dito nangangailangan ang barabgay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis nap ag –
apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo tiyak na dina na kinakailanganin pang ilikas ang
mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat maiwasan din ang patuloy ang pagguho ng mga lupa
sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan
at kaligtasan ng mga mamamayan.

II.LAYUNIN

Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag apaw ng tubig sa
ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari –arian at
hanapbuhay sa susunod na buwan.

I. PLANO NG DAPAT GAWIN


1. Pagpapasa, pag aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng
breakwater o pader (2 linggo)
 Ang mga contractor ay isinaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo
ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng Barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater
(1 araw)
 Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa
kabatiran ng nakararami
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 na
buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1araw)

IV. BADYET

Mga gastusin Halaga

6
2. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater
batay sa isinumite ng napiling contractor
( kasama na rito ang lahat ng materyales Php 3,200.ooo.oo
at sweldo ng mga trabahador)
2. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20, 000.00
pagbabasbas nito.
Kabuoang halaga Php 3,220.ooo.oo

II LAYUNIN

Ang pagpapatayo ng breakdwater a pader sa ilog ay magiging kapakipakinabang sa lahat ng


mamamayan ng Barabgay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng
baha ay masosolusyunan. Di makakarananas ang mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga
kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa knailang pamumuhay. Higit sa lahat
magkaroon, na ng akapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag ulan dahil alam nilang
hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng ipatatayong pader.

Mababawasan din ang trabaho a t alala hanin ng mga opiyales ng Barangay sa paglilikas ng mga
pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. gayundin maiwasan ang
pagkasira ng pananim ng mga magsasaka na karaniwang oinagkukunan ng hanapbuhay ng mga
mamamayan ditto.

Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao. Ipagawa ang breakwater o pader
na kanilang magsilbing proteksiyon sa panahon ng tag –ulan.

III. PAGSASANAY

A. Nabibigyang – kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa tinalakay na sulatin
Ibigay ang kahulugan ng mahalagang salita/termino sa pagsulat ng panukalang papel. Isulat ang iyong sagot
sa linya.

1. Panukala: ____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Panukalang proyekto: __________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Badyet: ______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. SIMPLE (para sa layunin ayon kay Jeremy at Lynn Miner)


a. Specific: ______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

b. Immediate: ____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

7
c. Measurable: ___________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

d.practical____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

e. Logical: _________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Evaluable:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

IV. PAGTATAYA
Nakapagsasagawa ng pananaliksik at ng palitang pagkritik sa isang sulatin

Magsaliksik ng mga panukalang proyekto sa inyong paaralan o pamayanan. Ihambing ang panukalang
proyektong nasaliksik sa nasaliksik ng isa mong kamag aaral gamit ang Compare ang Contrast Diagram sa
ibaba.

Panukalang Proyektong aking Panukalang proyektong nasaliksik ng


Nasaliksik aking kamag - aral

Paano ito nagkatulad

8
V. TALASANGGUNIAN

 Ailene Baisa – Julian, Nestor B. Lontoc, mga awtor Alma M. Dayag Koordineytor sa
Pinagyamang PLUMA (Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Phoenix Publishing House.

 Rolando A. Bernales, Elimar R. Ravina, Maria Esmeralda A. Pascual kasama sina Marie
Elma B. Cordero, Ma. Lourdes R. Quijano, Marlita D. Nilo, Edison C. Leste FILIPINO sa
Larangan AKADEMIKO K-12

You might also like