You are on page 1of 4

PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO SA PANAHON NG KOLONISASYON

Sinasabi na naging dayuhan ang mga mamayanan sa kanilang bayan. Katulad ito ng kaso sa Spain,
Netherland, France, Great Britain, Portugal, at UN.Ang mga mamayanan sa mga bansang ito ay biktima
ng sistematikong pang aabuso at pananamantala. Ang mga mamayanan ay dumanas ng sapilitang pag
gawa, diskriminasyon, pagkabilango, pagpatay, at iba pa

Ang mga halimbawa ay naging karanasan ng India sa Imperyong British sa loob ng mahabang
panahon. Ang Amritsar Massacre ay hindi malilimutan sa kasaysayan ng India, Ito ay naganap noong
Abril 13, 1919 na kung saan ay pinaulanan ng bala ng armadong pwersa ng Imperyong British ang mga
walang kalaban laban na mga indian na nag pupulong at nag poprotesta sa mga oras na iyon. Ang mga
indian na nag poprotesta dahil sa hindi demokratilong patakaran ay hindi armado kung kayat sila ay
walang kalaban laban.

PAKIKIBAKA NG COMFORT WOMEN

Ang mga comfort women na nag mula sa mga bansang Pilipinas, China, korea, at iba pang mga
bansa na nasakop ng japan ay dumanas ng pisikal, sikolohikal, at seksuwal na pang aabuso .Ang mga
Comfort Women ay mga babaeng binihag upang sapilitang magkaloob sa mga sundalong hapones ng
serbisyong seksuwal. Sa ngayon ay patuloy na humihingi ng katarungan ang mga Comfort Women.
Gusto ng mga ito ng isang pormal na paghingi ng kapatawaran ng pamahalaan ng hopones, Ang
pagbabayad sa pinsala sa kanila, at paglalagay sa text book sa mga paaralan sa japan tungkol sa mga
kalupitang ginawa ng mga sundalong hapones at nag mga pinag daanan ng mga Comfort Women.

ANG MGA JEW AT ANG HOLOCAUST

Ang ginawang paglabag sa karapatang pantao ng mga jew sa panahon ng pamumuno ni Adolf
Hitler ay sistematiko. Ang Etnosentriko ay isang pananaw na ang kulturang o pangkat na kinabibilangan
ng isang tao ay higit na katataas kayas sa iba. Sinasalamin ng paniniwala ng mga Nazi ang panananaw na
ito. Nag sagawa nag mga Nazi ng isang malawakang operasyon na puksain ang mga jew dahil sa
paniniwalang ito. Tinawag na Holocaust ang operasyon na pag puksa sa mga Jew, Ang mga Jew na nahuli
ay inilagay sa isang concentration camp at pinatay sa gas chamber. Ang ibang nga Jew ay namatay dahil
sa sakit sa loob ng concentration camp.Si Anne Frank ay isa sa mga nakabilanggo, Bunga ng pagkatuklas
ng kanyang diary na nag siwalat ng kalunos lunos na karanasan niya at ng kanyang pamilya sa
pamumuno ng mga nazi. Ang kanyang diary ay ay detalyado, malaman, at madamdamin. Ang kanyang
diary ay inilimbag upang gawing babasahin at mapag aralan ang malagim na kasaysayan ng holocaust .

PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO NG MGA KATUTUBONG MAMAMAYAN

Dumanas rin ang mga katutubong ng matinding pag labag sa kanilang karapatang pantao. Sila ay
naging biktima ng diskriminasyon sa lipunan at ipinalaganap pa ng isang hindi makatarungang sitema ng
pamahalaan, edukasyon, pamamahayag, empeyo, at iba pa. Ang kanilang buhay ay nakasalalay sa
kanilang lupaing ninuno. Dito lamang sila kumukuha ng kanilang pang araw-araw at ito rin ang kanilang
ginagawang tanghalan ng kanilang katutubong ritwal at tradisyon. Ang pag kamkam sa kanilang lupaing
ninuno ay isang uri ng pag bura sa kanilang makasaysayang lahi. Tinatawag na ethnocide ang pag patay
sa kultura, buhay,at kabuhgayn ng mga katutubo. Kaliwat kanan ang ginagawang operasyon ng pag
totroso, pagmimina, at pagpapatayo ng dambuhalang dam na nag bubunga ng pagkasira ng tirahan ng
mga katutubo. Bunga nito nawalan trabaho at nabubulabog ang tahimik nilang pamumuhay.

IBA PANG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

Dati ay may kasunduang na tinatawag na yellow dog na kung saan pinapapirmahan sa


manggagawa bago siya tanggapin sa trabaho. Hindi pinapahintulutan ang manggagawa na sumali sa
anumang samahan o ng mga mangagawa, at kung siya ay kasapi na kailangan niyang tumiwalag dito.
May mga kasong humahantong sa union busting kung nakaaapekto ito sa sariling interes ng
nangangasiwa. Ang mga ito ay malinaw na pag labag sa karapatang pantao. Ito ay halimbawa ng unfair
labor practice. May mga rebeldeng kilusan na lumalaban sa pamahalaan sa may mga kasaping mga
menor de edad na tinatawag na child soldier at ito rin ay isa sa pag labag sa karapatang pantao. Ang mga
child soldier ay laganap sa ibat ibang parte ng daigdig na may rebelyon. Mababa ang pag tingin sa
kakayahan ng kababaihan sa isang praktikal na lipunan. Lalaki ang sukatan ng talino, lakas, husay, at
tapang dahil dito. Bunga nito, ang kababaihan ay maaaring maging biktima ng karahasan sa tahanan,
prostitusyon, double standard, at iba pa.

MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO SA PANAHON NG DIKTATURA

Sunod sunod ang naging pag huli sa mga kritiko sa pamahalaang diktatoryal. Dumaranas ng pisikal
at sikolohikal na pag papahirap ang karamihan sa kanila . At umabuso naman ng seksuwal na pag aabuso
ang mga kababaihang bilanggo. May mga kaso rin na hindi na natagpuan ang mga bangkay ng pinaslang.
tinatawag silang desaparecidos(disappeared).Sinasadya ito ng ilang militar upang walang katibayansa
kanilang ginawang krimen. Ang pag kadismaya at galit ng mamayanan ay epekto ng hindi demokratiko,
hindi makatuwiran, at hindi makataong patakaran. Bunga ng mga ito ang mga mamamayan ay
nakisangkot at nakibahagi sa ibat iabgn uri ng pakikibaka tulad ng demonstrasyon sa kalsada, boykot,
armadong pakikidigma, at iba pa. Ang mga ganitong gawain ay tinapatan ng diktatoryal ng mas maigting
na puwersa tulad ng panggigipit at pandarahas.

MGA HAKBANG SA PAGSUGPO SA PAGLABAG NG KARAPATANG PANTAO

Napaka halaga ng tungkulin ng na dapt gampanan ng pamahalaan, civil society, at pribadong


sektor sa pagtiyak na hindi nilalabag nag karapatang pantao sa bawat isa. Ang kasarian, etnisidad,
katayuang panlipunan, edukasyon, edad, at iba pang batayan ay hindi kailan magiging balakid. Ang mga
organisasyong tulad ng Amnesty International, human watch ay may mga mahalagang gampanin. Ang
mga sumusunod ay kampanya ng AI upang mapangalagaan ang karapatan ng kababaihan.

1. kilalanin ng pamahalaan ang karapatang pantao ng kababaihan.

2. pagtibayin at isakatuparan ang mga pandaigdigang batas

3. labanan ang lahat ng uri ng diskriminasyon

4. pangalagaan ang karapatang pantao ng kababaihan

5. tuligsain ang panggagahasa, pagpapahirap at pag aabuso ng armado ng pamahalaan

6. tuligsain ang karahasang nagresulta ng desaparecidos


7. itigil ang pananakit at pang aabuso

8. pangalagaan ang karapatan ng babaing bilanggo

9. palayain ang mga bilanggo dahil sa kasarian

10. tiyakin ang agaran at makatarungang paglilitis ng kaso

You might also like