You are on page 1of 24

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 3:
Populasyon ng Pamayanan

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Populasyon ng Pamayanan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jean P. De Chavez
Content Editor: Imelda C. Chongco
Language Editor: Julie B. Aceveda
Tagasuri: Freddie Rey R. Ramirez, Eligio M. Jacob, Ma. Magdalena D. Lo
Tagaguhit: Jim Gary O. Villena
Tagalapat: Ransel E. Burgos
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, CESO V, Regional Director
Mariflor B. Musa, Chief, CLMD
Freddie Rey R. Ramirez, EPS, LRMS
Domingo L. Mendoza, Jr., Ed.D., Chief, CID
Elmer P. Concepcion, EPS-In-Charge of LRMS
Alfonso G. Encisa, PSDS - Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IV - MIMAROPA

Office Address: Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone No.: (02) 8631 4070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Populasyon ng Pamayanan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Populasyon ng Pamayanan !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Populasyon ng
Pamayanan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain


sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

vi
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa ikatlong aralin!


Ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kani-kaniyang dami
ng tao o populasyon. Ang pag-alam at pag-unawa sa
populasyon ng sariling pamayanan ay mahalaga upang
malaman ang mga hakbang sa pagtugon ng mga suliraning
maaaring dulot nito. Makatutulong din ang kaalaman sa
populasyon upang maipakita ang pagmamalasakit ng mga
taong bumubuo sa pamayanan.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo kung papaano
mo masusuri ang katangian ng populasyon batay sa edad,
kasarian, etnisidad at relihiyon.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa
karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:
Populasyon ng Pamayanan

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. nakapagtutukoy ng populasyon ng iba’t ibang


pamayanan sa sariling lalawigan
2. nakapaghahambing ng mga populasyon ng iba’t ibang
pamayanan sa sariling lalawigan
3. nakapaglalarawan ng populasyon ng mga pamayanan
sa iba’t ibang pamayanan gamit ang bar graph; at
4. nakapagbibigay-halaga sa mga katangian ng
populasyon sa pamayanang kinabibilangan

1
Subukin
Panuto: Suriin ang mga larawan. Anong katangian ng populasyon
ang ipinakikita sa bawat larawan.

1. A. relihiyon
B. kasarian
C. etnisidad
D. edad

2. A. relihiyon
B. kasarian
C. etnisidad
D. edad

3. A. relihiyon
B. kasarian
C. populasyon
D. edad

4. A. relihiyon
B. kasarian
C. etnisidad
D. edad

5. A. relihiyon
B. kasarian
C. etnisidad
D. edad

2
Aralin

1 Populasyon ng Pamayanan

Ang lalawigan ng Oriental Mindoro ay binubuo ng


labinlimang (15) bayan o munisipalidad. Isa dito ay kabisera. Iba’t
iba ang populasyon sa bawat bayan.

Balikan
Pagtambalin ang mapa ng MIMAROPA sa Hanay A sa Hanay B.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B

1. a. Palawan

b. Oriental Mindoro

2. c. Marinduque

d. Occidental Mindoro

3. e. Romblon

4.

5.

3
Mga Tala para sa Guro
Gabayan ang mag-aaral upang makilala nang
mabuti ang larawan ng mga mapa ng isang
lalawigan at matukoy nila ang mga ito sa tulong ng
mapa ng rehiyong MIMAROPA.

Tuklasin

Ano kaya ang populasyon ng lalawigan ng Oriental Mindoro


at ng mga munisipalidad na bumubuo dito?
Bakit kaya kinakailangan nating malaman ang populasyon ng
bawat bayan?

Suriin

Populasyon ang tawag sa bilang ng mga bagay na may


buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng isang lugar ay ang
bilang ng mga tao na nakatira sa lugar na iyon. Masusuri ang
katangian ng populasyon ng isang pamayanan batay sa edad,
kasarian, etnisidad at relihiyon.

4
Ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kani-kaniyang dami
ng tao o populasyon. Ang lalawigan ng Oriental Mindoro ay isa sa
limang lalawigan ng Rehiyong MIMAROPA na kumakatawan
ngayon ng Southwestern Tagalog Region (RA 10879).
Ang kabuoang populasyon ng Oriental Mindoro ayon sa
2015 Census of Housing and Population ay 844, 059.
Ang pag-alam at pag-unawa sa populasyon ng sariling
pamayanan ay mahalaga upang malaman ang mga maaaring
dulot nito. Makatutulong din ang kaalaman sa populasyon upang
maipakita ang pagmamalasakit ng mga taong bumubuo sa
pamayanan sa bawat isa.
Isang magandang pagsusuri sa katangian ng populasyon ng
mga lugar ang paggamit ng bar grap. Ang bar grap ay isa
lamang uri ng grap na nagpapakita ng dami ng mga tao sa iba’t
ibang pamayanan. Maraming impormasyon ang makukuha
tungkol sa populasyon ng mga lugar sa paggamit ng bar grap.

Basahin at unawaing mabuti ang


mga datos sa ibaba na sinaliksik ni
Anna ukol sa populasyon ng
lalawigan ng Oriental Mindoro at
ng mga bayan/munisipalidad na
bumubuo rito.

5
I. Populasyon sa mga Bayan ng Lalawigan ng Oriental Mindoro
(Source: 2015 Census of Population and Housing)

Bayan/Munisipalidad Populasyon
Baco 37,215
Bansud 40,992
Bongabong 72,073
Bulalacao 39,107
Calapan 133,893
Gloria 45,073
Mansalay 54,533
Naujan 102,998
Pinamalayan 86,172
Pola 34,701
Puerto Galera 36,606
Roxas 53,201
San Teodoro 17,904
Socorro 39,099
Victoria 50,492
I. Populasyon ng Lalaki at Babae sa Lalawigan ng Oriental Mindoro
(Source: 2010 Census of Population and Housing)

Edad Lalaki Babae


Wala pang 1 9,501 8,740
1-4 38,237 35,896
5-9 48,795 45,516
10-14 50,131 47,342
15-19 44,910 41,456
20-24 33,808 31,912
25-29 28,556 27,746
30-34 27,217 25,877
35-39 25,101 23,594
40-44 22,588 21,262
45-49 19,444 18,243
50-54 16,005 15,959
55-59 12,471 12,320
60-64 8,728 9,617
65-69 5,597 6,873
70-74 4,058 5,501
75-79 2,336 3,537
80 pataas 1,888 3,613

6
Populasyon ng Walong Pangunahing Etnisidad sa
Sambahayan sa Lalawigan ng Oriental Mindoro
(Source: 2010 Census Population and Housing)
800,000
600,000
Populasyon

400,000
200,000
0

Etnisidad

Populasyon ng Apat na Pangunahing Relihiyon sa


Sambahayan sa Lalawigan ng Oriental Mindoro
(Source: 2010 Census of Population and Housing)
350,000 331,287318,296
300,000
Populasyon

250,000
200,000
150,000
100,000
50,000 14,29414,005 14,49114,155 5,035 5,121
0
Evangelicals Iglesia ni Cristo Roman Seventh Day
Catholic Adventist
Lalaki Babae

7
Pagyamanin

Gawain 1
Suriing mabuti ang mga datos sa 2015 Census of Population
and Housing. Sagutin ang mga tanong ukol dito.

1. Ilang bayan ang pinagkuhanan ng impormasyon/datos


tungkol sa populasyon? Ano - ano ang mga ito?
2. Anong bayan ang may pinakamalaking bilang ng
populasyon?
3. Anong bayan ang may pinakamaliit na bilang ng
populasyon?
4. Bakit kaya iba - iba ang populasyon ng mga
pamayanan?
5. Ano kaya ang epekto ng malaking populasyon?
6. Ano kaya ang epekto ng maliit na populasyon?
7. Ilan ang kabuoang populasyon ng lalawigan?

Gawain 2
Lagyan ng angkop na sagot ang Data Retrieval Chart sa
ibaba matapos na masuri ang populasyon ng lalaki at babae sa
lalawigan.

Edad
Kasarian 1-4 15-19 30-34 45-49 60-64 75
Pataas
Lalaki 38,237 44,910 27,217 19,444 8,728 4,224
Babae 35,896 41,456 25,877 18,243 9,617 7,150

8
Sagutin ang mga tanong:
1. Anong edad ang may pinakamalaki at pinakamaliit na bilang
ng lalaki? Babae?

2. Sa iyong palagay, bakit kakaunti ang bilang ng lalaki at babae


sa edad 80 pataas?

3. Alin ang mas malaking bilang ng populasyon, lalaki o babae?


Bakit?

Gawain 3
Para sa masusing pagsusuri, hanapin sa Hanay B ang
populasyon ng etnisidad na nasa Hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

Hanay A Hanay B
1. Tagalog a. 25,339
2. Binisiya b. 15,332
3. Hanunuo c. 588,786
4. Ilocano d. 84,902
5. Romblomanon e. 7,866
6. Iraya f. 7,553
7. Alangan g. 12,847
8. Buhid h. 8,572

9
Gawain 4

Isulat sa patlang ang tamang sagot upang mabuo ang


pangungusap ukol sa populasyon ng apat na pangunahing
relihiyon sa lalawigan ng Oriental Mindoro ayon sa 2010 Census of
Population and Housing.
1. Roman Catholic ang unang pangunahing relihiyon sa
sambahayan sa lalawigan na may kabuoang populasyon
na _________________.
2. Hindi nagkakalayo ang populasyon ng relihiyong
__________________ at __________________ sa mga
sambahayan sa lalawigan.
3. Ang pang apat sa pangunahing relihiyon ay
_________________.
4. Anu-ano ang apat na pangunahing relihiyon sa
sambahayan sa lalawigan?
5. Ang pangalawa sa mga relihiyon sa lalawigan ay
___________________.

Isaisip

1. Ang _______________ ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na


nanirahan sa isang lugar. Masusuri ang katangian ng populasyon
ng isang pamayanan batay sa 2. _______________,
3. _______________, 4. _______________, at 5. _______________.
Ang lalawigan ng 6. _______________ ay binubuo ng 7.
_______________ bayan/munisipalidad na may kabuoang
populasyon na 8. _______________ ayon sa 2015 9. _______________.

10
Kabilang ang Oriental Mindoro sa rehiyon ng 10.
_______________ na binubuo ng limang 11. _______________ na
kumakatawan ngayon ng 12. _______________ (RA10879).

Isagawa

Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng iyong


magiging permanenteng tirahan sa labinlimang bayan o
munisipalidad ng lalawigan ng Oriental Mindoro, alin sa mga ito
ang pipiliin mo? Bakit ito ang iyong napili? Ipaliwanag ang iyong
sagot sa isang patalatang pamamaraan.

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang


sagot.

1. Ilan ang kabuoang populasyon ng lalawigan ng Oriental


Mindoro?
A. 844,059 C. 844,590
B. 844,509 D. 844,950

2. Ayon sa 2010 Census of Housing and Population ang edad 10-


14 ang may pinakamataas na bilang ng populasyon. Ito ay
may bilang na?
A. 94,311 C. 97,473
B. 94,113 D. 97,743

11
3. Kung susuriin ang mga datos, lalaki ang may pinakamalaki ang
bilang ng populasyon. Ito ay may kabuoang ____________
A. 399,371 C. 399,137
B. 399,731 D. 399,173

4. May 51 relihiyon sa lalawigan ng Oriental Mindoro, isa na rito


ang Roman Catholic na may kabuuang bilang na _________
na siyang pangunahing relihiyon sa lalawigan.
A. 649,385 C. 649,835
B. 649,583 D. 649,853

5. Sa sensus na isinagawa noong 2010 ng Census of Housing and


Population, Tagalog ang nanguna sa etnisidad sa lalawigan.
_______________ ang kabuuang bilang ng populasyon nito.
A. 588,876 C. 588,786
B. 588,687 D. 588,678

Karagdagang Gawain
Ano-ano ang mga batayan sa pagsusuri ng katangian ng
populasyon sa isang pamayan?
Suriing mabuti ang talahanayan ukol sa populasyon ng lahat
ng bayan ng lalawigan ng Oriental Mindoro. Pagsunod - sunurin
ang mga ito mula sa pinakamalaking populasyon hanggang sa
pinakamaliit.

12
13
Pagyamanin
1. 15
2. Calapan City
3. San Teodoro,
4. Lokasyon o kinalalagyan
5. Malaking populasyon-bilis na paglaki ng polusyon
at pagsikip ng lugar
6. Maliit na populasyon-kaunti ang polusyon
7. 844,059
Gawain 2
Gawain 3 Gawain 4
1. C 1. 649,583
2. D 2. Evangelical at Iglesia ni
Cristo
3. A 3. Seventh Day Adventist
4. B 4. Evangelical,Iglesia ni Cristo
5. G Seventh Day Adventist at
Roman Catholic
6. H
7. E 5. Iglesia Ni Cristo
8. F
Susi sa Pagwawasto
14
Subukin Tayahin
1. B 1. A
2. A 2. C
3. C 3. A
4. D 4. B
5. C 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

1. Roderos, Marlou G., Eligio M. Jacob, Rhodora L. Fabrero,


Imelda C. Chongco, Pedro J. Dandal Jr., Jordan D. Solatorio,
Marites L. Arenio, Ma. Magdalena D. Lo, Sylvia M. Muniz,
Falamer E. Abac, Eddie A. Eleazar, Nestor T. Rualo, Lolita M.
Lu, Charity A. Capunitan, Dennis A. Bermoy, Araling
Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Rehiyong
MIMAROPA: Pilipinas, Studio Graphics Corps, 2019, 37-55
2. “2010 Census of Population & Housing,” National Statistics Office,
2010, www.psa.gov.ph/content/population-oriental-mindoro-
increased-100-thousand-results-2010-census-population-
3. “MIMAROPA Regional Development Plan 2011-2016,” MIMAROPA
Regional Office, 2016, www.RegIVB_RDP_2011-2016.pdf
4. “Oriental Mindoro Profile,”
www.philatlas.com.ph/luzon/mimaropa/oriental-mindoro.html
5. “Oriental Mindoro,”
www.rssomimaropa.psa.gov.ph/orientalmindoro
6. “Oriental Mindoro Population,”
www.citypopulation.de/en/philippines/luzon/admin/1752_oriental
_mindoro/
7. “K to 12 Grade 3 Learners Material in Araling Panlipunan ,”
www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-3-learners-material-in-
araling-panlipunan
8. “Mga Tao o Pangkat Etniko Na Matatagpuan sa Rehiyong
Mimaropa,” ReynielclydeEscober,
www.scribd.com/doc/290357052/3-Mga-Tao-o-Pangkat-Etniko-
Na-Matatagpuan-Sa -Rehiyong-MIMAROPA

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like