You are on page 1of 19

ANG PAGSUSURI

SA PANITIKANG PILIPINO sa Panahon ng Kontemporaryo

Nilalaman

I. Panimula
II. Talalambuhay ng Manunulat
 Aniceto F. Silvestre
 Rogelio Sikat
 Genoveva E. Matute
 Amado V. Hernandez
 Lualhati Bautista
 Alejandro G. Abadilla
 Lamberto E. Antonio
 Patrocinio V. Villafuerte
 Robert Ong
 Efren Abueg

III. Mga Akda at Pagsusuri


 Tuluyan
 Ang Ibong Mandaragit
 Bangkang Papel
 Sa Lupa ng Sariling Bayan
 Impeng Negro
 Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
 Luha ng Buwaya
 Sa Bagong Paraiso
 Ang Kwento ni Mabuti
 Batik ng Buwan
 Tata Selo
 Gapo
 Patula
 Patnubay
 Kalayaan
 Manipesto ng Isang Dayo
 Ang Pagbabalik
 Ang Panday
 Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan
 Isang Dipang Langit
 Ako ang Daigdig
 Pamana ng Lahi
 Bagong Taon
 Titik at Pluma
Panimula

Sa panahon ng kontemporaryo, ang mga manunulat na sina Rogelio Sicat,

Rogelio Ordones, Efren Abueg, Virgilio Almario, Ruth Mabanglo, Ave Perez Jacob,

Domingo Landicho, Clemente Bautista, at iba pa ay naglantad ng mga totoong

pangyayari upang mapayani ang realismo. Inilarawan sa kanilang mga akda ang mga

pangit at magandang nangyayari sa lipunan.

Buong tapang nilang inilantad ang mga kabulukan ng pulitika, ang

pamahalaan, ang paghihirap ng mga mamamayang biktima ng karahasan at kahirapan,

ang pagtaas at pagbaba ng krimen, prostitusyon at eksploytasyong ng mga kabataan.

Nagpatuloy pa rin ang Liwayway sa paglalathala ng mga akdang likha ng ating

manunulat, lalo't higit pa iyong mga nagsisimula pa lamang sa larangang ito ng

pagsulat. Maging ang mga komiks magasin ay nagkaroon ng mga pagbabago sa

kanilang porma at nilalaman at umayon sa hinihingi ng mga simulain ng Bagong

Republika. Nagpatuloy ang pagpapayaman sa ating wika lalong higit nang ipalabas ng

Pangulong Aquino ang Executive Order No. 335 noong Setyembre 1988. Ito ay nag-

uutos sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at iba pang sektor sa lipunan na payamanin

ang wikang Filipino sa pamamagitan ng tahasang paggamit nito sa mga liham na

korespondensiya, memorandum, mga pulong at maging sa sesyon ng Senado at

Kongreso. Ito ay ibinatay ng pangulo ayon sa isinasaad ng Bagong Saligang Batas na

niratipika ng mga PIlipino noong 1987. Samantala, ang Carlos Palanca Memorial

Awards ay nagpatuloy sa pagkilala sa mga manunulat ng ating bayan sa pamamagitan

ng patuloy na pagbibigay ng mga gawad taun-taon. Gayundin ang ginagawa ng

Cultural Center of the Philippines at mga iba pang nananatiling patron ng panitikang

Pilipino. Maging sa mga paaralan, mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo ay

nagkaroon ng sigla ang larangan ng panitikan sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga


literary contest. Sa ganitong paraan maraming mga kabataang may potensiyal ang

natutuklasan na susunod sa mga yapak ng ating magigiting at masisining na alagad ng

sining ng panitikan.
Talalambuhay ng Manunulat

Aniceto F. Silvestre

Si Aniceto F. Silvestre ay ipinanganak sa San Mateo, (na sa ngayo'y

Lalawigan ng Rizal) noong Abril 17, 1898.

Bagama't di nagkaroon ng pormal na pag-aaral sa pagsusulat, siya ay

nakapagsulat at nakapag-ambag sa panitikang Pilipino ng magagandang tula, maikling

kuwento, nobela at sanaysay.

Ang kanyang mga tula na natipon sa katipunang Kalikasan ay

pinagpangkat-pangkat sa walo: Malaya, Maalindog, Larawan ng Buhay, Pintig ng Pag-

ibig, Tatag ng Pananalig, Tanda ng Pag-asa, Bukas sa Landas ng Kadakilaan at Dugo sa

Ningning ng Araw.

Ang mga karangalang nakamit ni Aniceto F. Silvestre sa pagsusulat ng

tula ay apat na Unang Gantimpala (bago magkaroon ng digmaan); isang Ikatlong

Gantimpala (panahon ng Komonwelt na pamahalaan); isang Unang Gantimpala (ika-10

taon ng Republika ng Pilipinas); at isang Unang Gantimpala sa Palanca Memorial

Awards for Literature noong 1969.


Rogelio Sikat

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1939-1996) ay isang

Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina

Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa

Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid.

Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula

sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo.

Siya ay tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi ng gantimpalang

Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang

lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog.

Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living

and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo

sa Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga

Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito

Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay

gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata

Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng

pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay

sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat,


pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para

sa pagsasalinwika.

Genoveva Edroza-Matute

Si Genoveva Edroza-Matute ay isang premyado at kilalang manunulat.

Siya ay  nagtapos sa University of Santo Tomas kung saan din siya nagkamit ng Ph. D.

Nagturo siya ng 46 na taon sa mga paaralang bayan at nagretiro bilang dekana ng

pagtuturo sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. 

Sa karera niya bilang manunulat, nakatanggap siya ng maraming

parangal  mula sa Palanca, PNS/PNC, City of Manila, Quezon City, University of Santo

Tomas College of Education at marami pang iba. Natamo niya ang unang Gawad

Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino noong 1951, para sa kwentong Kwento ni

Mabuti. Nagwagi rin ng Gawad Palanca ang kanyang kwentong Paglalayag sa Puso ng

Isang Bata noong 1955, at ang Parusanoong 1961. Nagtamo siya ng Gawad CCP para sa

Sining/Panitikan noong taong 1992.

Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling

Maikling Kuwento" ng Ateneo University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La

Salle University Press at ang "Sa Anino ng Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat

niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.


Noong 2005, ginawaran ng pagkilala ang kanyang mga kontribusyon sa

panitikang Pilipino ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Amado Vera Hernández

Si Amado V. Hernandez ay isang makata at manunulat sa wikang

Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang

pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa

mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.

Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya

ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13

taon bago nagwakas.

Ipinanganak siya sa Sagrada Familia saHagonoy, Bulacan, ngunit lumaki

sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa

Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School).

Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay

batang ama at nag ka anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang

mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para saPanitikan, samantalang si de

la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.


Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista. Ilan sa


kanyang mga akda ayDekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo.

Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre


1945. Nakapagtapos siyang elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong
1958 at sekondarya sa Torres HighSchool noong 1962. Siya ay pumasok sa Lyceum
University of the Philippines sa kursong journalism ngunit nag-drop bago pa man
matapos ang kanyang unang taon.

Bagamat kulang sa pormal na pagsasanay, si Bautista ay naging kilala sa


kanyangmakatotohanan at matapang na paghayag sa mga isyung kinasasangkutan ng
mga babaengFilipino at sa kanyang makabagbag damdamin na pagpapakita sa babae
na may mahirap nasitwasyon sa bahay at sa trabaho. 

Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) pata sa nobelang
Gapo, Dekada 70 atBata, Bata Paano ka Ginawawa?, mga nobelang naglalarawan nang
kaapihan ng mga kababaihannoong panahon ni Marcos.

Dalawa sa maikling kuwento ni Bautista ay nagkamit din ng Palanca


Awards ang "TalongKuwento ng Buhay ni Juan Candelabra"(unang gantimpala, 1982)
at "Buwan, Buwan, Huluganmo Akong Sundang"(ikatlong gantimpala, 1983).

Hindi rin matatawaran ang kanyang husay sa pagiging script writer. Ang
kanyang unangscreenplay ay ang Sakada, 1976 na nagpapakita ng kalagayan ng mga
magtutubo. Ang kanyangikalawang pelikula ay ang "Kung Mahawi Mang ang Ulap"
noong 1984 na nominado sa FilmAcademy. Ginawa rin niya ang Bulaklak ng City Jail
base sa kanyang nobela tungkol sa mgakababaihang nakulong. Nahakot nito halos
lahat ng gantimpala sa Star Awards at Metro ManilaFilm Festival.

Kabilang siya sa University of the Philippines Creative Writing Center


noong 1986, nagsilbing bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines at
pinuno ng Kapisanan ng mgaManunulat ng Nobelang Popular.

Siya lang ang natatanging Filipino na kasama sa libro ng International


Women Writers nanilimbag sa Japan.
Alejandro G. Abadilla

Sumilang si AGA sa Salinas, Rosario, Cavite noong 10 Marso 1906.

Kahuhuli pa lamang noon kina Heneral Macario Sakay at Col. Lucio de Vega, na siyang

nagpatuloy sa rebolusyon laban sa hukbong Amerikano pagkaraang sumuko si

Aguinaldo. Patuloy pa rin ang gerilyang pakikidigma ng mga kawal ng Republika

tulad ni Felipe Salvador (nahuli at pinarusahan noong 1910), nina Papa Isio sa Negros,

at mga pulajanes sa Cebu (Constantino 1975). Pagkatapos ng haiskul sa Cavite City,

nagtrabaho si AGA sa isang imprenta sa Seattle, Washington, USA. Pinamatnugutan

niya ang seksiyong Filipino sa magasing Philippine Digest. Naging editor din siya ng

Philippine-American Review at nagtayo ng Kapisanang Balagtas upang itaguyod ang

wikang Tagalog sa mga kababayan roon. Bumalik si AGA sa Pilipinas, natapos ang BA

sa pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas, at naging konsehal sa Salinas, Cavite,

hanggang 1934, bago nabuo ang Philippine Commonwealth. Bukod sa nagsilbing

ahente ng Philippine-American Life Insurance, si AGA ay kumita ng kabuhayan bilang

katulong sa pangasiwaan sa iba’t ibang pahayagan at magasin. Nakalikom siya ng

maraming antolohiya ng tula, kuwento, sanaysay, atbp., na siyang ipinagtawid sa

buhay at kalusugan ng asawa’t walong anak.

Nabanggit din sa mga tala na naging gerilya si AGA noong panahon ng

pananakop ng Hapon, at nakaranas siya ng pagmamalupit ng Hapon, kaya siya

nabingi. Di kaipala’y bayani rin ang makata sa panahon ng karahasan, kung saan ang

mamamayang tumututol sa poder ng status quo ay kabilang sa kolektibong lakas ng

bansa, bagay na dapat mapaglirip upang hindi manatili ang maling pasiya na ang
indibidwalismo ng makata ay walang kaugnayan sa kalagayang panlipunan.

Sinapantahang iyon ay pansariling udyok o hilig na hindi maipapaliwanag sa paraan

ng agham-panlipunan o agham-pampulitika. Kung hindi, paano maiintidihan ang

programang “sining-para-sa sining” nina Oscar Wilde, Walter Pater at Theophile

Gautier kung hindi ipapasok ang argumento na iyon ay reaksiyon nila sa

utilitaryanismo at moralistikong puritan na laganap sa kapaligiran? Kailangan ang

konteksto, lumulukob na balangkas, at pagkakaugnay-ugnay ng bawat sangkap at

bahagi sa totalidad/larang (“field,” ayon kay Bourdieu [1993]) ng diskursong

tinatalakay upang magkaunawaan at magkapagpalagayan.

Lamberto E. Antonio

Si Lamberto Antonio ay ipinanganak sa Cabiao, Nueva Ecija noong ika-9

ng Nobyembre, taong 1946. Ang manunulat na ito ay ang panganay na anak nina Felipe

Antonio at Salud Esmeralda. Si Lamberto ay mas kilala sa palayaw na “LABING” na

itinatawag sakanya ng kanyang mga walong kapatid.

Siya ay isang makata, manunulat ng panitikan at scriptwriter ng pelikula.

Nagtapos siya ng BA Political Science sa University of the East noong 1969 . Siya ang

naging editor-in-chief ng Dawn, ang opisyal na pahayagan ng UE at pangulo ng

KADIPAN. Editor siya ng Aklat Adarna proyekto ng Children's Communication Center.

Karamihan ng tula ni Antonio ay tungkol sa mga mahihirap at mga

naaaping magsasaka na kanyang nakilala noong kabataan niya. Lagi niyang tinatalakay

ang mga isyung panlipunan sa kanyang mga gawain. Ang kanyang mga tula ay

pinagsama-sama sa Dalawampung Tula, 1971: Hagkis ng Talahib, 1980 at Pagsalubong


sa Habagat, 1986. Ilan din sa kanyang mga tula ay isinama sa mga antolohiyang tulad

ng Manlilikha, Talaang Ginto sa tula, Parnasong Tagalog at New Poems sa Pilipino. Ang

kanyang mga sanysay at maikling kuwento ay pinagsam-sama sa Rebanse, taong 1991.

Kasama siya sa sumulat ng Insiang, noong 1970. Ito ang unang pelikulang Pilipino na

inimbitahan sa Cannes Film Festival. Siya din ang manunulat na nanalo sa Palanca

Awards ng sampung beses.


Patrocinio V. Villafuerte

Nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Edukasyong Pang-elementarya at

may sertipikong gradwado, Masterado sa Sining ng Pagtuturo sa Philippine Normal

College si Villafuerte. Siya rin ay may titulong Masterado sa Sining sa Filipino, Gawad

Merito, na kaniyang natamo mula sa Manuel Luis Quezon University. Si Villafuerte ay

guro ng Filipino sa lahat ng antas—elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Siya rin ay

manunulat na may 145 aklat, na ang karamihan ay teksbuk at sangguniang aklat, sa

Filipino. Isang manunulat, makata, komposer, aktor,lider, guro.

Kasalukuyan Associate Professor III sa Phil. Normal University. Naging

pangulo ng Pambansang Kapisanan ng Propesor sa Filipino, Pambansang Samahan ng

mga Edukador sa Pilipinas.Naging Board of Director ng BUKLOD ng mga manunulat

sa Pilipinas at ingat Yaman ng Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino.

Pangunahing aktor sa dulang Pamana ng Lahi, Pamanhikan, Kintin,

Aidao, May isang Almat at sa ngalan ng amA. Kompositor ng Himno ng San mATeo at

Sustagen Jingle.

Apat na ulit nang Nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards for

Literature at apat na beses din naging hurado sa pagsulat ng maikling kwento, at

pitong ulit ginwaran ng Gawad Surian.

Nakapgsulat ng 136 na aklat sa lahat ng antas bilang awtor at ko-awtor,


mahigit na 150 tula, sanaysay at maikling kwento na naipalathala sa mga
aklat,pahayagan at magasin. sumulat din siya ng dulng "Sa Mahal kong bayan" na
naitanghal sa iba't ibang rehiiyon ng Pilipinas at sa U.S.A.
Robert Ong

Bob Ong o Roberto Ong, ay ang sagisag panulat ng isang contemporaryong

Pilipinong manunulat na kilala sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng

nakakatawa at sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino.

Mula sa isang kritiko :

" Biling-bili ng mga Pinoy ang mga akda ni Bob Ong dahil may halo mang pagpapatawa

ang karamihan sa kanyang mga libro, ito ay prinisinta sa paraang nagrereplika pa rin ng

kultura at gawing Pilipino. Ito marahil ang dahilan kung kaya't ang kanyang mga naunang

inilathalang libro - pati ang mga susunod pa, ay matuturing na ring totoong Pinoy classics."

Ang anim na aklat na kanyang inilathala ay may mahigit sa isa-ika-apat na

milyong kopya sa kasalukuyan.

Madalas akalain na si Bob Ong at ang Filipino-Chinese na manunulat na si

Charlson Ong ay iisa. Subalit, ayon sa nabanggit ni Bob Ong sa kanyang aklat na

Stainless Longganisa, siya ay hindi talaga Filipino-Chinese. At hindi rin nya totoong

apelyido ang "Ong." Ang apelyidong "Ong" ay nangmula lamang sa pangalan ng

kanyang website na BobOng Pinoy. Inakala din noon na ang manunulat na si Paolo

Manalo ay si Bob Ong, ngunit itinanggi niya ito. Ang mga aklat ni Bob Ong ay

kadalasang nakakatawa kaya ang mga ito ay nakakaaliw at paboritong libangan ng

mga mambabasa.

Isa pang haka-haka ang nagsasabi na ang tagatanggap ng parangal na Carlos

Palanca Memorial para sa Panitikan na si Eros S. Atalia, nagtapos sa Philippine Normal

University at ngayon ay nagtuturo sa University of Santo Tomas, ay si Bob Ong. Siya ay

naglathala din ng dalawang aklat na may pamagat na "Peksman, Mamatay ka Man


Nagsisinungaling Ako" at "Lapit na me, Ligo na u". Ang paraan ng pagsusulat ni Atalia

ay maihahantulad sa paraan ng pagsusulat ni Bob Ong.


Efren Abueg

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,

mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat

ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang

editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng

KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT:

Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G.

Abadilla (1973).

Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial

Awards for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN,

unang gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free

Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga

Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).

Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at

ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa

elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang

kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor.

Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa

pagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University(1965–1972), Philippine

College of Commerce(1971–1972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–

1977), Ateneo de Manila University (1977–1978), at De La Salle University (1979–2006).

Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986–
1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore

Society.

You might also like