You are on page 1of 8

Para sa Tanging Gamit ng Sangay Lungsod Zamboanga

HINDI IPINAGBIBILI0

4
FILIPINO Kuwarter 1
Linggo 8 (MELC 17.0)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Ini

MARIA-LUZ F. ASTACA-AN
MICHEL T. FALCASANTOS
Talaga and Licomo Elementary school
1

ASIGNATURA ___________
FILIPINO KUWARTER 1 LINGGO 8 ARAW
1 ___________________________
AT BAITANG Petsa

CODE F4PT-Ig-1.4
Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa:
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO -kasingkahulugan
- kasalungat
TANDAAN: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa inilaang
SAGUTANG PAPEL para sa mga Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa kasingkahulugan at kasalungat.

Paksa: Pagbibigay ng kahulugan ng salita ayon sa: Kasingkahulugan at Kasalungat ng


Salita
(Lunsaran)

Ano ang kaibahan ng salitang kasingkahulugan sa kasalungat?

 Magkasingkahulugan ay mga salitang magkatulad ang kahulugan


o pareho ang ibig sabihin.

Halimbawa: maganda- marikit


tahimik- payapa

 Magkasalungat ay literal na magkaiba ng kahulugan o ang


mismong kabaliktaran nito.

Halimbawa: maayos- magulo


ngumiti- sumimangot

Basahin ang isang tula. Pansinin ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat
na ginamit.

Ang Salamin
Doon po sa amin, bayan ng Tiwi,
May magandang batang pangalan ay Beni.
Maayos, malinis, pusturyosa lagi;
Sunod sa layaw, nag-iisa kasi.

Maagang nabalo, butihing ina,


Kaya sunod lahat magustuhan niya
Magandang manahi itong nanay niya
Di kataka- takang bata’y pusturyosa

MARIA-LUZ F. ASTACA-AN
MICHEL T. FALCASANTOS
Talaga and Licomo Elementary school
2

Dahil nag-iisa, si Beni’y maramot


Lagi nang malungkot at nakasimangot.
Sa inang pangaral kung sumagot-sagot
Sira ang sapatos sa lakas ng dabog.

Hindi nakatiis, inang mapagmahal,


Tinawag ang anak at pinangaralan.
Ginawa ito sa magandang paraan
Upang itong anak ay hindi masaktan.

“Anak, regalo ko sa iyong kaarawan


Ay masayang piging dito sa ‘ting bahay.
Anyayahan baga mga kapitbahay,
Pagkat sa gipitan sila ang dadamay.”

Ang magandang kahon inabot sa anak


At nang ito’y buksan, salami’y tumambad.
Agad nanalamin, ngumiti, kumurap;
Natuwa si Beni, ina ay niyakap.

“Anak,” anang ina, “salami’y hawakan.


Sumimangot baga’t sisimangot naman,
Ngumiti kang lagi, ika’y ngingitian.
Ang buhay ay ganyan, salami’y kabagay.

Ang batang mabait, pinagbabaitan;


Maging masaya ka’t ika’y lalapitan.”
Ngumiti si Beni sa kaniyang natutuhan,
Sa buhay na ito, salami’y kakambal.

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Kung ikaw si Beni, gagayahin mo rin ba ng di magandang


ugali niya? Bakit?
Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Ano-ano ang mga salitang magkasingkahulugan at
makasalungat na napansin mo sa tula?

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

A. Panuto: Basahin ang mga salita sa Hanay A. Hanapin ang kasingkahulugan ng mga
salitang ito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
____1. pangaral a. naulila
____2. malinis b. maayos
____3. nabalo c. sermon
____4. anyaya d. maligaya
____5. masaya e. imbita
f. mataas

MARIA-LUZ F. ASTACA-AN
MICHEL T. FALCASANTOS
Talaga and Licomo Elementary school
3

B. Panuto: Ibigay ang kasalungat ng bawat salita. Hanapin ito sa loob ng kahon at isulat sa
patlang.
payat bata nakangiti
mababa masaya matapang

1. nakasimangot- ____________
2. malungkot- ______________
3. mataas- _________________
4. matanda- ________________
5. mataba- _________________

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

 May mga salita na kapag iniuugnay sa isa pang salita ay madaling maintindihan.
Kapag magkapareho ang kahulugan nito, tinatawag itong magkasingkahulugan.
Ang katumbas nito sa Ingles ay Synonyms.
Halimbawa:
malapad- malawak katiting- kaunti

 Sinasabing magkasalungat ang dalawang salita kapag ang kahulugan ng mga ito ay
kabaliktaran o taliwas sa isa’t isa. Ang katumbas nito sa Ingles ay Antonyms.
Halimbawa:
tahimik- maingay tama- mali

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan!
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. itiman ang bilog ng wastong sagot. Gawin ito sa
sagutang papel.

1. Maaliwalas ang bahay nina Mang Nestor. Ano ang ibig sabihin ng salitang
nakasalungguhit?
A. madilim B. maliwanag C. magulo D. mapayapa

2. Ang kanyang ngiti ay kasingtamis ng kendi. Ano ang kasalungat ng salitang


nakasalungguhit?
A. kasingganda B. kasingnipis C. kasingpait D. kasinglungkot

3. Malaki ang kanyang ambag sa lipunan. Ibigay ang kasalungat ng salitang


nakasalungguhit.
A. maliit B. mataas C. malawak D. matayog

4. Naging luntian ang mga damo sa hardin ni Nene. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
luntian?
A. tsokolate B. berde C. asul D. pula

5. Nagiba ang kanilang bahay dahil sa hagupit ng bagyo. Ano ang ibig sabihin ng salitang
nakasalungguhit?
A. nasira B. naayos C. nakumpleto D. napunit

MARIA-LUZ F. ASTACA-AN
MICHEL T. FALCASANTOS
Talaga and Licomo Elementary school
4

B. Panuto: Iguhit sa patlang ang bituin kung ang pares na salita ay magkasingkahulugan
at hugis puso naman kung ito ay magkasalungat.

_____1. Makapal, manipis


_____2. Mayaman, maykaya
_____3. Pikit, mulat
_____4. Makipot, makitid
_____5. Hinog, hilaw

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang
papel para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLET.

Lydia P. Lalunio, Ph.D at Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika 4, Quezon City


Sanggunian
LG&M Corporation, 2010, 110-112

DISCLAIMER
This learning resource contains copyright materials. The use of which has not been
specifically authorized by the owner. We are making this learning resources in our efforts to
provide printed and e-copy learning resources available for the learners in reference to the
learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

Inihanda ni:

MARIA-LUZ F. ASTACA-AN
MICHEL T. FALCASANTOS
Talaga and Licomo Elementary school

MARIA-LUZ F. ASTACA-AN
MICHEL T. FALCASANTOS
Talaga and Licomo Elementary school
5

PANGALAN NG
BAITANG
MAG-AARAL
____________
UNANG ____________________________________
ASIGNATURA FILIPINO MARKAHAN
LINGGO 8 ARAW _
Petsa

PAKSA Pagbibigay ng Kasingkahulugan at Kasalungat ng Salita

KASANAYANG Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa:


PAMPAGKATUTO -kasingkahulugan
- kasalungat

ARALIN NATIN
Paksa: Pagbibigay ng Kasingkahulugan at Kasalungat ng Salita

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Kung ikaw si Beni, gagayahin mo rin ba ng di magandang


ugali niya? Bakit?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Ano-ano ang mga salitang magkasingkahulugan at


makasalungat na napansin mo sa tula?

_______________________________________________________________

Sanayin Natin!

A. Panuto: Basahin ang mga salita sa Hanay A. Hanapin ang kasingkahulugan ng mga
salitang ito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
____1. pangaral a. naulila
____2. malinis b. maayos
____3. nabalo c. sermon
____4. anyaya d. maligaya
____5. masaya e. imbita
f. mataas

MARIA-LUZ F. ASTACA-AN
MICHEL T. FALCASANTOS
Talaga and Licomo Elementary school
6

B. Panuto: Ibigay ang kasalungat ng bawat salita. Hanapin ito sa loob ng kahon at isulat sa
patlang.
payat bata nakangiti
mababa masaya matapang

1. nakasimangot- ____________
2. malungkot- _______________
3. mataas- _________________
4. matanda- ________________
5. mataba- _________________

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan!

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Itiman ang bilog ng iyong napiling sagot.
Itiman ang bilog ng iyong napiling sagot.

1.

2.

3.

4.

5.

B. Panuto: Iguhit sa patlang ang bituin kung ang pares na salita ay


magkasingkahulugan at hugis puso naman kung ito ay magkasalungat.

_____1. Makapal, manipis


_____2. Mayaman, maykaya
_____3. Pikit, mulat
_____4. Makipot, makitid
_____5. Hinog, hilaw

MARIA-LUZ F. ASTACA-AN
MICHEL T. FALCASANTOS
Talaga and Licomo Elementary school
7

Susi sa Pagwawasto

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Kung ikaw si Beni, gagayahin mo ba ng di magandang ugali


niya? Bakit?

Posibleng Sagot: Hindi po, dahil hindi maganda ang palaging malungkot at
nakasimangot. Hindi rin maganda ang nagdadabog sa mga
magulang o nakakatanda.

Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Ano-ano ang mga salitang magkasingkahulugan at makasalungat


na napansin mo sa tula?

Posibleng Sagot: Magkasingkahulugan: masaya- maligaya, malinis- maayos


Magkasalungat: masaya- malungkot, ngumiti-sumimangot

SANAYIN NATIN!
A.
1. C
2. B.
3. A.
4. E.
5. D.

B.
1. nakangiti
2. masaya
3. mababa
4. bata
5. payat

SUBUKIN NATIN!

A. B

1. B. 1.

2. C. 2.

3. A. 3.

4. B. 4.

5. A. 5.

MARIA-LUZ F. ASTACA-AN
MICHEL T. FALCASANTOS
Talaga and Licomo Elementary school

You might also like