You are on page 1of 24

Filipino sa Piling Larang

(Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Anunsyo, Paunawa at Babala
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA SENIOR HS

Awtor : Laureen B. Aguilar


Ko-Awtor - Editor : Rosie L. Basilio
Ko-Awtor - Tagasuri : Rosie L. Basilio
Ko-Awtor - Tagaguhit : Laureen B. Aguilar
Ko-Awtor - Tagalapat : Laureen B. Aguilar

Team Leaders:
School Head : Soledad V. Llarina
LRMDS Coordinator : Jerome C. Matic

MGA TAGAPAMAHALA:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Jerome C. Matic

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
(Teknikal-Bokasyunal)

Ikalawang Markahan – Modyul 4:


Anunsyo, Paunawa at Babala
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Teknikal-


Bokasyunal) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Anunsyo,
Paunawa at Babala.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal) ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Anunsyo, Paunawa at Babala!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang maglahad ng kaalaman


hinggil sa Anunsiyo, Paunawa at Babala bilang isang anyo ng Teknikal-Bokasyunal
na sulatin na maaari mong magamit kaugnay ng iyong piniling larangan. Ito ay higit
na magpapalalim ng iyong pag-unawa at pagkilala sa sulating teknikal-bokasyunal.

Ang karunungan dulot ng modyul na ito ay higit na magiging kapaki-


pakinabang sa iyo sa mga susunod pang panahon. Maaaring ito ay sa kolehiyo,
trabaho o sa negosyo man.

Inaasahang magiging makabuluhan at katanggap-tanggap para sa mga mag-


aaral ang mga gawain na magdadala sa ganap na pagkatuto.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na


paggamit ng wika CS_FTV11/12WG-0m-o-95
a. natutukoy ang halimbawa ng anunsyo, paunawa at babala;
b. nakasusulat ng halimbawa ng anunsiyo, paunawa at babala; at
c. nabibigyang-halaga ang maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika sa
pagbuo ng anunsyo, paunawa at babala.

1
Subukin

Panuto: I. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. Isulat ang sagot
sa isang buong papel.

1. Mas nagiging epektibo ang patalastas na marami ang impormasyong


nakasulat.
2. Mas maganda ang patalastas na marami ang kulay na ginamit upang
madaling mapansin ng mga tao.
3. Ginagamitan ng imahe, simbolo at kaunting salita ang mga patalastas upang
mas madaling maunawaan.
4. Sa tatlong uri ng patalastas, sa babala lamang mahalaga na maging angkop
at wasto ang mga simbolo at imahe na gagamitin.
5. Dapat na maging maikli, direkta at wasto ang pagbibigay ng impormasyon.
6. Mas magandang talata ang nilalaman ng isang patalastas tulad ng babala
upang mas malaman ng tao ang buong impormasyon hinggil dito.
7. Ang tinutukoy sa katangiang “malinis ang pagkakagawa” na dapat taglayin
ng patalastas ay walang dumi at makinis.
8. Iniiwasan ang pagkakamaling gramatika sa pagpapahayag ng impormasyon
sa pagbuo ng patalastas upang hindi malihis ang layunin nito.
9. Sa pagpili ng angkop na materyales na gagamitin sa paggawa ng patalastas
ay kailangang isaalang-alang ang lugar na paglalagyan nito.
10. Nakadepende din sa layunin ng patalastas ang lugar na paglalagyan nito.
11. Mahalagang isaalang-alang ang mga katangiang dapat taglayin ng patalastas
upang hindi magdulot ng aksidente o pagkalito.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagbuo ng patalastas. Titik


lamang ang isulat sa sagutang papel. (12-15)

a. Alamin ang lugar na paglalagyan


b. Planuhing mabuti
c. Gawin ng buong husay
d. Alamin ang layunin

2
Aralin

4 Anunsyo, Paunawa at Babala

Malaki ang tungkuling ginagampanan ng Anunsyo, Paunawa at Babala sa


buhay ng tao. Sa pamamagitan ng mga ito ay nagkakaroon ng patnubay ang mga
tao sa pang-araw-araw na buhay.

Ginagawa ang Anunsyo, Paunawa at Babala upang magbigay ng


impormasyon, gumabay at magpaalala.

Mahalagang lubos na matutuhan ang mga bagay kaugnay ng Anunsyo,


Paunawa at Babala na magagamit sa hinaharap batay sa landas na tatahakin.
Maaaring sa kolehiyo, trabaho, negosyo at maging sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Balikan

Panuto: Punan ang talahayanan ibigay ang kahulugan ng Anunsiyo, Paunawa at


Babala. Isulat ito sa sagutang papel.

KAHULUGAN

ANUNSYO PAUNAWA BABALA

3
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay magbibigay ng sapat na kaalaman sa mga
mag-aaral na gagabay sa pagbuo ng Anunsyo, Paunawa at Babala.

Tuklasin

Halina’t subukin ang sumusunod na gawain.


Panuto: Suriin ang mga halimbawa ng Patalastas. Gamiting gabay ang sumusunod
na tanong. At isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang nilalaman ng mga sumusunod na patalastas?


2. Ilarawan ang mga ito sa pamamagitan ng sumusunod:
a. Imahe o larawan
b. Gamit na salita
3. Sa iyong palagay, magiging epektibo ba ang mga ito ayon sa kanilang
layunin

I.

4
1. _____________________________________________________________________
2. a.___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
b.___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

II.

1. _____________________________________________________________________
2. a.___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
b.___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pamantayan 5 3 2 Iskor

Nilalaman Malinaw, Makabuluhan Kailangang


ng Pahayag wasto at ang pahayag baguhin at
makabuluhan ngunit may linawin
ang pahayag bahaging ang
kailangang pahayag
linawin

5
Suriin

Ano ang katangian ng mga Patalastas: Anunsyo, Paunawa at Babala upang


masabing ito ay mahusay at epektibo?

Halina’t ating aralin.

Mga Katangiang Dapat Taglayin

1. Nakapupukaw ng Pansin – kailangang makaagaw agad ng pansin ang


imahe at mga salitang gagamitin. Isinasaalang-alang din ang wastong
kulay at laki ng kabuuan nito.

Umaagaw ng pansin ngunit hindi masakit sa mata.


Kailangan ring maging….

1. Simple at Mabilis Maintindihan – ginagamitan ng mga salitang madaling


basahin at unawain. Isinasaalang-alang din ang kulay at laki ng mga
salita na ginagamit.

Upang magawa ito, kailangang….

3. Direkta ang Pagbibigay ng Impormasyon – walang paligoy-ligoy ang salita,


ang saktong impormasyon lamang ang ibinibigay.

Ganoon pa man, huwag aalisin sa isipan na dapat ay…

4. Maingat, Wasto, at Angkop ang mga Salita – isang maling salita lamang ay
maaaring maiba, mamali at malihis ang tunay na pakay at gustong
sabihin ng mga ito.

Upang mas maging simple at mabilis maintindihan….

5. Ginagamitan ng infographics – ginagamitan ng imahe at simbolo kaugnay


ng direktang impormasyon.

Kung inyong matatandaan sa unang aralin, nabanggit ang infographics. Ito ay


ang pinagsamang imahe o simbolo at text o mga salita. Ginagamit upang mapadali
ang paghahatid ng impormasyon.

Kinakailangan ding maging…

6
6. Malinis ang pagkakagawa – walang ibang nakalagay aagaw ng pansin na
hindi importante sa impormasyong nais ipabatid.

Bukod sa mga ito, mahalaga ring nakapwesto sa tamang lugar at mabilis


makita.

Ano-ano ang mga hakbang na dapat sundin sa pagbuo ng Patalastas:


Anunsyo, Paunawa at Babala?

Mga Hakbang sa Paggawa Patalastas

1. Alamin ang Layunin- isiping mabuti ang layunin o nais na mangyari sa


paggawa ng mga ito.

Mahalagang alamin ang layunin upang makagawa ng angkop, sapat at


wastong anunsyo, paunawa at babala.

2. Alamin ang Lugar na Paglalagyan- humanap ng tamang lugar na


paglalagyan nito.

Kailangang malaman ang lugar na paglalagyan upang maging angkop


ang gagawing anunsyo, paunawa at babala.

Isaalang-alang din ang layunin ng ginagawang patalastas.

Halimbawa: Ang “Huwag tumawid dito, Nakamamatay.” mahalagang ilagay ito


sa lugar na tanaw na tanaw agad ng mga taong nag-iisip na tumawid dito.

3. Planuhing Mabuti- isiping mabuti ang angkop na materyales na


gagamitin, pag-isipang mabuti ang mga salitang ilalagay maging ang
angkop na imahe o simbolong gagamitin.

Kailangang planuhin mabuti ang kalalabasan ng anunsyo, paunawa at


babala upang maging sapat at maging epektibo ang mga ito sa mga taong
makababasa o makakikita.

4. Gawin nang buong husay- gawin ang mga ito nang isinasaalang alang ang
mga nararapat na katangian ng mga ito.

Upang maging epektibo, isaalang-alang ang mga katangiang dapat taglayin


ng isang patalastatas.

7
Pagyamanin

Panuto: Punan ng wastong impormasyon ang graphic organizer kaugnay ng aralin.


At bumuo ng interpretasyon kaugnay ng nabuong graphic organizer. Gawin ito sa
sagutang papel.

Katangian
Katangian

Katangian
Katangian

Katangian

PATALASTAS

Ikaapat na
Hakbang

Ikatlong
Hakbang

Ikalawang
Hakbang

Unang
Hakbang

8
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Pamantayan 10 7 5 Iskor

Nilalaman Malinaw, Makabuluhan Kailangang


ng Pahayag wasto at ang pahayag baguhin at
makabuluhan ngunit may linawin
ang pahayag bahaging ang
kailangang pahayag
linawin

Isaisip

Panuto: Dugtungan ang parirala at bumuo ng isang makabuluhang pahayag. Isulat


ang buong pahayag sa sagutang papel.

Ang mga salitang gagamitin sa pagbuo ng anunsyo, paunawa at babala

ay mahalagang pagtuunan ng pansin. Nararapat na ito ay _________________,

_____________________ at ___________________ dahil ________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

9
Isagawa

Panuto: Suriin ang katangian ng mga halimbawa ng Anunsyo, Paunawa at Babala.

1. Tukuyin sa sumusunod ang Anunsyo, Paunawa at Babala.


2. Ano ang ipinahahatid ng Anunsyo, Paunawa at Babala na ito?
3. Sa iyong palagay, epektibo ba ito bilang isang Anunsyo, Babala o Paunawa?
Ipaliwanag. (Isa-isahin)
4. Kung ikaw ang maggagawa ng mga ito na may parehong layunin, Ano ang
posibleng nilalaman at itsura ng mga ito? Ilarawan.

I.

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

10
II.

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

11
III.

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pamantayan 5 3 2 Iskor

Nilalaman Malinaw , Makabuluhan Kailangang


ng Pahayag wasto at ang pahayag baguhin at
makabuluhan ngunit may linawin
ang pahayag bahaging ang
kailangang pahayag
linawin

12
Tayahin

Panuto: Bumuo ng Anunsyo, Paunawa at Babala batay sa ibinigay na sitwasyon.


Gawin sa isang malinis na bondpaper.

SITWASYON: Ikaw ang Kapitan sa inyong baryo. Ano ang mga posibleng
anunsyo, Paunawa at Babala na gagawin mo na naaangkop sa panahon ng
pandemya?

13
Pamantayan sa Pagmamarka

PAMANTAYAN NASAGAWA NANGANGAILANGAN


NG MAAYOS PA NG PAGSASANAY
1. Wasto, maingat at
angkop ang gamit ng 10 6
mga salita. At walang
kamaliang
gramatika.
2. Maayos at maganda
ang presentasyon. 5 3
3. Ginamitan ng mga 5 3
naaangkop na larawan
4. Madaling unawain 5 3
Kabuuan 25

Karagdagang Gawain

Panuto: Suriin ang halimbawa ng Babala. Sa hanay ng Nakatutugon, Lagyan ng


tsek ( /) sa katapat ng bilang na nagpapakita ng katangian ng halimbawang
babala. At isulat ang paliwanag sa hanay ng Patunay

Katangian Nakatutugon Patunay


1. Nakapupukaw ng Pansin
2. Simple at Madaling
Intindihin
3. Direkta ang Impormasyon
4. Ginamitang ng Infographics
5. Maingat, Wasto at Angkop
ang mga Salitang Ginamit
6. Malinis ang Pagkakagawa

14
15
16
Isagawa:
1. Ang lahat ay
Karagdagang Tayahin: halimbawa
Gawain: ng anunsyo. Isaisip:
Depende sa 2. Ang lahat ay
Depende sa Pamantayan nag-iimbita
Pamantayan sa sa na dumalo at 1. Depende sasagot ng
Pagmamarka Pagmamarka makiisa. mag-aaral
3-4. Depende sa
sagot ng mag-
aaral
Tuklasin: Balikan: Subukin:
Depende sa sagot Depende sa sagot ng 1. M
ng mag-aaral mag-aaral. 2. M
Pagyamanin:
3. T
1. Mag-ingat sa 4. M
Depende sa sagot
aso;
ng mag-aaraal 5. T
Pangangalaga
6. M
sa gamit
2 – 3. Depende sa 7. M
sagot ng mag-aaral 8. T
9. T
10. T
11. T
12. D
13. A
14. C
15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Santos, C. et.al. 2016. Filipino sa Piling Larang – Tech-Voc Kagamitan ng Mag-aaral.


Unang Limbag. Pasig City.Kagawaran ng Edukasyon

Santos Santos, C. and Perez, A. 2016. Filipino sa Piling Larang – Tech-Voc Kagamitan
ng Mag-aaral. Unang Limbag. Pasig City.Kagawaran ng Edukasyon

Slideshare.2019.Paunawa, Babala at Anunsyo. [online] mula sa:


<https://www.slideshare.net/AnaJaneMorales2/paunawa-babala-at-
paalala>[binuksan noong 15 October 2020]

Scribe.2019. Paunawa.Babala.Anunsyo. [online] mula sa


<https://www.scribd.com/presentation/396951424/PAUNAWA-BABALA-
ANUNSYOf> [binuksan noong 15 October 2020]

Wikimedia.2019. File:Warning, Slippery Surface. Cleaning in Progress. Babala,


Nakakadulas. May Naglilinis.svg. [online] mula sa <
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Warning,_Slippery_Surface._Cleaning_in
_Progress._Babala,_Nakakadulas._May_Naglilinis.svg> [binuksan noong 15 October
2020]

Wikimedia.2019.File:Beware of Dogs - Mag-Ingat sa Aso.svg. [online] mula sa


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Beware_of_Dogs_-_Mag-
Ingat_sa_Aso.svg [binuksan noong 15 October 2020]

Wikimedia.2017.File:09876jfDr. Sixto Antonio Avenue Sandoval Bridge Ugong


Maybunga Pasig Cityfvf 01.jpg[online] mula sa
<https://commons.wikimedia.org/wiki/File:09876jfDr._Sixto_Antonio_Avenue_San
doval_Bridge_Ugong_Maybunga_Pasig_Cityfvf_01.jpg> [binuksan noong 15 October
2020]

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like