You are on page 1of 5

WARNING: DON'T READ THIS STORY IF YOU CAN'T HANDLE DEPRESSION OR SENSITIVE TOPICS OR

MATURE CONTENT.

DESIRING HER

Every part of her body, aches. Parang hinahati ang ulo niya sa sakit at hindi niya maigalaw ang katawan.
And when she open her eyes, white walls greeted her sight, the smell of antiseptic seeped her nose and
a continuous beeping filled her ears.

Then a man with square tightened jaw block her vision of the room. He stood beside her bed, forehead
furrowed, lips tightening and his eyes sharp like an animal ready to attack his prey.

"Finally," he spoke with coldness in his voice that made her shiver, frightening her. "My infamous wife is
awake."
PROLOGUE

MALAKAS NA napaigtad habang impit na umiiyak ang batang babaeng nakaluhod sa sahig habang
pinapalo ng sinturon ng kaniyang ama. Pilit nitong pinipigilan ang hikbi na gustong kumawala sa bibig
nito pero hindi nito magawa 'yon.

Ang walang imik nitong pag-iyak ay nauwi sa mahinang hikbi at pagkalipas ng ilang segundo, pumalahaw
na sa iyak ang bata ng hindi na sinturon ang pinalo sa kaniya kundi mahabang pampalo na gawa sa
kawayan.

Bawat hampas ng kawayan sa katawan ng bata ay nagbibigay ng hindi matatawarang sakit. Bawat
hampas ay palakas ng palakas hanggang sa nag-umpisang manglabo ang mata ng bata.

"Hindi ba sinabi ko na sayo!" Malakas na pumalo sa hita ng bata ang kawayan. "Huwag na huwag kang
lalabas ng bahay! Ilang beses ko bang dapat sabihin 'yon sayo para makinig ka?!"

Nakakuyom ang kamao ng batang umiiyak habang hilam ng luha ang mukha na umiiling. "H-Hindi p-po
ako l-lumabas, D-Daddy." Humihikbing sagot niya. "H-Hindi ko po k-kayo s-sinuway—"

Isang malakas na hampas ng kawayan sa mga binti ng bata ang nagpatigil dito sa pagsasalita.
"Sinungaling! How many times to I have to tell you not to lie to me, huh?!"

"B-but D-Daddy—"

"Shut up! Shut up!"

Mariin nalang na ipinikit ng bata ang mga mata na hilam ng luha at sakit habang humahampas sa
musmos nitong katawan ang kawayan.

Sa hita. Sa paa. Sa likod. At sa mga braso. Nakapagtataka kung bakit nakakaya pa ng bata na mabuhay
pagkatapos saktan ng sarili nitong ama.

"S-sorry, Daddy." Umiiyak at nangangatal ang boses na hingi ng tawad ng bata. "Sorry, Daddy. S-sorry. S-
sorry."

Pero bingi ang ama nito sa paghingi ng tawad ng anak na walang awa nitong sinasaktan. Bulag din ang
ama sa mga sugat na natamo ng bata dahil sa kawayan na hinahampas dito. Walang pakialam ang ama
sa dugong dumadaloy mula sa mga sugat ng bata na nagmamakaawa dito.

"T-tama na p-po, D-Daddy. T-tama na. T-tama n-na—h-hindi n-na po a-ako uulit. H-hindi k-k-ko n-n-na p-
po k-kaya."
Hindi na ng bata mabilang kung ilang beses na itong hinampas ng kawayan at sinturon. Sa sobrang sakit
ng nararanasan nito ay namanhid nalang ang katawan at nawalan ng malay.

Humahangos na napabalikwas ng bangon ang dalaga mula sa masamang pamaginip na gabi-gabi siyang
hindi nilulubayan at habol ang sariling hininga na pinalibot ang kabuonan ng silid ng kinaruruonan,
sinusuri ang paligid habang malakas ang kabog ng dibdib.

I'm alone. Calm down. I'm alone.

Nang masigurong walang tao sa kuwarto maliban sa kaniya, nakahinga siya ng maluwang saka
napabaling sa pulsohan niyang namamanhid sa sakit.

Pulang likido. Nababalot niyon ang pulsohan niya pero wala siyang pakialam.

Hindi na 'yon bago sa kaniya. Hindi na bago na makitang dumudugo ang pulsohan niya pagkatapos
niyang hiwain 'yon. Of course, it's nothing new. Wala nang bago sa ginagawa niya sa sarili. She'd done it
a hundred times already and she's still alive.

Why can't I just die, already?

She can slit her wrist but she can't seem to kill herself. She tried over and over again, but each time, she
wakes up alive in a Hospital. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang patayin ang sarili
samantalang wala namang dahilan para mabuhay siya. Walang dahilan para gumising pa siya sa umaga
at harapan ang bukas.She has no plan for her future and no care of the present. She struggle to live her
everyday life. Gabi-gabi, hinihiwa niya ang pulsohan niya, nagbabakasakaling hindi na siya magising na
siyang gusto niya. Yes. She wanted to die so bad, but slitting her wrist is another way of letting herself
know that she's still alive and not a walking corpse.

If someone would know what she's doing to her life, they would judge her and make accusation. No.
She's not insane. And she's not depress. Those Doctor's who diagnose her with depression doesn't know
shit about her.

She's tired of living her life full of misery, she's not like other people. Those people have purpose in life,
she doesn't. They have a reason to live, she have none. They have someone who cared for them, while
she ... have no one.

She has always been alone. Alone in this dark scary world she lived on. No one reach put their hands to
her. Some did, but only to hurt her and used her and do sort of things only a vile human would do.

Nightmares after nightmares. Dread after dread. Ayoko na. She's tired to living a hellish life every day.

Ilang minuto siyang nakatitig sa kawalan bago niya hinawakan ang sugat sa pulsohan saka diniinan iyon
hanggang sa makaramdam siya ng sakit pero pinagsawalang bahala niya iyon. Hindi niya inalis ang
kamay sa sugat niya hanggang sa namanhid nalang ang kamay niya.
Nagbaba siya ng tingin saka tinitigan ang sugat sa pulsohan. Mas lalo iyong nabalot ng dugo kasama na
ang kamay niyang dumiim sa sugat niya.

Walang imik na ibinagsak niya ang katawan sa kama at tumuon ang mata niya sa kutsilyong nasa
katabing maliit ng mesa ng higaan.

Walang pag-aalinlangang pinulot niya iyon saka pinakatitigan ang kutsilyo bago inilipat iyon sa sugatan
at nanginginig niyang kamay at mabilis na may diing hiniwa ang kabilang pulsohan.

She didn't whimper nor grunt in pain. She welcomed it. It feels right. The pain feels good. She let the
pain consume her as she close her eyes.

Sana matapos na dito ang bangungot na araw-araw niyang dala-dala. Sana hindi na siya magising pa.

"Saan ka pupunta, ha?!" Galit na sigaw ng ama ng bata na nanginginig sa takot lalo na ng makitang may
hawak na tubo ang ama.

Nanginginig sa takot na umatras ang bata na bakas sa katawan ang maraming pasa at sugat na natamo.
"W-wala, D-Daddy. H-hindi p-p-po ako l-lalabas."

Panay ang atras ng bata sa lasing na ama. Naamoy nito ang alak sa ama na papalapit ng papalapit sa
kaniya.

Kapag ganitong lasing ang ama nito ay takot na nagtatago ang bata sa kuwarto nito. Dahil kapag lasing
ang ama nito ay ito ang pinagtutuunan ng galit nito sa lahat ng bagay.

"D-doon l-lang—a-ko sa taas, D-daddy."

Akmang tatakbo ang bata palayo sa ama ng mapigilan nito ito sa braso.

"Saan ka pupunta, ha?! Aalis ka rin?! Iiwan mo rin ako?! Hindi ako makapapayag! Dito ka lang! Dito ka
lang!"

Nanlilisik ang mata ng ama ng bata habang pinaghahampas nito ang katawan ng bata gamit ang tubo.

Tanging iyak at puno ng sakit na pagsigaw lang ang nagawa ng bata habang pinaghahampas ito ng ama.
At tulad ng mga nagdaan na araw, nakatulugan nalang nito ang pambubugbog ng ama.

At nang magising ang bata, nasa sahig pa rin siya. Nanginginig ang katawan nito sa sakit. Hindi nito
maigalaw iyon. Walang imik nalang na umiyak ang bata habang iniinda ang sakit ng katawan habang
gumagapang sa sahig sa takot na baka saktan na naman ito ng ama kapag nakita ito.

Nagising ang diwa ng dalaga sa loob ng mabilis na sasakyan. Naririnig niya ang sirenang nag-iingay at
nararamdaman niya ang presensiya ng mga taong nakapalibot sa kaniya.
She felt a hand in her chest, pumping up and down, like someone is resuscitating her. She can feel the
panic inside the car as they try to stop the bleeding on her wrists. Nararamdaman niya ang pagpapalibot
ng tela sa pulsohan niya at ang pagtusok sa kaniya ng karayom.

Gusto niyang sigawan ang mga ito na huwag siyang pakialaman, na hayaan na siyang mamatay, na
hayaan na siyang manahimik pero hindi niya maigalaw ang katawan.

Sinubukan niyang imulat ang mga mata pero wala siyang lakas. Sumisigaw ang isip niya na patahimikan
na siya ng marinig niya ang malakas na tunog ng pagbangga ng isang bagay saka naramdaman niya ang
sasakyan na gumiwang at humampas sa kung saan dahilan para tumilapon ang katawan niya sa ere at
may bumaon na matulis na bagay sa likod niya.

Then pain consumed her. The kind of pain that she seek to wake her up from her nightmares.

But she didn't wake up. She continued being immobile and for the first time in her life, she felt a spark of
happiness in her dark and lonely world.

Instead of fearing death, she smiled, and welcomed it as she took her last breath.

You might also like