You are on page 1of 2

Bughao, Maria Angelika A.

BSN-2A

Magbigay ng limang (5) halimbawa sa bawat Antas ng Wika

1. Pampanitikan
 Kabiyak ng aking puso – “Si Teresa ang kabiyak ng akin puso.” Ang ibig sabihin nito ay
kasintahan niya si Teresa.
 Ilaw ng tahanan – “Ang ilaw ng tahanan ang siyang nag-gagabay sa paglaki ng mga anak.”
Ang ilaw at ay tumutukoy sa ina
 Bunga ng aming pagmamahalan – “Si Brian ang bunga ng aming pagmamahalang mag-
asawa”. Ang ibig sabihin nito ay anak.
 Mababaw ang luha – “Sadyang mababaw ang luha ng akin Ina. Lagi siyang umiiyak kapag
nanonood ng soap opera.” Ang ibig sabihin nito ay madaling umiyak.
 Bukas palad – “Bukas palad kaming tinanggap sa bahay ng mag-asawang doctor noong
bumabagyo.” Ang ibig sabihin ng bukas palad ay maluwag sa pusong pagtulong.

2. Pang-Edukado

 RBC at WBC - Ginagamit na terminolohiya ng mga doktor upang matukoy ang


tiyak na bilang ng puti at pulang dugo ng isang tao.
 Respiratory rate (RR) at Pulse rate (PR) - ginagamit na terminolohiya ng mga nars
upang matukoy ang kalagayana ng isang tao. Lalo na sa kaniyang paghinga at pulso
ng puso.
 Guilty - ginagamit na salita ng mga judge sa pagpapataw ng desisyon sa mga
akusado.
 BCG vaccine - ginagamit na katawagan ng mga nars at doktor sa bakunang
itinuturok sa mga sanggol.
 “Order in the court” - ginagamit na salita ng mga judge sa tuwing nagkakaroon ng
kaguluhan o ingay sa loob ng korte. Ito ay ginagamit upang mapatahimik ang mga
tao sa loob ng korte.

3. Lingua-Franca / Pambansang Wika

 Sambayanan
 Experto
 Baliw
 Eskwelahan
 Pagsusulit

4. Kolokyal

 Pede na ba kitang maging kaibigan? - ang salitang Pede ay pinaiksing salita na


nangangahulugan ng “Pwede”
 Kelan ka ikakasal? - ang salitang Kelan ay pinaiksing salita na nangangahulugan ng
“Kailan”
 Matutulog ako ngayong gabi sa iyong kwarto. - ang salitang kwarto ay isang
pinaiksing salita na nangangahulugan ng “Kuwarto”
 Penge naman ako ng ulam niyo. - ang salitang Penge ay isang pinaiksing salita na
nangangahulugan ng “Pahinge”
 Meron ba kayong dalang pagkain para sa ating biyahe? - ang salitang Meron ay
isang pinaiksing salita na nangangahulugan ng “Mayroon”

5. Panlalawigan

 Mabansiw - mabaho
 Palakatak - maingay
 Kanot - nahihiya
 Kasaka - katrabaho
 Layi - kinasanayan

6. Balbal

 Erap o repapeps - para sa salitang pare


 Tomguts - kapag gutom naman
 Sugbo - ang tawag naman nila pag busog na
 Gurang - nangangahulugan sa salitang matanda
 Inisnab - nangangahulugan sa taong hindi pinansin

You might also like