You are on page 1of 4

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Laguna
Pedro Guevara Memorial National High School
Sta. Cruz, Laguna
Talaan ng Ispesipikasyon
TP 2018-2019
Ikalawang Markahan

Paksa Kompetensi Bilang Bahagda Bilang Kinalalagyang


ng araw n ng aytem aytem
Paglinang ng Naibibigyang kahulugan ang salita / 3 7% 4 1-4
Talasalitaan pahayag na ginamit sa akda.
Tanka at Haiku Nasusuri ang pagkakaiba at 4 10% 5 5-9
pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng
Tanka at Haiku .
Pabula Nahihinuha ang damdamin ng 5 13% 7 10-16
tauhan batay sa dayalogo /pahayag.
Sanaysay Naipapahayag ang sariling pananaw 5 13% 7 17-23
tungkol sa isang napapanahong isyu
Maikling Nasusuri ang mga bahagi o 5 13% 7 24-30
Kuwento nilalaman ng Maikling Kuwento.
Dula Natutukoy ang ibat’ibang elemento 5 12% 6 31-35
ng dula.
Ponemang Natutukoy ang wastong bigkas ng 4 10% 5 36-40
Suprasegment salita ayon sa diin, tono at antala
al nito.
Modal Napipili ang wastong uri ng modal 2 5% 3 41-43
na ginamit sa pangungusap..
Pangatnig na Nabubuo ang pangungusap gamit 2 5% 2 44-45
nag-uugnay ng ang angkop na pangatnig
magkatimbang
na yunit at di-
magkatimbang
na yunit
Pagpapalawak Napapalawak ang pangungusap sa 2 5% 2 46-47
ng tulong ng mga panuring
pangungusap
Cohesive Natutukoy ang kohesyong gramatika 3 7% 3 48-50
Device o na angkop sa pangungusap.
kohesyong
Gramatika
40 100% 50

Inihanda ni;

JAY V. BLEZA
Dalubguro I
Inerekomendang Pagtibayin:

ISABELITA B. HERNANDEZ
Ulongguro VI
Pinagtibay ni:

WILLY D. FEDERICO
Punongguro IV
Pedro Guevara Memorial National High School
Sta. Cruz, Laguna

Pangalan:______________________ Antas at Seksyon;____________________

Preliminaryong Pagsusulit sa Filipino 9

A.Basahin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin ang angkop na kasingkahulugan ng salita na may
salungguhit. Biligan ang titik na tamang sagot.

1. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.
A. Kapangyarihan B. Nagkataon C. Oportunidad D.Pagtuon
2. Naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.
A. Katayuan B. Gawain C. Trabaho D. Tungkulin
3. Mayrooon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa babaeng lider nito.
A. Maayos B. Makatwiran C. Pantay D. Tapat
4. Malaki ang pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan ng kababaihan sa Taiwan.
A . Kapangyarihan B. Pribilehiyo C. Paggalang D. Tungkulin

B. Kilalanin ang isinasaad ng mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik na tamang sagot.

5. Maikling awitin ang Tanka na puno ng damdamin na binubuo ng ilang pantig?


A. Dalawampu’t isa B. Labimpito C. Tatlumpu’t isa D. Wawaluhin
6. Samantala, ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka na may ilang pantig?
A. Dalawampu’t walo B. Labinlima C. Labimpito D. Tatlimpu’t pito
7. Ang Tanka ay anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Kailan ito ginawa?
A. Ikawalong siglo B. Ikalabinlimang siglo C. Ikasampung siglo D. Ikasiyam na siglo
8. Gaya ng nabanggit sa unahan,ang Haiku ay pinahahalagahan din sa panitikang Hapon. Kailan ito nabuo?
A. Ikawalong siglo B. Ikalabinlimang siglo C. Ikasampung siglo D. Ikasiyam na siglo
9. Kung sa Japan ay may Tanka at Haiku na nagpapahayag ng masidhing damdamin, ano naman ang sa Pilipinas?
A. Balagtasan B. Bugtong C. Salawikain D. Tanaga

C. Basahin ang mga sumusunod na pangyayari sa pabulang “ Ang Hatol ng Kuneho”.Tukuyin ang wastong
sagot sa isinasaad ng bawat pahayag. Bilugan ang titik na tamang sagot.

A. Nahulog sa napakalalim na hukay ang tigre at di makaahon. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong
subalit walang nakakarinig sa kanya.
B. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag ng isang lalaki at agad siyang nagmakaawa na tulungan upang
makaahon sa malalim na hukay.
C. Nagdalawang-isip ang lalaki na tulungan ang tigre dahil nangangamba siya na baka my masamang mangyari sa kanya
kaya muling nagmakaawa ang tigre at nangakong di siya sasaktan.
D. Kumuha ang lalaki ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay upang gapangan ng tigre para makaahon sa
malalim na hukay.
E. Nang makaahon ang tigre sa hukay biglang nagbago ang isip niya at handang gawing pagkain ang lalaki dahil sa ilang
araw na siyang hindi kumakain.
F. Nakiusap ang lalaki na tanungin muna ang puno ng pino kung tama bang kainin siya ng tigre subalit matapos
ipaliwanag nila pangyayari sumang-ayon ang puno ng pino sa tigre.
G. Napadaan naman ang baka at muling nakiusap ang lalaki na tanungin din ang baka kung ano ang kanyang opinion
ngunit sumang-ayon din ito sa tigre.
H. Sa huling pagkakataon napadaaan naman ang isang kuneho at muling nakiusap ang lalaki na tanungin ang kuneho at
agad nilang isinalaysay ang nangyari.
I. Sinabi ng kuneho na” ituro nyo sa akin ang daan patungo doon at pumunta kayo sa inyong mga posisyon upang mapag-
isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”
J. Nagpaliwanag ang kuneho kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan sa hukay ang tigre, walang naging
problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa paglalakbay at manatili ang tigre sa hukay.

10. Anong damdamin ang ipinakita ng tao sa pangyayari sa pabula?


A. Maawain B. Pagkatakot C. Pagwalang-bahala D. Wala
11. Anong ugali naman ang ipinakita ng tigre matapos tulungan siya ng tao?
A. Kataksilan B. Mapagmahal C. Matulungin D. Walang utang na loob
12. Anong damdamin ang ipinahiwatig ng hatol nina Pino at Baka sa tao?
A. Paghihiganti B. Pagmamalupet C. Walang silbi D. Lahat ng nabanggit
13. Aling pangyayari sa pabula ang nagpapahayag ng di- pagtupad sa pangako?
A. B B. C C. D D. E
14. Aling pangyayari naman ang nagpapahayag ng matalinong paghahatol?
A. F B. G C. I D. J
15. Alin ang angkop na pahiwatig ng pangyayari sa pabula?
A. Ang di lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan.
B. Daig ng maagap ang masipag
C. Kung may isinuksok, may madurokot
D. Kung ano ang iyong itinanim, siya mong aanihin

16. Anong mensahe ang nais iparating ng pabula sa mga mambabasa?


A. Daig ng matalino ang malakas C. Pag-isipang mabuti ang gagawin
B. Huwag agad magtitiwala sa ating kapwa D. Tumulong sa nangangailangan

C. Basahin ang talata sa loob ng kahon at Bilugan ang titik na angkop na kasagutan sa bawat tanong.

Sa ngayon, ang kakabaihan ay unti-unti na ring napapahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy
na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas
ay daing ng mga kababaihan ay nadaragdag sa mga suliraning pambansa.
Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga pinag-uutos ng ilang nag-
aastang “Panginoon “. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat
miyembro ng pamilya
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon.

17. Ang sumusunod ay mga kaisipan na nais ipahayag ng may-akda maliban sa _________________.
A. Ang babae ay pinagmumulan ng karahasan C. Ang babae ay kakagapay sa pamumuhay
B. Ang babae ay may mahalagang papel sa lipunan D. Ang babae ay katuwang sa mga suliranin
18.Ang tono ng sumulat ay __________________.
A. Nagpapaawa B. Nagpapaunawa C. Nangangamba D. Nagagalit
19. Layunin ng sumulat ng talata na ____________.
A. Hikayatin ang mambabasa C. Pahalagahan ang kababaihan
B. Ipagtanggol ang kababaihan D. Palaksin ang loob ng kababaihan
20. Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unti na ring pinahahalagahan. Ito ay nangangahulugan na __________.
A. Nagbago na tingin ng lipunan C. Mahalaga ang babae sa lipunan
B. May magagawa ang babae sa lipunan D. Lahat ng nabanggit
21. Ang sexual harassment ay madalas daing ng mga kababaihan.Ito ay nangangahulugan na ____________.
A. Pang-aabuso sa mga babae C. Pagpatay sa mga babae
B. Pagpigil sa kanilang karapatan D. Wala sa nabanggit
22. Hindi sila katulong na tagasunod sa ilang nag-aastang “Panginoon”. Ang tinutukoy na panginoon ay _________.
A. Asawang lalaki B. Asawang babae C. Amo D. Boss
23. Tunay na ang mga babae ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon.
Ito ay nagpapatunay na ______________.
A. Ang mga babae ay may magagawa para sa bayan C. Ang mga babae ay matatapang
B. Ang mga babae ay malalakas D. Ang mga babae ay katulong ng bayan

E Basahin at suriin ang pangyayari sa kuwento . Bilugan ang titik na tamang sagot sa bawat tanong.
24. Paparating na ang Bagong Taon , nagpakuha si Li Hiquan ng litrato sa Red Palace Photo Studio. Ang pangyayari
ay tumutukoy sa anong bahagi ng maikling kuwento?
A. Suliranin B. Panimula C. Gitna D. Wakas
25. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang nakakaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Anong
bahagi ito ng maikling kuwento?
A. Kakalasan B. Mensahe C. Tunggalian D. Suliranin
26. Gusto niyang lumaban pero wala siyang lakas, kaya magpapanggap siyang tanga, umiwas sa mga nagmamasid at
nagmamatyag. Anong uri ng tunggalian ang isinaad ng pahayag?
A. Tao laban sa kalikasan B. Tao laban sa lipunan C. Tao laban sa tao D. Tao laban sa sarili
27. Lumabas siya at nagtago sandali sa bakuran. Walang lamig, walang hangin, makulay ang langit, maraming paputok sa
lahat ng dako. Ano ang binibigyang pansin sa pahayag?
A. Aral B. Lugar C. Pangyayari D. Tauhan
28. Hindi naaprubahan ang lisensya ni Li Hiquan sa pagtitinda ng prutas. Ang nabanggit na pahayag ay tumutukoy sa
anong bahagi ng maikling kuwento?
A. Kasukdulan B. Panimula C. Suliranin D. Wakas
29. Anong kulturang Tsino ang lantad sa akdang Niyebeng Itim?
A. Pagkahilig at pagtitiyaga sa negosyo C. Pagkamuhi sa sarili
B. Paggamit ng kariton D. Pagtitinda ng kasuotan
30. Ang akdang Niyebeng Itim ay sa anong uri ng maikling kuwento nabibilang?
A. Kababalaghan B. Makabanghay C. Pangkatutubong-kulay D. Tauhan
F. Tukuyin ang isinasaad na elemento ng dula ayon sa pahayag.

31. Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa iskrip ng dula.


A. Aktor B. Direktor C. Gumaganap D. Manonood
32. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.
A. Iskrip B. Entablado C. Manonood D. Tanghalan
33. Ito ang tawag sa anumang pook na pinagdadausan ng isang dula.
A. Aktor B. Direktor C. Iskrip D. Tanghalan
34. Sa kanila inilalaan ang isang dula.
A. Entablado B. Direktor C. Manonood D. Mang-aawit
35. Ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip.
A. Aktor B. Cameraman C. Direktor D. Manonood

G. Natutukoy ang wastong bigkas ng salita,pahayag ayon sa diin,tono at antala nito. .

36. Agad na ginamit ng pulis ang kanyang pito. Paano binibigkas ang salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. PI:to B. PI:TO C. pi:to D. pi:TO
37.Gabi na nang siya ay dumating sa aming tahanan.
A. GA:bi B. ga:BI C. ga:bi D. GA: BI
38.Pangungusap na nagpapahiwatig na ang kausap ay maaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa.
A. Hindi ako si Leny B. Hindi, ako si Leny C. Hindi ako si, Leny D. Hindi ako, si Leny
39. Siya ba ay mayaman? Tukuyin ang wastong tono ng salitang may salungguhit.
A. 321 B. 213 C. 123 D. 231
40. Saan ka papasok na paaralan sa kolehiyo?
A. 123 B. 213 C. 231 D. 321
H. Piliin ang angkop na salita o kataga na angkop na pampuno sa patlang upang mabuo ang pangungusap.
Bilugan ang titik na tamang sagot.

41. ___________ umiral ang katarungan sa isang bansang demokratiko.


A. Kailangan B. Dapat C. Gusto D. Maaari
42. ____________magtulungan ang mag-asawa sa pagtataguyod sa kanilang mga anak.
A. Kailangan B. Dapat C. Ibig D. Maaari
43____________ hindi ka makapagpatuloy ng pag-aaral kung mawawala ang iyong scholarship.
A. Dapat B. Gusto C. Ibig D. Maaari
44. Hindi niya alintana ang hirap ng nagtatrabaho ___________ siya ay tamad.
A. Palibhasa B. Sapagkat C. Dahil sa D. At
45. Ang pag-aasawa’y madaling pasukan __________ ito’y mahirap labasan.
A. At B. Subalit C. Kaya D. Sapagkat
46. Naiwan ________ ang kabataan noon ng makabagong takbo ng panahon kaya wala silang nagawa.
A. Daw B. Man C. Pang D. Sana
47. Huwag kang mahiya kung mahirap _______ ang iyong buhay.
A. Man B. Nga C. Pang D. Na
48. Nakiusap ang pangulo sa __________, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
A. Kanila B. Kanya C. Siya D. Sila
49. Ang mga kababaihan ngayon ay hindi pahuhuli sa pagsabay sa pagbabagong bunsod ng modernisasyon,
________namamayagpag sa iba’t ibang karera.
A. Ako B. Kami C. Sila’y D. Siya’y
50. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapapasusubalian, _________ ay taglay niya hanggang
kamatayan.
A. Dito B. Ito D. Kanya D. Namin

You might also like