You are on page 1of 15

Ikatlong Markahan Modyul 7

Ikapitong Linggo

0
Alamin Natin
Sa Modyul 7 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng Timog-
Kanlurang Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong
Asya. Iba‟t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at
pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawain sa gramatika at retorika upang
maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.

Ang ikapitong modyul ay magsisimula sa:

Modyul 7: Epiko ng India

A. Panitikan…………….…… Rama at Sita Isang Kabanata sa Epikong


Hindu- (India) (Isinalin sa Filipino
ni: Rene O. Villanueva)

B. Wika……………………… Uri ng Paghahambing (Magkatulad


at Di- magkatulad (Pasahol at Palamang))

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang


pangyayaring napakinggan F9PN-IIIg-h-54
• Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa
epiko F9PB-IIIg-h-54
• Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng
alinmang bansa sa Kanlurang Asya F9PT-IIIg-h-54

• Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang


Asyano at bayani ng Kanlurang Asya F9PS-IIIg-h-56

Subukin Natin
Ang bahaging ito ang magbubukas ng paunang kaalaman para sa iyo. Ito ang
magbibigay daan sa dapat mong matutuhan sa Modyul 7 Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%) ay maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.
1. Ito ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng
katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.
A. Pandiwa C. Opinyon
B. Paghahambing D. Alamat

2
2. Uri ng hambingang palamang na karaniwang isinusunod sa pang-uri.
A. Di-gaano C. Di-hamak
B. Di-gasino D. Higit sa
3. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng hambingang palamang maliban sa isa. Alin ang
hindi kabilang dito?
A. Higit C. Mas
B. Lalo D. Tulad
4. Ito ay may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.
A. Hambingang magkatulad C. Hambingang Pasahol
B. Hambingang Katamtaman D. Hambingang Palamang
5. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng hambingan palamang?
A. ka C. sing
B. tulad D. labis
6. Uri ng hambingang palamang na ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan
at „di kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan,
kataasan, kalabisan o kahigtan.
A. lalo C. tulad
B. higit D. magka
7. Ito ay paghahambing na may mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay
ang inihahambing.
A. Hambingan C. Hambingang Palamang
B. Hambingang Pasahol D. Hambingang Padamdam
8. Ito ay paghahambing na nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa
pinatutunayang pangungusap.
A. Paghahambing na Magkatulad C. Paghahambing
B. Paghahambing na Di-Magkatulad D. Paghahambing na Padamdam
9. Sino ang nagsalin sa Filipino ng epikong Rama at Sita?
A. Vilma C. Ambat C. Rene O. Villamin
B. Pat Villafuerte D. Rene O. Villanueva
10. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga salitang pahambing o komparatibo maliban
sa isa. Alin ang hindi kabilang dito?
A. di-gaano C. pinaka
B. lalo D. di-gasino
11. Ito ay nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit
itong pamalit sa „di-gasino at „di-gaano.
A. di-totoo C. di-alintana
B. katotohanan D. paghahambing
12. Uri ng hambingang palamang na nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa
kulang na katangian.
A. kasing- C. di totoo
B. di-gasino D. higit
13. Anong uri ng akdang pampanitikan ang Rama at Sita?
A. Maikling Kuwento C. Pabula
B. Epiko D. Dula

3
14. Ang epiko ay isang mahabang salaysay na patula patungkol sa __________ ng
pangunahing tauhan.
A. Kabayanihan C. Pangarap
B. Karangyaan D. Kabaitan
15. Ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao.
A. Tulad C. Datapawat
B. Di-gasino D. Paghahambing

Modyul 7 EPIKO MULA SA INDIA

A. Panitikan: Rama at Sita (Isang Kabanata sa Epikong


Hindu) Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

B. Wika / Gramatika: Uri ng Paghahambing (Magkatulad


at Di- magkatulad) (Pasahol at Palamang)

Balikan Natin
Upang lubusan mong maunawaan ang mga gagawin sa modyul na ito,
magbalik-aral muna tayo. Hanapin sa loob ng kahon ang mga bansang matatagpuan sa
Timog-Kanlurang Asya. Isulat ito sa katapat na kabisera na makikita sa hanay A. Gayahin
ang pormat sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
KABISERA BANSA

1. NEW DELHI _________


2. MALE _________
3. KATHMANDU _________
4. THIMPHU _________
5. COLOMBO _________

Tuklasin Natin
Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman sa Timog-Kanlurang
Asya? Kung gayon ay umpisahan mo na sa pamamagitan ng pagsagot ng gawaing inihanda
para sayo.

4
GAWAIN 1: “4 Pics 1 Word”
PANUTO: Tukuyin ang ibig ipahiwatig ng mga larawan at ayusin ang mga letra nasa bawat
kahon upang mabuo ng salitang may kinalaman sa akdang ating tatalakayin.

,
Mga larawan mula sa http://photopin.com/free-photos/all-photos http://photopin.com/free-photos/ramayana ,
https://www.google.com/search?q=epiko%20halimbawa&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&hl=fil&sa=X&ved=0CAIQpwVqFwoTCIigh_zplesCFQAA
AAAdAAAAABAC&biw=1079&bih=518#imgrc=a3khxf0wUOTmaM

Mahusay! Iyong nasagutan. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa akda
na ating pag-uusapan. Kaya, tara na at simulan na nating tuklasin.

Alam mo bang mayaman ang India sa kultura‟t paniniwala. Pinaniniwalaan


ng bansang ito ang kagandahan, katotohanan at kabutihan. Naniniwala sila na pinagpapala
ng Diyos ang maganda, matalino at kumikilos nang ayon sa kanilang lipunan. Napakarami rin
nilang mga tradisyon. Halos sa loob ng apat na libong taon ay tila hindi nagbago ang mga
kinagisnang tradisyon ng mga Hindu. Ang mga ito ang pumukaw sa interes ng mga
dayuhang manlalakbay. Malimit na nababasa ang mga kultura nila sa kanilang epiko.
Impormasyong mula sa https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf
at https://brainly.ph/question/1255957

Natuwa ka ba sa iyong natutuhan? Umpisa pa lang yan! Marami pang


kaalaman ang pwedeng ibigay ng modyul na ito. Tara, umpisahan mo na.

Talakayin Natin
Pamilyar ka ba sa kasabihang “Ang pag-ibig ay makapangyarihan na pag
pumasok sa puso ninoman hahamakin ang lahat ng kasawian masunod lamang”?
Makapangyarihan nga ba talaga ang pag-ibig? Tara‟t alamin sa akda na iyong babasahin.

GAWAIN 2: Hula? Oops Knows mo ‘To!


PANUTO: Hulaan ang maaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring napakinggan
sa pamamagitan ng pagsagot ng ilang katanungan na nakapaloob sa kuwento.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

RAMA AT SITA
(Isang kabanata)
Epikong nagmula sa Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

5
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula
sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari
ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “Hindi
maaari sabi ni Rama, “may asawa na ako”. Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas
siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si
Surpanaka.Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin.
Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka,
siya namang pagdating ni Lakshamanan.

1.Ano kaya ang gagawin ni Lakshamanan?


a. Tatakas kasama sila Rama at Sita.
b. Labanan si Surpanaka para kay Rama at Sita.
c. Papakiusapan si Surpanaka na ito ay umuwi na lamang.
d. Papanig kay Surpanaka at hihikayatin si Rama na sumama dito.

“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang


kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa
nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid.

Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama.


Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong
maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng
isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga. “Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.
”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng
kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang


sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at
Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila ang mga
Diyos.”, Sabi ni Maritsa.

“Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang


hindi masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nagisip sila ng
patibong para maagaw nila si Sita.

2.Ano kayang paraan ang naisip ni Maritsa para makuha si Sita?


a. Gagamitan ng gayuma si Sita.
b. Hihingi ng tulong sa lahat ng higante para dukutin si Sita
c. Bibigyan ng maraming kayamanan si Rama kapalit ni Sita.
d. Magbabagong anyo si Maritsa para makuha ang pansin ni Sita.

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang


gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na
puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,” paalala ni
Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at
busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid.
Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama.Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita.
“Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama.


Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. Hindi, kailangan kitang bantayan,”
sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na

6
sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si
Sita.” Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari” sabi nito kay
Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal
niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa
labas ay naghihintay si Ravana.

Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa.


Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay
kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyang
kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si
Sita at nabitiwan ang hawak na banga!

3. Sa palagay mo ano ang mangyayari kay Sita?


a. Makukuha ni Ravana si Sita.
b. Makakatakas si Sita at maililigtas sya ni Lakshamanan.
c. Magiging isang gintong usa si Sita dahil tinanggihan ang alok ni Ravana
d. Magbabago ang isip at tatanggapin ang alok ni Ravana na maging asawa nito.

Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot


ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga kabayong
may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa.
Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang
mga bulaklak sa kanyang buhok. Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para
masundan siya at mailigtas.

Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita.
Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan
itong bumagsak sa lupa.

Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang


naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago
mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila
upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka.Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang
kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang
lahat ng kayamanan” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.

4. Mananalo kaya si Rama laban sa higanteng si Ravana?


a. Oo, pagkat mayroon silang kapangyarihang nakuha sa agila.
b. Hindi, pagkat malakas ang pwersa ng mga higante at demonyo.
c. Hindi, pagkat dadalawa lamang sila ni Lakshamanan wala silang tauhan.
d. Oo, pagkat hihingi ng tulong si Rama sa kanyang mga kaibigan

Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang
Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas
maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang
dalawa ang naglaban.

5. Sa pagwawakas ng kwento…
a. Naghiwalay si Sita at si Rama dahil sumama si Sita kay Ravana.
b. Umabot ng maraming taon ang kanilang labanan at walang nagwagi.
c. Natalo ni Rama si Ravana, nailigtas nito ang kanyang mahal na asawa.
d. Natalo ni Ravana si Rama at kinilala syang pinakamakapangyarihan sa lahat.

Akdang mula sa https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf

7
Alam mo ba na ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan
na matatagpuan sa iba‟t-ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan.
Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga kagila-gilalas
na pangyayari.
Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na „epos‟ na ang kahulugan ay
„awit‟. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa
bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.
Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:
• Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
• Mga inuulit na salita o parirala
• Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
• Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na
buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan at iba pa.)
• Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa
mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa
kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw
o pag-aasawa.

Impormasyon mula sa https://pinoycollection.com/epiko/

Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Sa binasang epiko makikita ang


pag-ibig ni Rama kay Sita at ang pakikipagtunggali nito sa higante para lang mabawi ang
kanyang minamahal. Makikita din dito ang kultura ng mga Hindu.

GAWAIN 3: Alam Ko Na!


Isa sa mga tumatak na kultura ng Pilipino ay ang malaking pagpapahalaga sa
pamilya. Ano naman kaya ang kultura ng mga Hindu? Batay sa binasang epiko ng Hindu,
ilarawan ang kulturang asyano na masasalamin dito.Isulat ang kasagutan sa papel.

GAWAIN 4 Siya ang Bayani Ko


Ating napag-usapan ang tungkol sa epiko at ang kabayanihang ginawa ni
Rama. Ngayon naman ay pagkakataon mo na upang ipakilala ang katangian ng itinuturing
mong bayani ng alinmang bansa nasa Timog-Kanlurang Asya.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Mahusay! Nasagutan mo ang mga gawain na inihanda para sayo. Marami ka
pang kaalaman na matutuhan sa modyul na ito. Kapit lang dahil kayang-kaya mo ito.

Pagyamanin Natin
Sa bahaging ito, malalaman mo kung ano ang mga salitang ginagamit sa
paghahambing ng antas o lebel na katangian ng dalawang tao, bagay, ideya at iba pa na
makatutulong sa malawak mong pagtingin sa mga ito. Halika na, basahin at unawain mo
ang araling panggramatikang ito.

Ang PAHAMBING o KOMPARATIBO ay ginagamit kung


naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya,
pangyayari at iba pa.
MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING
1. PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD
• Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
• Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing,
magkasing, at mga salitangparis, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig,
mistula, mukha/ kamukha.

ka- nangangahulugan ng kaisa o katulad
Halimbawa: Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.

magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad.
Halimbawa: Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.

sing- (sin- /sim) gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.
Halimbawa: Magkasingganda ang India at Singapore.

kasing- (kasin- /kasim-) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing,
(sin/sim).
Halimbawa: Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila
➢ ang sentro ng teknolohiya.
magsing-(magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng
pangungusap.
Halimbawa: Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.

Ga/ gangga- nangangahulugan ng gaya, tulad, para, paris
Halimbawa: Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at
relihiyon upang magkaroon ng pagkakaisa.

2. PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD
• Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtatanggi o pagsalungat sa pinatunayang

9
pangungusap.

MAY DALAWANG URI ANG HAMBINGANG DI MAGKATULAD:

2.1 HAMBINGANG PASAHOL


• May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.
Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng
paghahambing.

➢ Lalo - nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na


katangian. Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung
ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa / kaysa sa kung ngalang bagay /
pangyayari.
➢ Di-gasino - tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga
tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang
ang gaya, tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni.
➢ Di-gaano - tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay
lamang ginagamit.
➢ Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri.
Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.

2.2 HAMBINGANG PALAMANG


• May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.
Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:


Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung
ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan
o kahigtan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.
Halimbawa: Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.

Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung
ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa: Higit na malinis ang isa sa isa.

Labis-tulad din ng higit o mas
Halimbawa: Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.

Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri

Halimbawa: Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu.

Impormasyon mula sa https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf

GAWAIN 5: Tukuyin Natin


PANUTO: Isulat ang titik L sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay
palamang. Isulat ang titik S kung ito ay pasahol.
_____1. Higit na masarap ang linutong cake ni Vicky kaysa kay Raj.
_____2. Di-gaanong mahal ang manok ngayon na tulad ng presyo nito noong isang buwan.
_____3. Di-hamak na mas magaling si Daryl kaysa kay Charlie sa larangan ng basketball.
_____4. Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang Insidious.
_____5. Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang kung saan ay
buo ang pamilya.

10
GAWAIN 6: Tsek Point
Gaano na ba kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa araling tinalakay? Tsek muna
natin. Huwag kang mag alala madali lang to, at alam kong kayang kaya mo.

PANUTO: Lagyan ng HI kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at DEAR kung mali ang
isinasaad ng bawat pahayag.

_____1. Gagawin nina Rama at Sita ang lahat para lamang sa kanilang binubuong pamilya.
_____2. Naniniwala ang mga Hindu na ang kabutihan ay laging mananaig laban sa
kasamaan.
_____3. May dalawang uri ang kaantasang pahambing.
_____4. Ang ka- ay nangangahulugan ng kaisa o katulad
_____5. Ang hambingang palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay
na pinaghahambingan.

Tandaan Natin
Magaling! Ako ay humahanga sa iyong dedikasyon! Binabati kita dahil alam
kong pinaglaanan mo ng oras ang modyul na ito. Sa kabilang dako, punan mo ang bawat
patlang ayon sa hinihingi nito.

• Sa modyul na ito, natuklasan ko na ang epiko ay ___________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

• Napagtanto ko na ang paghahambing ay __________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Marahil ay nasiyahan ka sa iyong natuklasang mga bagong kaalaman. Lalo


na sa mga gawaing nagpukaw sa iyong interes bilang isang mambabasa.

Isabuhay Natin
Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa paksa,
naniniwala ako na naragdagan ang iyong kaalaman at lumawak pa ang iyong pag-unawa sa
aralin. Kaya, narito ang karagdagang gawain para sa iyong maunlad na pagninilay.

Bilang isang mag aaral ng ika-siyam na baitang, naatasan kang makilahok sa


pagsulat ng sanaysay, ilalarawan mo ang kulturang Asyano at bayani ng Timog-Kanlurang
Asya. Huwag kalimutan ang araling panggramatikang natutuhan sa modyul na ito. Tiyakin na
ang maisusulat na akda ay tutugon sa hinihingi ng pamantayan. Isulat ang malilikhang
sanaysay sa isang intermediate paper.

11
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY:

• Nilalaman…………………………………………………… 45%
• Kaugnayan sa Tema………………………………………..30%
• Paggamit ng Salita…………………………………………..25%
• Kabuuan ……………………………………………………..100%

Tayahin Natin
Alam kong madami kang nakuhang kaalaman sa araling ito Patunayan
mo kung tunay ngang ikaw ay may natutunan. Kaya mo bang sagutan ang
sumusunod na katanungan?

Pangkalahatang Panuto:

1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.


2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Si _______ ang kapatid ni Rama na tumulong sa kanya mula kay Surpanaka.


A. Sita C. Raman
B. Ravana D. Lakshamanan
2. Sina Rama at Sita ay ipinatapon mula sa kaharian ng ____________________?
A. Aydha C. Ayodhara
B. Ayodha D. Ayodharatta
3. Ayon sa binasang epiko sa modyul na ito, sino ang hari ng higante at demonyo?
A. Sita C. Ranava
B. Surpanaka D. Maritsa
4. Ang tauhan sa epikong may kakayahang magbago ng hugis at anyo.
A. Marisa C. Agila
B. Maritsa D. Pinuno ng Unggoy
5. Ano ang dahilan ni Maritsa kung bakit ayaw niyang labanan ang magkapatid na Rama at
Lakshamanan?
A. Sila ay kakampi ng Diyos C. Sila ay kaibigan ni Maritsa
B. Sila ay makapangyarihan D. Sila ay kamag-anak ni Maritsa
6. Ano ang inihuhulog ni Sita mula sa alapaap para magsilbing palatandaan ni Rama upang
mahanap siya?
A. bato C. halaman
B. tinapay D. bulaklak
7. Sino ang hiningan ng tulong ni Rama sa pagsalakay niya sa kaharian ng Lanka?
A. Hsari ng mga unggoy C. Agila
B. Mga kaibigang diwata D. Mga usa
8. Sino ang kapatid ni Ravana?
A. Rama C. Maritsa
B. Suparnaka D. Lakshamanan
9. Sino ang bumihag kay Sita?
A. Usa C. Ravena
B. Maritsa D. Ravana

12
10. Ang buhok ni Edualyn ay kasinghaba ng buhok ni Georgia. Ang katagang may
salungguhit ay halimbawa ng paghahambing na __________.
A. Pasahol C. Magkatulad
B. Palamang D. Di- magkatulad
11. Isa ito sa katangiang taglay ng akdang pampanitikan na epiko ay ang mga pangunahing
ay may taglay na __________________.
A. pangalan C. asawa
B. kapangyarihan D. buhay
12. Ang kambal na sina Nene at Neneng ay kapwa magaling sumayaw. Ang
katagang may salungguhit ay halimbawa ng paghahambing na __________.
A. Palamang C. Pasahol
B. Di - magkatulad D. Magkatulad
13. Ang pook na ito ay di-totoong mapanganib kaysa bayan ng Sto. Tomas. Ang
pangungusap ay halimbawa ng pahambing na____?
A. Pandiwa C. Pasahol
B. Pasukdol D. Palamang
14. Mas marami ang kinakain ko sa ahagan kaysa hapunan. Ang pangungusap ay halimbawa
ng pahambing na ____-?
A. Pasahol C. Palamang
B. Pasukdol D. Panlahatan
15. Di-gasinong mapagbigay si Liza na tulad ni Jenny. Ang pangungusap ay halimbawa ng
pahambing na _____?
A. Pandiwa C. Pasahol
B. Pandamdamin D. Palamang

Gawin Natin
Sa modyul na ito ay napag aralan mo ang epiko at ang kabayanihan
ipinamalas ni Rama.Ipinakilala mo din ang tinuturing mong bayani, ngayon naman para sa
iyong karagdagang gawain ikaw ay gagawa ng komik Istrip na ang pangunahing tauhan ay
ang bayaning idolo mo. Gawin ito sa isang malinis na short bond paper.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

1.Larawan at pahayag na ginamit. 30%

2.Kaisahan ng mga pangyayari 20%

3.Salitang ginamit 20%

4. Kaangkupan sa paksa 15%

5.Orihinalidad 15%

KABUUHAN 100%

13
Repleksyon ng Natutunan
PANUTO: Isulat ang sarili mong Pagkatutong Repleksyon batay sa binasang epiko na
“Rama at Sita”. Gawin mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na
nasa loob ng kahon.

Ang epiko na
Napag- alaman
binasa ay tumatak Masasabi kong...
kung...
sakin bilang...

Ang
Ang aral na
Natuklasan kongklusyong
natutunan ko ay
kung... nabuo sa wakas
...
ng epiko ay...

SANGGUNIAN:
• https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014. pdf
August 10, 2020
• http://photopin.com/free-photos/all-photos August 10, 2020
• http://photopin.com/free-photos/ramayana August 10, 2020
• https://www.google.com/search?q=epiko%20halimbawa&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&h
l=fil&sa=X&ved=0CAIQpwVqFwoTCIigh_zplesCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1079&
bih=518#imgrc=a3khxf0wUOTmaM August 10, 2020
• https://pinoycollection.com/epiko/ August 11, 2020
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA

Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA

School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV

Writer: REZEL B. ARAGON

Editors: ROSYL V. ANOOS

MARITA LACANLALE

Content Evaluator/Language Evaluators: MIRIAM C. MABASA

CLARISSA R. SENOSA

Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS-FILIPINO

Illustrator/Layout Artist: CLARISSA R. SENOSA

ROSYL V. ANOOS

MARITA LACANLALE

Content Validator: JESUSA M. GONZALES

Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS

REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

15

You might also like