You are on page 1of 1

FIL

10/19/21 1:45 PM

Aralin 1: Pagpili ng Paksa

Pananaliksik
• Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masuring pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.

• Ayon na man kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong mahalagang layunin:
- Isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya.
- Mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid and katotohanan sa teoryang ito.
- Isinasagawa ng pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.

MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK

• Obhetibo - naglalahad ng mga impormasyong nakabatay sa mga datos na maingat na sinasaliksik, tinaya, at sinuri.
• Sistematiko - sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katangga-
tanggap na kongklusyon.
• Napapanahon o Maiuugnay sa Kasalukuyan - nakabatay sa kasalukuyang panahon, nakasasagot sa suliraning
kaugnay sa kasalukuyan at ang kalabasan ay maari maging basehan sa desiyong pangkasalukuyan.
• Kritikal - maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil
taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghatol ng mananaliksik.
• Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan - Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at
kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
• Dokumentado - nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Bigyan ng karampatang pagkilala ang
pinagmulan ng mga ito.

PAGPILI NG MABUTING PAKSA

• Ito ay pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak ang makabubuo ng isang
makabuluhang sulatin.
• Ito ay maaaring magsimula sa isang karanasan, obserbasyon, suliranin o anumang kawili-wiling paksa sa mga
mambabasa.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA

1. Interes
2. Angkop, Makabuluhan, at Napapanahon
3. Lawak o Saklaw
4. Oras at Panahon
5. Sanggunian

MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA

1. Alamin kung ano ang inaasahang layunin o sulatin.


2. Magtala ng mga posibleng maging paksa para sa susulating pananaliksik.
3. Suriin ang mga itinalang ideya. (Bakit ka interesado dito?)
4. Bumuo ng tentatibong paksa.
5. Limitahan ang paksa.

MGA HALIMBAWA NG PAKSA

Malawak na paksa: "Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral"


Nilimitahang Paksa: "Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa kanila
ng Gawaing Pang-akademiko"
Lalo pang "Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng
Nilimitahang Paksa: Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto nito sa kanilang Gawaing Pang-akademiko"

Malawak na paksa: "Persepsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan"


Nilimitahang Paksa: "Persepsiyon ng mga kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan"
Lalo pang "Persepsiyon ng mga kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan"
Nilimitahang Paksa:

Malawak na paksa: "Isang Pag-aaral sa mga akda sa Wattpad"


Nilimitahang Paksa: "Mga dahilan sa pagbabasa ng wattpad at epekto nito sa pananaw sa pag-ibig ng mga mag-
aaral"
Lalo pang "Mga dahilan sa pagbabasa ng wattpad ng mga mag-aaral sa Ikalabing-isang baitang ng JRU at
Nilimitahang Paksa: epekto nito sa pananaw sa pag-ibig ng mag-aaral"

Aralin 2: Unang Bahagi ng Pananaliksik

Mga Bahagi ng Pananaliksik

1. Pahina ng Pamagat
2. Panimula
3. Layunin ng Pag-aaral
4. Paglalahad ng Suliranin

Panimula
• Bahaging naglalatag ng panimulang impormasyon tungkol sa paksa na magsasakonsepto sa mga mababasa kung
ano ang pinagmulan, dahilan o pinanggalingan ng ngpananaliksik.

Sa paggawa ng panimula, makatutulong ang katanungang maaring sagutin sa bahaging ito:

1. Ano ba ang tungkol sa pag-aaral?


2. Bakit ito gustong pag-aralan?
3. Bakit mahalagang ang pag-aaral na ito?
4. Ano ang importansiya nito sa iyo at sa lipunan?

Layunin ng Pag-aaral
• Layunin na pagbatayan upang maisagawa ang pananaliksik
• Inilalahad ang layuning malaman at ang tunguhin ng pananaliksik

Paksa: Epekto ng Part-time Job sa Academic Performance ng Mag-aaral

Layunin ng Pag-aaral:

1. Natutukoy ang mga dahilan sa pagkuha ng part-time job ng mag-aaral.


2. Nailalarawan ang epekto ng part-time job sa academic performance ng mag-aaral.
3. Naipapaliwanag ang kapakinabangan ng part-time job sa buhay ng mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin
• Paglalahad ng mga pangangailang ano mga katanungang nais sagutin ng pananaliksik.
• Ilahad ang mga tanong natutulong upang matiyak ang tunguhin ng pananaliksik.
• Maaaring tignan ang mga layunin ng pag-aaral at dapat ay magkaugnay ang mga ito.

Paksa: Epekto ng Part-time Job sa Academic Performance ng Mag-aaral

Paglalahad ng Suliranin:

1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagkuha ng part-time job ng mga mag-aaral?


2. May makabuluhang bang epekto ang pagkakaroon ng part-time job sa academic performance ng mag-aaral?
3. Paano nakatutulong sa buhay ng mag-aaral ang pagkakaroon ng part-time job?

Aralin 3: Ikalawang Bahagi ng Pananaliksik

Konseptwal na Balangkas
• Isa itong uri ng graphic organizer na nagpapakita ng mga ugnayan ng mga konsepto at ideya sa pamamagitan ng
mga susing salita na karaniwang nasa loob ng mga hugis.
• Sa pamamagitan nito, madaling matutukoy kung ano-anong ang datos ang dapat hanapin.
• Ang mananaliksik ay magkakaroon ng malinaw na perspektiba kung aling aspekto ng pananaliksik ang dapat niyang
pagtuonan ng pansin.

Kahalagahan ng Pag-aaral
• Inililista sa bahaging ito ang indibidwal, grupo, organisasyon o institusyong makikinabang sa resulta ng pag-aaral.
• Ipinaliliwanag kung papaano magbebenepisyo ang mga ito sa isinasagawang pag-aaral.

Katuturan ng mga Katawagan


• Dito binibigyang kahulugan ang mga salitang teknikal,mahalaga o pili naginamit sa pananaliksik.
• Ang pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal (ibinibigay ang istandard na depinisyon ng katawagan)o
operasyunal (kung paano iyon ginamit sapananaliksik).

You might also like