You are on page 1of 2

ABOGADO, PRINCESS VALERIE T.

BS-BIO 2A
DALUMANG NG/SA FILIPINO
PAGSASANAY BLG. 1

1. Panoorin sa youtube ang una-ikalawang episode ng Amaya at


maglista ng sampung katutubong salita ng iyong napakinggan habang
pinapanood at magsaliksik kung ano ang kahulugan nito sa
kasalukuyan. (10 puntos).
Katutubong Salita Kahulugan (kasaukuyan)
- Oripun Alipin
- Banwa Komunidad
- Timawa Mga taong kulang sa pagkain o
mahirap
- Kaulayaw Kalaguyo
- Bulawan Ginto
- Mangangayaw Dayuhan
- Babaylan Babaeng manggagamot
- Umalagad Anito
- Datu Pinuno
- Raja Hari

2. Tungkol saan ang Amaya? (5 puntos)


- Ang “Amaya” ay tungkol sa isang anak na babae na nagngangalang
Amaya ni Datu Bugna na may kakambal na ahas na kung saan ito
ang naging dahilan upang itago at ilayo siya sa kapahamakan
mula kay Rajah Mangubat. Kaugnay ng pagkakaroon ng kambal na
ahas, nais siyang paslangin ni Rajah Mangubat dahil si Amaya
ang nakatakda at kakayahang pumaslang sa kaniya, at iligtas
ang kanyang nasasakupan.

3. Batay sa iyong napanood, magbigay ng limang kaugnay na kultura sa


mga sinaunang Pilipino ang matatagpuan sa Amaya. Maaaring hinggil
sa relihiyon, pamilya, pamumuhay, pamahalaan at iba pa. (10
puntos)
- Pananamit:
Ang mga kalalakihan ay nakasuot ng putong (piraso ng
tela na binabalot sa ulo), Kanggan (isang tsaleko na walang
kwelyo o manggas), at Bahag ( piraso ng telang nakabalot sa
baywang at may habang hanggang hita)
Para sa mga kababaihan naman na may mataas na posisyon
sa lipunan ay nakasuot ng Baro ( damit na ipinapatong na may
manggas), Tapis ( telang karaniwang binabalot sa baywang),
at Saya/Patadyong ( maluwag na palda)
ABOGADO, PRINCESS VALERIE T.
BS-BIO 2A
DALUMANG NG/SA FILIPINO
PAGSASANAY BLG. 1

- Kaugalian sa paglilibing:
Nang inilibing ang isang babaylan na pinatay ni Rajah
Mangubat, ito ay inilibing ng mga kasama nitong bihag na
maihahalintulad sa paglilibing ng mga sinaunang Pilipino.
Inilibing nila ang yumao sa lupa kasama ang ilang
kasangkapan at mga palamuti

- Paniniwala:
Naniniwala rin ang mga sinaunang Pilipino katulad sa
ipinakita sa Amaya na may mga espiritung nananahan sa
kanilang kapaligiran. At tinatawag nila itong mga diwata.

- Sining:
Yari sa ginto ang mga kasangkapan at palamuti na ginawa ng
mga sinaunang Pilipino. Ito ay patunay na malikhain ang mga
Filipino sa metallurgy o paraan ng paglusaw at apghubog ng
ginto. Maihahalintulad ito sa mga nakuhang alahas nina Rajah
Mangubat at suot ng mga tauhan sa palabas na may matatas na
antas sa lipunan.

- Panahanan:
Bahay-Kubo ang katutubong tirahan ng mga Pilipino simula pa
noon. Yari sa materyales na madaling matagpuan sa kalikasan
na mainam sa mainit na panahon. Gawa sa kugon at nipa ang
bubong habang gawa naman sa pawid at kawayan ang mga
dingding. Ito’y hugis parisukat na may isa o dalawang silid
sa loob.

You might also like