You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Western Mindanao State University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

EXTERNAL STUDIES UNIT - IPIL

Pangalan: Chastine Camille O. Casipong Taon at


Kurso: BSED FIL. 2

Panitikang Filipino
Panuto: Suriin ang mga akdang Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda at Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M
Gonzales ( 20 puntos )

Akda: Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda

Tauhan:

• PILANG: Dalagang pamangkin ni KA ALBINA. Pinsan ni NATI. Mahiyain at maganda.

• PASTOR: Binata. Isa sa mga magsusuyod sa tubigan ni Ka Teryo. May gusto kay PILANG.

• ORE: Binata. Anak ni Ka Inso. Isa sa mga magsusuyod. May gusto rin kay Pilang. Gusto ni Pilang.

• KA ALBINA: Tiya ni PILANG at ina ni NATI.

• NATI: anak ni KA ALBINA

• PILANG: pamangkin ni KA ALBINA

• MILYO: Binata. Malapit na kaibigan ni ORE.

• PAKITO: Binata. Malapit na kaibigan ni PASTOR.

• FILO: Binata. Kaibigan ni PASTOR.

• TONING: Binata. Kaibigan ni ORE. naHuli sa karera.

• ASYONG: Kaibigan ni ORE. Auring ang partner

• TINONG: Binata. Kaibigan ni PASTOR.

• KA IPYONG: kamag-anak ni Ka Teryo at KA ALBINA.

• FERMIN: anak ni KA ALBINA at Ka Teryo. Kapatid ni NATI. Pinsan ni PILANG. May-asawa, si Gundang

• KA PUNSO: Isa sa mga pinakamatanda. Ginagalang ng mga kasama. May-asawa, si Juana.

• KA IMONG AT KA MARTA – mag-asawa.

Tagpuan- sa tubigan ni Ka Teryo; Bukid

Buod

Pumunta sa tubigan sina Ka Albina, at anak na dalagang si Nati at pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga
matong ng kasangkapan at pagkain. Nakasabay sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang
kaniyang araro. Kasama rin si Ore na nasa hulihan na parang may iniisip.

Pagkarating nila sa tubigang aararuhin, nadatnan nilang may nagtatrabaho. Ang iba ay katatapos lamang sa pagtilad at
habang nagpapahinga ay nagkukuwentuhan. Nagsasaayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon
din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang . Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinapo ng binata ang
kamay ng dalaga. Lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape’t kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore
habang nagkakainan. Si Pastor ay laging nahuhuling nakatingin kay Pilang. Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang
kanilang pagkakaisa sa pagtulong sa paggawa. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang
bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Nauna si Pastor, sumusunod si Ore. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya
nahuhuli, samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi nakahabol si Ore sa layo ni Pastor nang
huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.

Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Kinalagan ni Pastor ang kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Samantalang si Ore
ay hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga. Lumapit si
Ore sa mga kasamahan walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Si Pastor ay
kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na
bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

Akda: Lunsod, Nayon, at Dagat-dagatan ni N.V.M Gonzales

Elemento sa Pagsusuri

Tauhan:

• Antonio: pangunahing tauhan sa kwento na nakatira sa Lunsod

• Nena: Nakatira sa nayon at masunurin sa ama.

• G. Gomez: ama ni Nena na naninirahan sa Nayon

• Gng. Gomez: ina ni Nena na magaling umasikaso ng bisita

• Lilia,Eva, Felipe at Lucas:mga kapatid ni Nena

Tagpuan:

• Sa Nayon

• Sa Beranda

Buod:

May ilang puno ng niyog at kampanarya ng lumang simbahang bato.Sa kanan naroroon ang dagat-dagatan na
kinsasasalaminan ng araw na papalubog. Murang bughaw na kulay tubig ay napalitan ng maningning na pilak. Sa
paglalakbay niya papunta sa ay nakikita niya ang kagandahan nito.Sinalubong ni Nena si Antonio nang makita niya ito at
ipinatuloy sa kanilang bahay at pinakilala niya it okay G.Gomez. Si Nena, G.Gpmez at si Antonio ay nag-uusap.
Tinanong ni Nena si Antonio kung hindi ba ito natakot habang naglalakbay siya papunta sa nayon. Sumagot si G. Gomez
kay Nena na ang balakid ay namamahay lamang sa guni-guni ang naglalaro sa kanilang isipan noong pumunta sila sa
nayon at ngayon ay unti-unti ng nawawala. Ayon sa kanya akala nila kapag sila ay may masasakyan pabalik ng lungsod
ay uuwi na sila ngunit mas pinili na lamang nila tumira at manatili sa bayan kahit na may bahay sila sa lunsod. Sa
sinabing iyon ni G. Gomez ay nabahala siya sa mga sasabihin ng kanyang ama. Si G.Gomez ay nag-alala at sinabi bakit
kailangan nilang umalis sa nayon gayung sagana sila rito sa lahat ng bagay. Tinanong ni Nena si Antonio kung nagbago
na ba ang isip nito tungkol sa pakay niya sa pagpunta sa nayon ang pagtatapat ng kanyang pag-ibig sa mga magulang ni
Nena. Hindi naman nagbago ang isip ni Antonio patungkol doon sapagkat siya ay nag-aalinlangan lamang sa sinabi ni G.
Gomez na ayaw na nilang bumalik sa siyudad. Iniisip ni Antonio na baka hindi siya magustuhan ng ama ni Nena dahil
siya ay taga siyudad o baka papayag lamang si G. Gomez sa pag-ibig niya kay Nena kung doon din siya titira sa nayon.
Papunta sana si Nena at Tony sa dagat-dagatan ngunit mas pinili ni Tony na kausapin muna si G.Gomez tungkol sa
kanyang pakay.
Inihanda ni: Aprodite T. Buenavista
Guro

You might also like