You are on page 1of 1

Dear Charo,

Nakapagsulat ako dahil gusto ko sanang isalaysay ang aking karanasan


at kung maari ay mabigyan ninyo ng maikling kwento.
Ito ang kasaysayan. Noong ako’y grade 7 nakipagsapalaran akong
nakipaglaro sa peryahan. Sa una kami ay tuwang-tuwa kasama ko ang aking
mga kabarkada dahil palaging nanalo sa aking pagtataya ng maraming beses.
Sa katunay nabigyan ko pa sila ng balato. Dahil kami ay nainganyo talagang
sinubakan naming pabalik-balik. Subalit ng lumaon ako ay palagi ng natatalo
at hindi ko namamalayan ay wala na Pala ang aking pangtaya dahil naubos
na ang aking pera at nang aking susumain napakalaki na pala ang aking
pagkalugi. Kaya nanghihinayang ako sa aking nawala dahil ang hirap kitain
ang halagang iyon at mula noon hindi ko inulit ang paglalaro sa peryahan.
Kung ako’y nagkakaroon ng pera ay ginagastos ko na lamang sa mahalagang
bagay hindi sa kung anu-anong paraan. Mayroon idinulot sa akin na aral ang
aking karanasan. Sana ay mabigyan ninyo ng maikling kwento para
magsilbing gabay sa mga kabataan tulad ko. Maraming salamat.

You might also like