WHLP Q1 Week 4

You might also like

You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DR. PABLITO V. MENDOZA SR. HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 10


Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 10 Week: 4 Date: October 4-8, 2021 Batch 1
Modyul 4(Aguinaldo, Quezon) Batch 2 Modyul 4 October 11-15, 2021 (Marcos, Magaysay,
Garcia)
MELCs:
 Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng
mga suliraning pangkapaligiran.
Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng Disaster Management at Community-Based Disaster and Risk
Management.
2. Nasusuri ang pagkakaiba ng katangian ng Bottom – Up Approach at Top- Down Approach.
3. Natatalakay ang kahalagahan ng Community-Based Disaster and Risk Management.

Araw at Oras Learning Task (Gawaing Pagkatuto)


October 6 and 13, Maghahanda para sa isang makabuluhang araw.
2021 3:00-3:10

3:10-3:15 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng


ehersisyo kasama ang miyembro ng ating pamilya.

3:15-3:25 PANIMULANG GAWAIN


Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkwento o maglahad ang mag-
aaral ng ilang isyu na kanyang narinig o nabasa o napanood tungkol sa
ating kapaligiran at likas na yaman.
Matapos ang maikling kwentuhan. Ibigay sa kanya ang ikaapat modyul-
Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran at ang
sagutang papel na kaniyang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang
pagsasanay. Ang lahat ng mga gawain o pagsasanay sa modyul na ito ay
sasagutan o gagawin sa nakalaang sagutang papel. Maaaring magdikit o
istapler kung hindi sapat ang nakalaang bahagi. Kung may bahaging hindi
naunawaan maaring tanungin ang inyong Guro sa pamamagitan ng pag
mesahe sa learners group o text .

SUBUKIN
3:25-3:35
 Pasagutan mo ang unang pagsasanay sa pahina 2-3 ng modyul.
Ang polusyon ay isang suliraning pangkapaligiran na nagdudulot ng
panganib sa kalusugan ng maraming tao, bilang mag-aaral paano ka
makakatulong upang maiwasan ang polusyon?
a. Pakikilahok sa gawain ng komunidad
b. Pagtatanim ng mga puno at halaman
c. Pagtulong sa mga gawaing bahay
d. Wastong pagtatapon ng basura
Tandaan: Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin ang mga
pamimiliang sagot. Matapos mong pamasagutan ang mga tanong ay buksan
muli ang modyul 4 sa pahina 4 upang mabasa ang panimulang pahayag
ukol sa aralin.
3:35-3:45 BALIKAN
 Sa parteng ito ng modyul, pasagutan sa mag-aaral ang Kumpletuhin Mo
Nga Ako sa pahina 4.
KUMPLETUHIN MO NGA AKO
Nalaman mo sa nakalipas na aralin ang tungkol sa dahilan at epekto ng
suliraning pangkapaligiran sa ating bansa. Bago mo pag-aralan ang kasunod
na aralin, sagutin mo muna ang hinihinging detalye sa tsart at isulat ang
sagot sa activity sheet.
3:45-3:55
TUKLASIN
 Sa bahaging ito ay suriin ang mga larawan nasa pahina 5 ng modyul.
Pagkatapos, sagutin ang tatlong katanungan sa pamprosesong tanong.
LARAWAN SURI
Panuto: Suriing mabuti ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na
tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang mga nasa larawan?
2. 2. Naranasan mo na ba itong mangyari sa iyong buhay?
3:55-4:30
SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat
tatalakayin ninyo ang nilalaman ng aralin. Nahati ang paksa sa tatlong
leksyon: A. Ang Disaster Risk Management pahina 6-8, B. Ang Philippine
Disaster Risk Reduction and Management Framework pahina 8-9, C.
CBDRM Approach pahina 9-10 at D. TDA at BUA pahina 10-13 .
 Tandaan: Siguraduhing maayos at tamang mailalahad ang nilalaman ng
aralin. Magkaroon ng maganda at kawili-wiling talakayan kasama ang
inyong anak. Sa mga bahaging nagbibigay ng agam agam maaring
itanong sa guro sa pamamagitan ng inyong learners group maari din
padalhan ng mensahe ang guro sa pamamagitan ng text o mensahe sa
messenger.

October 8 & 15,


2021 PAGYAMANIN
3:00-3:45  Sa parteng ito, masusukat mo kung lubos ba nilang naunawaan ang
konsepto ng aralin. Mayroong anim na pagsasanay ang kanilang dapat
sagutin sa pahina 13-16.
Piliin Mo Tamang Konsepto Ko
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin sa kahon ang
mga uri ng konsepto o termino na naaayon sa mga pangyayaring
inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Anunsiyo sa radyo at telebisyon na ipinagbabawal muna ang pagpalaot
ng mga mangingisda sa karagatan dahil sa storm surge na dulot ng bagyo.

Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng inyong anak ang


inihandang pagsasanay. Sundin nang tama ang bawat panuto sa
pagsasanay. Sundin nang tama ang bawat panuto sa pagsasanay.
Ipaalala sa mag-aaral na sa sagutang papel magsusulat ng sagot at hindi
3:45-3:55 sa mismong module.

ISAISIP
 Sa bahaging ito mo ibubuod ang aralin gamit ang inihandang gawain sa
pahina 17.
Piliin Mo Kukompleto Sa Akin
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang na bubuo sa pangungusap.
Hanapin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management ay may
_________________ layunin na naging batayan sa pagbuo ng PDRRMF.
Tandaan: Maaari mong bigyan ng mga halimbawang sitwasyon ang iyong
anak/kapatid na makatutulong upang mabuo nya ang pagbubuod ng
talakayan. Maari din tanungin ang guro sa pamamagitan ng pag text o
3:55-4:05
pagbibigay mensahe sa pamamagitan ng messenger

ISAGAWA
 Sa bahaging ito ay aanalisahin ng mag-aaral ang mga sitwasyon na
nararansan ng karaniwang Pilipino batay sa naging talakayan. Ito ay
matatagpuan sa pahina 18.
Maraming Pagpipilian Panuto: Isulat ang katumbas na letra na kumakatawan sa wastong
sagot sa bawat bilang sa sagutang papel.
____ 1. Tama bang maging tagatanggap lamang ang mamamayan ng mga proyekto at
programa ng pamahalaan tungkol sa paghahanda at pag-iwas sa kalamidad?
a. Tama, dahil tungkulin nila na tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan sa
pamamagitan ng mga proyekto at programa.
b. Mali, dahil hindi magiging matagumpay ang proyekto kung hindi magkakaroon ng
inisyatibo o kusang loob na pagkilos ang mga mamamayan.
c. Tama, dahil sila ang nagplano kaya’t sila ang mas higit na nakaaalam kung ano ang
gagawin.
d. Mali, Dahil walang ginagawang programa ang pamahalaan para sa mahihirap.
Tandaan: Kailangang masagot ang katanungan, “Ipaliwanag ang dahilan
kung bakit may alam ang bawat isa tungkol sa uri ng hazard?” Maari din
tanungin ang guro sa pamamagitan ng pag text o pagbibigay mensahe sa
4:05-4:15 pamamagitan ng messenger

TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung nakuha ba ng mag-aaral ang tamang
konsepto ng aralin ( SUMMATIVE TEST ) Teachers made test.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang titk ng tamang sagot na
kukumpleto sa diwa ng araling tinalakay sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change na may kaugnayan


sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas?
A. Pagliit ng ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
B. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-
bagong panahon
C. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng
malalakas na bagyo
D. Pagkasira ng mga kabahayan dulot ng pagguho ng lupa
Tandaan: Muli ay gabayan ang mag-aaral habang sinasagutan ang
bahaging ito subalit napakahalaga na ang sagot ay magmumula mismo sa
sariling pag-iisip ng mag-aaral.
4:15-4:30

KARAGDAGANG GAWAIN
Performance Task ( Teacher Made Activity)

Be Ready! (Pagtutulungan at Pagkamalikhain)


Panuto: Gumawa ng advocacy campaign ukol sa kahandaan sa mga suliraning
pangkapaligiran na maaring maranasan. Maaring humingi ng tulong sa iyong
pamilya sa paggawa nito.
Ipahayag ito sa loob ng 3-5 pangungusap. Maging malikhain sa pagbuo nito at
gawin sa isang bondpaper.
TANDAAN MO:
Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at
may pagmamalaki. Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang
magsumikap sa susunod pang mga aralin.

MODE OF DELIVERY / PARAAN NG PAGSUSUMITE NG AWTPUT:


 Ang mga Magulang / Taga pangalaga ay ibibigay ang modyul at sagutang papel sa Gurong taga
payo/ Guro sa ibinigay na takdang araw at oras ng pagbabalik ng modyul.

Inihanda Ni : Binigyan Pansin Ni:

MA. CONCEPCION A. GUANSING ISABELITA S. CANOZA


A. P. TEACHER Assistant Principal II

You might also like