You are on page 1of 17

8

ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
San Francisco, Agusan del Sur

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Grade 8 Quarter 3

Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 8

Day and Time Learning Learning Tasks Time Mode of


Competency Allotment Delivery
8:30 – 9:30 Home Guidance Program (HGP)
9:30 – 10:00 RECESS
Ipasa o
Wednesday Nasusuri ang ipadala ang
PAUNANG PAGSUBOK
10:00 – 12:00 dahilan, 10 min. output sa
BALIK-ARAL
pangyayari at facebook
(Module epekto ng unang Messenger o
4,5,6) Yugto ng ARALIN: mga motibo at salik ng Group Chat
Kolonyalismo. eksplorasyon na gawa at
• Gawain1: Maglakbay tayo binigay ng
(Week 2-3) 10 min. Guro o mga
• Ang paghahanap ng Spices
• Limitadong Kaalaman ng mga iba pang
Europeo sa Asya paraan ng
pagpasa ng
inirekomenda
ng paaralan
o anumang
25 min. napili ng
guro para sa
Klase.
(Modular
Digitized)

Magulang
mismo ang
magbigay ng
25 min. output ng
PAGSASANAY anak sa Guro
Pagsasanay: Poster Slogan sa paaralan o
di kaya ay sa
barangay
distribution
area.
ISAISIP 10 min. (Modular
• Mga mahahalagang kaalaman Printed)
na dapat tandaan (p.6)

ISAGAWA
• Gawain 5: Iguhit Mo! (p.6)
30 min.
• Gawain 6: Pagbuo ng Katha!
(p.7)
(Gamitin ang Rubrik sa
Pamantayan ng Pagmamarka)

TAYAHIN
10 min.
• Pagtataya (1-10) (p.7-9)
12:00 – 1:00 LUNCH
Ipasa o
ALAMIN
1:00 – 3:00 Natataya ang ipadala ang
• Panimula (p.1)
kahalagahan ng 10 min. output sa
(Module 2) ekonomiks sa • Pamantayan sa pagkatuto facebook
pang-araw-araw • Mga Nilalaman (Paksa/Aralin) Messenger o
na pamumuhay ng Group Chat
bawat pamilya at na gawa at
ng lipunan. BALIKAN binigay ng
• Gawain 1: Isip-Isip! (p.2) Guro o mga
10 min.
(Week 2 – AP9 ) Pamprosesong Tanong (1-3) iba pang
paraan ng
pagpasa ng
inirekomenda
TUKLASIN ng paaralan o
• Gawain 2: Which is which? anumang
(p.2) napili ng guro
15 min.
Pamprosesong Tanong (1&2) para sa Klase.
(Modular
Digitized)

SURIIN
• Kahalagahan ng Ekonomiks
15 min. Magulang
(p.3)
mismo ang
Pamprosesong Tanong (1&2)
magbigay ng
output ng
PAGYAMANIN anak sa Guro
15 min. sa paaralan o
• Gawain 3: Word Web (p.4)
di kaya ay sa
barangay
ISAISIP 15 min. distribution
• Mga mahahalagang kaalaman area.
na dapat tandaan (p.4) (Modular
Printed)

ISAGAWA
• Gawain 3: Gamitin Mo! (p.5)
(Gamitin ang Rubrik bilang
gabay)
30 min.
• Gawain 4: Interview Portion
(p.5)
(Gamitin ang Rubrik bilang
gabay)

TAYAHIN 10 min.
• Pagtataya (1-10) (p.6-7)

3:00 - onwards FAMILY TIME

Prepared by:

NEPTHALY G. LAID JR.


RACHEL L. GILOS
FE A. FRANCONAS
RONALD B. DASMARINAS
RUBY ANN T. TEPOSO
DAPHNE ALTHEA A. APAT
Grade 9 A.P Teachers
PAUNANG PAGSUBOK

Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang Fact kung tama ang pahayag at Bluff kung
hindi batay sa mga salitang may salunnguhit.

1. Ang paggamit ng spices ay mahalaga sa mga Europeo dahil ginagamit nila ito bilang
pang-araw-araw na pagkain.
2. Gumamit ang mga manlalakbay at mandaragat na Europeo sa kanilang mga
eksplorasyon ng mga kagamitang makakatulong sa kanila upang tuntunin ang kanilang mga
destinasyon, ang mga sumusunod ay mga kagamitan sa paglalakbay tulad ng compass at
astrolabe.
3. Imperyalismo ang panghihimasok, pag-impluwensiya o pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
4. Ang Bullion ay tumutukoy sa Pilosopiya at Relihiyon.
5. Sina Marco Polo at Ibn Battuta ay dalawang manlalakbay na nagdagdag ng sa
limitadong kaalaman ng mga Kanluranin sa Asya dahil sa kanilang mga sinulat.

ARALIN

Aralin 1: Mga Motibo at Salik ng Eksplorasyon


Gawain 1: Maglakbay Tayo!

Sa isang kapirasong papel ay isulat ninyo ang mga lugar o bansa na inyo nang napuntahan at
nais pang puntahan.
Anu-anong mga lugar o bansa ang inyong napuntahan na at nais pang puntahan? Ano ang
mga pangunahin ninyong layunin sa pagpunta at pagnanais na mapuntahan ang mga lugar na
ito?

Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o ang panahon
ng pag-galugad ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay
nagbigay daan sa Kolonyalismo ay patakaran ng isang bansa ng pagpapalawak ng lupain sa
pamamagitan ng pananakop. Tatlong bagay (3 G’s) ang itinuturing na motibo para
sa kolonyalismong
eksplorasyon:1) paghahanap mg kayamanan (Gold); 2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God) at
3) paghahangad ng katanyagan at karangalan (Glory).
Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng imperyalismomg Kanluranin.
Ang Imperyalismo ay tumutukoy sa panghihimasok, pag-impluwensiya o pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa, Tuwiran man o Di-Tuwirang anyo ng
pananakop.

Ang Paghahanap ng Bagong Ruta ng Kalakalan-Pagsapit ng ika-14 na siglo ay sinakop


at kinontrol ng mga Turkong Muslim ang mga unang rutang pangkalakalan at ang mga
mangangalakal lamang na taga Venice, Pisa at Genoa dahil sa mataas na buwis na
ipinapataw ng mga Turko. Ang mga unang rutang pangkalakalan na ito ay ang:

Hilagang Ruta- ito ay nagsisimula sa Peking (China)


at babagtas sa disyerto ng Samarkand at Bokhara,
tinatawid ang Caspian Sea at Black Sea at nagtatapos sa
lungsod ng Constantinople
Panggitnang Ruta- Mula sa India ang mga kalakal
ay dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang
Ormuz sa Persian Gulf. Mula rito ang mga kalakal ay
inihahatid ng mga kamelyong bumabyahe patungo sa
mga lungsod ng Antioch, Aleppo at Damascus.
Timog na Ruta- Mula sa India, babagtasin ang
Indian Ocean, babaybayin ang Arabia tuloy sa Red Sea hanggang sa Cairo o
Alexandria sa Egypt.

Kayamanan- Dahil sa patakarang Merkantilsmo, ninais ng mga


bansang Kanluranin na magkaroon ng maraming bullion (ginto at
pilak). Hangad din nila ang mga produkto sa Asya tulad ng asukal, seda
at pampalasa.

Relihiyon-Simula ika-7 siglo ang mga Muslim ay nagkaroon ng kapangyarihan


sa Spain, Hilagang Africa at Silangang Mediterranean kaya naglunsad ang Portugal at
Spain ng Reconquista upang mabawi ang Iberian Peninsula mula sa mga Muslim.
Naglunsad din ng mga

Holy Land
Krusada simula ika-11 siglo upang mabawi ng mga Kristiyano sa Europe
ang Holy Land mula sa pananakop ng mga Muslim. Ninais din ng mga
Europeo na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga lupaing narating at
nasakop nila. Ito ang dahilan kung bakit may ipinapadalang mga
misyonero sa mga ekspidisyon.

Katanyagan- Malaki ang bahaging ginampanan ng Renaissance


dahil napukaw nito ang interes ng mga Europeo na tumuklas at
makarating sa mga bagong lupain. Dahil ang pananaw sa daigdig sa
panahon ng Renaissance ay humanistiko at hindi nakasentro sa Diyos,
nagkaroon ng tiwala sa kanyang sariling kakayahan ang mga tao. Ito
ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong patunayan
ang kanyang galing at kalaunan ay maghangad ng katanyagan at karangalan hindi
lamang sa sarili kundi sa bansang kinabibilangan.

Pag-unlad ng Teknolohiya- Ang pag-unlad sa paggawa ng mga sasakyang pandagat


tulad ng caravel ay lubhang nakatulong upang maisakatuparan ang paglalakbay sa
malalawak at hindi kabisadong karagatan. Ang mga instrumentong pangnabigasyon
tulad ng compass (tinuturo ang direksiyon) at astrolabe (nagtuturo ng tamang posisyon
at layo
ng barko mula ekwador sa pamamagitan lamang
ng pagtingin sa mga bituin, araw at buwan) ay
nakatulong sa mas madaling paglalayag.

PAGSASANAY

Poster Slogan
Panuto: Gumawa ng isang Poster Slogan na magpapaliwanag sa iyong pananaw o
saloobin sa mga naging motibo at salik ng eksplorasyon

PAGLALAHAT
Panuto: Story Pyramid (Unang Yugto ng Kolonyalismo)

Kahulugan ng Kolonyalismo

Dalawang Bansa na Nanguna sa Eksplorasyon

Tatlong Bagay na Motibo sa Kolonyalismong Eksplorasyon

Apat na Motibo o Salik ng


Eksplorasyon
Limang Europeo na Nanguna sa Eksplorasyon at Kanilang mga Kontribusyon

Panuto: Ilarawan ang Kolonyalismo sa pamamagitan ng paglikha ng sariling


kawikaan tungkol dito.
Hal. “Bansang sakdal liyag
Sinikil ng mga dayuhang huwad”
8
ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Piliin sa kahon
ang tamang sagot.

1. Ang mga bansa na nagpaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang ika-15 siglo.
2. Kasunduan na nilagdaan ng Portugal at Espanya na nagsasaad ng pagkilos ng line of demarcation
patungong pa-Kanluran at maglatag ng tuluyan nilang paghahati sa mga iba’t ibang lugar sa mundo
na di pa naabot ng eksplorasyon.
3. Pinasimulan niya ang pagtatayo ng paaralan para sa mga magiging mahusay na mandaragat sa
hinaharap at inanyayahan niya ang mga mahuhusay na tagagawa ng mapa, matematisyan, at
astronomero upang mag-aral ukol sa nabigasyon
4. Gumuhit ng Demarcation line na naghahati sa mga babsang sasakupin ng mga kanluranin
5. Isang Portuges na naglayag sa ngalan ng Espanya

Prinsipe Henry Britanya at Inglatera

Portugal at Espanya Ferdinand Magellan

Treaty of Tordesillas Papa Alexander VI

BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin ang salita na tinutukoy sa mga sumususunod na pangungusap. Bilugan ang tamang sagot

1. Patakaran ng isang bansa ng pagpapalawak ng lupain sa pamamagitan ng pananakop.


Imperyalismo Kolonyalismo

2. Aklat na isinulat ni Marco Polo na nagpabatid sa mga Europeong kaunlarang taglay ng China.
The Voyage of Marco Polo The Travels of Marco Polo

3. Sumakop at kumontrol sa mga Unang Rutang Pangkalakalan.

Turkong Muslim Pirata

4. Sasakyang pandagat na nagging gianmit ng mga kanluranin sa paglalakbay sa malawak na karagatan.


Caravel Balangay

5. Ito ang pagnanais na magkaroon ng maraming ginto at pilak.

Bullion Merkantilism

ARALIN
Aralin 2: Mga Europeong Nanguna sa Eksplorasyon
Gawain 2: Flag Identification

Kilalanin ang bansa base sa sumusunod na watawat

Sa inyong palagay, ano ang pagkakatulad ng mga bansang ito? 1


Sa ika-15 siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation-state na nagpaligsahan para sa kapangyarihan.
Ang paligsahang ito ay isa sa mga salik sa pagpapalawak ng teritoryo ng mga nation-state. Nanguna
sa eksplorasyon noong ika-15 siglo ang Portugal at Spain. Sinundan ito ng iba pang mga bansang
kanluranin tulad ng Netherlands, England at France.
Ang mga Portuguese
Ang Portugal ang kauna-unahang bansang kanluranin na nagkaroon ng
interes sa paggalugad sa karagatan ng Atalantic upang makahanap ng mga
spices at ginto. Si Prinsipe Henry ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng
mga nabigasyon sa pamamagitan ng pag-anyaya ng mga mahuhusay na
mandaragat, taga-gawa ng mapa, matematisyan at astrologo na mga-aaral ng
siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Dahil sa suportang ibinigay ni Prinsipe
Henry sa mga manlalakabay tinagurian siyang Ang Nabigador, at sa kanyang mga naitaguyod na
paglalakabay ay matagumpay na naratin ng mga Portuges ang Azores, isla ng Madeira at mga isla
ng Cape Verde.

Agosto 1487 natapuan Samantala noong taong


ni Bartholomeu Dias ang 1497 ay naglakbay ang
pinakatimog na bahagi ng apat na mga sasakyang
Africa na naging kilala sa pandagat mula Portugal
katawagang Cape of Good hanggang India ito ay
Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala pinamunuan ni Vasco de Gama. Ang nasabing
na maaaring makarating sa Silangang Asya sa ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope,
pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang
Samantala taong1947 ay naglakbay ang apat makipagkalakalan at matapos ang 10 buwan
sasakyang pandagat. ay narating ang Calicut, India.

2
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng
pagpapadala ng mga ekpidisyon ng Portugal at
Espanya ay humingi sila ng tulong kay Papa
Alexander VI upang mamagitan sa kanilang mga
paglalabanan. Sa pamamagitan ng Treaty of
Tordesillas noong 1493 ay gumuhit ng line of
demarcation ang Papa, isang di nakikitang linya
mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola
hanggang sa Timugang Pola.
Ibig sabihin ng linya ng demarkasyon, may
karapatan ang Spain sa mga teriryong
masasakop nito sa kanlurang bahagi ng daigdig Papa Alexander VI
samantalang ang Silangan ay sa Portugal.

Matapos ang paghahati ng mundo ay nasakop ng mga conquistador o mananakop na


Espanyol ang makapangyarihang imperyo ng Aztec (Mexico ngayon) noong 1519 sa pangunguna
ni Hernando Cortes at Inca (Peru ngayon) sa pangunguna naman ni Francisco Pizzaro taong 1532.
Noong 1519 ay nagpasimula din ng kanyang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang
Portuges na kawal na ang nagpondo ng kanyang paglalakbay ay ang
Espanya. Sa ilalim ng watawat ng Espanya ay nais niyang ipagpatuloy ang
paghahanap ng rutang pa-Kanluran tungo sa Silangan. Natagpuan niya
ang silangang baybayin ng Timog Amerika o ang bansang Brazil sa
kasalukuyan, isang makitid na daanan ng tubig na tinawag na Strait of
Magellan, pagpapangalan sa malaking karagatan na Karagatang Pasipiko,
at hanggang sa marating nila ang sa kasalukuyang bansa ng Pilipinas. Sa
haba ng kanilang paglalayag ay nakaranas ang ekspedisyon
ng mga maliliit na pagaalsa sa mga miyembro ng ekspedisyon, taggutom at pagkauhaw. Nguni’t
lahat nang ito’y nalagpasan nila sa pamamagitan ng
pagkatagpo sa malaking kayamanang ginto, panlasa at
pagkonberto sa maraming mga katutubo sa Katolisismo.
Ang nasabi ring ekspedisyon ay nagpakilala na maaring
ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating
pinanggalingang lugar ng ang sasakyang Victoria ay
makabalik sa Espanya kahit napatay na si Magellan ng
isang katutubong Cebuano na si Lapu-lapu. Ito ang
unang circumnavigation o pag- ikot sa mundo.
Itinama nito ang dating lumang
kaalaman ng mga taga-Europa na ang mundo ay patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pang
mga kalupaan sa Silangan at lalong nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan.

Ang Mga Dutch


Pagpasok ng ika-17 siglo, napalitaan ng mga Dutch ang mga Portuges bilang pangunahing
bansang kolonyal sa Asya. Itinatag ng Olandiya ang Dutch East Indies Company upang maging
daan sa pagpapalawak ng kanyang komersiyo sa Asya. Ang pinakapunong himpilan nito ay inilagay
sa Batavia, isla ng Java ng kasalukuyang bansa ng Indonesia Inagaw nila ang Moluccas sa Portugal
ay tuluyan na nitong nakontrol ang kalakalan sa Spice Island. Nagpatupad din ang mga Olandes ng
sistemang tinatawag na Sistemang Plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinatataniman ng mga
pananim na mabili sa pamilihan.
Noong 1621 sa tulong ng Ingles na nabigador na si Henry Hudson na
nasakop ang baybayin ng Atlantiko ng Hilagang Amerika. Napasok niya ang
New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland. Taong 1624,
isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon
na pinangalanang New Amsterdam na kilala ngayon bilang New York.

3
Ang Inglatera at Pransiya
Kung ikukumpara ibang mga bansa sa Kanluran hindi gaanong malaki ang naging
kontribusyon ng Pransiya at Inglatera sa unang bahagi ng eksplorasyon dahil sa kapwa kinaharap
nilang mga suliranin sa relihiyon at digmaang sibil.
Noong 1600, binigyan England ang English East India Company (EEIC) ng karapatang
makapagsulong ng interes na pangkalakalan. Binigyan ang EEIC ng monopolyo ng kalakalang
Inglatera sa East Eandies (tumutukoy sa pangkapuluang Timog Silangang Asya particular ang
arkipelagong Malay), gayundin sa Africa, Virginia at iba pang bahagi ng Africa. Ang unang
kolonyang English ay naitatag lamang Roanoke Island sa may silangang baybayin ng Amerika. Ika-
17 siglo, nakapagtatag naman sila ng kolonya sa Carribean at North America na magiging batayan
ng Imperyong British. Nakapagtatag din sila ng plantasyon ng tubo sa West Indies o ang
archipelago sa pagitan ng Timog Silangang bahagi ng North America at Hilagang bahagi ng South
America. Taong 1655 naagaw naman nila sa mga Espanyol ang Jamaica. Sa pagitan naman ng 1607-
1783, nagtatag ng kolonya sa dalampasigan ng atlantic Ocean sa North America ang mga English.
Ang unang kolonya ay ang Jamestown sa kasalukuyang estado ng Virginia sa United States.
Noong 1534, naabot ni Jaques Cartier ang St. Lawrence River na sa ngayon ay silangan
bahagi ng Canda at ipinasailalim sa France. Samantala, itinatag ni Samuel de Champlain noong
1608 ang Quebec bilang unang permanenteng kolonyang French. Noong 1673, naabot naman ni
Louis Jolliet at misyenerong Heswita na si Jacques Marquette ang Mississippi River at naglakbay
hanggang Arkansas River. Noong 1628, pinangunahan naman ni Rene-Robert Cavalier ang
ekspedisyon sa Mississippi hangang Gulf of Mexico. Ang lahat ng lupain dito ay inialay sa hari ng
France na si Louis XIV at tinawag itong Louisiana.

Jaques Cartier Samuel de Champlain Louis Jolliet Rene-Robert Cavalier Louis XIV

Gawain 1: WHO-LA-Who

Panuto: Hulaan ang tinutukoy na Europeong na nanguna sa eksplorasyon. Tukuyin ang kanilang
naging ambag.

RNADNEFIDAMLNALGAE

CODSGEAMAAB

EPESNIRPYRNEH

HUHEDSNRONY

MULOCSUBPOTHERRISHC

4
Panuto: Bilang Asyano, anong mga ambag ng mga Kanluranin ang malaki ang epekto sa iyo.
Ipaliwanag ang iyong sagot sa 5 pangungusap .

5
8
ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
PAUNANG PAGSUBOK
Lagyan ng kung tama ang ipinapahayag na epekto ng Kolonyalismong Kanluranin at X kung
mali.
1. Ang paglaganap ng sakit.
2. Naging sentro ng kalakalan ang Europa.

3. Slave Trade.

4. Ang daigdig ay hindi bilog at patag.

5. Pagkamatay ng marami dahil sa kakulangan ng nutrisyon.

BALIK-ARAL
Picture Call-Out

Panuto: Kilalanin kung sino ang inilalarawan sa bawat larawan.

1. 2.

Nadiskubre niya sa Isang Trade Outpost ang


kanyang paglalakabay itinatag niya sa rehiyon ang
cape of Good Hope ng New Amsterdam

3. 4.

Ang kaniyang paglalakbay Itinatag niya ang Quebec bilang ang


nagpatunay na unang kolonyang French
maaaring ikutin ang mundo
.

5. Narating niya ang Calicut India


sa kaniyang paglalakbay

1
ARALIN
Mga Epekto ng Eksplorasyon.

Nang magsimula ang panahon ng paggalugad noong ika-15 siglo marami itong naging epekto hindi
lamang sa mga bansang Europeo higit lalo sa mga bansang naging kolonya nito. Una, naging sentro ng
kalakalang pandaigdig ang Europa. Dahil sa pagdami ng salapi, lumawak ang kalakalan at namuhunan ang
mga negosyante sa malalaking negosyo. Ikalawa, Umunlad at naitama rin ang maraming kaalaman tungkol
Heograpiya. Halimbawa nito ay nang mapatunayan ng circumnavigation ni Magellan na lahat ng karagatan
sa daigdig ay magkakaugnay at ang ating planeta ay bilog at hindi patag. Ikatlo,Ang pagtaas ng populasyon
ng Europe ay isa rin sa pangmatagalang epekto ng eksplorasyon. Dahil sa unti-unting pagtaas ng produksiyon
ng pagkain sa pagpasok ng yaman sa Europe ay nabawasan ang bilang ng mga namamatay dahil sa sapat na
nutrisyon. Ikaapat,Ang paglaganap ng sakit. Ang mga barkong Europeo ay nagdala ng mga sakit gaya ng
yellow fever at malaria mula sa Africa tungo sa New World. Malaking bahagdan ng populasyon ng Amerika
ang namatay dahil sa mga sakit at digmaan laban sa mga Europeo. Ikalima, ang pandarayuhan dahil sa
ekplorasyon ay naging sanhi upang mabuo ang mga bagong nasyon na may iba’t-ibang uri ng lahi at kultura.

Ang Kalakalan ng Alipin (Slave Trade)


Ang pinakamalubhang epekto na marahil ng Eksplorasyon ay ang Kalakalan
ng Alipin. Naging malaking pangangailangan ng mga bansang Europeo ang mga
manggagawa sa kanilang mga plantasyon. Dahil sa kakulangan ng mga magtatanim
sa plantasyon ay naging kalakalan ang pakikipagpalitan ng mga produkto para sa mga
aliping itim na magtratrabaho sa mga taniman. Ginawang hanapbuhay ng mga
Europeo ang maghanap ng mga alipin sa Aprika maging gumamit man ng puwersa at
pangaabuso sa mga ito.
Napakahirap ng ginagawang paglalakbay ng mga alipin, Tight
Packing ang isinasagawang pagsakay ng mga alipin sa barko. Sa sistemang
ito, binibigyan ang alipin ng espasyo na kasya lamang sa kanya kung
nakahiga siya na parang fetus o gaya ng sanggol sa loob ng tiyan ng kanyang
ina. Sa ganitong sitwasyon marami ang namatay sa paglalakbay pa lamang.
Ang kalakalan ng alipin ay naging dahilan upang mabawasan ang
Tight Packing
populasyon sa Africa. Nasira
ang kultura ng Africa dahil sa pamamayani ng impluwensiya at sistemang Kanluranin. Ang mga ganitong
sitwasyon ay naging daan sa mga pag-aalsa ng malaking bilang ng mga aliping itim laban sa mga puting
nangabuso sa kanila.
Pagsapit ng 1807, ipinagbawal na ng mga English ang kalakalan ng alipin. Dahil sa Rebolusyong
Industriyal, ang interes ng mga Europeo sa Africa ay bilang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na
lamang.

2
3

You might also like