You are on page 1of 34

8

ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
San Francisco, Agusan del Sur

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Grade 8 Quarter 3

Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 8

Day and Time Learning Learning Tasks Time Mode of


Competency Allotment Delivery
8:30 – 9:30 Home Guidance Program (HGP)
9:30 – 10:00 RECESS
Ipasa o
Wednesday Nasusuri ang ipadala ang
PAUNANG PAGSUBOK
10:00 – 12:00 dahilan, 10 min. output sa
BALIK-ARAL
pangyayari at facebook
(Module epekto ng unang Messenger o
4,5,6) Yugto ng ARALIN: mga motibo at salik ng Group Chat
Kolonyalismo. eksplorasyon na gawa at
• Gawain1: Maglakbay tayo binigay ng
(Week 2-3) 10 min. Guro o mga
• Ang paghahanap ng Spices
• Limitadong Kaalaman ng mga iba pang
Europeo sa Asya paraan ng
pagpasa ng
inirekomenda
ng paaralan
o anumang
25 min. napili ng
guro para sa
Klase.
(Modular
Digitized)

Magulang
mismo ang
magbigay ng
25 min. output ng
PAGSASANAY anak sa Guro
Pagsasanay: Poster Slogan sa paaralan o
di kaya ay sa
barangay
distribution
area.
ISAISIP 10 min. (Modular
• Mga mahahalagang kaalaman Printed)
na dapat tandaan (p.6)

ISAGAWA
• Gawain 5: Iguhit Mo! (p.6)
30 min.
• Gawain 6: Pagbuo ng Katha!
(p.7)
(Gamitin ang Rubrik sa
Pamantayan ng Pagmamarka)

TAYAHIN
10 min.
• Pagtataya (1-10) (p.7-9)
12:00 – 1:00 LUNCH
Ipasa o
ALAMIN
1:00 – 3:00 Natataya ang ipadala ang
• Panimula (p.1)
kahalagahan ng 10 min. output sa
(Module 2) ekonomiks sa • Pamantayan sa pagkatuto facebook
pang-araw-araw • Mga Nilalaman (Paksa/Aralin) Messenger o
na pamumuhay ng Group Chat
bawat pamilya at na gawa at
ng lipunan. BALIKAN binigay ng
• Gawain 1: Isip-Isip! (p.2) Guro o mga
10 min.
(Week 2 – AP9 ) Pamprosesong Tanong (1-3) iba pang
paraan ng
pagpasa ng
inirekomenda
TUKLASIN ng paaralan o
• Gawain 2: Which is which? anumang
(p.2) napili ng guro
15 min.
Pamprosesong Tanong (1&2) para sa Klase.
(Modular
Digitized)

SURIIN
• Kahalagahan ng Ekonomiks
15 min. Magulang
(p.3)
mismo ang
Pamprosesong Tanong (1&2)
magbigay ng
output ng
PAGYAMANIN anak sa Guro
15 min. sa paaralan o
• Gawain 3: Word Web (p.4)
di kaya ay sa
barangay
ISAISIP 15 min. distribution
• Mga mahahalagang kaalaman area.
na dapat tandaan (p.4) (Modular
Printed)

ISAGAWA
• Gawain 3: Gamitin Mo! (p.5)
(Gamitin ang Rubrik bilang
gabay)
30 min.
• Gawain 4: Interview Portion
(p.5)
(Gamitin ang Rubrik bilang
gabay)

TAYAHIN 10 min.
• Pagtataya (1-10) (p.6-7)

3:00 - onwards FAMILY TIME

Prepared by:

NEPTHALY G. LAID JR.


RACHEL L. GILOS
FE A. FRANCONAS
RONALD B. DASMARINAS
RUBY ANN T. TEPOSO
DAPHNE ALTHEA A. APAT
Grade 9 A.P Teachers
PAUNANG PAGSUBOK

Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang Fact kung tama ang pahayag at Bluff kung
hindi batay sa mga salitang may salunnguhit.

1. Ang paggamit ng spices ay mahalaga sa mga Europeo dahil ginagamit nila ito bilang
pang-araw-araw na pagkain.
2. Gumamit ang mga manlalakbay at mandaragat na Europeo sa kanilang mga
eksplorasyon ng mga kagamitang makakatulong sa kanila upang tuntunin ang kanilang mga
destinasyon, ang mga sumusunod ay mga kagamitan sa paglalakbay tulad ng compass at
astrolabe.
3. Imperyalismo ang panghihimasok, pag-impluwensiya o pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
4. Ang Bullion ay tumutukoy sa Pilosopiya at Relihiyon.
5. Sina Marco Polo at Ibn Battuta ay dalawang manlalakbay na nagdagdag ng sa
limitadong kaalaman ng mga Kanluranin sa Asya dahil sa kanilang mga sinulat.

ARALIN

Aralin 1: Mga Motibo at Salik ng Eksplorasyon


Gawain 1: Maglakbay Tayo!

Sa isang kapirasong papel ay isulat ninyo ang mga lugar o bansa na inyo nang napuntahan at
nais pang puntahan.
Anu-anong mga lugar o bansa ang inyong napuntahan na at nais pang puntahan? Ano ang
mga pangunahin ninyong layunin sa pagpunta at pagnanais na mapuntahan ang mga lugar na
ito?

Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o ang panahon
ng pag-galugad ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay
nagbigay daan sa Kolonyalismo ay patakaran ng isang bansa ng pagpapalawak ng lupain sa
pamamagitan ng pananakop. Tatlong bagay (3 G’s) ang itinuturing na motibo para
sa kolonyalismong
eksplorasyon:1) paghahanap mg kayamanan (Gold); 2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God) at
3) paghahangad ng katanyagan at karangalan (Glory).
Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng imperyalismomg Kanluranin.
Ang Imperyalismo ay tumutukoy sa panghihimasok, pag-impluwensiya o pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa, Tuwiran man o Di-Tuwirang anyo ng
pananakop.

Ang Paghahanap ng Bagong Ruta ng Kalakalan-Pagsapit ng ika-14 na siglo ay sinakop


at kinontrol ng mga Turkong Muslim ang mga unang rutang pangkalakalan at ang mga
mangangalakal lamang na taga Venice, Pisa at Genoa dahil sa mataas na buwis na
ipinapataw ng mga Turko. Ang mga unang rutang pangkalakalan na ito ay ang:

Hilagang Ruta- ito ay nagsisimula sa Peking (China)


at babagtas sa disyerto ng Samarkand at Bokhara,
tinatawid ang Caspian Sea at Black Sea at nagtatapos sa
lungsod ng Constantinople
Panggitnang Ruta- Mula sa India ang mga kalakal
ay dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang
Ormuz sa Persian Gulf. Mula rito ang mga kalakal ay
inihahatid ng mga kamelyong bumabyahe patungo sa
mga lungsod ng Antioch, Aleppo at Damascus.
Timog na Ruta- Mula sa India, babagtasin ang
Indian Ocean, babaybayin ang Arabia tuloy sa Red Sea hanggang sa Cairo o
Alexandria sa Egypt.

Kayamanan- Dahil sa patakarang Merkantilsmo, ninais ng mga


bansang Kanluranin na magkaroon ng maraming bullion (ginto at
pilak). Hangad din nila ang mga produkto sa Asya tulad ng asukal, seda
at pampalasa.

Relihiyon-Simula ika-7 siglo ang mga Muslim ay nagkaroon ng kapangyarihan


sa Spain, Hilagang Africa at Silangang Mediterranean kaya naglunsad ang Portugal at
Spain ng Reconquista upang mabawi ang Iberian Peninsula mula sa mga Muslim.
Naglunsad din ng mga

Holy Land
Krusada simula ika-11 siglo upang mabawi ng mga Kristiyano sa Europe
ang Holy Land mula sa pananakop ng mga Muslim. Ninais din ng mga
Europeo na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga lupaing narating at
nasakop nila. Ito ang dahilan kung bakit may ipinapadalang mga
misyonero sa mga ekspidisyon.

Katanyagan- Malaki ang bahaging ginampanan ng Renaissance


dahil napukaw nito ang interes ng mga Europeo na tumuklas at
makarating sa mga bagong lupain. Dahil ang pananaw sa daigdig sa
panahon ng Renaissance ay humanistiko at hindi nakasentro sa Diyos,
nagkaroon ng tiwala sa kanyang sariling kakayahan ang mga tao. Ito
ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong patunayan
ang kanyang galing at kalaunan ay maghangad ng katanyagan at karangalan hindi
lamang sa sarili kundi sa bansang kinabibilangan.

Pag-unlad ng Teknolohiya- Ang pag-unlad sa paggawa ng mga sasakyang pandagat


tulad ng caravel ay lubhang nakatulong upang maisakatuparan ang paglalakbay sa
malalawak at hindi kabisadong karagatan. Ang mga instrumentong pangnabigasyon
tulad ng compass (tinuturo ang direksiyon) at astrolabe (nagtuturo ng tamang posisyon
at layo
ng barko mula ekwador sa pamamagitan lamang
ng pagtingin sa mga bituin, araw at buwan) ay
nakatulong sa mas madaling paglalayag.

PAGSASANAY

Poster Slogan
Panuto: Gumawa ng isang Poster Slogan na magpapaliwanag sa iyong pananaw o
saloobin sa mga naging motibo at salik ng eksplorasyon

PAGLALAHAT
Panuto: Story Pyramid (Unang Yugto ng Kolonyalismo)

Kahulugan ng Kolonyalismo

Dalawang Bansa na Nanguna sa Eksplorasyon

Tatlong Bagay na Motibo sa Kolonyalismong Eksplorasyon

Apat na Motibo o Salik ng


Eksplorasyon
Limang Europeo na Nanguna sa Eksplorasyon at Kanilang mga Kontribusyon

Panuto: Ilarawan ang Kolonyalismo sa pamamagitan ng paglikha ng sariling


kawikaan tungkol dito.
Hal. “Bansang sakdal liyag
Sinikil ng mga dayuhang huwad”
8
ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Piliin sa kahon
ang tamang sagot.

1. Ang mga bansa na nagpaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang ika-15 siglo.
2. Kasunduan na nilagdaan ng Portugal at Espanya na nagsasaad ng pagkilos ng line of demarcation
patungong pa-Kanluran at maglatag ng tuluyan nilang paghahati sa mga iba’t ibang lugar sa mundo
na di pa naabot ng eksplorasyon.
3. Pinasimulan niya ang pagtatayo ng paaralan para sa mga magiging mahusay na mandaragat sa
hinaharap at inanyayahan niya ang mga mahuhusay na tagagawa ng mapa, matematisyan, at
astronomero upang mag-aral ukol sa nabigasyon
4. Gumuhit ng Demarcation line na naghahati sa mga babsang sasakupin ng mga kanluranin
5. Isang Portuges na naglayag sa ngalan ng Espanya

Prinsipe Henry Britanya at Inglatera

Portugal at Espanya Ferdinand Magellan

Treaty of Tordesillas Papa Alexander VI

BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin ang salita na tinutukoy sa mga sumususunod na pangungusap. Bilugan ang tamang sagot

1. Patakaran ng isang bansa ng pagpapalawak ng lupain sa pamamagitan ng pananakop.


Imperyalismo Kolonyalismo

2. Aklat na isinulat ni Marco Polo na nagpabatid sa mga Europeong kaunlarang taglay ng China.
The Voyage of Marco Polo The Travels of Marco Polo

3. Sumakop at kumontrol sa mga Unang Rutang Pangkalakalan.

Turkong Muslim Pirata

4. Sasakyang pandagat na nagging gianmit ng mga kanluranin sa paglalakbay sa malawak na karagatan.


Caravel Balangay

5. Ito ang pagnanais na magkaroon ng maraming ginto at pilak.

Bullion Merkantilism

ARALIN
Aralin 2: Mga Europeong Nanguna sa Eksplorasyon
Gawain 2: Flag Identification

Kilalanin ang bansa base sa sumusunod na watawat

Sa inyong palagay, ano ang pagkakatulad ng mga bansang ito? 1


Sa ika-15 siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation-state na nagpaligsahan para sa kapangyarihan.
Ang paligsahang ito ay isa sa mga salik sa pagpapalawak ng teritoryo ng mga nation-state. Nanguna
sa eksplorasyon noong ika-15 siglo ang Portugal at Spain. Sinundan ito ng iba pang mga bansang
kanluranin tulad ng Netherlands, England at France.
Ang mga Portuguese
Ang Portugal ang kauna-unahang bansang kanluranin na nagkaroon ng
interes sa paggalugad sa karagatan ng Atalantic upang makahanap ng mga
spices at ginto. Si Prinsipe Henry ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng
mga nabigasyon sa pamamagitan ng pag-anyaya ng mga mahuhusay na
mandaragat, taga-gawa ng mapa, matematisyan at astrologo na mga-aaral ng
siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Dahil sa suportang ibinigay ni Prinsipe
Henry sa mga manlalakabay tinagurian siyang Ang Nabigador, at sa kanyang mga naitaguyod na
paglalakabay ay matagumpay na naratin ng mga Portuges ang Azores, isla ng Madeira at mga isla
ng Cape Verde.

Agosto 1487 natapuan Samantala noong taong


ni Bartholomeu Dias ang 1497 ay naglakbay ang
pinakatimog na bahagi ng apat na mga sasakyang
Africa na naging kilala sa pandagat mula Portugal
katawagang Cape of Good hanggang India ito ay
Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala pinamunuan ni Vasco de Gama. Ang nasabing
na maaaring makarating sa Silangang Asya sa ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope,
pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang
Samantala taong1947 ay naglakbay ang apat makipagkalakalan at matapos ang 10 buwan
sasakyang pandagat. ay narating ang Calicut, India.

2
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng
pagpapadala ng mga ekpidisyon ng Portugal at
Espanya ay humingi sila ng tulong kay Papa
Alexander VI upang mamagitan sa kanilang mga
paglalabanan. Sa pamamagitan ng Treaty of
Tordesillas noong 1493 ay gumuhit ng line of
demarcation ang Papa, isang di nakikitang linya
mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola
hanggang sa Timugang Pola.
Ibig sabihin ng linya ng demarkasyon, may
karapatan ang Spain sa mga teriryong
masasakop nito sa kanlurang bahagi ng daigdig Papa Alexander VI
samantalang ang Silangan ay sa Portugal.

Matapos ang paghahati ng mundo ay nasakop ng mga conquistador o mananakop na


Espanyol ang makapangyarihang imperyo ng Aztec (Mexico ngayon) noong 1519 sa pangunguna
ni Hernando Cortes at Inca (Peru ngayon) sa pangunguna naman ni Francisco Pizzaro taong 1532.
Noong 1519 ay nagpasimula din ng kanyang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang
Portuges na kawal na ang nagpondo ng kanyang paglalakbay ay ang
Espanya. Sa ilalim ng watawat ng Espanya ay nais niyang ipagpatuloy ang
paghahanap ng rutang pa-Kanluran tungo sa Silangan. Natagpuan niya
ang silangang baybayin ng Timog Amerika o ang bansang Brazil sa
kasalukuyan, isang makitid na daanan ng tubig na tinawag na Strait of
Magellan, pagpapangalan sa malaking karagatan na Karagatang Pasipiko,
at hanggang sa marating nila ang sa kasalukuyang bansa ng Pilipinas. Sa
haba ng kanilang paglalayag ay nakaranas ang ekspedisyon
ng mga maliliit na pagaalsa sa mga miyembro ng ekspedisyon, taggutom at pagkauhaw. Nguni’t
lahat nang ito’y nalagpasan nila sa pamamagitan ng
pagkatagpo sa malaking kayamanang ginto, panlasa at
pagkonberto sa maraming mga katutubo sa Katolisismo.
Ang nasabi ring ekspedisyon ay nagpakilala na maaring
ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating
pinanggalingang lugar ng ang sasakyang Victoria ay
makabalik sa Espanya kahit napatay na si Magellan ng
isang katutubong Cebuano na si Lapu-lapu. Ito ang
unang circumnavigation o pag- ikot sa mundo.
Itinama nito ang dating lumang
kaalaman ng mga taga-Europa na ang mundo ay patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pang
mga kalupaan sa Silangan at lalong nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan.

Ang Mga Dutch


Pagpasok ng ika-17 siglo, napalitaan ng mga Dutch ang mga Portuges bilang pangunahing
bansang kolonyal sa Asya. Itinatag ng Olandiya ang Dutch East Indies Company upang maging
daan sa pagpapalawak ng kanyang komersiyo sa Asya. Ang pinakapunong himpilan nito ay inilagay
sa Batavia, isla ng Java ng kasalukuyang bansa ng Indonesia Inagaw nila ang Moluccas sa Portugal
ay tuluyan na nitong nakontrol ang kalakalan sa Spice Island. Nagpatupad din ang mga Olandes ng
sistemang tinatawag na Sistemang Plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinatataniman ng mga
pananim na mabili sa pamilihan.
Noong 1621 sa tulong ng Ingles na nabigador na si Henry Hudson na
nasakop ang baybayin ng Atlantiko ng Hilagang Amerika. Napasok niya ang
New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland. Taong 1624,
isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon
na pinangalanang New Amsterdam na kilala ngayon bilang New York.

3
Ang Inglatera at Pransiya
Kung ikukumpara ibang mga bansa sa Kanluran hindi gaanong malaki ang naging
kontribusyon ng Pransiya at Inglatera sa unang bahagi ng eksplorasyon dahil sa kapwa kinaharap
nilang mga suliranin sa relihiyon at digmaang sibil.
Noong 1600, binigyan England ang English East India Company (EEIC) ng karapatang
makapagsulong ng interes na pangkalakalan. Binigyan ang EEIC ng monopolyo ng kalakalang
Inglatera sa East Eandies (tumutukoy sa pangkapuluang Timog Silangang Asya particular ang
arkipelagong Malay), gayundin sa Africa, Virginia at iba pang bahagi ng Africa. Ang unang
kolonyang English ay naitatag lamang Roanoke Island sa may silangang baybayin ng Amerika. Ika-
17 siglo, nakapagtatag naman sila ng kolonya sa Carribean at North America na magiging batayan
ng Imperyong British. Nakapagtatag din sila ng plantasyon ng tubo sa West Indies o ang
archipelago sa pagitan ng Timog Silangang bahagi ng North America at Hilagang bahagi ng South
America. Taong 1655 naagaw naman nila sa mga Espanyol ang Jamaica. Sa pagitan naman ng 1607-
1783, nagtatag ng kolonya sa dalampasigan ng atlantic Ocean sa North America ang mga English.
Ang unang kolonya ay ang Jamestown sa kasalukuyang estado ng Virginia sa United States.
Noong 1534, naabot ni Jaques Cartier ang St. Lawrence River na sa ngayon ay silangan
bahagi ng Canda at ipinasailalim sa France. Samantala, itinatag ni Samuel de Champlain noong
1608 ang Quebec bilang unang permanenteng kolonyang French. Noong 1673, naabot naman ni
Louis Jolliet at misyenerong Heswita na si Jacques Marquette ang Mississippi River at naglakbay
hanggang Arkansas River. Noong 1628, pinangunahan naman ni Rene-Robert Cavalier ang
ekspedisyon sa Mississippi hangang Gulf of Mexico. Ang lahat ng lupain dito ay inialay sa hari ng
France na si Louis XIV at tinawag itong Louisiana.

Jaques Cartier Samuel de Champlain Louis Jolliet Rene-Robert Cavalier Louis XIV

Gawain 1: WHO-LA-Who

Panuto: Hulaan ang tinutukoy na Europeong na nanguna sa eksplorasyon. Tukuyin ang kanilang
naging ambag.

RNADNEFIDAMLNALGAE

CODSGEAMAAB

EPESNIRPYRNEH

HUHEDSNRONY

MULOCSUBPOTHERRISHC

4
Panuto: Bilang Asyano, anong mga ambag ng mga Kanluranin ang malaki ang epekto sa iyo.
Ipaliwanag ang iyong sagot sa 5 pangungusap .

5
8
ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
PAUNANG PAGSUBOK
Lagyan ng kung tama ang ipinapahayag na epekto ng Kolonyalismong Kanluranin at X kung
mali.
1. Ang paglaganap ng sakit.
2. Naging sentro ng kalakalan ang Europa.

3. Slave Trade.

4. Ang daigdig ay hindi bilog at patag.

5. Pagkamatay ng marami dahil sa kakulangan ng nutrisyon.

BALIK-ARAL
Picture Call-Out

Panuto: Kilalanin kung sino ang inilalarawan sa bawat larawan.

1. 2.

Nadiskubre niya sa Isang Trade Outpost ang


kanyang paglalakabay itinatag niya sa rehiyon ang
cape of Good Hope ng New Amsterdam

3. 4.

Ang kaniyang paglalakbay Itinatag niya ang Quebec bilang ang


nagpatunay na unang kolonyang French
maaaring ikutin ang mundo
.

5. Narating niya ang Calicut India


sa kaniyang paglalakbay

1
ARALIN
Mga Epekto ng Eksplorasyon.

Nang magsimula ang panahon ng paggalugad noong ika-15 siglo marami itong naging epekto hindi
lamang sa mga bansang Europeo higit lalo sa mga bansang naging kolonya nito. Una, naging sentro ng
kalakalang pandaigdig ang Europa. Dahil sa pagdami ng salapi, lumawak ang kalakalan at namuhunan ang
mga negosyante sa malalaking negosyo. Ikalawa, Umunlad at naitama rin ang maraming kaalaman tungkol
Heograpiya. Halimbawa nito ay nang mapatunayan ng circumnavigation ni Magellan na lahat ng karagatan
sa daigdig ay magkakaugnay at ang ating planeta ay bilog at hindi patag. Ikatlo,Ang pagtaas ng populasyon
ng Europe ay isa rin sa pangmatagalang epekto ng eksplorasyon. Dahil sa unti-unting pagtaas ng produksiyon
ng pagkain sa pagpasok ng yaman sa Europe ay nabawasan ang bilang ng mga namamatay dahil sa sapat na
nutrisyon. Ikaapat,Ang paglaganap ng sakit. Ang mga barkong Europeo ay nagdala ng mga sakit gaya ng
yellow fever at malaria mula sa Africa tungo sa New World. Malaking bahagdan ng populasyon ng Amerika
ang namatay dahil sa mga sakit at digmaan laban sa mga Europeo. Ikalima, ang pandarayuhan dahil sa
ekplorasyon ay naging sanhi upang mabuo ang mga bagong nasyon na may iba’t-ibang uri ng lahi at kultura.

Ang Kalakalan ng Alipin (Slave Trade)


Ang pinakamalubhang epekto na marahil ng Eksplorasyon ay ang Kalakalan
ng Alipin. Naging malaking pangangailangan ng mga bansang Europeo ang mga
manggagawa sa kanilang mga plantasyon. Dahil sa kakulangan ng mga magtatanim
sa plantasyon ay naging kalakalan ang pakikipagpalitan ng mga produkto para sa mga
aliping itim na magtratrabaho sa mga taniman. Ginawang hanapbuhay ng mga
Europeo ang maghanap ng mga alipin sa Aprika maging gumamit man ng puwersa at
pangaabuso sa mga ito.
Napakahirap ng ginagawang paglalakbay ng mga alipin, Tight
Packing ang isinasagawang pagsakay ng mga alipin sa barko. Sa sistemang
ito, binibigyan ang alipin ng espasyo na kasya lamang sa kanya kung
nakahiga siya na parang fetus o gaya ng sanggol sa loob ng tiyan ng kanyang
ina. Sa ganitong sitwasyon marami ang namatay sa paglalakbay pa lamang.
Ang kalakalan ng alipin ay naging dahilan upang mabawasan ang
Tight Packing
populasyon sa Africa. Nasira
ang kultura ng Africa dahil sa pamamayani ng impluwensiya at sistemang Kanluranin. Ang mga ganitong
sitwasyon ay naging daan sa mga pag-aalsa ng malaking bilang ng mga aliping itim laban sa mga puting
nangabuso sa kanila.
Pagsapit ng 1807, ipinagbawal na ng mga English ang kalakalan ng alipin. Dahil sa Rebolusyong
Industriyal, ang interes ng mga Europeo sa Africa ay bilang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na
lamang.

2
3
8
ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 7
Dahilan at Kaganapan sa panahong Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment and Industriyal
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
Grade 8 Quarter 3
Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 8 ( Kasaysayan ng Daigdig )
Topic: Module 7: Dahilan at Kaganapan sa Panahong Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal
Module 8: Kontribusyon ng mga Personalidad sa Ibat-ibang Larangan sa Panahon ng Enlightenment, Rebolusyong
Siyentipiko at Industriyal.
Day and Learning Learning Task Time Mode of
Time Competency Allotment Delivery
8:30 – 9:30 Home Guidance Program (HGP)
9:30 – 10:00 RECESS
Ipasa o
Wednesda *Nasusuri ang ALAMIN 10 min. ipadala ang
y 10:00 – dahilan, *Sa araling ito, tuklasin at alamin ang mga bagong output sa
12:00 kaganapan at kaisipan at imbesiyon sa Rebolusyong Siyentipiko, facebook
epekto ng Enlightenemnt at Industriyal. Messenger o
Rebolusyong 20 min. Group Chat
Siyentipiko, na gawa at
(Module 6) Enlightenment Paunang Pagsubok 20 min. binigay ng
at Industriyal Panimulang Pasulit Guro o mga
Aralin iba pang
For STE paraan ng
(Module 7)
Schedule Dahilan at Kaganapan sa Panahong Rebolusyong Siyentipiko, pagpasa ng
Wednesday Enlightenment at Industriyal. inirekomenda
1:00-5:00 ng paaralan
Afternoon (Module 8) 50
Kontribusyon ng mga Personalidadd sa Iba’t ibang min. o anumang
Larangan sa Panahon ng Enlightenment, Rebolusyong napili ng
Siyentipiko at Industriyal. guro para sa
Klase.
(Modular
LUNCH Digitized)
Mga Pagsasanay
M-7 =Gawain 1 at Gawain 2 25
M-8 = Gawain 1 , Gawain 2 at Gawain 3 (Sanhi at Bunga min.
o Bunga o Sanhi) Magulang
12:00- mismo ang
1:00 Paglalahat
15 magbigay ng
M-7= Tapusin ang Pangungusap
min. output ng
M-8= Exit Card
anak sa
1:00-3:00 Guro sa
paaralan o
di kaya ay
10min. sa barangay
distribution
area.
(Modular
Printed)
KARAGDAGANG GAWAIN 50 min.
• Summative Test 20 items)
3:00
FAMILY TIME
onwards
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang mga katanungan . Isulat ang Titik ng tamang
sagot.
1. Tinatawag itong Panahon ng Kaliwanagan.
A. Ebolusyon B.Natural Law C. Repormasyon D.Enlightenment
2. Panahon kung saan ang mga tao ay nagsimula nang gumamit ng makabagong
kagamitan sa kanilang produksyon.
A. Rebolusyong Industriyal B. Rebolusyong Siyentipiko
C. Panahong Enlightenment D. Panahon ng Bagong Bato
3. Kagamitang naimbento na naging daan para madagdagan ang supply ng enerhiya sa
mga pabrika
A. Steam Engine B. Flying Shuttle C. Telegraph D. Morse Code
4. Grupo ng mga intelektwal na humihikayat sa paggamit ng katwiran
A. Ether B. Philosophe C. Scentia D. Geologist
5. Paniniwalang ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang ibang mga heavenly bodies
ay umiikot dito sa pabilog na pagkilos .
A. Geocentric View B. Heliocentric View C. Social Contact D. Scientia
BALIK-ARAL
PANUTO: Isulat sa loob ng kahon ang mga epekto ng unang yugto ng kolonyalismo.

Epekto ng Unang Yugto ng Koloyalismo

ARALIN 1

Rebolusyong Siyentipiko: Ang agham ay hindi lamang naimbento sa panahon ng


Rebolusyong Siyentipiko, ito ay matagal ng ginagamit ng mga Greek bilang “Scientia”na
ang kahulugan ay “kaalaman”. Ika-16 at ika-17 na siglo ay ang hudyat sa pagpasok ng
Rebolusyong Siyentipiko. Simula rin ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasasid sa sansinukob. Ang bagong ideyang
siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at
paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensya ng simbahan sa pamumuhay at
kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglathala ng mga bagong
tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong siyensiya”. Malaking tulong ang panahon
ng katwiran (age of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na
ideya at nabigyan ng bagong paglalarawan at katuturan ang lipunan.
Bagong Kaalaman (Rebolusyong Siyentipiko)

Geocentric View (Ptolemy Ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang


ibang mga heavenly body ay umiikot dito sa
pabilog na pagkilos
Heliocentric View (Nicolaus Copernicus) Hindi ang daigdig ang sentro ng kalawakan
kundi ang araw at ang daigdig ay umiikot sa
paligid nito
Inductive Method (Francis Bacon) Obserbasyon sa kalikasan at pagsasagawa ng
eksperimentasyon na ang layunin ay makabuo
ng pangkalahatang paliwanag o
makatotohanang pangungusap
Deductive Method Isang pangkalahatang paliwanag o
makatotohanang pangungusap patutunayan
ang isang hypothesis.

Panahon ng Enlightenment: Panahong tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europa


noong ika-18 na siglo, maari ding sabihing ito ay isang Kilusang Intelektwal. Tinatawag din itong
“Panahon ng Kaliwanagan.” Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon
ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katwiran at pamamayani ng
pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang mga
modernong ideya upang magsilbing pundasyon at mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng
pangkabuhayan, pampulitika, pangrelihiyon, edukasyon at sa sining. Ang mga intelektwal na ito ay
nakilala bilang mga “philosophe” o pangkat ng intelektwal na humihikayat sa paggamit ng katwiran,
kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang
kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa lipunan.

Bagong Pananaw (Panahon ng Enlightenment)

Natural Law (Thomas Hobbes) Paniniwala na ang absolutong monarkiya ang


pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
Meteorological Climate Theory (Baron de Paniniwalang klima at pagkakataon ang
Montesquieu) nagtatakda ng anyo ng
pamahalaan.

Rebolusyong Industriyal: Naganap ang malaking pagbababago sa aspektong agrikultura at


industriya sa mga bansa sa Europe at America noong taong 1700 at 1800. Ang transpormasyong
ito ay tinawag na Rebolusyong Industriyal, inuugnay sa kaganapang panlipunan at pang
ekonomiya na humantong sa pagbabago mula lipunang agrikultural at komersyo tungo sa
modernong lipunang industriyal. Panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula ng gumamit
ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya na nagbigay ng malaking produksyon sa
bansa, karagdagan kita at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto.

Bagong Tuklas (Rebolusyong Industriyal)

Steam Engine (James Watt) Makinang ginamit upang madagdagan ang


supply ng enerhiya sa mga pabrika
Cotton Gin (Eli Whitley) Ginamit para sa madaliang paghihiwalay ng
buto ng bulak sa hibla nito
Flying Shuttle (John Kay) Nagpapabilis sa pag-rolyo ng sinulid
Power Loom (Edmund Cartwright Nagpapabilis sa pagtaas ng produksyon
Water Frame Paggamit ng tubig upang mapabilis ang
paggawa ng tela
Telegraph (Samuel F.B. Morse) Nagpaunlad sa sistema ng komunikasyon
PAGSASANAY

GAWAIN 1: Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy ang tamang sagot
_____________1. Uring manggagawa (RIATLETAROP)
_____________2. Makinaryang nagpabilis ng produksyon (REPOW LOMO)
_____________3. Transpormasyon o malaking pagbababago sa aspektong agrikultura sa
Europe at America. (BOLUSNGOYER DUSTRINLAY)
_____________4. Paniniwalang pinakamahusay na uri ng pamahalaan ay ang absolutong
Monarkiya. (LARUTAN AWL)
_____________5. Gamit na nagpaunlad sa sistema ng komunikasyon (ELETGARHP)

GAWAIN 2: Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at kung mali ay
palitan ng tamang sagot ang salitang may salungguhit upang maitama ang pangungusap.
_________1. Ang Enlightenment ay tinatawag din kaguluhan.
__________2. Ang ether ay tinuturing na gitnang uri.
__________3. Ginamit ang telegrapo upang mapabilis ang komunikasyon.
__________4. Ang Heliocentric View ay paglalarawan kung saan ang araw ang sentro at
hindi ang dagdig.
__________5. Ang mga Kanluranin ay nagpatuloy sa pananakop upang matugunan ang
pangangailangan sa hilaw na sangkap.
__________6. Philosophe ang tawag sa panlipunan uring manggagawa.
__________7. Sa Rebolusyong Industriyal umusbong ang paggamit ng mga makinarya.
__________8. Sa pamamagitan ng Flying Jet ay napabilis ang pag rolyo ngsinulid.
__________9. Sa pagawaan ang mga lalaki lamang ang maaring magtrabaho.
__________10. Ang Geocentric View ay nagsasabing ang daigdig ang sentro ng kalawakan

PAGLALAHAT
Tapusin ang pangungusap.
Ang pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal ay bunga
ng____________________. Maraming pagbabago ang naganap sa panahong ito tulad ng
________________________________. Marapat na ang mga pagbabagong ito ay ipagpatuloy
sapagkat ___________________ .

PAGPAPAHALAGA

Kung bibigyan ka ng pagkakataon at suporta ng gobyerno, sa anong larangan ka tutuklas


ng bagong kagamitan o bagong kaalaman? Bakit?
8
ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 8
Kontribusyon ng mga Personalidad sa iba’t ibang
Larangan sa Panahon ng Enlightenment,
Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang titik
ng pinakatamang sagot.

_____ 1. Kinikilala bilang “Ama ng Kemistri”.


A. Hugo de Vries C. Marie Curie B. Charles Darwin D. Antoine Lavoisier
_____2. Aklat na tumatalakay sa mga katangian ng mabuting pamahalaan.
A. Crime and Punishment C. Social Contract B. Marxism D. Creed
_____3. Ang may-akda ng aklat na “Crime and Punishment”.
A. Cesare Beccaria C. Karl Marx B. George Sorrel D. Robert Owen
_____4. Naimbento Ni John Kay noong 1763 ang makinarya na magpapa- bilis sa pag-
ikid ng sinulid. Ano ang nasabing imbensyon
A. Flying Shuttle B. Water Frame C. Steam Engine D. Power Loom
_____5. Pinatunayan sa pamamagitan ng natural selection ay naiaangkop ng mga hayop
at halaman ang kanilang sarili sa kapaligiran. Ang ideyang ito ay matatagpuan sa anong
aklat na sinulat ni Charles Darwin?
A. On the Origin of Species B. Law of Heredity C. Pasteurization D. Into the Nature

BALIK-ARAL
Panuto: Pumili ng isa at sa loob ng hugis na may salita. Sagutin kung ANO, SINO at ano
ang GAMIT nya?

ENLIGHTENMENT
PHILOSOPHE PROLETARIAT

NATURAL POWER
LAW LOOM

ARALIN 1

Ang muling pagkatuklas sa agham ang mga Griyego ay nagbigay-daan upang


matutuhan ng mga paham ang mga tuklas ng mga sinaunang iskolar. Ang mga tuklas
an lupain sa ibayong dagat ay nagpakilala sa mga bagong lupain, bagong tao, mga
hayop at halaman. Ang mga ito ang naging sandigan ng pagkatuto at kaalaman.
Nagsimulang pagmasdan ng tao ang kanyang kalikasan at unawain ang mga batas nito.
Ang mga obserbasyon ay nagdulot ng mga bagong katanungan at teorya. Natutuhan ng
mga tao na tanggapin lamang ang mga ideya na napatunayan ng mga ebidensya.Ang
mga pagbabagong ito ay gawa hindi lamang ng isang tao ngunit ito ay kabuuang epekto
ng mga tuklas ng maraming tao.
Isa na rito si Nicholas Copernicus (1473-1543), isang iskolar
mula sa Poland. Sinabi niya na ang daigdig ay umiikot sa kanyang
axis. Ang kanyang aklat ay naitala sa Index Copernicus at
ipinagbawal na basahin dahil naniniwala ang simbahan na ang
kanyang teorya ay taliwas sa kanilang aral.

Pinatotohanan ni Galileo Galilei (1571-1630) ang teorya ni


Copernicus. Sa tulong ng teleskopyo na kanyang naimbento, kanyang
naobserbahan na ang sinag sa buwan ay repleksyon na nagmumula
sa araw. Tinawag si Galileo na isang erehe (taong tumatanggi sa mga
doktrinang ipinag uutos ng kanyang simbahan) at ikinulong hanggang
sa mapilitan siyang bawiin ang kanyang teorya.

Noong ika-17 hanggang ika-19 na dantaon, muling nag-alab ang mga kilusan sa pag-
unlad ng agham. Nakaimpluwensya ito nang malaki sa takbo ng kasaysayan. Binigyang-
pansin ng mga tao ang masusing pagsasaliksik sa ibatibang bahagi ng agham tulad sa
medisina, astronomiya, biology at iba pa.

Sa talaan, nangunguna ang siyentipikong si Sir Isaac Newton. Mula


pa sa kanyang pagkabata, mahilig na siyang sumuri sa ibat-ibang
bagay tulad ng bakit lumilipad ang sarangola at kung paano
napapatakbo ang orasang tubig. Ang kanyang pag-aaral ay nagbunga,
nagkaroon ng bagong sangay ng matematika, ang calculus na sa
pamamagitan ng pagkwenta ay nabigyan katwiran ang mga
nangyayari sa kapaligiran ayon sa batas ng kalikasan.

Sa larangan ng medisina, nakilala si William Harvey. Itinuturing na


nagpasimula sa makabagong medisina. Pinag-aralan niya ang
sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan. Napag-alaman niya ang
paraan ng pag grado ng dugo kapag ito ay tumataas o bumababa.

Pinasimulan naman ni Edward Jenner ang paniniwala na ang bawat


bahagi ng katawan ay may sariling halaga at tungkulin dapat
gampanan. Ang bakuna na panlaban sa sakit ang pinakamahalagang
natuklasan niya. Dito nagsimula ang ideya ng pagbabakuna.

Natuklasan naman ni Louis Pasteur na mikrobyo ang dahilan ng mga


sakit na maaring patayin ng karampatang gamot na tinatawag na
antibiotic. Napag-alaman niya ito sa pamamagitan ng pag-aaral kung
bakit napapanis ang alak. Nabatid din niya ang gamot sa rabies na
galing sa kagat ng asong ulol at ang paraan ng pasteurization.

Ang teorya ng ebolusyon ni Charles Darwin. Batay dito, ang lahat ng


kasalukuyang hayop at halaman ay nagmula sa mga unang hayop at
halaman na nabubuhay at nag-aanak ng susunod na lahing kahawig
niya. Pinatutunayan din sa pamamagitan ng natural seleksyon ay
naiaangkop ng mga hayop at halaman ang kanilang sarili sa
kapaligiran na mababasa sa kanyang aklat na “On the Origin of the
Species.”
Hinirang na “Ama ng Kemistri “si Antoine Lavoisier. Pinagaralan niya
ang resulta kapag ang isang bagay ay nasusunog. Kung metal ang
nasusunog ay mabigat ang abo sapagkat humahalo dito ang oxygen
na galing sa hangin samantalang ang abo ng nasusunog na bahay ay
magaan at sumasama sa hangin.

Mga Imbensyon sa larangan ng industriya, komunikasyon, transportasyon at


agrikultura

LARAWAN IMBENSIYON/IMBENTOR GAMIT


Makinang ginamit upang
uhmjSteam Engine madagdagan ang supply
(James Watt) ng enerhiya sa mga
pabrika.

Ginamit para sa
COTTON GIN madaliang paghihiwalay
(Eli Whitney) ng buto ng bulak sa hibla
nito.
Kalipunan ng mga
TELEGRAPH hudyat na may mga
(Morse Code) gitling at tuldok na
(Samuel F.B. Morse) ginagamit sa pakikipag-
ugnayan.
Ginagamit para
WIRELESS TELEGRAPH magpadala ng mensahe
(Guglielmo Marconi) na hindi gumagamit ng
kawad ng kuryente.
Sasakyang
Eroplano panghimpapawid. Ang
(Wilbur at Orville Wright) sumusunod na disenyo
ay naging malaking
tulong sa transportasyon,
komersyo at digmaan
Sasakyang pangdagat na
Steam boat may malalaking gulong
( Robert Fulton) na sumasagwan at
pinaandar ng steam
engine.
Makinang hilahila ng
Seed Drill kabayo na awtomatikong
( Jethro Tull) nagtatanim ng mga buto
sa isang tuwid na hanay.
REAPER Makinang ginagamit sa
(Cyrus McCormick) pagbungkal ng lupa.

FLYING SHUTTLE Nagpapabilis sa pag-ikid


(John Kay) ng sinulid.
PAGSULPOT NG MAKABAGONG PILOSOPIYA

Rene Descartes ang unang makabagong pilosoper. Ang kanyang “I think therefore
I am” ay nagpapakita na ang pagkilala sa sarili ay pangunahing prinsipyo.
Sinabi niyang dapat mag isip ang tao para sa kanyang sarili at sa tulong ng
katwiran at ng isipan, mapapatunayan ng tao ang kanyang kahalagahan sa lipunan.
Voltaire ay isang manunulat, makata, at mananalaysay. Mahigpit ang kanyang
pagpuna sa mga pagmamalabis ng mga institusyon, lalo na ng simbahan. Naniniwala
siyang ang mga tao ay may karapatang pangasiwaan ang kanilang gobyerno ayon sa
batas ng katarunungan, katwiran at budhi.
Denis Diderot ay isang manunulat na French na may kaisipang liberal. Siya ay
patnugot ng Encyclopédie. Itinala niya rito ang mga di tamang patakaran at gawain ng
estado at simbahan, binigyan niya ng pansin lalo na ang pang-aalipin at ang kawalang
kalayaang pumili ng relihiyon. Sa tulong ng kanyang aklat, nabuksan ang natutulog na
damdamin ng taong-bayan.
Sa aklat na Social Contract na sinulat ni Jean-Jacques Rousseau, nabuksan
ang prinsipyong demokrasya. Ang aklat ay tumatalakay sa mga katangian ng mabuting
pamahalaan. Ayon sa kanya, walang natural na Karapatan ang sinumang taong
pamahalaanan ang kanyang kapwa tao. Ang kapangyarihang pampulitika ay nasa
kamay ng taong -bayan at dapat lamang na sundin ng lahat ang mga batas na sila rin
ang may gawa. I
Ipinakilala ni Montesquieu, na isang mataas na hukom ng France, ang bagong
patakaran sa organisayon ng isang makatarungang pamahalaan sa kanyang Spirit of
the Law. Ayon sa kanya dapat ay magkaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan,
tagapangasiwa,mamabatas at hukuman upang ang tatlong sangay ay magtulungan at
magsuri sa kanilang mga gawain o checks and balances.
Sumulat ng dalawang aklat si John Locke, ang Two Treatises of Government at
Letter on Toleration. Ito ay may malaking impluwensya sa paggawa ng saligang batas.
Kinatigan niya ang paniniwala na ang kapangyarihang pulitikal ay wala sa hari kundi
nasa taong-bayan. Kapag ang hari ay nagmalabis sa kanyang kapanyarihan, may
karapatan ang mga mamamayan na bawiin ang nasabing kapangyarihan sa kanya.
Sa aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” ni
Adam Smith, kanyang iniambag ang bagong kaisipan ukol sa ekonomiya. Ang
pangunahing prinsipyo nito ay ang Laissez-faire (huwag makialam). Batay sa
prinsipyong ito, hindi dapat makialam ang pamahalaan sa mga pang-ekonomiyang
gawain ng tao sapagkat may likas na batas na magpapasya kung ano ang halaga ng mga
salik ng produksyon.
Cesar Beccaria, sa kanyang aklat na Crime and Punishment, ay kinondena ang
paggamit ng matinding parusa lalo na ang parusang kamatayan. Sinabi niyang dahil sa
malabis na pagpahirap maaring aminin ng isang tao ang krimen kahit hindi siya ang
maysala. Sinuportahan ni Beccaria ang paggamit ng siyentipikong imbestigasyon at ang
pagpigil ng krimen sa pamamagitan ng edukasyon.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Panuto : Piliin ang tamang titik ng tamang sagot sa kahon. Isulat sa patlang.
_______1. Calculus A. Galileo
_______2. Teleskopyo B. Newton
_______3. Medisina C. Harvey
_______4. On the Origin of the Species D. Pasteur
_______5. Antibiotic E. Darwin
_______6. Kemistri F. Jenner
_______7. Bakun G. Lavoisier
H. Morton
Gawain 2: Panuto: Tukuyin kung sino ang nagwika nito.

“dahil sa malabis na “walang natural na


pagpahirap ay maaring Karapatan ang sinumang
aminin ng tao ang krimen “I think therefore I am”
taong pamahalaanan ang
kahit wala siyang 3. ___________________
kanyang kapwa tao “
kasalanan” 2. ___________________
1. _____________

“hindi dapat makialam ang “dapat magkaroon ng


pamahalaan sa mga pang
tatlong sangay ng
ekonomiyang gawain ng pamahalan”
mga tao”
5. _________________
4. ____________________

Gawain 3: SANHI at BUNGA o BUNGA at SANHI!


Panuto: Suriin ang ugnayan ng sanhi at epekto. Isulat ang SB kapag ang ugnayan ay
sanhi at bunga, BS kapag ito ay bunga at sanhi.
________1. Imbesyon ng Power Loom - malawakang produksyon
________2. Pagsulpot ng makinarya - Rebolusyong Industriyal
________3. Pamilihan - kolonya
________4. Makabagong Sistema ng pagsasaka - tumaas ang ani at produksyon
________5. Nagbigkis sa mga bansa - makabagong sistema ng transportasyon

PAGLALAHAT

Gawain: Exit Card Panuto: Punan ang patlang upang makabuo ng konsepto.
Nagsimula ang rebolusyong siyentipiko, enlightenment at industriyal dahil sa _______
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

Mula sa ibat-ibang larangan ay nakilala sina _______________________________________


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
Mahalaga at makabuluhan ang kanilang kontribusyon sa larangan sapagkat _______
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

RAMON CABANOS BARBA is a Filipino inventor and horticulturist best known for
inventing a way to induce more flowers in mango trees using ethrel and potassium
nitrate. Barba was proclaimed a National Scientist of the Philippines in June 2014.
"Since the discovery of Ramon Barba’s method to induce flowering for
ants, ... mangoes have since then been considered the number one
fruit crop of the country. Apart from the mango producers themselves,
other business sectors such as the producers of the pest control
chemicals, harvesters, sellers, and all the other smaller groups of
workers related to mango industry had benefitted from his invention."

Bilang Pilipino….sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong suporta sa mga


imbesyon at tuklas ng kapwa mo Pilipino?
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 8


(3rd Quarter Module 7-8)

Pangalan: ___________________________________ Baitang/Seksyon: _______________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang.


___1. Ano ang tawag sa panahong ninais na maiahon ang mga Europeo mula sa mahabang
panahonng kawalan ng katwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages?
A. Ebolusyon B. Natural Law C. Repormasyon D. Enlightenment
___2. Panahon kung saan nagsimula nang gumamit ng makabagong kagamitan sa produkson na nagdulot
nang malaking kita at napaunlad ng tao ang kanilang buhay.
A. Rebolusyong Industriyal B. Panahong Enlightenment C. Rebolusyong Siyentipiko D. Bagong Bato
___3. Ang makinaryang gagamitin upang madagdagan ang supply ng enerhiya sa mga pabrika na
natuklasan ni James Watt
A. Steam Engine C. Flying Shuttle B. Telegraph D. Morse Code
___4. Pangkat ng intelektwal na humihikayat sa paggamit ng katwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo
sa pamahiin at kamangmangan.
A. Ether B. Scentia C. Philosophe D. Geologist
___5. Inilarawan ni Ptolemy ang paniniwala niya na ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang ibang mga
heavenly body ay umiikot dito sa pabilog na pagkilos.
A. Geocentric View C. Social Contract B. Heliocentric View D. Scentia
___6. Kinikilala bilang “Ama ng Kemistri si Antoine Lavosier dahil sa kanyang masusing pag-aaral at
pagsasaliksik sa larangan ng kemistri. Ano ang pinakantanyag niyang tuklas?
A. Nitrogen B. Nickel C. Oxygen D. Carbon
___7. Sa aklat na Social Contract na sinulat ni Jean Jacques Rousseau nabuksan ang prinsipyong
demokrasya. Ano ang demokrasya?
A. Pamahalaang pinamumunuan ng hari at reyna B. Maliit na pangkat o piling tao ang namumuno
C. Kapangyarihang pampulitika ay nasa kamay ng taong bayan D. Kamay na bakal ang ipinatutupad
___8. Si Cesare Becarria ang may-akda ng aklat na “Crime and Punishment”. Alin sa sumusunod ang
kanyang sinusuportahan?
A. Pagpapatupad ng parusang kamatayan
B. Malabis na parusa tulad ng torture
C. Magpatawad kapag ang suspect ay nagpakumbaba
D. Paggamit ng masusi at malalim na imbestigasyon at pagpigil ng krimen sa pamamagitan ng edukasyon
___9. Ang Flying Shuttle ay naimbento ni John Kay noong 1763. Ano ang gamit nito?
A. Makinang ginagamit sa pagbungkal ng lupa
B. Makinaryang nagpapabilis sa pag-ikid ng sinulid
C. Ginagamit para magpadala ng mensahe na hindi gumagamit ng kawad ng kuryente
D. Nagpapataas ng produksyon
___10. Sa aklat na sinulat ni Charles Darwin na pinamagatang On the Origin of the Species na tumalakay sa
prosesong natural selection. Ano ang nilalaman nito?
A.Ang paglanghap ng ether ay nakakaalis ng sakit.
B.Mikrobyo ang dahilan ng sakit ng tao na maaring patayin ng gamot
C.Pagkamulat na makakawala ang tao sa natural at piling paraan
D.Pinapatunayan na kayang iangkop ng mga hayop at halaman ang Kanilang sarili sa kapaligiran

You might also like