Professional Documents
Culture Documents
Alamin: San Francisco, Agusan Del Sur
Alamin: San Francisco, Agusan Del Sur
ISAGAWA
• Gawain 5: Iguhit Mo! (p.6) 25 min.
• Gawain 6: Pagbuo ng Katha! (p.7)
(Gamitin ang Rubrik sa
Pamantayan ng Pagmamarka)
15 min.
TAYAHIN
• Pagtataya (1-10) (p.7-9)
• Gawaing Pagkatuto (Gawain 1&2)
12:00 – 1:00 LUNCH
ALAMIN
1:00 – 3:00 Natataya ang • Panimula (p.1) Ipasa o
(Crack, Special kahalagahan ng • Pamantayan sa pagkatuto 10 min. ipadala ang
Programs, ekonomiks sa • Mga Nilalaman (Paksa/Aralin) output sa
Regular/TVL pang-araw-araw facebook
Class) na pamumuhay ng Messenger o
bawat pamilya at BALIKAN Group Chat na
3:00-5:00 ng lipunan. gawa at
• Gawain 1: Isip-Isip! (p.2)
(STE) 10 min. binigay ng
Pamprosesong Tanong (1-3)
(AP9MKE -Ia-2) Guro o mga
(Module 2) iba pang
paraan ng
pagpasa na
TUKLASIN inirekomenda
ng paaralan o
• Gawain 2: Which is which? (p.2) anumang
Pamprosesong Tanong (1&2) 15 min. napili ng guro
para sa Klase.
(Modular
Digitized)
SURIIN
• Kahalagahan ng Ekonomiks (p.3) 15 min.
Pamprosesong Tanong (1&2)
Magulang ang
magbigay ng
output ng anak
PAGYAMANIN 15 min. sa Guro sa
• Gawain 3: Word Web (p.4) paaralan o di
kaya ay sa
barangay
ISAISIP
15 min. distribution
• Mga mahahalagang kaalaman na area.
dapat tandaan (p.4) (Modular
Printed)
ISAGAWA
• Gawain 3: Gamitin Mo! (p.5)
(Gamitin ang Rubrik bilang
gabay)
25 min.
• Gawain 4: Interview Portion (p.5)
(Gamitin ang Rubrik bilang
gabay)
TAYAHIN
• Pagtataya (1-10) (p.6-7) 15 min.
• Gawaing Pagkatuto (Gawain 1)
3:00 - onwards FAMILY TIME
Prepared by:
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan ng Ekonomiks sa
Pang-araw-araw na Pamumuhay
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Sa kabila ng lahat mapapansin na mayroong kaayusang nag-uugnay sa bawat isa. Halos lahat ng
produkto at serbisyo na dumarating sa mga tindahan ay tila isang palaisipan kung saan nagmula at kung
paano naihahatid sa mga tao mula sa lumikha nito. Mas madalas nga, hindi mo pa nararating ang lugar
kung saan nagmula ang produkto at serbisyong kinukonsumo mo. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano
ang ekonomiks, at ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?
Tuklasin
Gawain 2: Sandaling Isipin
Batay sa naunang mga sitwasyon, sagutin ang sumususunod na mga
katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Sagot:
.
2. Ano ang batayan sa iyong pagpili sa kung anong gagawin ang uunahin?
Sagot:
Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin
mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ika-
Pamprosesong Tanong:
2. Ano ang
desisyon?
naging batayan mo sa iyong ginawang
Naging makatuwiran ka ba sa iyong mga pasya? Bakit?
Gawain 4: Baitang Ng Pag -Unlad
Isulat sa iyong sagutang papel ang pauna mong kaalaman kung ano ang kahulugan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag- aaral, kasapi ng pamilya, at
lipunan.
Ano ang kahulugan ng ekonomiks sa iyong pang-araw -araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?
Suriin
Sa parteng ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/ kaalamang tutulong sa iyo upang
higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga
pang-unawa sa mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng
mahahalagang ideya tungkol sa ekonomiks. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin
at Gawain upang masagot mo kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-
araw na buhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Halika at umpisahan na ang
masayang pagbabasa at pang-unawa sa paksa.
KAHULUGAN NG EKONOMIKS
Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na
nagmula naman sa dalawang salita: ang oikos ay nangangahulugang bahay at nomos na
pamamahala (Brown, 2010).
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang
sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon.
Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano
hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang
pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng
kasiyahan sa pamilya.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang
desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano- anong produkto at
serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. Lumalabas
ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan. May
kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng
pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at
may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital.
Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon.
Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa
paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon,
kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba
KAKAPUSAN
Marginal
Opportunity Trade-Off
Thinking
Cost Incentives
1. Paano nakatutulong sa
matalinong pagdedesisyon ang mga konsepto ng trade- off, opportunity cost, incentives,
at marginal thinking?
2. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang pagdedesisyong ginawa ng tao?
Isaisip
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
pangangailangan ng mga tao sa lipunan kayat ito’y nabibilang sa agham panlipunan. Sinusuri at
tinatalakay sa agham na ito ang mga suliraning pangkabuhayan lalung-lalo na iyong may
kinalaman sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat pamilya at ng buong bansa. Sa
pag-aaral ng ekonomiks, inuunawa ang mga konsepto at suliranin ng kakapusan at paparaming
pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon, alternatibong desisyon, at pamamahala ng mga gawaing
pamproduksyon at pangkalahatang kaunlaran.
➢ Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili
ang tao.
Isagawa
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral
ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahulugan ng ekonomiks. Kinakailangan
ang mas malalim na pagtatalakay sa kahalagahan ng ekonomiks upang maihanda
ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong natutuhan.
Sagot:
Sagot:
RUBRIK sa Pamantayan ng Pagmamarka
Mensahe
Pagkakabuo
Tayahin
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.
3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi
kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa
ng desisyon ay:
a. Dinadalihang okasyon
b. Kagustuhang desisyon
c. Opportunity cost ng desisyon
d. Tradisyon ng pamilya
GAWAING PAGKATUTO
Aralin 1: Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
PANIMULA
Sa Aralin 1, ating napag-aralan ang tungkol sa Ekonomiks bilang asignatura ng Araling Panlipunan sa
Pangkat 9. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na natutungkol sa paggamit at alokasyon o
pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makalikha ng pinakamahusay
at de-kalidad na mga produkto at serbisyong makatutugon sa paparaming pangangailangan at hilig ng
tao sa paraang pinakamatipid at pinakamabisa. Ang pokus o diwa sa pag-aaral ng ekonomiks ay kung
paano tutugunan ang mga suliranin at pangangailangan ng mga tao sa lipunan kaya’t ito ay nabibilang
sa agham panlipunan. Sinusuri at tinatalakay sa agham na ito ang mga suliraning pangkabuhayan
lalung-lalo na iyong may kinalaman sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat pamilya at ng
buong bansa. Ang pag-unawa sa mga konsepto at suliranin ng kakapusan at paparaming
pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon, alternatibong desisyon at pamamahala ng mga gawaing
pamproduksiyon at pangkalahatang kaunlaran ay ilan lamang sa kabilang sa pag-aaral ng ekonomiks.
Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili ang tao sa kanyang mga
desisyon sa pang-araw-araw.
Gawain 1:
Sagutin ang mga tanong.
Gawain 2:
Punan ang Mind Map ng mga batayang katotohanan sa pag-aaral ng ekonomiks.
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kahalagahan ng Ekonomiks sa
Pang-araw-araw na Pamumuhay
Alamin
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Balikan
Pamprosesong Tanong
Tuklasin
Gawain 2: Which is which?
Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano
ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong
desisyon at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya. Ilagay
sa buong sagutang papel ang iyong sagot.
Pamprosesong Tanong
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran ka
ba sa iyong pasya?
Suriin
Sa parteng ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang
higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga
pang-unawa sa mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng
karagdagang mahahalagang ideya sa ekonomiks. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang
babasahin at gawain upang masagot mo kung ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks?
2. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang ekonomiks at ano ang kaugnayan
nito sa paggawa ng desisyon?
Pagyamanin
Isaisip
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
Isagawa
Gawain 3: Gamitin Mo!
Panuto: Pag-isipan ang sitwasyon: Ikaw ay sinabihan ng iyong mga magulang na
hindi ka na nila kayang pag-aralin pa sa kolehiyo. Ano ang gagawin mo?
Titigil ka na lang ba sa pag-aaral at maghanap ng trabaho o gagawa ka ng
paraan para makapag-aral sa kolehiyo? Ipaliwanag ang iyong sagot sa isang
sanaysay gamit ang iyong kaalaman sa mga konsepto, kahulugan at
kahalagahan ng ekonomiks. Isulat ang sanaysay sa isang buong papel.
Kapatid (bilang
isang mag-aaral
RUBRIK sa Pagmamarka
KRITERYA 4 3 2 1
Kaalaman sa Ang Ang mga Hindi lahat ng Ang
Paksa pangunahing pangunahing pangunahing pangunahing
kaalaman ay kaalaman ay kaalaman ay kaalaman ay
nailahad at nailahad nailahad hindi nailahad
naibigay ang subalit hindi at natalakay.
kahalagahan. wasto ang ilan.
Organisasyon Organisado Organisado Hindi Hindi
ang mga paksa ang paksa masyadong organisado
at maayos ang subalit hindi organisado ang paksa at
presentasyon. maayos ang ang paksa at presentasyon
presentasyon. presentasyon
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.
1. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng
mga tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang
pinagkukunang-yaman?
a. Antropolohiya
b. Ekonomiks
c. Heograpiya
d. Sosyolohiya
2. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng
kakapusan. Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang
pinagkukunang-yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
kahit limitado ang pinagkukunang-yaman
3. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?
a. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
b. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pang-
ekonomiya.
c. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
d. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag- iimpok.
4. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baunan dahil maliban sa ito ay maganda at
mura, eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto
ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
5. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa
manood ng KDrama ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong
pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
6. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng
mabuti upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong
mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong
pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
7. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang
paglala ng suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na
pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyunal na paraan o
paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
10. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa
paaralan dahil nanghihinayang siya sa maari niyang matutunan na leksyon. Ang
sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
Name of Learner:
Grade Level:
Section:
Date:
GAWAING PAGKATUTO
Aralin 2: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
PANIMULA
Gawain 1:
Gumawa ng isang tula na maglalarawan sa kahalagahan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang isang
magaaral.
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
San Francisco, Agusan del Sur
Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
a. pamamahala ng negosyo. c. pamamahala ng tahanan.
b. pakikipagkalakalan. d. pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat
a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal
na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
3. Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang
paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
a. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha
ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at
mga hilig.
b. Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng
pangangailangan ng mga tao sa mundo.
c. Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.
d. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig. 4.
Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at
hiligpantao naman ay
a. may hangganan din.
b. kaunti lamang kayat madaling tugunan.
c. parami nang parami at walang katapusan.
d. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat
a. lumiliit ang sukat ng daigdig.
b. nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito.
c. nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito.
d. pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at
ang kanilang mga pangangailangan at hilig.
6. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
a. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
b. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at
hiligpantao.
c. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
d. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
7. May tatlong pangunahing uri ng pinagkukunang-yaman na mahalaga sa paglikha ng mga serbisyo at
produktong makatutugon sa mga pangangailangan ng tao. Aling pangkat ang nagsasaad ng mga ito? a.
lupain, teknolohiya, at yamang-tao
b. puhunan, yamang-tao, at negosyo
c. yamang-likas, puhunan, at teknolohiya
d. yamang-likas, puhunan, at yamang-tao
8. Ang pangangailangan ng mga tao ay maaaring uriin sa dalawa:
a. Luho at Hilig c. Materyal at Di-materyal
b. Likas at Di-Likas d. Produkto at Serbisyo e.
9. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-
araw ay itinuturing na
a. luhong pangkatawan c. hilig-pantao
b. pangunahing pangangailangan d. sekundaryong pangangailangan
10. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang
pinakaangkop na kahulugan?
a. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
b. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
c. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga
produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
d. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad na
produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo
at paraang pinakamatipid.
11. Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yamn sa iba’t ibang gamit
upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
a. produksyon c. imbensyon
b. alokasyon d. kalkulasyon
12. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
13. Dalawa ang pangunahing sangay ng pag-aaral ng ekonomiks. Ang una ay tumutukoy sa pagpapalago ng
produkto at kita ng pamilya o bahay-kalakal. Ano ang tawag sa sangay na ito?
a. makro-ekonomiks c. makro-enterprays
b. maykro-enterprays d. maykro-ekonomiks
14. Ang pangalawang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks ay nagsusuri ng mga impluwensiya ng kalakalan sa
pagtaas ng pambansang kita, paglawak ng pandaigdigang pamilihan, at pagtaas ng antas ng
pamumuhay ng mga tao sa daigdig. Ano naman ang tawag sa sangay na ito?
a. globalisasyon c. maykro-ekonomiks
b. makro-ekonomiks d. kapitalismo
15. Ang ekonomiks ay tungkol din sa pagsasagawa ng mga desisyon o pagpili ng mga alternatibo. Alin sa
mga sumusunod ang maituturing na halimbawa ng mabuting desisyon o alternatibo sa punto ng
ekonomiks?
a. Si Paolo ay nasa unang taon sa kolehiyo. Nag-iisang anak siya. Mahirap lamang ang kanyang mga
magulang ngunit nagsisikap silang palaguin ang sariling negosyo upang mapag-aral sa pribadong
paaralang pangkolehiyo sa Maynila si Paolo. Nangungupahan si Paolo sa isang boarding house.
Malaki ang ipinadadalang panggastos o allowance ng kanyang mga magulang dahil ayaw ng kanyang
ina na siya ay kapusin sa pagkain at mga kagamitan sa pag-aaral. Subalit sa tuwing matatanggap ni
Paolo ang kanyang allowance, ginagamit niya ang malaking bahagi sa paninigarilyo at panonood ng
sine gawa ng masamang impluwensiya ng kanyang barkada. Natuto rin siyang magsugal at di
naglaon ay napabayaan ang pag-aaral. Inaasahan ng kanyang mga magulang na siya ay magtatapos
pagkaraan ng apat na taon, subalit pangalawang taon pa lamang ay wala na siyang interes sa pag-
aaral at pinili niyang tumigil na lamang at makipagbarkada.
b. May mga bansa sa daigdig na ang prayoridad ay ang pagpaparami ng armas pangdigma. Sa halip na
magtayo ng mga paaralan na sapat sa bilang ng mga kabataan, malaking porsiyento ng pambansang
badyet ang inilalaan sa pagbili ng armas at sandata upang palakasin ang kanilang sandatahang lakas.
c. Malaki ang komisyon ni Mr. Vargas buhat sa ahensiyang pinapasukan sa pagbebenta ng real estate
sa Cavite. Ipangmamatrikula iyon ng panganay niyang anak. Ihuhulog na sana ni Mr. Vargas sa
bangko ang kanyang komisyon ngunit nahilingan siya ng mga kaibigan sa kumpanya na ipagdiwang
ang kanyang naging tagumpay. Niyaya siyang maglibre ng hapunan at inuman sa isang restawran at
bar.
d. Hindi naman siya tumanggi at inisip na lamang na kaunti lamang ang kanyang gagastusin. Subalit
lumaki ang gastos. Pag-uwi niya sa tahanan ay nanlumo siya sapagkat halos wala nang natira sa
kinita niyang komisyon at kinakailangan siyang mangutang na lamang upang mabayaran ang
matrikula ng kanyang anak.
e. Isang garment factory para sa mga sanggol ang pag-aari ng mga magulang ni Alfred at
pinamamahalaan ng kanyang ina. Nagsimula ito sa maliit na puhunan at maliit na tubo, ngunit
sinigurado ng kanyang ina na mahusay ang mga tela at matibay ang pagkakayari ng mga damit
pambata. Nag-empleyo sila ng magagaling na mananahi at inialok sa mga malalaking mall ang
kanilang produkto. Dahil sa de-kalidad na produkto, dumami ang naghahanap ng kanilang produkto
at lumaki ang produksyon. Ipinagpatuloy ng kumpanya ang de-kalidad na yari ng kanilang produkto
at di naglaon ay lumakas ang kita at tubo nito. Upang mapagaan at mapabilis ang paggawa, ang
ilang porsiyento ng tubo ay inilaan sa pagbili ng makabagong makina at pagsasanay sa mga
mananahi sa makabagong teknolohiya. Ngayon ay isa nang malaking exporter ng mga damit
pambata ang kaniyang mga magulang.
16. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig
sabihin nito ay
a. tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
b. naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na
kongklusyon.
c. sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
d. ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan;
walang saysay ang mga kahilingan ng mga konsyumer.
17. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
18. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay
mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
19. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad
ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan
kayat nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng
mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat
ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang
antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
20. May mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks tulad ng istatistiks, ekwasyon at
pormula sa matematiks, logic o mapanuring pag-iisip, at paggamit ng mga datos o pruweba. Lahat
ng mga dahilang nakatala sa ibaba ay tama, maliban sa isa. Alin ang hindi tamang dahilan kung bakit
may mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks?
a. Upang magkaroon ng batayan ang mga mungkahing solusyon o mga kongklusyon hinggil sa mga
suliraning pang-ekonomiya at pangkaunlaran.
b. Maganda sa paningin ang mga drowing at ilustrasyon.
c. Nailalarawan at naipaliliwanag na mas higit ang mga konsepto kaya nakatutulong sa mag-aaral sa
pag-unawa ng mga ito.
d. Naipakikita ang mga puntos ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga datos kayat nagiging kawili-wili
ang pagsusuri ng mga ito.