You are on page 1of 25

AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

San Francisco, Agusan del Sur

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Grade 9
Weeks 1-2: Quarter 1
October 5, 2020 – October 16, 2020

Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 9 (Ekonomiks)

Day and Time Learning Learning Tasks Time Mode of


Competency Allotment Delivery
8:30 – 9:30 Home Guidance Program (HGP)
9:30 – 10:00 RECESS
ALAMIN
Wednesday Nailalapat ang Ipasa o
• Panimula (ii)
10:00 – 12:00 kahulugan ng • Pamantayan sa pagkatuto 10 min. ipadala ang
(Crack, ekonomiks sa • Mga Nilalaman (Paksa/Aralin) output sa
Special pang-araw-araw facebook
Programs, na pamumuhay Messenger o
Regular/TVL bilang isang mag- BALIKAN Group Chat
10 min.
Class) aaral at kasapi ng • Gawain 1: Handa Ka Na Ba? (p.1) na gawa at
pamilya at binigay ng
1:00-3:00 lipunan. Guro o mga
(STE) iba pang
(AP9MKE- TUKLASIN paraan ng
(Module 1) Ia-1) • Gawain 2: Sandaling Isipin (p.1) pagpasa na
• Gawain 3: Think, Pair, Share! 25 min. inirekomenda
(p.2) ng paaralan
Pamprosesong Tanong (1&2) o anumang
• Gawain 4: Baitang ng Pag-unlad napili ng
(Initial na Kaalaman) pp.3-4) guro para sa
Klase.
(Modular
Digitized)
SURIIN
• Kahulugan ng ekonomiks (p.4-5)
• Mahahalagang Konsepto sa 25 min. Magulang ang
Ekonomiks magbigay ng
Pamprosesong Tanong (1&2) output ng anak
sa Guro sa
paaralan o di
kaya ay sa
barangay
ISAISIP 10 min. distribution
• Mga mahahalagang kaalaman na area.
dapat tandaan (p.6) (Modular
Printed)

ISAGAWA
• Gawain 5: Iguhit Mo! (p.6) 25 min.
• Gawain 6: Pagbuo ng Katha! (p.7)
(Gamitin ang Rubrik sa
Pamantayan ng Pagmamarka)

TAYAHIN
• Pagtataya (1-10) (p.7-9) 15 min.
• Gawaing Pagkatuto (Gawain 1&2)
12:00 – 1:00 LUNCH

ALAMIN
1:00 – 3:00 Natataya ang Ipasa
(Crack, Special kahalagahan ng • Panimula (p.1)
10 min. o ipadala ang
Programs, ekonomiks sa • Pamantayan sa pagkatuto output sa
Regular/TVL pang-araw-araw • Mga Nilalaman (Paksa/Aralin) facebook
Class) na pamumuhay ng Messenger o
bawat pamilya at Group Chat na
3:00-5:00 ng lipunan. BALIKAN gawa at
(STE) • Gawain 1: Isip-Isip! (p.2) binigay ng
10 min.
(AP9MKE -Ia-2) Pamprosesong Tanong (1-3) Guro o mga
(Module 2) iba pang
paraan ng
pagpasa na
TUKLASIN inirekomenda
ng paaralan o
• Gawain 2: Which is which? (p.2)
anumang
Pamprosesong Tanong (1&2) 15 min.
napili ng guro
para sa Klase.
(Modular
Digitized)

SURIIN
• Kahalagahan ng Ekonomiks (p.3) 15 min.
Pamprosesong Tanong (1&2) Magulang ang
magbigay ng
output ng anak
PAGYAMANIN sa Guro sa
15 min. paaralan o di
• Gawain 3: Word Web (p.4)
kaya ay sa
barangay
ISAISIP distribution
15 min.
• Mga mahahalagang kaalaman na area.
dapat tandaan (p.4) (Modular
Printed)

ISAGAWA
• Gawain 3: Gamitin Mo! (p.5)
(Gamitin ang Rubrik bilang
gabay)
25 min.
• Gawain 4: Interview Portion (p.5)
(Gamitin ang Rubrik bilang
gabay)

TAYAHIN
15 min.
• Pagtataya (1-10) (p.6-7)
• Gawaing Pagkatuto (Gawain 1)
3:00 - onwards FAMILY TIME

Prepared by:

NEPTHALY G.
LAID JR.
RACHEL L.
GILOS FE A.
FRANCONAS
RONALD B.
DASMARINAS
RUBY ANN T.
TEPOSO DAPHNE
ALTHEA A. APAT
Grade 9 A.P Teachers
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan ng Ekonomiks sa
Pang-araw-araw na Pamumuhay
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa Ang mga-aaral ay naisasabuhay sa mga


sa mga pangunahing konsepto ng pag-unawa sa mga pangunahing
Ekonomiks bilang batayan ng matalino konsepto ng Ekonmiks bilang batayan
at maunlad na pang-araw-araw na ng matalino at maunlad na pang-araw-
pamumuhay. araw na pamumuhay.

Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)

1. Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Mga Pamantayan sa Pagkatuto


Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang

1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay


bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.

Narito ka ngayon sa unang modyul ng Ekonomiks sa ikasiyam na antas ng mataas na paaralan.


Anu-ano ang sumasagi sa iyong isipan kung susuriin mo ang katagang ekonomiks? Marahil ang una mong
maiiugnay sa salitang iyan ay pagnenegosyo. Pangalawa, pagbabadyet at pagpapalago ng kita ng pamilya.
Pangatlo, ay ang pagkakaroon ng empleyo at sapat na kita ng mga mamamayan na sumasagisag sa
katatagan at kaunlaran ng bansa. Araw- araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa simple
hanggang sa pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit na mahalaga sa marami
niyang pamimilian. Bata man o may edad, basta’t may pangangailangan at kagustuhan na kailangan
mapunan, ay masasabing maiuugnay ang kaniyang sarili sa ekonomiks. Kumakain at umiinom ang tao
araw-araw, ang kanin na kanyang kinakain ay nagmula sa palay na itinanim ng mga magsasaka,
ibebenta sa pamilihan, at binibili ng mga tao. Ang ulam tulad ng isda ay hinuhuli ng mga mangingisda,
dinadala sa mga pamilihan, at binibili ng mga tao.

Sa kabila ng lahat mapapansin na mayroong kaayusang nag-uugnay sa bawat isa. Halos lahat ng
produkto at serbisyo na dumarating sa mga tindahan ay tila isang palaisipan kung saan nagmula at kung
paano naihahatid sa mga tao mula sa lumikha nito. Mas madalas nga, hindi mo pa nararating ang lugar
kung saan nagmula ang produkto at serbisyong kinukonsumo mo. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano
ang ekonomiks, at ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?

Sa modyul na ito liliwanagin ang katuturan at kahalagahan ng ekonomiks bilang


agham panlipunan. Sasagutin dito ang mga sumusunod na tanong: Ano nga ba ang
ekonomiks at ang mga sangay nito? Bakit mahalaga ang ekonomiks sa isang bansa? Paano
makatutulong sa pamamahala ng kaunlaran ng pamilya, mga industriya, at ng buong
bansa and mga konsepto at prinsipyo sa ekonomiks?
Aralin Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-
araw-araw na
1 Pamumuhay

Balikan

Gawain 1: Handa Ka Na Ba?


Panuto: Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng sabay-sabay ang
sumusunod na mga pangyayari. Ano ang iyong uunahin? Lagyan ng bilang
1 ang una hanggang 4 ang pinakahuli. Isulat sa sagutang papel ang inyong
sagot.

Biglang umulan at nakasampay sa likod-bahay ang iyong mga nilabhan

Naamoy mo ang nasusunog na sinaing.

Narinig mo na nag-ring ang iyong cellphone

Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na kapatid

Tuklasin
Gawain 2: Sandaling Isipin
Batay sa naunang mga sitwasyon, sagutin ang sumususunod na mga
katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Maari mo bang gawin ang mga sumusunod ng sabay-sabay? Pangatwiran ang


sagot.

Sagot:

.
2. Ano ang batayan sa iyong pagpili sa kung anong gagawin ang uunahin?

Sagot:

.
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin,
ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto
at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang
pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang
mahahalagang ideya tungkol sa ekonomiks. Mula sa mga inihandang gawain at
teksto ay inaasahang gagabay ito sa iyo upang masagot kung ano ang kahulugan
ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawain
na nasa ibaba

Gawain 3: Think, Pair, Share!


Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang
pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ika-
apat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?


2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging
makatuwiran ka ba sa iyong mga pasya? Bakit?

Gawain 4: Baitang Ng Pag-Unlad


Isulat sa iyong sagutang papel ang pauna mong kaalaman kung ano ang kahulugan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag- aaral, kasapi ng pamilya, at
lipunan.

Ano ang kahulugan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?
Suriin

Sa parteng ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/ kaalamang tutulong sa iyo
upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak
ang mga pang-unawa sa mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay
magkakaroon ka ng mahahalagang ideya tungkol sa ekonomiks. Inaasahang magagabayan ka ng mga
inihandang babasahin at Gawain upang masagot mo kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
Halika at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pang-unawa sa paksa.

KAHULUGAN NG EKONOMIKS
Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na
nagmula naman sa dalawang salita: ang oikos ay nangangahulugang bahay at nomos na
pamamahala (Brown, 2010).
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang
sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon.
Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano
hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang
pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng
kasiyahan sa pamilya.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang
desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano- anong produkto at
serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. Lumalabas
ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan. May
kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng
pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at may
limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang
yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala,
ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng
produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang
magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya
na kapaki-pakinabang sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba

KAKAPUSAN

Ano ang Paano gagawin? Gaano karami?


Para kanino?
gagawin?
Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-araw- araw na suliraning
kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng bawat indibidwal pati ang mga
mag-aaral na katulad mo.

MAHALAGANG KONSEPTO SA EKONOMIKS


Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice. Sa pagproseso ng pagpili mula
sa mga choice, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo
ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-off, sapagkat sa pamamagitan
nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost ay
tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon (Case, Fair at Oster, 2012). Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang halimbawa
ay ang halaga ng pag-aral na ipinagpalibang gawin.
Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian,
subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa
bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo na iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at
serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas
maraming pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Maaari ding mailarawan
ang incentives sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng
mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang ibig sabihin
nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing desisyon sa pagitan ng
pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at mataas na grado, ay masasabing maaaring
maging matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao.
Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal
thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat
isa sa pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.

Marginal
Opportunity Trade-Off
Thinking
Cost Incentives

Pamprosesong Matalinong Pagdedesisyon Tanong

1. Paano nakatutulong sa
matalinong pagdedesisyon ang mga konsepto ng trade- off, opportunity cost, incentives,
at marginal thinking?
2. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang pagdedesisyong ginawa ng tao?
Isaisip
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

➢ Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na natutungkol sa paggamit at alokasyon o


pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makalikha ng
pinakamahusay at de-kalidad ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa paparaming
pangangailangan at hilig ng tao sa paraang pinakamatipid at pinakamabisa.
➢ Ang pokus o diwa sa pag-aaral ng ekonomiks ay kung paano tutugunan ang mga suliranin at
pangangailangan ng mga tao sa lipunan kayat ito’y nabibilang sa agham panlipunan. Sinusuri at
tinatalakay sa agham na ito ang mga suliraning pangkabuhayan lalung-lalo na iyong may
kinalaman sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat pamilya at ng buong bansa.
➢ Sa pag-aaral ng ekonomiks, inuunawa ang mga konsepto at suliranin ng kakapusan at
paparaming pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon, alternatibong desisyon, at
pamamahala ng mga gawaing pamproduksyon at pangkalahatang kaunlaran.
➢ Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang pagpapasya at
pagpili ang tao.

Isagawa
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral
ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahulugan ng ekonomiks. Kinakailangan
ang mas malalim na pagtatalakay sa kahalagahan ng ekonomiks upang maihanda
ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong natutuhan.

Gawain 5: Iguhit Mo!


Tingnan mo ang iyong paligid sa inyong bahay, iguhit ang bagay na sa tingin
mo ay tila walang katapusan na pangangailangan mo at ng iyong pamilya.

Sagot:

Gawain 6: Pagbuo ng Katha!


Bumuo ng maikling katha, kanta, tula o sanaysay na naglalarawan sa
kahulugan at konsepto ng ekonomiks.
Sagot:

RUBRIK sa Pamantayan ng Pagmamarka

Kriterya Napakalinaw ang Lubhang malinaw Hindi malinaw ang


Pagkakabuo (15pts) ang pagkakabuo pagkakabuo (5pts)
(10pts)
Nilalaman

Mensahe

Pagkakabuo

Tayahin

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang


ibig sabihin ay:
a. Pamamahala ng negosyo
b. Pakikipagkalakalan
c. Pamamahala ng tahanan
d. Pagtitipid

2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:


a. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan
b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
c. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang tao
d. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao

3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi
kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?

4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman


tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng
kakapusan sa mga ito dahil:
a. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman
c. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong
ibinebenta sa pamilihan
d. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng
bansa

5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa
ng desisyon ay:
a. Dinadalihang okasyon
b. Kagustuhang desisyon
c. Opportunity cost ng desisyon
d. Tradisyon ng pamilya

6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral


ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay
ng lapat o angkop na kongklusyon.
c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang
may hawak ng puhunan.

7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham


panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal
at makapaglingkod sa ibang bansa.

8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan.


Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng
kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa
kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa
hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.

9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga


pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan
ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at
mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang
mga patakaran ng mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay
mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na
masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang
patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang
panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.

10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?

a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning


pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa
kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
Name of Learner:
Grade Level:
Section:
Date:

GAWAING PAGKATUTO
Aralin 1: Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

PANIMULA

Sa Aralin 1, ating napag-aralan ang tungkol sa Ekonomiks bilang asignatura ng Araling Panlipunan sa
Pangkat 9. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na natutungkol sa paggamit at alokasyon o
pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makalikha ng pinakamahusay
at de-kalidad na mga produkto at serbisyong makatutugon sa paparaming pangangailangan at hilig ng
tao sa paraang pinakamatipid at pinakamabisa. Ang pokus o diwa sa pag-aaral ng ekonomiks ay kung
paano tutugunan ang mga suliranin at pangangailangan ng mga tao sa lipunan kaya’t ito ay nabibilang
sa agham panlipunan. Sinusuri at tinatalakay sa agham na ito ang mga suliraning pangkabuhayan
lalung-lalo na iyong may kinalaman sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat pamilya at ng
buong bansa. Ang pag-unawa sa mga konsepto at suliranin ng kakapusan at paparaming
pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon, alternatibong desisyon at pamamahala ng mga gawaing
pamproduksiyon at pangkalahatang kaunlaran ay ilan lamang sa kabilang sa pag-aaral ng ekonomiks.
Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili ang tao sa kanyang mga
desisyon sa pang-araw-araw.

Kasanayang Pangpagkatuto at koda: AP9MKE-Ia-1

Gawain 1:
Sagutin ang mga tanong.

1. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba na mapag-aralan ang Ekonomiks? Bakit? Ipaliwanag.


____________________________________________________________________________
2. Ngayong panahon ng pandemya, nakagawa ka ba ng isang matalinong desisyon? Magbigay ng
halimbawa.
____________________________________________________________________________

Gawain 2:
Punan ang Mind Map ng mga batayang katotohanan sa pag-aaral ng ekonomiks.
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kahalagahan ng Ekonomiks sa
Pang-araw-araw na Pamumuhay
Alamin
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga


sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks pangunahing konsepto ng Ekonomiks
pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang- batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-
araw-araw na pamumuhay. araw na pamumuhay.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)


1. Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Mga Pamantayan sa Pagkatuto


Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng bawat pamilya at ng lipunan.

Bahagi na ng buhay ng tao ang pagdedesisyon mula sa mga simpleng bagay


hanggang sa komplikadong sitwasyon. Araw-araw, gumagawa ang tao ng pagpapasya at
pagpili kung alin sa kanyang mga pinagpipilian ang mahalaga at kapaki-pakinabang.
Gumagawa ng mga pagpapasya ang mga tao dahil marami ang kanilang
pangangailangan at walang katapusan ang kanilang kagustuhan ngunit limitado lamang
ang pinagkukunang-yaman.
Ang gawaing ito ng tao ay may kaugnayan sa ekonomiks mula sa pagpili niya sa
kung anong produkto ang kanyang bibilhin patungo sa serbisyong kanyang kukunin.
Higit pa sa pagtugon ng pangangailangan at kagustuhan, ang pag-aaral sa ekonomiks ay
may malaking maitulong sa bawat tao. Kaugnay nito, ano nga ba ang ekonomiks? Ano
ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao?
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapaglalapat ng
kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag- aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan. Gayun din ay iyong matataya ang kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Aralin Kahalagahan ng Ekonomiks
sa Pang-araw-araw na
1 Pamumuhay

Balikan

Gawain 1: Isip – Isip!


Panuto: Suriin ang larawan. Bigyan ito ng sariling interpretasyon.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinakita sa larawan?
2. Nakaranas ka na ba ng kahalintulad na sitwasyon? Ipaliwanag.
3. Paano ka gumagawa ng desisyon sa isang sitwasyon na kailangan mong pumili?

Tuklasin

Gawain 2: Which is which?


Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano
ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong
desisyon at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya. Ilagay
sa buong sagutang papel ang iyong sagot.

Option A Option B Desisyon Dahilan

Paglalakad papunta Pagsakay ng jeep o tricycle


Sa paaralan papunta sa paaralan

Paglalaro ng ML Pagpasok sa klase


Pananaliksik sa
Pamamasyal sa parke
aklatan

Panonood ng KDrama Paggawa ng takdang-aralin


Pamprosesong Tanong
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran ka
ba sa iyong pasya?

Suriin
Sa parteng ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo
upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak
ang mga pang-unawa sa mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay
magkakaroon ka ng karagdagang mahahalagang ideya sa ekonomiks. Inaasahang magagabayan ka
ng mga inihandang babasahin at gawain upang masagot mo kung ano ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa


mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong
nito sa iyo bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang
maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang
usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at
programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng
ekonomiya.
Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga
desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa
pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa
alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang
makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang
pagdedesisyon ng iyong pamilya.
Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino, mapanuri, at
mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari din itong humubog sa
iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon
para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks?
2. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang ekonomiks at ano ang
kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon?
Pagyamanin

Gawain 3: Word Web


Panuto: Isa-isahin ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks batay sa gampanin
ng isang tao. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isaisip
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
1. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang oikonomia na ang ibig sabihin ay
“pamamahala ng sambahayan.”
2. Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ipamahagi at pagkasyahin ang
limitadong pinagkukunang-yaman sa dami ng pangangailangan at kagustuhan ng
mga tao.
3. Marami ang pagkakatulad ng sambahayan at pamayanan sa aspektong
ekonomiya.
4. Ang sambahayan ay gumagawa ng desisyon kung paano hahatiin ang limitadong
resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.

5. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at


serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
6. Sa paggawa ng matalinong desisyon, mahalagang isaalang-alang at suriin ang
trade-off, opportunity cost, incentive at marginalism ng mga pamimilian o choices.
7. Mahalagang pag-aralan ang ekonomiks dahil ang mga kaalamang matutunan mo
rito ay makakatulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.
Isagawa
Gawain 3: Gamitin Mo!
Panuto: Pag-isipan ang sitwasyon: Ikaw ay sinabihan ng iyong mga magulang na
hindi ka na nila kayang pag-aralin pa sa kolehiyo. Ano ang gagawin mo?
Titigil ka na lang ba sa pag-aaral at maghanap ng trabaho o gagawa ka ng
paraan para makapag-aral sa kolehiyo? Ipaliwanag ang iyong sagot sa isang
sanaysay gamit ang iyong kaalaman sa mga konsepto, kahulugan at
kahalagahan ng ekonomiks. Isulat ang sanaysay sa isang buong papel.

Rubrik sa Pagbibigay Ng Marka


KRITERYA 4 3 2 1
Kaalaman sa Ang Ang mga Hindi lahat ng Ang
Paksa pangunahing pangunahing pangunahing pangunahing
kaalaman ay kaalaman ay kaalaman ay kaalaman ay
nailahad at nailahad nailahad hindi nailahad
naibigay ang subalit hindi at natalakay.
kahalagahan. wasto ang ilan.
Organisasyon Organisado Organisado Hindi Hindi
ang mga paksa ang paksa masyadong organisado
at maayos ang subalit hindi organisado ang paksa at
presentasyon. maayos ang ang paksa at presentasyon
presentasyon. presentasyon

Gawain 4: Interview Portion

Panuto: Gumawa ng interview sa mga angkop na tao sa iyong pamamahay batay sa


kanilang gampanin. Itanong mo sa kanila kung paano nakatulong ang
kaalaman nila sa ekonomiks sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Alamin kung madalas ba nilang ginagamit ang konsepto ng trade-off,
opportunity cost, incentive at marginalism sa paggawa ng desisyon.

Taong Tatanungin Mga Sagot

Ama (bilang isang


mamamayan sa
lipunan)

Ina (bilang isang


miyembro ng
pamilya)

Kapatid (bilang
isang mag-aaral
RUBRIK sa Pagmamarka
KRITERYA 4 3 2 1
Kaalaman sa Ang Ang mga Hindi lahat ng Ang
Paksa pangunahing pangunahing pangunahing pangunahing
kaalaman ay kaalaman ay kaalaman ay kaalaman ay
nailahad at nailahad nailahad hindi nailahad
naibigay ang subalit hindi at natalakay.
kahalagahan. wasto ang ilan.
Organisasyon Organisado Organisado Hindi Hindi
ang mga paksa ang paksa masyadong organisado
at maayos ang subalit hindi organisado ang paksa at
presentasyon. maayos ang ang paksa at presentasyon
presentasyon. presentasyon

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.
1. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng
mga tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang
pinagkukunang-yaman?
a. Antropolohiya
b. Ekonomiks
c. Heograpiya
d. Sosyolohiya
2. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng
kakapusan. Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang
pinagkukunang-yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga
tao kahit limitado ang pinagkukunang-yaman
3. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?
a. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
b. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pang-
ekonomiya.
c. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
d. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-
iimpok.
4. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baunan dahil maliban sa ito ay maganda at
mura, eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong
konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
5. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa
manood ng KDrama ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong
pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
6. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng
mabuti upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong
mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong
pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?

a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off

7. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang


paglala ng suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na
pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyunal na paraan o
paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?

a. Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?


b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

8. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?

a. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho


sa hinaharap.
b. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa
ekonomiya.
c. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali
at gawi na magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay
sa hinaharap.
d. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa
pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-araw.

9. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa


isang bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie
ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?

a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off

10. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa
paaralan dahil nanghihinayang siya sa maari niyang matutunan na leksyon. Ang
sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?

a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
Name of Learner:
Grade Level:
Section:
Date:

GAWAING PAGKATUTO
Aralin 2: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

PANIMULA

Sa Aralin 2, napag-aralan ang kahalagahan ng ekonomiks. Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay,


nakakagawa tayo ng mga desisyon na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa ating buhay sa
hinaharap. Dahil dito, kinakailangan nating mapag-aralan at matutunan ang iba’t ibang konsepto ng
ekonomiks upang matulungan tayp sa ating pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa
hinaharap. Ang paggawa ng matalinong desisyon ay kinakailangan upang mas maging kapaki-kapakinabang
ang mga desisyon na ating ginagawa katulad ng pagpili kung anong produkto ang ating gagamitin o kung
kinakailangan ba nating bumili ng isang produkto. Nakakatulong ang pag-aaral ng ekonomiks upang lubos na
mapag-ingatan an gating pinagkukunang-yaman at magamit ito sa mas mahabang panahon.

Kasanayang Pangpagkatuto at koda: AP9MKE - Ia - 2

Gawain 1:

Gumawa ng isang tula na maglalarawan sa kahalagahan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang isang mag-
aaral.
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
San Francisco, Agusan del Sur

SUMMATIVE EXAM FOR MODULES 1 & 2


Araling Panlipunan 9

Name: ________________________________ Section: ___________


Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
a. pamamahala ng negosyo. c. pamamahala ng tahanan.
b. pakikipagkalakalan. d. pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat
a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal
na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
3. Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang
paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
a. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha
ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at
mga hilig.
b. Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng
pangangailangan ng mga tao sa mundo.
c. Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.
d. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.
4. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-
pantao naman ay
a. may hangganan din.
b. kaunti lamang kayat madaling tugunan.
c. parami nang parami at walang katapusan.
d. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat
a. lumiliit ang sukat ng daigdig.
b. nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito.
c. nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito.
d. pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at
ang kanilang mga pangangailangan at hilig.
6. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
a. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
b. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-
pantao.
c. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
d. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
7. May tatlong pangunahing uri ng pinagkukunang-yaman na mahalaga sa paglikha ng mga serbisyo at
produktong makatutugon sa mga pangangailangan ng tao. Aling pangkat ang nagsasaad ng mga ito?
a. lupain, teknolohiya, at yamang-tao
b. puhunan, yamang-tao, at negosyo
c. yamang-likas, puhunan, at teknolohiya
d. yamang-likas, puhunan, at yamang-tao
8. Ang pangangailangan ng mga tao ay maaaring uriin sa dalawa:
a. Luho at Hilig c. Materyal at Di-materyal
b. Likas at Di-Likas d. Produkto at Serbisyo
e.
9. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw
ay itinuturing na
a. luhong pangkatawan c. hilig-pantao
b. pangunahing pangangailangan d. sekundaryong pangangailangan
10. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang
pinakaangkop na kahulugan?
a. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
b. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
c. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga
produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
d. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad na
produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo
at paraang pinakamatipid.
11. Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yamn sa iba’t ibang gamit
upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
a. produksyon c. imbensyon
b. alokasyon d. kalkulasyon
12. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
13. Dalawa ang pangunahing sangay ng pag-aaral ng ekonomiks. Ang una ay
tumutukoy sa pagpapalago ng produkto at kita ng pamilya o bahay-kalakal. Ano ang tawag sa sangay na ito?
a. makro-ekonomiks c. makro-enterprays
b. maykro-enterprays d. maykro-ekonomiks
14. Ang pangalawang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks ay nagsusuri ng mga impluwensiya ng kalakalan sa
pagtaas ng pambansang kita, paglawak ng pandaigdigang pamilihan, at pagtaas ng antas ng pamumuhay ng
mga tao sa daigdig. Ano naman ang tawag sa sangay na ito?
a. globalisasyon c. maykro-ekonomiks
b. makro-ekonomiks d. kapitalismo
15. Ang ekonomiks ay tungkol din sa pagsasagawa ng mga desisyon o pagpili ng mga alternatibo. Alin sa
mga sumusunod ang maituturing na halimbawa ng mabuting desisyon o alternatibo sa punto ng ekonomiks?
a. Si Paolo ay nasa unang taon sa kolehiyo. Nag-iisang anak siya. Mahirap lamang ang kanyang mga
magulang ngunit nagsisikap silang palaguin ang sariling negosyo upang mapag-aral sa pribadong
paaralang pangkolehiyo sa Maynila si Paolo. Nangungupahan si Paolo sa isang boarding house. Malaki
ang ipinadadalang panggastos o allowance ng kanyang mga magulang dahil ayaw ng kanyang ina na
siya ay kapusin sa pagkain at mga kagamitan sa pag-aaral. Subalit sa tuwing matatanggap ni Paolo
ang kanyang allowance, ginagamit niya ang malaking bahagi sa paninigarilyo at panonood ng sine
gawa ng masamang impluwensiya ng kanyang barkada. Natuto rin siyang magsugal at di naglaon ay
napabayaan ang pag-aaral. Inaasahan ng kanyang mga magulang na siya ay magtatapos pagkaraan
ng apat na taon, subalit pangalawang taon pa lamang ay wala na siyang interes sa pag-aaral at pinili
niyang tumigil na lamang at makipagbarkada.
b. May mga bansa sa daigdig na ang prayoridad ay ang pagpaparami ng armas pangdigma. Sa halip na
magtayo ng mga paaralan na sapat sa bilang ng mga kabataan, malaking porsiyento ng pambansang
badyet ang inilalaan sa pagbili ng armas at sandata upang palakasin ang kanilang sandatahang lakas.
c. Malaki ang komisyon ni Mr. Vargas buhat sa ahensiyang pinapasukan sa pagbebenta ng real estate sa
Cavite. Ipangmamatrikula iyon ng panganay niyang anak. Ihuhulog na sana ni Mr. Vargas sa bangko
ang kanyang komisyon ngunit nahilingan siya ng mga kaibigan sa kumpanya na ipagdiwang ang
kanyang naging tagumpay. Niyaya siyang maglibre ng hapunan at inuman sa isang restawran at bar.
d. Hindi naman siya tumanggi at inisip na lamang na kaunti lamang ang kanyang gagastusin. Subalit
lumaki ang gastos. Pag-uwi niya sa tahanan ay nanlumo siya sapagkat halos wala nang natira sa
kinita niyang komisyon at kinakailangan siyang mangutang na lamang upang mabayaran ang
matrikula ng kanyang anak.
e. Isang garment factory para sa mga sanggol ang pag-aari ng mga magulang ni Alfred at
pinamamahalaan ng kanyang ina. Nagsimula ito sa maliit na puhunan at maliit na tubo, ngunit
sinigurado ng kanyang ina na mahusay ang mga tela at matibay ang pagkakayari ng mga damit
pambata. Nag-empleyo sila ng magagaling na mananahi at inialok sa mga malalaking mall ang
kanilang produkto. Dahil sa de-kalidad na produkto, dumami ang naghahanap ng kanilang produkto at
lumaki ang produksyon. Ipinagpatuloy ng kumpanya ang de-kalidad na yari ng kanilang produkto at di
naglaon ay lumakas ang kita at tubo nito. Upang mapagaan at mapabilis ang paggawa, ang ilang
porsiyento ng tubo ay inilaan sa pagbili ng makabagong makina at pagsasanay sa mga mananahi sa
makabagong teknolohiya. Ngayon ay isa nang malaking exporter ng mga damit pambata ang
kaniyang mga magulang.
16. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig
sabihin nito ay
a. tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
b. naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na
kongklusyon.
c. sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
d. ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan;
walang saysay ang mga kahilingan ng mga konsyumer.
17. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
18. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
19. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad
ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan
kayat nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng
mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat
ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang
antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
20. May mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks tulad ng istatistiks, ekwasyon at pormula sa
matematiks, logic o mapanuring pag-iisip, at paggamit ng mga datos o pruweba. Lahat ng mga dahilang
nakatala sa ibaba ay tama, maliban sa isa. Alin ang hindi tamang dahilan kung bakit may mga kagamitang
pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks?
a. Upang magkaroon ng batayan ang mga mungkahing solusyon o mga kongklusyon hinggil sa mga
suliraning pang-ekonomiya at pangkaunlaran.
b. Maganda sa paningin ang mga drowing at ilustrasyon.
c. Nailalarawan at naipaliliwanag na mas higit ang mga konsepto kaya nakatutulong sa mag-aaral sa
pag-unawa ng mga ito.
d. Naipakikita ang mga puntos ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga datos kayat nagiging kawili-wili
ang pagsusuri ng mga ito.

You might also like