You are on page 1of 14

Araling

Panlipunan 8
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 13-15
Dahilan ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo o Imperyalism
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
Grade 8 Quarter 3
Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 8 ( Kasaysayan ng Daigdig )

Paksa: Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo o Imperyalismo


Salik sa Tagumpay ng Kolonyalismo
Epekto ng Imperyalismo sa Asya at Africa

Day and Learning Learning Task Time Mode of


Time Competency Allotment Delivery
8:30 – 9:30
Home Guidance Program (HGP)
9:30 – 10:00
RECESS
MGA INAASAHAN Ipasa o
Wednesday Nasusuri ang 10 ipadala ang
10:00 – dahilan, min. output sa
Pahina 1, 7, 10.
12:00 pangyayari, facebook
at epekto ng PAUNANG PAGSUBOK Messenger o
unang yugto 20 Group Chat
Makikita sa pahina 3 min.
ng na gawa at
(Module 6) Kolonyalism binigay ng
o BALIK ARAL
30min. Guro o mga
Ayusin ang ginulong titik upang matukoy ang tamang iba pang
For STE sagot (pahina 3 at 7. paraan ng
Schedule pagpasa ng
Wednesday
ARALIN inirekomenda
Mga salik sa pagpapalawak ng imperyong kanluranin(pahina 3-5)
1:00-5:00 ng paaralan
Afternoon Mga Salik sa Tagumpay ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo (pahina 8) 60min. o anumang
Epekto ng Imperyalismo sa Aprika at Asya(pahina 9-10) napili ng
guro para
MGA PAGSASANAY sa Klase.
 Gawain 1: Ang Tanong…..!(pahina 3) 50 (Modular
 Pagsasanay 1: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga min. Digitized)
pangungusap.(pahina 7)
LUNCH
PAGLALAHAT Magulang
12:00-  Gawain: Fill Me Up!(pahina 4)
20 mismo ang
1:00 min. magbigay
ng output
PAGPAPAHALAGA
ng anak sa
1:00-3:00  Gawain: Pusuan Mo….(pahina 4) Guro sa
20
 Gawain : Gumawa ng isang repleksyon(pahina7) min. paaralan o
 Gawain : Aksiyon (pahina 11) di kaya ay
sa barangay
distribution
KARAGDAGANG GAWAIN: area.
30min.
Summative Test 20 items) (Modular
Printed)
3:00
FAMILY TIME
onwards

Prepared by:
MYRNA D. CHATTO
GRACE P. ORBITA
LORELENE B. PEDROSO
SHEENA PEARL B. TINDOY
AP TEACHERS
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Naibibigay ang mga dahilan ng Ikalawang Yugto Ng Kolonyalismo o


Imperyalismo.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang titik ng
pinakatamang sagot.

1. Kailan naganap ang ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?


A. 1874-1920 C. 1851-1900
B. 1870-1914 D. 1861-1914
2. Dominasyon ng isang bansa sa politika,ekonomiya at kultura ng isang bansa?
A. Progresibo C. Balance of Power
B. Merkantilismo D. Imperyalismo
3. Paniniwala na ang mga puti ay may obligasyong tulungan ang mga kapus- Palad sa
daigdig.
A. White Man’s Burden C. Coalition of the Willing
B. Sphere of Influence D. Power Play
4. May pananaw na ang mga lahing puti ay umuunlad at nagiging mas mataas
ang antas ng sibilisasyon kaysa sa ibang lahi.
A. Cyclist B. Leftist C. Racist D. Analyst
5. Nakita ang mga kapitalista na sagana sa likas yaman na wala o kakaunti sa mga
industriyalisadong bansa.
A. Antarctica C. Netherlands at Holland
B. Asya at Africa D. Australia

BALIK-ARAL
Panuto: Ayusin ang ginulong titik upang matukoy ang tamang sagot. Isulat sa patlang,

--------------------1. Ang kaparian at aristokrasya ang bumubuo sa LIBINOTY.


--------------------2. Nagpalawak ng imperyo ng Pransya ay si NOLEPOAN FARNABOTE.
--------------------3. Nagbigay-daan sa pagsiklab ng himagsikan ay ang KILAPAG GN YONPOLASPU.
--------------------4. Isinasagawa para sa mga taong kumakalaban sa pamahalaan ay ang IGREN FO RORRET.
--------------------5. Gitnang uri ng lipunan ay tinatawag na GEBORUSIEOI.

ARALIN
Sa panahon ang eksplorasyon, matatandaan na ang mga makapangyarihang basa
sa Europa ay nagtatag ng mga imperyo sa ibayog dagat.Pagsapit ng 1800, karamihan sa mga
kolonyang ito ay nakalaya. Pagsapit ng huling bahagi ng 1800, muling nakipagsapalaran ang mga
kanluranin upang makapagtamo ng mga teritoryo o lupain sa ibayong dagat.Tinawag ang panahong ito ng
Panahong Imperyalismo (1870-1914).

Mga salik sa pagpapalawak ng imperyong kanluranin

1. Pang-ekonomiyang salik

Isang mahalagang dahilan ng imperyalismo ang pang-ekonomiyang motibo. Nais ng mga makapangyarihang
bansa na maisakatuparan ang tatlong bagay:
➢ pagkakaroon ng bagong pamilihan,
➢ makuha ang mga likas na yaman ng mga bansa, at
➢ magkaroon ng bagong lupain na siyang paglalagakan ng kanilang sobrang puhunan.
Ang rebolusyong industriyal ay nagdulot ng sobra-sobrang produksiyon sa pangangailangan ng mga
bansang kanluranin. Sinimulan ng mga industriyalista na maghanap ng mapagdadalhan ng kanilang sobrang
produksiyon. Tumaas naman ang pangangailangan ng mga bansa sa Asya, Aprika at Latin Amerika
sa mga produktong tulad ng telang bulak at mga kagamitang pambukid.

Mga salik sa pagpapalawak ng imperyong kanluranin

1. Pang-ekonomiyang salik

Isang mahalagang dahilan ng imperyalismo ang pang-ekonomiyang motibo. Nais ng mga makapangyarihang
bansa na maisakatuparan ang tatlong bagay:

➢ pagkakaroon ng bagong pamilihan,


➢ makuha ang mga likas na yaman ng mga bansa, at
➢ magkaroon ng bagong lupain na siyang paglalagakan ng kanilang sobrang puhunan.
Ang rebolusyong industriyal ay nagdulot ng sobra-sobrang produksiyon sa pangangailangan ng mga
bansang kanluranin. Sinimulan ng mga industriyalista na maghanap ng mapagdadalhan ng kanilang
sobrang produksiyon. Tumaas naman ang pangangailangan ng mga bansa sa Asya, Aprika at Latin
Amerika sa mga produktong tulad ng telang bulak at mga kagamitang pambukid.

Nakita ng mga kapitalista na ang lupain ng Asya at Aprika ay sagana sa likas na yaman na wala o kakaunti sa
mga industriyalisadong bansa.

Sa rebolusyong industriyal nakita ang pangangailangan sa goma, petroleum, manganese, at iba pang
gamit sa indutriya at makinarya. Nais makuha ng mga manufacturer ang mga likas na yaman na ito
kaya lalo pang sumigla ang imperyalismo. Naghanap din ang mga bansa ng bagong pamilihan sa buong
daigdig. Maging ang mga namumuhanan at mga bangkero ay naghanap din ng mapaglalagyan
ng kanilang mga puhunan. Ang mga kolonya ay mahalagang mapaglalagyan ng lumalaking populasyon
ng Europe.

2.Politikal na salik
Matatandaan na noong 1859, binalangkas ni Charles Darwin sa kanyang akdang On the Origin of
Species by means of Natural selection ang teorya ng ebolusyon. Ayon sa kanya, ang ebolusyon ng mga uri
(species) ng hayop at halaman ay sa pamamagitan ng natural selection. Ang nasabing teorya ay
pinapatanyag at ginamit ng ilang Europeo upang iangkop sa lahi at nasyon.

Nakilala ang teoryang ito bilang Social Darwinism, ang paniniwala na ang natural selection ay
angkop din sa mga ugnayan ng mga tao sa daigidig. Nanaig din ang prinsipyo ng survival of the fittest na
nagsasaad na ang may mga katangiang higit na angkop para mabuhay sa daigdig ay yumayaman at
nagtatagumpay. Samatala, ang mga mahihirap ay ang walang kakayahang umangkop o

Ginamit ang Social Darwinism upang magtangi ng lahi. Sa pananaw ng mga racist o nagtatangi ng lahi,
ang mga lahing puti ay umuunlad at nagiging mas mataas ang antas ng sibilisasyon kaysa mga
lahin`paniniwala ang mga social Darwinism na kinakailangan ang pagpapalawak ng imperyo dahil sa
mahihinang bansa ay mapasailalim sa malalakas na bansa.

Ginamit ang Social Darwinism upang magtangi ng lahi. Sa pananaw ng mga racist o nagtatangi ng lahi,
ang mga lahing puti ay umuunlad at nagiging mas mataas ang antas ng sibilisasyon kaysa mga
lahin`paniniwala ang mga social Darwinism na kinakailangan ang pagpapalawak ng imperyo dahil sa
mahihinang bansa ay mapasailalim sa malalakas na bansa.

Ginamit ang Social Darwinism upang magtangi ng lahi. Sa pananaw ng mga racist o nagtatangi ng
lahi, ang mga lahing puti ay umuunlad at nagiging mas mataas ang antas ng sibilisasyon kaysa
mga lahin`paniniwala ang mga social Darwinism na kinakailangan ang pagpapalawak ng imperyo
dahil sa mahihinang bansa ay mapasailalim sa malalakas na bansa.
Ginamit ang Social Darwinism upang magtangi ng lahi. Sa pananaw ng mga racist o nagtatangi ng
lahi, ang mga lahing puti ay umuunlad at nagiging mas mataas ang antas ng sibilisasyon kaysa
mga lahin`paniniwala ang mga social Darwinism na kinakailangan ang pagpapalawak ng imperyo
dahil sa mahihinang bansa ay mapasailalim sa malalakas na bansa.

Kaakibat ng Social Darwinism ang paniniwalang tinatawag na White Man’s Burden. Ito ay ang
paniniwala na ang mga puti ay may obligasyong tulungan ang mga kapus-palad sa daigdig at
maturuan sila ng mga pagpapahalagang kristiyano at kasayanang Europeo. Sa pananaw ng mga
kanluranin, isang pabigat sa mga lahing puti ang mga lahing itim o kayumanggi obligasyon nilang
tulungan at gabayan ang mga ito

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:%22The_White_Man%27s_Burden%22_Judge_1899.png

Ang paglaganap ng palimbagan sa Europe ay nagbigay-daan sa lalong pag- unlad ng


nasyonalismo ng mga Europeo, sa kagustuhan ng pamahalaan na mapaunlad ang nasyonalismo
ng mga Europeo, hinihikayat ang pagpapalimbag ng mga kuwento ng pakikipagsapalaran at mga
aklat tungkol sa paglalakbay. Nabuo ang mga grupo gaya ng Colonial League na nagtaguyod ng ideya
ng kolonyalismo.Ang pangyayaring ito ay humikayat sa mga Europeo na palawakin ang
kanilang Nasyonalismo sa labas ng Europe. Ang naging resulta nito ay imperyalismo-
dominasyon ng isang bansa sa politika, ekonomiya at kultural ng isang bansa. At ang pagnanais
din na makapagbigay ng karangalan at katanyagan sa kinabibilangan bansa ay nagbunsod din sa
pagpapalaganap ng imperyalismo

MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Ang Tanong…..!


Panuto: Isulat ang sagot sa katapat na kahon .

Ibigay ang hinihingi Sagot

1. Tatlong bagay na nais maisakatuparan 1.


ng makapangyarihang bansa. 2.
3.
2. Nakikitang pangangailangan sa 1.
Rebolusyong Industriyal. 2.
3.
3. Akdang isinulat ni Charles Darwin 1.

4. Ipaliwanag ang sumusunod:


a. White Man’s Burden a.
b. Imperyalismo b.
PAGLALAHAT

Gawain: Fill Me Up!


Panuto: Punan ang bawat kahon ayon sa iyong natutunan sa aralin.

Salik
Salik Salik

Kolonyalismo at
imperyalismo

PAGPAPAHALAGA

Gawain: Pusuan Mo….

Panuto: Kung ikaw ay isang imperyalistang bansa , anong plataporma ang


Gagamitin mo upang makuha ang suporta
ng iyong mga tao . Pumili ng isa at isulat
sa kahon ang iyong paliwanag.

Pang -ekonomiya White Man’s Burden


Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto14
Salik sa Tagumpay ng Kolonyalismo

MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul,inaasahang ang mga mag-aaral ay:

A. Natutukoy ang mga salik sa tagumpay ng kolonyalismo ng mga Kanluranin


B. Naipaliliwanag ang mga kaparaanan na ginamit upang maging matagumpay ang
Kolonyalismo
C. Nakapagpapahayag ng mga saloobin ukol sa mga patakarang ipinatupad sa panahon ng
kolonyalismo

BALIK-ARAL
Panuto: Punan ng wastong sagot ang graphic organizer batay sa nakaraang aralin
ukol sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at pumili ng sagot sa ibaba.

Anyo ng Layunin ng
Imperyalismo Imperyalismo 1.
1.
2.
2.
3.
3.

Sphere of
Influence ,
Protectorate,
Maka-Diyos at
Makatao, Kolonya,
Concession,

Pulitikal, Militar,
Industrial,
Pangkabuhayan
Panlipunan

ARALIN
Mga Salik sa Tagumpay ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo

Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo kapansin-pansin na ang


pinagtuunan ng pansin ng mga Europeo ang kontinente ng Africa at ang
Silangang Asya. Ano nga ba ang dahilan bakit naging matagumpay agad
ang kanilang pananakop sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo? may mga
salik ang kanilang tagumpay tulad ng pang-ekonomiya, militar at politikal,
gayundin ang iba’t-ibang patakaran na kanilang pinairal upang higit nilang
mapalawak ang kanilang kapangyarihan sa mga nasakop nila. Ang pang-
ekonomiyang salik ay ang pagkakaroon ng bagong pamilihan, makuha ang
mga likas na yaman ng mga kolonyang bansa at magkaroon ng lupain na
paglalagakan ng kanilang sobrang puhunan at produkto. Matatandaan na sa
panahon ng Industrial Revolution nagkaroon ng sobra-sobrang produksiyon.
Sinimulan ng mga kapitalista at industrialista na maghanap ng
mapagdadalhan nito. Nakita ng mga Kanluranin na sagana sa likas na yaman
ang mga taga Africa at Asya subalit kulang sila sa industriya at makinarya
na kung saan mayroon ang mga mananakop.
Ang salik na pulitikal at militar ay nakatulong din sa kanilang tagumpay. Ang
mga steam-powered na sasakyan at sasakyang-pandagat ay nangailangan ng mga
base sa iba’t ibang panig ng daigdig upang magdala ng mga suplay. Kinamkam ng
mga bansang may lakas industriya ang mga kapuluan o mga daungan upang
mabigyang-solusyon ang kanilang pangangailangan. Maraming tao ang sangkot
sa bagong imperyalismo nanguna dito ang mga sundalong mangangalakal,
misyonaryo, at mga eksplorador. Sa Europa, ang pagpapalawak ay naging kaakit-akit
sa lahat ng tao, mula sa mga kapitalista at mga prodyuser hanggang sa mga
manggagawa. Lamang ang mga taga Europa sa pagkakaroon ng malakas
na kabuhayan, organisadong gobyerno at makapangyarihang hukbong sandatahan.
Nakatulong din ang superyor na teknolohiya at maunlad na kaalamang medikal.
Nakatulong din ang pagkakaroon ng armas at sasakyang pandigma na siyang
kinatakutan ng mga Aprikano at Asyano, naging panakot ito ng mga Europeo
na naging daan upang tanggapin ng mga Aprikano at Asyano ang kontrol ng
mga Kanluranin sa kanilang pamumuhay.

Gumamit ng iba’t ibang kaparaanan ang mga mananakop tulad ng


protectorate na kung saan ang mga local na pinuno ay nanatili sa lugar ngunit
inaasahang sila’y tatanggap ng mga payo ng mga Europeo sa larangan ng kalakalan o
mga gawaing pang misyonaryo. Ang sphere of influence naman ay kontrolado
ang isang bahagi ng lupain na may eksklusibong karapatan dito. Samantalang
sa concession naman ang mga mahihinang bansa ay nagbigay ng mga espesyal
na karapatang pangnegosyo, karapatan sa daungan at paggamit ng likas na
yaman. Higit sa lahat pinairal din ng mga Europeo ang white man’s burden na kung
saan pinaniwala nila ang mga katutubong Aprikano at Asyano na tungkulin
nila na tulungan ang mga kapus-palad sa daigdig at maturuan sila
ng mga pagpapahalagang Kristiyano at kasanayang Europeo.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga pangungusap.

1. Ang mga Kanluranin ay nagpairal ng preserbasyon ng likas na yaman sa


panahon ng kanilang pananakop.
2. Ang mga daungan na binuksan ng mga Kanluranin ay nakatulong ng malaki
upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
3. Ang malakas na hukbong sandatahan ng mga Kanluranin ay
kinatakutan ng mga Muslim sa panahon ng imperyalismo.
4. Sa panahon ng Industrial Revolution nagkaroon ng paghihirap sa paglikha
ng mga produkto.
5. Nagamit ng husto ng mga Kanluranin ang likas na yaman ng mga
Asyano at Aprikano sa panahon ng kanilang pananakop.

Pagsasanay2: Batay sa aralin bumuo ng isang konklusyon kung alin sa mga patakaran ang
nakabuti at nakasama bilang isang bansang sinakop sa panahon ng Ikalawang Yugto ng
Imperyalismo.

Nakabuti
Nakasama

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Gumawa ng isang repleksyon ukol sa Tagumpay ng Ikalawang Yugto ng


Imperyalismo. Ilahad ang iyong saloobin kung sa palagay mo ito ay nakatulong o
nakasama sa atin bilang mamamayang Pilipino.
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 15
Ikalawang Yugto ng Imperyalismo:Epekto ng
Imperyalismo sa Asya at Africa

MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul,inaasahang ang mga mag-aaral ay:

A. Nakakapagbalik-tanaw sa mga patakarang pinairal ng mga Kanluranin sa panahon ng


pananakop sa Asya at Aprika
B. Natukoy ang mga patakarang ipinatupad ng mga kanluranin sa Asya at Aprika
C. Nasuri ang mga naging epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa Asya at
Aprika.

ARALIN

Epekto ng Imperyalismo sa Aprika at Asya


1880-Nakapagtayo ng outpost o istasyon ang mga
Europeo sa baybayin ng Africa
1884-Binuo ang Berlin Confrence upang maisaayos ang
Mahahalagang kompetisyon sa pagitan ng Britain,France at Germany sa
Petsa at Pangyayari pag-aagawan ng lupain sa Aprika
1787-Nasakop ng mga Briton ang Sierra Leone at Cape
Colony sa tulong ng isang aliping Aprikano na si Olaudah
Equiano noong 1815
1875-Nakontrol ng Britanya ang Suez Canal
1899-1902-South African War at natalo ng mga Briton
ang mga Boer o Dutch na naninirahan sa South Africa
Ating
Alamin
Ang pag-aagawan sa Africa at Asya ay resulta ng paghina ng Britain sa kanyang
pagtatanggol sa mga ugnayang pang ekonomiya na naitatag nito sa unang dekada. Pagdating ng 1880
humarap ang Britain sa hamong pandagat, komersiyal, at teknolohikal sa mga bansang katulad ng
Germany,United States at France.
Ang Africa at Asya ay sagana sa likas na yaman tulad ng ginto,langis atbp.na
siyang nais ng mga kanluranin. Binubuo din ng napakaraming pangkat etniko ang dalawang
kontinente na kilala sa buong mundo. Sina David Livingstone na isang doktor at Henry Stanley na
isang manunulat. Silang dalawa ang nagsaliksik sa Africa at ito ay kanilang isinulat at nabasa ito ng
nakararaming Europeo. Samantalang ang kagandahan naman ng China at iba pang bansa sa
Silangang Asya ay isinulat ni Marco Polo. Dahil sa may taglay na saganang likas na yaman
ang dalawang kontinente sila’y pinag-agawan at nagpatupad ng iba’t ibang patakarang mga
Kanluranin na hindi sinang- ayunan ng mga katutubong Aprikano at Asyano. Nagkaroon ng
hidwaan at pagmamalabis. Sa Africa nakaranas ang mga Aprikano ng direktang kolonyalismo at
napasailalim ang mga katutubo sa kapangyarihang

katutubong kultura ng mga taong dati ay nakasalalay ang organisasyong politikal sa mga grupo
o tribo. Ang paghahating naganap ay hindi pantribo kundi arbitraryong kasunduan ng mga
Briton kayat nagresulta ito sa hindi pagkakaisa ng mga mamamayang Aprikano at pagkakaroon ng
pambansang pagkakakilanlan. Naging malawakan din ang slavery o pang-aalipin.
Sa Asya naman pinaghati-hatian din sila ng mga Kanluranin. Nagkaroon ng Digmaang Opyo na
nagresulta sa pagkawala ng Hongkong bilang kanilang teritoryo. Nagkaroon ng Open Door
Policy at dahil dito ang mga Kanluranin ay nagkaroon ng pantay na karapatan ang lahat ng
Kanluranin sa kalakalan sa China at pagtigil sa Sphere of Influence. Sa kabilang banda ang Japan
ay napanatili ang kanyang lakas paghahating sa kasunduang Shimonoseki kaya’t nakaligtas siya sa
kamay ng mga Kanluranin. Ang lakas paggawa,malawakang paggamit ng likas na yaman at walang
humpay na pagsisilbi sa mga taniman ang naranasan ng mga Asyano.
Sa pangkalahatan ang pagkakahati-hati ng teritoryo ng Aprika at
Asya na isinagawa ng mga Kanluranin ay nagbunga ng hidwaan hanggang sa kasalukuyang
panahon, gayundin ang malawakang pagkasira ng katutubong kultura ng mga Asyano at
Aprikano na madalas mauwi sa digmaan ng bawat
katutubo.

\ PAGPAPAHALAGA

Sa makabagong panahon nagaganap pa din ang slavery o pang-aalipin kahit saang panig ng
mundo at maging dito sa ating sariling bansa. Ano ang gagawin mong
hakbang kung ikaw ay isa sa naging biktima ng slavery?
SUMMATIVE TEST para sa MODULE 13-15
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang titik ng
pinakatamang sagot.
1. Ano ang naganap sa huling bahagi ng 1800?
A. Muling nakipagsapalaran ang mga bansang kanluranin upang makapagtamo ng mga teritoryo
B. Pagsali sa pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansa
C. Nagpalakas ng pwersang sandatahan
D. Pumirma ng kasuduang pangkapayapaan
_______2. Ang imperyalismo ay dominasyon ng malakas at makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa sa mga aspektong
A. Politika B. Ekonomiya C. Kultura D. Lahat ng nabanggit
3.Ang tulang isinulat ni Rudyard Kipling na White Man’s Burden ay patungkol sa ?
A. Maraming nadamay dahil sa pakikialam ng ibang bansa
B. Pagpasok ng usaping pangkapayapaan
C. Nagpatuloy ang labanan sa kalupaan at karagatan
D. Tungkulin ng mga Europeo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop
4. Ano ang naging batayan ng mga Racist upang magtangi ng lahi ?
A. Protectorate B. Social Darwinism C. Benevolent Assimilation D. Manifest Destiny
5. Nakatawag pansin sa mga kapitalista ang Asya at Africa, sa anong dahilan ?
A. Sagana sa likas -yaman na wala o kakaunti sa mga industriyalisadong bansa
B. Pagnanais na makatulong sa usaping pangkapayapaan
C. Mapataas ang antas ng kaalaman
D. Wala sa pagpipilian
______6. Ang paggamit ng likas na yaman ay nakapaloob sa patakarang
A. Protectorate B. White Man’s Burden C. Concession D. Sphere of Influence
_______7. Ang pag-unlad ng Industrial Revolution sa Europa ay naging sanhi upang magkaroon ng
sobrang sa pamilihan A. pera B. produkto C. negosyo D. armas
_______8. Ang Asya at Africa ay kilala sa saganang likas na yaman, subalit kulang sa industriya at_
A. bangko B. negosyo C. teknolohiya D. armas
_______9. Ang steam powered na mga sasakyan ay kabilang sa salik na
A. militar B. pampulitika C. ekonomiya D. panlipunan
_______10. Ang pananakop sa Silangang Asya at Africa ng mga Kanluranin ay naganap noong panahon ng
A. Ikalawang Yugto ng Imperyalismo C. Unang Yugto ng Imperyalismo
B. European Imperialism D. Panahon ng Eksplorasyon
_______ 11. Sa panahon ng imperyalismo ng mga Kanluranin, nawala at unti-unting nasira ang ng mga
Asyano at Aprikano A. wika B. kultura C. pagkain D. edukasyon
_______12.Itinatag ang Berlin Conference noong 1884 upang maiwasan ang
A. slavery o pang-aalipin B. digmaan C. tunggalian ng interes D. kampihan
______13. Ang dalawang kontinente na pinag-agawan ng mga Kanluranin dahil sa masaganang likas na
yaman ay ang A. Aprika at Asya B. Amerika at Europa C. Australia at Aprika D. Asya at Antartica
_______14.Ang nanguna sa eksplorasyon patungo sa Aprika ay sina
A. Marco Polo at Ferdinand Magellan C.Hernando Cortez at Prinsipe Henry
B. Bartolome Diaz at Pigafetta D.David Livingstone at Henry Morton
________15.Hinangad ng mga kanluranin na masakop ang Asya at Aprika dahil sa
A.Maunlad na ekonomiya C.Saganang likas yaman
B.Malaking populasyon na D.Maunlad na teknolohiya magagamit sa digmaan
________16.Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo ng mga Kanluranin, naging sentro ng kanilang pananakop
ay sa kontinente ng
A. Amerika at Asya B. Africa at Silangang Asya C. Africa at Australia D. Antarctica
_______17. Sa panahon na ito nagkaroon ng sobrang produkto ang mga Europeo at nais nilang maibenta ito
sa ibang lugar upang hindi malugi at higit pang kumita.
A. Industrial Revolution B. French Revolution C. Agricultural Revolution D. Scientific
Revolution
______18. Ang lupalop ng Asya at Africa ay kilala sa saganang kayat naging sentro ito ng pananakop
ng mga Kanluranin.
A. lakas-tao B. Industriya C. Likas na yaman D. Teknolohiya
______19. Ang pangunahing salik sa tagumpay ng pananakop ng mga Kanluranin ay ang
A. ekonomiya B. relihiyon C. militar D. pulitikal
______20. Ang patakarang concession ay may layuning magamit ng eksklusibo ng mga mananakop ang
A. lakas-paggawa B. likas na yaman C. simbahan D.paaralan
SUSI SA PAGWAWASTO aralin 13
AKLAT:
• Rosemarie C. Blando,Michael M. Mercado,Mark Alvin M. Cruz,Angelo C.
Espiritu,Edna L. De Jesus,Asher H.Pasco,Rowel S. Padernal,Yorina C. Manalo,at
Kalena Lorene S. Asis. 2014. Modyul para sa Mag-aaral. Kasaysayan ng
Daigdig. Department of Education.

• Celia D. Soriano, Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo,Consuelo M.


Imperial, Maria Carmelita B. Samson.2015. kayamanan ( kasaysayan ng
Daigdig). Manila City: Rex Book Store.

• Grace Estela C. Mateo, Rosita D. Tadena, Mary Dorothy DL.Jose, Celinia E.


Balonso, Celestina P. Boncan, John N. Ponsran , Jerome A. Ong. 2012. Kasaysayan
ng Daigdig. Department of Education.

• AP 111 Ease Module

WEBSITE:
.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:%22The_White_Man%27s_Burden%
22_Judge_1899.png

You might also like