You are on page 1of 3

Q2 Gawain 5 Supply

Name: Score:
Grade 9 - /20

PAGLALAGOM
Panuto:

A. FACT CHECK! Lagyan ng () ang tapat ng kolum na sang-ayon kung tama ang
pahayag ukol sa konsepto ng supply at ang () sa tapat ng kolum kung hindi.

Pahayag Sang-Ayon Di Sang-Ayon

1. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto


o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser sa takdang presyo at panahon.

2. Ang ugnayan ng presyo at quantity supplied ay


maaring ipakita gamit ang supply schedule, supply
curve, at supply function.
3. Ayon sa Batas ng Supply, ang presyo at quantity
supplied ay may di-tuwirang relasyon.
4. Ang slope ng supply function ang nagtatakda
kung ang ugnayan ng presyo at supply ay positibo
o negatibo.

5. Ang ceteris paribus assumption ay nagsasaad na


ang ugnayan ng presyo at supply ay may
magkasalungat na relasyon.

B. Pataas o Pababa? Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng R ang


patlang kung lilipat pa kanan ang supply curve at L kung sa kaliwa naman. Isulat
kung anong salik ang nagpalipat sa kurba ng supply. Sa ibabang bahagi ipakita
sa pamamgitan ng graph ang pagbabagong naganap.

_____1. Hindi muna ibinenta ni Aling Nery ang lahat ng kaniyang panindang bawang
ngayon sa pag- aakalang tataas pa ang presyo nito sa susunod na linggo.
Salik: ________________________________________________________________
_____2. Nagpalit ng bagong modelo at mas malaking kalan si Tita Bernice para sa
kaniyang karinderya.
Salik: ________________________________________________________________

_____3. Ngayong pandemic, tumaas ang presyo ng karne ng baboy, kaya naman ang
pamilya Geronimo ay puro isda ang binibili sa pamilihan.
Salik: ________________________________________________________________

_____4. Bumibili si Tito Francisco ng tatlong rolyo ng balat ng hayop upang gawing
sapatos. Tumaas ang presyo kada rolyo ng balat ng hayop mula sa dating Php6,000 at
umabot na ngayon ng Php9,000 kada rolyo.
Salik: ________________________________________________________________
_____5. Malakas na negosyo ngayong pandemic ang delivery service, kaya si Mang
Roel ay nahikayat na ding pumasok sa ganitong uri ng negosyo.
Salik: ________________________________________________________________

You might also like