You are on page 1of 7

I. LEARNING Pamagat ng Gawain: Saliksik-Isip!

ACTIVI TIES Most Essential Learning Competency: Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang


sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. F11EP – Ie – 31

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at saliksikin. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Litong- lito si Ana sa dami ng kaniyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang


niyang pumunta sa silid-aklatan upang magsaliksik.
a. Instrumental c. heuristiko
b. Imahinatibo d. regulatori
2. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon
ng kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang
bansa sa West Philippine Sea.
a. Instrumental c. heuristiko
b. Imahinatibo d. regulatori
3. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada, nabawasan ang
mga aksidente dulot ng hindi pagtawid sa tamang daanan.
a. Instrumental c. heuristiko
b. Imahinatibo d. regulatori
4. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang
layuning masugpo ang kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
a. Instrumental c. heuristiko
b. Imahinatibo d. regulatori
5. Nahirapan si Clarissa sa pagbabagong nangyayari sa kaniyang buhay kaya naman
nagsimula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kaniyang talaarawan.
Pampersonal
a. Instrumental c. heuristiko
b. Imahinatibo d. regulatori
6. Masayang nagbabatian at nagkakamustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng
Dinagsa Festival sa Cadiz. Interaksiyonal
a. Instrumental c. heuristiko
b. Imahinatibo d. regulatori
7. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang
kinalabasan ng kaniyang luto dahil matamang sinunod niya ang pamamaraan ng
pagluto nito.
a. Instrumental c. heuristiko
b. Imahinatibo d. regulatori
8. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ng Makabagong
Tula dahil sa mga matatalinghaga at masining na pagpapahayag.
a. Instrumental c. heuristiko
b. Imahinatibo d. regulatori
9. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating na bagyo sa
ating bansa.
a. Instrumental c. heuristiko
b. Imahinatibo d. regulatori
10. Nahumaling si Ding sa nakita niyang patalastas na may tagline na “Wala pa ring
tatalo sa Alaska” kaya bumili siya nito.
a. Instrumental c. heuristiko

Pamagat ng Gawain: Guhit Gadyet!


Most Essential Learning Competency: Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang
sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. F11EP – Ie – 31

Panuto: Saliksikin ang gamit Regulatoryo na wika sa inyong tahanan o


inyong barangay na nasasakupan gamit ng pagkuha ng mga larawan sa mga
ito o pagguhit/pagslogan at ipaliwanag ang gamit at paaano ito nakatutulong
sa inyong lugar.

Pagpapaliwanag:

Pagpapaliwanag: Sa pamamagitan nito, na kung saan


pinapabayad ng P300-P1000 ang mga taong
nagtatapon ng basura, ma-aasahan na natin
Hindi
na ito naka-kabit
kukunti ang basurasa sa
bahay naming
kanilang pero
lugar
Kagandahang maidudulot sa Barangay: palagi ito
sapagkat angsinsabi
mga taongayaking ama sa aking
magdadalawang
isipkapatid. Alam naman
na magtapon dahil sanatin sa panahon
gagastusin pag
 Kukunti na ln gang maaring maging problema ng barangay,
ngayon nahuli
na sa selpon
at kukunti
lamang
na lang din
ang buhay ng
silang nag tapon.
ang maaring maging trabaho ng mga opisyal.
kabataan, Masasabi
kung kayarinpag
natin na kapag
nawala kaunti na
ito sa kanila
ln gang basura sa barangay ay maganda itong tignan. Tandaan, magsisimula
ay parang manghihina na sila. parin
sa disiplina sa ating sarili ang kaayusin ng ating bahay at lipunan.

“Matutulog ka o
kukunin ko cellphone
mo?”
Pamantayan sa Pagwawasto:
Deskripsyon Bahagdan Kabuuang Puntos
Kahusayan at Sining sa 35%
pagsulat/guhit
Organisasyon ng mga 35%
pahayag, salita at
pangungusap

Kaangkupan sa Paksa 30%


Kabuuan: 100%

Most Essential Learning Competency: Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang


sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. F11EP – Ie – 31

Panuto: Basahin at saliksikin ang kuwento bilang bahagi ng


Impormatibong gamit ng wika sa Lipunan. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
I Juander, ano-ano ang natatagong ganda at kuwento ng Iloilo at Guimaras?

Sulitin ang summer, mga ka-Juander! Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario
na dayuhin ang probinsya ng Iloilo at Guimaras.

Sa mga dadayo ng Iloilo, isa sa dapat pasyalan ay ang world class na ganda ng Gigantes
Islands. Hindi raw dapat palagpasin ang pagkakataong magpicture-picture, kaya nga ang
isang islet dito ay binansagang “Selfie Island.” Mayroon din silang beach na
maihahambing daw sa Boracay, ang “Tinagong Dagat Beach.” Kapag naman kumalam na
ang sikmura, talaga namang mapaparami ang kain ni Juan ng scallops dahil sa Bantigue
Island, Piso lang ito kada piraso.

Kilala naman ang isla ng Guimaras sa matatamis nitong mangga. Kaya nga binansagan
silang “Mango Capital of the Philippines.” Marami na rin silang produktong gawa sa
mangga gaya ng mango biscocho, mango otap, mango atsara at iba pa. Pero I Juander, ano
nga ba ang sikreto ng Guimaras at bakit matamis ang inaani nilang mangga?

Pero bukod sa kanilang mga produkto, ipinagmamalaki rin ng Guimaras ang kanilang mga
tourist destination gaya ng Ave Maria na isang white sand islet at Pawikan Island na dati
raw pinamumugaran ng mga pawikan.

Mga Katanungan:

1. Ano ang ipinakikilalang bagong kaalaman ng antikulo? Ipaliwanag.


 Kung paano masulit ang summer sa pamamagitan ng pagbisita sa mga
pasyalan ng Iloilo at Guimaras. Pinapakita sa artikulong ito ang mga
magandang tourist destination sa mga nasabing lugar at kung ano ang mga
masasarap na mga produkto na pinagmamalaki at pwedeng kainin.

2. Ano-ano ang mga maaring mapuntahan at mapasyalan sa Iloilo at Guimaras?


Ipaliwanag.
 Sa Iloilo ang magandang pasyalan ay ang Gigantes Island dahil ang na ito
ay magandang kunan ng litrato dahil sa pang world class na ganda nito. Isa
rin sa magandang pasyalan ay ang Tinagong Dagat Beach na maaaring
maihambing sa Boracay-na matatagpuan sa karatig lalawigan nito. Ang isla
naman ng Guimaras ay may gaya ng Ave Maria na isang white sand islet at
Pawikan Island bilang Tourist Destination niyo.

3. Bilang bahagi ng kanilang turismo, ano-ano ang mga produkto mayroon ang
dalawang nabanggit na lugar? Ipaliwanag.
 Ang isa sa mga produkto na matatagpuan sa Iloilo ay ang scallops na
dinadayo sa Bantigue Island sa halagang piso kada piraso. Sa guimaras
naman ang pinakasikat na produkto sa kanila ay ang matatamis na mangga
at mga produktong maaring gawa rito tulad ng mango biscocho, mango
otap, mango atsara at marami pang iba.

4. Bakit tinaguriang Mango Capital of the Philippines ang Guimaras?


 Dahil ang mga lupain sa Guimaras ay angkop na pagtanim ng mga puno ng
mangga kung kaya nakapagpapatubo sila ng mga matatamis na bunga nito,
nagkakagawa din ng mga produktong naging pangunahing sangkap ang
mangga ang mga taga-Guimaras, kung kaya tinaguriang Mango Capital of
the Philippines ang Guimaras.
5. Kung ikaw mismo ang nakapunta sa mga nabanggit na lugar na mga iyon,
mairerekomenda mo itong puntahan din ng ibang tao? Oo o Hindi, at bakit?
 Oo, sapagkat may kasabihan nga tayo na choose local, kung ang mga
produkto, personalidad, at mga lugar nga sa ibang bansa ay kaya natin
tangkilikin paano pa kaya ang sariling atin?

Pamantayan sa Pagwawasto:
Deskripsyon Bahagdan Kabuuang Puntos

Wastong gamit ng mga 35%


salita

Organisasyon ng mga 35%


pahayag, salita at
pangungusap

Kaangkupan sa Paksa 30%

Kabuuan: 100%

II. Pamagat ng Gawain: Saliksik-tula!


EVALUATION/ Most Essential Learning Competency: Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang
POST sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. F11EP – Ie – 31
ASSESSMENT
Panuto: Basahin ang artikulo na personal na gamit ng wika sa lipunan.
Saliksikin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

Sulat para sa aking minamahal


Ni prettylittlelass

Hindi ko alam kung san at pano magsisimula


Hindi ko alam kung tama nga ba aking ginagawa
Pagpasenyahan na kung hindi lahat ng maisusulat dito ay kaayaaya at nakakatuwa pero
heto na ako aking mahal magsusulat ng mga salita
Mga salitang nais kong sabihin sa iyo
Mga salitang nais ilabas ng labi ko
Mga salitang hindi ko masabi ng harap-harapan kaya’t aking idadaan sa mga sulat na ito
Una sa lahat nais kong magpasalamat sa iyong walang katapusang pang-unawa
Sa kabila ng aking kalokohang nagagawa
Maraming salamat sa labis na pagmamahal sa aking buong pagkatao
Kahit na karamihan dito ay mahirap tanggapin at hindi ordinaryo
Madami man an gating pagkakaiba ngunit tinitiyak kong hindi ito magiging hadlang upang
ika’y aking mahalin magpakailanman
Ito’y aking magiging sandigan upang lahat ng pagsubok ay malabanan
Kumapit ka lamang aking mahal nang sa dulo tayong dalawa ay magiging isa
Patawarin mo sana ako kung may pagkakataong ako’y nakakasala sa iyo
Patawad din kung minsan ako’y nagkukulang sa iyo
Sana maintindihan mo ang mga ito
Mahal ko! Salamat sa iyo! Ito na ang katapusan ng mensaheng ito
Nawa’y maintidihan at magustuhan kahit mindali at hindi napaghandaan

Mga Katanungan:
1. Ano ang damdaming namayani sa liham na iyong nabasa? Ipaliwanag.
 Ang liham ay nagpapamalas ng matinding pagmamahal ng taong sumulat sa
taong bibigyan niya ng sulat. Nagpapahayag ito nga galak at lubos na
pasasalamat sa pagmamahal at pag-unawa ng taong padadalhan nito at
nagpapamalas din ito ng paghihingi ng tawad ng sumulat dahil sa kanyang
pagkakasala at sa mga hindi pagkakaintindihan.

2. Ano ang pinakapaksa ng artikulo? Ipaliwanag.


 Para sa akin ang liham ay tungkol sa pamamaalam ng taong sumulat ng
liham dahil sa umalis ito ng walang paalam. Sa unang bahagi ng liham
mapapansin natin ang pag-aalinlangan at nagsasaad ito na sa pamamagitan
ng liham niya sasabihin ang kaniyang nararamdaman na hindi niya msabi
ng harap-harapan. Sa gitnang bahagi mapapansin natin na naglalaman ito ng
pasasalamat dahil sa pag unawang, pagmamahal atbp ng taong mahal ng
tagasulat. At sa medyo huling banda nakasaad doon ang paghihingi niya ng
tawad sa kaniyang pagkukulang.

3. Bilang isang kabataan, taglay pa rin ng kasalukuyang panahon ang ganitong uri ng
pagsulat ng liham? Oo o Hindi? Bakit?
 Mababatid ko na karamihan sa mga kabataan sa panahon ngaypn ay bihira
lamang gumamit nito. Dahil sa makabagong teknolohiya nawala na ang
kaugalian natin nito. Maaaring may nagsusulat pa ng liham pero masasabi
kung kaunti na lamang ito. Kung sa bagay ano ang as pipiliin mo ang
pipindot ka na lang sa selpon o ibang gadgets tas
mapapadala na lng o magsusulat ka sa papel at pupunta ka sa
mga tagapadala ng liham para maibigay ito. Ngunit sa
pagsusulat ng liham masasabi mo talaga a pinag isipan ito
ng tagasulat. At para din sa akin “sweet” ang magpadala ng
sulay.

Pamantayan sa Pagwawasto:
Deskripsyon Bahagdan Kabuuang Puntos
Wastong gamit ng mga salita 35%

Organisasyon ng mga 35%


pahayag, salita at
pangungusap

Kaangkupan sa Paksa 30%


Kabuuan: 100%

Pamagat ng Gawain: Tula’t Isip


Most Essential Learning Competency: Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang
sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. F11EP – Ie – 31
Panuto: Basahin at saliksikin ang tula bilang bahagi ng Imahinatibong
gamit ng wika sa lipunan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

AKO ANG PANALANGIN MO

Jorey Calderon, Oct 3, '18

(Basahin Pababa)
Sinasabi ko sa iyo
Hindi mo inaasahan ang tugon ko ngunit...
Ako ang panalangin mo
Oo, mahirap maniwala ngunit ang totoong may pananampalataya naniniwala sa mga hindi
pa nakikita
May plano ako, hindi kathang-isip o gawa-gawa lamang
Sinulat ko, ang dakilang direktor ng buhay mo
Oo, ito'y makulay ngunit may mga pagkakataong ang maaaninag mo'y kadiliman
Wala kang ibang magagawa kundi ay ang binatin ang iyong mga kamay at humanap ng
paggabay
Dito mo ako matatagpuan
Ito ang panalangin mo
Ang mahanap ang pag-ibig ko
Pag-ibig na inialay sa'yo bago mo pa matutunang manalangin
Pag-ibig na ibinigay ko kahit na hindi ako ang gusto mong sagot sa iyong pagdaing
Oo, may plano ako sa buhay mo
Hindi ko planong masaktan ka, ngunit paano kita mabubuo kung buo ka na?
Paano kita kokompletuhin kung kompleto ka na?
Sa iyong pagiisa, sa iyong pagkadurog, narito ako, para punuin ka, para buuin ka.
Darating ka sa puntong pagpipiliin ka, pangarap mo ba o ako? Sila o ako? Siya o ako?
Ngunit ang taong ako'y pinipili ay makakamtan ang tunay na buhay.
Sa iyong pagsuko, may makakamtan ka.
Sa iyong pagsuko, may aasahan ka.
Alam ko, gusto mo ng perpektong istorya
Ngunit ang grasya ko'y na sa iyo na
Ako ay perpekto, ang lumikha ng langit at lupa
Ay hindi ka pababayaan
Alam kong hindi mo kaya
Kaya ang grasya ko'y tanggapin na
Ang kalooban ko'y para sa mga hindi perpektong tao ngunit sa aki'y nakikinig at
sumusunod
Sinasabi ko sa iyo
Hindi mo inaasahan ang tugon ko ngunit...
Ako ang panalangin mo
(Basahin pataas)

Mga katanungan:

1. Ano ang pinakatema ng tula bilang kabuuan?Ipaliwanag.


 Pagmamahal ng Diyos sa atin, ang pagmamahal niya na inalay niya sa atin
bago paman natin makita ang mundo, na kahit hindi natin siya binigyan ng
atensiyon ay mahal niya parin tayo. Na kahit ayaw niya na masaktan tayo,
kelangan parin natin masaktan para matuto sa buhay, para makayanan natin
mabuhay. Na siya ang may orihinal na nagplano ng ating buhay, na siya ang
gagabay sa atin, sa ating pangarap.
2. Ano ang napansin mo sa estruktura ng pagsulat ng tula? Ipaliwanag.
 Ang tula ay nasulat sa malayang pamamaraan, wala tayong makitang
tugmaan at ang sukat ay nasa malaya lamang. Ito din ay maaaring basahin
ng pataas at pababa.
3. Pumili ng pinakanagustuhan mong linya sa tula at ipaliwanag kung bakit ito ang
iyong napili?
 Nagustuhan ko ang kabuuan ng tula dahil sa maaari itong magbigay ng
kaliwanagan sa buhay. Isa sa nagustuhan kung linya ay “Oo, ito’y makulay
ngunit may mga pagkakataong ang maaaninag mo’y kadiliman” may mga
panahon sa buhay natin na mararansan natin ang galak, tagumpay atbp pero
may mga panahon din na makaramdam tayo ng lungkot, pighati, pagkabigo,
at pagkakaroon ng prolema. Madalas natin sabihin na binibigyan tayo ng
panginoon ng mga problema o “challenges” sa buhay dahil alam niyang
kaya natin itong lampasan, oo naniniwala ako rito pero maaari din na
binigay sa atin ito ng panginoon daihl sa gusto niya mapalapi tayo ulit sa
kaniya, dahil gusto niya hihingi din tayo ng tulong sakaniya at umasa din
tayo, na kahit papaano makabalik tayo sa kaniya.
4. Sa iyong palagay, ano kaya ang damdaming namayani sa pagsulat ng may-akda sa
tula?
 Pagmamahal, at gusto ng manunulat na magbigay ng inspirasyon, na tayo-
ga anak g Diyos ay makabalik sa kaniya.

Prepared by: _ERMALENE S. DANIEL,LPT_ Checked by: DR. CAROLYNE L. HIZON,


LPT. Subject Teacher Academic/ADM Coordinator

Approved by: DR. APOLONIA P. REYNOSO, LPT

Principal

You might also like