You are on page 1of 1

1.

Kung sakaling ikaw ang tatanghaling lakan at lakambini, ano ang mga aksyong gagawin mo
upang maipakita ang pagmamahal at pagtataguyod sa Wikang Katutubo?

2. Papaano nakatutulong ang Wikang Katutubo sa pag-unlad ng Wikang Filipino?

3. Papaano mo maipakikintal sa puso at isip ng isang bata ang kahalagahan ng paggamit ng wikang
katutubo?

4. Nasa pagbasa na sa senado ang muling pagbabalik ng baybayin? Sang-ayon ka ba rito o hindi? At
bakit?

5. Paano magkakahawig ang iyong unang wika/katutubong wika sa iyong ina?

6. Sa paglipas ng panahon, sa iyong kuro-kuro saan na patungo ang ating katutubong wika?

7. Araw-araw nating ginagamit ang ating wika. Magbigay ng isang salitang maglalarawan sa ating
tema na may kaugnayan sa iyong pagkatao/personalidad, at bakit?

8. Ano sa tingin mo ang pinakapundasyon ng Wikang Katutubo. Pangatwiranan ang iyong sagot.

9. Ano ang mas karapat-dapat na itawag? Wikang Katutubo o Wikang Filipino? At bakit?

10. Ang pinakapaboritong kataga ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na, Ang hindi
magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda. Ano sa tingin mo kung bakit
isda ang ginamit ni Rizal para ihalintulad ang taong hindi marunong mahalin ang sariling wika.

You might also like