You are on page 1of 3

Hagonoy National High School

Guihing, Hagonoy, Davao del Sur

First Quarter Summative Test


FILIPINO 11

Pangalan: ______________________________ Marka: ____________


Pangkat: ______________________________ Petsa: ____________

I. Panuto: MARAMING PAGPIPILIAN: Piliin ang titik nang may tamang sagot. Bilugan lamang ang tamang
sagot.

1. Ang wikang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.


a. Wikang Pampamahalaan c. Wikang Panturo
b. Wikang Pambansa d. Wikang Opisyal
2. Ang ______ay isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino.
a. Ingles b. Tagalog c. Bisaya d. Cebuano
3. Ano ang gamit ng wika sa lipunan ang halimbawa na ito? Nalaman ni Rosita sa napanood niya na balita na ang
Covid-19 ay nakakahawa sa pamamagitan ng pagbahing ng isang positibong tao kaya sinabi at ipinaliwanag niya ito
sa kanyang pamilya at kapitbahay upang makaiwas sa sakit.
a. Personal c. Heuristiko at Representatibo

b. Regulatoryo d. Imahinatibo

4. Ang mga sumusunod ay ang mga elemento ng regulatoryo, maliban sa_________________


a. Taong nasasaklawan ng batas

b. Batas o kasulatan na nakasulat, nakikita o inuutos nang pasalita.


c. Pagtuturo/pagkatuto ng maraming kaalaman

d. Taong may posisyon na magpatupad ng batas

5. Ano ang gamit ng wika sa lipunan ang tumutugon sa pangangailangan ng tao?


a. Instrumento c. Interaksyonal

b. Personal d. Regulatoryo

6. Ang mga sumusunod ay maaaring gamitin sa Instrumento, maliban sa?


a. Direktang pag-uutos c. Pagtuturo at pagkatuto

b. Pag-iimbestiga d. Panghihikayat

7. Nagkita si Maya at Ana sa daan, nagbatian sila at inalok si Maya ng trabaho sa ibang bansa.
a. Interaksyonal c. Personal
b. Regulatoryo d. Imahinatibo
8. Nagpadala ang kompanya ng kuryente ng disconnection notice sa kanila ni Maya subalit hindi nila ito nabayaran sa
itinakdang petsa kaya wala silang kuryente buong gabi.
a. Personal c. Regulatoryo
b. Imahinatibo d. Heuristiko at Representatibo `
9. Ang Heuristiko at Representatibo ay?
a. Pagsulat at paglikha ng imahinatibong kwento

b. Makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon

c. Pagpapahayag at panghihikayat
d. Pag-iimbestiga at Pagpapaliwag ng impormasyon

10. Galit na galit si Kuti sa kaniyang sarili dahil sa nangyari sa kaniyang aksidente. Iniisip niya na magiging pabigat at
pasanin siya ng pamilya.
a. Instrumental c. Regulatoryo
b. Imahinatibo d. Interaksyonal
11. Ayon kay______, ang wika ay Sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon.
a. Hutch b. Sapiro c. Hemphil d. Otanes
12. Sino ang nagpakahulugan na ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kasisipan,
damdamin, at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog?
a. Hutch b. Sapiro c. Hemphil d. Gleason
13. “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinatadhana ang batas, Ingles.” Ito ay ipinahayag sa________
a. Sek. 7 ng Artikulo XIV. c. Sek. 8 ng Artikulo VIII.
b. Sek. 5 ng Artikulo XV. d. Sek. 6 ng Artikulo X.
14. Ano ang tawag sa prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, politika, komersiyo, at
industriya?
a. Wikang Opisyal c. Wikang Pampamahalaan

b. Wikang Pambansa d. Wikang Panturo

15. Ito ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao, paligid, mundo, obhetibong
realidad, politika, ekonomik, at kultura.

a. Diyalekto b.Komunikasyon c. kultura d. Wika

II. Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito’y Panregulatori,

Pang-interaksiyonal, Pampersonal, Pangheuristiko, Pang-Instrumental, Panrepresentatibo, at

Pang-Imahinasyon ang gamit ng wika sa bawat sitwasyon.


_______________1. Pagbibigay panuto.
______________2. Nakapagpahayag ng sariling damdamin at opinyon.
______________3. Tumutugon sa mga pangangailangan.
______________4. Pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig sa mga simbolismo sa paligid.

______________5. Pagsulat ng pananaliksik.


______________6. Nagpapahayag ng komunikasyon gamit ang mga simbolo o sagisag.
______________7. Pagsulat ng Akdang Pampanitikan.

______________8. Pagsulat ng Pamanahong Papel.

______________9. Pagsulat ng liham pangkaibigan.

_____________10. Kumokontrol sa kilos at asal ng iba.

III. SANAYSAY (5 Points each )Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Bakit mahalaga ang wika sa sarili, sa lipunan, at sa kapwa?


2. Ano ang kaugnayan ng binubuong wikang Pambansa sa multilingguwaslismo?

You might also like