You are on page 1of 8

HOLY ROSARY ACADEMY OF HINUNANGAN, INC.

Hinunangan, Southern Leyte


Elementary Department

Filipino 4 (Ikalawang Markahan)


(Unang Linggo)

 Naipamamalas na ng mga mag-aaral ang


kakayahan sa pagbasa, pagsulat at
pakikipagtalastasan nang wasto upang
Pamantayang Pangnilalaman
maipahayag ang kaalaman, ideya at
damdaming angkop sa kaniyang edad at
sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok
sa pagpapaunlad ng pamayanan.

a nagsasalita at
nakukuha ang
mensaheng
inihahatid upang
makatugon nang
maayos
upang maunawan,
Pamantayang Pagganap
makapagbigay
kahulugan, at
mapahalagahan
ang mga
tekstong
napakinggan at
makatugon ng
maayos.
 Nakikinig nang may pagsusuri upang
ipahayag ng wasto ideya, damdamin,
kaisipan at karanasan na may kaugnayan
sa napakinggang teksto.

upang ipahayag
nang wasto
ideya, damdamin,
kaisipan at
karanasan na may
kaugnayan
sa napakinggang
teksto
Oras na Paglalaanan 1 Linggo
Aralin
Alamat, Tula, at Awit

 nauunawaan ang bawat nabasa o


napakinggang alamat, tula at awit
 nasasagot ng wasto ang mga tanong
Layunin ng Pagkatuto
tungkol sa napakinggan at nabasang
alamat, tula at awit ( F4PN-IIf-3.1; F4PN-
IIIb-3.1; F4PB-IVb-c-3.2.1)

Pangalan: _______________________________________________
Panimulang Pagtataya:

Panuto: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
Sa Bawat Patak ng Ulan
Masdan mo ang mga butil habang pumapatak-patak,
Ang hinandog nitong langit na nagmula pa sa dagat;
Mga lupang natitigang lagging hinahanap-hanap,
Inaasam ng balana upang hindi magsasalat.

At sa bawat pagtilamsik, nagigising ang halaman,


Ang paligid pagmasdan mo’t halos lahat ay luntian;
Hirap nitong magsasaka, daglian nang napaparam,
Pagkat ulan sa kanila’y salamin sa kabuhayan.
Bawat patak nitong ulan kahulugan ay biyaya
Sa halaman at bulaklak sama-samang natutuwa;
Nalulunoy na halaman tuloy sa pananariwa,
Bagong sibol na bulaklak bubukadkad nang malaya.

At sa tao, bawat patak nitong ula’y paalala,


Pagsagana ng pagkain siya nating makikita;
At kung wala itong ulan, lahat tayo’y magdurusa,
Walang kulay ang paligid, walang buhay at pag-asa.

1. Sa anong bagay inihambing ang ulan? ___________________________________________


2. Saan nanggagaling ang ulan? __________________________________________________
3. Bakit hinihintay ng mga tao ang tag-ulan? _________________________________________
4. Dapat ka bang matuwa o mainis kapag laging umuulan? Bakit?
_____________________________________________________________________________
5. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang ulan?
_____________________________________________________________________________

Aralin 1
Nasasagot ang mga Tanong sa Napakinggan at Nabasang Alamat, Tula, at Awit
Ang araling ito ay nakatuon sa paghubog ng kakayahan ng mga mag-aaral sa wasto at epektibong
pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggan o nabasang alamat, tula at awit.
Nakabasa ka na ba ng alamat? Ano ang pamagat nito? Tungkol saan ang nabasa mong
alamat? Ano ang pamagat ng tula na iyong natutunan nung ikaw ay nasa Ikatlong Baitang?
Marunong ka bang umawit? Ano ang paborito mong awitin? Bago ka magpatuloy sa pagbabasa at
pagtuklas, humingi ng tulong sa iyong mga magulang o tagapag-alaga at alamin ang kahulugan ng
mga salitang may salungguhit.

1. Ang aming bayan ay sagana sa isda at alimango. ( kaunti, marami, maliit)

2. Matapang at makisig ang aming ama. ( matipuno, duwag, maliit)

3. Ang panganay na anak ay nanaghili sa atensyong nakukuha ng kanyang bunsong kapatid.


( nagtampo, nainggit, natuwa)

4. Sa sobrang galit ng diwata ay pinaglaho niya ang magnanakaw. ( nawala, sinakop, sinadya)

5. Ang mga tamang gawa ay dapat nating tularan. (gayahin, kainisan, iwasan)

6. Ang taong matiyaga, walang hilahil na madarama.( masaya, paghihirap, pagtanggap)

7. Sana ay hindi magmaliw ang pagmamahal ng anak sa kanyang mga magulang. (matagpuan,
mawala, makita)

A. Basahin at unawain ang alamat at sagutin ang kasunod na mga tanong.

Ang Alamat ng Pinagmulan ng Bataan

Sagana sa isda ang mga tubigan at may malawak sa lupang sakahan. Maligaya at masagana
ang pamumuhay ng mga katutubo sa ilalim ng pamumuno ng isang matapang at makisig na
pinunong nagngangalang Vatan.

Dahil sa kanyang magagandang katangian, napamahal si Vatan sa kanyang nasasakupan.


Nanaghili ang Diyosa ng karagatan kay Vatan, kaya isang araw ay pinaglaho niya ang mga isda sa
karagatan.

Bilang kapalit ng isdang naglaho, hiniling ng Diyosa ang buhay ni Vatan. Hindi ito ipinagkait ni Vatan,
manumbalik lamang ang masaganang pamumuhay ng kanyang nasasakupan. Nagtungo siya sa
tabing- dagat, tulad ng utos ng Diyosa. At dito siya nawala. Sa pook na kanyang pinaglahuan lumitaw
ang isang tangway na tinawag na Vatan. Sa pagdaan ng panahon, naging “Bataan” ang tawag sa
tangway.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang pamagat ng binasa mong alamat? _________________________________________

2. Sino ang pinuno na napamahal sa kanyang nasasakupan? _____________________________

3. Sa iyong palagay, bakit kaya nanaghili o nagtampo ang Diyosa kay Vatan?
_______________________________________________________________________________
B. Basahin at unawain ang tula.

Iwasan ang Polusyon

Bawat isa sa ati’y dapat mabahala,


Sa kapaligirang nakapipinsala,
Maruming polusyong hindi maapula,
Ang dapat isipi’y paanong mawawala.

Kampanya ng bansa sa pangkalinisan,


Tayo’y magsimula sa ating pamayanan;
Paglilinis nitong tahana’t bakuran
Pasimulan natin nang tayo’y tularan.

Ang bakanteng lote’y hindi dapat gamitin


Na tapunan nitong mga kalat natin,
Sa halip ay puno ang dito’y itanim,
Makatutulong pa sa kalusugan natin.

Polusyon sa hangin,
dapat ding bawasan
Bunga ng paggamit ng gas sa sasakyan;
Pagbibisikleta o paglalakad man,
Maituturing na mabisang paraan.

Ang muling paggamit ng bote at papel,


Na kung tagurian ay pagre-recycle;
Bukod sa ang kalat ating mapipigil
Makakatipid pa nang walang hilahil.

4. Ano ang pamagat ng tula? _______________________________________

5. Anong mensahe ang nais iparating o ipahiwatig ng tula? _______________________________

6. Bakit dapat pigilan ang pagkakalat ng mga basura? ____________________________________

C. Ipaawit sa iyong magulang, nakakatandang kapatid o kay lolo at lola ang awitin.

Sa Ugoy ng Duyan

Sana’y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing


Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ang buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sana’y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
7. Ano ang pamagat ng awit? ____________________________________

8. Anong damdamin ang nais iparating ng sumulat ng awitin?

____________________________________________________________

9. Bilang isang bata, ano-anong karanasan ang hindi mo makakalimutan kasama ang iyong nanay,

tatay o tagapag-alaga? ____________________________________________________________

Ano-ano ang ginawa natin sa bawat seleksiyon? Kung ang mga seleksyon na
tulad ng alamat, tula at awi) ay ating maririnig o mababasa tayo ay sasagot ng mga katanungan.

Upang masagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa napakinggan at nabasang kuwento,
tekstong pang-impormasyonal at SMS (Short Messaging Text) mahalagang matukoy at maunawaan
ang uri o antas ng tanong batay sa lebel ng komprehensiyon.

1. Literal na Tanong – tanong na batay sa pangunahing detalye ng teksto o literal na inpormasyon


sa teksto.

Halimbawa- Ano ang pamagat ng kuwentong napakinggan mo?

Sino-sino ang mga tauhan sa kuwentong ito?

2. Inperensiyal na Tanong- tanong na batay sa hinuha tungkol sa kuwento o teksto.

Halimbawa- Ano sa palagay mo ang susunod na mangyayari sa kuwento?

3. Kritikal na Tanong- layunin nito na iugnay ang teksto sa reyalidad o mga totoong sitwasyon o
senaryo sa buhay nang may malalim na pag-unawa, pagsusuri at kritikal na pag-iisip tungkol sa mga
bagay.

Halimbawa- Paano mo iuugnay ang aral ng kuwentong ito sa mga totoong nangyayari sa lipunan
ngayon?

Bilang isang kabataan, anong uri ng awit ang mas nais mong pakinggan? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Paano natin masasagot ang mga tanong na naririnig at nababasa?

Upang masagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa napakinggan o nabasang alamat,

tula at awit, mahalaga na matukoy at maunawaang mabuti ang uri ng tanong maging ang layunin

nito. Literal ang tanong kung humihingi ng direktang detalye o literal na inpormasyon. Inperensiyal

naman ang tanong kung batay sa hinuha ng mambabasa o nakikinig. Kritikal naman ang tanong kung

layon nito na iugnay ang aral ng kuwento sa tunay na buhay o sitwasyon.


HOLY ROSARY ACADEMY OF HINUNANGAN, INC.
Hinunangan, Southern Leyte
Elementary Department

Pangalan:_______________________________________________________________________
Filipino 4 – Ikaapat na Baitang
Learner’s Activity Sheet (Unang Linggo)
Gawain I. Panuto: Humanap at makinig sa YouTube o sa iyong cellphone ng isang awiting tagalog
at sagutan ang talahanayan.
Halimbawa:

Pamagat ng Awit: Hawak Kamay


Pangalan ng Mang-
aawit: Yeng Constantino

Sumulat ng Awit: Yeng Constantino

Paksa ng Awit: Hindi tayo nag-iisa sa laban natin sa buhay.


Hawak-kamay, di kita iiwan sa paglakbay Dito
sa mundong walang katiyakan Hawak-
Koro (Chorus) ng kamay, di kita bibitawan sa paglalakbay Sa
Awitin: mundong kawalan

Pamagat ng Awit:

Pangalan ng Mang-
aawit:

Sumulat ng Awit:

Paksa ng Awit:

Koro (Chorus) ng
Awitin:

Gawain II. Panuto: Humanap sa aklat o sa internet ng isang alamat at sagutan ang talahanayan.

Pamagat ng alamat:

May-akda ng alamat:

Pangunahing Tauhan:

Tagpuan:
Mahahalagang
Pangyayari sa Alamat:
Aral na iyong nakuha o
napulot sa alamat:
Gawain III. Panuto: Lumikha o sumulat ng sarili mong tula tungkol sa iyong pinakamasayang
karanasan. Isulat ito sa kahon.

You might also like