You are on page 1of 35

AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Grade 9
QUARTER 3: Module 3
Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 9 (Ekonomiks)
Topic: Modyul 3: Ang Pambansang Kita

Day and Time Learning Learning Tasks Time Mode of


Competency Allotment Delivery
8:30 – 9:30 Home Guidance Program (HGP)
9:30 – 10:00 RECESS
MGA INAASAHAN
Wednesday ARALIN 1: • Nakikilala ang mga palatandaan ng Ipasa o i
10:00 – 12:00 Pagsusuri sa economic performance ng bansa; padala ang
(Crack, Special Pambansang Kita • Naihahambing ang GNP at GDP; output sa
Programs, • Nasusuri ang kahalagahan ng facebook
Regular/TVL kabuuang pambansang produkto Messenger o
Class) Nasususri ang bilang sukatan ng economic Group Chat na
pamamaraan at performance ng bansa. gawa at
1:00-3:00 kahalagahan ng binigay
(STE) pagsukat ng BALIK-ARAL ng Guro o
pambansang kita • SEMANTIC WEB mga iba pang
5 min.
Modyul 3 Panuto: Punan ng tamang sago tang mga paraan ng
(AP9MAKIIIb- kahon upang mabuo ang paikot na daloy pagpasa na
4) ng kita (p.2) inirekomenda
ng paaralan o
ARALIN anumang
• KAHULUGAN NG GROSS NATIONAL napili ng guro
PRODUCT/GROSS NATIONAL para sa Klase.
25 min.
INCOME (Modular
• KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA Digitized)
PAMBANSANG KITA (pp.3-5)
PAGSASANAY Magulang ang
• SMILE KA RIN (1-5) magbigay ng
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang output ng anak
pangungusap at tama at MALI naman sa Guro sa
kung hindi (p.5) paaralan o di
10 min.
kaya ay sa
• VENN DIAGRAM
barangay
Panuto: Gamit ang venn Diagram, distribution
ipaliwanag ang pagkakapareho at area.
pagkakaiba ng GNP at GDP (p.5) (Modular
Printed)

ARALIN 2: MGA INAASAHAN


Mga Paraan
• Nakikilala ang mga pamamaraan sa
sa Pagsukat
pagsukat ng pambansang kita;
ng
Pambansang • Nasusuri ang pambansang produkto
Kita (GNP-GDP) bilang panukat ng
kakayahan ng isang ekonomiya; at
• Nabibigyang halaga ang pagsukat ng
pambansang kita sa ekonomiya.

ARALIN
• Mga paraan ng pagsukat ng Gross
National Product/Gross National
Income
-Expenditure Approach 30 min.
-Industrial Origin Approach
-Income Approach (pp.6-9)
MGA INAASAHAN
ARALIN 3: • Naiisa-isa ang mga gawaing pang-
Limitasyon ekonomiya na hindi nabibilang sa
at Salik sa pagsukat ng pambansang kita;
Pagsukat ng • Nailalahad ang mga salik na
Pambansang nakaapekto sa pambansang kita at
Kita pambansang produkto; at
• Napapahalagahan ang limitasyon at
salik sa pagsukat ng pambansang
kita.
ARALIN
• Limitasyon sa pagsukat ng
pambansang kita
25 min.
• Mga salik na nakaaapekto sa
pambansang Produkto (pp.9-12)

PAGSASANAY
• Tama o Mali (p.12) (1-5) 5 min.
• Hindi ka –Salik (p.13) (1-5)
PAGLALAHAT
• Data Retrieval Chart (p.13) 5 min.

PAGPAPAHALAGA
• Ipagpalagay na ikaw ay kabilang sa
economic team ng bansa. Ano ang
maimumungkahi mo sa pangulo ng
bansa upang mapaangat ang
5 min.
pambansang kita (GNI/GDP)
ngayong panahon ng pandemya?
(p.13)
PANAPOS NA PAGSUSULIT
• A. (1-5) Ibigay ang hinihingi
10 min.
• B. (1-10) Pagpipilian (pp.14-15)
• SUMMATIVE TEST (1-20)
Araling Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3

Ang Pambansang Kita

P a g e 1 | 15 (Q3,M3)
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagsusuri sa Pambansang Kita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Aralin 1: Pagsusuri sa Pambansang Kita


MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
1. Nakikilala ang mga palatandaan ng economic performance ng
bansa;
2. Naihahambing ang Gross National Product sa Gross Domestic
Product; at
3. Nasusuri ang kahalagahan ng kabuuang pambansang produkto
bilang sukatan ng economic performance ng bansa.

BALIK - ARAL
SEMANTIC WEB
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga kahon upang mabuo ang paikot
na daloy ng kita.

P a g e 2 | 15 (Q3,M3)
ARALIN
Panimula
Sa nakaraang aralin, inilarawan ang nagaganap na interaksyon ng iba’t ibang sektor ng
ekonomiya. Sa aralin na ito, aalamin naman kung paano sinusukat ang pagganap ng
ekonomiya.

Malalaman kung may pagsulong at pag-unlad sa ekonomiya ng isang bansa sa


pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance nito. Mahalagang masuri ang kakayahan
ng isang ekonomiya dahil ito ang batayan kung nagagampanan ng mahusay ng pamahalaan
ang kaniyang gawain at tungkulin sa pamamagitan ng paggamit ng economic indicators. Ang
mga indicators na ito ay ang mga instrumento na maglalahad sa anumang narating na
pagsulong at pag-unlad ng isang ekonomiya (Cervantes et al 2010, 101). Kabilang sa mga
indicators na ito ang Physical Quality of Life Index, Human Development Index, Gender
Development Index, Happiness Index, Misery Index at iba pa (Balitao et al 2010, 101). Ang
resulta ng pagsukat ng economic performance ng isang bansa ang magsisilbing batayan ng
bawat namumuno sa bansa upang gumawa ng kinakailangang hakbang upang pag-ibayuhin
pa o palakasin ang mga sektor ng nagpakita ng kahinaan sa kanilang gampanin. Gagamitin
rin ng mga economic managers ng pamahalaan ang mga datos na ito upang maisagawa ang
mga planong pangkabuhayan sa mga darating na panahon. Layunin nito na matutukan o
mabigyan ng pansin ang mga kakulangan ng isang ekonomiya nang sa gayon ay lalo pang
mapalakas ang mga natukoy na kahinaan nito.

Gross National Economic Gross Domestic


Product Performance Product

kabuuang produksiyon ng kabuuang produksiyon


mga mamamayan ng bansa sa loob ng bansa

Sa mga nabanggit na indicators kalimitang ginagamit ang kabuuang pambansang


produkto o Gross National Product (GNP) na kilala rin bilang kabuuang pambansang kita o
Gross National Income (GNI) upang masukat ang kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa.
Ginagamit ito ng halos lahat ng bansa sa buong daigdig dahil ang mga datos ay mas
kapani-paniwala, madaling maunawaan at tinatanggap ng nakararami.

Si Simon Kuznets, isang ekonomistang Amerikano, ang pinaniniwalaang “Ama ng Gross


National Product . Binuo niya ang detalyadong paraan ng pagsukat sa pambansang
kagalingang pang-ekonomiko noong siya ay nasa National Bureau of Economic Research sa
United States of America. Sa kanyang aklat na National Income and Its Composition, binuo ni
Kuznets ang konsepto at ipinaliwanag ang pamamaraan na naging dahilan upang mabuo ang
kasalukuyang paraan ng pagsukat sa pambansang kita.

Kahulugan ng Gross National Product/Gross National Income

Ang Gross National Product na sa kasalukuyan ay tinatawag ring Gross National


Income ay ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nabuo ng isang bansa sa
loob ng isang takdang panahon na kalimitang quarterly o yearly (Balitao et al 2010,101). Ang
National Statistical Coordination Board (NSCB) sa ilalim ng pamumuno ng Philippine Statistics
Authority (PSA) ang ahensiya ng pamahalaan ang naatasang mangalap ng datos tungkol dito.

P a g e 3 | 15 (Q3,M3)
Ang lahat ng produkto at serbisyo ay sinusukat sa pamamagitan ng isang yunit ng panukat
na tinatawag ng pamilihang halaga (market value) gamit ang salaping umiiral sa isang bansa
tulad ng piso sa kaso ng Pilipinas at Yen sa bansang Japan.

Tanging ang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa
pagkuwenta ng Gross National Product. Binubuo ito ng mga produkto na hindi na kailangang
iproseso bago ikonsumo upang maiwasan ang dalawang beses na pagbibilang. Halimbawa,
kung ang tubǒ ay ibibilang sa GNP at ibibilang din ang halaga ng asukal na gumamit ng tubǒ
bilang pangunahing sangkap, maliwanag na dalawang beses ibinilang ang tubǒ. Upang ito ay
maiwasan, hindi na isinasama ang halaga ng tubǒ bilang tapos na produkto, sa halip
ibinibilang na lamang ang halaga ng asukal na kasama na ang halaga ng tubǒ.

Pagkakaiba ng Gross National Product (GNP) sa Gross Domestic Product (GDP) Kung
sinusukat ng Gross National Product ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos
na kalakal at paglilingkod na nabuo sa loob ng isang takdang panahon ng mga salik ng
produksiyong pag-aari ng mga mamamayan ng isang bansa, kahit saang bahagi ng daigdig
ito nagawa, ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na kalakal at paglilingkod na ginawa sa loob ng
isang takdang panahon ng mga salik ng produksiyong matatagpuan sa loob ng bansa lamang
kabilang ang mga nabuong produkto at serbisyo ng mga dayuhang nasa loob ng bansa
(Cervantes et al 2010, 101). Halimbawa, ang isang negosyanteng dayuhan na may negosyo sa
bansa.
Ang kita ng dayuhang negosyante na nabuo sa loob ng
bansa ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng
Pilipinas dahil nabuo ito sa loob ng bansa. Subalit hindi ibibilang
sa Gross National Product ng Pilipinas ang kinita ng dayuhan
dahil hindi sila kabilang sa mga mamamayan ng bansa. Sa
kabilang banda, ang kinita ng dayuhang negosyante sa
Pilipinas ay ibinibilang sa Gross National Product ng
kanyang bansang
kinabibilangan. larawan mula sa
deped images bank

Halimbawa, ang kinita ng isang Overseas Filipino Workers


(OFW) na nagtatrabaho sa Saudi Arabia ay ibinibilang sa Gross
Domestic Product ng Saudi Arabia dahil nabuo ito sa loob ng
nasabing bansa ngunit hindi kabilang sa Gross National Product
ng bansang nabanggit. Samantala ang kinita ng OFW ay binibilang
naman sa Gross National Product ng Pilipinas dahil bagamat sila
ay naghahanapbuhay sa ibang bansa, sila ay kabilang naman
bilang mamamayan ng Pilipinas.

Ang Gross National Income ay instrumento ng pamahalaan upang iulat sa mamamayan


ang bunga ng kanilang pamamalakad. Ito ay itinuturing na panukat ng kalagayan ng isang
ekonomiya. Sa pamamagitan ng GNI ay mababatid ang mga sektor na lubusang nakapag-
ambag sa kaunlaran ng bansa. Kaya, taon-taon ay kinukuwenta ang GNI upang makita ang
takbo ng ekonomiya (Imperial et al 2017, 220).

P a g e 4 | 15 (Q3,M3)
Kahalagahan ng Pagsukat sa Pambansang Kita
Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles,
Problems and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang
sumusunod:
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol
sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung
bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan
natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap
na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng
mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na
makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic
performance ng bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, hakahaka
lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay
hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang
kalusugan ng ekonomiya.

PAGSASANAY
A. Smile Ka Rin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI naman kung hindi.

_____1. Si Ginang Valencia ay may pabrika ng sapatos. Ang halaga ng balat na


ginamit sa paggawa ng sapatos ay ibinibilang sa pagsukat ng Gross
Domestic Product (GDP).
_____2. Si Ara ay Overseas Filipino Workers (OFW) sa Qatar kaya isinasama ang
kaniyang kita sa pagsukat ng Gross National Product (GNP) ng Pilipinas.
_____3. Sinusukat ang Gross National Product (GNP) kung nagagampanan nang
mahusay ng pamahalaan ang kaniyang mga gawain at tungkulin sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
_____4. Si Ruby ay domestic helper sa France kaya kabilang ang kaniyang kita sa
Gross Domestic Product (GDP) ng bansang France.
_____5. Ang kinita ng isang Indiano na namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa
pagsukat ng Gross National Product (GNP) ng bansang India.

B. Venn Diagram
Panuto: Gamit ang venn diagram, ipaliwanag ang pagkakapareho at
pagkakaiba ng Gross National Product (GDP) at Gross Domestic Product (GDP).

P a g e 5 | 15 (Q3,M3)
Aralin 2: Mga Paraan sa Pagsukat ng
Pambansang Kita

MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1. Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang kita.;
2. Nasusuri ang pambansang produkto (GNP-GDP) bilang panukat ng kakayahan
ng isang ekonomiya; at
3. Nabibigyang halaga ang pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya.

ARALIN
Panimula
Taon-taon ay kinukuwenta ang Gross National Product na kilala rin bilang Gross
National Income upang makita ang takbo ng ekonomiya. Ito ang instrument ng
pamahalaan upang iulat sa mamamayan ang bunga ng kanilang pamamalakad. Ang
Gross National Product/Gross National Income ang nagiging panukat ng kalagayang
ng isang ekonomiya. Dahil rin dito mababatid ang mga sektor na lubusang nakapag-
ambag sa kaunlaran ng bansa.

Mga Paraan ng Pagsukat ng Gross National Product/Gross National Income

Industrial Origin
Approach

Expenditure Approach Income Approach

Paraan ng Pagsukat
ng GNP/GNI
May tatlong paraan sa pagsukat ng Gross National Product: (1) pamamaraan batay
sa gastos (expenditure approach), (2) pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng
produksiyon (income approach), at (3) pamamaraan batay sa pinagmulang industriya
(industrial origin approach) (Balitao et al 2010, 102). Sinusukat muna ang Gross
Domestic Product (GDP) bago makuwenta ang Gross National Product (GNP/GNI) ng
bansa. Idinadagdag sa Gross National Product (GDP) ang Net Primary Income from
Abroad (NPIA) upang makuwenta ang Gross National Product (GNP).

1. Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach)


Ang lahat ng sektor ay tumatanggap ng kita na kanilang ginagastos sa pagbili ng
kanilang pangangailangan (Imperial et al 2017, 222). May apat na sektor sa

P a g e 6 | 15 (Q3,M3)
pambansang ekonomiya na binubuo ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at
panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod:

A. Gastusing Personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng isang tao tulad
ng pagkain, kasuotan, cellphone, serbisyo ng mga manggugupit ng buhok at iba pa.
Lahat ng pinagkakagastusan ng mga mamamayan ay kabilang dito.
B. Gastusin ng mga Namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos sa
kompanya tulad ng pagbili ng makinarya, sangkap sa produksiyon, renta sa gusali,
gamit sa opisina at iba pa.
C. Gastusin ng Pamahalaan (G) – kabilang ang mga gastusin ng pamahalaan
sa imprastruktura, pagpapasahod sa lahat ng empleyado at opisyal ng pamahalaan at
pagbibigay ng serbisyo sa mga tao.
D. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X-M) – makukuha ito kung ibabawas ang
iniluluwas o export sa inaangkat o import.
E. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa
pagtutuos na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nangyayari dahil may mga
trasaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.
F. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)/Net Primary Income (NPI) –
kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayan na nasa ibang bansa sa gastos ng mga
dayuhang nasa loob ng bansa.

Ang formula sa pagsukat ng Gross National Product sa pamamaraan batay sa


paggasta o expenditure approach ay:

GROSS NATIONAL PRODUCT = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA

Gamit ang datos mula sa National Statistical Coordination Board noong Enero
2014 sa ibaba, sukatin ang Gross National Product gamit ang expenditure approach.
Gastusing Personal (C) = ₱ 8,455,783

Gastusin ng Pamahalaan (G) = ₱ 1,243,113

Gastusin ng mga Namumuhunan (I) = ₱ 2,243,714

Gastusing ng Panlabas na Sektor: Import (X) = ₱ 3,332,196

Import (M) = ₱ 3,631,207

Net Primary Income (NPI) = ₱ 2,284,037

Statistical Discrepancy = ₱ -97,495


Solusyon: GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NPI

A. Unahing isagawa ang operation sa loob ng parenthesis


GNI = ₱ 8,455,783 + ₱ 1,243,113 + ₱ 2,243,714

+ (₱ 3,332,196 – ₱3,631,207) + (- ₱ 97,495) + ₱ 2,284,037

B. Sundin ang rules sa pag-add ng sign numbers: (+) + (-) = -


GNI = ₱ 8,455,783 + ₱ 1,243,113 + ₱ 2,243,714 + (-₱ 299,011)

P a g e 7 | 15 (Q3,M3)
+ (-₱ 97,495) + ₱ 2,284,037

GNI = ₱ 8,455,783 + ₱ 1,243,113 + ₱ 2,243,714 – ₱ 299,011 - ₱ 97,495

+ Php 2,284,037

GNI = ₱ 13,830,140
Upang makuha ang Gross Domestic Product kailangan lamang ibawas ang
Net Primary Income from Abroad (NPIA) sa nakuhang Gross National Product
(GNP). Base sa halimbawa, ang Gross National Product ay ₱ 13,830,140
samantalang ang Net Primary Income from Abroad (NPIA) ay ₱ 2,284,037.

Gross Domestic Product (GDP) = GNP/GNI – NPIA

Gross Domestic Product (GDP) = ₱ 13,830,140 – ₱ 2,284,037

Gross Domestic Product (GDP) = ₱ 11,546,104


Mula sa ginamit na datos, mapapansin na malaki ang gastusing personal dahil
kailangang tugunan ang kanilang pangangailangan. Masusuri rin na ang pamahalaan
ay naglaan ng malaking budget para sa pag-angkat ng mga produkto mula sa ibang
bansa.

2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin Approach)


Sa paraang batay sa pinagmulang industriya pinagsasama ang kabuuang halaga ng
produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kapag pinagsama-sama ang
halaga ng produksiyon ng agrikultura, industriya at serbisyo, masusukat ang Gross
Domestic Product. Samantala kapag isinama dito ang Net Factor Income from Abroad
na tinatawag rin sa kasalukuyan na Net Primary Income, masusukat ang Gross
National Income ng bansa (Balitao et al 2010, 103).

Gross Domestic Product (GDP) = Agrikultura + Industriya + Serbisyo

Gross National Product (GNP) = Gross Domestic Product (GDP) + NPIA

Suriin ang Gross National Product at Gross Domestic Product gamit ang hipotetikal
na datos sa pagsukat gamit ang Industrial Origin Approach. Halimbawa, ang sektor ng
agrikultura ay naglaan ng ₱ 1,297,903 sa kanilang produksiyon, samantalang ang
sektor ng industriya ay gumamit ng ₱ 3,582,787 at ang sektor ng serbisyo ay ₱
6,665,414. Ang Net Factor Income from Abroad ay nagkakahalaga ng ₱ 2,284,037.
Solusyon:

Gross Domestic Product (GDP) = ₱ 1,297,903 + ₱ 3,582,787 + ₱ 6,665,414

Gross Domestic Product (GDP) = ₱ 11,546,104

Gross National Product (GNP) = ₱ 11,546,104 + ₱ 2,284,037

Gross National Product (GNP) = ₱ 13,830,140

Sa paggamit ng Industrial Origin Approach ay makikita na ang sektor ng serbisyo


ang may malaking ambag sa Gross Domestic Product at maging sa Gross National
Income. Masusuri na ang Net Primary Income from Abroad ay malaking tulong sa paglaki
ng Gross National Income ng bansa.
P a g e 8 | 15 (Q3,M3)
3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)
Ang mga salik ng produksiyon na ginagamit sa paglikha ng produkto at serbisyo
ay tumatanggap ng kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik. Ang pagsama-sama
ng lahat ng kita ng mga salik ng produksiyon ay magbibigay daan sa pag-alam ng
pambansang kita o national income (NI). Ang pambansang kita ay ang kabuuang kita
ng mga manggagawa, empleyado, entrepreneur, korporasyon at pamahalaan (Imperial
et al 2017, 224).

A. Sahod ng mga empleyado – suweldong ibinabayad sa sambahayan mula sa


mga bahay kalakal at pamahalaan.
B. Net Operating Surplus – tubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari ng
pampamahalaan at iba pang negosyo.
C. Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma
D. Di-tuwirang Buwis – subsidy
• Di-tuwirang buwis – kabilang dito ang sales tax, custom duties at lisensya.
• Subsidy – bayarin ng pamahalaan na hindi tumatanggap ng kapalit na
produkto o serbisyo.

Mahalaga ang pagsukat ng Gross National Income at Gross Domestic Product dahil
sinusukat nito ang dami ng pinagkukunang yaman ng pambansang ekonomiya.
Nailalarawan din ng GNI at GDP ang kahandaan ng pambansang ekonomiya na
tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

Aralin 3: Limitasyon at Salik sa Pagsukat ng


Pambansang Kita
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1. Naiisa-isa ang mga gawaing pang-ekonomiya na hindi nabibilang sa pagsukat
ng pambansang kita;
2. Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at pambansang
produkto; at
3. Napahahalagahan ang limitasyon at salik sa pagsukat ng pambansang kita.

Panimula

Napag-aralan mo na maraming paraan upang masukat ang pambansang kita ng


bansa sa pamamagitan ng Gross National Product (GNP)/Gross National Income (GNI) at
Gross Domestic Product (GDP). Ang Gross National Product/Gross National Income ay
ginagamit ng pamahalaan sa pagsukat ng pambansang kita upang maipakita na
P a g e 9 | 15 (Q3,M3)
umuunlad ang isang bansa. Ito rin ang nagiging sandata ng isang bansa upang
makapangutang sa ibang bansa (Imperial et al 2017, 225). Marami ang nagsasabi na hindi
sapat na basehan ang mga datos ng Gross National Product/Gross National Income upang
masabi na ang isang bansa ay umuunlad lalo na at hindi ito nararamdaman ng mga
mamamayan.

Ang Gross National Product (GNP)/Gross National Income (GNI) ang sumusukat sa
pambansang kita ng isang bansa, hindi pa rin ito perpektong batayan ng pag-unlad ng
isang bansa dahil may mga gawaing pang-ekonomiya na hindi naibibilang sa pagsukat ng
pambansang kita gamit ang mga pormulang napag-aralan.

LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA


Ang sumusunod na gawaing pang-ekonomiya ay hindi ibinibilang sa pagsukat ng
pambansang kita ng isang bansa (Balitao et al 2015, 253)

• Hindi pampamilihang gawain


Sa pagsukat ng pambansang kita, hindi kabilang ang mga produkto at serbisyong
binuo ng mga tao para sa sariling kapakinabangan tulad ng pag-aalaga ng anak,
paghuhugas ng pinggan at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran. Bagamat
walang salaping nabubuo sa mga naturang gawain, ito naman ay nakabubuo ng kapaki-
pakinabang na resulta.

• Impormal na sektor
Malaking halaga ng produksiyon at kita ay hindi naiuulat sa pamahalaan tulad ng
transaksiyon sa black market, pamilihan ng illegal na droga, nakaw na sasakyan at
kagamitan, illegal na pasugalan at maanomalyang transaksiyong binabayaran ng ilang
kompanya upang makakuha ng resultangpabor sa kanila. May mga legal na transaksiyon
na hindi rin naiuulat sa pamahalaan tulad ng pagbebenta ng kagamitang segunda-mano,
upa sa mga nagtatapon ng basura at marami pang iba. Ang mga nabanggit na gawain ay
hindi naibibilang sa pambansang kita bagamat may mga produkto at serbisyong nabuo at
may kinitang salapi.

• Externalities o hindi sinasadyang epekto


Ang hindi sinasadyang epekto o externalities ay may halaga na kalimitang hindi
nakikita sa pagsukat ng pambansang kita. Halimbawa, ang gastos ng isang planta ng
kuryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon ay kabilang sa pagsukat ng
pambansang kita. Samantala ang halaga ng malinis na kapaligiran ay hindi binibilang sa
pambansang kita.

• Kalidad ng buhay
Bagamat sinasabing ang pagtaas ng pambansang kita ay pagbuti rin ng katayuan sa
buhay ng mga tao. Dapat tandaan na ang karagdagang produkto at serbisyong nabuo sa
bansa ay hindi katiyakan ng kasiyahang natatamo ng isang indibidwal. Sa katunayan,
maraming bagay na hindi kabilang sa pagsukat ng pambansang kita ay nakatutulong sa
pagbuti ng pamumuhay ng tao tulad ng malinis na kapaligiran, mahabang oras ng
pahinga at malusog na pamumuhay. Sinusukat ng pambansang kita ang kabuuang
ekonomiya ngunit hindi ang kalidad ng buhay ng tao.

Ang lahat ng limitasyong ito ay magsasabing hindi mainam na sukatan ng kagalingan


ng pagkatao ang pambansang kita. Gayumpaman, kahit may limitasyon ang pagsukat ng

P a g e 10 |15 (Q3,M3)
pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng pagsulong ng ekonomiya. Dahil
dito, maraming bansa at pamahalaan sa buong mundo ang patuloy pa ring ginagamit ang
pambansang kita bilang batayan ng pagsukat sa isang malusog na ekonomiya (Balitao et
al 2015, 256).
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAMBANSANG PRODUKTO
Ang pamamaraang ginagamit upang masukat ang pagsulong ng ekonomiya ay sa
pamamagitan ng pagtataya sa Gross Domestic Product ng bansa. Ipinapakita sa GDP kung
gaano karami ang produkto at paglilingkod na nabuo sa loob ng bansa. Kalimitan, ang
mayayamang bansa sa daigdig ang may mataas na GDP kumpara sa mga mahihirap na
bansa. Samantala noong taong 2009, sinabi ng TIME Magazine sa kanilang artikulo na
ginagamit rin ng ekonomista ang distribusyon ng pinagkukunang-yaman upang masukat
ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa (Balitao 2015, 257). Ang sumusunod ay ilan
sa mga salik na nakaaapekto sa pambansang produkto:

Kapital – ang dami ng paggawa at kasangkapan ay mga batayan upang masukat ang
suplay ng kapital sa bansa. Ang laki ng kapital sa bansa ay isang salik na nakaaapekto
sa antas ng pagsulong ng isang ekonomiya. Halimbawa, ang mga bansang may maliit na
populasyon ay may limitadong pagsulong sa ekonomiya samantalang mas malaki ang
pagkakataon ng mga bansang may malaking populasyon. Ang malaking populasyon ay
magbubunga ng mas malawak na produksyon kung ihahambing sa mga bansang may
maliit na bilang ng tao. Nakaaapekto rin sa laki ng produksyon ang haba ng oras na
ginugugol sa paggawa. Mas mahaba ang oras ng paggawa ay mas malawak rin ang
kakayahang makabuo ng mas maraming produkto o serbisyo. Ang mahusay na sistema
ng edukasyon ay magbubunga naman ng produktibong mamamayan na papasok sa
larangan ng paggawa.

Teknolohiya – Ang dami ng taong nagtatrabaho sa isang kompanya o naninirahan sa


isang bansa ay hindi garantiya ng pagsulong ng ekonomiya. Kahit mayaman sa likas na
yaman ang isang bansa ngunit salat naman sa imprastruktura para sa teknolohiya tulad
ng planta ng kuryente, cell phone transmissions, modernong paliparan, at iba pa ay
mahihirapang iangat ang ekonomiya ng bansa. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya
ay isang salik na nakaaapekto upang mas mapabilis ang pagsulong ng ekonomiya.
Patunay dito ang pangyayari sa mabilis na pagbuo ng produkto at serbisyo dahil sa mga
makabagong imbensyon noong industrial revolution. Nangangahulugan na kailangan ang
maayos at modernong sistema sa iba’t ibang larangan ng gawaing pangkabuhayan upang
mas mabilis na maiparating ang mga kinakailangang produkto at serbisyo sa loob man o
labas ng bansa.

Pamumuhunan – ang pamahalaan ay kahalintulad ng negosyo dahil kailangan nila


ng puhunan upang lumago. Ang mga bagong negosyong itinatayo at pagbili ng stock sa
mga korporasyon ay ilan lamang paraan upang makalikha ng bagong puhunan. Ang
karagdagang puhunan ay karagdagang pambili ng makinarya, planta, at karagdagang
manggagawa na makakatulong upang lalaong mapabilis at mapalawak ang produksyon.
Kung malawak ang pamumuhunan sa bansa, mas malaki ang mabubuong output at
marami ring mabibigyan ng panibagong trabaho. Kikita rin ang pamahalaan sa
pamamagitan ng buwis.

Kalusugan – ang malusog na mamamayan ay isang indikasyon ng malusog na


ekonomiya. Ang malawak na suliraning pangkalusugan ay tiyak na makakasagabal
upang makamit ang pagsulong ng ekonomiya. Ang malusog na manggagawa ay isa ring
produktibong mamamayan dahil kabawasan sila sa pasanin n g pamahalaan at kanilang

P a g e 11 |15 (Q3,M3)
pamilya. Ibig sabihin, ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan ay may
tuwirang epekto sa pagkamit ng ekonomikong pagsulong nito.

Pamahalaan – makakatulong ang pamahalaan upang makapagbigay ng paborableng


kapaligiran para sa pagpasok ng mga namumuhunan sa bansa at pagtatayo ng mga
bagong negosyo. Ang mga batas at regulasyon na isinusulong ng pamahalaan ay
nakaaapekto sa pagpapasigla ng mga gawaing pang-ekonomiya sa bansa tulad ng sistema
ng pagbubuwis at patakarang piskal. Ang pagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan
ay isang hudyat sa mahusay na pamamahala. Kasama na rito ang katatagan ng
sistemang pulitikal ng bansa na makakatulong sa tuloy-tuloy na pagsulong ng ekonomiya.
Dahil matatag ang pamahalaan, maaalis ang pangamba sa mga mamamayan upang
maipagpatuloy ang mga gawaing pangkabuhayan nang walang iniintinding takot at
pangamba sa kanilang kapaligiran.

Sistemang Pampinansiyal – ang episyenteng operasyon ng mga bangko at iba pang


institusyong pampinansiyal ay makakatulong ng malaki upang maayos ang daloy ng
salapi na kailangan sa negosyo at pamumuhunan. Ang mga patakarang pananalapi na
ipinatutupad ng bansa ay isang mahusay na sandata upang maisaayos ang mga
transaksiyong may kaugnayan sa salapi na makakatulong upang maisulong ang aktibong
gawain sa isang ekonomiya. Kapag mahina ang sistemang pampinansiyal ng bansa,
mangangamba ang mga negosyante at namumuhunan na magtayo ng negosyo sa bansa
dahil sa pangamba na malulugi lamang sila.

Antas ng pamumuhay ng tao bilang batayan ng pagsulong ng ekonomiya.


Pinagmulan: http://imageshack.us/a/img248/1844/manilasquatters.jpg

PAGSASANAY

A. Tama o Mali
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang
TAMA kung ang pangungusap ay wasto at ang salitang MALI kung hindi. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Nagtitinda ng sago’t gulaman si Jerico sa harap ng simbahan. Kabilang ang


kaniyang kinita sa pagsukat ng GNP.
_____2. Ang inilalaang serbisyo ng mga magulang sa kanilang mga anak ay ibinibilang ng
pamahalaan sa pagsukat ng pambansang kita.
_____3. Kinumpuni ni Mark ang sirang gripo sa kanilang banyo. Hindi ito ibinibilang sa
pagsukat ng GDP dahil ito ay para sa sariling kapakinabangan.
_____4. Ang pagkakaroon ng maraming mayaman sa isang bansa ay nagiging
basehan kung ang isang bansa ay umuunlad o hindi.

P a g e 12 |15 (Q3,M3)
_____5. Ang titulong “Green City” ng siyudad ng Pasig ay kinilala hindi lamang sa
bansang Pilipinas kundi maging sa Timog Silangang Asya. Kabilang ang
titulo na ito sa pagsukat ng GNP ng bansa.

B. Hindi ka-Salik
Panuto: Bilugan ang salitang hindi kasali sa pangkat. Pagkatapos ay tukuyin
kung anong salik na nakaaapekto sa pambansang produkto ang
kinabibilangan ng natirang mga aytem.
1. paggawa, makinarya, bangko, populasyon

___________________________________________________________________________

2. stock, negosyo, negosyante, planta ng kuryente

___________________________________________________________________________

3. batas, paggawa, sistema ng pagbubuwis, kapayapaan at katahimikan

___________________________________________________________________________

4. malusog na manggagawa, bangko, patakarang pananalapi, salapi

___________________________________________________________________________

5. imprastruktura, computer, manggagawa, cellphone transmissions


___________________________________________________________________________

PAGLALAHAT
Data Retrieval Chart

Panuto: Isulat sa talahanayan ang iyong pagkaunawa sa limitasyon sa


pagsukat ng pambansang kita at mga salik na nakaaapekto sa pambansang
produkto.

LIMITASYON SA PAGSUKAT MGA SALIK NA


NG PAMBANSANG KITA NAKAAAPEKTO SA
PAMBANSANG PRODUKTO

__________________________________________________________________________________
P a g e 13 |15 (Q3,M3)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sa iyong palagay, ano ang naiaambag ng iyong


pamilya sa pambansang produksiyon ng bansa?
Bakit ito mahalaga tungo sa pambansang
pagsulong ng ekonomiya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sautang
papel.
1. Salik na nakaaapekto sa pambansang produkto na tumutukoy sa mga bangko at institusyong
pampinansiyal na nakakatulong ng malaki upang maayos ang daloy ng salapi sa bansa.
2. Tumutukoy sa mga transaksiyon sa black market, pamilihan ng illegal na droga, nakaw na
sasakyan at kagamitan at maanomalyang transaksiyon na hindi naiuulat sa pamahalaan.
3. Salik na tumutukoy sa maayos at modernong sistema sa iba’t ibang larangan ng gawaing
pangkabuhayan upang mas mabilis na maiparating ang mga kinakailangang produkto at
serbisyo sa loob man o labas ng bansa.
4. Tumutukoy sa pagbuti ng katayuan ng buhay ng isang tao sa isang bansa sa pamamagitan ng
malinis na kapaligiran, mahabang oras ng pahinga at malusog na pamumuhay.

5. Tumutukoy sa mga produkto at serbisyong binuo ng mga tao para sa sariling kapakinabangan
tulad ng serbisyo ng magulang sa isang anak. Walang salaping nabubuo sa pagbibigay serbisyo
pero may kapaki-pakinabang na resulta.

B. Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang. 1. Paano
malalaman kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang ekonomiya ng isang bansa?
A. sa pagsukat ng Gross C. sa paggamit ng mga
National Income economic indicators
B. sa pagsusuri ng economic D. sa pag-alam sa National
performance Income Accounting
2. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang Pilipinas ay gumagamit ng tinatawag ng leading
economic indicators maliban sa isa. Anong economic indicators ito?
A. Birth Rate C. Stock Price Index
B. Consumer Price Index D. Foreign Exchange Rate
3 Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan hinggil sa Pambansang Kita?
A. Ito ang nagsisilbing batayan upang matukoy ang katatagan ng isang bansa.
B. Ito ang nagsisilbing batayan upang maging masagana ang buhay ng bawat isa.
C. Ito ang nagsisilbing batayan upang makamit ng bansa ang hinahangad na pagsulong.
D. Ito ang nagsisilbing batayan upang makabuo ng masusing planong pang-ekonomiya.
4. Paano sinusukat ang GNI o Gross National Income ng isang bansa? A. Pagsipat ng dami ng
produkto na nalikha sa bansa.
A. Pagsusuri ng antas ng pasahod ng mga korporasyon.
B. Paggamit ng salapi ng ibang bansa gaya ng dolyar ng US.
C. Pagbilang sa kinita ng mga dayuhang negosyante sa bansa.
5. Bakit ang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng
GNP/GNI?
A. Upang maiwasan ang dalawang beses ng pagbibilang.
B. Upang malaman ang tunay na presyo ng tapos ng produkto.

P a g e 14 | 15 (Q3,M3)
C. Upang malaman kung ang produkto at serbisyo ay nabibilang sa tapos ng produkto at serbisyo.
D. Upang ito ay maging batayan kung ang isang ekonomiya ay may nagagawang produkto at
serbisyo.
6. Ito ang idinadagdag sa Gross Domestic Product upang masukat ang Gross National Product.
A. import D.Net Primary Income from Abroad
B. export
C. statistical discrepancy
7. Ito ay paraan ng pagsukat ng Gross National Product na kung saan ang batayan ng datos ay mula
sa kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya sa bansa.
A. National Income C. Income Approach
B. Expenditure Approach D. Industrial Origin Approach
8. Ito ay hindi maaaring isama sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng isang bansa.
A. Taxes and Subsidies
B. Net Factor Income from Abroad
C. Government Final Consumption Expenditure
D. Agriculture, Hunting, Forestry and Fishing production
9. Bakit kailangang masukat ang GNP/GNI at GDP ng isang bansa?
A. Upang malaman kung may korupsiyon sa pamahalaan.
B. Upang mapag-aralan ang desisyon sa pangungutang sa ibang bansa.
C. Upang malaman ano dapat ang pagkakagastusan ng pamahalaan.
D. Upang masuri kung ang ekonomiya ng isang bansa ay umuunlad o hindi.
10. Bakit ang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta
ng GNP/GNI?
A. Upang maiwasan ang dalawang beses ng pagbibilang.
B. Upang malaman ang tunay na presyo ng tapos ng produkto.
C. Upang malaman kung ang produkto at serbisyo ay nabibilang sa tapos ng produkto at
serbisyo.
D. Upang ito ay maging batayan kung ang isang ekonomiya ay may nagagawang produkto at
serbisyo.

P a g e 15 | 15 (Q3,M3)
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Name of Learner:
Grade Level:
Section:
Date:

GAWAING PAGKATUTO
Aralin 3: Ang Pambansang Kita

A. Kumpletuhin Mo!
Panuto: Punan ang nawawalang titik upang mabuo ang sagot.

1. Paraan sa pagkuwenta ng GNI kapag pinagsama-sama ang halaga na iniambag ng


bawat sektor.
__ND__ __TR__A__ O__ __GI__ __PP__OA__H
2. Idinadagdag sa GDP upang makuha ang GNP/GNI.
__E__ P__I__ __R__ I__ __O__ __ __R__M __B__O__ __
3. Ang kita ng mga ito ay hindi isinasama sa pagkuwenta ng GDP ng bansa.
O__E__ __EA__ __IL__ __ I__O W__ __KE__S
4. Isang sektor na isinasama ang ambag sa pagkuwenta ng GNI. A__R__
__UL__U__A
5. Anumang kakulangan o kalabisan sa pagtutuos na hindi malaman kung saan
ibibilang.
__TA__ IS__I__ __L D__ __C__ __PA__ __Y

B. I-Compute Mo!
Panuto: Kompyutin ang GNI at GDP sa paraang Final Expenditure Approach at
sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Ibigay ang pormulang ginamit. ______________________________________
I = ₱ 250,000,000 G = ₱ 264,000,000
X = ₱ 50,000,000 SD = ₱ 2,000,000
C = ₱ 340,000,000 M = ₱ 55,000,000
NPIA = ₱ 55,000,000
2. Ilan ang kabuuang GNI? _______________________
3. Ilan ang kabuuang GDP? ___________________________
4. Bakit mahalagang malaman ang gastusin ng bawat sektor ng bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Name of Learner:
Grade Level:
Section:
Date:
Summative Test in Araling Panlipunan 9
Quarter 3 Modyul 3

I. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay ang mga instrumento na maglalahad sa anumang narating na pagsulong at pag-unlad ng isang
ekonomiya.
a. GDP c. Economic indicators
b. GNP d. GNI
2. Kilala bilang kabuuang pambansang kita o Gross National Income (GNI) upang masukat ang kalagayan
ng ekonomiya ng isang bansa.
a. GDP c. Economic indicators
b. GNP d. Economic performance
3. Ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nabuo ng isang bansa sa loob ng isang takdang
panahon na kalimitang quarterly o yearly (Balitao et al 2010, 101).
a. GDP c. PSA
b. GNP d. NSCB
4. Ang ahensiya ng pamahalaan ang naatasang mangalap ng datos tungkol sa kabuuang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nabuo ng isang bansa.
a. NCSB c. DTI
b. DAR d. DA
5. Sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na kalakal at paglilingkod na ginawa
sa loob ng isang takdang panahon ng mga salik ng produksiyong matatagpuan sa loob ng bansa lamang
kabilang ang mga nabuong produkto at serbisyo ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.
a. GDP c. market value
b. GNP d. economic performance
6. Tawag sa pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma.
a. net operating surplus c. di-tuwirang buwis
b. depresasyon d. subsidy
7. Ano ang tinutukoy na tubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari ng
pampamahalaan at iba pang negosyo.
a. net operating surplus c. di-tuwirang buwis
b. depresasyon d. subsidy
8. Ito ang paraang pinagsasama ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng
bansa.
a. expenditure approach c. income approach
b. industrial origin approach d. Net primary income from abroad
9. Ito ay ang mga salik ng produksiyon na ginagamit sa paglikha ng produkto at serbisyo ay tumatanggap
ng kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik.
a. expenditure approach c. income approach
b. industrial origin approach d. Net primary income from abroad
10.Ano ang tawag sa bayarin ng pamahalaan na hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo.
a. net operating surplus c. di-tuwirang buwis
b. depresasyon d. subsidy
II. Enumerasyon.
1. Ibigay ang limang economic indicators na naglalahad sa anumang narrating na pagsulong at pag-
unlad ng isang ekonomiya.
2. Mga Paraan ng pagsukat ng Gross National Product
3. Ibigay ang formula sa pagsukat ng Gross National Product sa pamamaraan batay sa paggasta o
expenditure approach
4. Formula sa pagsukat ng Gross Domestic Product
5. Mga Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach)
6. Mga Limitasyon sa Pagsukat ng Pambansang Kita
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Grade 9
QUARTER 3: Module 4
Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 9 (Ekonomiks)
Topic: Modyul 4: Implasyon

12:00 – 1:00 LUNCH


MGA INAASAHAN
1:00 – 3:00 ARALIN 1: • Naibigay ang kahulugan ng Ipasa
(Crack, Special Konsepto ng implasyon o ipadala ang
Programs, Implasyon • Napaghahambing ang kahulugan ng output sa
Regular/TVL Class) implasyon sa paglipas ng panahon; at facebook
Natatalakay ang • Nailapat ang kahulugan ng implasyon Messenger o
konsepto, dahilan, sa pang-araw-araw na pamumuhay Group Chat na
3:00-5:00 epekto at pagtugon bilang amag-aaral at kasapi ng gawa at binigay
(STE) sa implasyon pamilya at lipunan. ng Guro o mga
iba pang paraan
Modyul 2 (AP9MAKIIId- PAUNANG PAGSUBOK 5 min. ng pagpasa na
8) • I-Check Mo! (1-5) (p.2) inirekomenda
ng paaralan o
BALIK-ARAL anumang napili
5 min. ng guro para sa
• HANAP-SALITA (1-5) (p. 3)
Klase. (Modular
ARALIN Digitized)
• KONSEPTO NG IMPLASYON
-Deplasyon
-Hyperinflation 25 min.
-Recession Magulang ang
-Depression (pp.3-4) magbigay ng
output ng anak
sa Guro sa
PAGSASANAY 5 min. paaralan o di
• KONSYUMER O PRODYUSER? kaya ay sa
(1-5) (p.4) barangay
MGA INAASAHAN distribution
ARALIN 2: area.
• Naisa-isa ang mga dahilan at epekto
Mga (Modular
ng implasyon
Dahilan at Printed)
• Nasuri ang mga dahilan at epekto ng
Epekto ng
implasyon; at
Implasyon
• Nabigyang halaga ang mag dahilan
ng implasyon na nakapagdudulot ng
epekto sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng tao.
ARALIN
• MGA PANGUNAHING DAHILAN NG
IMPLASYON 25 min.
• IBA PANG DAHILAN NG IMPLASYON
ARALIN 3: (pp. 5-6)
Mga Paraan ng MGA INAASAHAN
Paglutas sa • Naisa-isa ang mga paraan sa
Suliraning Dulot ng paglutas ng suliraning dulot ng
Implasyon implasyon;
• Nasuri ang mga paraan sa
paglutas ng suliraning dulot ng
implasyon; at
• Nabigyangg halaga ang mga
paraan sa paglutas ng suliraning
dulot ng implasyon.
ARALIN
• EPEKTO NG IMPLASYON SA
MAMAMAYAN
30 min.
• PARAAN NG PAGLUTAS SA
SULIRANING DULOT NG
IMPLASYON (pp.6-7)
PAGSASANAY
• Punana ng angkop na salita (1-5) 5 min.
(p.8)
PAGLALAHAT
5 min.
• Legit or Fake (1-5) (p.8)
PAGPAPAHALAGA
• Bakit mahalaga na bigyan-
kalutasan ang suliranin sa 5 min.
implasyon? (p.8)

PANAPOS NA PAGSUSULIT
• A. (1-10) Pagpipili
• B. (1-5) Punan ng tamang salita 10 min.
(pp.9-10)
• SUMMATIVE TEST (1-20)
3:00 - onwards FAMILY TIME
Araling Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4

Implasyon

P a g e 1 | 10 (Q3, M4)
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagsusuri sa Pambansang Kita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Aralin 1: Konsepto ng Implasyon


MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
1. Naibigay ang kahulugan ng implasyon;
2. Napaghambing ang kahulugan ng implasyon sa paglipas ng panahon; at
3. Nailapat ang kahulugan ng implasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay
bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

PAUNANG PAGSUBOK
I-Check Mo!
Panuto: Lagyan ng __ ang guhit bago ang bilang kung nagsasaad ng wastong
pagsasalarawan sa implasyon at X naman kung hindi.
________ 1. Nagkakaroon ng implasyon kung kaunti lamang ang pera na umiikot sa
ekonomiya.
________ 2. Ang implasyon ay ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga mga produkto
at serbisyo sa pamilihan.
________ 3. Ang mga pangunahing produkto at serbisyo ang karaniwang naaapektuhan ng
implasyon.
________ 4. Nahihikayat ang mga mumuhunan na magsimula ng negosyo bunsod ng
pagkakaroon ng implasyon.
________ 5. Ang implasyon ay nagdudulot ng epekto sa dami ng produkto na nais bilhin ng
isang mamimili.

P a g e 2 | 10 (Q3, M4)
BALIK - ARAL
HANAP-SALITA
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang salitang hinihinging kasagutan sa
mga tinutukoy ng pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

Gross National Income Gross Domestic Product

Expenditure Approach Income Approach


Industrial Origin Approach

______________1. Ito ang sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto


at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
______________2. Ito ang sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos
na produkto at serbisyo na ginawa sa isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
______________3. Pamamaraan ng pagsukat sa GNI na nakabatay sa gastusin ng ekonomiya
ng bansa.
______________4. Pamamaraan ng pagsukat sa GNI na nakabatay sa kita ng ekonomiya ng
bansa.
______________5. Pamamaraan ng pagsukat sa GNI na nakabatay sa pinagmulang sector
gaya ng agrikultura, industriya at serbisyo ng bansa.

ARALIN
Konsepto ng Implasyon

Malaking suliranin na kinakaharap ng ekonomiya ng bansa ang pagtaas ng presyo ng mga


pangunahing produkto at serbisyo. Nagdudulot ito ng pagbabago sa desisyon ng sambahayan,
bahay-kalakal at pamahalaan, partikular sa uri at dami ng produkto na kanilang bibilhin.
Dahil dito, maraming mamamayan ang naghihirap at hindi natutugunan ang
pangangailangan bunga ng labis na pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo.
Ang implasyon (inflation) ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin
sa pamilihan. Ayon sa aklat na The Economics nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay
ang pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon naman ay ang pagbaba sa halaga sa
presyo.
Maituturing na ang implasyon ay isang economic indicator upang matukoy ang kasalukuyang
kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng produkto at serbisyo
sa pamilihan ay nagdudulot ng epekto sa pamumuhay ng bawat mamamayan.
Kaakibat ng buhay ng tao ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Maging ang kasaysayan ay saksi
sa pag-iral nito. Noong panahon ng Great Depression ng 1930s sa Europe ay nagkaroon ng
hyperinflation. Ang hyperinflation ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin bawat oras,
araw at linggo na naganap sa Germany noong 1920. Maging ang Pilipinas ay hindi nakaligtas
sa banta ng implasyon noong panahon ng pananakop ng Japan. Halos ang salapi noon ay
walang halaga dahil sa napakataas na presyo ng bilihin dulot ng mapanirang digmaang
pandaigdig.
Ang pagkakaroon ng implasyon ay kakambal ng iba’t ibang masalimuot na kalagayang pang-
ekonomiko gaya ng pagkaantala o pagbagal ng pagdaloy ng ekonomiya na kilala sa tawag na
recession na posible ring humantong sa pagkalugmok o pagbagsak nito na tinatawag na
depression.
Nanatiling suliraning pang-ekonomiya ang implasyon maging ngayong panahon ng
pandemya. Ang mga pangunahing produkto tulad ng gulay, prutas, karne ng baboy, manok

P a g e 3 | 10 (Q3, M4)
at isda, maging ang medisina at bitamina na kailangan upang palakasin ang resistensiya ay
patuloy na tumataas ang presyo.
Sa panahon na may implasyon sa isang bansa ang kailangan ay ang pagkakaisa at
pagtutulungan hindi lamang ng pamahalaan, gayundin ang tungkulin na gagampanan ng mga
prodyuser at mga mamimili na malaki ang maiiambag upang kundi man mabawasan ay
masugpo sa simpleng paraan ang pandaigidigang suliraning ito.
Grapikong Pantulong Sa Pag-unawa ng Implasyon

Paghina ng
Ekonomiya
Kahirapan sa
mamamayan na mabili
ang pangangailangan

Pagtaas
ng Presyo

PAGSASANAY
Konsyumer o Prodyuser?

Panuto: Isulat sa patlang ang titik K kung ang labis na naapektuhan ng implasyon ay
Konsyumer at P kung ito ay Prodyuser.
_______1. Kaunting supply ng karne ng manok na maisasahog sa paboritong ulam na adobo.
_______2. Kaunting supply ng karne ng manok na maisasahog sa panindang lutong-ulam.
_______3. Pagtaas ng presyo ng gasolina na kaalinsabay din ng pagtaas ng pasahe sa
pampublikong sasakyan.
_______4. Pagtaas ng presyo ng gasolina na kaalinsabay din ng pagtaas ng ng boundary ng
ipinasadang sasakyan.
_______5. Kasalatan ng badyet sa pagbili ng pangunahing pangangailangan sa tahanan.

Aralin 2: Mga Dahilan at Epekto ng


Implasyon P a g e 5 | 15

MGA INAASAHAN
Sa aralin na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
1. Naisa-isa ang mga dahilan at epekto ng implasyon;
2. Nasuri ang mga dahilan at epekto ng implasyon; at
3. Nabigyang halaga ang mga dahilan ng implasyon na nakapagdudulot
ng epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

P a g e 4 | 10 (Q3, M4)
ARALIN
MGA PANGUNAHING DAHILAN NG IMPLASYON
Demand-Pull Inflation. Nagaganap ito kung mas mataas ang pinagsamasamang dami ng
demand sa lahat ng sektor o aggregate demand kaysa sa kabuuang dami ng produksyon ng
ekonomiya o aggregate supply.
Kung mas mataas ang demand kaysa sa supply, magbubunga ito ng kakapusan sa pamilihan.
Ang paglobo ng demand ang siyang hihila upang tumaas ang presyo ng mga produkto at serbisyo.
Ayon kay Milton Friedman, isang ekonomista na ginawaran ng Nobel Prize noong 1976, ang
pagkakaroon ng labis na dami salapi sa sikulasyon o money supply ang isang dahilan kung bakit
tumataas ang demand. Dahil sobra ang salapi, malaki ang pagkakataon na patuloy na bibili ng
maraming produkto ang mamimili na magtutulak sa pagtaas ng presyo.

Cost-Push Inflation. Ang pagtaas ng gastusin sa paglikha ng produkto ang siyang sanhi ng
pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Anumang salik ng produksyon ang magkaroon ng pagbabago gaya ng pagtaas ng sahod ng
manggagawa o renta sa lupa, gayundin ang mataas na halaga ng mga hilaw na sangkap na
gagamitin sa paggawa ng produkto ay makakaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong
ginagawa.
Ang pagtaas ng presyo ng mga inputs o sangkap sa produksyon ang pwersang tutulak upang
tumaas ang halaga nito sa pamilihan.

IBA PANG DAHILAN NG IMPLASYON

Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar. Dahil sa


kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa
ang halaga ng piso. Humihina ito sa
pandaigdigang palitan na nagiging sanhi ng
pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa.

Pagdepende sa Importasyon para sa hilaw na


mga sangkap. Kapag tumaas ang presyo ng mga
materyales na inaangkat, ang mga produktong
umaasa sa importasyon para sa hilaw na sangkap
ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo.

Kalagayan ng pagluluwas (export). Kapag


mas mataas ang dami ng supply na iniluluwas
kaysa lokal na produkto sa pamilihan, magiging dahilan ito ng pagtaas ng presyo bunsod ng
mataas na demand at kakulangan ng pantustos na produkto sa loob ng bansa.

Monopolyo o Kartel. Dahil bukod tangi ang kanilang produkto at serbisyong ibinebenta, kaya
nilang kontrolin ang pagtaas ng presyo nito sa pamilihan.

Pambayad-utang. Sa halip na magamit sa produksyon o pagsasaayos ng pampublikong


pasilidad ang bahagi ng pambansang badyet, ito ay napupunta sa pagbabayad ng utang.

P a g e 5 | 10 (Q3, M4)
Nailalarawan din ng GNI at GDP ang kahandaan ng pambansang ekonomiya na tugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

Aralin 3: Mga Paraan ng Paglutas sa


Suliraning Dulot ng Implasyon
MGA INAASAHAN

Sa Aralin na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1. Naisa-isa ang mga paraan sa paglutas ng suliraning dulot ng implasyon;
2. Nasuri ang mga paraan sa paglutas ng suliraning dulot ng implasyon;
at
3. Nabigyang halaga ang mga paraan sa paglutas ng suliraning dulot ng
implasyon.

EPEKTO NG IMPLASYON SA MAMAMAYAN

P a g e 6 | 10 (Q3, M4)
presyo. Bibilhin nila ito sa mababang presyo
Mga Speculators at ibebenta ng mas mahal na halaga para
tumubo.

MGA NALULUGI DAHIL HALIMBAWA


SA IMPLASYON

Sa interes nakabatay ang kikitain ng isang


Mga Nagpapautang nagpapautang. Kaya kung mas mababa ang
interes kaysa sa antas ng implasyon, ito ang
magiging dahilan ng kanyang pagkalugi.
Ang mga manggagawang nakakatanggap ng
fixed na sahod ay apektado ng implasyon
Mga Taong Tiyak ang Kita dahil magiging dagok ito kung paano nila
pagkakasyahin ang sapat na kita sa
napakataas na presyo ng bilihin.

Kapag ang interes mula sa kanyang impok sa


Mga Taong Nag-iimpok bangko ay mas mababa kaysa sa antas ng
implasyon. Tiyak ang pagliit ng kikitain ng
kanyang interes dahil bumababa ang real
value o tunay na halaga ng salaping inilagak
niya sa bangko.

PARAAN NG PAGLUTAS SA SULIRANING DULOT NG IMPLASYON


Ang suliranin sa implasyon ay patuloy na nararanasan ng lahat ng bansa. Kaya naman, ang
bawat mamamayan ay may tungkulin upang supilin ang problemang ito. Narito ang ilang
mungkahing solusyon na gagampanan ng bawat sector upang malutas ang implasyon ayon
sa aklat na Kayamanan nina Imperial et al (2017) at Ekonomiks Modyul ni Balitao et al
(2017):

1. Pamahalaan – nagpapatupad ng mga polisiya at hakbangin upang masiguro at


mapangasiwaan ang pangkalahatang presyo ng bilihin. Katuwang ang Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP), matitiyak ang pagsasaayos ng money supply sa bansa. Maaari ring isaaayos
ang mga patakarang pananalapi at piskal na magpapatatag sa kalagayang pangekonomiko
ng bansa.
2. Mga Prodyuser (negosyante) – palalawigin ang kakayahang mapataas ang lokal na
produksiyon na mangangailangan ng dagdag na manggagawa na magkakaloob ng dagdag
na sahod, ito ay hindi magdudulot ng pagtaas ng presyo dahil marami pang manggagawa
ang hindi nagtatrabaho ang handing tumanggap ng mababang sahod.

3. Mga Konsyumer (mamimili) – makatutulong sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga lokal


na produkto kaakibat ng pagiging matalino at mapanuri sa anumang produktong bibilhin.
A. PANUTO: Punan ng angkop salita ang loob ng kahon upang mabuo

PAGSASANAY
ang ipinapahayag ng talata.

Price control Paglutas/pagbawas Proteksyonismo

P a g e 7 | 10 (Q3, M4)
Implasyon Monopolyo/kartel

Ang ay isang suliraning pang-ekonomiya na patuloy na


nararanasan ng bansa. Ang sa epekto nito ay gampanin
ng bawat isa sa atin. Ang pagpapatupad ng pamahalaan ng
ay makakatulong upang maibsan ang dagok na kinahaharap
ng mamimili bunga ng matinding pagtaas ng presyo. Marapat lang na
sugpuin at parusahan ang taong nasa likod ng na di
makatarungang pagkontrol ng presyo sa pamilihan. Maaari ring
magpatupad ang bansa ng na mangangalaga sa
kapakanan ng mga lokal na prodyuser sa pamamagitan ng pagpapatupad
ng mga batas, kalakaran, at buwis sa mga banyagang kumpanya at
produkto.

PAGLALAHAT

Legit or Fake.
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Legit kung ito ay nagpapahayag ng
katotohanan tungkol sa dahilan at epekto ng implasyon at Fake kung ito ay hindi.

_________1. Ang pagtaas ng demand ay nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng


mga bilihin sa pamilihan.
_________2. Ang kalamidad gaya ng bagyo ay nagdudulot ng kakapusan para sa
mga produkto at serbisyo na humahantong sa pagtaas ng presyo nito. _________3.
Dahil sa kakulangan ng salapi sa sirkulasyon, nagbubunga ito ng pagtaas ng
presyo ng bilihin.
_________4. Dahil sa labis na pagpasok ng dolyar sa bansa, bumababa ang halaga
ng piso na nagdudulot ng implasyon.
_________5. Tataas ang presyo ng bilihin ng produkto at serbisyo ng bansa kung
nakatuon lang ang pambansang badyet bilang pambayad-utang.

PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalaga na bigyang-kalutasan ang suliranin sa implasyon?

Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba na magbibigay kasagutan sa tanong na


ibinigay tungkol sa suliranin sa implasyon.

Matapos kong malaman at maunawaan ang dahilan at epekto ng implasyon sa ating


ekonomiya, mahalaga na ito ay magawan ng karampatang solusyon sapagkat
_________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

P a g e 8 | 10 (Q3, M4)
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
1. Ano ang tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng produkto at serbisyo
sa pamilihan?
A. Implasyon C. Hyperinflation
B. Deplasyon D. Depression
2. Ano ang tawag sa pagbaba ng pangkalahatang presyo ng produkto at serbisyo sa
pamilihan?
A. Implasyon C. Hyperinflation
B. Deplasyon D. Depression
3. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa iyong paaralan upang maibsan ang
suliranin sa implasyon?
A. Palaging gamitin ang electric fan sa paaralan lalo na kung maalinsangan ang
panahon
B. Pagtitipid na hindi muna bibili sa canteen
C. Pagbili ng maramihng produkto lalo na kung nalalapit na ang pasukan
D. Pagkumpuni sa mga nasirang upuan o mesa ng paaralan bago magsara ang taon
4. Bilang isang bahagi ng pamilya, paano ka makakatulong sa ating bansa upang
mabawasan ang problema sa implasyon ngayong panahon ng pandemya?
A. Tutulong sa mga gawaing bahay upang makatipid sa gastusin.
B. Hindi na lang lalabas ng bahay upang mabigyan ng ayuda.
C. Pantutuunan ng pansin na pagkagastusan lamang ang mahahalagang bagay.
D. Maging mapanuring mamimili lalo sa online shopping.
5. Bakit mahalaga sa iyo na malaman ang pag-iral ng implasyon?
A. Madaragdagan ang kaalaman tungkol sa mga produkto at serbisyo na
nagbabago ang presyo.
B. Makatutulong ang implasyon sa pagtukoy ng tunay na kalagayan ng ekonomiya
ng bansa.
C. Malalaman ang problemang kinaharap ng bansa.
D. Magkakaroon ng lakas ng loob na ipabatid ang bagong nalalaman sa social
media.
_______6. Ang mga sumusunod na tao ay nakararanas ng pagkalugi dulot ng
implasyon, maliban sa…..
A. Nag-iimpok D. Taong Hindi Tiyak ang
B. Nagpapautang Kita
C. Taong Tiyak ang Kita
______7. Bilang mamamayan ng bansa, paano ka makakatulong upang maiwasan ang
suliraning dulot ng implasyon?
A. Patuloy na pagtangkilik sa mga imported na produkto
B. Pagiging mapanuri at mabusisi sa anumang produktong bibilhin
C. Pagbili ng mga produktong patok at napapanahon
D.Palagiang pagdaing sa pamahalaan ng pangangailangan sa ayuda
______8. Ang pamahalaan ay may malaking tungkulin sa pagsugpo ng suliraning dulot
ng implasyon. Isa na rito ang pagpapatupad ng price control sa gitna ng pagtaas
ng bilihin. Sino ang labis na nakikinabang sa ganitong patakaran?
A. Konsyumer C. Pamahalaan
B. Prodyuser D. Konsyumer at Prodyuser
______9. Bakit kayang-kayang kontrolin ng monopolyo at kartel ang pagtatakda ng
presyo sa pamilihan?
A. Dahil malakas ang impluwensiya nila sa pamahalaan
B. Dahil malaki ang naipapasok nilang buwis sa ekonomiya
C. Dahil bukod tangi ang kanilang produkto o serbisyong itinitinda

P a g e 9 | 10 (Q3, M4)
D. Dahil malaki rin ang nalulugi nila sa kanilang Negosyo
______10. Alin sa mga sumusunod na sekktor ang may labis na tungkulin upang
sugpuin ang suliraning dulot ng implasyon?
A. Konsyumer
B. Prodyuser
C. Pamahalaan
D. Lahat ng nabanggit

A. PANUTO: Piliin sa mga bricks na nasa balance beam ang tumutukoy sa mga
sumusunod na pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang
_________________1. Nagaganap ito kung mas
mataas ang pinagsama-samang dami ng
demand sa lahat ng sektor kaysa sa kabuuang
dami ng produksyon ng ekonomiya.
_______________ 2. May kakayahang
kontrolin at pataasin ang presyo ng mga
produkto at serbisyo sa pamilihan.
_________________3. Ang pagtaas ng
gastusin sa paglikha ng produkto ang
siyang sanhi ng pagtaas sa presyo ng mga
bilihin.
Kapag tumaas ang
_________________4.
presyo ng mga materyales na inaangkat,
ang mga produktong umaasa sa hilaw na sangkap mula sa ibang bansa ay
tumataas ang presyo.
_________________5. Kapag mas mataas ang dami ng supply na inilalabas ng
bansa kaysa lokal na produkto sa pamilihan, magiging dahilan ito ng
pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo.

P a g e 10 | 10 (Q3, M4)
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
Name of Learner:
Grade Level:
Section:
Date:
GAWAING PAGKATUTO
Aralin 5: Implasyon
A. Ekonomiks SLOW-GAN…
Panuto: Gumawa ng isang Slogan (Slow-gan) na naglalarawan ng pagbagal o
pagka-antala ng ekonomiya bunga ng pagkakaroon ng implasyon. Isulat ang
nagawang slogan sa loob ng kahon sa ibaba.

B. Balita-Suri!
PANUTO: Basahin at unawain ang balita. Sagutan ang mga tanong na nasa ibaba.

INFLATION RATE NOONG DISYEMBRE PUMALO SA 3.5 PORSIYENTO


Pinagkunan: Bruce Rodriguez, TV Patrol, Martes, Enero 5, 2021

Ngayon, todo paghihigpit pa rin ng sinturon ang mga mamimimili gaya ni Aling Nora Candas na hindi na nga naghanda noong Pasko para lang
may pang-Medya Noche.
Si Alex Mendoza naman, pilit na pinagkakasya ang badyet para may pambili ng ulam, “Dati ang badyet mo aabot ng isang linggo n gayon ang
badyet mo ay pang-ilang araw na lang”.
Ayon sa Philippine Statistics Authority ang pagsipa ng presyo ng baboy at mga gulay ang mga pangunahing dahilan kung bakit pumalo ang
inflation sa 3.5% noong Disyembre sa pinakamataas na lebel sa loob ng halos 2 taon. ang Inflation Rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga
bilihin at serbisyo.
Paliwanag ni National Statistician Usec. Dennis Mapa, tumaas ang presyo ng karne ng baboy dahil sa problema sa African Swine Fever. Nagmahal
naman ang presyo ng gulay, tulad ng bawang, sibuyas at kamatis dahil sa mga dumaang bagyo.
Sa ngayon bahagyang bumaba ang presyo ng karne at ibang gulay kumpara noong Disyembre. Ayon kay Acting Socio-Economic Planning Sec.
Karl Chua kailangang ayusin ang supply chain sa bansa para masiguro ang stable na presyo ng iba’t ibang produkto at serbisyo. Tingin naman ni
Bangko Sentral Governor Ben Diokno pansamantala lang ang pagsipa ng inflation noong Disyembre dahil na rin sa kakulangan sa supply at
mananatiling mababa ang inflation nitong taon dahil mabagal pa rin ang takbo ng ekonomiya.

Mga Tanong:

1. Batay nabasang balita, anu-ano ang mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga sumusunod na
pangunahing produkto?
Karne ng baboy ___________________________________________________________
Gulay (bawang at sibuyas) ________________________________________________
2. Ibigay ang pananaw ng mga sumusunod na personalidad tungkol sa suliranin sa implasyon.
Sec. Karl Chua ____________________________________________________
Gov. Ben Diokno ____________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing dahilan ng pag-iral ng implasyon sa ating bansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Name of Learner:
Grade Level:
Section:
Date:
Summative Test in Araling Panlipunan 9
Quarter 3 Modyul 4

I- Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.


a. inflation c. price index
b. hyperinflation d. market basket
2. Ito ay tutmutukoy sa pagbaba ng halaga sa presyo.
a. inflation c. hyperinflation
b. deplasyon d. market basket
3. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin bawat oras, araw at linggo na naganap sa Germany noong
1920.
a. inflation c. deplasyon
b. hyperinflation d. price index
4. Ano ang tawag sa pagkaantala o pagbagal ng daloy ng ekonomiya?
a. inflation c. depression
b. recession d. hyperinflation
5. Ano naman ang kasalungat na pahayag ni tinutukoy sa number 9?
a. inflation c. depression
b. recession d. hyperinflation
6. Nagaganap ito kung mas mataas ang pinagsamasamang dami ng demand sa lahat ng sektor o aggregate
demand.
a. Demand Pull inflation c. monopolyo /kartel
b. Cost Push Inflation d. pambayad utang
7. Ang pagtaas ng gastusin sa paglikha ng produkto ang siyang sanhi ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
a. Demand Pull inflation c. monopolyo / kartel
b. Cost Push Inflation d. pambayad utang
8. Dahil bukod tangi ang kanilang produkto at serbisyong ibinebenta, kaya nilang kontrolin ang pagtaas ng
presyo nito sa pamilihan.
a. Demand Pull inflation c. monopolyo / kartel
b. Cost Push Inflation d. pambayad utang
9. Sa halip na magamit sa produksyon o pagsasaayos ng pampublikong pasilidad ang bahagi ng
pambansang badyet, ito ay napupunta sa pagbabayad ng utang.
a. Demand Pull inflation c. monopolyo / kartel
b. Cost Push Inflation d. pambayad utang
10. Isang ekonomista na ginawaran ng Nobel Prize noong 1976, ang pagkakaroon ng labis na dami salapi sa
sikulasyon o money supply ang isang dahilan kung bakit tumataas ang demand.
a. Karl Marx c. Adam Smith
b. Milton Friedman d. Arnold Howard
11. Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso. Humihina ito sa
pandaigdigang palitan na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa.
a. Kalagayan ng pagluluwas (export)
b. Pambayad-utang
c. Pagdepende sa Importasyon para sa hilaw na mga sangkap
d. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
12. Kapag tumaas ang presyo ng mga materyales na inaangkat, ang mga produktong umaasa sa
importasyon para sa hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo.
a. Kalagayan ng pagluluwas (export)
b. Pambayad-utang
c. Pagdepende sa Importasyon para sa hilaw na mga sangkap
d. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
13. Kapag mas mataas ang dami ng supply na iniluluwas kaysa lokal na produkto sa pamilihan, magiging
dahilan ito ng pagtaas ng presyo bunsod ng mataas na demand at kakulangan ng pantustos na produkto
sa loob ng bansa.
a. Kalagayan ng pagluluwas (export)
b. Pambayad-utang
c. Pagdepende sa Importasyon para sa hilaw na mga sangkap
d. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
14. Nagpapatupad ng mga polisiya at hakbangin upang masiguro at mapangasiwaan ang pangkalahatang
presyo ng bilihin. Katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), matitiyak ang pagsasaayos ng money
supply sa bansa. Maaari ring isaaayos ang mga patakarang pananalapi at piskal na
magpapatatag sa kalagayang pangekonomiko ng bansa.
a. pamahalaan c. mga prodyuser
b. mamamayan d. mga konsyumer
15. Palalawigin ang kakayahang mapataas ang lokal na produksiyon na mangangailangan ng dagdag na
manggagawa na magkakaloob ng dagdag na sahod, ito ay hindi magdudulot ng pagtaas ng presyo dahil
marami pang manggagawa ang hindi nagtatrabaho ang handing tumanggap ng mababang sahod.
a. pamahalaan c. mga prodyuser
b. mamamayan d. mga konsyumer
6. Makatutulong sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga lokal na produkto kaakibat ng pagiging matalino
at mapanuri sa anumang produktong bibilhin.
a. pamahalaan c. mga prodyuser
b. mamamayan d. mga konsyumer
17. Ano ang tawag sa pinagsamasamang dami ng demand sa lahat ng sektor?
a. aggreviate supply c. money supply
b. aggreviate demand d. shortage
18. Ano naman ang tawag sa kabuuang dami ng produksiyon ng ekonomiya?
a. aggreviate supply c. money supply
b. aggreviate demand d. shortage
19. Ano ang tawag sa bunga o resulta ng mataas na demand, pagkakaroon ng shortage at pagtaas ng
presyo ng bilihin?
a. aggreviate supply c. money supply
b. demand pull inflation d. shortage
20. Alin sa mga pahayag ang hindi kabilang tungkol sa mga dahilan ng Implasyon?
a. pagtaas ng supply c. pagbaba ng presyo sa mga pamilihan
b. pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar d. monopoly o kartel

II- Enumerasyon. Ibigay ang mga sumusunod na bilang. (10 puntos)


1. Sino- sino ang mga nakinabang sa Implasyon?

2. Sino- sino naman ang mga nalulugi ng dahil sa implasyon?

3. Mga akda ng aklat na The Economics noong 2010.

4. Mga pangunahing produkto na nabanggit sa paksa.

You might also like